Sie sind auf Seite 1von 15

LI IMPAN (ONE ACT PLAY-TAGALOG)

OLI IMPANni Alberto Florentino

OLI IMPAN ("Holy Infant")

A Tagalog translation by the playwright

of his original one-act play in English translated in Tagalog

(1,478 words)

"Saaylenay . . . oolinay . . ./ oliskam . . . olisbray

(Silent night; holy night;/ All is calm; all is bright)."

>from "Silent Night," as sung by Filipino children-carollers

The author's Tagalog translation of Oli Impan was first published in the National
Midweek (June 11-18, 1986), edited by Jose F. Lacaba.

The original play written in English won the Arena Theater Playwriting Contest
(Special Award, 1959) and was staged in the "arena-style theater" at the PNC
Quadrangle on Taft Avenue under the direction of playwright Severino Montano
(recently posthumously declared a National Artist).

Oli Impan (in Tagalog translation) is being featured in PALH-ezine (Philippine


American Literary House), managed by Cecilia M. Brainard, on the 43rd
anniversary of the play's creation on Dec. 20, 2001, 43 years after the squatters
written about in the play were evicted 5 days before Christmas of 1958 by Manila
Mayor Antonio Villegas and relocated to either Sapang-Palay or Welfareville.

The playwright was influenced by the French film Forbidden Games, directed by
Rene Clement, which the playwright saw in the first U.P. Film Festival under UP
Film Center Director Virginia Moreno.

Mga Tauhan:

Batang Lalaki (BLalake), 5 taong gulang.

Batang Babae (BBabae), 4 na taong gulang

Panahon:
Kapaskuhan ng 1958 .

Pook:

Sa Binondo, sa isang pook na tinatawag na "Casbah."

PAUNAWA:

(English version)

After the liberation of Manila, thousands of squatters lived in the slums of


Binondo.

The place was known as the "Casbah" where lived the landless and homeless poor
of a city ravaged during World War II and the liberation of Manila in 1944.

On Dec. 20, 1958, 5 days before Christmas, Mayor Villegas evicted the
"squatters," relocated them far from the prime real estate of the city, and
dumped them in either Welfareville or Sapang-Palay.

To this day, 43 years later, Welfareville is still home to thousands of second- and
third-generation squatters descended from the original families routed from the
"Casbah."

(Notes revised and updated 12/2001)

THE SCENE:

A slums area close to a building of several storeys.

A low wall cuts across the stage, separating the squatters from the business
section of the city.

A 4-year-old girl in tattered dress sits at one end of the low wall. Offstage are
heard sounds of commotion of people and the noise of houses being demolished
by hired workers and carried away by trucks.

Offstage a mother's voice is heard berating her son for standing in the way.

The 5-year-old enters the stage pulling a toy car made of empty milk cans linked
together and tied to a string.

The following is the Tagalog version of the play, with stage directions in English

BatangBabae. (looking around her) Me sunog ba?

BatangLalake. (stops pulling his toy) Ha? Ano 'kamo?

BBabae. Sabi ko, me sunog ba?

BLalake. (goes on with his playing) Wala! Walang sunog.


BBabae. (looks toward the street) Me sunog siguro.

BLalake. Sabi ko na, wala e! Ang tigas-tigas ng ulo mo!

BBabae. Meron! Meron!

BLalake. Pa'no mo nalaman? Me nakikita ka bang usok? Me naririnig ka bang


bumbero? (he runs around, pulling his toy and imitating the noise of firetrucks)
EEEEEEE!!!!!!! Ang sarap kung me sunog, ano?

BBabae. (worried) Kung walang sunog, e bakit nilalabas natin ito (points to their
belongings)

BLalake. Mangyari pinalalayas tayo.

BBabae. Paano mo nalaman?

BLalake. Sabi ng Nanay ko.

BBabae. At sino'ng nagpapalayas sa atin?

BLalake. Ang gobyerno.

BBabae. Ano ba'ng "gobyerno"?

BLalake. Ewan ko.

BBabae. Ba't di mo tinanong ang Nanay mo?

