Sie sind auf Seite 1von 4

Kilalanin ang mga Iba’t Ibang Uri ng mga Anyong Lupa

ANYONG LUPA – Narito ang iba’t ibang uri ng mga Anyong Lupa kabilang na ang Kapatagan,
Bundok, Bulubundukin, Bulkan, Burol, Lambak, Talampas, at Tangway.

Hindi maikakaila na sadyang maganda ang pagkagawa ng Maykapal sa mundo. May iba’t ibang uri
ng mga anyong lupa at anyong tubig na kamangha-mangha ang kagandahan. Bawat isa sa kanila ay
may kanya-kanyang ipinagkakaiba sa lahat.

Sa aspeto ng anyong lupa, maraming iba’t ibang uri kabilang na ang kapatagan, bulkan, bundok,
bulubundukin, burol, lambak, pulo, talampas, tangway, tangos, at delta.

Sa artikulong ito, ating kilalanin ang iba’t ibang uri ng anyong lupa at ang kanilang ipinagkakaiba
mula sa ibang uri.

1. Kapatagan
Maraming kapatagan sa Pilipinas lalong-lalo na sa Luzon. Ito ang uri ng lupa na walang pagtaas at
pagbaba. Patag ang lupain na ito at malawak. Mainam itong tamnan ng iba’t ibang pananim katulad
ng gulay dahil madali itong linangin.

Photo from Tourism Kapatagan Blogspot | Kapatagan, Lanao del Norte

2. Bundok
Ang isa pang kilala na anyong lupa ay ang bundok. Maraming bundok sa iba’t ibang dako ng mundo.
Ito ay makikilala dahil sa mataas na pagtaas ng lupa.
Photo from www.lds.org

3. Bulubundukin
Ang bulubundukin ay binubuo ng maraming magkakahanay na bundok o pagtaas ng lupa ng
daigdig. Mas matataas at matatarik ito kaysa sa bundok.

Photo from julieanntalastas123.blogspot.com

4. Bulkan
Ang bulkan ay isa ring uri ng bundok. Subalit, malaki ang ipinagkakaiba nila dahil ang bulkan ay
maaring maglabas ng “lava” o mga tunaw na bato. May mga bulkan na aktibo at mayroon din
namang hindi aktibo.
Photo from Pilipinas

5. Burol
Bukod sa bulkan, may isa pang uri ng anyong lupa na malapit rin sa bundok. Ito ay ang burol na
parang maliliit na bundok ngunit higit na mas mahaba ito at pabilog.

Kadalasan, ang burol ay kulay luntian tuwing tag-ulan at kulay tsokolate tuwing tag-araw. Ang isa sa
pinakatanyag na burol ay ang Chocolate Hills sa Bohol.

Photo from www.magtxt.com

6. Lambak
Ang Lambak ay isang patag na lupa na nasa gitna ng mga bundok. Katulad ng kapatagan, mainam
rin itong taniman ng mga mais, gulay, at iba pang pananim dahil mabilis itong linangin.

Photo from My Homeworks

7. Talampas
Ang Talampas ay medyo malapit sa Lambak. Madali rin itong linangin at patag rin. Ang ipinagkakaiba
nila ay sa lokasyon.

Ang Talampas ay makikita sa isang mataas na lugar habang ang Lambk naman ay kadalasan sa mga
mababang lugar napapalibutan ng bundok.
Twitter/@javalavamanila

8. Tangway
Isa sa mga anyong lupa ay ang Tangway. Ito ay lupa na nakausli ng pahaba at may tubig sa paligid ng
tatlong sulok nito.

Photo from renzcarlomarcelino.blogspot.com/

9. Tangos
May pagkakatulad sa tangway ngunit mas maliit.
Halimbawa: Tangos ng Bolinao, Tnagos Engaño

10. Delta
Kakaibang uri ng anyong lupa sapagkat ito ay ang mga naipong putik at buhangin sa bunganga ng ilog. Maganda itong taniman
dahil sa matabang lupa.
Agno River Delta, Cagayan River Delta, at Pampanga River Delta

Das könnte Ihnen auch gefallen