Sie sind auf Seite 1von 7

Bulacan State University

Guinhawa, City of Malolos, Bulacan

Second Semester
2018-2019

Readings in the Philippine History


Narrative Report
29 April 2019

Denmark Jose
Instructor

Macapagal, Christine Deanne L.


BS ECE 1C
Ang papel na ito ay isang naratibo ukol sa mga taong may karanasan noong mga panahon

ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Rebulusyon sa EDSA. Kami ay naatasang magsaliksik ng

mga impormasyon galing sa mga taong may direktang karanasan sa nasabing mga panahon. Ito

ay magsisilbing proyekto sa aming asignaturang Readings in the Philippine History na

pinangangasiwaan ng ang aming tagapayo na si Ginoong Denmark Jose. Ang mga panahon na

ito ay kabilang sa mga tanyag na pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Isa sa mga ito ay ang

Rebulsyon sa EDSA na naganap noong ika-dalawampu’t dalawa hanggang ika-dalawampu’t

anim ng Pebrero taong- isang libo anim na raan walompu’t anim sa lugar ng Maynila. Sa

panahong ito nagkaroon ng tuloy-tuloy na pakikipaglaban ng mga sibilyan salungkat sa mahigpit

na pamumuno ng administrasyon. Ang isa pang tanyag na pangyayari ay ang Ikalawang

Digmaang Pandaigdig na nagsimula noong taong- isang libo siyam na raan taltompu’t siyam at

natapos noong taong- isang libo siyam raan apatnapu’t lima. Ito ay ang digmaan sa pagitan ng

dalawang magkalabang liga, ang Allies at Axis, kung saan binubuo ng mga makapangyarihang

bansa. Humigit-kumulang isandaang milyong mga tao mula sa tatlumpung mga bansa ang

tinatayang naapektuhan ng labis dulot ng digmaang ito.

Sa gawaing ito ay kinakailangan naming humanap ng mga taong nakaranas ng mga

nakasaad na pangyayari na hindi naming direktang nasaksihan upang makadagdag ito sa aming

kaalaman at upang mas maintindihan at mas malinawan kami, bilang mga estudyante na nag-

aaral ng asignaturang ito.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Pagkabigay nitong gawain ay pagtatanong sa aking mga magulang ang aking unang

ginawa. Ako ay nagtanong kung sila ba ay may kakilala pang nabubuhay noong panahon ng
Ikalawang Digmaang pandaigdigan. Marahan silang nag-isip ngunit sa kasamaang palad ay wala

nang nabubuhay pa sakanilang mga kakilala. Kami rin ay nagtanong-tanong sa aming mga

kakilala ngunit kami ay hindi rin pinalad na makahanap ng may kamag-anak o kakilala na

nabuhay noong panahon na iyon. Nagbigay ng suhestyon ang aking ina na bumisita sa isang

Home for the Aged na nagbabakasaling makahanap ng matandang nakaranas at naka-aalala ng

panahong iyon. Subalit, kami ay hindi rin pinalad sa kadahilanang hindi maaring makapanayam

ang mga nasabing matatanda. Isang madre ang aming naka-usap at base sakanya ay hindi

maaring makapanayam ang matatanda dahil ito ay isang pribadong institusyon at ayon rin

sakanya ay karamihan sa matatanda ay ulyanin na at hindi na rin makaka-usap pa ng maayos.

Kinagabihan, sa aking pag-uwi ay naalala ko na may binisita kami dati na lola ng aking

isa pang tiyahin na matanda na. Gamit ang messenger ay nagpadala ako ng mensahe sa aking

tiyahin na nagtatanong kung ang lola niya ay naabutan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pagkatanggap ko ng kanyang mensahe na nagsasaad ng positibong balita. Agad-agad akong

nagtanong kung maaari ba itong makapanayam. Nang natanggap ko ang kanyang pagsang-ayon

ay nagpresinta ako na puntahan ang nasabing matanda sa kaanilang tahanan.

Siya si Ginang Carolina Martinez, nakatira siya sa Compound Clavio, Matimbo, Bulacan.

Siya ay pinanganak noong ika-dalawampu’t tatlo ng Marso taong- isang libo siyam na raan

tatlumpu’t anim. Siya ay limang taong gulang noong naganap ang Ikalawang Digmaang

Pandaigdig. Isa siya sa limang magkakapatid. Siya ay walumpu’t tatlong gulang na. Noong

panahon na iyon ay sila ay namamalagi sa tabi ng isang paaralan na malapit lang din sa kanyang

tahanan sa kasalukuyan. Ang kanilang pamumuhay noong nasabing panahon ay hindi ganong

pinalad. Sumasapat lamang sa pang araw-araw na pangangailangan. Ayon kay lola ay siya ay

bata pa lamang ng naganap ang digmaan. Nasambit niya na lagi lamang siyang kalong-kalong ng
kanyang nakatatandang kapatid upang maprotektahan. Ayon kay lola ay hindi madali ang

nagging buhay noong panahon ng digmaan. Kinakailangan mong magtago sa mag sinipok na

palay upang makaligtas sa mga sundalong hapon. Hindi nagging maganda ang pagtrato ng mga

hapon sa atin. Hindi rin nagging madali ang paghanap ng makakain para sakanila. Mais ang

pangunahin nilang pagkain. Nabanggit din niya na maswerte na ang makakain sa panahong iyon

dahil hindi lahat ay may kakayahang makahanap ng matinong makakain. At nabahagi niya rin na

kapag sila ay kumakain ay hindi maaring gumawa ng tunog sa kadahilanang

madamingmanghihingi. Hindi ito dahil sa kadamutang kung hindi dahil sapat lamang ang

kanilang pagkain para sa kanilang pamilya na kadalasan ay kulang pa. Nabahagi rin ng Ginang

na ang pagsakay sa malaking bangka ang ginagamit nilang transportasyon upang makapunta ng

