Sie sind auf Seite 1von 25

“ Ang mga Kahinaan nakikita sa K-12

at paano ito Natutugunan “

Ipinasa Nina:

Nelly Andrade at Marissa Lapidario, BSIT-1

Ipinasa Kay:

G.Clint R. Aves , Guro sa Filipino 2

Mrs. Emelie C. Villaceran , Dekana ng Departamento ng Impormasyong Teknolohiya ng

Cebu Eastern College.


i

Cebu Eastern College

Philosophy

The Cebu Eastern College believes that the best education is eclectic education inscribed in a culture of

excellence, freedom and relevance.

Vision

The Cebu Eastern College is a non-stock and non-profit private institution with quality graduates

committed to serve the local, national and global communities along business, scientific technological

pursuits.

Mission

The Cebu Eastern College is a Filipino-Chinese school designed to deliver integrated and quality

interfaced with Confucian teachings and pragmatic concepts and processes to train and prepare the

youth to be active and useful participants and leaders in the world of work.

Goal

The Cebu Eastern College aims to produce graduates who are physically, mentally, and morally prepared

to assume their roles and responsibilities in the different vocational and professional fields where they

aspire to achieve
ii

Cebu Eastern College Hymn

By: Dr. Chen Leih Fu

Rays of the Eastern Sun

Light up the Cebu shore

Lofty seat of learning

Exalt the Cathay Spirit

An excellent culture we propagate

Everywhere learn, probe and explore

We gather together here

Follow the ancient sages


Glory of modern ages

A nation in distress

Strengthen and cultivate

Ourselves in silence

Cordiality, harmony and good deeds

Promote cultural exchange

The current rushes forever

Strongly we march forward

Cebu Eastern College

Has a long way to go!


iii

Pasasalamat

Taus-pusong pasasalamat ang aming pinaaabot sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa mahahalagang

tulong, kontribusyon at/o suporta tungo sa matagumpay na reyalisasyon ng pamanahong-papel na ito.

Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod:


iv

Mga Talaang ng Nilalaman

Pahina

I. Pamagat ………………………………………………………………………………………. 1

II. Panimula ……………………………………………………………………………………… 2

III. Mga Layunin ………………………………………………………………………………… 3

IV. Kahalagahan ng Paksa ………………………………………………………………….. 4

V. Mga Paraang Ginamit sa Pananaliksik ………………………………………….. 5

VI. Katuturan ng mga Salita ……………………………………………………………….. 6

VII. Paglalahad ng Paksa …………………………………………………………………….. 7-

VIII. Paglalahad ng Mungkahi at Kuro-kuro ………………………………………….

IX. Represensya at Talasanggunian ……………………………………………………

X. Sariling Mga Dokumentasyon ……………………………………………………….


“ Ang mga Kahinaan nakikita sa K-12
at paano ito Natutugunan “
2

II. Panimula

Ang K-12 isang programang sinimulan ng ipinatupad ng pamahalaan noong school year 2012 na

naglalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sa buong asya tanging ang Pilipinas na

lamang ang mayroong sampung taon ng basic education, kaya naman ipinatupad ng pamahalaan at ng

Kagawaran ng Eduksayon ang K-12 Kurikulum. Ang programang ito ay ginawang isang mandatory ang

pagpasok ng mga bata sa kindergarten, nagkaroon din ng junior highschool (grade 7-10) at senior

highschool (grade 11-12). Noong taong iyon 2012, maraming nagsasabi na nagkulang ang pamahalaan sa

mga paghahanda sa pagiimplementa nito, ngunit sa nakalipas na buwan ngayong taong ito, may iilang

nagsasabi na hanggang ngayon ay kulang pa rin ang mga libro na akma sa bagong kurikulum na

gagamitin ng mga magaaralyon, bagamat inamin ng Kagawaran ng Edukasyon, na naantala ang

pagpapadala ng mga materyales sa mga ibang pampublikong paaralan.


