Sie sind auf Seite 1von 18

Pangalan: Seksiyon:

Petsa: Iskor

ARALING PANLIPUNAN Grade 9 – EKONOMIKS


UNANG MARKAHAN

MODYUL 2

YUNIT I: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS

ARALIN 3: PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN

LAYUNIN:
1. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang batayan sa
pagbuo ng matalinong desisyon.
2. Naipakikita ang ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa suliranin ng
kakapusan.
3. Nasusuri ang herarkiya ng pangangailangan.

Kagustuhan at Pangangailangan
Ang tao ay mayroong walang katapusang kagustuhan at pangangailangan na kailangan niyang
matugunan. Gaano man karami ang mga pinagkukunang-yaman kung walang hanggan naman ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao, hindi rin mabibigyan ng solusyon ang suliranin sa
kakapusan. Ang kaalaman ukol sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat isa ay makatutulong nang
malaki sa paggawa ng mga desisyong may kaugnayan sa suliranin sa kakapusan.
Pangangailangan – ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang
mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga
pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan
.
Kagustuhan- ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan (basic
needs). Ito ang mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang
mabuhay. Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at
karangalan.

Isa sa basic needs ng isang tao ay ang pagkain Kagustuhan

Teorya ng Pangangailangan ni Maslow


Abraham Harold Maslow, isang Amerikanong psychologist na
nagpanukala ng hirarkiya ng mga pangangailangan ng tao.
“People are motivated to achieve certain needs. When one need is
fulfilled a person seeks to fulfil the next one, and so on.” -Maslow (1943)
1
Page
Ang hirarkiya ng mga pangangailangan (Hierarchy of Needs) na ito ay kadalasang inilalarawan sa anyo
ng isang piramide:
Physiological needs (pisyolohikal) – ang pinakamababang bahagi ng piramide, kabilang dito ang mga
bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog.
Safety needs (pangkaligtasan) – ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan
sa buhay, kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay at kaligtasan.
Love/Belonging needs (Pangangilangang makisalamuha, makisapi at magmhal) – ito ay nauukol sa
pangangailangang panlipunan tulad ng pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng pamilya dahil sa kailangan
ng tao ang pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao.
Esteem needs ( pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba)– nauukol sa pagkakamit ng
respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.
Actualization (pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkato) – ang pinakamataas na
antas sa hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal, ngunit
higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.

Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas
kung napunan na ang nasa ibabang antas.

GAWAIN 1: BAITANG-BAITANG
Isulat sa bawat baitang ng pyramid ang mga batayan ng pangangailangan ng tao
batay sa teorya ni Abraham Harold Maslow. Lagyan din ang mga ito ng mga
halimbawa. Sa ikalimang baitang ay ilagay ang pangalan ng kilalang tao sa iyong
komunidad na sa palagay mo ay nakaabot sa antas na ito.

Teorya ng Pangangailangan ni McClelland


David McClelland, isang Amerikanong psychologist, ayon sa kanya, may mga pangangailangan ang tao
na natatamo sa matagal na panahon at hinuhubog ng mga karanasan
2
Page
1. Nagawa (achievement) – inilarawan ni McClelland ang katangian at saloobinng taong may mataas na
pangangailangan sa nagawa
Ang nagawa ay higit na mahalaga kaysa mga gantimpalang material at salapi.
Ang makamit ang layunin ay nagbibigay ng personal na kasiyahang higit sa makatanggap ng papuri at
pagkilala.
Mahalaga ang feedback upang masubaybayan ang pag-unald na nakamit.

