Sie sind auf Seite 1von 70

nday, March 22, 2010

Pagpapaunlad ng Agrikultura sa Pamamagitan


ng Pagsasaka
Mga mananaliksik:

Pierre Bulayungan

Michael Cheng

Erika Largo begin_of_the_skype_highlighting


end_of_the_skype_highlighting

Ester Pacaoan

1KAM

Kolehiyo ng Komersiyo, UST


I. Introduksyon sa paksa na tatalakayin

Panukalang Pahayag

Kalabaw lang at taong masipag ay sapat na


upang maiahon ang isang lugmok na bansa.

Suliranin ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pagsasaka


at epekto nito sa ekonomiya. Nais ng mga
mananaliksik na malaman kung uunlad ang mga
agrikulturang bansa batay sa mga kasangkapan
sa pagsasaka. Sapat nga ba na gumamit lang ng
kalabaw at iba pang mga teknolohiya ang
magsasaka? O baka naman kailangan din
samahan ng makabagong kagamitan? Paano
mapagtutuunan ng pansin ang pagsasaka nang
sa gayo’y maging pundasyon ito sa
pagpapaangat ng bansa? Anu-ano ang mga
hamong kinakaharap sa larangan ng pagsasaka?
Ito ay ilan sa mga katanungan na sasagutin ng
pananaliksik para makatulong sa
pagpapayaman ng agrikultura.

Rebyu/Pagaaral

Nakahanap ang mga mananaliksik ng ilang


artikulong may kinalaman sa paksa. Mula sa
pahayagan ng Pilipino Star Ngayon na may
pamagat na ”Agrikultura Planong Buhayin ni
Bro. Eddie”. Nailathala doon na sinabi ni Bro.
Eddie Villanueva, standard bearer ng Bangon
Pilipinas, na ang bansang Pilipinas ay
napakayaman sa likas na yaman kung saan
nakahihigit ito kumpara sa pinagsama-samang
kayamanang likas ng Singapore, Brunei,
Vietnam at iba pang bansa sa Timog Silangang
Asya kaya nakapagtataka na nangungulelat
ngayon ang bansa at umaangkat pa ng pagkain.

Ang artikulong ”Bakit bigas? At hindi tinapay,


patatas, mais, kamote, o pasta?” na makikita sa
http://www.onephil.com/box2.htm ay tungkol
sa bigas na siyang pangunahing pagkain sa
Pilipinas. May kinalaman ito sa pag-aaral ng
mga mananaliksik sapagkat ang bigas ang
karamihang sinasaka dito sa bansa. Nabanggit
sa artikulo na kaya pala kanin ay dahil walang
tanim na trigo o ”wheat” sa Pilipinas. Mainit
ang Pilipinas para makapagtanim ng trigo.
Kailangan pang umangkat mula sa ibang bansa
para makakuha ng harina. Pipiliin pa rin ng mga
Pilipino ang kanin kaysa tinapay, patatas, mais,
kamote, o pasta dahil ang mga huling nabanggit
ay pawang mahal kumpara sa halaga ng bigas.
Sinabi rin sa artikulo na ang bigas ay nasa dugo
na ng mga Pilipino.

Ang isa pang artikulo ay nahanap sa pahayagan


ng The Philippine Star sa seksiyon ng Business
Agriculture/Environment. May pamagat na
“Farm Group Bats for Higher DA Budget”. Ito ay
tungkol sa grupo ng mga magsasaka na
nananawagan sa gobyerno na taasan ang
pondo ng Department of Agriculture nang sa
gayo’y makabili ito ng maraming punla, pataba,
at mga pasilidad sa irigasyon. May kinalaman
ito sa isinasagawang pananaliksik sapagkat ang
nabanggit na artikulo ay papasok sa suliranin sa
pagsasaka na itatalakay sa mga susunod na
kabanata.

Ang librong “Teaching Vocational Agriculture in


the Philippines” pinatnugutan nina Dolores P.
Barile, Harold R. Cushman, Severino R. Santos
Jr. ay tungkol sa agrikultura ng Pilipinas at
sinasabi na sa pamamagitan ng tamang
edukasyon ng mga magsasaka ay mapapaunlad
ang agrikultura. Sa tingin ng mga mananaliksik
ay makatutulong ang librong ito lalo pa’t ang
magsasaka sa kasalukuyan ay maaaring kulang
sa edukasyon.

Ang aklat na “ Advances and Challenges in


Hybrid Rice Technology in the Philippines” ng
Department of Agriculture-Philippine Rice
Research Institute ay tumatalakay sa mga
suliranin ng pagsasaka, mga programa, at
inilulunsad na mga teknolohiya sa pagpaparami
ng bigas. Malaking tulong ito sa isasagawang
pananaliksik dahil isa sa mga layunin ay
matalakay ang mga suliranin sa pagsasaka.
Ang librong ”Philippine Rice R&D Highlights
1993” ng Philippine Rice Research Institute ay
tungkol sa pag-aaral kung paano mapapabuti
ang pagsasaka. Nagbanggit dito ng ilang mga
teknolohiya para mapabilis ang produksiyon.
Natalakay din dito kung ano ang mga kahinaan
ng paggamit ng mga pesticides o insecticides.
May kinalaman ito sa pag-aaral ng pananaliksik
dahil itatalakay sa susunod pang kabanata ang
mga epekto ng paggamit nito.

Ang aklat na ”The Philippines: A Unique Nation”


ni Dr. Sonia M. Zaide, ay tungkol sa kasaysayan
ng Pilipinas. Makatutulong ito sapagkat dito
hahanapin ang heograpiya ng Pilipinas at kung
bakit may pagsasaka sa bansa.

Ang librong ”Kamtin ang Agrikulturang


MakaMASA” ng Agriculture & Fisheries
Information Division ay tungkol sa mga
makalumang kagamitan at pamamaraan sa
pagsasaka na maaaring gamitin para makatipid.
Malaking tulong ito sapagkat dito nakabatay
ang pananaliksik.

Ang aklat na ”Contribution to Philippine


Agricultural Modernization” pinatnugutan nina
Liborio S. Cabanilla, Mario G. Andrada, at
Liberty O. Inciong na inilathala ng Fulbright-
Philippine Agriculture Alumni Association ay
tungkol sa kalagayan ng agrikultura at ang
bilang ng produksiyon nito. Inilahad sa aklat
ang porsyento ng napoprodyus na bigas noon
pang mga nakaraang taon.

Layunin

Tiyak na Layunin
Magbigay kaalaman tungkol sa pagsasaka at
kung paano ito isinasagawa.

Malaman ang papel na ginagampanan ng


pagsasaka sa pamamalakad ng bansa.

Mailahad ang mga epekto ng paggamit ng


kalabaw at iba pang makalumang kagamitan sa
pagsasaka.

Matalakay ang mga suliranin sa pagsasaka.

Makahanap ng solusyon sa isang problemang


pangsaka.
Maipakita na kayang umunlad ng bansa kung
bibigyan pansin ang agrikultura.

Pangkalahatang Layunin

Makatulong sa larangan ng pagsasaka

Makaambag sa pag-unlad ng bansa

Kahalagahan

Hindi na gaanong nabibigyang pansin ang


pagsasaka ngunit nakikita ng mga mananaliksik
na ang pagsasaka ay maaaring isa sa mga
paraan para umangat ang Pilipinas. Kapag may
nakabasa ng nasabing pananaliksik, maiisip ng
taong iyon na bakit nga ba hindi pinagtutuunan
ng pansin ng gobyerno ang sektor ng
agrikultura kung saan mayroon ang Pilipinas?
Ang pag-aaral ay para rin sa mga mamamayang
Pilipino na naghihirap dahil sa naaapektuhan ng
mataas na presyo ng mga pangunahing
pangangailangan tulad ng tubig, kuryente, at
pagkain. At higit sa lahat, ito ay para sa mga
mamamayang Pilipino upang maiwasan nilang
masayang ang mga produktong pangagrikultura
na bunga ng sakripisyo, pawis, at dugo ng mga
magsasaka.

Metodolohiya

Ang paraan ng pananaliksik na isasagawa ng


mga mananaliksik ay sa pamamagitan ng
pagkalap ng mga impormasyon na
matatagpuan sa silid aklatan ng Unibersidad ng
Santo Tomas. Hahanap ang mga mananaliksik
ng mga datos sa mga libro, journals, at internet.
Ang mga sanggunian ay magsisilbing gabay sa
pag-aaral.

Saklaw o Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa


pagsasaka ng palay sa Pilipinas. Pinili ng mga
mananaliksik na magbatay sa silid aralan ng
Unibersidad ng Santo Tomas dahil sa
kakulangan ng panahon para makapanayam ng
mga magsasaka, at mga ahensiyang
tagapangasiwa rito. Ang sakop ng pag-aaral na
ito ay ang mga proseso ng pagsasaka, mga
kagamitan, panahon, produksyon ng bigas,
kahalagahan ng pagsasaka sa ekonomiya, at
mga balakid sa pagsasaka. Ang mga ito ay
saklaw ng pag-aaral sapagkat nais ng mga
mananaliksik na maibahagi ang mga
pangunahing kaalaman at mahalagang
impormasyon ukol sa pagsasaka. Samantalang
hindi nito sakop ang iba pang gawain sa
agrikultura gaya ng paghahayupan at
pangingisda sa dahilang mas lalalim pa ang
pananaliksik.

Daloy ng Pananaliksik

Ang pag-aaral ay may tatlong kabanata. Ang


unang kabanata ay tungkol sa pagsasaka sa
Pilipinas. Dito itatalakay ang heograpiya ng
Pilipinas, kahulugan ng pagsasaka, kasaysayan,
mga kagamitan, pagsasagawa at kahalagahan
nito sa ekonomiya. Sa ikalawang kabanata ang
presentasyon ng datos. Dito matatagpuan ang
mga balakid na kinakaharap ng magsasaka at
ang mga nilatag na mga sagot ukol dito. Kasama
rin na matatagpuan sa ikalawang kabanata ang
interpretasyon sa mga nakalap na datos.
Nakapaloob naman sa ikatlong kabanata ang
kongklusyon at suhestiyon para sa nasabing
paksa.

