You are on page 1of 6

The Sixth Word: “It is finished!

” (John 19:30)

Reflection

I never saw a more difficult film to watch than Mel Gibson’s The Passion of the Christ. For most of that movie I wanted to avert my eyes.

It was horrible to watch even a cinematic version of a crucifixion. And it was beyond comprehension to think that this actually happened

to somebody, and not just anybody, but my Lord and Savior. I had studied the crucifixion before, and knew in my head what Jesus

experienced. But seeing a visual presentation of his suffering was almost more than I could bear. WhenThe Passion of the Christ was

over, I felt palpable relief. Thank goodness it was finished.

When Jesus said “It is finished,” surely he was expressing relief that his suffering was over. “It is finished” meant, in part, “This is finally

done!” But the Greek verb translated as “It is finished” (tetelestai) means more than just this. Eugene Peterson captures the full sense of

the verb in The Message: “It’s done . . . complete.” Jesus had accomplished his mission. He had announced and inaugurated the

kingdom of God. He had revealed the love and grace of God. And he had embodied that love and grace by dying for the sin of the world,

thus opening up the way for all to live under the reign of God.

Because Jesus finished his work of salvation, you and I don’t need to add to it. In fact, we can’t. He accomplished what we never could,

taking our sin upon himself and giving us his life in return. Jesus finished that for which he had been sent, and we are the beneficiaries

of his unique effort. Because of what he finished, you and I are never “finished.” We have hope for this life and for the next. We know

that nothing can separate us from God’s love. One day what God has begun in us will also be finished, by his grace. Until that day, we

live in the confidence of Jesus’ cry of victory: “It is finished!”

Questions for Reflection

Do you live as if Jesus finished the work of salvation? To you have confidence that God will finish that which he has begun in you?

Prayer

How can I ever find words to express my gratitude to you, dear Lord Jesus? You did it. You finished that for which you had been sent,

faithful in life, faithful in death. You accomplished that which no other person could do, taking the sin of the world upon your sinless

shoulders . . . taking my sin so that I might receive your forgiveness and new life.

All praise be to you, gracious Lord, for finishing the work of salvation. All praise be to you, dear Jesus, for saving me! Alleluia! Amen.

IKA-6 NA WIKA"NAGANAP NA." (Juan 19:30)


Sa Kasalan sa Cana, sinabi ni Hesus kay Maria noong sinabihan Siya ng Kanyang Ina na gumawa ng paraan para sa mga alak, ang
sinabi Niya, "Hindi pa ito ang oras ko." Ngayon, dumating na ang oras ni Hesus.

Ano ang oras ang tinutukoy ni Kristo? Oras ba ng pagkamatay Niya? Iyan ang pinakamahalata. Kung halatang-halata na ilang oras
kang nakabitin at nanghihingalo ka sa krus, sasabihin mo pa ba ang pinakamahalata?

Tetelestai. It is finished. Consummatum est. Naganap na. Ano ang naganap sa pagkakataong ito? Binayad na ni Hesus ang mga
kasalanan natin. Sa pamamagitan ng pagsabi ng Tetelestai, Consummatum est, o Naganp na, binayad na tayo mula sa napakaraming
mga kasalanan natin. Maaaring ito'y maging isang malaki o maliit na kasalanan lamang.

Napakaraming mga kasalanan ang ginawa natin araw-araw. Higit na pito pa nga ang ginagawang mga kasalanan sa isang araw. Tayo,
bilang tao, ay hindi maaaring tanggapin bilang isang hain sa krus. Noong tayo ay nalugmok sa pagkakasala, kinailangan natin ng isang
tagapagligtas. Isang tagapagligtas na magbabayad para sa ating mga kasalanan. Ang maaring magligtas sa atin ay tao, sapagkat ang tao
ay nagkasala. Samantala naman, ang Diyos rin ang dapat magligtas sa atin. Kaya, kinakailangang tao at Diyos ang magliligtas sa atin.
Ang Tagapagligtas na isinugo ng Diyos ay ang Panginoong Hesukristo.

Marami po sa atin ang natutuwa sapagkat matatapos na ang Siete Palabras oSeven Last Words. Ito ay dahil sa Ingles na pagsasalin ng
wikang ito na It is finished. Ngunit, imbes na matuwa dahil matatapos na ito, dapat nating isipin ang sakripisyong ginawa ng
Panginoon sa Krus. Isipin rin natin kung paanong binayad tayo mula sa napakarami nating mga kasalanan. Magpasalamat tayo sa
Diyos para kay Hesukristo sapagkat dahil kay Hesukristo, tayo ay binayad mula sa ating mga kasalanan.

