Sie sind auf Seite 1von 3

ST. ANTHONY LEARNING INSTITUTE OF QUEZON CITY, INC.

Unang Buwanang Pagsusulit – Ika-Apat na Markahan


Araling Panlipunan – Grade 4
Pangalan:__________________________________ Marka:__________________
Petsa:________________ Pirma ng magulang:________
Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Madalas na walang pambili ng pagkain si Mang Luis para sa kaniyang pamilya dahil wala siyang trabaho. Ano
ang dapat niyang gawin?
a. magpalimos sa daan c. mangutang sa tindahan
b. manghingi sa magulang d. maghanap ng pagkakakitaan
2. Masayang nagkukuwentuhan ang magkaibigang Joan at Joey. Sa kabilang silid ay natutulog ang isang bata na
may sakit. Ano ang pinakamabuti nilang gawin?
a. Itigi nila ang kanilang kuwentuhan.
b. Ituloy ang kanilang kasayahan dahil karapatan nila ito.
c. Hinaan nila ang kanilang boses para hindi maabala ang may sakit.
d. Lakasan ang kanilang kuwentuhan.
3. Anong termino ang tumutukoy sa pinkamataas na kabutihang makakamit at mararanasan ng mga
mamamayan?
a. gawaing pansibiko c. produktibong mamamayan
b. kamalayang pansibiko d. kagalingang pansibiko
4. Anong mga salita ang maaaring kabahagi ng Kagalingang Pansibiko?
a. Bayanihan, Pagkukusang-loob c. Pagkukusang-loob, Kasipagan
b. Pagkukusang-loob, Kalakasan d. Bayanihan, Katapatan
5. Alin ang sakop ng Kagalingang Pansibiko?
a. Edukasyon, Negosyo, Pagbisita ng Papa, Isports
b. Edukasyon, Kalusugan, Pananakop, Giyera
c. Edukasyon, Kalikasan, Kabuhayan, Kababaihan
d. Edukasyon, Kalikasan, Kabuhayan, Kalusugan
6. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Maraming relief goods ang dumating sa inyong lugar. Ano ang
gagawin mo?
a. Tumulong sa pamimigay ng mga relief goods.
b. Kukunin ang lahat ng relief goods para ibenta.
c. Hayaan na lamang sila sa pagbibigay.
d. Ibalita ito sa media na may dumating na relief goods.
7. Tumunog na ang bell ng paaralan, marami paring bata ang hindi nakalinya. Magsisimula na ang pambansang
awit. Ano ang gagawin mo?
a. Sumali sa mga batang hind pa nakalinya.
b. Huwag kumibo.
c. Sabihan sila na pumila na at sumabay sa pag-awit ng Lupang Hinirang.
d. Sigawan ang mga batang hindi nakalinya.
8. Nakita mong tumatawid sa kalsada ang isang matanda. Ano ang gagawin mo?
a. Alalayan ang matanda. c. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid.
b. Pabayaan siya at huwag pansinin. d. Maghanap ng pulis na magtatawid sa kanya.
9. May proyekto sa inyong barangay tungkol sa kalinisan. Ano ang gagawin mo?
a. Manood sa mga taong maglilinis. c. Manatili na lamang sa loob ng bahay.
b. Tumulong sa paglilinis at gawin ang makakaya. d. Mamasyal na lang para hindi ka makita.
10. Alin sa mga sumusunod ang mga gawaing pansibiko?
a. Pagpapakain sa mga batang lansangan c. Pagboto sa mga opisyal ng pamahalaan
b. Paglalaan ng oras sa bahay ampunan d. lahat ng mga nabanggit
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi gawaing pansibiko?
a. Pagtulong sa mga nagbibigay ng relief goods c. Paglilinis ng kapaligiran
b. Panood ng sine d. Pagtatanim sa gilid ng mga kalsada
12. Ano ang epektong naidudulot ng gawaing pansibiko?
a. Mas mapapabilis ang pag-bot ng tulong
b. Kagyat na pagtugon sa mga nangangailangan
c. Pangmatagalang epekto ng mga gawain at proyekto.