II. Aktuwal na Pananaliksik

Paglalahad ng Paksa

Ang librong “Teaching Vocational Agriculture in


the Philippines” pinatnugutan nina Dolores P.
Barile, Harold R. Cushman, Severino R. Santos
Jr., ang Pilipinas ay pinagkalooban ng likas na
yaman tulad ng mga bundok, lambak, burol at
kapatagan. Mayroon itong klimang tropical na
angkop sa pagpapalaki hindi lang ng hayop
kundi pati rin mga halaman. Ang tag-init ay
nagtatagal mula Marso hanggang Hunyo
samantalang ang tag-ulan ay mula Hulyo
hanggang Oktubre. Ang lupa sa Pilipinas ay
mataba at sagana rin ito sa manggagawa na
kung saan patuloy itong dumarami kada taon.

Ano nga ba ang pagsasaka? Ayon sa ”Standard


Comprehensive International Dictionary”, ang
pagsasaka ay pagbubungkal ng lupa at
pagtatanim ng mga buto sa isang malawak na
bukirin. Ang manggagawa rito ay ang mga
magsasaka.

Ayon sa librong ” A Comprehensive History of


Irrigation in the Philippines” ng National
Irrigation Administration, ang mga sinaunang
naninirahan sa Pilipinas ay sumabak sa iridong
paraan ng pagsasaka. Ayon kay Robert B. Fox,
naging pinuno sa Anthropology Division of the
National Museum of the Philippines sa loob ng
maraming taon, sinimulang isagawa ang
pagsasaka noong Neolithic Age o panahon ng
Bagong Bato. Ayon sa mga dalubhasa sa
kasaysayan ng pagsasaka, noong 1500 B.C. ay
dumating ang unang mandarayuhan at ito ay
kilala bilang proto-Malays. Ayon pa rin sa
nasabing aklat, ang mga mandarayuhang ito ay
mga rice eaters. Nagmula ang mga
mandarayuhan sa bansang Timog Tsina,
Indotsina, at Formosa. Nanirahan ang mga
proto-Malays sa baybaying dagat ng Hilagang
Luzon. Nagawang mapaalis ng mga bagong
dating ang mga proto-Malays. Malays ang
tawag doon sa mga bagong dating. Ilan sa
proto-Malays ay nanirahan na lang sa hanay ng
Sierra Madre. Sinasabing ang unang
mandarayuhan sa bansa ang siya ring nagtayo
ng unang hagdan hagdang palayan na
matatagpuan sa Hilagang Luzon.

Mula sa aklat na ”Kamtin ang Agrikulturang


MakaMASA” ng Agriculture & Fisheries
Information Division, ang mga kailangan at
karaniwang ginagamit sa pagsasaka ay
matabang lupa, isang bag na binhi ng palay
para sa isang ektaryang lupa, patubig na may
dalawa hanggang tatlong sentimetrong lalim,
abonong di organiko, pamatay-damo,
insecticides, karit gamit sa paggapas ng palay,
makinang may sariling blower at cleaner
(treshing machine) para sa paggiik, makinang
tuyuan ng palay, village rice mill at makinang
pang-araro.

Paano isinasagawa ang pagsasaka? Inilathala sa


Philippine Daily Inquirer, noong Abril 19, 2008
ang salaysay ni Mang Piring, limampu’t walong
taong gulang at mahigit tatlumpung taon nang
inaasarol ang kanyang isang ektaryang lupa sa
Villa Cuizon.
Ayon kay Mang Piring, hindi biro ang pagsasaka.
Kailangan munang bumili ng mga binhi mula sa
tindahan ng mga buto ng bigas. Nang
magpalabas na ng irigasyon sa kanyang
sakahan, kinuha bilang trabahador ang
kapitbahay niyang mayroong hand tractor. Ang
hand tractor ay isang makina na nag-aararo ng
maliit na bahagi ng sakahan para taniman ng
mga buto ng bigas. Habang pinahihinog ang
binhi, kailangan inaararo na ang sakahan para
kapag nahinog na ang mga buto ay madali na
itong maililibing. Dukit ang tawag sa pag-aararo
gamit ang kalabaw at pang-araro na hindi abot
ng hand tractor dahil sa dike o mga harang na
itinayo para maiwasan ang pagbaha sa sakahan.
Nang mahinog na ang mga buto, agad na
naghanap si Mang Piring ng mga mambubunot
ng punla. Sila ang mga tagapagtanim ng mga
buto sa maliit na bahagi ng sakahan.
Pagkatapos niyon, kumuha naman ng
dalawampu’t limang manananim para tuluyan
nang mailipat sa malaking bahagi ng sakahan
ang mga nagsitubong binhi. Sabi ni Mang Piring
na ang pagsasaka ay nangangailangan ng
pampataba, irigasyon, panghuli para sa mga
dagang bukid, inspeksyon, at tamang
pamamahala nang sa gayon ay maging
maganda ang kalalabasan kapag mag-aani na.

Mula pa rin sa aklat na ” Kamtin ang


Agrikulturang MakaMASA” ng Agriculture &
Fisheries Information Division, ang pag-aani ay
ang pagtitipon ng mga bunga ng pananim. Para
sa palay, ito ay tumutukoy sa pagkolekta ng
tangkay na kasama ang mga uhay (paggapas).
Sa pag-aani, kailangang kalkuhin ang tamang
panahon ng pag-aani upang makatiyak ng
mataas na kalidad ng binhi, mataas ng presyo
ng palay sa pamilihan at maraming mamimiling
magkakagusto sa bigas. Nangangailangan ng
60-80 oras-tao upang maani ang isang ektarya
at 40 oras-tao upang maikamada ang mga
naaning palay. Pagkatapos mag-ani, giikan agad
ang palay. Ang paggiik ay ang paghiwalay ng
butil sa uhay. Matapos maggiik, linisin agad ang
palay upang maging maayos ang pagiimbak at
paggiling nito. Ang maruming palay na naiimbak
ay mas madaling masira. Sa panahon ng pag-
aani, ang palay ay may 20-50% halumigmig.
Kung ito ay iimbakin, kailangang 14% lamang
ang halumigmig ng butil. Pinatutuyo ang palay
upang mabawasan ang halumigmig. Sa paraang
ito, mababawasan ang pagkasira ng butil dahil
sa peste o amag. Matapos mapatuyo ang palay,
imbakin ito nang mahusay kung hindi agad
ibebenta. Ang mahusay na pag-iimbak ay yaong
naaalagaan ang inani mula sa masamang
panahon, peste, maliit na uod, hindi mainam na
amoy, halumigmig at iba pang uri ng dumi.
Pagkatapos magpatuyo, isinusunod na ang
paggiling. Ang paggiling ay paraan ng
paghihiwalay ng butil sa ipa upang makuha ang
puting bigas. Ang magandang butil ng palay ay
may 22% ipa, 6% darak, at 72% giling na bigas.

Ayon sa
http://www.scribd.com/doc,11554196.Mga-
Sektor-Ng-Ekonomiya-Agrikultura, mahalaga
ang pagsasaka dahil nakapaghahatid ito ng
dolyar sa pamamagitan ng mga produktong
iniluluwas sa iba’t ibang panig ng daigdig, dito
nagmumula ang pagkain ng lipunan,
napakikinabangan ang malaking ektarya ng
lupain sa Pilipinas, at nakatutulong pa ito sa iba
pang sektor ng ekonomiya tulad ng
pagmamanupaktura at kalakalan.

Ayon kay William D. Dar, dating kalihim ng


Department of Agriculture, ang palay ang
pinakamahalagang produkto para sa mga
Pilipino sapagkat ito ang pangunahing pagkain.
Mapalad ang Pilipinas sa pagkakaroon ng mga
lupaing angkop sa naturang produkto. Sa kabila
ng pagkakaroon ng bansa ng masipag na mga
magsasaka at lupang bubungkalin,
kinakailangang magkaroon ang bansa ng
teknolohiya na maging gabay sa pagpapaunlad
ng produksyon. Malaki ang paniniwala na ang
nakapaloob na teknolohiya kapag tinambalan
ng sipag at tiyaga ng mga magsasaka ay
tuluyang magpapasulong sa produksyon ng
palay sa bansa.

Presentasyon ng Datos

Ang aklat na ”Contribution to Philippine


Agricultural Modernization” pinatnugutan nina
Liborio S. Cabanilla, Mario G. Andrada, at
Liberty O. Inciong, ang bigas at mais ay mga
produktong malaki ang naitutulong sa
agrikultura ng Pilipinas. Batay pa rin sa
nasabing libro, nitong huling sampung taon ay
mahigit kapat na Gross Value Added (GVA) ang
nadagdag sa agrikultura mula sa mga nabanggit
na produkto. At sinasabing mahigit 50% ng mga
taniman ay pawang mga palay at mais.
Ipinapalagay na “political crops” ang bigas at
mais dahil dito ibabatay ang pagpapaunlad ng
agrikultura. Ngunit sa kabila ng malaking
kontribusyon ng political crops, wala pa rin
nabago sa estado ng agrikultura. Ang
pagluluwas ng mga kalakal sa ibang bansa ay
hindi pa rin gaanong lumawak. Sa katunayan,
ang kalagayan ng agrikultura ay hindi impresib.
Mula sa taong 1982 hanggang 1999, ang
average annual growth rate ng Gross Domestic
Product ay 1.2%. Mas mababa kumpara sa,
halimbawa, 3% na iniunlad ng bansang Thailand
sa parehong taon (1982-1999). Nabanggit na
ang Pilipinas na dating net exporter ngunit
ngayon ay isa nang net importer. Ang mga
bansang Thailand, Vietnam, at USA ay mga
pangunahing pinag-aangkatan ng bigas.