BLalake. Nakalimutan ko e.

BBabae. Bakit naman tayo palalayasin ng gobyerno?

BLalake. Mangyari, gobyerno'ng me ari nito. Iyan, 'yan, at lahat ng 'yan.

BBabae. Aba, atin 'to, di ba?

BLalake. 'Yung mga bahay siguro. Pero 'yung lupa, di atin.

BBabae. Aba, hindi! Atin din 'yun!

BLalake. Di atin ang lupa!

BBabae. Atin! Ating lahat 'to!

BLalake. Hindi sabi e!

BBabae. Atin! Atin!

BLalake. Pa'no naging atin 'to?

BBabae. Di ba ang tagal na nating nakatira dito?

BLalake. Oo, pero di ibig sabihin atin 'to.

BBabae. Kung di atin 'to, alin ang atin? Alin?


BLalake. Wala!

BBabae. Kung palalayasin tayo, saan tayo lilipat?

BLalake. Ewan ko sa inyo.

BBabae. Bakit, kayo, me lilipatan ba kayo?

BLalake. Wala rin. Pero di bale. Me trabaho'ng Nanay ko.

BBabae. S'yanga?

BLalake. Oo!

BBabae. Ano'ng trabaho ng Nanay mo?

BLalake. Manghuhula.

BBabae. Ano'ng manghuhula?

BLalake. Yung humuhula---'yung bumabasa ng kamay ng mga tao.

BBabae. Kamay? Bumabasa ng mga kamay?

BLalake. Oo.

BBabae. Para ano?

BLalake. Para malaman n'ya kung ano'ng mangyayari bukas.

BBabae. Alam n'yang mangyayari? Babasa lang ng kamay?

BLalake. Oo.

BBabae. (shows her hand) 'Tung kamay ko, mababasa n'ya?

BLalake. Para ano?

BBabae. Para malaman ko kung saan kami titira bukas.

BLalake. Di n'ya mababasa ang kamay mo.

BBabae. Ba't hindi?

BLalake. Ang liit kasi. At ang dumi pa.

(BBabae wipes her hand on her dress)

BLalake. 'Tsaka, ang binabasa ng Nanay ko, kamay lang ng mga lalake.

BBabae. Mga lalake lang? Bakit?

BLalake. Sila lang ang nakikita ko e.

BBabae. Bakit nga!

BLalake. Ewan ko. Dahil siguro malaki'ng mga kamay nila. Madaling basahin.
BBabae. Pa'no n'ya nababasa ang kamay? Parang komiks?

BLalake. Siguro.

BBabae. Bakit, di ka ba nanonood?

BLalake. Hindi.

BBabae. Bakit?

BLalake. Ayaw n'ya ako'ng papanoorin. Pinalalabas ako at tinatarangka'ng pinto.

BBabae. Sinasara'ng pinto? Pa'no s'yang nakakabasa sa dilim?

BLalake. Ewan ko. Basta nagagawa n'ya.

BBabae. Di ka sumusilip?

BLalake. Hindi.

BBabae. Bakit?

BLalake. Sasampalin n'ya ko.

(a commotion outside: shouts and curses amidst sounds of demolition)

BBabae. Ano 'yun? Ano'ng nangyayari?

BLalake. (stands up and looks out) Ewan ko. Di ko makita e. 'Lika, tingnan natin!

BBabae. 'Yoko!

BLalake. Ba't ayaw mo?

BBabae. Sabi ng Tatay ko, huwag akong aalis dito.

BLalake. O sige, ako na lang!

BBabae. (suddenly frightened) H'wag! H'wag mo 'kong iwanan!

BLalake. Bakit?

BBabae. Natatakot ako e.

BLalake. Sa'n ka natatakot? Kanino?

BBabae. Ewan ko.

BLalake. Paano natin malalaman kung ano'ng nangyayari?

BBabae. H'wag na lang. Dito na lang tayo.

BLalake. Pero gusto kong makita e. (stands up) 'Timo! 'Lika! Kitang-kita rito!

BBabae. Ano'ng nakikita mo?

