Sie sind auf Seite 1von 2

Hapon

Ayon sa Nihonji, isang kasulatan ng Hapon, nagkaroon tayo ng


relasyon sa Hapon noong 645 A.D
Ang ugnayan ng ating mga ninuno sa mga hapon ay naging laganap
noong ika-13 siglo. May mga wako (mangangalakal na Hapon) na
nagtungo sa Pilipinas upang makipagkalakalan at manirahan.
Nanirahan sila sa Maynila, sa paligid ng Golpo ng Lingayen at sa
Cagayan. Sa bayan ng Agno sa Pangasinan itinatag ang sentro ng
kalakalang Pilipino at Hapon. Ang lugar ay tinaguriang “Daungan ng
Hapon”
Ipinamana ng mga Hapones sa atin ang kanilang magagandang
katangian tulad ng katapatan, kasipagan at pagkamalikhain.
Natutuhan ng mga Pilipino buhat sa mga Hapon ang maraming
industriya tulad ng paggawa ng sandata, pagkukulay ng katad at
maging ang artipisyal na pagpapalahi ng bibe at isda.

Mga Pamana

 Sinigang sa Miso
 Tempura
 Sushi
 Mickey Mouse Money
 Spa/Resort
= Wala masyadong naimpluwensiya ang mga Hapones sa Pilipinas
sapagkat sila’y 3 taon lamang nanatili sa Pilipinas, di tulad ng mga
Kastila at mga Amerikano. Gayun pa man hindi rin nagustuhan ng
mga Pilipino ang trato ng mga Hapones sa kanila kaya hindi nila
ninais na maimpluwensiyahan sila ng mga ito. =

Das könnte Ihnen auch gefallen