Sie sind auf Seite 1von 3

Paaralan LANGGAM ELEMENTARY SCHOOL Antas Baitang 6

Banghay Aralin Guro EVANGELINE L. SANTOS Markahan Kuwarter-I


Petsa/ Hulyo 17, 2019 Asignatura ARALING PANLIPUNAN
Ikapitong Linggo

A.Pamantayang Ang mag-aaral ay…


Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
(Content Standard) globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at
ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino
B.Pamantayan sa Ang mag-aaral ay…
Pagganap Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa
(Performance lokasyon nito sa mundo
Standard)
C.Pamantayan sa Natatalakay ang mga ambag ni Andres Bonifacio, ang Katipunan at Himagsikan ng 1896 sa
Pagkatuto pagbubuo ng Pilipinas bilang isang bansa
(Learning
Competencies)
Day 3
II.Layunin (Lesson COGNITIVE: Natatalakay ang mga ambag ni Andres Bonifacio, ang Katipunan at
Objectives) Himagsikan 1896 sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa.

AFFECTIVE: Napapahalagahan ang mga ambag ni Andres Bonifacio sa Himagsikan para sa


kasarinlan ng Pilipinas.

PSYCHOMOTOR: Nakalilikha ng poster tungkol sa mga ambag ni Andres Bonifacio, ang


Katipunan at Himahgsikan 1896

Paksang Aralin Mga Ambag ni Andres Bonifacio sa Pagbuo ng Pilipinas Bilang Isang Bansa
(Subject Matter)
III.Kagamitang Curriculum Guide 6 AP6PMK-Ie-7, Pilipinas Bansang Papaunlad 6 2000. Pp.182- 183,
Panturo Kayamana 6 pp.39-44, Power Point Presentation, video, puzzle, activity cards
(Learning Resources)
a.Reviewing Previous Balik-aral: (Pandora Box)
Lesson or Presenting Sagutin ang mga tanong mula sa mga tanong sa Pandora’s Box.
the New Lesson 1. Kailan nilagdaan nina Aguinaldo ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato?
2. Sino ang dalawang sumulat ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato?
3. Sino ang nahalal na pangulo ng Republika ng Biak-na-Bato?
b.Establishing a Puzzle Picture (Pagbuo ng isang puzzle)
Purpose for the
lesson
c.Presenting Sino ang nasa larawan? Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Ano ang masasabi ninyo
Examples sa larawan
Ano sa palagay nyo ang kinalaman ng nasa larawan sa ating aralin ngayon?

d. Discussing new *Manage classroom to engage learners individuality or in groups in meaningful exploration,
concepts discovery and hands-on activities within a range of physical learning environment
Group Activity(Rubrics)
GROUP-I NEWS REPORTING
Ipakita ang mga mga ambag ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang
bansa.

GROUP-II DULA-DULAAN
Ipakita sa pamamagitan ng isang Dula-dulaan ang mga ginawa ni Andres Bonifacio
bilang Ama ng Katipunan.

GROUP-III TULA /AWIT


Gumawa ng isang tula tungkol kay Andres Bonifacio bilang pagkilala sa kanyang
ambag sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa.

GROUP-IV PAGGUHIT
Gumuhit ng isang larawan sa isang cartolina na nagpapakita ng pagpapahalaga ninyo
sa mga ambag ni Andres Bonifacio para sa ating bansa.

*Applies knowledge of content within and across curriculum teaching areas

E. Continuation of Pagsagot ng mga katanungan


the discussion of new 1. Sino si Andres Bonifacio?
concept 2. Ano-ano ang kaniyang nagawa para sa bansa?
3. Ano ang papel na ginampanan ni Andres Bonifacio sa Himagsikan?
4. Ano ang nagyari noong Himagsikan 1896?
5. Paano naging isang bayani si Andres Bonifacio?
6. Anong klaseng bayani si Andres Bonifacio?
7. Sang-ayon ka ba sa paraan at layuning ipinaglaban nila? Bakit OO/HINDI, Ipaliwanag
8. Kailangan bang magbuwis ng buhay ang isang tao para tanghalin siyang bayani ng
bayan? Ipaliwanag
9. Kung bibigyan ng pagkakataong makapag-time travel at makakausap mo ang
Supremo, Ano ang gusto mong sabihin? Bakit?
10. Kung mabubuhay ka sa panahon ng Himagsikan 1896 bilang si Andres Bonifacio,
ano ang iyong gagawin upang ipakita ang pag-ibig mo sa bayan?

* Applies a range of strategies that develop critical and creative thinking as well as other higher order
thinking skills.
f.Developing Mastery Panuto: Isaayos ang mga larawan ayon sa pagkasunod-sunod ng pangyayari sa
kasaysayan.
g. Finding practical
application of Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga mo sa mga ambag
concept and skills in o nagawa ni Andres Bonifacio para sa bayan?
daily living
h. Making Ano – ano ang mga ambag ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang
Generalization and bansa?
abstractions about
the lesson
i.Evaluating Learning Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Piliin sa loob ng kahon.

Si Andres ay dalubhasa sa _____________


Siya ay nanguna sa pagpunit ng ___________ sa maliit na baryon ng ______________
Tinaguriang ____________________ ng Katipunan
Itinatag ni Andres Bonifacio ang KKK at siya ng kinilalang ______________
Sa itinatag niyang Pamahalaang Mapaghimagsik tinawag din siyang Pangulo ng
_________________

j. Additional Magtala ng mga pangyayaring Naganap noong Himagsikan 1896.


activities for
application and
remediation
Remarks

Reflection
a.No. of learners for
application or remediation
b.Did the remedial lesson
work?No. of learners who
have caught up with the
lesson.
c.No.learners who have
continue to require
remediation
d.which of my teaching
strategies worked well?Why
did this work?
e.What difficulties did I
encounter which my
principal or supervisor can
help me solve
f.What innovation or
localized materials did I
use/discover which I wish to
share with other teachers?

Inihanda ni:

EVANGELINE L. SANTOS
Guro II

ROCELLA M. BARRAGO
Master Teacher I

CAMILO R. ATIENZA JR.I


Principal II

Das könnte Ihnen auch gefallen