d. Lahat ng mga nabanggit
13. Ano- ano ang katangian ng isang maunlad na bansa?
a. Pantay-pantay ang pagturing sa mamamayan
b. Maayosa ang pagpapatakbo ng lipunan
c. Pagkakaroon ng angkop at sapat na serbisyong panlipunan
d. lahat ng mga nabanggit
14. Paano maitataguyod ng mamamayan ang kaunlaran ng bansa?
a. Kailangan niyang mapaunlad ang kaniyang sarili upang maging kapki-pakinabang.
b. Sumabay sa katiwalian ng pamahalaan.
c. Huwag linangin ang katalinuhan at kakayahan.
d. Sirain ang mg pampublikong gamit at lugar.
15. Anong pahayag ang maaaring itumbas sa kaunlaran?
a. Tapat na mamamayan c. Tiyak na negosyo, walang katiyakan sa serbisyo
b. Masaganang buhay d. Mabuting pamamahala
16. Paano mo mapananatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong sa pag-unlad ng bansa?
a. Manood ng television hanggang hatinggabi. c. Kumain ng masusustansiyang pagkain.
b. Mag-ehersisyo kung kailan nais gawin ito. d. Gumamit ng ipinagbabawal na gamut.
17. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matalinong mamimili?
a. Si Janus na pinipili ang mas marami o malaki kaysa kalidad ng produkto.
b. Si Che-Che na binabasa muna ang mga label sa etiketa ng mga paninda.
c. Si Chris na bumubili ng gamit o bagay batay sa mga anunsiyo sa telebisyon.
d. Si Nelia na bumubili ng anumang maibigan niya kahit di ito kailangan.
18. Sino sa kanila ang may tamang saloobin sa paggawa?
a. Si Melanie na madalas na hindi tinatapos ang gawain.
b. Si Philip na maagang pumapasok ngunit maaga ring umuwi.
c. Si Jayson na gumagawa lamang kapag nariyan ang manedyer.
d. Si Jasmine na pinag-aaralang mabuti ang gawain upang mapagbuti ito.
19. Inutusan ka ng iyong kapatid na bumili ng pagkain sa tindahan na nsa kabilang kanto. Ano ang iyong
gagawin?
a. Gamitin ang kotse dahil tinatamad maglakad. c. Sundin ang iniutos ng kapatid.
b. Sumakay ng tricycle dahil mainit maglakad. d. Iuutos uli ito sa isang kapatid.
20. Alin sa mga sumusunod ang binigyang-diin ni Fernando Amorsolo sa kanyang mga pinta?
a. Katutubong pambaryong tanawin c. Pagkanasyonalismo
b. Pagmamahal sa kapuwa d. Makabagong Panahon
21. Maraming Pilipinong manlalaro ang nakilala at tumanyag sa buong mundo dahil sa kanilang angking
kakayahan at lakas. Kung ikaw ay isang manlalaro, paano mo paghahandaan ang sasalihan mong laro?
a. Hihingi ako ng payo sa idolo kong manlalaro.
b. Iisipin ko na lamang na mananalo ako sa larong sasalihan.
c. Hindi na lang ako sasali sa laro.
d. Pauunlarin at lalo akong magsasanay upang makamit ang tagumpay.
22. Ano ang pinatutunayan ng mga Pilipina sa pandaigdigang timpalak sa kagandahan?
a. May kapangyarihan ang mga kababaihan sa anumang larangan.
b. Matalino, maayos, at may pagpapahalaga ang mga Pilipina sa bansa, sa kapuwa, at sa kaniyang sarili.
c. Kayang maging tanyag ng Pilipino sa anumang larangan.
d. Sa larangan lamang ng kagandahan nakikilala ang mga Pilipina.
23. Si Aling Sophia ay nakatatanggap ng pera bawat buwan mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).
Ano ang dapat gawin ni Aling Sophia sa natatanggap niyang pera?
a. Ibili ito ng mga kagamitan sa bahay.
b. Ibili ito ng mga gadget gaya ng cellphone at ipod.
c. Ipambayad ito sa kuryente at tubig.
d. Gamitin ito sa pagpapaaral at pagpapagamot ng mga anak.
