Sie sind auf Seite 1von 4

BAGUIO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN DEPARTMENT


Araling Panlipunan III/G-8
Pagsubok sa mga Natutunan

1. Sa aspetong pag-unlad teknolohiya, sa aling sitwasyon natin makikita ito noong Unang
Digmaang Pandaigdig.
a. Paggamit ng mga makabagong kagamitan sa agrikultura at industriya
b. Pagbilis ng komunikasyon at transportasyon.
c. Pag-unlad ng edukasyon at pananaliksik
d. Paggamit ng mga makabagong armas at pananaliksik.
2. Alin ang pinakamahusay na paglalahat tungkol sa mga pinsalang dulot ng dalawang
digmaang pandaigdig.
a. Masmalaki ang di-kabutihang epekto ng digmaan.
b. Nararapat lamang ang digmaan sa mga makapangyarihang bansa.
c. Malaki ang nagastos ng mga nanalong bansa sa digmaan.
d. Kaawa-awa ang sinapit ng mga natalong bansa.

Suriin ang mga sumusunod na kaganapan (para sa bilang 3 at 4).


a. Paglunsad ng Allied Powers sa Normandy, France.
b. Pagbomba sa Pearl Harbor ng Japan.
c. Pag-atakeng Blitzkrieg sa Poland ng Germany.
d. Pagbomba sa mga lungsod ng Hiroshima at Nagasaki.
3. Alin sa mga nabanggit ang ikalawang pangyayari?
4. Alin sa mga nabanggit ang huling pangyayari?

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng Cold War?


