Sie sind auf Seite 1von 5

Magandang Araw sa inyong lahat, ang aking leksyon ay mula pahina

202 hanggang 204.(click)

Isa sa mga pangunahing ginagawa ng ating pamahalaan upang


mapangalagaan ang ating kalikasan ay ang pagpapatupad ng
programang likas-kayang pag-unlad o Sustainable Development.(click)

Ano ba ang sustainable development? (click)

 Ito ay programang may kinalaman sa wastong paggamit at


pagpreserba ng mga likas na yaman upang magamit pa ng
susunod na henerasyon

 Ito ay wastong pangangalaga at pagsusulong sa mga likas na


yaman na dapat din bigyang halaga ng mga mamamayan (click)

 Ito ay paraan ng isang ng pag-unlad ng tao na kung saan ay


naglalayong matugunan ang mga pangangailangan ng tao sa
paggamit mapagkukunan habang pinapanatili ang kapaligiran
upang ang mga pangangailangan ay maaaring matugunan hindi
lamang sa kasalukuyan, ngunit din para sa mga henerasyon
darating (click)

Ano ba ang kahalagahan ng sustainable development?

 Ito ay mahalaga dahil ang likas na yaman ay hindi nananatili


habang panahon kung ito ay hindi magagamit at malilinang ng
wasto
 Magbubunga din ito ng malaking problema na pang ekonomiya
dahil lahat ng pinagkukunan ng ating pangangailangan tulad ng
tubig, pagkain, kagubatan, lupa mineral at iba pa ay nagmumula
dito (click)
 Ang pangangalaga at matalinong pag gamit ng likas na yaman ay
hindi lamang para sa atin kungdi para na din sa mga susunod na
henerasyon. Sino ba ang mga susunod na henerasyon? Sila ay ang
mga taong ipapanganak sa mga susunod na mga taon
 Dahil ang pag unlad ay hindi nangangahulugan ng pagka ubos ng
mga likas na yaman

Ano ang sustainable development? Ang makasagot ay bibigyan


ko ng kendi (click)

May mga paraan para isagawa ang sustainable development ito


ay:
1. Pagtitipid ng enerhiya
2. Muling paggamit ng mga patapong bagay (click)

Pagtitipid ng enerhiya (click)

Sakop ng tinatawag na enerhiya ay ang tubig (click), kuryente (click),


langis (click),hangin(click), sikat ng araw (click) at maging ang lakas ng
tao.(click 2x)

Magiging madali anumang bagay ng isang tao kung ito ay gumagamit ng


enerhiya.Ang enerhiya ay nauubos, kaya nararapat lamang na gamitin
ito ng wasto. Ang kakulangan nito ay makaka apekto sa paglilingkod
dulot ng elektrisidad,tubig, at mga industriyang tumutugon sa
pangkalahatang pangkabuhayan at pangangailangan ng bansa. Ang
bunga nito ay mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin at pagbaba ng
produksyon. (click)

Kung sino ang makakapagbigay ng halimbawa ng enerhiya ay may


premyo ( 3 kaklase)
Malaking kawalan sa bansa kung walang panustos sa enerhiyang
kailangan sa araw araw. Mahalaga ang mga ito upang makagawa ang
tao. Dito nakasalalay ang malaking bahagi ng ating kabuhayan. Bilang
mamamayan, makakatulong sa pamahalaan at sa ating sarili kung tayo
ay matututong magtipid.(click)

Ito ay mga halimbawa ng pagtitipid (click 6x)

Ang ating nakagisnang paraan ng pagtapon ng basura ay napatunayan


hindi tama. Ang malagim na pangyayari sa Payatas ay ang napapatunay
ditto.

May pinsalang dulot ang tambakan ng basura sa lupa, hangin at tubig


pati na din sa kapaligiran. Ito ay malaking banta sa buhay kalusugan at
buhay ng mga mamamayan at sa kalinisan at kagandahan ng
pamayanan. Kaya napakahalaga na matutunan natin ang tamang
pagtatapon at pag iipon ng basura. Hindi lahat ng itinatapon ay
itinuturing na basura, ang mga ito ay nagiging basura lamang ito kung
ito ay pinagsasama na nagging dahilan upang ito ay maging marumi at
mabaho.(click)

May dalawang klase ang mga bagay na itinatapon, ito ay ang

 Nabubulok o organic (click 2x)


 At di nabubulok o inorganic (click 2x)

Ang mga nabubulok ay iyong galing sa lupa gaya ng tirang pagkain,


balat ng gulay at prutas, dumi ng hayop, mga halaman at damo.

Ang mga di nabubulok ay iyong mga gawa ng tao o mula sa pabrika


gaya ng latang walang laman, bakal, basag na salamin,plastic, bote at
iba pa. Kung ibabalik lamang sa lupa ang mga bagay na nabubulok at
sa pabrika ang mga di nabubulok ay wala tayong matitirang
basura.(click)

Ang pagbabalik sa lupa mga panapong nabubulok ay tinatawag na


composting (click)

Ang pagbabalik sa pabrika ng di nabubulok ay tinatawag na na


recycling (click)

Ano ang dalawang klase ng bagay na itinatapon? Ang makakasagot


ay may Kendi

Ano ang tawag sa pagbabalik sa lupa ng mga panapong nabubulok?


Ang makakasagot ay may kendi ulit

Ang pagpapahalaga sa mga bagay na itinuturing na patapon ay isang


magandang halimbawa ng pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa.
Bukod sa nakakabawas ito ng suliranin sa basura ay nabibigyan din
ng pagkakataong kumita ang mamamayan. Ang nagbebenta at
bumibilin ng mga panapong bagay ay parehong na nakikinabang.

Tao ang dahilan ng tumitinding problema sa basura kaya tao rin ang
makakagawa ng solusyon para ditto. Tayo ang lumilikha ng
basura,nararapat lamang na pamahalaan natin ng wasto.

Kinabukasan natin ang nakasalalay sa tamang pagtapon at pag iipon


ng basura. Kung tayo ay magtatagumpay na ayusin ang problema sa
basura, tayong lahat ay magkakaroon ng (click 2x)maayos, malinis at
(click 2x), magandang bukas 3x)

Ito po si Elijah C. Novila ng Grade 4-Piety – nag uulat.

Maraming Salamat.

Das könnte Ihnen auch gefallen