2. Kapangyarihan(Power) – ito ay may dalawang uri – personal at institusyonal


Personal – ito ay kadalasang hindi maganda dahil sa pagnanais na magtuos sa iba
Institusyonal – ito ay nakatuon sa mga pagsisikap upang maging maayos ang layunin ng samahan
3. Pagsapi (affiliation) – ang pagsapi ay nagnanais ng maayos na pakikisalamuha sa ibang tao at
kailangang makadama na sila rin ay tinatanggap ng ibang tao.
Ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ang itinuturing na pinakaugat ng
suliraning may kaugnayan sa kakapusan. Kaya nararapat na maging matalino sa pagpapasya ukol sa
paggamit ng may kakapusang pinagkukunang-yaman. Kinakailangang bigyang-tuon ang mga bagay na
makapagbibigay sa tao ng higit na kapakinabangan at kasiyahan.
Batayan ng Kaunlarang Pangangailangan
Ayon kay Michael Todaro, isang ekonomista, may tatlong kanais-nais na katangian
ng isang maunlad at progresibong bayan.
Sagana ito sa material na bagay
Malawak ang kalayaan ng mga mamamayan
Mataas ang antas ng dignidad ng mga tao.
Umuusbong ang pangangailangan at hilig ng tao na sinasagot at tinutugunan upang
makamit ang katangiang ito.
Batayang Emperikal
“Nagpapliwanag sa mga pangangailangan ng tao at itinuturing na mahalagang mithiin at layunin
ng isang masaganag pamumuhay ang mga ito, gagawa ng mga paraan ang mga tao upang matugunan
ang mga panlipunang layunin.

GAWAIN 2: Kagustuhan at Pangangailangan


Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung sino ang nagpahayag ng mga sumusunod na teorya
ng pangangailangan.

Mga Pangangailangan Abraham Maslow Michael Todaro Mahar Mangahas


1. Mataas na dignidad

2. Pangangailangang matupad ang hangarin

3. Pangangalaga sa likas na yaman

4. Pagmamahal

5. Pampublikong Kaligtasan

6. Kalayaan ng tao

7. Pangangailangang Pisyolohikal

8. Empleyo

9. Kita

10. Maayos na pamamahay


3
Page
Layunin: Natutukoy ang mga salik na nakaapekto sa kagustuhan
Panuto: Isulat sa ang titik ng salik na nakaapekto sa kagustuhan.

a. epekyo ng pagiging urban b. makabagong teknolohiya c. sariling pagpapahalaga


d. paggaya sa iba e. pag-aanunsyo f. katangian g. imbensyon h. okasyon
i. presyo j. mataas na kita k. panahon

11. Si mang Georgie ay tumanggap ng bonus kaya bumuli siya ng bagong tv.

12. Malakas ang ulan kaya bumuli si Uncle Sam ng paying.

13.Para sa Noche Buena, naghanda si aling Magda ng keso de bola at hamon.

14. Higit na mas medaling gamitin ang cellular phone kaysa ordinary na telepono
kaya ito na binili ni Joshua.

16. Upang makatipid, sumakay si Ayrone sa ordinary bus at hindi sa aircon bus.

17. Gumagamit si Kris Aquino ng Pantene shampoo, kayat gumamit na rin si Annie ng
Pantene.

18. Nabasa ni Grace na mahusay ang Acer Asphire na notebook kaysa ibang brand kaya ito
ang kanyang binili.

19. Bumili si Raffy ng dalanghita at hindi orange dahil magkasinsustansiya ang dalawa
pero di magkasingmahal.

20. Nais bumili ni Melandria ng kotse dahil mahirap ang sasakyan sa liliptan nilang
subdivision.

GAWAIN 3: PANGANGAILANGAN O KAGUSTUHAN

4
Page
ARALIN 4: ALOKASYON

Layunin:
1. Nasusuri ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan at
pangangailangan at kagustuhan.
2. Napahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang matugunan
ang pangangailangan.
3. Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya bilang sagot
sa kakapusan.

Ang Konsepto ng Alokasyon

Alokasyon – ay isang mekanismo ng pamamahagi ng mga


pinagkukunang-yaman upang lutasin ang suliranin ng lipunan ukol sa
kakapusan
– ito ay tumutukoy sa paglalaan ng takdang dami ng
pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao
Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman mahalagang gamitin ito
ng lipunan sa episyenteng pamamaraan.