Anu-ano nga ba ang suliranin na kinakaharap ng


pagsasaka? Ayon kay Dr. Santiago R. Obien,
Executive Director ng Philippine Rice Research
Institute (PhilRice), ang pagsasaka ay
nahaharap sa apat na suliranin. Una, mas
mataas ang bilang ng populasyon. Kapag
marami ang populasyon, malaki ang
kakailanganin na bigas para sa lipunan.
Pangalawa, urbanisasyon, industriyalisasyon at
pagkasira ng mga bukirin na nakapagpabawas
ng ektarya mula 3.8 milyong ektarya (1975)
hanggang 3.2 milyong ektarya (kasalukuyan).
Pangatlo, hindi pa rin sapat para makagawa ng
bigas sa kabila ng mga isinasagawang
pananaliksik. Panghuli, ang pag-angkat ng bigas.
Ito ay nakagawian na lalo na sa panahon ng
kakulangan sa bigas. Hindi ito magandang
stratehiya sapagkat mahal ang presyo ng bigas
sa pandaigdigang pamilihan.

Batay naman sa
http://www.scribd.com/doc/11554196/Mga-
Sektor-Ng-Ekonomiya-Agrikultura, inilahad ang
iba pang suliranin sa pagsasaka. Una, mataas na
gastusin sa pagsasaka. Malaking hinaing ng mga
magsasaka ang patuloy na pagtaas ng halaga ng
gastusin sa pagtatanim. Kabilang dito ang renta
sa lupa, abono, patubig, pestisidyo, renta sa
mga kagamitan sa pagsasaka, sasakyan para sa
transportasyon patungong pamilihan at iba pa.
Pangalawa, problema sa imprastraktura.
Kalunos-lunos din ang kalagayan ng mga
imprastraktura sa sektor ng agrikultura sa
maraming liblib na lugar sa Pilipinas.
Inirereklamo ng maraming magsasaka ang
kaulangan ng mga daan o farm to market roads.
Pangatlo, problema sa kapital. Marami sa mga
magsasaka ang napipilitang umasa sa sistema
ng pautang. Bunga ng kawalan ng kapital sila ay
nahihikayat lumapit sa mga taong
nagpapautang. Ang mga nagpapautang ay
tinatawag ding Loan Sharks o 5/6 dahil
nagpapautang sila ng pera na may malaking
tubo. Ikaapat, masamang panahon. Banta sa
sektor ng agrikultura ang matagal at
mapaminsalang panahon ng tagtuyot at tag-
ulan na sumasalanta sa bansa. Ang El Niño, La
Niña, at mga bagyong dumarating sa bansa ay
mga halimbawa ng pabagu-bagong panahon na
nakakaapekto sa sektor ng agrikultura.
Panglima, pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
Ang pagbukas ng Pilipinas sa kalakalang
panlabas at ang pagsali nito sa pandaigdigang
samahan tulad ng World Trade Organization
(WTO) ay may epekto rin sa mga magsasaka at
sa sektor ng agrikultura. Ang pagdagsa ng mga
dayuhang produkto ay nagbunsod ng
pagbabago sa panlasa ng mga Pilipino. Ikaanim,
maliit na pondong laan para sa pananaliksik at
makabagong teknolohiya. Sa pagsusuri ng
ekonomiya ng Pilipinas, ang sektor ng
agrikultura ay natatangi dahil ang malaking
bilang ng mga Pilipino ay dito nakasalalay ang
kabuhayan. Pampito, monopolyo sa
pagmamay-ari ng lupa. Pangarap ng bawat
magsasaka na magkaroon ng sariling lupa.
Karamihan ng mga pag-aalsang naganap sa
bansa ay may kinalaman sa tunggalian sa
pagmamay-ari ng lupa.

Paano maitataas ang produksiyon ng bigas?


Batay sa aklat na “Advances and Challenges in
Hybrid Rice Technology in the Philippines” ng
Department of Agriculture-Philippine Rice
Research Institute, ang Department of
Agriculture ay isinasakatuparan ang Gintong
Ani Program. Nagsimula itong ipatupad noong
administrasyon pa ni dating pangulong Joseph
Ejercito Estrada. Layunin ng programa na
matutong gumamit ng makabagong antas ng
teknolohiya ang mga magsasaka at mapaunlad
pa ang produksiyon ng bigas. Ang bubuo sa
Gintong Ani Program ay walang iba kundi ang
hybrid rice technology. Pinili ang teknolohiyang
ito ng Department of Agriculture noong 1998
ng Enero. Ang Gintong Ani Program ay gagamit
ng hybrid rice technology bilang daan sa
pagpapataas ng produksiyon ng bigas,
productivity ng magsasaka, at
pakikipagkumpetensiya. Inilatag ang programa
para mabawasan ang mga masamang epekto
ng El Niño at maabot ang katiwasayan sa
pagkain. Binigyang pokus ng national hybrid
rice program ang labing isang probinsiya na
may pinakamalaking produksiyon at
pinakaangkop na kaligiran. Ang mga ito ay
Cagayan, Isabela, Nueva Ecija, Camarines Sur,
Bohol, Iloilo, Davao del Norte, Davao del Sur,
Davao Oriental, Maguindanao, Lanao del Norte.
Sa katunayan ay naipamalas na ang kaigihan ng
teknolohiyang ito noong 1998 na kung saan
dumanas ang Pilipinas ng El Niño. Sinabi sa
aklat na posibleng maitaas ang produksiyon ng
lampas isang tonelada sa bawat ektarya kung
gagamit ng hybrid rice technology kahit na
tuyot at kaunti ang lupa o di kaya’y pataas ng
pataas ang populasyon. Hindi lang naman
Pilipinas ang gumagamit nito maging ang
bansang India, Vietnam, Bangladesh, Myanmar,
at China ay nakikinabang. Ang kalakasan ng
hybrid rice technology ay lalaki ang sahod ng
mga magsasaka, kikita rin ng mas malaki ang
mga tindahan ng binhi, maraming magsasaka
ang magkakaroon ng trabaho, mabibigyang
kapangyarihan din ang mga babaing
magsasaka.

Ngunit isa sa mga suliranin na nabanggit kanina


ay mataas na gastusin sa pagsasaka. Sa
papaanong paraan kaya maisusulong ang
produksiyon nang hindi gumagastos ng malaki o
gumagamit ng teknolohiya? Ang suliraning ito
ang bibigyang pokus ng mga mananaliksik gamit
ang mga nakalap na sanggunian.

Batay sa aklat na “Kamtin ang Agrikulturang


MakaMASA” ng Agriculture & Fisheries
Information Division (AFID), upang makamtan
ang masaganang ani, kinakailangang pagtuunan
ng pansin ang pangangasiwa sa sustansiya ng
lupa. Ang sumusunod ay ilang pamamaraan sa
pangangasiwa sa sustansiya ng lupa:
1. Paggamit ng abono (pataba)

2. Paggamit ng angkop na binhi

3. Mabuting pangangasiwa sa tubig (irigasyon)

4. Pagsugpo sa damo

5. Pagpapalit-palit ng mga pananim

6. Pagtantiya sa katabaan ng lupa at aanihin

Sinabi sa aklat na mayroong dalawang uri ng


abono, ang di-organiko at organiko. Sa halip na
gumamit ng di organikong abono ay mas
mainam na gumamit ng organikong abono. Ang
abonong organiko ay yaong nagmumula sa mga
materyales sa bukid kagaya ng azolla, sesbania,
dayami, dahon ng ipil-ipil, dumi ng hayop at iba
pa. Ang lahat ng mga pataba ay nagtataglay ng
mahalagang sustansiya na kailangan ng palay.
Kalimitang inihahalo ang mga ito sa lupa. Kung
minsan hindi sapat ang sustansiyang taglay ng
lupa kaya kailangang maglagay ng pataba. Ang
pinakamahalagang mineral na kailangan ng
palay ay nitrogen (N), posphorous (P),
potassium (K). Hindi dapat mawawala ang mga
mineral na ito upang magpatuloy ang likas na
paglago ng halaman. Makatitipid sa gastos ang
magsasaka sa pamamagitan ng wastong
paggamit ng abonong organiko. Isa pa, ang mga
patabang organiko ay mas maraming taglay na
NPK (nitroheno, posporo, potasyo) kaysa di-
organiko.

Ayon sa librong “Philippine Rice R&D Highlights


1998” ng Philippine Rice Research Institute, ang
pestisidyo ay nakapagpapabawas ng mga peste
ng palay ngunit makalipas ng pitong araw ay
muli na naman itong babalik sa bukirin. Kaya
naman ayon sa librong “Kamtin ang
Agrikulturang MakaMASA” ng Agriculture &
Fisheries Information Division, ang patuloy na
pagtaas ng halaga ng mga pestisidyo at ng
pinsalang dulot nito sa mga tao, hayop, at
kapaligiran ay nangangailangan ng isang
pinagsama-samang pamamaraan sa pagpuksa
ng mga peste. Ang Department of Agriculture
Special Order 495, serye ng 1987 at ang ibinaba
na Memorandum Order No. 126 noong Mayo
1993 ang nagpapatunay na pinagtibay ng
pamahalaan ang Integrated Pest Management
(IPM) o pinagsamang pamamaraaan sa
pagpuksa sa peste ng palay bilang isang
pambansang alituntunin sa pangangalaga sa
pananim. Ang IPM ayon sa mga dalubhasa ay
isang konsepto ng paghahalaman na
gumagamit ng mga mabisa at matipid na
pamamaraan sa pagsasaka upang mabawasan
ang hindi magandang epekto ng iisang paraan
sa pagsugpo ng mga peste. Ang mga
sumusunod na paraan sa pagpapatupad ng IPM
ay isinusulong ng Philippine Rice Research
Institute bilang isang konsepto ng
paghahalaman, sa pagtutulungan ng mga
magkakanayon:

a. Pagtatanim ng halamang matibay sa peste

b. Paraan ng pangangalaga

c. Pagbuhay sa mga likas na kaaway ng mga


peste (sa pamamagitan ng mga kaibigang
kulisap)
d. Pagtantiya sa dami ng mga peste sa
pamamagitan ng Economic Threshold Levels
(ETL) o sequential sampling upang malaman
kung kailangang gumamit ng pestisidyo o hindi