3

III. MGA LAYUNIN

Ginawa ang pagsasaliksik na ito sa layuning:

a. Upang malaman ang mga kahinaan ng K12 at paano ito natutugunan.

b.

c..

d.
4

IV. KAHALAGAHAN NG PAKSA

Mahalaga ang paksa sa pananaliksik na ito sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral: Upang mamulat ang mag-aaral na.

Sa mga guro: Upang malaman ng mga guro na.

Sa mga matatanda: Upang malaman ng nakakatanda ang mga

Sa Administrasyon ng Paaralan na ito:Bilang pangdagdag ng mga pamamaraan upang mas


5

V. MGA PARAANG GINAGAMIT SA PANANALIKSIK

Ginagamit ang mga pamamaraang sumusunod sa pagkalap ng mga datos at impormasyon:

a. Pakikipanayam:

b. Libro:

c. Internet:

d. Telebisyon:
6

VI. KATUTURAN NG MGA SALITA


7

VII. PAGLALAHAD NG PAKSA

Simula

Ang K+12 ay ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng

high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa

sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo.

Ayon kay Kalihim Bro. Armin Luistro ito ay ibibigay ng libre sa mga nais pumasok sa pampublikong

paaralan. Bagaman magiging isang puhunan o investment ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang

mga anak.

Sa kasalukuyan ay kinakailangan magtapos ang ating kabataan o mag-aaral ng kolehiyo para

makapagtrabaho. Ngunit para kay Kalihim Bro. Armin Luistro at Pangulong Noynoy (Aquino III) ang K+12

ay ang pagbibigay ng basic competencies na kailangan upang makapagtrabaho ang mga kabataan. Junior

high school pa lamang, maaari ng makakuha ng certificate of competency level 1 basta ma-satisfy lang

ang requirements ng TESDA. Senior high school, level 2, naman ay maaari na silang magtrabaho matapos

ito.
8

Katawan

Sa pagpapatupad ng programang K-12, marami parin sa atin ang hindi sumasangayon sa pagpapatupad

nito at ang ilan ay sumasangayon dito. Ngunit ano nga ba ang tunay na layunin ng programang ito. Para

sa pamahalaan, layunin ng K-12 na pataasin ang kalidad ng edukasyon at paunlarin pa ang ekonomiya ng

ating bansa. Layunin din nito na mas ihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho, kapag natapos ang mga

kabataang ito sa hayskul, nasa spat na silang gulang (18 taong gulang) at sapat na kakayahan upang

maghanap ng magandang trabaho, junior high school pa lamang ay maari na silang makakuha ng

certificate of competency level 1, basta makumpleto nila ang requirements ng TESDA at maipagpatuloy

ito sa senior high school upang pag sila’y nakapagtapos, maari na silang makakuha ng trabaho. Maganda

nga ito! Para sa mga kabataang walang panustos sa pagpapatuloy sa kolehiyo. Nakakatulong rin ito sa

mga kabataan upang masispecialize ang kursong nais nila.

Ngunit kung may mga positibong layunin, marami din namang mga negatibong layunin ang programang

ito ayon sa iilan. Ang pagpapatupad daw ng K-12 ay upang makalikha ng mga semi-skilled na

manggagawa upang matugunan ang pangangailangan ng mga dayuhang korporasyon at dayuhang


pamilihan ng paggawa. Dahil na rin sa maaari nang makapagtrabaho ang mga kabataan pagkatapos ng

hayskul, iilan na lamang ang nanaising makapagtapos ng kolehiyo dahilan upang babaan ang badgyet sa

edukasyon. Hindi daw ang pagpapatupad ng K-12 ang solusyon sa mababang kalidad ng edukasyon sa

ating bansa, ayon nga kay Trillanes, “Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi muna ipatutupad

ang K to 12 Program hanggat hindi pa nasosolusyunan ang mga problema sa sistema ng ating edukasyon

tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan ng mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro

at ang kanilang mababang sahod,”.