Kinakailangang malinaw ang layunin ng paggamit sa mga


pinagkukunang-yaman upang maiwasan ang pagka-aksaya nito
Sa alokasyon, ang pagbuo ng mga imporamasyon hinggil sa tutugunang pangangailangan ay maaaring
sentralisado o desentralisado.
Sentralisado ang aloksayon kapag ang mga kinakailangang impormasyon ay binubuo ng at itinatakda ng
iilang tao, grupo ng tao, o institusyon.
Desentralisado naman ang alokasyon kapag pinahihintulutan ang iba’t ibang kasapi ng ekonomiya na
makabuo ng mga impormasyon at magtakda kung anu-anong pangangailagan at kagustuhan ang nais
nilang unahing matugunan
Sa alokasyon, tinutukoy rin kung paano at sino ang magbibigay-halaga sa mga pinagkukunang-yaman.
Dalawa ang maaari nitong maging kaayusan:
Pinag-uutos (command) – ang mga patakaran ng pamahalaan ang magtatakda sa pagbibigay –halaga sa
mga pinagkukunang-yaman
Pakikipagpalitan (exchange)– ang halaga ng pinagkukunang-yaman ay itinatakda ng plano ng bawat
kasapi bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan at kagustuhan.

Ang Sistemang Pang-ekonomiya


Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang aspeto ng bansa kung saan binibigyang-katugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Layunin:
Mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga kalakal o serbisyo at gayundin upang maiwasan ang
kakulangan sa mga bagay na ito
Tradisyunal na ekonomiya – ang mekanismo ng alokasyon ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at
paniniwala
Market economy – ang produksyon at distribusyon ng mga kalakal at serbisyo ay nagaganap sa
mekanismo ng malayang pamilihan na ginagabayan ng isang sistema ng malayang pagtatakda ng halaga
Command economy – ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng
pamahalaan
Mixed economy – isang sistema kung saan ang desisyon kung paano gagamitin ang mga pinagkukunang-
yaman ay nasa kamay ng pribadong sektor at pamahalaan

Tatlong katanungang kailangang matugunan ng lipunan:

Anu-anong kalakal at serbisyo ang dapat likhain at gaano karami ito?


Paano lilikhain ang mga kalakal at serbisyong ito?

Para kanino ang mga malilikhang kalakal at serbisyo?


5
Page
GAWAIN 1: FOUR PICS ONE WORD

Suriin ang apat na larawan upang mabuo ang hinahanap na salita.

Gawain 2: SISTEMA IKAMO?


Piliin sa mga hanay ng salita sa ibaba ang angkop na kataga sa bawat
larawan. Isulat ito sa kahon sa ilalim ng bawat larawan.

Tradisyonal na Ekonomiya Mixed Economy


Command Economy Market Economy

1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot?

2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng sistemang pang-ekonomiya?


6
Page
GAWAIN: 3 ENTRANCE AT EXIT SLIP Punan ng matapat na sago tang 2
kahon sa ilalim ng Entrance slip at Exit slip

GAWAIN 4: REPLEKSIYON
Ngayon ay maaari mo nang itala ang lahat ng bagay at
impormasyon na iyong natutuhan sa aralin. Ilagay o isulat sa isang
buong papel at ipunin sa inyong portfolio ang naging kasagutan para
mabasa ng guro at mabigyan ng grado.

ANG AKING NATUTUHAN SA ARALIN

GAWAIN: 5 DIALOGUE BOX


Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon.
7
Page
Transisyon sa Susunod na Aralin
Binigyang-diin sa araling ito ang konsepto ng
alokasyon sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya.
Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga
pinagkukunang-yaman, dapat itong sumasagot sa apat na
pangunahing katanungang pang-ekonomiko:
1. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
2. Papaano gagawin ang naturang produkto at
serbisyo?
3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
Ang susunod na aralin ay tatalakay sa konsepto ng
pagkonsumo.

ARALIN: 5 PAGKONSUMO AT MAMIMILI

PANIMULA
Sa araling ito ay mauunawaan mo ang konsepto ng
pagkonsumo. Inaasahang masusuri at matataya mo ang iyong mga
pamantayan sa pagbuo ng matalinong desisyon tungo sa pagiging
matalinong konsyumer.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay
makapagpapaliliwanag ng konsepto ng pagkonsumo, makapagsusuri
ng mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo, makapagpapamalas ng talino sa pagkonsumo sa
pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa pamimili, makapagtatanggol ng mga karapatan, at
magagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili.