Maynila. Susuungin nila ang mga ilog upang makaluwas ng Maynila.

Mahirap man ang mga naranasan ay nanatiling masayahin si lola. Isa daw sa mga

naging sandigan niya ay ang Panginoon. Hindi naging madali sa mga tao noon ang mabuhay ng

may digmaang nagaganap ngunit kailangan lang daw ipagpatuloy ang buhay. Masaya ang naging

panayam kasama si lola. Siya ay isang taong punong-puno ng pag-asa. Pinalalahan niya din ako

na mag-aral mabuti para sa ating bansa.

Rebulusyon sa EDSA

Kumpara sa paghahanap ng taong nakaranas ng Ikalawang Digmaan Pandaigdigan ay

mas naging madali ang paghanap ng taong naksaksi ng Rebulusyon sa EDSA. Hindi naging

mahirap ang pagsaliksik sa kadahilanang ang aking lola ay nasaksihan ang ibang mga

pangyayari. Ngunit nagpatuloy ako sa pagsaliksik dahil kaunti lamang ang impormasyong
maibibigay ng aking lola dahil noong panahon na iyon ay siya ay nakadestino sa Bulacan kung

saan hindi naman gaanong naapektuhan ng nasabing aktibidad. Ngunit sa aking paghahanap ay

hindi rin ako nakahanap ng iba pang may mga kakaibang karanasan dahil na rin siguro sa lugar.

Ngunit ngayong gabi bago ko isulat ito ay may nakilala ako na may mahalagang gampanin

noong panahon na iyon. Pumunta ako sa bahay ng kaklase ko upang magpaturo ng ibang mga

aralin para sa aming mga pagsusulit para kinabukasan. At dito niya naipakilala ang lolo niya

nakabilang sa Presidential Security Group ng bansa noong panahon ng Rebulusyon sa EDSA.

Siya si MSGT Venancio P. Leal PA. Pinanganak noong ika-dalawampu’t siyam ng

Marso taong- isang libo siyam na raan limampu’t pito sa Nueva Ecija. Siya ngayon ay

animnapu’t dalawang gulang at kasalukuyang nakatira sa San Fransisco, Bulakan, Bulakan. Isa

siya sa mga PSG o Presidential Security Group noong rehimen ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Isa siya sa nakasaksi ng mga pangyayari noong nag-aaklas na ang mga tao dahil nandoon siya sa

palasyo ng Malacañang upang bigyang seguridad ang pangulo.

Ipinaliwanag niya kung pano at bakit nag-umpisa ang pag-aaklas ng mga tao.

Ayon sa kanya ay nagkaroon ng pagkakahati ang militar. Ang iba ay nagpasyang magrebelde

laban sa gobyerno at ang iba ay nanatiling tapat kay Pangulong Ferdinand Marcos. Dito nabuo

ang samahng RAM o ang Reformed Armed Forces Movement. Ito binubuo ng mga military na

nagtatag ng coup d’état. Nakahikayat ang grupo ng RAM ng mga mamamayang susuporta sa

kanila sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa mga istasyon ng radyo tulad ng Radyo

Veritas. Ito lamang ang natatanging istasyong nagbabalita laban sa administrasyon sa

kadahilanang binabantayan ng mga sundalo ang mga iba pang istasyon.

Binigyang halaga niya ang pagbantay niya noong mga panahong susugurin ang Palasyo

ng Malacañang. Siya ay inatasang bantayan ang gilid na pintuan ng palasyo. Ayon sa kanya
matagal nang nakakatunog ang PSG na may magaganap na coup d’état kaya sila ay handa rin sa

mga maaring mangyari sa mga araw na iyon. Ngunit may mga pangyayaring naganap na wala sa

plano. Iyon ay ang pagtakas ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ibinahagi niya kwento mula sa

paghahakot ng mga gamit nito hanggang sa utos ng pangulo na dalhin siya sa Paoay na ang

katotohanan ay Hawaii.

Ang mga pangyayaring ito ay hindi nakaapekto sa paglilingkod niya sa bayan. Siya ay

labingdalawang taon pang nagsilbi para sa mga sumunod pang mga pangulo. “I am not loyal just

for the presidents, but I serve for the people of this nation”.
Larawan ko at ni G. Venancio

Larawan ni G. Venancio P. Leal

Larawan niya noong panahon ng


Rebolusyon

Larawan ni Ginang Carolina Martinez

Larawan ko kasama si Lola

Das könnte Ihnen auch gefallen