Iba iba ang pagtingin natin sa layunin ng pagpapatupad ng K-12, ngunit sana kung ano mang tunay na

layunin ng pamahalaan sa pagpapatupad nito ay para sa kapakanan ng mga Pilipino. Panahon na, upang

Pilipino naman ang ating bigyang importansya, at hindi ang mga dayuhan. Huwag nating hayaang ang

ibang mga bansa ang makinabang sa ating mga pinakamahuhusay na mangangawa. Marami mang

oportunidad sa ibang mga bansa, matuto tayong tumingin sa ating pinaggalingan, ang Inang bayan

naman ang ating pagsilbihan. Ayon nga kay Rizal, " Ang mga Kabataan ang pagaasa ng ating Bayan",

kaya't patunayan nating mga kabataang tayo nga ang pagasa at magpapaunlad sa ating bansa.

8
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang K-12 umano ang solusyon ng administrasyon ng Pang.

Benigno S. Aquino III sa lumalalang krisis sa edukasyon. Gayunpaman, mariin itong tinututulan ng mga

kabataan, mag-aaral, guro, kawani, magulang at ng buong komunidad dahil sa kawalan ng programa ng

makabuluhang batayan at sapat na paghahanda at panustos ng gobyerno para rito. Ang hilaw na

pagpapatupad ng K-12 ay maaaring makapagpalala pa ng sitwasyon.

Narito ang ilan sa mga batayan ng DepEd sa pagpapatupad ng K-12 at ang ating paglalantad sa

kahungkagan ng programang ito:

I. Ayon sa DepEd: Ang K-12 ang solusyon sa dumaraming bilang ng out-of-school youth.

Sa katunayan: Ang pangunahing dahilan ng pagdami ng out-of-school youth ay ang kakulangan ng

pantustos sa pag-aaral. Batay sa pag-aaral ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), tinatayang gagastos

ng P12,090 ang bawat pamilya para tustutusan ang pag-aaral ng isang miyembro sa bawat karagdagang

taon sa K-12. Kabilang sa mga gastusin ang pamasahe, baon, gamit sa eskwela at iba pa. Mabigat ang

halagang ito na pinapalala pa ng nagtataasang presyo ng mga bilihin at ang mababang pasahod sa mga

manggagawa lalo na’t tahasan nang tinalikuran ng Pang. Aquino ang panawagan sa P125 across-the-

board nationwide dagdag-sahod.

II. Ayon sa DepEd: Solusyon daw ang K-12 sa bumababang marka ng mga mag-aaral sa elementarya at

sekundarya.

Sa katunayan: Hindi solusyon ang karagdagang taon sa pag-aaral sa humihinang kalidad ng batayang

edukasyon. Ayon mismo sa resulta ng Trends in International Mathematics and Science Studies,

maraming bansa na may 10 taong batayang edukasyon o mas maiksi, tulad ng South Korea at Singapore,
ang nakakuha ng pinakamatataas na marka. Ilang mga bansa naman na may programang K-12, tulad ng

Chile at Saudi Arabia, ay nakakuha ng mababang marka. Pinapakita nito na sa halip na karagdagang taon

sa batayang edukasyon, ang tunay na makakapagpataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang

mataas na budget para sa maayos na gamit, libro at iba pang pasilidad, at gayundin ang mataas na

pasahod sa mga guro at kawani.

III. Ayon sa DepEd: May sapat na rekursong nakalaan para sa pagpapatupad ng K-12.

Sa katunayan: Ayon sa pag-aaral ng ACT, ang mga pampublikong paaralan sa bansa ay nakakaranas ng

182,483 kakulangan sa mga guro, 97,685 kakulangan sa mga silid-aralan, at 153,709 kakulangan sa

palikuran. Naglaan lamang ang Department of Budget Management ng P259.25 B para sa 2013 gayong

ang pangangailangan sa edukasyon ay tinatayang aabot sa P338.20 B. Ang mismong United Nations

Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang nag-aatas sa ating gobyerno na maglaan

ng anim na porsyento ng kita nito para sa edukasyon subalit hanggang ngayon ay nanatiling tatlong

porsyento lamang ang inilalaan ng administrasyong Aquino para sa batayang edukasyon at sa kolehiyo.