BLalake. Tingnan mo! Ang mga tao---


BBabae. Ano'ng ginagawa nila?

BLalake. Sinisira nila! Sinisira nila---

BBabae. Ang ano?

BLalake. Ang mga bahay natin!

(Sounds of demolition)

BBabae. Sino 'kamo'ng sumisira?

BLalake. Ang mga tao! Mga mama! Meron silang mga martilyo't bareta!

BBabae. 'Alang pumipigil sa kanila?

BLalake. Wala!

BBabae. Bakit? Saan ang mga pulis?

BLalake. Naro'n! Ang dami nga nila!

BBabae. Ano'ng ginagawa ng mga pulis?

BLalake. Wala!

BBabae. Di nila pinipigil . . .?

BLalake. Hindi.

BBabae. Ano'ng ginagawa nila?

BLalake. Nakatayo lang sila.

BBabae. Bakit?

BLalake. Ewan ko.

(A big commotion: shouts, curses, chases)

BBabae. Ano na'ng nangyayari?

BLalake. (excited) Me isang mama! Pinipigil niya ang mga taong sumisira . . .
Hayun! Aba! Ang mga pulis! Pinipigil nila ang mama!

(a man screams)

BBabae. (screams) Tatay ko! Tatay ko 'yun! (covers her ears and cries) Tatay ko
'yun!

BLalake. (surprised) Tatay mo? Tatay mo 'yung mama?

BBabae. Oo! Ano na'ng ginagawa nila sa Tatay ko? Sinasaktan . . .?

BLalake. Hindi! Hinuhuli lang! . . . Hayun, nahuli na s'ya! Tinatali ng mga pulis ang
kanyang kamay! Tinatali ng bakal . . .
BBabae. Ano'ng ginagawa nila sa Tatay ko?

BLalake. Ayun! Ipinasok sa puliskar!

BBabae. (screams) TATAYYYYYY!!!!! TATAYYYYY!!!!!

BLalake. Tigil na 'yan! Di ka naman nila maririnig. (she cries)

BLalake. (comes down to the ground) Ba't ka umiiyak? Tumigil ka na.

BBabae. Sasaktan nila ang Tatay ko.

BLalake. Di nila sasaktan ang Tatay mo.

BBabae. Pa'no mo nalaman?

BLalake. Basta alam ko. 'Lika, kumanta na lang tayo.

BBabae. Di ako marunong e.

BLalake. Ang dali-dali. Ha'mo, kakanta ako, pakinggan mo 'ko, ha?

BBabae. O sige. (wipes her tears)

BLalake. (sings) Saaylenay . . . Oolinay . . . Oliskam . . . Olisbray . . .


Ranyonberginmaderentsayl . . . Oliimpansotenderenmayl . . . Slipinebenlipis . . .
Slipinebenlipis . . .

BBabae. Ganda ng kanta mo.

BLalake. Narinig mo na 'yan, di ba?

BBabae. Oo, pero di ko alam kantahin. Sino'ng nagturo sa iyo'ng kumanta?

BLalake. . . . di ang Nanay ko.

BBabae. Ano'ng ibig sabihin ng kanta? Di ko maintindihan e.

BLalake. Inglis kasi.

BBabae. Tungkol sa ano ang kanta?

BLalake. Tungkol sa D'yos. 'Lam mo, sabi ng Nanay ko, ipinanganak daw ang D'yos
sa 'sang kwadra.

BBabae. Ano'ng kwadra?

BLalake. 'Yun bang tirahan ng mga kabayo't mga hayup.

BBabae. Totoo? E di ang baho doon! Bakit?

BLalake. Bakit ano?

BBabae. Bakit do'n sila ipinanganak?

BLalake. Mangyari wala sila'ng matir'han.


BBabae. Bakit? Mahirap lang siya?

BLalake. Baka.

BBabae. Ang ganda talaga ng kanta mo. Kantahin mo uli, sige na.

BLalake. Kantahin natin . . . tayong dalawa.

BBabae. Pero di ko alam e.

BLalake. Gayahin mo lang ako.