a. Pangamba ng mundo sa pagsiklab ng isang malaking digmaan.
b. Pagkakahati ng Germany, Korea at Vietnam dahil sa pagkaka-iba ng kanilang
ideolohiya.
c. Pagbabawas ng mga armas nukleyar.
d. Tensyon sa pagitan ng US at USSR.
6. Ito ang Patuloy na impluwensyang pang-ekonomiya at panlipunan ng mga mayayamang
bansa sa mga papaunlad na bansa.
a. Kolonyalismo b. Neo-kolonyalismo c. Imperyalismo d. Industriyalimo
7. Sa pagpasok ng dayuhang impluwensya, nagbabago ang pananaw ng mga tao sa kanilang
pamumuhay at kultura. Ano ang mahihinuha sa pahayag.
a. colonial mentality b. nasyonalismo c. kaunlaran d. pag-uunawaan
8. Dahil ang mga sinaunang kabihasnan tulad ng Mesopotamia, Ehipto, Tsina at Indiya ay
nagsimula sa pampang ng mga ilog. Ano kaya ang ipinapahiwatig nito, piliin ang tamang
sagot sa ibaba:
a. May matibay na ugnayan na ang mga bansang ito noon pa man.
b. Pareho ang kaugalian ng mga tao sa nabanggit na mga bansa.
c. May kinalaman ang tubig sa pag-usbong ng kabihasnan.
d. Karamihan sa mga tao noong araw ay mandaragat.
9. Nang mahukay ang mga bungo sa kuweba ng Tabon, Palawan, napatunayan ng mga
mananaliksik na:
a. May mga naunang tao sa panahon ng Pleistocene
b. Naging mangangaso an gating mga ninuno.
c. Dugtong dugtong ang mga kuweba sa Pilipinas.
d. Yari sa tinapyas na bato ang kagamitan ng ating mga ninuno.
10. Alin sa mga sumusunod ang pinakabasehan ng Bibliya sa pagsisimula ng daigdig.
a. Siyentipikong pananaliksik c. Pananampalataya sa Dakilang Lumikha
b. Pilosopiyang pagpapaliwanag d. Wala sa mga nabanggit
11. Sa paglalakbay nararating ng tao ang iba’t ibang lugar sa daigdig sa pamamagitan ng mga
karagatan. Pinatutunayan lamang nito na ang daigdig ay:
a. napapalibutan ng anyong tubig c. may anyong tubig lamang
b. may dikit-dikit na mga lupain d. may anyong lupa lamang
12. Alin dito ang hindi naglalarawan sa panahon ng Renaissance.
a. Binigyang halaga ang kasalukuyang buhay
b. Nakasentro ang pamumuhay sa aral ng simbahan
c. Pinaunlad ng tao ang kanilang talento
d. Panahon ng sining at agham
13. Alin sa mga ito ang hindi naging bunga ng Rebolusyong Pranses.
a. Reign of Terror c. Pagbitay kay Louis XVI
b. Paglusob sa Bastille d. Glorious Revolution
14. Lahat ay dahilan ng mga Rebolusyon sa Latin America maliban sa isa.
a. Impluwensya ng kaisipang liberal mula sa Europa.
b. Pagnanais ng mga katutubo ng kasarinlan.
c. Paglakas ng kapangyarihan ng mga bourgeoisie.
d. Di pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa kolonya.
15. Dahil sa laganap na pang-aabuso ng mga alagad ng simbahan sa Alemanya, humantong ito
sa anong pangyayari:
a. Rebolusyong Industriyal c. Paglunsad ng Kilusang Repormasyon
b. Panahon ng Pagtuklas d. Rebolusyong Intelektwal
16. Ito ang isang estado na naiiba sa iba pang lungsod-estado sa Greece sa uri ng pamahalaan
at sa paraan ng pamumuhay dahil nakasentro ito sa militarismo.
a. Sparta b. Athens c. Dorian d. Corinth
17. Isang lalawigan sa Ghana na yumaman dahil sa pakikipagkalakalan ng ginto at naging
tagapagtustos ng ginto sa Europa.
a. Songhai b. Mali c. Ghana d. Boron
18. Ang grupo ng Inca na matagpuan sa Timog Ameerika at tinatawag ang kanilang sarili na
“Children of the Sun” dahil:
a. Sila ay nagmula sa sinag ng araw c. Araw ang kanilang sinasambang diyos
b. Mahilig silang magpa-araw d. Wala sa mga nabanggit
19. Upang iligtas ang Holy Sepulchre mula sa kamay ng mga Turko Muslim, naglunsad ang
mga Maharlikang Europeo ng iba’t ibang banal na labanan na tinatawag na:
a. rebelyon b. pag-aalsa c. digmaan d. krusada
20. Ang mga sumusunod na pangungusap ay mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong
Romano, maliban sa isa.
a. Kakulangan ng mga tapat at may kakayahang pinuno.
b. Pagsalakay ng mga barbaro sa lungsod ng Roma.
c. Pagbaba ng moralidad ng mga Romano.
d. Pagpapaligsahan ng mga emperador sa pagsakop ng ibang lupain.
21. Kung ang komunismo ang ideolohiyang pinaninindigan ng Rusya noong panahon ng Cold
War, ano naman ang ideolohiya ng United States.
a. Sosyalismo b. Demokrasya c. Pasismo d. Nasyonalismo
22. Siya ang kasalukuyang UN Secretary General.
