Sie sind auf Seite 1von 34

COPYRIGHT 2018

Section 9 of the Presidential Decree No. 49 provides:


“No copy shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency or office wherein the work
is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

The original version of this material has been developed in the Division
of Negros Occidental through the Learning Resource Management and Development
Section of the Curriculum Implementation Division. This material can be reproduced for
educational purposes; modified for the purpose of translation into another language; and
creating of an edited version and enhancement of work are permitted, provided all
original work of the author and illustrator must be acknowledged and the copyright
must be attributed. No work may be derived from any part of this material for commercial
purposes and profit.

This material has been approved and published for online distribution through
the Learning Resource Management and Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph).
ANG PANGARAP NI TINA
Writer/ Illustrator: EDWIN J. PEÑA JR.

Language / Content / Illustration Editors:

LALAINE A. MARQUEZ
District LRMDS Coordinator

DANIEL T. ARREY
Principal

MARIOLINA ANGELINA L. JALWIN


Public Schools District Supervisor

Division LRMDS Quality Assurance Team:

OTHELO BEATING
Project Development Officer II, LRM

RAULITO D. DINAGA
Education Program Supervisor, LRM

Approved for the use of the Schools Division:

LEAH P. ROSAL, Ph. D.


Chief – Curriculum Implementation Division

MA. TERESA P. GEROSO, CESE DENNIS G. DEVELOS, Ph. D., CESE


OIC - Assistant Schools Division Superintendent OIC - Assistant Schools Division Superintendent

PORTIA M. MALLORCA, Ph.D., CESO V


Schools Division Superintendent
Paunang Salita

Ang aklat na ito ay sadyang inihanda para sa iyo!


Ako ay nagagalak sa hangarin mong matuto at
madagdagan ang iyong kaalaman sa pag-aaral at mabuting
asal.
Inaasahang sa pagbasa mo nito ay malilinang at
maisasabuhay mo ang mga aral na ipinapakita ng mga
karakter sa kwentong ito.
Maligayang pagbabasa!

Ang May-akda
M
ay isang hardin sa gitna ng
gubat na hitik sa mga
bulaklak.
Tahanan ito ng mga paru-paro at
iba pang uri ng mga insekto.
Isa na rito ay si Tina, ang uod.
Berde at may dilaw na batik sa
likod si Tina.
Palakaibigan at palakwento si Tina
kaya’t kinagigiliwan siya ng lahat.
Isang umaga , habang namamasyal
siya sa paligid ay nakasalubong niya
ang ibang mga insekto.
“Magandang umaga kaibigang
langgam!” bati ni Tina.
“Magandang umaga sa iyo
kaibigang salagubang!” bati ni Tina.
“Magandang umaga sa iyo
kaibigang bubuyog!” bati rin ni Tina rito.
At nagpatuloy na sa paglalakad si
Tina.
Hanggang sa narating ni Tina ang
tuktok ng isang halaman at nagsimula
nang kumain.
Habang kumakain si Tina ay napansin
niya ang isang paru-paro.
“Napakaganda naman ng mga pakpak
niya,” sabi ni Tina sa sarili.
Biglang nalungkot si Tina.
Napansin siya ni gagamba habang
naghihibla ng kanyang sapot.
“Magandang umaga Tina!” bati
ng gagamba sa kanya. “Bakit ka
biglang nalungkot?” tanong nito
kay Tina.
“Napakaganda kasi ng mga
pakpak ni paru-paro, sana naging
paru-paro na lang ako,” sagot ni Tina
kay gagamba. “Sa tamang panahon
ay makakamtan mo rin ang iyong
nais Tina,” sabi ni gagamba.
“Lahat ng insekto ay natatangi at
may angking kakayahan, iyo lamang
itong tuklasin at pagsisikapan Tina,”
dagdag pa ni gagamba at bumalik
na ito sa itaas ng puno.
Napaisip si Tina sa sinabi ni gagamba.
“Ano kaya ang ibig niyang sabihin?”
tanong ni Tina sa sarili.
At nagpatuloy sa pagkain si Tina.
Hanggang sa nakaramdam siya ng
antok dahil sa sobrang kabusugan.
Umakyat si Tina sa isang sanga at
gumawa ng kanyang matutulugan.
Ilang araw na natulog si Tina. Nagtaka
ang kanyang mga kaibigan kung bakit
hindi ito lumalabas. Kaya’t nagpasya ang
mga ito na puntahan si Tina.
“Tina... Tina... Tina?” patanong na
pagtawag ni langgam habang kinakatok
ang tulugan ni Tina.
At nagising nga si Tina.
“Magandang umaga sa inyo,” bati ni
Tina sa kanila.
Nagulat si Tina sa nakita. Tuwang-tuwa
ito dahil nagkaroon na siya ng mga
pakpak. Kaya’t lumipad siya nang
lumipad sa iba’t - ibang bulaklak katulad
ng kanyang gusto.
Natuwa ang mga kaibigan ni Tina para
sa kanya dahil sa mga pagbabagong
nangyari dito.
Ganun na lamang at naunawaan ni
Tina ang sinabi ni gagamba. “Tunay nga,
na sa tiyaga natutupad ang mga
pangarap,” sabi ni Tina sa sarili.

- Wakas -
Subject:

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Intended for:

GRADE 3

Learning Competency:

CODE LAYUNIN

EsP3PKP-Ia-13 Nakatutukoy ng natatanging kakayahan.

Nakakagawa ng mga natatanging kakayahan


EsP3PKP-Ia-14
nang may tiwala sa sarili.

Nakatutukoy ng mga damdamin na


EsP3PKP-Ib-15
nagpapamalas ng katatagan ng loob.

Values Integrated:

PALAKAIBIGAN, MASAYAHIN, MAGALANG, MATIYAGA


Si Edwin J. Peña Jr., ay
isang Teacher-1 na natuturo sa
Mababang Paaralan ng B.R. Dela
Rama, Distrito ng Murcia-I, Dibisyon
ng Negros Occidental.
Siya ay nagtapos sa kursong
Bachelor in Elementary Education taong 2013 sa Bago
City College. Naging editor ng pampaaralang pahayagan
mula sekondarya “The Solidarity” hanggang nagkolehiyo
ang “The Courier” at “The Collegian” bilang Associate Editor
ng nasabing paaralan.
Kasalukuyang tinatapos ang kanyang kurso na
Master of Art in Education Major in Educational
Management sa La Carlota City College, sa syudad ng La
Carlota, Probinsya ng Negros Occidental.

Das könnte Ihnen auch gefallen