Muli, hindi solusyon ang K-12. Ang tunay na solusyon ay ang pagpapahalaga ng gobyerno sa edukasyon

at paglalaan ng pondo para rito.

IV. Ayon sa DepEd: Sa pamamagitan ng K-12, hindi na kailangan ng mga kabataang magtapos

ng kolehiyo para magkaroon ng trabaho.

Sa katunayan: Baluktot at elitista ang katwirang ito. Pinapatunayan nito na ang karapatan ng mga

kabataang makapag-aaral sa kolehiyo, makapili ng propesyon at magkaroon ng oportunidad para

matulungan ang kanilang pamilya na umasenso sa buhay ay itinuturing na pribilehiyo lamang ng may

kakayahang makapagbayad ng matrikula sa kolehiyo. Kung wala ka nito, sisiguruhin ng K-12 na makapag-

aral na lamang ng bokasyunal at teknikal kahit hindi ito ang iyong nais, para sa pagtatapos ng

sekundarya ay maaari nang maghanapbuhay. Dagdag pa, sa K-12, inaasahang magtatapos ang mga mag-
aaral sa edad na 18—legal na edad para makapag-trabaho. Maliban dito, hindi rin nasosolusyunan ang

kawalan ng trabaho ng mga kabataang nakapagtapos ng kolehiyo. Ayon sa pag-aaral, humigit-kumulang

na 461,000 Pilipinong nagsipagtapos ng kolehiyo noong taong 2008 ang walang trabaho.

V. Ayon sa DepEd: Ang mga nagsisipagtapos sa programang K-12 ay maari nang ituring na

mga propesyunal at may mataas na pinag-aaralan sa ibayong-dagat.

Sa katunayan: Walang kabuluhan ang argumentong ito. Malisyoso nitong itinutulak ang mga kabataan

na mangibang-bansa imbis na hikayatin ang mga ito na maglingkod sa sariling bayan. Hindi masisisi ang

mga kabataang piniling iwan ang kanilang mga pamilya upang mabigyan sila ng mas maginhawang

buhay na ipinagkakait sa kanila sa sariling bayan. Subalit responsibilidad ng gobyerno na lumikha ng mga

programang pang-ekonomiya kung saan hindi na kakailanganin pa ng ating mga kabataan ang lisanin ang

bansa para maghanapbuhay. Ang K-12 ay panakip-butas at palusot lamang ng gobyerno sa kawalan nito

ng kakayahang lumikha ng balangkas para sa pambansang industriyalisasyon kung saan ang ating bansa

mismo ang makikinabang sa ating lakas-paggawa imbis na mga dayuhang nagpapakasasa sa mababang

pasahod sa ating mga kababayang overseas Filipino workers. Resulta rin nito ang papalalang brain

drain kung saan kinakapos na tayo sa mga propesyunal at mga skilled workers na siya sanang

magtataguyod ng ating bayan.

VI. Ayon sa DepEd: Lubos na ang naging pag-aaral at paghahanda para ipatupad ang K-12 ngayong taon.

Sa katunayan: Wala pang ligal na batayan ang pagpapatupad ng K-12 ngayong taon. Kamakailan lamang

sinimulang madaliin sa Kongreso ang pag-aamyenda sa “Education Act of 1982” subalit ngayon ay

ipinapatupad na ang bagong programa.

Ang edukasyon ay isa sa mga armas natin para mapaunlad ang bayan. Ang K-12 ay nakadisenyo upang

pagsilbihan ang mga dayuhang mamumuhunan na ang tanging interes ay magkamal ng tubo mula sa
kanilang natitipid sa ating murang lakas-paggawa. Walang makabuluhang pagbabago ang makakamit sa

pagdaragdag ng taon at pagpapalit ng nilalaman ng kurikulum sa batayang edukasyon kung ang mga ito

ay hindi nilalangkapan ng makabayan, makamasa at siyentipikong adhikain.