a. U Thant b. Kofi Anan c. Dag Hammarskjold d. Mikhail Gorbachev
23. Sa mabilis ma paglaki ng populasyon, alin sa mga sumusunod ang di-mabuting epekto nito?
a. Kawala ng trabaho para sa mamamayan
b. Kakulangan sa pasilidad pang-edukasyon
c. Di-matugunang suplay ng pagkain
d. Lahat ng mga nabanggit.
24. Ayon sa UN, ang dahilan ng air pollution ay ang usok na ibinubuga ng mga sasakyan at
pabrika. Ano ang pinakamainam na implikasyon nito?
a. May katumbas na kasiraan sa kapaligiran ang pag-unlad.
b. May epektoang teknolohiya sa tao at sa kapaligiran.
c. Ang polusyon ay nagdudulot ng pag-unlad.
d. Dapat iwasan ang usok ng pabrika at sasakyan.
25. Kapag ang init ng araw ay nakukulong sa mundo dahil sa mga gases sa atmospera, ito ay
nagdudulot ng abnormal na pagtaas ng temperature sa daigdig na tinatawag na _________.
a. Ozone Depletion b. El Niño c. La Niña d. Global Warming
26. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng terorismo?
a. Paglaganap ng karahasan
b. Kapinsalaan ng ari-arian
c. Pag-iral ng di-magandang ugnayan ng mga bansa
d. Pagtaguyod ng mga karapatang pantao ng mga bansa.
27. Anong paglabag sa karapatang pantao ang ipinapakita sa sitwasyong ito?
Hindi tinanggap si Amihan kahit kwalipikado siya sa trabaho bilang clerk sa MS Dept.
Store sa kadahilanang siya ay isang katutubong Aeta.
a.Harassment b. Marginalisasyon c. Diskriminasyon d. Panunupil sa Kultura
28. Paano maitataguyod ng isang tao ang kanyang mga karapatang pantao?
a. Pagbale-wala sa karapatang pantao c. Pananamantala sa ibang tao
b. Pag-alam sa kanyang mga karapatan d. Pagkonsulta sa abogado
29. Alin sa mga sumusunod na kabihasnan ang nagpahalaga sa pagkakaroon ng talaan tanda
ng pagkakaroon nila ng unang aklatan.
a. Sumerians b. Persians c. Chaldeans d. Assyrians
30. Ang pagsusulit sibil ay namana natin mula sa mga Tsino. Ano ang kahalagahan ng
pagsusulit na ito ngayon?
a. Upang ang mga kawani ng pamahalaan ay may sapat na kakayahan at
kaalaman.
b. Upang makapagsagawa ng pagsusulit ang mga tanggapan ng gobyerno sa mga
aplikante nito.
c. Upang masiyahan ang mga tao sa mga kawani ng tanggapan ng gobyerno.
d. Wala itong kahalagahan sa modernong panahon.
31. Ang pulong nasa hilaga ng ekwador na karamihan ng mga pulo ay coral at napapaligiran ng
mga niyog.
a. Micronesia b. Polysnesia c. Indonesia d. Melanesia
32. Ang mga sumusunod ay mga naging bunga ng Krusada maliban sa isa:
a. Nagkaroon ng ugnayan ang Europa sa ibang bahagi ng mundo.
b. Naipakita ang relihiyong Kristiyanismo sa labas ng Europa.
c. Lumakas ang kalakalan ng mga Muslim at Kristiyano.
d. Sinakop ng Europa ang malaking bahagi ng Asya.
33. Isang sistemang pulitikal, sosyo-ekonomikal at military na sagot sa pangangailangan na
maaaring mamuno sa mga tao sa panahon ng kaguluhan.
a. Krusada b. Manoryalismo c. Piyudalismo d. Basalyo
34. Naging mabilis ang pag-unlad ng kalakalan noong kalagitnaang panahon sa iba’t ibang
bansa sa Europa dahil sa:
a. Paggamit ng salapi bilang midyum ng pakikipagkalakalan.
b. Paggamit ng makabagong transportastyong pandagat.
c. Paglakas ng Europa sa larangan ng sining at agham.
d. Pagdami ng mga barko at kalsada.
35. Ang kalayaan sa pananampalataya ay bunga ng anong yugto ng kasaysayan?
a. Dark Ages b. Rebolusyong Industriyal c. Reformation d. Renaissance
36. Panahon sa pagitan ng pagpasok ng kanlurang Imperyo ng Roma at ang paglitaw ng
Modernong Europa.
a. Panahong Medyebal c. Panahon ng Karimlan
b. Panahong Piyudal d. Panahon ng Repormasyon
37. Isa sa mahalagang institusyon na makatulong sa pag-usbong ng Europa mula sa panahon
ng Karimlan.
a. Kasaysayan b. Pamahalaan c. Simbahan d. Kabalyero
38. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng pagtuklas at pananakop ng lupain.
a. God, Goons, Gold c. God, Gold, Glory
b. Goods, Gold, Glory d. Goods, Goons, Glory
39. Lahat ay naging balakid sa kalakalan noong Kalagitnaang Panahon maliban sa isa:
a. kawalan ng ginto c. kawalan ng edukasyon
b. pagkawala ng trabaho d. pag-usbong ng lungsod
40. Ito ang layunin ng mga Kilusang Protestante.
a. Palakasin ang kapangyarihan ng Papa
b. Ibase ang mga aral sa Simbahan sa Biblya