Talung-talo na si Hesus sa unang tingin. Habang nakabayubay sa krus, walang kalaban-laban at pag-asa ang Panginoon. Ang
Panginoong Hesus ay bugbog sarado, dugong dugo na, at walang-wala. Inaakala ng demonyo na siya na ang nagwagi. Natalo sa kanya
ang Diyos. Subalit, nang sinabi ni Hesus ang mga salitang, "Naganap na," ang demonyo ay natalo. Kahit anong ginawa ng demonyo,
hindi siya nanalo. Sa pamamagitan nito, tayo ay pinalaya sa pagkabihag natin sa ating mga kasalanan.

Ang dugo ni Hesus ay patuloy na dumadaloy at dumadanak sa lupa. Sa pamamagitan nito, unti-unting naibabayad ang sangkatauhan
mula sa kanilang mga kasalanan. Inililinis rin ang mga makasalanan mula sa kanilang mga kasalanan. Ang dugo ay simbolo ng
pagwagi ng Diyos laban sa kasalanan.

Dapat ngang magpasalamat tayo sa Diyos. Sapagkat kung hindi dahil sa pagkamatay ni Kristo, hindi tayo maliligtas. Patuloy tayong
magiging mga alipin ng ating mga kasalanan. Ipinapamalas ni Kristo sa pamamagitan ng pagpanaw Niya sa Krus ang dakilang
pagmamahal ng Diyos. Mahal na mahal tayo ng Diyos. At dahil mahal na mahal Niya tayo, pinadala ng Diyos ang Kanyang Bugtong
na Anak. Ito ay upang palayain tayo mula sa pagkaalipin sa ating mga kasalanan.

Ang Krus, na dating nangangahulugan ng kapahamakan, ay naging simbolo ng kaligtasan ng tao. Natupad ang plano ng kaligtasan ng
Diyos sa pamamagitan ng Krus. Tapos na ang misyon ni Hesus. Nawa, kapag dumadaan tayo ng mga simbahan at nakikita natin ang
Krus, isipin natin ang dakilang pagmamahal ng Diyos. Ang Krus ay tanda ng dakilang pagmamahal ng Diyos at ang Kanyang
tagumpay laban sa kasalanan. Hindi lamang tagumpay ng Diyos ito, tagumpay nating lahat ito. Sa tulong ng Diyos, natalo natin ang
demonyo at pinalaya mula sa kasalanan.

“It is finished”
John 19:30 Jesus drank the wine and said, “It is finished!” Then he bowed his head and gave up his spirit.
Many people believe that when Jesus died on the cross, He failed on His mission.

But Jesus, knowing that everything will come to Him and all were just a fulfillment of what were already written in the scriptures,
says “IT IS FINISHED.” It is from the Greek word teleō (tel-eh’-o) which means to end, that is, complete, execute, conclude,
discharge (a debt): – accomplish, make an end, expire, fill up, finish, go over, pay, perform.
Jesus announces His victory that everything was done according to the will of God. His bitter cup, His sufferings and all His tasks
ended and all were completed according to full purpose of God. As an example, Jesus was obedient to the will of His Father. As we all
know, the Father and Jesus are ONE, therefore, He was just setting an example to be followed.

Php 2:5 The attitude you should have is the one that Christ Jesus had:
Php 2:6 He always had the nature of God, but he did not think that by force he should try to remain equal with God.
Php 2:7 Instead of this, of his own free will he gave up all he had, and took the nature of a servant. He became like a human being
and appeared in human likeness.
Php 2:8 He was humble and walked the path of obedience all the way to death— his death on the cross.
Apostle Peter explains how Jesus left us an example to follow. As a Christian, we have to learn that we must follow what Christ did, to
be humble like Christ did, to be obedient like Christ did and to finish all the tasks faithfully in the glory of the Father.
1Pe 2:21 It was to this that God called you, for Christ himself suffered for you and left you an example, so that you would follow in
his steps.
1Pe 2:22 He committed no sin, and no one ever heard a lie come from his lips.
1Pe 2:23 When he was insulted, he did not answer back with an insult; when he suffered, he did not threaten, but placed his hopes in
God, the righteous Judge.
1Pe 2:24 Christ himself carried our sins in his body to the cross, so that we might die to sin and live for righteousness. It is by his
wounds that you have been healed.
Jesus made a very important announcement here, that if He finished all His tasks, we too, should finish what are to be done. It will not
be easy. There will be trials and tests. But God’s help is always there for us. Yes, Jesus have conquered and finished everything in this
world and He encourages us to do the same. John 16:33 I have told you this so that you will have peace by being united to me. The
world will make you suffer. But be brave! I have defeated the world!”
Apostle Paul shares the secret of how to accomplish God’s will, that is, keeping ourselves in control of all circumstances of our lives
as we perform the duty of a servant of God. We have to do our best until the end, run the race, keep the faith and endure everything,
even all the sufferings.