LAYUNIN:

1. Naipapaliwanag ang konsepto ng pagkonsumo.


2. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.
3. Nabibigyang halaga ang pagiging mabisa ng mga batas ukol sa proteksyon ng mamimili.

Ang Pagkonsumo at Ang Mamimili


Sa isang ekonomiya, walang matutugunan na pangangailangan at kagustuhan ang tao kung hindi siya
gagamit o lilikha ng isang produkto. Ang paggamit ng isang produkto ay nakapaloob sa konsepto ng
pagkonsumo. Ang paglikha naman ng produkto ay nakapaloob sa konsepto ng produksyon. Ang
pagkonsumo at produksyon ay dalawa sa pinakamahalagang gawain sa ekonomiya.
Pagkonsumo – tumutukoy sa paggamit at pakinabang ng mamimili sa mga produkto
kasiyahan o satisfaction – ang tawag sa kapakinabangan ng mamimili mula sa isang produkto
8
Page
May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba ng kanilang katangian
ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang paraan at dahilan ng kanilang pagkonsumo.

Pagbabago ng Presyo – may pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo sa
pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo
samantalang mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga
mamimili ang produkto o serbisyo kapag mura dahil mas marami silang mabibili. Samantala, kaunti
naman ang kanilang binibili kung mataas ang presyo nito.

Kita - nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John Maynard Keynes, isang
ekonomistang British, sa kaniyang aklat na “The General Theory of Employment, Interest, and Money”
na inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kaniyang pagkonsumo. Ayon sa
kaniya, habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng
mga produkto at serbisyo.

Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo.


Kaya naman, mapapansin na mas maraming pinamimili ang mga taong may malalaking kita kung
ihahambing sa mga taong may mababang kita lamang.

Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa pagkonsumo sa


kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng
produkto dahil sa kalamidad, tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang paghahanda
sa pangangailangan sa hinaharap. Gayundin naman kapag may banta ng kaguluhan sa isang lugar o may
inaasahang pagkakagastusan sa hinaharap. Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang
salapi at binabawasan ang pagkonsumo upang mapaghandaan ang mangyayari sa mga susunod na araw
o panahon.

Pagkakautang- kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng bahagi
ng kaniyang salapi upang ipambayad ditto. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa kaniyang salapi upang
ipambayad ditto. Tatas naman ang kakayahan niyang kumomsumo kapag kaunti na lamang ang
binabayaran niyang utang.

Demonstration Effect – madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon,
pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media. Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita,
naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng media kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa
nasabing salik.

Dalawang uri ng Pagkonsumo:


direct consumption – ang tawag sa pagkonsumo ng mamimili dahil ang mamimili ang agarang
nakakukuha ng kasiyahan sa paggamit at pakinabang ng produkto. Tinatawag naconsumption goods ang
produkto na kinokonsumo ng mamimili
indirect consumption – ang tawag sa pagkonsumo ng bahay-kalakal dahil ang nakokonsumong produkto
ng bahay-kalakal ay hindi tahasang nakapagdudulot ng kasiyahan sa mamimili, ginagamit ang nasabing
produkto sa upang makalikha ng iba pang produkto. Tinatawag naintermediate goods ang mga
produktong kinokonsumo ng bahay-kalakal.

Mamimili – tumutukoy sa isang tao, pangkat ng tao, o institusyon


(tulad ng ospital at paaralan) na nagsasagawa ng direktang
pagkonsumo.

Kahandaan ng Mamimili
preference – tumutukoy sa kombinasyon ng mga produktong
isinasaalang- alang na mabili ng mamimili. Ito ay may
kaukulang utility.

