Beruflich Dokumente
Kultur Dokumente
Si Mohandas Karamchand Gandhiay isinilang noong 2 Oktubre 1869[1] sa isang pamilyang Hindu na ang
Modh Baniya sa Porbandar (kilalá rin bílang Sudamapuri), isang bayan sa may baybayin ng Tangway ng
Kathiawar na dáting bahagi ng maliit na princely state ng Porbandar sa Ahensiya ng Kathiawar ng
Imperyong Indian. Ang ama niya, na si Karamchand Uttamchand Gandhi (1822–1885), ay nanilbihan
bílang diwan (punong ministro) ng estado ng Porbandar. Ang pamilyang Gandhi ay nagmula sa nayon ng
Kutiana sa dáting estado ng Junagadh. Aktibista para sa karapatang-sibil sa Timog Aprika (1893-1914).
Si Gandhi ay 24 nang nakarating siya sa Timog Aprika noong 1893 upang magtrabaho bílang
representibo legal para sa Muslim Indian Traders na nakabase sa lungsod ng Pretoria. Nanatili siya nang
21 taon sa Timog Aprika, kung saan pinalago niya ang kaniyang political views, etika at political
leadership skills.
Sa Timog Aprika, nakaranas si Gandhi ng diskriminasyon na dinirekta sa lahat ng mga táong may kulay.
Tinapon siya palabas ng isang tren sa Pietermaritzburg matapos niyang tumanggi na umalis sa first-class.
Nagprotesta siya at pinayagan sa first-class kinabukasan.] Habang naglalakbay sa isang stagecoach,
binugbog siya ng tsuper dahil ayaw niya (Gandhi) na magbigay-daan para sa isa pang Europeong
pasahero.
Si Muhammad Ali Jinnah (Disyembre 25 1876 – Septyembre 11 1948) usa nga
Musulman o Muslim nga politiko ngan namuno han All India Muslim League
(Liga Musulmana Tanan nga India) nga nagtukod han Pakistan ngan nagsirbe
nga syahan nga Gobernador-Heneral. Opisyal hiya nga ginkikilala ha Pakistan
nga Quaid-e-Azam ngan Baba-e-Qaum ("Amay han Nasod"). An iya kaadlawan
usa nga nasodnon nga adlaw hin pagsaurog ha Pakistan. Si Muhammad Ali
Jinnah ang Ama ng Pakistan. Binansagan syang Ama ng Pakistan dahil sya ang
naging dahilan/nakatulong para makalagaya ang Pakista mula sa India. Sya ay
isang nasyonalista mula sa Pakistan na gumawa ng paraan para makalaya ang
Pakistan.
Bilang presidente ng bagong repormang Turko republika, pinasimulan ni Atatürk ang isang mahigpit na
programa ng mga repormang pampulitika, pang-ekonomiya, at kultural na may tunay na layunin ng
pagtatayo ng modernong, progresibo, at sekular na bansa-estado. Ginawa niya ang pangunahing
edukasyon na libre at sapilitan, nagbukas ng libu-libong bagong mga paaralan sa buong bansa. Ipinakilala
rin niya ang alpabetong Turko na nakabatay sa Latin, na pinapalitan ang lumang alpabetong Ottoman
Turko. Ang mga kababaihang Turko ay tumanggap ng pantay na karapatang sibil at pulitika sa panahon
ng pagkapangulo ni Atatürk sa unahan ng maraming mga bansa sa Kanluran. Sa partikular, ang mga
kababaihan ay binigyan ng mga karapatan sa pagboto sa mga lokal na halalan sa pamamagitan ng Batas
no. 1580 noong ika-3 ng Abril 1930 at ilang taon na ang lumipas, noong 1934, ang buong unibersal na
pagboto, mas maaga kaysa sa karamihan ng ibang mga bansa sa mundo.
Si Seyyed Ruhollāh Moşţafavi Musavi Khomeyni (24 Setyembre 1902[1][2] –
Hunyo 3, 1989) ay isang nakatatandang klerikong Muslim na Shi'a,
pilosopong Islamiko at marja (awtoridad sa relihiyon), at ang pampolitikang
lider ng Himagsikang Irani (Iranian Revolution) ng 1979 kung saan napatalsik
si Mohammad Reza Pahlavi, ang huling Shah ng Iran. Pagkaraan ng
himagsikan, si Khomeini ang naging Kataas-taasang Pinuno ng bansa—ang
pinakamataas na pigura sa politika ng bagong Republikang Islamiko
hanggang sa kanyang kamatayan.
Si Abdul Aziz Al Saud, Hari ng Saudi Arabia (15 Enero 1876[1] – 9 Nobyembre
1953) ay ang unang monarka ng Pangatlong Estadong Saudi na nakikilala
bilang Saudi Arabia. Mula sa kanyang buong pangalang Abdul Aziz bin Abdur
Rahman Al Saud o 'Abd al-'Aziz ibn 'Abd al-Rahman ibn Faisal al Sa'ud,
pangkaraniwang siyang tinutukoy bilang ibn Saud o Ibn Saud.