Veloso, Ella Beatrice Ikalawang Mahabang Pagsusulit
PH 103 A Marso 27, 2019
Nakikitagpo ang Diyos sa tao sa banal na lugar. Sa banal na lugar nakakatagpo ng tao ang misterium tremendum/ familiaris/ludens
Ang teknikal na karanasan ng karanasang relihiyoso ay ang pakikipagtagpo sa isang personang
sumasaibayo at may kapangyarihan. Ngunit, paano nga ba nagpapakita ang banal na ito? Mayroong karanasan ang isang nagppresensiyang persona na nagdirito sa isang konkretong paraan. Ngunit, magkaiba ang pakikitagpo ang personang ito sa pakikitagpo sa kapwa-tao. Iba ang pakikipagtagpo ng karanasang relihiyoso. Pareho silang may pagharap sa hiwagang nakikipagkapwa, ngunit hindi materyal ang banal. May mga bagay o pangyayari na nagpepresensiya ang banal. Ito ay tinatawag na hieropaniya, o pagpapakita ng banal. Ang pagpapakita ng banal ay hindi itinatakda ng tao. May mga panahon o lugar na sadyang nagpepresensiya ang banal, at tinatanggap ito ng relihiyoso bilang isang banal na panahon o lugar. Samakatuwid, pag nakakatagpo natin ang banal, nakikita na hindi ito dahil may meron tayong ginawa, pero dahil may hieropaniya. Sa isang paraan, tumawid ang banal at nagpapahayag sa ating realidad. May nakakatagpo tayong nagppresensiya, na nasa ibayo ng ating pag-uunawa, pero nakikipagtagpo sa atin, at ang pagtatapong ito ay nagsisilbi bilang ating bukal na kahulugan at batayan sa pagmemeron. Isa sa mga hieropaniya ang banal na lugar. Ang bawat banal na lugar ay may implikasyon ng hieropaniya na nahihiwalay ito sa kaniyang paligid, at ginagawa itong kakaiba. Ipinapakita dito na may isang lugar na bahagi ng chaos ng katalagahan, at biglang nagpresensiya yung banal kaya ang relihiyoso ay nais manahan doon kasi doon siya nagkakaroon ng kaayusan at kahulugan. Makikitang iba ito sa karanasan ng taong sekular, o taong hindi relihiyoso. Para sa kaniya ang banal na lugar ay walang pagkakaiba sa kaniyang paligid—ang lupa ay lupa. Lagi niyang inuuwi ang lupa sa kaniyang sarili, at ang pagtugon niya dito ay ukol sa pagmamanipula ng lugar na ito. Ngunit para sa relihiyoso, may halaga ang lugar na ito. Mahalaga na may lugar na makakatagpo yung sumasaibayo. Kapag nakikitagpo ang sumasaibayo sa banal na lugar, nagkakaroon ng karanasan ng pagkabuo ang relihiyoso. Nakikitagpo ang sumasaibayong higit sa atin bilang bukal na pagka-malikhain ng meron. Sa pakikipagsapalaran sa puntong ito ng pagppresensiya ng banal, higit siya nagiging kaniyang sarili, mas natutupad ang kaniyang sarili. Nakikipagsapalaran tayo sa isang sumasaibayong meron sa isang tunay na paraan. Masasabi na ang hinahanap ng taong relihiyoso ay ang sentro ng kaniyang sarili. Nais niyang matuklasan ang potensya na maging buo. Pag nagpepresensiya ang banal sa kaniya, nakakaramdam siya ng pagnanahan. Pag nakakatagpo niya ang banal, mas nagiging buo siya. Ang banal ang bukal ng pagmemeron niya, at babalik at babalik siya sa banal na lugar. Ang sumasaibayong ito ay ang batayan at bukal ng kaniyang pagmemeron. Pinapatibay nito ang kaniyang pagmemeron. Kailangan ito ng tao dahil marupok ang pagmemeron ng tao dahil ang kaniyang pagmemeron ay pagmemeron tungo sa kamatayan. Ngunit, hindi iyan ang huling salita dahil habang ang tao ay bunibukas ang kaniyang sarili sa pagpepresensiya ng sumasaibayong bukal ng kaayusan. Ang karansanan ng taong relihiyoso ay merong isang mahiwagang nagppresenta sa