Kaya naman dapat magkaisa ang hanay ng mga kabataan, estudyante, guro, kawani, administrador, at

ang buong komunidad upang tutulan ang huwad na programang K-12. Narito ang ilan sa mga hakbang

upang mapagtagumpayan natin ang ating laban:

1. Maglunsad ng mga pag-aaral at serye ng talakayan hinggil sa K-12 upang mas marami pa ang

makaalam kung bakit nararapat itong labanan.

2. Ipahayag sa iba’t ibang porma ang pagtutol sa K-12. Ang pinagsama-samang boses ng mamamayan

ang maaaring lumikha ng pwersang pipilit sa gobyernong ihinto ang pagpapatupad nito.

3. Lumahok at magpalahok sa “No to K-12 Alliance”. Kung mas marami tayong kikilos, mas

mapapabilis ang ating tagumpay.

4. Dumalo at magpadalo sa iba’t ibang tipo ng pagkilos laban sa K-12. Gawing malikhain ang mga

pagkilos upang makapanghamig ng mas malawak na hanay ng mamamayan.

5. Pumirma at magpapirma sa “1.2 milyong pirma kontra K to 12 ni Aquino”, isang petisyong ipapasa

natin sa ating mga mambabatas hanggang maparating ito sa Malacañang.

Mga Kahinaa nakikita sa K+12


Sa pagbubukas ng pang-akademikong taon 2012-2013, hindi na lamang taun-taong problema sa

edukasyon ang sasalubong sa mga mag-aaral, guro, at mamamayan, kundi ang implementasyon ng

Universal Kindergarten o K+12 na naglalayong dagdagan ang mga taon sa elementarya at hayskul.

Ang K+12 ang programa ng administrasyong Aquino na naglalayong solusyunan daw ang matagal nang

problema sa edukasyon. Pero umani ito ng batikos.

Base sa programa, magiging mandatory ang kindergarten, magkakaroon ng anim na taon sa elementarya

(Grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high school (Grade 7 hanggang 10) at dalawang taon

na senior high school (11 hanggang 12).

Subalit ayon sa Kabataan Party-list, hindi sasagot sa bumababang kalidad ng edukasyon, sa paglobo ng

bilang ng mga out-of-school youth, maging ang problema sa kawalan ng trabaho sa bansa, ang hakbang

sa pagdagdag ng taon sa batayang edukasyon.

Kalidad at reyalidad

Isa sa ipinagmamalaki ng administrasyong Aquino na layunin ng K+12 ang pagtaas ng kalidad ng

edukasyon sa bansa. Pero inulan agad ito ng di pagsang-ayon sa aktuwal na kalagayan ng mga paaralan

sa Pilipinas.

Sa implementasyon pa lang ng mandatory kindergarten ngayong taon, tampok na ang kakulangan ng

pamahalaan sa pisikal na pangangailangan ng mga paaralan.

Sa Department of Education Order N0. 37 na pinamagatang “Policies and Guidelines on the

Implementation of the Universal Kindergarten for SY 2011-2012,” pinahihintulutan ang pagggamit ng

“other available spaces” ng pampublikong mga paaralan.

Binatikos ito ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio. “Ganito ba ang patakaran ng isang matinong
gubyerno? Hihikayating mag-enrol ang lahat ng limang taong-gulang kahit wala palang klasrum na

paglalagyan, kaya pagkakasyahin na lamang sa ‘any available spaces’?” ani Tinio.

Binatikos din ni Tinio ang pagpahintulot ng DepEd Order No. 37 sa pagkakaroon

ng volunteer o unlicensed teachers para sa kakulangan ng guro sa kindergarten na labag umano sa

Section 27 ng RA No 7836 o Philippine Teachers Professionalization Act of 1994.