BBabae. 'Wag mong bibilisan, ha?

BLalake. (sings) Saalenay . . .

BBabae. Saalenay . . .

BLalake. Oolinay . . .

BBabae. Oolinay . . .

BLalake. Oliskam . . .

BBabae. Oliskam . . .

BLalake. Olisbray . . .

BBabae. Olisbray . . .

BLalake. Ranyonberginmaderentsayl . . .

BBabae. Ranyon . . . di ko masasabi 'yun.

BLalake. H'wag na lang 'yun. (sings) Oliimpan . . . h'wag na rin 'yun. (sings)
Slipinebenlipis . . .

BBabae. Slipinebenlipis . . .

BLalake. Slipinebenlipis . . .

BBabae. Slipinebenlipis . . . .
ANG DALAGA'T ANG BINATILYO
by Alberto Florentino

**************************************************
Ang lihim na pag-iibigan nina
Pepe Rizal at Segunda Katigbak

Isinadula ni Alberto Florentino


batay sa "Memorias de un Estudiante"*
na sinulat ni Jose Rizal

© Karapatang-ari 2000 ni Alberto Florentino

Ang Eksena:
Ang kalsada patungong Batangas. Makikita sa malayo ang isang binatilyo
na nakasakay sa puting kabayo.

Tinig ng Taga-salaysay:
Noong kanyang kabataan, mula 1878 hanggang 1881, sumulat si Jose Rizal
ng isang talambuhay, "Memorias de un Estudiante," tungkol sa kanyang
buhay bilang isang mag-aaral sa Ateneo de Manila sa Intramuros, Maynila.
Ginamit niya ang sagisag na "P. Jacinto."
Ang sumusunod na madulaing tagpo na tawagin nating "isang dagli," na
pinamagatang "Ang Dalagita't ang Binatilyo," kinatha ni Alberto Florentino
batay sa nasabing talambuhay. Ang dula ay tungkol sa samandaling
pakikipag-kaibigan at pakikipag-ibigan ng binatilyong si Pepe Rizal at
dalagitang si Segunda Katigbak.
Unang itinanghal itong maikling dula noong 1970s sa Rizal Park Open-Air
Auditorium sa Luneta, sa direksiyon ng mandudula. Ang gumanap ay sina
Ariosto Reyes sa papel na Pepe Rizal at Leila Florentino sa papel na
Segunda Katigbak.

ANG DALAGITA'T ANG BINATILYO ni Alberto Florentino

Para kay Leila,


na siyang unang gumanap sa papel na Segunda

PANAHON: 1882
POOK: Sa harapan ng Colegio de Concordia sa Intramuros, Maynila

(Mangyayari ang eksena sa harapan ng Colegio de la Concordia sa


Intramuros, Maynila, taong 1882. Sa likod, makikita ang iskwela. Isang
maliit na glorietta na may iskayolang inuman ng mga kalapati. Isang
bahay-kalapati at mga kalapati na naglisaw—nagliligawan, naghahabulan,
naglalaro, at umiinum sa tubigan.)

(Si Pepe ay may 19 taong gulang at si Segunda, 16 o 17.)


(Si Segunda ay nakasuot ng isang saya na tinawag ngayong "Maria Clara."
Papasok si Segunda na kasama ng ilan sa kanyang mga kaiskwela at
kaibigan na nakasuot ng karaniwang uniporme ng kanila eskuwela.)

Kaibigan 1. Naku, Segunda, ang ganda mo kanina!

Segunda. Kanina lang? Eh ngayon?

Kaibigan 2. At ang ganda mong sumayaw!

Segunda. Siempre naman!

Kaibigan 3. At ang guwapo din ng iyong katambal!


(Isang sandali)

Kaibigan 1. O, ano, Segunda, balitaan mo naman kami.

Kaibigan 2. Oo nga naman. Kailan ba?

Kaibigan 3. Tuloy ba?

Kaibigan 4. At siya na bang talaga?


(Isang sandali)

Kaibigan 2. Hindi ka pa ba magpapalit ng suot?

