Sie sind auf Seite 1von 8

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IX

EKONOMIKS
Ika-27, Marso 2019

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito sa
harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
B. Pamantayan sa Pagaganap Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng
ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng impormal sa sektor----AP9MSP-IVg-15
bawat kasanayan)
Layunin:
a) Natatalakay at natutukoy ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng Impormal na Sektor
b) Naiuugnay sa tunay na buhay ang bahaging ginagamapanan ng Impormal na Sektor.

II. NILALAMAN IMPORMAL NA SEKTOR: Mga Dahilan at Epekto nito sa Ekonomiya


KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Araling Panlipunan Ekonomiks (Gabay sa Pagtuturo), Pahina 291-303

2.Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Araling Panlipunan Ekonomiks (Modyul), Pahina 430-448

3.Mga pahina sa Teksbuk


4.Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint Presentation, Projector, at mga larawan
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula Sino sa inyo ang may kakilala o nakaranas ng magbenta ng barbeque, bananacue, balut, kakanin at iba pa.?
ng bagong aralin
Masaya ba ang magbenta?

Madali bang kumita ng pera?

Ano ang mga aral na inyong natutunan buhat sa pagbebenta sa inyong murang edad?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Gawain 1: Fix Me Baby
Ayusin ang mga sumusunod na titik sa loob ng shape box upang mabuo ang mga salita o konsepto na tumutukoy sa
ibat’ ibang gawain o hanapbuhay.

ALBANDRAE GRDU PSHERU ILLGAEL GMBLINAG


ESTRET VNDORE

LABUT VEDNOR CILHD LBORA


HUNAM TFRAFCKINGIP MAINGIHLOHT

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Pamprosesong tanong:


1. Ano ang pagkakatulad ng nabuo nyong mga uri ng hanapbuhay?

2. Sa inyong palagay, maituturing ba silang bahagi ng ekonomiya? Bakit?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Gawain 2: Photo Bucket


bagong kasanayan #1 Ngayon, nais kung suriin ninyo ang mga larawan.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Pamprosesong tanong:
bagong kasanayan #2 1. Patungkol saan ang mga larawan?
2. Saang lugar mo madalas makita ang ganitong mga sitwasyon?
3. Paano mo maiuugnay ang mga larawang ito sa pamumuhay ng mga tao at sa ating ekonomiya?

Ayon sa inyo, ang mga uri ng hanapbuhay na pinapakita sa mga larawan ay itinuturing na bahagi ng ekonomiya. Sa
anong sektor ng ekonomiya kaya sila nabibilang?

Tama! Ngayong araw ating tatalakayin ang Impormal na Sektor ng Ekonomiya, mga dahilan at epekto nito.

F. Paglinang sa Kabihasan Ang mga larawan ay nagtatalakay at tumutukoy ng mga halimbawa ng hanapbuhay na kasama sa tinatawag nating
(Tungo sa Formative Assessment) impormal na sektor. Sa inyong palagay, ano ang kahulugan o ibig sabihin ng impormal na sektor?

Tumpak! Para mas lalo pa nating maintindihan ang impormal na sektor, dahilan at epekto nito ay magkakaroon
kayo ng pangkatang gawain kung saan bawat pangkat ay may ibat ibang katanungan na dapat sagutin. Mayroon
lamang kayong 15 minuto para gawin ito, pagkatapos ito ay inyong ibabahagi sa klase.

Pangkat 1: Project R.A.I.D (Read, Analyze, Interpret & Draw) gamit ang Tri-Linear Model

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nais iparating/ipahayag ng teksto?
2. Sumasang ayon ba kayo sa pangkalahatang mensahe o ideya ng teksto? Bakit?
3. Mula sa datos na nakalap sa teksto, iguhit o punan ng tamang sagot ang tri-linear model.

Kahulugan
IMPORMAL NA
SEKTOR

Mga halimbawa ng gawain


o hanapbuhay

Iba pang katawagan


Pangkat 2: Concept of Wisdom! Sabi nila, Isulat mo!
Punan sa boxes ang mahahalagang konspetong sinabi ng ilang piling tao o organisasyon tungkol sa impormal na
sektor mula sa tekstong inyong nabasa.

1. W. Arthur Lewis
2. Hedayet Ullah
Chowdhury
3. Cleofe S. Patrana
4. International Labor
Organization (ILO)
5. Cielito Habito
6. iBon Foundation
7. House of
Representatives
8. Informal Sector
Survey/National
Statistics Office
(NSO)

Pangkat 3: Teksto-Suri
Batay sa inyong tekstong binasa, sagutin ang mga sumusunod na tanong at punan ang radial cycle.

