Sie sind auf Seite 1von 2

KABANATA 23: ISANG BANGKAY

NARRATOR: Hindi nanood ng operang pranses si simoun dahil abala siya nang gabing iyon. Iba iba ang
mga taong kasama niyang umalis at bumalik ng kanyang bahay. Ikawalo ng gabi nakita niya si macaraig
sa kalye ospital malapit sa kumbento ng Sta. Clara pero nung ikasiyam nan g gabi ay nakita niya si
camaroncocido sa labas ng dulaan.

(Jeremy, mag act ka pag sinabi na ni quibin yung word na “ikawalo ng gabi”, habang binabasa ni
quibing nag aact ka pero wala kang sasabihin parang Charlie chaplin lang hahaha tas alis ka agad sa
stage pag sinabi ni quibing yung word “Sa gabing yun”)

NARRATOR:Sa Gabing yun ay hindi rin nanood si basilio sa operang pranses dahil pagkatapos niyang
tubusin si huli kay hemana penchang, wala siyang inatupag kundi alagaan si kapitan tiyago at pagbabalik
aral sa kanyang mga aralin.

(Swanepole, since ikaw yung mag aact as basilio, sundin mo yung ginawa ni Jeremy, pag sinabi ni
quibin yung word na “Sa gabing yun”, diyan ka na mag stastart na mag act parang Charlie chaplin lang
habang nag nanarrate si quibin ganun tas mag stostop ka sa word na “aralin.”)

NARRATOR: Habang lumilipas ang mga araw lumalala ang kalagayan ni kapitan tiyago kaya kailangan
niyang bawasan ang pag gamit ng opyum ngunit pag galing ni basilio sa lalawigan o kaya sa paaralan ay
nadadatnan niya si kapitan tiago na tulog na tulog, nag lalaway at maputla dahil sa pag gamit ng opyum.
Sina simoun at padre Irene ang dumadalaw sa kanya at laging binibiling ni simoun si basilio na alagaan
mabuti ang may sakit ngunit kay padre Irene naman ay binibiling kay basilio na mag trabaho pagkatapos
niya sa medisina. Nung gabing yun ay dumating si simoun habang nag rerepaso si basilio.

Simoun: Magandang gabi basilio, kamusta naman si kapitan tiago?

Basilio: Magandang gabi sa iyo simoun, lumala ang kondisyon ni kapitan tiago dahil kumakalat na ang
lason sa kanyang katawan.

Simoun: Tulad ng kalagayan ng Pilipinas…

NARRATOR: Nabigla si basilio ng narinig niya ang sinabi ni simoun samantala mag sasalita pa sana si
basilio ng…

Simoun: Makinig kang mabuti. Hindi dapat sayangin ang bawat sandali,Hindi mo man lang pala binasa
ang mga aklat na ipinadala ko sa iyo wala kang malasakit sa bayan! Hawak ko na ang pamahalaan. Ang
mataas na pinuno ay nasa dulaan ngayon ngunit hindi na sila makababalik pa at doon na mamamatay.
Kakampi ko ang mga kawal dahil naniniwala ang iba sa kanila n autos ng heneral ang pag hihimagsik at
ang iba naman ay naniniwalang utos ng mga prayle. Ang iba ay nakuha ko sa suhol at sa pangakong
bibigyan ko ng posisyon sa pamahalaan ngunit karamihan sa kanila ay nais maghinati. Maging si
Kabesang Tales ay aking kakampi. ( Jeremy try mo isumarize lahat pag di mo kayang imemorise)

Basilio: Ano?! Magkakaroon ng himagsikan?! Ano ang dapat kong gawin?

Simoun: Simple lang naman ang iyong gagawin, mamumuno ka sa pangkat ng lulusob sa kumbento ng
Sta. Clara dahil ikaw at si kapitan tiago lang ang nakakakilala kay Maria Clara. Itakas mo siya at nais kong
bigyan siya ng bagong buhay at tanging himagsikan lang ang kasagutan
Basilio: Ngunit wala na tayong magagawa! Patay na si Maria Clara kanina pang ikaanim ng hapon!

NARRATOR: Nakita ni basilio ang sulat na ipinadala ni padre salvi kay padre Irene para kay kapitan tiago,
siya na rin ang nag pabasa ng sulat kaya’t matagal at malakas ang pag iyak ang may sakit. Kaninang
hapon ay tinugtog ang kampana para kay Maria Clara

NARRATOR: Namutla at nanlisik ang mga mata ni simoun, nag sisigaw na tila isang baliw at patakbo
siyang umalis. Nakadama naman ng awa si basilio dahil sa nagging buhay nila Ibarra at Maria Clara.

(Jeremy dito sa ano part na ito mag act ka na sumisigaw nababaliw at tumakbo ka paalis ganun para
makapag bihis ka agad for the next scene)

Das könnte Ihnen auch gefallen