c. Magsimula ng rebolusyon para sa masa
d. Maglakbay at tumuklas ng lupain
41. Alin dito ang hindi naging pamana ng Inglatera sa mundo?
a. Magna Carta b. Social Contract c. Bill of Rights d. Parlamento
42. Ito ang nagpatadhana kay Haring Henry VIII ng Inglatera bilang pinakamataas na pinuno ng
Simbahang Anglicano.
a. Peace of Augsburg b. Petition of Rights c. Act of Supremacy d. 95 Theses
43. Naiiba ang piyudalismo sa manoryalismo dahil
a. Ang piyudalismo ay patakarang pangkabuhayan.
b. Ang piyudalismo ay sistemang pulitikal.
c. Ang piyudalismo ay sistemang pangkalakalan.
d. Ang piyudalismo ay sistemang agrikultural.
44. Ito ang nagpabilis sa produksyon ng mga kalakal.
a. Kapitalismo b. Merkantilismo c. Industriyalismo d. Kolonyalismo
45. Sa anong antas ng pag-unlad ng kabihasnan natutong magtanim ang tao bilang kanyang
gawaing pangkabuhayan.
a. Panahon ng Lumang Bato c. Panahon ng Gitnang Bato
b. Panahon ng Bagong Bato d. Panahon ng Metal
46. Ang pinakamainam na paraan ng tao sa pakikipag-ugnayan sa kanyang kapaligiran.
a. Pagsira sa kapaligiran c. Labis na pagkonsumo sa likas na yaman
b. Pangangalaga sa kapaligiran d. Di-pagkonsumo sa likas na yaman
47. Ayon sa kanya ang tao ay nagmula sa mahabang natural na proseso ng ebolusyon.
a. TC Chamberlain b. Georges Lemaitre c. Charles Darwin d. Immanuel Kant
48. Balikan ang Teoryang Creationism ukol sa daigdig at mga tao. Ano ang pinakamainam na
paghihinuha ang mabubuo mo ukol ditto.
a. Ang sanlibutan ay nabuo batay sa isang perpektong plano.
b. Ang mundo ay nabuo mula sa kawalan tungo sa kaayusan.
c. Ang sanlibutan ay aksidenteng nabuo dahil sa pagbanggaan ng kometa.
d. Ang mundo ay bunga ng isang ebolusyon.
49. Ang mga pangungusap sa ibaba ay mga kaganapan sa muling pag-usbong ng mga bayan
at lungsod, alin sa mga sumusunod ang ikatlong pangyayari.
a. Pagbili ng mga mangangalakal sa kanilang kalayaan mula sa mga panginoon.
b. Pagtatag ng mga samahan ng mga mangangalakal at manggagawa.
c. Pag-unlad ng kalakalan sa mga bayan at lungsod.
d. Pag-unlad ng mga makina sa paggawa.
50. Siya ang nagtatag ng Banal na Imperyong Romano.
a. Clovis b. Charles Martel c. Theodossius d. Charlemagne
51. Kasing kahulugan ang kanyang pangalan ng Gintong Panahon ng Greece.
a. Draco b. Herodotus c. Pericles d. Solon
52. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang pamanang pampulitika ng mga Griyego.
a. Demokrasya b. Pilosopiya c. Sining d. Batas
53. Ano ang pinakadahilan ng Peloponessian Wars?
a. Inggitan at Kasakiman c. Kawalan ng katarungan
b. Di pagkakaintindihan d. Kawalan ng kapayapaan
54. Sa mga sumusunod na pagpipilian alin ang nagsisilbing batayan ng isang masmaunlad na
sibilisasyon.
a. Paggamit ng magaspang na bato c. Paglipat-lipat ng tirahan
b. Paggamit ng sandatang metal d. Paninirahan sa mga kuweba
55. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagtatag ng mga sinaunang pamayanan.
a. Pagkakaroon ng masmabisang proteksyon c. Pagkakaroon ng mga taniman
b. Paglawak ng mga pangangailangan ng tao d. Lahat ng mga nabanggit
56. Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang “Biyaya ng Nile”.
a. China b. Egypt c. Songhai d. Mesopotamia
57. Ano ang naging daan ng ugnayan ng mga tao na di-kalaunan naging mga sinaunang
kabihasnan.
a. Kabundukan b. Kapuluan c. mga Ilog d. mga Disyerto
58. Alin sa mga sumusunod ang naging pangunahing instrumento sa ugnayan ng mga
sibilisasyon sa daigdig.
a. Pakikipagkalakalan c. Pakikipagtalastasan
b. Pakikidigma d. Pakikipagkompetisyon
59. Ang kasaysayan ay tinuturing na isang agham na nakatuon sa pagtukoy sa mga
makabuluhang pangyayari. Bakit mahalagang pag-aralan ito?
a. Upang mapalawak ang kamlayang pangkasaysayan
b. Upang makatulong sa pag-unawa sa mga kasalukuyang pangyayari.
c. A lamang
d. A at B
60. Sa pagharap ng bansa sa globalisasyon, ano ang pinakamainam na gawin ng mga Pilipino?
a. Magwelga sa kalye c. Mangibang bayan na lamang
b. Balewalain ang mga nangyayari sa mundo d. Paunlarin ang angking galing.

“Ang EDUKASYON ay isang PINTUAN tungo sa pagkamit ng inyong mga PANGARAP.”

Inihanda ng mga Guro ng AP III ng BCNHS

Das könnte Ihnen auch gefallen