Segunda. Hinihintay ko si Pepe …

Kaibigan 3. Si Pepe? Bakit hindi si—

Kaibigan 4. Huwag mong sabihing—

Segunda. Hoy, huwag nga kayong mag-umpisa ng sali-salita. Walang ibig


sabihin ito.

Kaibigan 2. Bakit nga ba si Pepe Rizal?

Segunda. Nangako ako na matapos ang velada, iguguhit niya ang aking
larawan habang naka-suot ako nito.

Kaibigan 3. Ang suwerte mo sa mga kalalakihan, Segunda …

Segunda. Kaya … pagdating niya, iwan n'yo 'ko, ha?

Kaibigan 4. Kung iyan ba'ng gusto mo e …

Segunda. Alam naman ninyo na masyado siyang mahiyain. O, ayan na


siya!

Mga Kaibigan (lahat sila). O sige— … Aalis na kami … Basta lang imbitahin
mo kaming lahat sa malaking piging!
Segunda. Adios!

(Mag-aalisan silang lahat. Bubuksan ni Segunda ang dalang supot na puno


ng mais at palay. Isasabog niya ito at papakainin ang mga kalapati.)

(Papasok si Pepe na nakasuot ng uniporme ng mga estudianteng lalaki:


puting "amerikana serrada" at sombrero. May dala siyang ilang pirasong
papel at mga lapis o krayola. Sa kanyang pagdating, mabubulabog ang
mga kalapati.)

(Ilalapag ni Pepe ang kanyang sombrero sa damo at maghahanda siya sa


pag-guhit. Hindi siya mapalagay.)

Pepe. Siyanga pala, Segunda …

Segunda. Ano 'yon, Pepe?

Pepe. Binabati kita sa inyong sayaw kanina.

Segunda. Salamat naman …


(Isang sandali)

Segunda. Matagal ba ito, Pepe?

Pepe. Hindi naman …

Segunda. Kasi … mainit itong suot ko. Ayaw mo ba ako iguhit sa aking
uniporme?

Pepe. Mas maganda kung ganito'ng suot mo … Nagmamadali ka ba?

Segunda. Hindi naman. Baka biglang dumating ang aking sundo—

Pepe. Huwag kang mag-alala. Di ito magtatagal.

(Aayusin ni Segunda ang kanyang suot at ang kanyang pagkakaupo.


Nakatayong pupuwesto si Pepe sa harapan, at mag-uumpisa ng pag-guhit.
Habang gumuguhit, wala siyang kibo.)

Segunda. Pepe … sino ba’ng katipan mo?

Pepe. Huwag ka sanang malikot, Segunda.

Segunda. Ni hindi ba ‘ko maaaring magsalita?

Pepe. Maaari. Huwag ka lang masyadong malikot.


(Isang sandali)

Segunda. Ang tanong ko sa iyo … sino ‘kakong katipan mo?


(Mapapatigil sandali si Pepe.)

Pepe. A, wala… Wala akong katipan.


Segunda. Bakit naman? Wala ka bang napupusuan sa mga kadalagahan?

Pepe. Ah, basta wala.

Segunda. Bakit nga?

Pepe. Pagkat ni minsan … di ko pinag-isipan na ako—sa hitsura kong ito—


ay papansinin ng sino mang dilag …

Segunda. Bakit naman?

Pepe. Sino sa kanila—lalo na ang mga maririlag—ang papatol sa akin?

Segunda. Bakit naman napakababa ng pagtingin mo sa ‘yong sarili?


(Isang sandali)

Segunda. Kung gusto mo, Pepe … ihahanap kita—

Pepe. Ng ano?

Segunda. Ng isang magiging katipan mo. Ang dami ko yatang mga


kaibigan na kay gaganda! Pihong isa sa kanila ay mapupusuan mo … at
mapupusuan ka rin.

Pepe. Imposible! Mahirap mangyari! Ibahin nga natin ang usapan. Ikaw
naman ang matanong ko. Mayroon ka bang … katipan?

(Matitigilan si Segunda at biglang lulungkot ang kanyang mukha.)