kaniya na hindi niya maipaliwanag, at hindi mahuli sa katwiran. Ang banal ay nararanasan bilang may pag-aalaga sa lahat-lahat hanggang lampas as hindi niya alam. Possible talagang merong nagppresensiya na di mahuli-huli, at mapaliwanag, kaya sinasabi na ang karanasan sa banal ay mysterium. Partikular yung karanasan ng mga taong relihiyoso sa misteryong ito. Madalas nilang nararanasan ang mysteryong ito bilang mysterium tremendum, fascinosum, at ludens. Ang ibig sabihin ng misterium tremendum ay umiiral ka sa isang bagay na napakahigit, na kumilos lang ito, lumapit lang ito, pwede ka nang maging wala. Tumutugon ang kalooban sa pagppresensuya ng bagay bilang isang tremendum. Hindi lamang ito takot, pero isa siyang paghanga, pagkilala sa kapangyarihan ng sumasaibayo, at pagdanas sa kakaiba at hindi kilala. Ang ibig sabihin ng misterium fascinosum ay nararanasan ang banal bilang sukdulan ng ginhawa sa pamilya ng tao. Nakakatagpo mo ang isang ganap na kaiba pero isang ganap na kaiba kung saan ka nananahan. Sabay ng pagkamulat ng tremendum, nabbighani ka kasi tinatawag ka kasi dito talaga ang tahanan mo. Nabibihag ka at nakikilala mo na ang tunay mong tahanan ay nasa banal. Nararansan ang banal bilang tunay na tahanan, lugar na pwede silang mapayapa at manatili. Naisasalamin ito ng salmong “Truly my soul finds rest in God; my salvation comes from him. Truly he is my rock and my salvation; he is my fortress” Kailangang sabay na nagaganap ay mysterium tremendum at mysterium fascinosum. Ang mga taong nararanasan ang tremendum lamang ay maaring mapuspos, at lalong maramdaman ang pagkakahiwalay at pagkakaiba ng kanilang pag-iral. Maaring lalong lumayo ang taong ito sa sumasaibayo. Kung fascinosum lamang ang nararanasan, nagiging maramdamin lamang ang tao, at hindi niya iniintindi ang mga kahihinatnan ng kaniyang mga gawain. Kaya ang mysterium, ay mysterium tremendum et fascinans, ang nananabik na paglapit ay kasabay na magalang na pag-urong. Nanginginig ang tao, nakikipagtagpo siya sa mysterium tremendum. Sa kaniyang tahimik at sabik na pagtanggap, nakikitagpo siya sa mysterium fascinosum. Ang sunod na mysterium ay ang mysterium ludens. May trahedya at kadiliman ng buhay ng tao, pero laging nakatali ang pag asa doon. Pinapakita na ang pagmemeron ay di lang basta pag-iiral, pero isang walang hanggang kayamanan. Pinapakita sa mysterium ludens na ang karansan sa banal ay isang mapaglarong walang hanggang pagbibigay kaya walang hanggang kayamanan ang karanasan sa meron. Yung meron ay isang walang hangagn kayamanan na umuusbong at sumisibol at ang nagpapasibol nito ang larong nagbibigay. Walang hanggang kayamanan ang ating karanasan sa pagppresensiya ng mga bagay bagay. May mga tao na natatauhan na bahagi ng pananabik ng kalayaan ang pagbubuklod ng sarili sa kapwa kaya humuhubog sila ng matibay na pagkabuklod ng tao sa tao. May isang hiwaga na di natin mapaliwanang, pero may mga pagkakataon na nararanansan natin ang laro ng pagbibigay nito. Kasama tayo sa larong nagbibigay, inaanyayahan tayong sumali sa larong ito na payamanin pa ang mga nagmemeron. Inaanyayahan tayong makibahagi sa larong higit sa atin. Yung karanasan ng katagalahan ay karanasanan ng pagppresensiya ng mysteriym trememndum fashonosum, at ludens din. Yung damdamin ay karanasan na ginigising ang iyong damdamin at nararanasan ng may nagpepresensiyang banal.