Batay sa aklat na “Philippine Rice R&D


Highlights 1998” ng Philippine Rice Research
Institute, ang herbisidyo ay ginagamit bilang
pamatay-damo ngunit patuloy itong nagtataas
ng presyo kaya batay sa librong “Kamtin ang
Agrikulturang MakaMASA” ng AFID, mas
maiging gumamit ng pisikal/mekanikal na
pamamaraan sa pagsugpo sa damo. Ang
pisikal/mekanikal ay tumutukoy sa paggamas o
paggahok sa pagitan ng mga tudling. Maaaring
gumamit ng rotary weeder.
Ang iba pang solusyon sa mataas na gastusin sa
pagsasaka ay nakuha sa aklat “Kamtin ang
Agrikulturang MakaMASA“. Ayon sa nasabing
libro, sa halip na gumamit ng threshing
machine ay maaaring maggiik nang manu-mano
o di kaya’y sa tulong ng hayop. Ang manu-
manong pamamaraan ay maaaring sa pagyapak
ng paa, pagpatpat, o paghampas ng inani sa
tubo at solidong bagay. Sa paggamit ng paa,
ang palay ay inilalagay sa sahig-giikan at
niyayapakan. Nakagigiik ang isang tao ng 14.5
kilong butil sa loob ng isang oras. Sa paggamit
ng hayop (kalabaw/baka), ang inani ay
inilalagay na paikot sa isang haligi. Nakaharap
sa haligi ang mga uhay. Upang magiik ang butil,
marahang pinalalakad nang paikot ang
dalawang kalabaw. Sa pagpatpat, nahihiwalay
ang mga butil sa pamamagitan ng patpat na
kahoy o kawayan. Isa pang paraan ang
paghampas ng mga uhay sa isang matigas na
bagay. Sa paraang ito, nakagigiik ng 20-60
kilong palay ang isang tao bawat oras. Isang uri
ng mekanikal na panggiik ay ang modelong de-
pedal. May kawad itong nakapaikot sa isang
dram na tatanggal sa mga butil ng palay. Mura
lamang ito at nakapaggigiik ang isang tao ng
mga 1-2 sako bawat oras. Ang kaigihan sa
threshing machine ay nagagawa nitong
pagsabayin ang paglilinis at panggigiik ng palay.
Ngunit hindi naman kinakailangan na gumamit
ng nasabing teknolohiya sapagkat ang bilao,
bithay na yari sa pinong kawad o sala-salang
kawayan, at hungkoy ay pwede na. Ang dryer o
makinang tuyuan ay talaga namang hirap bilhin
o rentahan ng mga magsasaka. Kaya naman ang
Agriculture & Fisheries Information Division ay
nanghihikayat na ibilad ito sa araw subalit
mawawalang saysay nga lang ito sa panahon ng
tag-ulan. Ayon pa rin sa nasabing libro, sa
paggiling ng palay ay kilalang ginagamit ang
steelhuller at rubber roller. Ang steelhuller na
kiskisan ay nakapagbibigay ng 60-62% bigas
mas mababa sa rubber roller na nagbibigay 70%
na bigas. Ang bagong anyong kiskisan na
tinatawag na village rice mill ay nagbibigay-
karagdagang giling na 8% ngunit gaya nga nang
nabanggit nung una na hindi naman ito
gaanong kinakailangan.

Interpretasyon

Batay sa mga nakalap na datos, nailahad na ang


pagsasaka dito sa bansa ay nahaharap sa iba’t
ibang suliranin. Ang pinakaproblema ay mataas
na gastusin sa pagsasaka. Binatay itong pinaka
problema sa mga solusyon na inilatag ng
Agriculture & Fisheries Information Division
dahil hindi maghahain ang huli ng solusyon
kung alam nitong walang problema sa gastusin
ng pagsasaka. Isang pahiwatig na masyado
nang malaki ang nakokonsumong salapi sa
pagsasaka. Nabanggit ng Agriculture & Fisheries
Information Division na ang isinulat nila sa aklat
ay mga tugon sa suliranin para makatipid sa
patuloy na pagtaas ng mga kagamitan.
Sinasabing ang mga kasangkapan ay bunga ng
teknolohiya. Ilan sa mga nabanggit ay abonong
kemikal, herbisidyo, threshing machine, dryer,
village rice mill, at mas makabagong makinang
pang-araro. Sinimulang gamitin ang
makabagong kagamitan noong inilunsad ang
Gintong Ani Program na ang gagamitin ay
hybrid rice technology. Kung tutuusin ay mahal
ang mga ito lalo na’t ang mundo ngayon ay
umiikot sa teknolohiya kaya talagang
maghihinaing ang mga magsasaka sa ganitong
sitwasyon. Walang duda na kaya gumagamit ng
teknolohiya ay para mapataas ang produksiyon
ng bigas. Datapwat ang teknolohiya ay laging
may kalakasan at kahinaan. Nakatutulong ang
teknolohiya sapagkat napatataas nito ang
produksiyon ngunit nabanggit sa libro ng
Agriculture & Fisheries Information Division na
ang paggamit nito ay may pinsalang naidudulot
sa kapaligiran. Sa aklat na “Contribution to
Philippine Agricultural Modernization” sinabi na
ang bansa ay net importer hindi tulad ng dati
na net exporter. Kataka-taka na kasalukuyang
gumagamit ang bansa ng teknolohiya pero
umaangkat ng bigas mula sa ibang bansa. Hindi
ba’t kaya nga gumagamit ng teknolohiya ay
para dumami ang produksiyon nang sa gayon
ay huwag nang umangkat pa ng bigas? Panahon
na para gamitin ang manggagawa ng bansa.
Tutal ayon kay Dr. Santiago R. Obien na isang
suliranin din ang mataas na bilang ng
populasyon. Sa kasalukuyan ay marami ang
walang trabaho at kung pakaiisiping mabuti ay
magkakaroon sila ng papel sa sektor ng
ekonomiya: ang pagsasaka. Makikita sa mga
solusyon ng Agriculture & Fisheries Information
Division na karamihan ay nangangailangan ng
tao at hayop. Isang patunay ay ang paggiik. May
mga teknolohiya nang ginagamit para rito sa
dahilang pabilisin ang paggawa subalit ayon sa
solusyon ng AFID ay makatitipid kung gagamit
ng manu-manong pamamaraan o di kaya’y sa
tulong ng hayop sa paggiiik ng palay. Batay sa
“Kamtin ang Agrikulturang MakaMASA”,
nakagigiik ang isang tao ng 14.5 kilong butil sa
loob ng isang oras kung yayapakan ng paa. Sa
panahon ngayon na marami ang populasyon at
karamihan pa ay walang hanapbuhay, ito na
ang pagkakataon nila. Kung sa teknolohiya na
ginagamit para mapabilis ang paggawa ay wala
itong pinagkaiba kung sabay sabay din gagawa
ang mga manggagawa sa loob ng isang oras.
Ibig sabihin ay kung marami ang
manggagawang magsasaka ang magtatrabaho
hindi lang sa paggiik di hamak na marami rin
ang mapoprodyus na bigas. Pagkamasipag
lamang ang kailangan. At kung isasabay din sa
paggawa ng bigas ang mga hayop tulad ng baka
at kalabaw tiyak na malaki rin ang naitutulong
ng mga hayop na ito hindi lang sa paghihila ng
makinang pang-araro o di kaya’y gamit sa
transportasyon. Sa ganitong paraan ay
napakikinabangan ang likas na yamang
mayroon ang bansa na hindi gaanong
gumagastos: yamang tao at yamang hayop.

Kongklusyon

Hindi sa lahat ng oras ay kailangan ng


teknolohiya. Kung gagamit man ay dapat
pantay lang. Ganito rin sa pagsasaka. Hindi
lahat ng gawain sa pagsasaka ay iaasa sa
teknolohiya bagkus ay kalabaw at taong
masipag ay sapat na. Kailangan na paunlarin
ang pagsasaka dahil ito ang pangunahing
hanapbuhay ng mga magsasaka. Dito rin
nakukuha ang pangunahing pagkain ng lipunan.
Ang Pilipinas ay isang agrikulturang bansa at
nararapat lang na bigyang pansin ng
pamahalaan ang agrikultura sapagkat dito
nakadepende ang ikaaangat ng ekonomiya.
Kung nagawang itaguyod ang sarili ng mga
ninuno na walang teknolohiya, posibleng
makakaya rin ito sa kasalukuyan.

Rekomendasyon

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na


ipagpatuloy pa ang isinagawang pag-aaral.
Palawakin ang pananaliksik sa pamamagitan ng
paghahanap ng solusyon sa iba pang suliranin.
Alamin din ang tugon ng pamahalaan sa mga
binanggit na hamon sa pagsasaka.

Sanggunian:

Garcia, Danilo. “Agrikultura planong buhayin ni


Bro. Eddie”. Pilipino Star Ngayon.

3 Marso 2010: 2.

National Irrigation Administration. (1990). A


Comprehensive History of Irrigation

in the Philippines. Quezon City: National


Irrigation Administration.
Agriculture & Fisheries Information Division.
(1998). Kamtin ang Agrikulturang

MakaMASA. Quezon City: Agriculture &


Fisheries Information Division.

Philippine Rice Research Institute. (1999).


Philippine Rice R&D Highlights 1998.

Nueva Ecija: Philippine Rice Research Institute.

Zaide, Sonia M. (1994). The Philippines: A


Unique Nation. Manila: All-Nations

Publishing Company, Incorporation.


OnePhilippines Uniting Filipinos Worldwide.
Luna Siy. One Philippines Media and

Communication Group. 4 Mar. 2010 .

Philippine Rice Research Institute. (1998).


Advances and Challenges in Hybrid

Rice Technology in the Philippines. Nueva Ecija:


Philippine Rice Research Institute.

Etolle, Nestor. “Farm group bats for higher DA


budget”. The Philippine Star. 21

Pebrero 2010: B-4.


Cabanilla, Liborio S. ed., Mario G. Andrada ed.,
at Liberty O. Inciong ed.

(2006). Contribution to Philippine Agriculture


Modernization. Makati City: Fulbright-
Philippine Agriculture Alumni Association.

Barile, Dolores P. ed., Harold R. Cushman ed., at


Severino R. Santos, Jr. ed.

(1973). Teaching Vocational Agriculture in the


Philippines. Laguna: University of the
Philippines.

