Sie sind auf Seite 1von 3

Ano ang CLIMATE CHANGE?

Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na
nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring
magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga
sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.

Sanhi ng CLIMATE CHANGE

Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:

1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon. Ito ay
sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim
ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo.

2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse
gases )GHGs). ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga
sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide
sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay
ilan sa mga dahilan ng climate change.

Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE CHANGE

Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.

 Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:


- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
 Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at
pangkabuhayan nito.
Ano ang Climate Change o Pagbabago ng Klima

Posted by chief on May 7, 2018 in Impomasyon

Para malaman natin kung ano ang climate change o pagbabago ng klima ay dapat muna nating alamin
kung ano ang kahulugan ng klima.

Ano ba ang “Klima” at paano ito naiiba sa salitang “Panahon”? Ang pagkakaiba sa pagitan ng panahon at
klima ay masusukat natin sa pamamagitan ng oras.

Ang panahon ay ang kondisyon ng isang lugar o kapaligiran sa loob lamang ng maikling oras, halimbawa
ay ang mainit na panahon, malamig at ulan . Karamihan sa mga tao pag sinabing ano ang panahon ngayon
ay nagbabasi sila sa ulap, sinag ng araw at hangin.

Ang klima naman ay kung paano mag-asal ang kapaligiran o atmosphere sa loob ng mahabang panahon o
oras. Ang klima ay maaring magkaiba para sa ibat-ibang panahon, halimbawa nito ang isang lugar na
sobrang mainit at tigang sa buwan ng tag-araw o summer ngunit malamig naman at basa kapag sa buwan
ng tag-ulan.
Ano ang climate change o pagbabago ng klima?

Ang kahulugan ng climate change o pagbabago ng klima ay ang pagbabago sa karaniwang panahon na
dapat sana ay mangyari sa isang lugar.

Maaaring ito ay ang pagdami o pagkabawas ng pagdagsa ng ulan kadata-on sa isang lugar. O maaaring ito
ay isang pagbabago sa karaniwang temperatura ng isang lugar para sa isang buwan o season.
Ayon sa mga eksperto, ang klima ng mundo ay laging nagbabago. Sa kanilang pag-aaral, ang temperature
ng mundo ay tumaas ng halos 1 degree Fahrenheit sa nakalipas na 100 taon. Mukha man itong maliit
lang, pero maari itong magdulot ng malaking epekto sa pagbabago sa boung mundo.

Ang epekto ng climate change at pagtaas ng temperatura sa mundo ay tumunaw sa mga niyebe at yelo sa
north at south pole, naka epekto din ito sa pagtaas ng tubig sa mga karagatan at tiyempo ng paglago ng
mga ibat-ibang halaman.

Ano ang sanhi at dahilan ng climate change o pagbabago ng klima?

Maraming mga bagay ang maaring maging dahilan at sanhi ng climate change.

Likas na mga sanhi – Ang distansya ng araw sa Earth ay maaring maging sanhi ng climate change,
kapag ito ay malapit ay mas mainit, at pag malayo naman ay malamig. Maari ding maging dahilan ng
climate change ang pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.

Kagagawan ng Tao – Ang climate change ay maaari ding maging sanhi ng mga gawain ng tao, tulad ng
mga pagsusunog ng Fossil fuels at ang conversion ng lupa para sa agrikultura at pagpapatayo ng mga
gusali. Mga buga ng mga sasakyan na carbon dioxide at pagsunog ng mga plastic ay isa rin sa rason.
Simula ng tayo ay dumating sa Industrial Age, ang impluwensya ng tao sa pagbabago ng klima ay mas
lalong nadagdagan.

Ano ang epekto ng climate change o pagbabago ng klima?

Ang mga sumusunod ay ang pwedeng maging epekto ng climate change:

 Patuloy na pagtaas ng temperatura – Mas lalong iinit ang mundo


 Paghaba ng panahon ng tag-init – Hahaba ang season ng tag-init at El Niño
 Pagdagsa ng maraming bagyo – Dahil sa sobrang init nagbabago ang precipitation, may mga
lugar na hihina ang dagsa ng ulan at meron din lugar na dadagsain ng bagyo.
 Pagtaas sa antas ng tubig dagat – Ang mga nyibe at yelo sa north at south pole ay
matutunaw at magiging dahilan ng pagtaas ng tubig dagat.

Solusyon sa climate change?

Paano maiiwasan ang climate change? Ang climate change ay hindi natin mapipigilan, ngunit
mayroong mga paraan upang ang pagbabago ng klima at pagtaas ng temperatura ay madahandahan.

1. Sumuporta at sumali sa mga usapin ukol sa kung ano ang climate change.
2. Magin resposabling mamamayan at wag magsunog ng mga plastik.
3. Maging matipid sa enerhiya.
4. Tigilan ang pag putol ng mga punong kahoy bagkos magtanim nito.
5. Gumamit ng Biofuels.

Das könnte Ihnen auch gefallen