Dagdag pa, sa 2011 datos ng Alliance of Concerned Teachers, tinatayang 103,599 ang kulang na mga

guro sa bansa. Samantalang nagsisiksikan ang 45 mag-aaral o higit sa isang klasrum. Nasa 10,000 lamang

ang target na idagdag na guro dahil di sapat ang badyet sa edukasyon nitong 2011. Tinatayang 22

milyong kabataan ang pumasok ngayon taon sa elementarya.

Sa pag-aaral mismo ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS), ang haba ng

pag-aaral ay hindi nangangahulugan ng mas magandang grado. Sa katunayan, ang ilang bansa na may

katulad ng haba ng edukasyon sa Pilipinas ay nakakuha ng mas mataas na grado kumpara sa mga

bansang nagpapatupad ng K+12 o higit pang taon subalit mas baba ang grado.

Paliwanag ng League of Filipino Students, may rekisito ang K+12 sa implementasyon nito at iyon ang

paglaan ng mataas na badyet sa batayang edukasyon.

Aabot sa 2.26% lamang ng Gross Domestic Product (GDP) ang inilalaan ng gobyerno. Malayo ito sa

rekomendasyon ng United Nations na dapat nasa 6% ng GDP ang inilalaan sa edukasyon, ayon naman sa

Anakbayan.

Samantalang patuloy ang bawas-badyet sa edukasyon: mula 3.3% noong 2001, naging 2.19% ito noong

2008 at 2.7% ng GDP sa taong 2009. Mas mataas pa ang sa ibang bansa sa Timog Silangang Asya, tulad

ng Malaysia na naglalaan ng 7.4% sa kanilang GDP at Thailand ng 4%.


Trabaho pagkatapos?

Sa K+12, kasama sa kurikulum ang mga pagsasanay sa semi-skilled na mga trabaho. Inaasahan na sa

pagtatapos nila sa hayskul, nasa 18-anyos na ang mga mag-aaral para makapasok sa trabaho.

Ayon sa Kabataan Party-list, taun-taon sa nakalipas na dekada, tinatayang nasa 300,000 ang bagong

gradwado na dumadagdag sa labor force—mayorya sa kanila ang naitatala sa tumataas na bilang ng

estadistika ng unemployed.

Ngayong 2012, tinatayang 400,000 mga bagong gradwado ang inaasahang dadagdag sa bilang ng “tigil”

na mga manggagawa. Upang masolusyunan ang kawalan ng trabaho sa mga kabataan, kailangan ayusin

hindi lamang ang batayang edukasyon ng bansa kundi maging ang polisiya nito sa ekonomiya at

empleyo, dagdag ng Kabataan.

Para sa College Editors Guild of the Philippines, layunin ng K+12 ang pagluluwal ng semi-skilled

workers na nagbebenta ng murang lakas-paggawa para sa dayuhang mga kompanya. Nakapokus ang

programa sa pagluwal ng mga gradwado sa mga kursong bokasyunal, na magiging kontraktuwal na mga

manggagawa — barat ang suweldo, di regular, walang benepisyo.

Sabi ng Kabataan, sa 100 mag-aaral ng pumapasok sa Grade One, 66 lamang ang nakakatapos ng Grade

six. Sa 58 na pasok sa hayskul, 43 ang nakakatapos. Sa 33 na nakakatuntong ng kolehiyo, 21 ang

nakakapagtapos. Ang 21 na ito’y walang kasegurduhan na magkakatrabaho. Lalo pa ang natitirang 79 na

mag-aaral.

Samantala, ang pangingibang-bansa ng gradwado sa narsing, pagtuturo at pagdodoktor para

maging caregivers, medical assistants at domestic helpers sa ibang bansa ay indikasyon ng malalim na
problema sa edukasyon at ekonomiya ng bansa. Nakakalungkot na naitutulak ng gobyerno palayo ng

bansa ang pinakamahuhusay nating manggagawa at propesyunal, ayon pa sa Kabataan.