1. Ano ang pangkalahatang tema ng teksto?


2. Isa-isahing tukuyin ang mga dahilan kung bakit umiiral o lumalaganap ang impormal na sektor gamit ang radial
cycle.
3. Sa inyong palagay, makatuwiran ba ang mga dahilan kung bakit pumapasok ang isang tao sa loob ng impormal
na sektor? Bakit?
?

? Mga Dahilan ?
ng pag iral
ng Impormal
na Sektor

? ?

Pangkat 4: Cycle Matrix Chart


Gamit ang cycle matrix chart, tukuyin at ipaliwanag ang mga epekto ng impormal na sektor.

(Tatawagin bawat pangkat isa isa para ibahagi sa klase ang kanilang ginawa.)

• Ipaliwanag • Ipaliwanag

Epekto ng Epekto ng
Impormal Impormal
na Sektor na Sektor

Epekto ng Epekto ng
Impormal Impormal
na Sektor na Sektor

• Ipaliwanag • Ipaliwanag

Anong ugaling Pilipino ang ipinapamalas ng mga kasapi sa Impormal na Sektor?

Sa inyong palagay, paano nakakatulong sa mamamayan ang impormal na sektor?

Bakit mahalaga ang bahaging ginagampanan ng impormal na sektor sa ating ekonomiya?


May katanungan pa ba kayo?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay Ngayon ay dadako na tayo sa ating huling gawain pero bago yon, ito ang ating rubric (Parehong grupo lang)
Gumuhit ng isang larawan o bagay na nagtatalakay sa gawain/hanapbuhay na kabilang sa Impormal na Sektor ang
gusto ninyong matigil o wakasan na. Upang maisagawa ng maayos ang presentasyon, isaalang-alang ang mga
sumusunod na tanong.

1. Ano ang pangunahing konsepto ng impormal na sektor ang inyong ipinakita?


2. Ipaliwanag ang simbolismong ginamit upang ilahad ang inyong ginuhit.
3. Sa iyong palagay, maliwanag bang naipapakita ng inyong larawan ang konsepto ng impormal na sektor?
Pangatwiranan ang inyong sagot.

Rubrik para sa Pagguhit


Kaangkupan sa Tema 10 puntos
Masining na Paglalahad ng 10 puntos
Presentasyon
Kooperasyon at Pagkakaisa ng 10 puntos
bawat pangkat
KABUUAN 30
PUNTOS

H. Paglalahat ng Aralin Sino ang maaaring makapagbigay sa akin ng mga dahilan ng pagpasok ng isang tao sa Impormal na Sektor?

Magaling, anu-ano naman ang mga epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya?

May katanungan pa ba kayo?


I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Suriin at tukuyin ang mga pahayag kung ito ay dahilan o epekto ng impormal na sektor.

1. Ang kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at programa ay hindi
naipapatupad nang maayos kung kaya maraming mamayan ang kabilang sa impormal na
2. Pumapasok ang mga mamayan sa impormal na sektor upang mapangibabawan ang matinding kahirapan.
3. Sa kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa impormal na sektor na
kung minsan ay mga gawaing ilegal o labag sa batas.
4. Ang mga bumubuo sa impormal na sektor ay hindi rehistrado at hindi sumusunod ayon sa itinatalaga ng batas
tungkol sa kanilang operasyon, maaaring ang mga produkto o serbisyo ay hindi pasado sa quality control o standards
ayon sa itinakda ng Consumer Act of the Philippines, kung kaya’t ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay
maaaring mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan
5. Ang mga kabilang sa impormal na sektor ay hindi nakarehistro, hindi rin sila nagbabayad ng buwis mula sa
kanilang kinikita o operasyon. Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa kabuuang koleksiyon o maaaring
kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at


remediation Gawain: IFLASH REPORT MO, REPLEKSYON KO!

(Makinig sa radyo, magbasa sa diyaryo, manood sa TV o maghanap sa internet) Pagsasaliksik at pag-uulat ng


isyung may kinalaman sa Impormal na Sektor na inyong gagawan ng repleksyon at ipost sa inyong FB account at
itagged ang inyong Guro sa Araling Panlipunan IX.

Indibidwal na gawain.

Rubrik:
Nilalaman - 10 puntos
Paglalahad ng pananaw - 10 puntos
Pagkamalikhain sa nabuong pananaliksik - 10 puntos

IV. Mga Tala

V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: JESSICA E. DAITOL


Teacher Applicant

Das könnte Ihnen auch gefallen