2Ti 4:5 But you must keep control of yourself in all circumstances; endure suffering, do the work of a preacher of the Good News,
and perform your whole duty as a servant of God.
2Ti 4:6 As for me, the hour has come for me to be sacrificed; the time is here for me to leave this life.
2Ti 4:7 I have done my best in the race, I have run the full distance, and I have kept the faith.
2Ti 4:8 And now there is waiting for me the victory prize of being put right with God, which the Lord, the righteous Judge, will give
me on that Day—and not only to me, but to all those who wait with love for him to appear.
Our tasks is clear, to perform the role given to us by God, to fulfill our purpose of existence, to live according to His purpose and not
according to our own purposes, to obey God’s will and follow all His commandments, and if we accomplish everything, like Christ
did, we can also say that it is finished.

Mic 6:8 He has made clear to you, O man, what is good; and what is desired from you by the Lord; only doing what is right, and
loving mercy, and walking without pride before your God. (BBE)
Summary: Finish the task given to us by God.

ANG IKA-ANIM NA HULING WIKA


“NATUPAD NA.”(Jn 19:30)
Ang Ika-anim na Huling Wika ni Jesus ay mula sa ebanghelyo ayon kay San Juan. Maaalala nating sa ikalawang kabanata ng
ebanghelyo ni San Juan din natin unang narinig kay Jesus ang mga katagang “hindi pa sumasapit ang oras Ko.” Sinabi Niya ito sa
Mahal na Inang Maria sa kasalan sa Canaa, hindi ba?

“Hindi Ko pa oras” – pero ngayon, oras na Niya! Oras na nga ng Kanyang kamatayan. At yaon din ang oras ng Kanyang
kaluwalhatian. Bakit oras ng Kanyang kaluwalhatian ang oras ng Kanyang kamatayan? Dahil ang oras na ito ang hudyat ng Kanyang
paghahari sa sanlibutan matapos Niyang lubusang magampanan ang Kanyang misyon sa daigdig. Kaya, hindi Siyang nangingiming
ipagsigawan: “Tetelestai!”

Ang sabi ni Jesus, “Natapos na. Natupad na” at hindi, “Matatapos pa lang” o “Patapos na.” Napakalinaw – tapos na raw. Telelestai!
Ang pangungusap na binubuo ng dalawang salita sa ating wika – Natapos na – ay isang salita lamang sa orihinal na wika ng
Ebanghelyo: tetelestai. Mula sa mga nadiskubreng matandang papyri o sulatan ng mga Griyego, ang salitang “tetelestai” ay
karaniwang ginagamit noong unang panahon para sabihing “Bayad na.” Sa madaling sabi, resibo. Noong panahon ni Jesus, kapag
nagbayad ka ng buwis, bibigyan ka ng resibong tinatakan ng tetelestai na ang ibig sabihin ay “Bayad na ang buwis ng taong ito.”

Pero hindi lamang tungkol sa pagbabayad ng pagkakautang ginagamit ang katagang tetelestai. Ang tetelestai ay hiyaw rin ng taong
panalo. Ang tetelestai ay sigaw ng tagumpay. Kaya kung ikaw ay bayad na, kung ikaw ay wagi, isigaw: Tetelestai!