Pasasalamat

Nais naming pasalamatan ang lahat ng


tumulong para ganap na matapos ang
pananaliksik. Kung hindi dahil sa kanila, wala
ang proyektong ito. Sila ay ang mga
sumusunod:

Ang aming magulang, salamat sa tamang


paggabay at pagpapalaki ng maayos na anak
pati na rin sa tulong pangpinansiyal.

Mga malalapit naming kaibigan, salamat sa


pagsuporta at dahil diyan napatunayan namin
na tunay kayong kaibigan.

Sa aming guro, salamat sa pagsuporta,


pagtulong, at paggabay upang
mapagtagumpayan ang isinagawang
pananaliksik.
Sa Poong Maykapal, Siya ang bukod tanging
nagbigay buhay sa lahat dito sa mundo. Siya rin
ang nagbibigay lakas loob sa tuwing susuko at
natutukso ang Kanyang mga anak.

Sa kanilang lahat, kami ay buong pusong


nagpapasalamat at nawa’y pagpalain tayong
lahat!

Posted by pagsasaka-sa-pilipinas at 1:42 PM


5 COMMENTS:

Honellet San DiegoJanuary 4, 2014 at 6:38 PM


Thanks po dito. Super helpful ! :)

Reply
TiradaunoMay 14, 2014 at 11:28 PM
Earn while you enjoy time with your Family &
Lovedones!
For more details, kindly visit
http://www.unemployedpinoys.com/

Reply

Jhen AgapitoFebruary 19, 2017 at 2:02 AM


Ganito rin yung gagawin naming pananaliksik.
Buti na lang nabasa ko ito para may background
na kami. Ang laki ng naitulong nito kasi first
time namin gumawa.

Reply
Seira@14August 16, 2017 at 9:08 AM
Paano po gumawa ng questionnaire kapag
magsusurvey ka sa mga magsasaka? Yung
questionnaire po na gagawin ay batay sa aming
mga predictors tulad ng technology, seeds,
pesticides, climate condition, irrigated and non
irrigated,wet and dry season and flashfloods
and typhoons? Di po kasi kami makagawa ng
questionnaire di namin alam kung paano
simulan?

Reply

Pertiwi GesangJune 2, 2019 at 5:36 AM


Ako si Mrs. Pertiwi Gesang mula sa Pangkal
pinang, narito ang aking email kung gusto mong
kontakin ako: pertiwigesang@gmail.com. Ibig
kong ibahagi ang aking patotoo sa plataporma
na ito tungkol sa kung paano nakuha ko ang
isang $ 6,300 na pautang para sa venture
capital mula sa isang lehitimong
tagapagpahiram dahil, ako ay bumagsak sa
utang at sinubukan kong humiram ng pera mula
sa mga bangko at mga online lender ngunit
palagi akong nabigo at ako scam hanggang
nakita ko ang patotoo ng ina ni Ashraff Nabilah
sa plataporma na ito tungkol sa kung paano
siya nakuha ng pautang mula sa RIKA
ANDERSON LOAN COMPANY. Nakipag-ugnayan
ako sa CEO, si Mrs. Rika Anderson, noong
nakaraang linggo, nag-apply ako para sa isang
pautang mula sa ina ng Rika at nagulat ako, ang
aking utang ay naaprubahan at pagkatapos ng 3
oras ng aking aplikasyon, ang halaga ng 90
milyon ay inilipat sa aking BCA bank account.
Gusto kong payuhan ang lahat upang
makahanap ng isang lehitimong kompanya ng
pautang upang makipag-ugnay sa Ms Rika
Anderson, CEO ng RIKA ANDERSON LOAN
COMPANY sa pamamagitan ng email na ito:
rikaandersonloancompany@gmail.com o W / S:
+1 (914) 705-7484 at kumuha ng pautang .
Rika Anderson email:
rikaandersonloancompany@gmail.com
W / S: +1 (914) 705-7484
Email ng Pertiwi: pertiwigesang@gmail.com

Reply

Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)
Followers

Blog Archive
▼ 2010 (1)
▼ March (1)
Pagpapaunlad ng Agrikultura sa Pamamagitan
ng Pags...
About Me
pagsasaka-sa-pilipinas
Rika Anderson email: rikaandersonloancompany@gmail.com
W / S: +1 (914) 705-7484
Email ng Pertiwi: pertiwigesang@gmail.com

Reply

Home

Subscribe to: Post Comments (Atom)

Followers

Blog Archive

 ▼ 2010 (1)
o ▼ March (1)
 Pagpapaunlad ng Agrikultura sa Pamamagitan ng Pags...