Edukasyon sa iilan

Sa programang ito, inaasahang magiging opsyon na lamang ng kabataan ang pagpasok sa kolehiyo.

Mababawasan ang mga gustong pumasok sa mga unibersidad na magiging hudyat ng lalong pagbawas

sa badyet ng edukasyon.

Ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), sa tuwing nagtataas ng matrikula ang

State Colleges and Universities (SUCs), lalong lumalakas ang loob ng pribadong mga pamantasan na itaas

ang kanilang matrikula at iba’t ibang “malikhaing” bayarin sa porma ng miscellaneous fees.

Samantala, bago pa man mapilitan ang mga magulang na ipasok sa kindergarten at junior high

school ang kanilang mga anak, baon na sila sa mabibigat na bayarin. Bagamat libre ang pampublikong

edukasyon sa elementarya, mangangailangan pa rin ang isang mag-aaral ng P20,000 para sa gastusin sa

pamasahe, gamit sa eskuwela at pagkain para sa buong taon, kuwenta ng League of Filipino Students.

Sa sarbey ng Family Income and Expenditures Survey, napag-alamang mas pinipili ng pamilyang Pilipino

na paglaanan ng panggastos sa pagkain at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan higit sa

pangangailan ng kabataan sa paaralan o papasukin pa sa paaralan.

Batay sa mga dahilang ito, masasabing sa ilalim ng K+12, taun-taong di-maiiwasan at mananatiling

mataas ang bilang ng dropouts at out-of-school youths dahil sa mababang paglalaan sa edukasyon,

pagtaas ng mga batayang bilihin, pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa paaralan, at hindi

gumagalaw na sahod ng nagtatrabahong mga mamamayan.

Makatutulong ba ang K+12 program?


Ang K+12 program (additional 2 years sa HS) ay magiging dagdag pahirap pa sa mag-aaral at magulang.

Hindinaman gaganda ang quality of education sa programang ito dahil ang dadagdagan nito ay quantity,

malinaw na hindiquality.Ayon sa United Nations, 73% ng lahat ng kabataang Pilipinong tumigil sa pag-

aaral ay tumigil dahil hindi nilakayang magbayad ng matrikula at iba pang gastusin. Dinagdagan pa ng

dalawang taon. Taun-taon tumataas angmatrikula sa mga unibersidad, sa kabilang banda naman pilit

pang binawasan at pinaliit (budget cut) ni Noynoy anglaang pondo para sa edukasyon, abnoy talaga!

Marami pa rin sa atin ang naguguluhan sa bagong sistemang ito ng edukasyon kahit ngayon

ayipinatutupad na ng pamahalaan. Ano ba talaga ang K-12? Marami sa atin partikular na ng mga

magulangang nagtatanong pa rin kung kani-kanino dahil hindi nila alam kung paano ang bagong

sistemang ito. Alamin natin ang mga basikong impormasyon kung paano ba talaga kikilos at gagana ang

bagongkurikulum na ito.

Postibong pagtingin sa K+12

Para sa iilan, maganda ang K+12 dahil…

 magiging mas handa ang kabataan sa mundo ng trabaho

 mas lalong tataas/uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas dahil ang kabataang ang magiging pagasa

ng bayan.

 magtatrabaho ang mga ito sa ibang bansa matapos magaral sa ilalim ng K+12 (tsk tsk)

 mas mature na ang mga kabataan pagdating sa pagdedesisyon

Negatibong pagtingin sa K+12

Dahil sa globalisasyon, maitatatak sa utak ng mga kabataan na:


 mas magandang tangkilikin ang produkto nina Calvin Klein kesa kina Rajo Laurel

 hanggang manwal na trabaho lamang ang mga pinoy

 inferior na lahi lamang tayo dahil sa mga OFWs na lumuluwas ng bansa para maghugas lamang

ngpwet ng mga Aussie.

Das könnte Ihnen auch gefallen