Pero teka, nang gamitin ni Jesus ang katagang ito, nakapako Siya sa krus. Magpapako ka muna bago ka magsisisigaw diyan. Biro
lang, dahil hindi na mo nang kailangang magpapako kasi ang ibig sabihin nga ng tetelestai ni Jesus ay ito: Hindi na kailangan at hindi
na tayo dapat magpapako sa krus. Bakit? Kasi nga tetelestai. Natapos na ito ni Jesus. Nagawa na Niya ito para sa atin. At ganap, buo,
lubos, walang labis at walang kulang Niyang ginawa ang nararapat para sa ikatutubos natin. Nabayaran Niya nang buung-buo ang
ating utang. Napagtagumpayan na Niya nang lubos ang kasalanan at ipakikita Niya ito sa magmuling-pagkabuhay Niya. Ito pa nga
ang panunuya ni San Pablo Apostol sa kamatayan: : “Nasaan, kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong
kamandag?” (Where, O death, is your victory? Where, O death, is your sting?) (1 Cor 15:55). Parang sinasabi ni San Pablo, “O, ano,
kamatayan, wala ka palang binatbat! Itsura mo lang. Tse!”

“Tetelestai.” “It is finished.” Natapos na. Naganap na. Sinasabi sa atin ni Jesus, “Bayad ka na. Wala ka nang utang. Sinagot Ko na.”

Tinubos tayo ni Jesus mula sa walang patutunguhang pamumuhay at kaalipinan. Pinalaya na tayo ni Jesus. Huwag na tayong muling
magpapalipin pa. Natapos na ang ating pagiging mga alipin. Huwag na tayong muling magpapagapi sa anumang uri ng tanikala. Ito
ang sabi ni San Pablo Apostol: “Pinalaya tayo ni Kristo para sa kalayaan. Maging matatag, kung gayon, at huwag nating hahayaang
magdusa tayong muli sa pasanin ng pagkaalipin” (Gal 5:1).

“Tetelestai.” “It is finished.” Natapos na. Masasabi lang din natin ito kung pagsisikapan nating hindi na muling magkaroon ng utang
na dapat bayaran, ng kasalanang dapat ihingi ng kapatawaran. Masasabi lang din natin ito kung gagawin natin ang lahat upang
manatili sa atin ang tagumpay na nakamit ni Kristo. Kapag tayo ay nagba-backslide o patuloy na namumuhay na talunan, hindi pa
natin oras para sabihing “Tetelestai”. Kapag gayon, sa halip na tetelestai, ang dapat nating sabihin ay “nilulustay!” Nilulustay natin
ang tagumpay ni Jesus para sa atin. Winawaldas natin ang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Ikaw, oras mo na rin ba? Ang oras mo rin ba ay oras ng kaluwalhatian? Ano ang sigaw ng oras mo: tetelestai o nilulustay?

Fr. Roman Santos, O.P., of the Convent of St. Raymund of Peñafort in Legazpi City, said the meaning of Jesus’ sixth word, “Naganap
na! (It is finished!),” is the ending of one’s mission in the world.
“Ito ay humuhudyat na ang misyon ay tapos na o humantong sa pagtatapos. Natapos na ang paghihirap ni Kristo. It is consummated,”
Santos said.
Santos also said that this ending means the “start of a new beginning.”
“Tayo ay dapat tumanaw sa isang paghamon upang muling magsimula. Simulan natin ang pagbabago sa pamamagitan ng pananalig
sa Diyos,” he said.
Capping the Siete Palabras was Fr. Nilo Lardizabal, O.P., provincial secretariat of the Dominican Province of the Philippines, who gave
a sermon on Christ’s seventh word on the Cross: “Ama, sa mga kamay Mo’y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu (Father, into Your
hands I commit my spirit).”
“Ipagkaloob natin ang gating sarili sa Diyos ng walang pag-aalinlangan. Marami tayong pinagkakatiwalaan sa mundo, subalit ang
punot-dulo nito ay ang Diyos,” Lardizabal said.
People are not capable of bearing the reality of life that they eventually revert to God, he said.
“We can be like Christ; we can trust Him, sapagkat naging mahina rin siya katulad natin. Ang sagot [sa mundo] ay nasa pagtitiwala sa
Diyos,” he said.
Sixth Word

FR. ANDY DE GUZMAN

“Tapos na”, ang wika ng ating Panginoon. Dalawang mga wika na lang, tapos na rin ang Siete Palabras.

“Naganap na”. Nararamdaman ni Jesus na malapit na siyang malagutan ng hininga. Ilang araw na Siyang nagpapakasakit. At ngayon halos tatlong
oras na Siyang nakabayubay sa krus. Ang lakas ng Kanyang katawan ay may hangganan. Nadarama na Niya ang panghihina ng Kanyang katawan,
ang papalapit na kamatayan.