utility – pagtugon sa kanyang mga pangangailan at kagustuhan


kasiyahan (satisfaction) – tumutukoy sa kapakinabangang natatamo ng mamimili
utils – ginagamit bilang haypotetikal na sukat ng kasiyahan
9
Page
Law of Diminishing Marginal Utility – ceteris paribus, tumataas ang matatamong kasiyahan sa
karagdagang pagkonsumo ng produkto. Sa patuloy na pagkonsumo sa produkto, bumababa naman ang
matatamong marginal utility.
Dalawang punto ang naitataguyod ng Law of Diminishing Marginal Utility
Mahalagang maitakda ng mamimili ang dami ng bibilhing produkto dahil sa may hangganan ang
kasiyahang matatamo mula sa mga kinokonsumong produkto
Mataas ang pagpapahalaga ng na naibibigay ng mamimili sa pagkonsumo ng kakaunting produkto dahil
mataas ang marginal utility na natatamo mula rito.
Satiated – ang tawag sa mamimiling natamo ang lubos 0 pinakamataas na kasiyahan
Mahalagang aspeto ng pagkonsumo ang masusing pagsusuri ng mga uri at dami ng produkto na
gagamitin o papakinabangan ng isang mamimili.

Bilang isang proseso, may mga hakbang na dapat isagawa ng mga mamimili sa pamimili. Ito ay ang:
pagtakda ng layunin ng pagkonsumo
paghambing at pagtangi sa mga natukoy na pamamaraan ,
pagtaya sa halaga ng mga naitanging pamamaraan, at
pagpili sa pinakamahusay na pamamaraan

Mga Tagapagtakda ng Pagkonsumo


mga nalikom na ari-arian at puhunan
kita
nagagamit na pautang
purchasing power ng pera
personal na katangian ng mamimili
mga panlipunang salik
patakarang pangnegosyo

Mga Pamantayan sa Pamimili


Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito
ay nasusulit natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa
bawat produkto. Ang sumusunod ay ilan sa mga pamantayan sa
pamimili:
1. Mapanuri
Sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo,
timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon pa,
inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang
produktong sulit sa ibabayad

2. May Alternatibo o Pamalit


May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang produktong
dati nang binibili. Maaari ding nagbago na ang kalidad ng produktong dati nang binibili.
Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong humanap ng pamalit o
panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinitugunan ng dating produktong
binibili.

3. Hindi Nagpapadaya.
Ang matalinong mamimili ay lagging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling Gawain lalo na sa
pagsusukli at paggamit ng timbangan.

4. Makatwiran
Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad nito. Isinasaisip din ang
kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto pati na rin kung gaano katindi ang
pangangailangan dito. Makatwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara
sa mga luho lamang.

5. Sumusunod sa Badyet
Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer. Tinitimbang niya ang mga bagay-
bagay ayon sa kaniyang badyet. Hindi siya nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na
10

presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan.
Page
6. Hindi Nagpapanic-buying
Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng mga nagtitinda
upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil alam niyang
ang pagpapanic-buying ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon.
7. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi
nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang
tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit.

Batas na Nangangalaga sa Kapakanan ng mga Mamimili

Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng
proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili. Isinusulong din ng batas na ito ang
kagalingang dapat makamit ng lahat ng mamimili.

a. Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan.


b. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan sa
operasyon ng mga negosyo at industriya.
c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili.
d. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas at pagbuo ng
mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan.

WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI


Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) ay naglabas ng walong
karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan. 11
Page
GAWAIN 1: KARAPATAN MO, IPAGLABAN MO!

Ipagpalagay na ikaw ay nakabili o nakagamit ng produkto o serbisyo na


binabanggit sa ibaba. Gumawa ng kaukulang letter of complaint na
ipararating sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan. Mamili lang ng isang
sitwasyon.

1. Depektibong cellphone
2. Lip balm na naging sanhi ng pamamaga ng iyong labi
3. Double dead na karne ng manok
4. Maling timbang ng asukal
5. Serbisyong hair rebonding na naging sanhi ng pagkasunog ng iyong buhok

SAGOT:______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

CONSUMER PROTECTION AGENCIES:

Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong ang


kapakanan ng mga mamimili:

Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng


gamot, pagkain, pabango, at make-up.

City/Provincial/MunicipalTreasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered)


timbangan at mapanlinlang na pagsukat.

Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at


industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga
mangangalakal.

Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng di- wastong sukat o
timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.”
12
Page
Environmental Management Bureau (DENR-EMB) - namamahala sa pangangalaga sa
kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).

Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng


pamatay-insekto at pamatay-salot.

Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB) - nangangalaga sa mga bumibili ng bahay
at lupa pati na rin ang mga subdibisyon.

Insurance Commission - hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro

Philippine Overseas Employment Administration (POEA) - reklamo laban sa illegal


recruitment activities.

Professional Regulatory Commission (PRC) - hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa


ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer, atbp.

Securities & Exchange Commission (SEC) - hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act
tulad ng pyramiding na gawain.

GAWAIN: 2 PAGKONSUMO AT MAMIMILI


A.Ibigay ang impromasyong hinihingi ng sumusunod

Mga Uri ng Pag-aanunsyo Katangian

B. Pagtapat-tapatin. Isulat sa patlang ang titik mula sa Hanay B na umaayon sa mga nasa Hanay A
HANAY A HANAY B
______1. Kita a. bumibili at gumagamit ng produkto
______2. Pag-aanunsyo b. Consumer Act of the Philippines
______3. DOH c. tinitiyak na malinis at maayos ang paraan ng
pagproseso
______4. Purchasing Power ng mga pagkaing itinitinda
______5. Law of Diminishing Marginal Return d. higit na kasiyahan ang natatamo sa pagkonsumo
ng iba-ibang produkto
______6. Batas ng pagkakaiba-iba e. nangangasiwa sa katiyakan ng uri at garantiya ng
______7. BFAD mga produkto
______8. Republic Act 7394 f. tinitiyak ang kaligtasan ng pagkain, gamot,costmetics
______9. Mamimili g. kakayahan ng salaping makabili ng produkto at serbisyo.
_____10. DTI h. pamamaraan ng panghihikayat sa mga konsyumer upang
tangkilikin nila ang isang produkto
i. tahasang paggamit ng mga produkto
j. habang nadaragdagan ang pagkonsumo, ang kasiyahan ay
bumababa
k. ito ay maaaring magmula sa pasahod o pamumuhunan
13
Page
C. Isulat ang letrang K kung karapatan, T kung tungkulin at M kung katangian ng mamimili ang
isinasaad ng mga sumusunod na pahayag
_____1. Magkaroon ng malinis na kapaligiran
_____2. Mahilig tumawad
_____3. Matamo ng mga pangunahing pangangailangan
_____4. Bayaran ang binilng produkto at serbisyo
_____5. Paghingi ng resibo sa biniling produkto
_____6. Pag-uulat sa kinauukulan ng mga pandaraya o pagtaas ng presyo
_____7. Pagbili ng mga produktong branded dahil naniniwalang kapag mataas ang presyo, maganda ang
kalidad nito
_____8. Binibili ang mga produktong sariwa at matagal pa ang panahon ng itatagal
_____9. Magkaroon ng edukasyong pangmamimili
_____10. Humingi ng kabayaran sa pinsalang dulot ng nabiling produkto
_____11. Malaman ang katotohanan kaugnay sa produktong binili
_____12. Pagtitipid sa paggamit ng mga produktong binili
_____13. Pagtangkilik sa gawang –Pilipino
_____14.Madaling madaya
_____15. Inaabangan ang mga promo-bargain sale o baratilyo

ARALIN 6: PRODUKSIYON

LAYUNIN:

1. Naibibigay ang kahulugan ng produksiyon.


2. Napahahalagahan ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw
na pamumuhay.

Ang produksyon- ay tumutukoy sa pagkilala ng mga bagay o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan ng mga tao. Ito ay nagaganap bunga ng pangangailangang magkunsumo ng
mga produkto at serbisyo upang mabuhay. sa produksyon din nakasalalay ang pagtugon sa
pangangailangan at kagustuhanng tao at kung walang produksyon, walang pagkunsumo.