Segunda. Wala ka bang alam, Pepe?

Pepe. Na ano?

Segunda. Tungkol sa akin? Wala bang nababanggit sa’yo ang kapatid ko?

Pepe. Si Mariano? Wala.

Segunda. Magtapat ka sa ‘kin!


(Isang sandali)

Pepe. Minsan … mayroon siyang nabanggit sa akin … na may katipan ka na


raw …

(Hindi sasagot si Segunda. Tatapusin niya ang ginagawa niyang papel na


bulaklak.)

Pepe. At nalalapit na raw ang araw ng inyong… pag-iisang-dibdib. Totoo


ba ito? At kailan ang kasal? Totoo ba na uuwi ka sa inyo sa Lipa ngayong
bakasyon at di na muling babalik sa Maynila?

Segunda. Gusto ko sanang tumigil pa rito upang ipagpatuloy ang aking


pag-aaral … ngunit ang mga magulang ko …
Pepe. Gusto nilang papagtaliin ang inyong dibdib? Pinipilit ka ba nila?

Segunda. Hindi naman. Bakit mo natanong iyan?

Pepe. Kung gayon, ikaw ang may kagustuhan nito?


(Magkikibit ng balikat ang dalagita.)

Segunda. Ang lagay ay … nakikinig lang ako sa mga nakakatanda sa ‘tin.

Pepe. Kailangan bang sundin ang mga magulang sa lahat ng panahon? At


sa lahat ng bagay?

Segunda. Oo, sapagkat nakakatanda sila sa atin … at alam nila kung ano
ang nararapat para sa atin.

Pepe. Maski na tungkol ito sa mga bagay na may kinalaman sa


puso? Gaya ng… kung sino ang nararapat para sa atin?

Segunda. Lalo na. Pagkakatiwalaan ko na muna sila bago ang aking sarili.

Pepe. Bakit?

Segunda. Maaaring mas tama sila pagkat di sila nabubulagan …

Pepe. At maaari ding magkamali sila, di ba?

Segunda. Maaari din …

Pepe. At malalaman mo ito—na tama ka at sila ay mali—kung kailan huli


na ang lahat? Kung kailan naaksaya na ang kalahati ng iyong buhay? At
marahil wala ka nang magagawa?

Segunda. Ano pa nga ba ang magagawa ng isa kung tinalagang mangyari


ang ganoon?

Pepe. Kailan ang uwi mo ngayong bakasyon?

Segunda. Sa Sabado. Isang grupo kami na magsasabay-sabay. Ikaw?

Pepe. Uuwi rin ako sa amin sa Calamba.

Segunda. Bakit di pa tayo magsabay-sabay? Ibababa ka namin sa


Calamba. Kasya sa aming carromata ang isa pang katao.

Pepe. Naipangako ko kasi sa aking Mama na Biyernes ang uwi ko.

Segunda. Kung maaari din lang, bakit di mo gawing Sabado? Baka huli na
ang Biyernes …

Pepe. Ano'ng ibig mong sabihin?

Segunda. Para nga makasabay ka sa amin.


Pepe. Hayaan mo at titingnan ko.

(Iaabot ni Pepe kay Segunda ang larawan na ginuhit niya.)

Pepe. O, et o… Ipagpaumanhin mo sana kung di ko nahuli ang taal mong


kariktan.

(Titingnan at kikipkipin ni Segunda ang larawan sa kanyang dibdib.


Titingin siya kay Pepe nang walang patumangga.)

Segunda. Maraming salamat, Pepe.

(Bilang kapalit ng larawang iginuhit ni Pepe, kukunin ni Segunda ang


sombrero na nakalapag sa damo, isusuksok ang papel na bulaklak sa
banda, at iaabot ito kay Pepe. Magsasalita si Pepe, animo kausap niya
ang bulaklak sa kanyang sombrero na hawak-hawak niya. Nakatitig siya sa
bulaklak habang sinasabi ang sumusunod.)

