Sie sind auf Seite 1von 1

ARAW AT BUWAN

Palaging nagtatalo si ARAW at BUWAN. Madalas nilang pagtalunan kung gaano katagal ang
bawat isa sa kanila sa kalangitan. Ito ay hindi nila napagkakasunduan. Mas matagal ang panahon
ni Araw kaysa Kay Buwan sa kalangitan. Ayon kay Araw, siya raw ang dapat na mas matagal sa
langit. Ito raw ang nais ng mga tao at hayop para sa kaniya. Iyan ang dahilan kung bakit araw-
araw mas matagal ang sikat ng Araw kaysa kay Buwan. Karaniwang nananatili pa rin ng higit sa
isang oras sa hapon si Araw makatapos ang kaniyang takdang panahon sa langit. Ibig ni Buwan na
umalis si Araw sa tamang oras. Ngunit hindi ito natupad. Minsan binalak ni Buwan na mapatindi
ang kaniyang liwanag upang umalis na si Araw. Ngunit natatalo parin siya ni Araw. Madalas bigo
ito sa kaniyang hangarin. Sabi pa niya, " talagang naiiba ang tindi ng sikat ng araw. Hindi ko
kayang matalo ito." Kung kaya't hindi malutas-lutas ang kaniyang problema hanggang sa ngayon.
Tama ba?

Das könnte Ihnen auch gefallen