Mga SALIK NG PRODUKSIYON:

1) LUPA- sumasaklaw ito sa lahat ng orihinal at lahat ng hindi mapapalitang yaman ng kalikasan.
halimbawa nito ang matabang lupang pagtataniman , mga lupang pastulan, lupa sa lungsod at iba pa.
Nadaragdagan ang kapakinabangan ng lupa habang nalilinang ito. Bahagi rin ang mga palaisdaan
noong latian pa ito pati na ang kagubatan at minahan.
14
Page
2) LAKAS -PAGGWA ang nagbibigay ng hilaw na sangkap o likas yaman ngunit nakasalalay sa
kamay ng tao ang paglinang upang maging kapaki-pakinabang ito.Sa pamamagitan ng pag-iisip at
talento ng tao nabubuo ang isang produkto .Hindi lamang nangangahulugan ng pisikal na paggawa
kundi maging sa paggamit ng kaiisipan.
Ang lakas paggawa ang pinakamahalagang salik ng produksyon. Maituturing na
lakaspaggawa ang lakas-taong ginagamit sa paglikha ng o paggawa ng kapaki-pakinabang na
bagay.Ang kalikasan ang nagbibigay ng hilaw sangkap o likas yaman ngunit nakasalalay sa
kamay ng tao upang maging kapakipakinabang ito.

Mga Uri ng Paggawa:


a) Batay saa uri ng paggawang knakailangan sa trabaho - walang kasanayan, may kunting
kasanayan , may kasanayan, clerical, at propesyonal.
b) Batay sa anyo ng gawain-pangkaisipan at pisikal- Mga gawaing nangangailangan ng labis
na paggamit ng pag-iisip ang pangkaisipang gawain. Pang katawan ang pisikal na gawain higit na
ginagamit ang lakas ngkamay, paa, braso at buong katawan.

3. PUHUNAN O KAPITAL- Tumutukoy sa salapi at kagamitang ginagamit sa paggawa at pagbuo ng


mga produkto .

Mga Uri ng Puhunan

a) Malayang Puhunan - mga produktong ginagamit sa paggawa at pagbuo ng iba pang


produkto. Ginagawa ang tabla upang maging pinto, muebles, bintana, at iba pa.
b) Espesyal na puhunan - produktong magagamit lamang para sa isang natatanging layunin,
halimbawa nito ay makinang pantahi.
c) Pirminihang puhunan - tulad nga paggawaan, makinarya at kagamitang tumatagal at paulit-
ulit na ginagamit
d) Palipat-lipat na puhunan - mga produktong maaring gamitin tulad ng uling, langis ,
gasolina, at kahoy na panggatong. Ito ay madaling maubos.

 Kahagahan ng Kapital• Maging kapaki-pakinabang lamang ang lupa kung gagamitin


bilang puhunan. Mahalaga rin sa paggawa ang puhunan upang matugunan ang
pangangailangan. magiging maunlad ang industriya kung ito ay paglalaanan ng malaking
puhunan.

4. ENTREPRENEUR- tawag sa taong gumagawa ng paraan upang pagsama-samahin ang mga naunang
salik ng produksyon upang mabuo ang isang produktong maaring makatugon sa pangangailangan ng tao.
Kung walang kakayahan ang entrepreneur, hindi magkakaroon ng mabisa at mahusay na paraan
upang an mga salik tulad ng lupa, hilaw na sangkap at paggawa ay magamit sa proseso ng produksyon.
Sa pamamagitan ng tamang pagpapasya naging ekonomikal at maganda ang takbo ng negosyo kaya ito
ay nagbubunga na malaking kita para paghatian ng mga salik ng produkson.
Nakasalalay sa enrepreneur ang tagumpay ng negosyo. Kaugnay nito, may ilang katngiang dapat
taglay ng entrepreneur tulad ng pagiging malikhain, mabilis, at matlinosa pagpapasya ,makatarungan sa
pangangasiwa, malakas at matatagsa pakikipagsapalaran, mahusay sa ispekulasyon, malawak ang pang-
unawa sa mga suliranin, at matlino sa pag-iisip tungkol sa kinabukasan.
15
Page
GAWAIN 1: Paglalapat
A. Isulat kung tama o mali ang mga sumusunod:

1. Ang mababang pasahod sa manggagawa ay nakakatulong sa produksyon.


2. Ang makinarya ay isang uri ng kapital.
3. Ang tagumpay ng entreprenyur ay tagumpay ng ekonomiya.
4. Ang lupa ang nagbibigay ng hilaw na yaman para sa produksyon.
5. Ang palagiang pagwewelga ay nakakatulong sa ekonomiya at sa mga
manggagawa.

