Sie sind auf Seite 1von 13

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


College of Business Administration
Department of Entrepreneurship

Kuwento ni : May Tobias-Papa


Iginuhit ni : Isabel Roxas

Ipinasa kay:
Ginoong Jhonley Cubacub

Ipinasa nina:
Lamo, Nesley Vie D.
Caminong, Arvin B.
Owenturner, Noemi Grace R.

BS Entrepreneurship 2-1
Unang Bahagi:

Kontekstong
Pagsusuri
I. UNANG BAHAGI: KONTEKSTONG PAGSUSURI

1. Awtor

• May Tobias-Papa
Ang ilang mga pangyayari sa kuwentong ito, maging
ang pulang palayok ay hango sa buhay ng may akda. Tatlong taong
gulang si May nang una siyang dinala ng nanay niya sa palengke.
Salamat sa turo ng kaniyang Nanay dahil ngayon ay marunong
naman na siyang tumingin ng sariwang isda, karne at gulay—kaya
lang ay hindi siya magaling tumawad. Bukod sa pagsulat ng mga
kuwentong pambata, si May ay butihing maybahay kay Alcuin at
mapagmahal na Ina kay Anton.

o Buod na Talambuhay ng Awtor


May Tobias-Papa’s creative portfolio as writer and art director consists of work done for
a clientele engaged in a wide variety of businesses, including major multinational companies,
while working for some of the country’s top advertising agencies, namely, JWT, McCann Erickson,
Campaigns and Grey, and Publicis. She has also done stints as creative consultant at the Ramon
Magsaysay Award Foundation and ABS CBN Global, and as an associate professor at the UP
College of Fine Arts.
She has been writing age- and developmentally-appropriate books for children for 24 years
now, published both as writer and illustrator by the country’s major publishers of children’s
books, namely: Adarna House, Bookmark, Lampara, and Tahanan. Her book portfolio includes
both fiction and non-fiction. May has also directly worked with corporations like Shell Philippines,
Insular Life, Liwayway Marketing Corporation (Oishi), and ABS CBN Global (TFC) to work on
multimedia projects for children on themes like foundation stage Filipino language for migrant
children, financial literacy, and environmental literacy. Her work for children has been recognised
with citations and awards by the Carlos Palanca Awards for Literature, National Children’s Book
Awards, Kirkus Reviews, American Association of School Librarians, Anvil Awards, Philippine
Quill Awards, and Digital Ehon Awards.
Since 2011, she has been helping companies (and their ad agencies) tell their brand stories,
both in award-winning picture books and successful business pitches. Her portfolio includes works
done for ABS CBN, Liwayway Marketing Corporation (makers of Oishi), Insular Life Assurance
Company, Enchanted Kingdom, Kidzania, the UP College of Fine Arts, Shell Philippines, and the
Department of Foreign Affairs.
Specialties: Creative consultancy, writing, editing, illustration, graphic design.
Pinagkuhanan: https://ph.linkedin.com/in/maytpapa
2. Akda

• Synopsis
Isang batang babae ang gumising ng maaga para tulungan ang kaniyang Nanay na
mamili sa palengke. Maraming bagay ang mga natutunan nya habang sila ay namimili at
ibat ibang emosyon at damdamin ang naramdaman niya. Natutuwa siya dahil matagumpay
niyang natulungan ang kaniyang Ina sa pamimili.
• Buod
Gumising ang batang babae at binihisan ng kaniyang Ina upang tulungan ito mamili
sa palengke. Ang Ina ay may makulay na bayong at ang batang babae naman ay maliit at
dilaw na bayong na paglalagyan ng kanilang ipamimili. Maraming bagay ang kaniyang
naranasan sa palengke, ang amoy ng mga karne, isda, manok atbp., putik sa kanilang
nadadaanan, maiingay na mga tindera at mamimili at masisikip gawa ng daming tao sa
loob nito, ngunit sa kabila nito ay mayroong mababait na tindera ang pinatikim siya ng
kanilang produkto at binigyan siya ng mga prutas. Pagkatapos mamili ay tinulungan nya
ang kaniyang Ina na mag ayos ng pinamili nila at may nakita siyang bagay na nakabalot ng
dyaryo at nang kaniyang buksan ay isang kalan na palayok ang bumungad dito na kaniyang
nais maging lutuan, at dahil dito ay pinasalamatan niya ang kaniyang Ina sa regalong
kaniyang natanggap.

3. Elemento ng Maikling Kuwento

• Tauhan:
Anak na babae at kaniyang Nanay

• Tagpuan:
Palengke
• Perspektibo:
Isinaad at Inilarawan dito kung ano may'roon sa loob ng isang palengke at ang mga karakter
ng tao rito.

• Simula:
Araw ng palengke na kung kaya ang batang babae ay gumising ng maaga at binihisan ng
kanyang Ina para makapag handa sa pamimili sa palengke.

• Saglit na Kasiglahan:
Natutuwa siya na mayroon siyang isang maliit at kulay dilaw ng bayong kung kaya't
nagagalak na siyang makapunta sa palengke at mapasok ito.

• Suliranin:
Dahil unang araw iyon ng batang babae ay hindi siya sanay kung ano ang kalagayan meron
sa loob ng palengke o kung ano ang bumabalot rito.

• Tunggalian:
Hindi niya nagustuhan ang amoy ng mga karne, isda, manok atbp.

• Kasukdulan:
At dahil sa pag iikot sa palengke ay nainitan siya sa dami ng tao rito at dahil na rin sa putik
dulot ng sari-saring produkto meron sa loob nito.

• Kakalasan:
Dahil sa pakikipag kapwa-tao ng mga tindera sa palengke ay natuwa rito ang batang babae
dahil pinatikim siya at ang kaniyang Ina ng sari-saring tinda o produkto. Pinuno nito ang kaniyang
dilaw at maliit na bayong.

• Wakas:
Noong makauwi na sila ng kaniyang Ina ay tinulungan niya ito magligpit at magayos ng
kanilang mga ipinamili, ngunit may isang bagay ang pumukaw sa kanyang mga mata, ang isang
bagay na nakabalot ng dyaryo, at nung buksan nya ito ay isang kalan at palayok ang laman, labis
ang kaniyang tuwa dahil isa ito sa mga nais nyang maibili noong nasa palengke sila ng kaniyang
Ina. Paksang Diwa: Isa sa mga kinaugalian ng ibang nanay o magulang dito sa ating bansa ang pag
sasanay sa kanilang mga anak ng pamimili sa palengke upang sa kanilang pag tanda ay may alam
na ito, dahil ang pagsabak sa pamimili sa palengke ay kinakailangan ng mahabang pasensya at
pakikipagtalastasan sa mga tindera.
4. Picture na Naglalarawan

• Mga Larawan

• Paliwanag
Ang larawan na ito ay nag bibigay paliwanag tungkol sa maikling kwento na ang “Araw
sa Palengke.” Ang pag mamahal ng isang ina ay walang katumbas. Pagkat nagawa pa ring bilhin
ng ina ang palayok na lutuan na siyang gusting gusto rin ng bata. Alam niyang matutuwa ang anak
sa bahgay na binili ng ina ngunit hindi lamang makapag sabi dahil sa pangakong binitawan ng bata
na walang ipapa bili. Ang ating ina ay isang dakilang tao sa buhay ng isang anak. Dahil lahat ay
kaya niyang gawin at ibigay para sa anak. Imposible ay kaya niyang gawing possible nang dahil
sa pag mamahal ng isang ina sa kaniyang anak.

5. Konteksto

• Bakit isinulat?
Isinulat ang maikling kwento na “Araw sa Palengke” para ipakita ang pagmamahal ng
isang ina at ang mahabang pasensiya nito para sa anak, para na rin mag bigay alalala sa mga bata
na kahit pa ano man ang mangyari, susuportahan ng isang magulang ang anak. “Araw sa Palengke”
ay ibabalik tayo sa panahon kung saan sumasama pa tayo sa palengke at sa pamimili ng mga
kakainin kasama ang ating ina na kung saan kapag may nakitang laruan o anu mang naisin ay mag
tuturo sa ina at nanaising ipabili.
Si May Tobias-Papa ang sumulat ng maikling kwento na “Araw sa Palengke” na ang mga
pangyayari kuwentong “Araw sa Palengke” ay hango at base sa sariling karanasan sa buhay ng
may akda. Talong taong gulang ang may akda nang dinala siya sa palengke ng kaniyang ina sa
palengke. Dahil sa ina ay natuto siyang mamili ng mga sariwang gulaw, karne at isda ngunit siya
ay hindi marunong tumawad sa mga tindera. Ang may akda na si May Tobias-Papa ay isang
magaling na manunulat ng mga kwentong pambata na nabigyan ng mga parangal sa mga nagdaang
panahon.

• Kailan isinulat? (Maaring Kasaysayan)


Isinulat ang “Araw sa Palengke” taong 2008.
Dahil sa murang edad pa lamang nadala si May Tobias-Papa sa palengke ng kaniyang ina
ay nauwi siya sa paggawa ng kuwento na hango sa kaniyang karanasan sa palengke noong siya ay
musmos pa lamang. Naisip niyang hindi lamang siya ang matutuwa sa kuwentong kaniyang
isinulat pagkat alam niyang lahat ng tao ay dinaanan ang bagay na ito. Kaya’t nais niyang ibalik
sa nakaraan ang mga mambabasa kung saan mag babalik tanaw sa mga panahong nangungulit pa
sa ina na ibi ang gusting laruan sa palengke, mainis sa amoy ng malansang isda, baboy at kung
ano ano pa.

• Issue na pinag-uusapan (Kaugnayan sa Modernong Panahon)


Ang tinatalakay rito ay ang issue ng batang gusting mag pabili ng kung ano ngunit may
pinang hahawakang pangako sa inan ahindi mag papabili. Dito pa laamng ay matuturuan na ang
isang batang tumupad sa isang pangakong pinagkasunduan. Pangalawa ay ang mahabang pasensya
ng isang ina sa anak. Pagkakaroon ng mahabang pasensiya sa anak ay isang pang habambuhay na
pagpapasensiya dahil kaakibat nito ang pag mamahal sa anak na inalagaan.
Sa modernong panahon ngayon ay hindi mon a makikita ang mga batang may kagustuhang
sumama sa mga ina sap ag punta at pamimili sa palengke pagkat ang mga teknolohiya ay nag lipa
na, mas pipiliin ang mag laro at humiga hawak ang mga “gadgets” sa kanilang tabi. Bilang na
lamang ang mga batang nanaising sumama sa magulang sa palengke upang mamili. Nais ng
kuwentong ito na ipahiwatig ang magandang pakiramdam sap ag pnta sa palengke pagkat hahanga
sa ingay at gulo sa palengke ngunit hindi nag aaway. Tipong lahat ng tindera at mamimili ay
magkakaibigan.may mga suki kung tawagin. Hindi na alam ng mga kabataan ang bagay na ito
dahil wala na sa kanila ang mga bagay na ganito.

6. Repleksyon
Noong bata pa lamang ay naranasan ko na ang sumama sa aking ina na mamili sa palengke
at naka gawian na. ang pamimili sa palengke ay isang bagay na nanaisin mong dalhin sa habang
buhay. Dahil rito ay nagkakaroon ng kaibigan at iba’t ibang interaksiyon. Hindi nga lang
maiiwasan ang mga bagay na “dukutan o nakawan” ngutin masaya at marami kang makikita ta
mapapamili sa murang halaga. Dahil sap ag sama sa ina sa palengke ay natutong tumawad at
alamin kung ano ang sariwa sa hindi. Ang maikling kwento na ito ay nag bibigay kahalagahan sap
ag laan ng panahon sa isang ina dahil mas maraming matututunan kapag siya ang kasama mo.
Tuturuan ka rin niyang maging mapag pasensiya sa mga bagay nan aka paligid sa iyo. Tulad ng
ingay, putik at mabahong amoy sa palengke.
Ikalawang Bahagi:

Teknikal o
Layout
II. IKALAWANG BAHAGI: TEKNIKAL o LAYOUT

1. Awtor

• Cover Page
Sa cover page ng picture book na ito, makikita ang titulo o pamagat ng librong
pambata. Matatagpuan din ang pangalan ng awtor na si May-Tobias Papa at iginuhit
nito ni Isabel Roxas. Nakalagay din sa pinakaharapan ang logo ng publishing house at
ang bata na may mga hawak na gulay, prutas, bayong at iba pang mga pagkain at bagay
na matatagpuan sa Palengke.

• Back Page
Sa pinakalikurang bahagi ay matatagpuan ang Synopsis ng “Araw sa Palengke”,
logo ulit ng publishing house (Adarna House) pati narin ang link sa website nito online.

• Illustrations (Mga Guhit na Nakapaloob)


Maganda at maayos ang pagkakagawa ng mga iginuhit na larawan ng may-akda.
Madaling intindihin at tunay na detalye ang mga image, bagay at pagkain na makikita
sa isang palengke. Makikita rin sa loob ng libro ang Illustration ng mga Bitamina,
Sustansiya at mga pagkaing katumbas nito na mahalagang matutunan ng mga batang
mag-aaral.

2. Font Style

• Kulay (Color) at Istilo (Style)


Napakamakulay ng mga litrato kahit na yung mismong mga larawan sa kuwento ay
nakakaganang tingnan. Nakapokus sa karakter ng ina at anak ang mga pangyayaring
naganap sa loob ng palengke. Angkop sa totoong buhay ang mga kuwentong
nakapaloob makikita palang sa pananamit, amoy ng palengke, pagtawag ng suki, at iba
pa.
Ang font style ay tiyak na maiintindihan ng lahat mas lalo na ang mga bata.
Mayroong translation o pagsasaling naganap (Filipino to English translation) sa buong
kwento na mas lalong nakapagpadali na maunawaan ang daloy ng kuwento. Tamang-
tamang rin ang font size na ginamit sapat lang para mabasa ng nakararami at pinaka
pokus ng kuwento ay para sa mga bata.

3. Color Theme
• Napakaganda at akma sa realidad ang totoong kulay na nakalagay sa loob ng libro.
Maganda ang kombinasyon ng mga kulay sapagkat, ito ay sari-sari. Ang kulay at
hitsura ng “putik” sa palengke ay inayon ng akda at taga-guhit sa pananaw ng bata.
4. Kaakit-akit ba itong basahin?

• Tunay na kaakit-akit ang babasahing ito dahil maraming mga magulang partikular na
ang ina pati na rin ang mga anak nila ang nakaka-relate o nakakaranas ng
pamamalengke na ito. Sa tuwing mamamalengke, may dala-dalang bayong, may mga
taong tinatawag na suki, sariwa ang mga paninda lalo na kung tuwing umaga.

5. Konklusyon at Epekto nito sa mga Mambabasa

• Maaga pa lamang ay mamumulat na ang mga bata na sa kanilang paglaki ay matututo


rin sa mamalengke sa kanilang sarili. Nakaugalian nating mga Pilipino na halos lahat
ng mga rekado, mga supply ng pagkain lalo na ang mga itlog, karne, manok, baka, mga
gulay at prutas ay matatagpuan sa palengke. Bukod sa ito ay sariwa, ito ay mura lalo
na kung suki ka na sa tindero’t tindera. Sa kadahilanang ang mga ito ay sariwang
binabagsak sa palengke ay nagkakaroon ng di kaaya-ayang amoy at aminin natin
minsan nandidiri tayo sa mga putik sa palengke. Natural lamang na marumi ang
pasilidad sa palengke at mainit dahil mura lang ang kanilang puwesto doon, galing pang
probinsya ang mga produkto at maaaring galing pa ito sa lupang kanilang tinaniman at
dagat na pinangisdaan. Habang namamalengke tayo kasama ang ating ina, mapapaisip
din tayo sa dami ng produkto ay nakakaayang bumili. Pinipili rin ng ating mga ina kung
ano ang mas masustansyang pagkain na bibilhin at mga bagay o sangkap na
kakailanganin lamang. Sa pagpatuloy na pagkain ng mga masusutansya ay maraming
bitamina ang nasa loob ng ating katawan na magbibigay sa atin ng lakas. Nakakapagod
man mamalengke ngunit ito ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nabubuhay at may
nakakaing masustansiya na sakto at swak sa badyet ng ating mga ina.
Mga Pinagkuhanan:
• “Araw sa Palengke” ni May Tobias-Papa
• Talambuhay https://ph.linkedin.com/in/maytpapa

*Ang mga litrato ay hindi namin pag-aari at ito ay


pagmamay-ari ng mga may-akda at bahay paglimbagan.
For educational purposes only*.

Das könnte Ihnen auch gefallen