Ano ang pinakahuling salita ni Jesus? Ang tatlong naunang Ebanghelyo ay nagsabing si Jesus ay sumigaw nang malakas bago nalagutan ng hininga
ngunit wala sa kanilang tatlo ang nagsabi kung ano mismo ang sinabi ni Jesus. Ngunit sa Ebanghelyo ayon kay Juan, ang pinakahuling salita ng ating
Panginooon ay "Tetelestai."

“Naganap na”. “Sa wakas, natapos na.” “Nagwakas na.” “It is finished.”
“Nabuo na.” “Nakumpleto na.” “Natupad na.” “Nagampanan na.” Nagawa na.” “Mission accomplished.”

Ang salitang ito ay matatagpuan sa mga resibo sa Imperyo Romano noong mga panahong iyon. Nangangahulugan itong, bayad na ang isang tao.
“Fully-paid” ika nga. Sa wika ng ating Panginoon, “tetelestai” mababatid na ang ating pagkakautang sa Diyos dahil sa kasalanan ay nabayaran na
nang buo ni Jesukristo.

“Tetelestai” ay nangangahulugan din na mayroong isang bagay na nagtapos na, naganap na, nabuo, nagampanan na may bisa na pangmatagalan.

“Tetelestai” Napakamakapangyarihang salita na kinailangang mamatay ang anak ng Diyos para masambit. Isang salita lamang ngunit nakapagpabago
sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ito ang naging hudyat ng tagumpay. Para kay Jesus, ito ay Kanyang pagdiriwang. Isang pagdiriwang na ninais
Niyang ang buong mundo sa lahat ng panahon ang makarinig upang tumimo sa ating puso at isipan.

“Tetelestai” Nangyari na ang matagal na hinihintay ng mga banal at ng buong sangkatuhan. Naganap nang lahat ang mga propesiya sa Banal na
Kasulatan tungkol kay Jesus.

“Tetelestai” “Natapos na ang aking gawain .” Si Jesus ay naging tao, nangaral, nagmahal, nagpakasakit, nagpasan ng krus at ngayo’y naghihingalo
upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, upang lupigin ang kamatayan, upang muli tayong ipakipagkasundo sa Diyos, upang magtamasa tayo ng
buhay maka-Diyos, upang simulan niya ang Bagong Tipan, upang bilang isang mabuting pastol maibigay niya ang kanyang buhay alang-alang sa
nawawalang mga tupa, upang maging mga anak tayo ng Diyos.

Natapos na ni Jesus ang kaganapan ng kanyang misyon sa lupa. Nasunod at nagampanan na ni Jesus ang mga gawain ng Ama sa lupa.

“Tetelestai” ito rin sana ay ating maging wika sa wakas ng ating buhay. Sana, maluwag sa loob na masabi nating natapos na ang ating gawain sa
lupa, natapos na ang misyong ibinigay sa atin ng Diyos.

At upang maganap natin ang ating misyon, kinakailangan ng dalawang bagay: katapatan at pag-ibig.

Una, kailangan ng katapatan sa ating tungkulin – maging ikaw man ay pari, relihiyoso o laiko; maging ikaw man ay mahirap o mayaman, may pinag-
aralan o wala, may mataas na posisyon sa trabaho o simpleng manggagawa, opisyal ng gobyerno o businessman.

Kahit ano ka pa man, gawin mo na nang buong husay at tapat ang iyong mga tungkulin.

Kung ikaw ay pinuno sa pamahalaan, tungkulin mo ang maglingkod at paunlarin ang bayan.

Kung ikaw naman ay sundalo o alagad ng batas, tungkulin mong pangalagaan ang kapayapaan ng bayan.

Kung ikaw ay guro, tungkulin mo na turuan at hubugin ang iyong mga estudyante upang sila ay maging pag-asa sa kinabukasan.

Kung ikaw ay tsuper ng jeepney at bus, tungkulin mo na ihatid ang mga pasahero sa kanilang pupuntahan nang walang sakuna. Tungkulin mo ring
sumunod sa batas ng trapiko upang magkaroon ng kaayusan ang mga lansangan.

Kung ikaw ay nasa hukuman, tungkulin mo na bigyan ng katarungan ang mga naapi ayon sa batas.