B. Magbigay ng paliwanag kung alin sa mga salik kapos ang Pilipinas at kung papaano
ito matutugunan.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

C. Gawain: Piliin ang tamang sagot sa kahon

Lakas paggawa Entrepreneur Lupa Isahang pagmamay-ari


Multinasyonal Kooperatiba Sosyohan Stockholder
Lakas-isip Puhunan lakas-bisig Malayang-Puhunan

________1) Binubuo ito ng di mapapalitang yaman.


________2) Itinuturing na pinakautak ng negosyo.
________3) Tuwirang gumagawa o namamahala sa pagproseso ng produkto.
________4) Uri ng negosyo na ang may ari ay isang tao lamang.
________5) Korporasyon na pag-aari ng mag dayuhan.
________6) Tawag sa kasapi o kaanib ng korporasyon.
________ 7) Uri ng nagosyo na itinayo upang tumulong sa mga kasapi nito.
________ 8) Tawag sa kasapi at kagamitan na ginagamit sa produksyon.
________ 9) Uri ng paggawa na ginagamit ang kamay at brso sa paggawa.
________ 10) Binubuo ito ng dalawa o mahigit pang tao na pumayag pagsama-samahin ang kanilang
pera.
16
Page
ARALIN 7: MGA ORGANISASYON NG NEGOSYO:

LAYUNIN:
Nasusuri ang mga tungkulin ng iba’t ibang organisasyon ng negosyo.

Ang pagnenegosyo ay may iba’t ibang uri ng pagmamay-ari. Nasa ibaba ang
paghahambing ng mga uri ng pag-aari sa negosyo at ang kabutihan at di-kabutihan ng mga ito.

1. ISAHANG PAGMAMAY-ARI
KABUTIHAN DI-KABUTIHAN
• malaya ang pangangalakal • iisa ang makikinabang sa tubo
• simple ang pamamahala • walang limitasyon ang
• maliit ang pamumuhunan pananagutan
• madaling itatag • maigsi ang buhay ng negosyo
• iisa ang namamahala
• pamamuhunan ng nag-iisang tao
.

2.SOSYOHAN
KABUTIHAN DI-KABUTIHAN
• Higit na maraming • Walang limitasyon ang
pinagsamang pananagutan
puhunan at talento • Lumiliit ang tubo dahil sa
• Magiging maayos ang paghahati
pamamahala • May tunggalian ang mga sosyo
• Madaling buuin

3. KORPORASYON
KABUTIHAN DI-KABUTIHAN
• Limitado ang pananagutan • May tunggalian sa pamamahala
• Matagal ang buhay • Malaking pasimula
• Pamamahala ay pormal at legal • Doble ang pagbubuwis
na ayon sa batas ng korporasyon • May regulasyon
• Malaking pamumuhunan

4. KOOPERATIBA
KABUTIHAN DI-KABUTIHAN
• Maliit ang panimulang • Mahirap pamahalaan
puhunan • Kawalan ng pagkakaisa
• Layuning tumulong sa kasapi • Maliit na kita
• Demokratiko ang pamamahala • Kakulangan sa puhunan
• Makatarungan sa paghahati ng
kita
• Ang entreprenyur ang utak ng
negosyo.

GAWAIN 1: Paglalapat
A. Isulat kung tama o mali ang mga sumusunod:
1. Ang mababang pasahod sa manggagawa ay nakakatulong sa
produksyon.
2. Ang makinarya ay isang uri ng kapital.
3. Ang tagumpay ng entreprenyur ay tagumpay ng ekonomiya.
4. Ang lupa ang nagbibigay ng hilaw na yaman para sa produksyon.
5. Ang palagiang pagwewelga ay nakakatulong sa ekonomiya at sa mga
manggagawa.
17
Page
B. Magbigay ng paliwanag kung alin sa mga salik kapos ang Pilipinas at kung papaano
ito matutugunan.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang


mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?

Education comes from within; you get it by struggle and effort and
thought.
Napoleon Hill

Inihanda Ni:

JANET JOY M. RECEL


18
Page

Das könnte Ihnen auch gefallen