Sie sind auf Seite 1von 5

CHARLES VINCENT G.

CARBONELL MATFIL-I
PAGLIKHA, PAGHAHANDA, PAMAMAHALA AT PAGTATANGHAL NG MGA
DULA – CED 603

1. Aristotle-Ito ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay.


2. Arthur Casanova -Isa sa mga anyo ng panitikang naglalarawan ng mga
damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng
bayan.
3. Ruth E. Mabanglo- Isang paglalarawan ng buhay, isang pangagagad sa buhay
na binubuo ng mga tauhan
4. Veneranda Lachica - Isang uri ng akdang inilalarawan ng mga artista sa ibabaw
ng tanghalan o entablado ang kaisipan at damdamin ng may-akda.
5. Rubel – Ang Dula ay isa sa maraming paraan ng pagkukwento. Ito’y may tawag
na hango sa salitang Griyego— Drama– nangangahulugang gawin o ikilos.
6. Edmund Burke -Siyang katotohanang maipalalagay na pinakarepublika ng
isang buhay ng panitikan at ang kanyang kasaysayan ay siyang kasaysayan ng
kanyang bansa.
7. Schiller at Madame De Staele -Isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa
at ugali ng isang bayan. Parang buhay na inilalarawan dito sa atin ang buti at
sama ng isang bayan; ang mabuti ay upang pulutin at ang masama ay upang
iwasan at di gawin.
8. Balmaceda –ang mahalagang hiyas ng alinmang wika at katulong sa marahas
ng pagbibigay ng uri at kislap ng alinmang panitikan.
9. Consolacion Sauco- Isang larawan ng buhay na sinasangkap ng wika,
damdamin at sining. Ito’y sinusulat hindi upang sulatin at basahin lamang.
Hinahabi ito upang itanghal, makaaliw, umantig ng damdamin at makapaghatid
ng isa o higit pang mensahe.
10. William Shakespeare- “Ang mundo ay isang teatro…”
11. Tiongson - Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, ibat-ibang
kasuotan, skripto, "characterisation", at "internal conflict." Ito ang pangunahing
sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan.
12. Arrogante ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang
maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng dula,nailalarawan ang buhay ng
tao namaaaring malungkot, masaya, mapagbiro, masalimuot at iba pa.
Uri ng mga Dula

1. Parsa
Katangian:
a. May layuning magpatawa at libangin ang mga nanonood at ang sitwasyon ay
katawa-tawa maging ang mga kilos at pananalita ng mga tauhan.
b. Gumagamit ng eksaheradong pantomina, pagbobobo(clowning), mga nakakatawa,
nakatutuwa, komikong pagsasalita na karaniwang isinasagawa sa mabilisan.
c. Ang mga sitwasyon ay di makabuluhan.
d. Nagbibigay o nagpapakita sa ugali ng tao na walang kontrol.
Halimbawa nito’y “Pakakak” ni Patricio Mariano.

2. Komedya
Katangian:
a. Naglalahad ng isang banghay sa sitwasyong nakahihigit kaysa parsa, higit na
seryoso at kapani-paniwala, ngunit hindi naman sobra.
b. Ang mga tauhan ay makikita sa lipunan ng mga indibidwal; maaaring sila’y
pagtawanan o makitawa sa kanila na may pansin sa kanilang kalagayan o suliranin.
c. Isang dramatikong epekto na humihikayat sa pagbabago ng lipunan, sapagkat ito ay
tunay na salaming sosoyal.
d. Dulang nagtatapos sa tagumpay ng pangunahing tauhan. Masaya at kawili-wili sa
mga nanonood. Halimbawa “Ang Piso ni Anita” ni Julian Cruz Balmaceda.

Dalawang uri ng Komedya


1. Panunuyang Komedya (Satiric comedy)
2. Maromansang Komedya (romantic comedy)

1. Panunuyang Komedya (Satiric comedy)- Sa uring ito, binibigyang-pansin ang


mga taong mahilig humarang o humadlang sa anumang gawain, gaya ng
matitigas na ulong mga negosyante at iba pang mga kasapi ng nakatataas na
lipunan. Sa simula ng dula ay humahadlang sa kaligayahan ng ibang tauhan,
gaya ng dulang “Ang Kiri” ni Servando Angeles. Sila ay tinututuya sa
pamamagitan ng kanilang paggalaw na kagaya ng makina- palaging galit at
matigas ang ulo- at hindi tumutugong mabuti sa mga suliranin sa buhay. Ang
pagkadaig sa mga manghahadlang na ito ay siyang nagbibigay ng kapasiyahan
sa banghay.

2. Maromansang Komedya (romantic comedy)- Sa uring ito, binibigyang pansin ay


dalawang nagmamahalang ating dinadamayan sa kanilang pakikibaka sa mga
manghahadlang sa kanilang pagnanais na magkaisang dibdib, gaya ng dulang “
Anak ng Dagat” ni Patricio Mariano.

3. Melodrama
Katangian:
a. Tumutukoy hindi lamang sa kawili-wiling misteryo, ngunit maging sa mga dulang
may mapuwersang emosyon o damdamin na puno ng mga simpatetikong mga tauhan.
b. Karaniwang gumagamit ng poetikong katarungan at humihikayat ng pagkaawa para
sa mga propagandista at pagkamuhi para sa mga antagonista. c. Ito’y umaabot at
sumasaklaw sa seryosong drama o dula na tinatawag na “drama” sa Ingles at sa
tinatawag na dulang suliranin (problem play) na patungo sa trahedya.
Halimbawa nito’y “Minda Mora” ni Severino Reyes.

4. Trahedya
Katangian:
a. Kumakatawan sa mga tauhan na ang lakas na isip ay nakatuon sa kanilang
kalikasan ng sariling moralidad at sila’y nagagapi sa mga puwersa o laban sa kanila.
b. Ayon kay Aristotle, ang ganap na trahedya ay dapat gumagad sa mga kilos na
nagkakaroon ng awa at takot.
c. Ang pagkagapi ng trahikong protagonista ay di maiiwasan, di matatanggap, at
nagkakabunga ng masakit na pagtanggi sa moral na imperpeksyon o kaya sa
poetikong kawalang katarungan sa daidig.
Gaya ng dulang “Verodinia” ni Cirio H. Panganiban at “Lakambini” ni Patriciano
Mariano. “Hiblang Abo” ni Rene O. Villanueva ,”Madawag na Lupa” ni Pedro L.
Ricarte, “Sigwani” Rene O. Villanueva ,”Moses-Moses” ni Rogelio R. Sikat.

5. Trahekomedya
ay gumagamit ng mga marangyang nakakatawang eksena upang ilarawan ang
isang di-totoo o kakatuwa at walang katuturan daigdig, gaya ng “ Walang Sugat” ni
Severino Reyes
1. dulang may kaunting trahedya hanggan dumating ang maligayang katapusan
2. dulang pinaghahalo ang yugtong trahedya at komedya
3. dulang pinaghahalo ang dalamhati ng trahedyang may mga di-akalaing
pangyayari at bayaning tauhan .
6. Saynete
Katangian:
a. Ang layunin ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay karaniwan lamang.
b. Ang mga gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng telon ang mga taong
nagsasalita.
c. Ito’y mayroon ding awitin.

CHARLES VINCENT G. CARBONELL MATFIL-I


Tagapag-ulat

Das könnte Ihnen auch gefallen