Pepe. Alam mo ba, Segunda … na ikalulungkot ko nang labis … ikauulila


ko … kung mangyaring … mawala ka … sa buhay ko? Ngayon pa namang…
nagkakilala na tayo at … at …

Segunda. At ano, Pepe?

(Biglang tutugtog ang kampana ng simbahan bilang tanda ng agunyas.


Mabubulabog ang mga kalapati at magliliparan sila sa bakuran ng
escuela. Susundan ng kanilang mata ang mga naglipanang ibon.)

(Nakahanda nang lumikas si Segunda.)

Pepe. Segunda …

Segunda. Paalam na … Pepe. Paalam!

Pepe. Bakit paalam? Di ba magkikita pa tayo? Sa inyo sa Lipa … kung di


man dito sa—

(Tatakbo ang dalagita na dala-dala ang lahat ng kanyang kagamitan.)

Pepe. (pahabol) Segunda!

(Titigil at lilingon si Segunda. Lalapit si Pepe kay Segunda.)

Segunda. Ano iyon, Pepe?

Pepe. Segunda …

Segunda. Magsalita ka, Pepe.

Pepe. Segunda …

Segunda. Pepe, nariyan ang sundo ko.


Pepe. Anong oras ang daan ninyo sa bukana ng Calamba?

Segunda. Marahil sa ganitong oras din.

Pepe. Baka abangan ko ang inyong carromata sa daan papuntang Lipa.

Segunda. Bakit pa? Sayang lang ang panahon mo! At … mabibigo …


mabibigo lang siya …
Pepe. Sino?
Segunda. Ang iyong Mama.

(Biglang tatalikod at tatalilis si Segunda.) Susundan ng tingin ni Pepe ang


dalagita.)

Pepe. Segunda!
...
Tinig ng Taga-salaysay:
Gaya ng ipinangako niya, sa takdang oras sa sumunod na Sabado, si Pepe,
sakay ng kanyang puting kabayo, ay nagtungo sa bukana ng Calamba, sa
daan papuntang Batangas.
Nagbakasakali siyang makita niya ang carromata na sakay sina Segunda at
ng kanyang mga kaibigan.
Dumaan nga ang carromata ngunit mabilis ang takbo nito.
Malapit na ang sasakyan nang makita ni Pepe na sila na nga iyon.
Itataas ni Pepe ang kanyang kamay upang patigilin ang carromata, ngunit
mabilis ang takbo ng kabayo at ng hilahilang carromata.
Makikita ng mga dalagita si Pepe nang nakalampas na ang carromata.
Inakala ng mga dalagita na kumakaway lang si Pepe, kaya kumaway sila at
buong siglang sumigaw ng "Pepe! Pepe! Pepe!"
Makikita ang mukha ni Pepe na pagpugaran ng lungkot at kabiguan.
Hawak-hawak niya—sa kanyang kanang kamay na kumakaway pa rin—ang
isang liham.
Gusto sana ni Pepe na makarating kay Segunda ang laman ng liham: ang
pagtatapat ng taus-pusong pagmamahal ng isang binatilyo sa isang
dalagita.

(Makikita ang kalsada patungong Batangas. Sa malayo, ang binatilyo na


sakay ng kanyang puting kabayo.)
Tinig ng Taga-salaysay:
Wala sa kaalaman ng binatilyong si Pepe—pati na rin ng dalagitang si
Segunda—na ang pag-iibigan nila na sumilang at nag-usbong ay walang
pag-asang lumabong at mamulaklak … sa kanilang maligalig na daigdig …
at sa kanilang takdang panahon.
Saka lang nila malalaman ang katotohanan … na bago pa man napamahal
si Pepe kay Segunda—at si Segunda kay Pepe—mayroon nang taglay na
ibang minamahal si Pepe: Ang Inang Bayan.
Ang pinaka-una, ang pinakahuli, at ang pinakamatinding pag-ibig na
mararanasan niya sa buong buhay niya, hanggang sa kanyang mga huling
oras sa Bagumbayan: Ang pag-ibig sa Bayang Pilipinas.
Hindi nila alam ito noon.
At nang malaman nila ito, huli na ang lahat.