About Me

pagsasaka-sa-pilipinas

View my complete profile

View my complete profile

Pagpapaunlad ng Agrikultura sa Pamamagitan ng Pagsasaka


Mga mananaliksik:
Pierre Bulayungan
Michael Cheng
Erika
Largo begin_of_the_skype_highlighting end_of_the_skype_highlighting
Ester Pacaoan
1KAM
Kolehiyo ng Komersiyo, UST
I. Introduksyon sa paksa na tatalakayin
Panukalang Pahayag
Kalabaw lang at taong masipag ay sapat na upang maiahon ang isang
lugmok na bansa.
Suliranin ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pagsasaka at epekto nito sa
ekonomiya. Nais ng mga mananaliksik na malaman kung uunlad ang mga
agrikulturang bansa batay sa mga kasangkapan sa pagsasaka. Sapat nga
ba na gumamit lang ng kalabaw at iba pang mga teknolohiya ang
magsasaka? O baka naman kailangan din samahan ng makabagong
kagamitan? Paano mapagtutuunan ng pansin ang pagsasaka nang sa
gayo’y maging pundasyon ito sa pagpapaangat ng bansa? Anu-ano ang
mga hamong kinakaharap sa larangan ng pagsasaka? Ito ay ilan sa mga
katanungan na sasagutin ng pananaliksik para makatulong sa
pagpapayaman ng agrikultura.
Rebyu/Pagaaral
Nakahanap ang mga mananaliksik ng ilang artikulong may kinalaman sa
paksa. Mula sa pahayagan ng Pilipino Star Ngayon na may pamagat na
”Agrikultura Planong Buhayin ni Bro. Eddie”. Nailathala doon na sinabi ni
Bro. Eddie Villanueva, standard bearer ng Bangon Pilipinas, na ang
bansang Pilipinas ay napakayaman sa likas na yaman kung saan
nakahihigit ito kumpara sa pinagsama-samang kayamanang likas ng
Singapore, Brunei, Vietnam at iba pang bansa sa Timog Silangang Asya
kaya nakapagtataka na nangungulelat ngayon ang bansa at umaangkat
pa ng pagkain.
Ang artikulong ”Bakit bigas? At hindi tinapay, patatas, mais, kamote, o
pasta?” na makikita sa http://www.onephil.com/box2.htm ay tungkol sa
bigas na siyang pangunahing pagkain sa Pilipinas. May kinalaman ito sa
pag-aaral ng mga mananaliksik sapagkat ang bigas ang karamihang
sinasaka dito sa bansa. Nabanggit sa artikulo na kaya pala kanin ay dahil
walang tanim na trigo o ”wheat” sa Pilipinas. Mainit ang Pilipinas para
makapagtanim ng trigo. Kailangan pang umangkat mula sa ibang bansa
para makakuha ng harina. Pipiliin pa rin ng mga Pilipino ang kanin kaysa
tinapay, patatas, mais, kamote, o pasta dahil ang mga huling nabanggit
ay pawang mahal kumpara sa halaga ng bigas. Sinabi rin sa artikulo na
ang bigas ay nasa dugo na ng mga Pilipino.
Ang isa pang artikulo ay nahanap sa pahayagan ng The Philippine Star sa
seksiyon ng Business Agriculture/Environment. May pamagat na “Farm
Group Bats for Higher DA Budget”. Ito ay tungkol sa grupo ng mga
magsasaka na nananawagan sa gobyerno na taasan ang pondo ng
Department of Agriculture nang sa gayo’y makabili ito ng maraming
punla, pataba, at mga pasilidad sa irigasyon. May kinalaman ito sa
isinasagawang pananaliksik sapagkat ang nabanggit na artikulo ay
papasok sa suliranin sa pagsasaka na itatalakay sa mga susunod na
kabanata.
Ang librong “Teaching Vocational Agriculture in the Philippines”
pinatnugutan nina Dolores P. Barile, Harold R. Cushman, Severino R.
Santos Jr. ay tungkol sa agrikultura ng Pilipinas at sinasabi na sa
pamamagitan ng tamang edukasyon ng mga magsasaka ay mapapaunlad
ang agrikultura. Sa tingin ng mga mananaliksik ay makatutulong ang
librong ito lalo pa’t ang magsasaka sa kasalukuyan ay maaaring kulang sa
edukasyon.
Ang aklat na “ Advances and Challenges in Hybrid Rice Technology in the
Philippines” ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research
Institute ay tumatalakay sa mga suliranin ng pagsasaka, mga programa,
at inilulunsad na mga teknolohiya sa pagpaparami ng bigas. Malaking
tulong ito sa isasagawang pananaliksik dahil isa sa mga layunin ay
matalakay ang mga suliranin sa pagsasaka.
Ang librong ”Philippine Rice R&D Highlights 1993” ng Philippine Rice
Research Institute ay tungkol sa pag-aaral kung paano mapapabuti ang
pagsasaka. Nagbanggit dito ng ilang mga teknolohiya para mapabilis ang
produksiyon. Natalakay din dito kung ano ang mga kahinaan ng paggamit
ng mga pesticides o insecticides. May kinalaman ito sa pag-aaral ng
pananaliksik dahil itatalakay sa susunod pang kabanata ang mga epekto
ng paggamit nito.
Ang aklat na ”The Philippines: A Unique Nation” ni Dr. Sonia M. Zaide, ay
tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Makatutulong ito sapagkat dito
hahanapin ang heograpiya ng Pilipinas at kung bakit may pagsasaka sa
bansa.
Ang librong ”Kamtin ang Agrikulturang MakaMASA” ng Agriculture &
Fisheries Information Division ay tungkol sa mga makalumang kagamitan
at pamamaraan sa pagsasaka na maaaring gamitin para makatipid.
Malaking tulong ito sapagkat dito nakabatay ang pananaliksik.
Ang aklat na ”Contribution to Philippine Agricultural Modernization”
pinatnugutan nina Liborio S. Cabanilla, Mario G. Andrada, at Liberty O.
Inciong na inilathala ng Fulbright-Philippine Agriculture Alumni
Association ay tungkol sa kalagayan ng agrikultura at ang bilang ng
produksiyon nito. Inilahad sa aklat ang porsyento ng napoprodyus na
bigas noon pang mga nakaraang taon.
Layunin
Tiyak na Layunin
1. Magbigay kaalaman tungkol sa pagsasaka at kung paano ito
isinasagawa.
2. Malaman ang papel na ginagampanan ng pagsasaka sa
pamamalakad ng bansa.
3. Mailahad ang mga epekto ng paggamit ng kalabaw at iba pang
makalumang kagamitan sa pagsasaka.
4. Matalakay ang mga suliranin sa pagsasaka.
5. Makahanap ng solusyon sa isang problemang pangsaka.
6. Maipakita na kayang umunlad ng bansa kung bibigyan pansin ang
agrikultura.
Pangkalahatang Layunin
1. Makatulong sa larangan ng pagsasaka
2. Makaambag sa pag-unlad ng bansa
Kahalagahan
Hindi na gaanong nabibigyang pansin ang pagsasaka ngunit nakikita ng
mga mananaliksik na ang pagsasaka ay maaaring isa sa mga paraan para
umangat ang Pilipinas. Kapag may nakabasa ng nasabing pananaliksik,
maiisip ng taong iyon na bakit nga ba hindi pinagtutuunan ng pansin ng
gobyerno ang sektor ng agrikultura kung saan mayroon ang Pilipinas?
Ang pag-aaral ay para rin sa mga mamamayang Pilipino na naghihirap
dahil sa naaapektuhan ng mataas na presyo ng mga pangunahing
pangangailangan tulad ng tubig, kuryente, at pagkain. At higit sa lahat,
ito ay para sa mga mamamayang Pilipino upang maiwasan nilang
masayang ang mga produktong pangagrikultura na bunga ng sakripisyo,
pawis, at dugo ng mga magsasaka.
Metodolohiya
Ang paraan ng pananaliksik na isasagawa ng mga mananaliksik ay sa
pamamagitan ng pagkalap ng mga impormasyon na matatagpuan sa silid
aklatan ng Unibersidad ng Santo Tomas. Hahanap ang mga mananaliksik
ng mga datos sa mga libro, journals, at internet. Ang mga sanggunian ay
magsisilbing gabay sa pag-aaral.
Saklaw o Delimitasyon
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa pagsasaka ng palay sa Pilipinas.
Pinili ng mga mananaliksik na magbatay sa silid aralan ng Unibersidad ng
Santo Tomas dahil sa kakulangan ng panahon para makapanayam ng mga
magsasaka, at mga ahensiyang tagapangasiwa rito. Ang sakop ng pag-
aaral na ito ay ang mga proseso ng pagsasaka, mga kagamitan, panahon,
produksyon ng bigas, kahalagahan ng pagsasaka sa ekonomiya, at mga
balakid sa pagsasaka. Ang mga ito ay saklaw ng pag-aaral sapagkat nais
ng mga mananaliksik na maibahagi ang mga pangunahing kaalaman at
mahalagang impormasyon ukol sa pagsasaka. Samantalang hindi nito
sakop ang iba pang gawain sa agrikultura gaya ng paghahayupan at
pangingisda sa dahilang mas lalalim pa ang pananaliksik.
Daloy ng Pananaliksik
Ang pag-aaral ay may tatlong kabanata. Ang unang kabanata ay tungkol
sa pagsasaka sa Pilipinas. Dito itatalakay ang heograpiya ng Pilipinas,
kahulugan ng pagsasaka, kasaysayan, mga kagamitan, pagsasagawa at
kahalagahan nito sa ekonomiya. Sa ikalawang kabanata ang presentasyon
ng datos. Dito matatagpuan ang mga balakid na kinakaharap ng
magsasaka at ang mga nilatag na mga sagot ukol dito. Kasama rin na
matatagpuan sa ikalawang kabanata ang interpretasyon sa mga nakalap
na datos. Nakapaloob naman sa ikatlong kabanata ang kongklusyon at
suhestiyon para sa nasabing paksa.
II. Aktuwal na Pananaliksik
Paglalahad ng Paksa
Ang librong “Teaching Vocational Agriculture in the Philippines”
pinatnugutan nina Dolores P. Barile, Harold R. Cushman, Severino R.
Santos Jr., ang Pilipinas ay pinagkalooban ng likas na yaman tulad ng mga
bundok, lambak, burol at kapatagan. Mayroon itong klimang tropical na
angkop sa pagpapalaki hindi lang ng hayop kundi pati rin mga halaman.
Ang tag-init ay nagtatagal mula Marso hanggang Hunyo samantalang ang
tag-ulan ay mula Hulyo hanggang Oktubre. Ang lupa sa Pilipinas ay
mataba at sagana rin ito sa manggagawa na kung saan patuloy itong
dumarami kada taon.
Ano nga ba ang pagsasaka? Ayon sa ”Standard Comprehensive
International Dictionary”, ang pagsasaka ay pagbubungkal ng lupa at
pagtatanim ng mga buto sa isang malawak na bukirin. Ang manggagawa
rito ay ang mga magsasaka.
Ayon sa librong ” A Comprehensive History of Irrigation in the Philippines”
ng National Irrigation Administration, ang mga sinaunang naninirahan sa
Pilipinas ay sumabak sa iridong paraan ng pagsasaka. Ayon kay Robert B.
Fox, naging pinuno sa Anthropology Division of the National Museum of
the Philippines sa loob ng maraming taon, sinimulang isagawa ang
pagsasaka noong Neolithic Age o panahon ng Bagong Bato. Ayon sa mga
dalubhasa sa kasaysayan ng pagsasaka, noong 1500 B.C. ay dumating ang
unang mandarayuhan at ito ay kilala bilang proto-Malays. Ayon pa rin sa
nasabing aklat, ang mga mandarayuhang ito ay mga rice eaters. Nagmula
ang mga mandarayuhan sa bansang Timog Tsina, Indotsina, at Formosa.
Nanirahan ang mga proto-Malays sa baybaying dagat ng Hilagang Luzon.
Nagawang mapaalis ng mga bagong dating ang mga proto-Malays. Malays
