Sie sind auf Seite 1von 14

“Maaga pa lamang ng araw

na iyon ay nakapagsimba na
sina Maria at Tiya Isabel.
Pagkataposmag-almusal ang
mag-anak ay nagkanya-kanya
na siya ng gawain. Si Tiya
Isabel ay naglinis ng bahay
dahil sa mga kalat bunga ng
hapunan ng nakaraang gabi.
Nagbuklat naman ng mga
kasulatan tungkol sa
kabuhayan si Kapitan Tyago.
Si Maria Clara ay nanahi
habang kausap din ang ama
upang malibang ang sarili
sapagkat ngayon ang araw ng
kanilang pagkikita ni Ibarra at
siya ay hindi mapakali sa
pananabik na masilayan ang
kanyang sinisinta.
Napagpasyahan na siya ay
magbakasyon sa San Diego
sapagkat nalalapit na ang
pista doon. Pamaya-maya ay
dumating na si Ibarra at hindi
maikakailang nataranta ang
dalaga. Pumasok pa ito sa
silid-dalanginan at tinulungan
naman siya ni Tiya Isabel na
ayusin ang sarili,lumabas rin
ito at nagkita ang dalawa sa
bulwagan. Nagtama ang
kanilang paningin at kapwa
nagkaroon ng kaligayahan sa
kanilang mga mata. Nagtungo
sila sa balkonahe upang
makapag-sarili at makaiwas na
rin sa alikabok na likha ng
pagwawalis ni Tiya Isabel.
Masinsinang nag-usap ang
dalawa tungkol sa kanilang
nararamdaman sa kanilang
mga sinumpaan sa isat-isa sa
kanilang kamusmusan sa
kanilang naging tampuhan at
mabilis na pagbabati. Kapwa
itinago ng dalawa ang mga ala-
ala at bagay na ibinigay nila sa
isat-isa ang dahon ng sambong
na inilagay ni Maria Clara sa
sumbrero ni Ibarra upang
hindi ito mainitan at ang sulat
ni Ibarra kay Maria bago ito
tumulak papuntang Europa.
Binasa ito ni Maria Clara sa
katipan. Kabilang sa sulat ang
layunin ni Don Rafael na pag-
aralin si Ibarra sa malayong
lugar upang makapaglingkod
ng mataas na kalidad sa
bayang sinilangan. Handa rin
itong magtiis na mawalay sa
anak upang sa bandang huli ay
maibigay nito sa bayan ang
kanyang hangarin. Dito
natigilan si Ibarra dahil
naalala nito na bukas ay undas
at marami siyang kailangang
gawain. Nagpaalam na ang
binata at pinagbilinan ni
Kapitan Tyago si Ibarra na
sabihin sa kanyang katiwala
na sila ay magbabakasyon
doon. Hindi naman mapigilan
ni Maria na maluha dahil sa
pangungulila kay Ibarra kaya’t
sinabihan siya ng kanyang
ama na ipagtulos si Ibarra ng
dalawang kandila at ialay sa
santo ng manlalakbay.

Das könnte Ihnen auch gefallen