Kung ikaw ay pari o relihiyoso, tungkulin mo na ilapit ang mga tao sa Diyos.

Kung ikaw ay estudyante, tungkulin mo na mag-aral nang mabuti.

Kung ikaw ay magulang, mahalin at arugain nang tama ang iyong mga anak. Kung ikaw ay anak, mahalin, igalang, sundin at pangalagaan mo ang
iyong magulang hanggang sa kanilang pagtanda. Kung ikaw ay kapatid, igalang mo at mahalin ang iyong mga kapatid.

Tayong lahat ay mga anak ng Diyos, at may tungkulin tayo sa bawat isa lalo na sa mga mahirap, sa maliit, sa mahihina at sa naliligaw ng landas.

Mahirap, maliliit, mahihina, naliligaw ng landas, marami sila. Hindi lang dito sa aming parokya, kundi kahit saang lugar makakikita ka ng mga
katulad nila. Sila ang bigay ng Diyos sa ating pagkakataon (opportunities) upang isabuhay ang ating tungkuling “mahalin ang ating kapwa gaya ng
ating sarili”.

Ang pangalawang kinakailangan upang matupad ang ating misyon ay ang pagganap sa tungkulin nang may pag-ibig. Ayon kay Santa Teresa de
Jesus, kahit na ang maliit na gawain ay nagpapabanal kung ang mga ito’y may kasamang pag-ibig. Ito ang maghahatid sa atin sa kaligtasan, sa
kalangitan.

Ang mga banal sa kalangitan ay hindi mga extraordinaryong mga tao. Sila ay mga ordinaryong indibidwal na namuhay sa pag-ibig sa kanilang
simpleng pamumuhay.

Noon ay may isang matandang monghe na naghihingalo sa kanyang munting silid. Buhat pa sa pasimula nang siya’y pumasok sa monasteryo, siya
ang naging sastre ng mga kapatid niyang monghe. Siya’y tumanda na sa gawaing ito.

Sa kanyang paghihingalo, siya’y humiling, “Iabot sa akin ang susi . . . ng . . . langit.”

Dali-daling iniabot sa kanya ang aklat ng may pamagat “Ang Susi Ng Langit”. Siya’y umiling. Dinala sa harap niya ang krusipiho. Umiling na
naman siya.

Inilapit ang aklat Saligan ng mga monghe, ang Santo Rosaryo, at iba pa. Subalit sa bawat isa nito ay siya’y umiling na aniya: “Hindi. . . iyan”.

Ang mga mongheng nakaluhod sa kanyang paligid ay nagtanung-tanungan kung ano ang hinihiling niyang susi ng langit.

Kapagdaka, isang batang monghe, na kasama-sama niya sa kanyang gawain, ang pumasok sa silid at ibinigay sa matandaang monghe ang isang
lumang karayom – ang karayom na ginagamit niya sa pananahi.

Kinuha niya ang karayom, inilagay sa tapat ng kanyang puso, at winika: “Sa pamamagitan nito, nagampanan ko ang aking tungkulin sa monasteryo.
Ito ang susi ko sa langit. Ito ang magbubukas sa akin ng pinto ng langit.” Pagkaraan, siya ay mapayapang nakapiling ng Panginoon.

Ito, mga kapatid, ang maluwalhating “Tetelestai” ng isang tapat na sastre sa loob ng monasteryo.

Sa makasalanan, ang ika-anim na wika ay wika ng kalagiman. Para siyang magnanakaw na nahuli sa akto. “Lagot, natapos na, huhusgahan na ako,
paparusahan na ako”

Ngunit, sa mabuti at banal na tao, ang ikaanim na wika ay wika ng kaganapan. Isang hudyat na mararating na niya ang buhay na walang hanggan.

Mga mahal kong kapatid, ang ating kaligtasan ay hindi nagtatapos sa kamatayan ni Jesus. Ito lamang ay simula at halimbawa upang marating din
natin ang ating katapusan. Maiksi lang ang buhay. Hindi po natin alam kung hanggang saan at hanggang kailangan tayo mabubuhay. Ang mahalaga,
handa tayo kahit anong oras, handa tayong sabihin na: Panginoon, tapos na, nagampanan ko na ang Iyong kalooban at ngayon handa na akong
makipiling ka magpakailanman. Handa na ba tayong sabihin ito?

Pag-isipan natin; Ipanalangin natin.