ang tawag doon sa mga bagong dating. Ilan sa proto-Malays ay nanirahan
na lang sa hanay ng Sierra Madre. Sinasabing ang unang mandarayuhan
sa bansa ang siya ring nagtayo ng unang hagdan hagdang palayan na
matatagpuan sa Hilagang Luzon.
Mula sa aklat na ”Kamtin ang Agrikulturang MakaMASA” ng Agriculture &
Fisheries Information Division, ang mga kailangan at karaniwang
ginagamit sa pagsasaka ay matabang lupa, isang bag na binhi ng palay
para sa isang ektaryang lupa, patubig na may dalawa hanggang tatlong
sentimetrong lalim, abonong di organiko, pamatay-damo, insecticides,
karit gamit sa paggapas ng palay, makinang may sariling blower at
cleaner (treshing machine) para sa paggiik, makinang tuyuan ng palay,
village rice mill at makinang pang-araro.
Paano isinasagawa ang pagsasaka? Inilathala sa Philippine Daily Inquirer,
noong Abril 19, 2008 ang salaysay ni Mang Piring, limampu’t walong
taong gulang at mahigit tatlumpung taon nang inaasarol ang kanyang
isang ektaryang lupa sa Villa Cuizon.
Ayon kay Mang Piring, hindi biro ang pagsasaka. Kailangan munang
bumili ng mga binhi mula sa tindahan ng mga buto ng bigas. Nang
magpalabas na ng irigasyon sa kanyang sakahan, kinuha bilang
trabahador ang kapitbahay niyang mayroong hand tractor. Ang hand
tractor ay isang makina na nag-aararo ng maliit na bahagi ng sakahan
para taniman ng mga buto ng bigas. Habang pinahihinog ang binhi,
kailangan inaararo na ang sakahan para kapag nahinog na ang mga buto
ay madali na itong maililibing. Dukit ang tawag sa pag-aararo gamit ang
kalabaw at pang-araro na hindi abot ng hand tractor dahil sa dike o mga
harang na itinayo para maiwasan ang pagbaha sa sakahan. Nang mahinog
na ang mga buto, agad na naghanap si Mang Piring ng mga mambubunot
ng punla. Sila ang mga tagapagtanim ng mga buto sa maliit na bahagi ng
sakahan. Pagkatapos niyon, kumuha naman ng dalawampu’t limang
manananim para tuluyan nang mailipat sa malaking bahagi ng sakahan
ang mga nagsitubong binhi. Sabi ni Mang Piring na ang pagsasaka ay
nangangailangan ng pampataba, irigasyon, panghuli para sa mga dagang
bukid, inspeksyon, at tamang pamamahala nang sa gayon ay maging
maganda ang kalalabasan kapag mag-aani na.
Mula pa rin sa aklat na ” Kamtin ang Agrikulturang MakaMASA” ng
Agriculture & Fisheries Information Division, ang pag-aani ay ang
pagtitipon ng mga bunga ng pananim. Para sa palay, ito ay tumutukoy sa
pagkolekta ng tangkay na kasama ang mga uhay (paggapas). Sa pag-
aani, kailangang kalkuhin ang tamang panahon ng pag-aani upang
makatiyak ng mataas na kalidad ng binhi, mataas ng presyo ng palay sa
pamilihan at maraming mamimiling magkakagusto sa bigas.
Nangangailangan ng 60-80 oras-tao upang maani ang isang ektarya at 40
oras-tao upang maikamada ang mga naaning palay. Pagkatapos mag-ani,
giikan agad ang palay. Ang paggiik ay ang paghiwalay ng butil sa uhay.
Matapos maggiik, linisin agad ang palay upang maging maayos ang
pagiimbak at paggiling nito. Ang maruming palay na naiimbak ay mas
madaling masira. Sa panahon ng pag-aani, ang palay ay may 20-50%
halumigmig. Kung ito ay iimbakin, kailangang 14% lamang ang
halumigmig ng butil. Pinatutuyo ang palay upang mabawasan ang
halumigmig. Sa paraang ito, mababawasan ang pagkasira ng butil dahil sa
peste o amag. Matapos mapatuyo ang palay, imbakin ito nang mahusay
kung hindi agad ibebenta. Ang mahusay na pag-iimbak ay yaong
naaalagaan ang inani mula sa masamang panahon, peste, maliit na uod,
hindi mainam na amoy, halumigmig at iba pang uri ng dumi. Pagkatapos
magpatuyo, isinusunod na ang paggiling. Ang paggiling ay paraan ng
paghihiwalay ng butil sa ipa upang makuha ang puting bigas. Ang
magandang butil ng palay ay may 22% ipa, 6% darak, at 72% giling na
bigas.
Ayon sa http://www.scribd.com/doc,11554196.Mga-Sektor-Ng-
Ekonomiya-Agrikultura, mahalaga ang pagsasaka dahil nakapaghahatid
ito ng dolyar sa pamamagitan ng mga produktong iniluluwas sa iba’t
ibang panig ng daigdig, dito nagmumula ang pagkain ng lipunan,
napakikinabangan ang malaking ektarya ng lupain sa Pilipinas, at
nakatutulong pa ito sa iba pang sektor ng ekonomiya tulad ng
pagmamanupaktura at kalakalan.
Ayon kay William D. Dar, dating kalihim ng Department of Agriculture,
ang palay ang pinakamahalagang produkto para sa mga Pilipino sapagkat
ito ang pangunahing pagkain. Mapalad ang Pilipinas sa pagkakaroon ng
mga lupaing angkop sa naturang produkto. Sa kabila ng pagkakaroon ng
bansa ng masipag na mga magsasaka at lupang bubungkalin,
kinakailangang magkaroon ang bansa ng teknolohiya na maging gabay sa
pagpapaunlad ng produksyon. Malaki ang paniniwala na ang nakapaloob
na teknolohiya kapag tinambalan ng sipag at tiyaga ng mga magsasaka ay
tuluyang magpapasulong sa produksyon ng palay sa bansa.
Presentasyon ng Datos
Ang aklat na ”Contribution to Philippine Agricultural Modernization”
pinatnugutan nina Liborio S. Cabanilla, Mario G. Andrada, at Liberty O.
Inciong, ang bigas at mais ay mga produktong malaki ang naitutulong sa
agrikultura ng Pilipinas. Batay pa rin sa nasabing libro, nitong huling
sampung taon ay mahigit kapat na Gross Value Added (GVA) ang
nadagdag sa agrikultura mula sa mga nabanggit na produkto. At
sinasabing mahigit 50% ng mga taniman ay pawang mga palay at mais.
Ipinapalagay na “political crops” ang bigas at mais dahil dito ibabatay ang
pagpapaunlad ng agrikultura. Ngunit sa kabila ng malaking kontribusyon
ng political crops, wala pa rin nabago sa estado ng agrikultura. Ang
pagluluwas ng mga kalakal sa ibang bansa ay hindi pa rin gaanong
lumawak. Sa katunayan, ang kalagayan ng agrikultura ay hindi impresib.
Mula sa taong 1982 hanggang 1999, ang average annual growth rate ng
Gross Domestic Product ay 1.2%. Mas mababa kumpara sa, halimbawa,
3% na iniunlad ng bansang Thailand sa parehong taon (1982-1999).
Nabanggit na ang Pilipinas na dating net exporter ngunit ngayon ay isa
nang net importer. Ang mga bansang Thailand, Vietnam, at USA ay mga
pangunahing pinag-aangkatan ng bigas.
Anu-ano nga ba ang suliranin na kinakaharap ng pagsasaka? Ayon kay Dr.
Santiago R. Obien, Executive Director ng Philippine Rice Research
Institute (PhilRice), ang pagsasaka ay nahaharap sa apat na suliranin.
Una, mas mataas ang bilang ng populasyon. Kapag marami ang
populasyon, malaki ang kakailanganin na bigas para sa lipunan.
Pangalawa, urbanisasyon, industriyalisasyon at pagkasira ng mga bukirin
na nakapagpabawas ng ektarya mula 3.8 milyong ektarya (1975)
hanggang 3.2 milyong ektarya (kasalukuyan). Pangatlo, hindi pa rin sapat
para makagawa ng bigas sa kabila ng mga isinasagawang pananaliksik.
Panghuli, ang pag-angkat ng bigas. Ito ay nakagawian na lalo na sa
panahon ng kakulangan sa bigas. Hindi ito magandang stratehiya
sapagkat mahal ang presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan.
Batay naman sa http://www.scribd.com/doc/11554196/Mga-Sektor-Ng-
Ekonomiya-Agrikultura, inilahad ang iba pang suliranin sa pagsasaka.
Una, mataas na gastusin sa pagsasaka. Malaking hinaing ng mga
magsasaka ang patuloy na pagtaas ng halaga ng gastusin sa pagtatanim.
Kabilang dito ang renta sa lupa, abono, patubig, pestisidyo, renta sa mga
kagamitan sa pagsasaka, sasakyan para sa transportasyon patungong
pamilihan at iba pa. Pangalawa, problema sa imprastraktura. Kalunos-
lunos din ang kalagayan ng mga imprastraktura sa sektor ng agrikultura
sa maraming liblib na lugar sa Pilipinas. Inirereklamo ng maraming
magsasaka ang kaulangan ng mga daan o farm to market roads. Pangatlo,
problema sa kapital. Marami sa mga magsasaka ang napipilitang umasa
sa sistema ng pautang. Bunga ng kawalan ng kapital sila ay nahihikayat
lumapit sa mga taong nagpapautang. Ang mga nagpapautang ay
tinatawag ding Loan Sharks o 5/6 dahil nagpapautang sila ng pera na
may malaking tubo. Ikaapat, masamang panahon. Banta sa sektor ng
agrikultura ang matagal at mapaminsalang panahon ng tagtuyot at tag-
ulan na sumasalanta sa bansa. Ang El Niño, La Niña, at mga bagyong
dumarating sa bansa ay mga halimbawa ng pabagu-bagong panahon na
nakakaapekto sa sektor ng agrikultura. Panglima, pagdagsa ng mga
dayuhang kalakal. Ang pagbukas ng Pilipinas sa kalakalang panlabas at
ang pagsali nito sa pandaigdigang samahan tulad ng World Trade
Organization (WTO) ay may epekto rin sa mga magsasaka at sa sektor ng
agrikultura. Ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto ay nagbunsod ng
pagbabago sa panlasa ng mga Pilipino. Ikaanim, maliit na pondong laan
para sa pananaliksik at makabagong teknolohiya. Sa pagsusuri ng
ekonomiya ng Pilipinas, ang sektor ng agrikultura ay natatangi dahil ang
malaking bilang ng mga Pilipino ay dito nakasalalay ang kabuhayan.
Pampito, monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa. Pangarap ng bawat
magsasaka na magkaroon ng sariling lupa. Karamihan ng mga pag-
aalsang naganap sa bansa ay may kinalaman sa tunggalian sa pagmamay-
ari ng lupa.
Paano maitataas ang produksiyon ng bigas? Batay sa aklat na “Advances
and Challenges in Hybrid Rice Technology in the Philippines” ng
Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute, ang
Department of Agriculture ay isinasakatuparan ang Gintong Ani Program.
Nagsimula itong ipatupad noong administrasyon pa ni dating pangulong
Joseph Ejercito Estrada. Layunin ng programa na matutong gumamit ng
makabagong antas ng teknolohiya ang mga magsasaka at mapaunlad pa
ang produksiyon ng bigas. Ang bubuo sa Gintong Ani Program ay walang
iba kundi ang hybrid rice technology. Pinili ang teknolohiyang ito ng
Department of Agriculture noong 1998 ng Enero. Ang Gintong Ani
Program ay gagamit ng hybrid rice technology bilang daan sa
pagpapataas ng produksiyon ng bigas, productivity ng magsasaka, at
pakikipagkumpetensiya. Inilatag ang programa para mabawasan ang mga
masamang epekto ng El Niño at maabot ang katiwasayan sa pagkain.
Binigyang pokus ng national hybrid rice program ang labing isang
probinsiya na may pinakamalaking produksiyon at pinakaangkop na
kaligiran. Ang mga ito ay Cagayan, Isabela, Nueva Ecija, Camarines Sur,
Bohol, Iloilo, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental,
Maguindanao, Lanao del Norte. Sa katunayan ay naipamalas na ang
kaigihan ng teknolohiyang ito noong 1998 na kung saan dumanas ang
Pilipinas ng El Niño. Sinabi sa aklat na posibleng maitaas ang produksiyon
ng lampas isang tonelada sa bawat ektarya kung gagamit ng hybrid rice
technology kahit na tuyot at kaunti ang lupa o di kaya’y pataas ng pataas
ang populasyon. Hindi lang naman Pilipinas ang gumagamit nito maging
ang bansang India, Vietnam, Bangladesh, Myanmar, at China ay
nakikinabang. Ang kalakasan ng hybrid rice technology ay lalaki ang
sahod ng mga magsasaka, kikita rin ng mas malaki ang mga tindahan ng
binhi, maraming magsasaka ang magkakaroon ng trabaho, mabibigyang
kapangyarihan din ang mga babaing magsasaka.
Ngunit isa sa mga suliranin na nabanggit kanina ay mataas na gastusin sa
pagsasaka. Sa papaanong paraan kaya maisusulong ang produksiyon
nang hindi gumagastos ng malaki o gumagamit ng teknolohiya? Ang
suliraning ito ang bibigyang pokus ng mga mananaliksik gamit ang mga
nakalap na sanggunian.
Batay sa aklat na “Kamtin ang Agrikulturang MakaMASA” ng Agriculture &
Fisheries Information Division (AFID), upang makamtan ang masaganang
ani, kinakailangang pagtuunan ng pansin ang pangangasiwa sa
sustansiya ng lupa. Ang sumusunod ay ilang pamamaraan sa
pangangasiwa sa sustansiya ng lupa:
1. Paggamit ng abono (pataba)
2. Paggamit ng angkop na binhi
3. Mabuting pangangasiwa sa tubig (irigasyon)
4. Pagsugpo sa damo
5. Pagpapalit-palit ng mga pananim
6. Pagtantiya sa katabaan ng lupa at aanihin
Sinabi sa aklat na mayroong dalawang uri ng abono, ang di-organiko at
organiko. Sa halip na gumamit ng di organikong abono ay mas mainam na
gumamit ng organikong abono. Ang abonong organiko ay yaong
nagmumula sa mga materyales sa bukid kagaya ng azolla, sesbania,
dayami, dahon ng ipil-ipil, dumi ng hayop at iba pa. Ang lahat ng mga
pataba ay nagtataglay ng mahalagang sustansiya na kailangan ng palay.
Kalimitang inihahalo ang mga ito sa lupa. Kung minsan hindi sapat ang
sustansiyang taglay ng lupa kaya kailangang maglagay ng pataba. Ang
pinakamahalagang mineral na kailangan ng palay ay nitrogen (N),
posphorous (P), potassium (K). Hindi dapat mawawala ang mga mineral
na ito upang magpatuloy ang likas na paglago ng halaman. Makatitipid sa
gastos ang magsasaka sa pamamagitan ng wastong paggamit ng abonong
organiko. Isa pa, ang mga patabang organiko ay mas maraming taglay na
NPK (nitroheno, posporo, potasyo) kaysa di-organiko.
Ayon sa librong “Philippine Rice R&D Highlights 1998” ng Philippine Rice
Research Institute, ang pestisidyo ay nakapagpapabawas ng mga peste
ng palay ngunit makalipas ng pitong araw ay muli na naman itong babalik
sa bukirin. Kaya naman ayon sa librong “Kamtin ang Agrikulturang
MakaMASA” ng Agriculture & Fisheries Information Division, ang patuloy
na pagtaas ng halaga ng mga pestisidyo at ng pinsalang dulot nito sa mga
tao, hayop, at kapaligiran ay nangangailangan ng isang pinagsama-
samang pamamaraan sa pagpuksa ng mga peste. Ang Department of
Agriculture Special Order 495, serye ng 1987 at ang ibinaba na
Memorandum Order No. 126 noong Mayo 1993 ang nagpapatunay na
pinagtibay ng pamahalaan ang Integrated Pest Management (IPM) o
pinagsamang pamamaraaan sa pagpuksa sa peste ng palay bilang isang
pambansang alituntunin sa pangangalaga sa pananim. Ang IPM ayon sa
mga dalubhasa ay isang konsepto ng paghahalaman na gumagamit ng
mga mabisa at matipid na pamamaraan sa pagsasaka upang mabawasan
ang hindi magandang epekto ng iisang paraan sa pagsugpo ng mga peste.
Ang mga sumusunod na paraan sa pagpapatupad ng IPM ay isinusulong
ng Philippine Rice Research Institute bilang isang konsepto ng
paghahalaman, sa pagtutulungan ng mga magkakanayon:
a. Pagtatanim ng halamang matibay sa peste
b. Paraan ng pangangalaga
c. Pagbuhay sa mga likas na kaaway ng mga peste (sa pamamagitan ng
mga kaibigang kulisap)
d. Pagtantiya sa dami ng mga peste sa pamamagitan ng Economic
Threshold Levels (ETL) o sequential sampling upang malaman kung
kailangang gumamit ng pestisidyo o hindi
Batay sa aklat na “Philippine Rice R&D Highlights 1998” ng Philippine
Rice Research Institute, ang herbisidyo ay ginagamit bilang pamatay-
damo ngunit patuloy itong nagtataas ng presyo kaya batay sa librong
“Kamtin ang Agrikulturang MakaMASA” ng AFID, mas maiging gumamit
ng pisikal/mekanikal na pamamaraan sa pagsugpo sa damo. Ang
pisikal/mekanikal ay tumutukoy sa paggamas o paggahok sa pagitan ng
mga tudling. Maaaring gumamit ng rotary weeder.
Ang iba pang solusyon sa mataas na gastusin sa pagsasaka ay nakuha sa
aklat “Kamtin ang Agrikulturang MakaMASA“. Ayon sa nasabing libro, sa
halip na gumamit ng threshing machine ay maaaring maggiik nang manu-
mano o di kaya’y sa tulong ng hayop. Ang manu-manong pamamaraan ay
maaaring sa pagyapak ng paa, pagpatpat, o paghampas ng inani sa tubo
at solidong bagay. Sa paggamit ng paa, ang palay ay inilalagay sa sahig-
giikan at niyayapakan. Nakagigiik ang isang tao ng 14.5 kilong butil sa
loob ng isang oras. Sa paggamit ng hayop (kalabaw/baka), ang inani ay
inilalagay na paikot sa isang haligi. Nakaharap sa haligi ang mga uhay.
Upang magiik ang butil, marahang pinalalakad nang paikot ang dalawang
kalabaw. Sa pagpatpat, nahihiwalay ang mga butil sa pamamagitan ng
patpat na kahoy o kawayan. Isa pang paraan ang paghampas ng mga
uhay sa isang matigas na bagay. Sa paraang ito, nakagigiik ng 20-60
kilong palay ang isang tao bawat oras. Isang uri ng mekanikal na panggiik
ay ang modelong de-pedal. May kawad itong nakapaikot sa isang dram na
tatanggal sa mga butil ng palay. Mura lamang ito at nakapaggigiik ang
isang tao ng mga 1-2 sako bawat oras. Ang kaigihan sa threshing machine
ay nagagawa nitong pagsabayin ang paglilinis at panggigiik ng palay.
Ngunit hindi naman kinakailangan na gumamit ng nasabing teknolohiya
sapagkat ang bilao, bithay na yari sa pinong kawad o sala-salang
kawayan, at hungkoy ay pwede na. Ang dryer o makinang tuyuan ay
talaga namang hirap bilhin o rentahan ng mga magsasaka. Kaya naman
ang Agriculture & Fisheries Information Division ay nanghihikayat na
ibilad ito sa araw subalit mawawalang saysay nga lang ito sa panahon ng
tag-ulan. Ayon pa rin sa nasabing libro, sa paggiling ng palay ay kilalang
ginagamit ang steelhuller at rubber roller. Ang steelhuller na kiskisan ay
nakapagbibigay ng 60-62% bigas mas mababa sa rubber roller na
nagbibigay 70% na bigas. Ang bagong anyong kiskisan na tinatawag na
village rice mill ay nagbibigay-karagdagang giling na 8% ngunit gaya nga
nang nabanggit nung una na hindi naman ito gaanong kinakailangan.
Interpretasyon
Batay sa mga nakalap na datos, nailahad na ang pagsasaka dito sa bansa
ay nahaharap sa iba’t ibang suliranin. Ang pinakaproblema ay mataas na
gastusin sa pagsasaka. Binatay itong pinaka problema sa mga solusyon na
inilatag ng Agriculture & Fisheries Information Division dahil hindi
maghahain ang huli ng solusyon kung alam nitong walang problema sa
gastusin ng pagsasaka. Isang pahiwatig na masyado nang malaki ang
nakokonsumong salapi sa pagsasaka. Nabanggit ng Agriculture &
Fisheries Information Division na ang isinulat nila sa aklat ay mga tugon
sa suliranin para makatipid sa patuloy na pagtaas ng mga kagamitan.
Sinasabing ang mga kasangkapan ay bunga ng teknolohiya. Ilan sa mga
nabanggit ay abonong kemikal, herbisidyo, threshing machine, dryer,
village rice mill, at mas makabagong makinang pang-araro. Sinimulang
gamitin ang makabagong kagamitan noong inilunsad ang Gintong Ani
Program na ang gagamitin ay hybrid rice technology. Kung tutuusin ay
mahal ang mga ito lalo na’t ang mundo ngayon ay umiikot sa teknolohiya
kaya talagang maghihinaing ang mga magsasaka sa ganitong sitwasyon.
Walang duda na kaya gumagamit ng teknolohiya ay para mapataas ang
produksiyon ng bigas. Datapwat ang teknolohiya ay laging may kalakasan
at kahinaan. Nakatutulong ang teknolohiya sapagkat napatataas nito ang
produksiyon ngunit nabanggit sa libro ng Agriculture & Fisheries
Information Division na ang paggamit nito ay may pinsalang naidudulot
sa kapaligiran. Sa aklat na “Contribution to Philippine Agricultural
Modernization” sinabi na ang bansa ay net importer hindi tulad ng dati na
net exporter. Kataka-taka na kasalukuyang gumagamit ang bansa ng
teknolohiya pero umaangkat ng bigas mula sa ibang bansa. Hindi ba’t
kaya nga gumagamit ng teknolohiya ay para dumami ang produksiyon
nang sa gayon ay huwag nang umangkat pa ng bigas? Panahon na para
gamitin ang manggagawa ng bansa. Tutal ayon kay Dr. Santiago R. Obien
na isang suliranin din ang mataas na bilang ng populasyon. Sa
kasalukuyan ay marami ang walang trabaho at kung pakaiisiping mabuti
ay magkakaroon sila ng papel sa sektor ng ekonomiya: ang pagsasaka.
Makikita sa mga solusyon ng Agriculture & Fisheries Information Division
na karamihan ay nangangailangan ng tao at hayop. Isang patunay ay ang
paggiik. May mga teknolohiya nang ginagamit para rito sa dahilang
pabilisin ang paggawa subalit ayon sa solusyon ng AFID ay makatitipid
kung gagamit ng manu-manong pamamaraan o di kaya’y sa tulong ng
hayop sa paggiiik ng palay. Batay sa “Kamtin ang Agrikulturang
MakaMASA”, nakagigiik ang isang tao ng 14.5 kilong butil sa loob ng isang
oras kung yayapakan ng paa. Sa panahon ngayon na marami ang
populasyon at karamihan pa ay walang hanapbuhay, ito na ang
pagkakataon nila. