Sie sind auf Seite 1von 2

Republic of Education

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XII
Division of Sarangani
Malapatan II District
TUYAN INTEGRATED SCHOOL
Araling Panlipunan 9 Ikalawang Markahang Pagsusulit

Pangalan :_______________________________________________________ Petsa : ___________________


Baitang at Seksyon : ______________________________________________ Puntos : __________________

I.Panuto : Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1.Isa sa mahalagang konsepto ng microeconomics ang konsepto ng demand. alin sa sumusunod pinakaangkop na
kahulugan ng demand?
a. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang
halaga o presyo.
b. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.
c. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili s
alahat ng kanilang pangangailangan.
d. ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba,t ibang presyo.
2.Ito’y nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitang ng presyo at quantity demand.
a. Batas ng Demand b. Bats ng Mamimili c. Bats ng Presyo d. Batas ng Supply
3.Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo.
a. Demand Function b. Demand Schedule c. Income Effect d. Quantity Demand
4.Dito makikita na kuntento ang mamimili at nagbebenta sa napagkasunduang presyo at dami.
a. Ekwilibriyo b. Disekwelibriyo c. Surplus d. Shortage
5.Ito ay istruktura ng pamilihan kung saan may mallit na bilang ng prodyuser na nagbebenta ng magkakatulad o
magkakaugnay na produkto.
a. Monopolyo b. Monopsonyo c. Oligopolyo d. Open MArket
6.Isang organisadong sistemang pang-ekonomiya na kung saan ang prodyuser at consumer ay nagtatagpo at
nagkakaroon ng palitan.
a. Sambayanan b. Pamilihan c. Pamahalaan d. Pamayanan
7.Nagsasaad sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo o sa
isang takdang panahon.
a. Demand b. Kita c. Presyo d. Supply
8.Isang pansamantalang sitwasyon sa pamilihan kung saan ang supply ng produkto ay di-sapat sa ikonsumo ng tao.
a. Surplus b. Shortage c. Ekwilibriyo d. Disekwilibriyo
9.Isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo.
a. Demand Schedule b. Quantity c. Substitution Schedule d. Supply Schedule
10.Dito makikita ang ugnayan ng presyo sa quantity supplied sa pamamagitan ng isang diagram o graph.
a. Income Effect b. Supply Curve c. Demand Curve d. Supply Schedule
11.Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied, ito ay nagpapakita
sa equation na _______________.
a. Qs = f(P) b. Qs = f-P c. Qs = P/f d. Qs = f+P
12. Ito ay ang uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo kung
kaya’t walang pamalit o kahalili.
a. Monopolyo b. Monopsonyo c. Oligopolyo d. Open MArket
13. Sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo.
a. Monopolyo b. Monopsonyo c. Oligopolyo d. Open MArket
14.Ang tawag sa bumubili ng kanyang nais.
a. kunsyumer b. may-ari c. nagtitinda d. prodyuser
15.Ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price na maaring ipagbili ng isang prodyuser ang kanyang produkto.
a. minimum wage b. price ceiling c. price floor d. quantity supply
16.ito ay kilala bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng
batas sa mga produkto at serbisyo.
a. minimum wage b. price ceiling c. price floor d. quantity supply
17.Tumutukoy sa isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
a. Paaralan b. Pamahalaan c. Pamayanan d. Pamilihan
18. Ang ahensiya ang pamahalaan na may tungkuling palawakin ang sistemang kalakalan at industriya sa bansa.
a. DepEd. b. DILG c. DTI d. DOLE
19. Isang sitwasyon sa pamilihan na kung saan may higit na supply ng mga produkto kaysa sa dami ng planong bilhin.
a. Surplus b. Shortage c. Price Ceiling d. Price Floor
20.Ito ay nagsasaad na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto.
a. Batas ng Demand b. Bats ng Mamimili c. Bats ng Presyo d. Batas ng Supply
II. Tama o Mali: Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI
kung ang pahayag ay di-wasto.

______1.Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin, at kapag bumaba ang presyo tataas
naman ang dami ng gusto at kang bilhin.
_____2.Ipinahahayag sa substitution effect na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mamimili ay hahanap
ng pamalit na mas mura.
_____3.Ang pagbabago sa kita ng isang tao sa isang salik na nakaapekto sa demand para sa isang produkto.
_____4.Ang pa.ggawa ng isang produkto ay hindi kailangan ng mga salik gaya ng lupa, paggawa, capital at
enterprenuership
_____5.KApag ang presyo sa pamilihan y mas mababa kaysa presyo ng ekwilibriyo, magkakaroon ng shortage sa produkto.
_____6.Ang presyo ang napakahalagang batayan sa pagbili ng isang produkto.
_____7.Ang panlasa ng mamimili ay isa rin sa mga salik sa pagpili ng produkto.
_____8.Kapag mababa ang presyo, ang mga prodyuser ay nahihikayat na magdagdag ng supply.
_____9.Sa pamamagitan ng pamilihan, nalalaman ng Sistema ng Ekonomiya.
_____10.Ang mga Produktong inumin tulad ng softdrinks at juice ay mga produktong price eleastic dahil marami itong pamalit.

III. Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng surplus,
shortage, o ekwilibriyo.
______1.Kailangan ni Chiello ng isang dosenang rosas para sa kaarawan ng kaniyang ina ngunit siyam na rosas lamang
ang natitira sa flower shop.
______2.Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang Php50 at sa dami na 30.
______3.May 100 sako ng palay si Isko ngunit 70 sako lamang ang handang bilhin ng bumibili nito.
______4.May 36 na panindang payong si Berlin. Dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan, naubos lahat ang kaniyang paninda.
______5.Napanis lamang ang mga nilutong ulam ni Aling Nery dahil sa suspensiyon ng klase kaninang umaga.
______6.Naubos kaagad ni Mang Kiko ang kaniyang paninda nang bilhin lahat ng mga turista ang mga ito.
______7.Sa sobrang init ng panahon, naging matumal ang benta ng lugaw ni Jocelyn.
______8.Isandaang kilo ang supply ng sibuyas sa Gapan City Public Market at isandaang kilo rin ang demand para rito.
______9.May 50 lapis ang kailangan ng mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng San Roque ngunit 30 lamang ang
natitirang supply ng Rose School Supplies.
______10.Biniling lahat ni Ventor ang mga tindang biko ni Clara.

IV. Problem Solving: Lompyuting ang hinihingi ng bawat bilang.


1. Kompyutin ang Elasticity ng Demand at Supply( 5 puntos bawat isa)
A. DEmand
Q1 = 400 P1 = 60
Q2 = 250 P2 = 100
B. Supply
Q1 = 40 P1 = 6,000
Q2 = 20 P1 = 3,000

2. Mula sa datos sa ibaba, kompyutin ang talahanayan upang maipakita sang demand schedule.
A. Demad Function. Kopyahin ang Demand Schedule ( 2 puntos bawat isa)
Qd = 200 – 10P
Presyo Quantity Demand

170

100

15

************* Ang Grade ay hindi nililimos, Pinaghihirapan ****************


GODBLESS ! ! !

Das könnte Ihnen auch gefallen