24. Nagkaroon ng programang Remedial Reading sa inyong paaralan. Inanyayahan ka ng iyong guro na
makilahok sa pagtuturo sa mga kamag-aral mong mahinang bumasa. Ano ang iyong gagawin?
a. Masayang tatanggapin ang imbitasyon dahil makakatulong ako sa aking mga kamag-aral.
b. Hindi ako sasali dahil hindi naman ako guro.
c. Sasabihin ko sa aking guro na ibang bata na lamang ang kaniyang kunin.
d. Magtuturo ako pero sandalilang.
25. Si Jenny Mae ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan. Libre ang kaniyang pag-aaral dito.Ano ang dapat
niyang gawin?
a. Mag-aral nang mabuti hanggang makapagtapos.
b. Humingi ng malaking halaga ng baon sa magulang dahil libre naman ito.
c. Masiyahan na sa mababang marka basta’t makapasa dahil siya naman ay nasa pampublikong
paaralan.
d. Maari siyang hindi pumasok araw-araw dahil libre naman ito.
Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pangungusap. Isulat naman ang MALI kung hindi wasto.
_________26. Mahalaga na matukoy at magawa ang mga tungkulin upang maging an gating bansa.
_________27. Maaaring maging mamamayan ang dayuhan sa isang bansa kung dadaan siya sa tamang proseso ang
pagiging likas na mamamayan.
_________28. Ang mga karapatan ay maaaring maabuso at magamit sa masamang paraan.
_________29. Kungang isa sa iyong magulang ay dayuhan, isa lamang ang dapat piliin na pagkamamamayan.
_________30. Maaaring pigilan ng pamahalaan ang ating karapatan na magbigay ng opinion uko sa mga polisiya nito.
Tukuyin ang inilalarawan ng mga pangungusap. Isulat ang sagot mula sa mga pagpipilian sa loob ng kahon.
31. Ito ang antas ng pamumuhay ng mamamayan sa bansa. a. Artikulo III
32. Ito ang kasulatang pinirmahan ng iba’t ibang bansa na b. Boluntarismo
nagsasaad ng pagkilala sa karapatan ng lahat ng tao. c. UDHR
33. Ito ang proseso ng pagkuha ng pamahalaan sa d. Naturalisasyon
isang tao bilang kasapi ng bansa o estado. e Pagkamamamayan
34. Ito ang kusang pagkilos ng mamamayan f. Kaunlaran
nang walang hinihinging kapalit.
35. Makikita sa bahaging ito ng Saligang Batas ng
1987 ang listahan ng mga karapatan ng mamamayan.
Lagyan ng bilang isa (1) kung ang pangungusap ay tumutukoy sa karapatang pantao, (2) panlipunan, (3)
pangkultura, (4) pang-ekonomiya, (5) pampolitika, at (6) pangkalikasan.
_____36. Pagbibigay ng mga daan para sa mga PWD
_____37. Libreng edukasyon sa mga pampublikong paaralan.
_____38. Pagsuporta sa local na sining.
_____39. Pagtatanim ng mga puno sa ilalim ng National Grening Program.
_____40. Rehistro ng mga OFW upang makaboto.
Magbigay ng tatlong taong nagbigay ng kontribusyon sa larangan ng Sining at Panitikan.
41.______________________________________________________________
42.______________________________________________________________
43.______________________________________________________________
Magbigay ng dalawang taong nagbigay ng kontribusyon sa larangan ng Palakasan o Isports.
44.______________________________________________________________
45.______________________________________________________________
Magbigay ng tatlong taong nagbigay ng kontribusyon sa larangan ng Negosyo.
46.______________________________________________________________
47.______________________________________________________________
48. Ano ang maaari mong maiambag sa bansa bilang isang mabuting mamamayan?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
49. Magbigay ng isang karapatan at ano ang kaakibat nitong tungkulin?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
50. Paano mo mapatutunayan na ikaw ay isang Pilipino?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Das könnte Ihnen auch gefallen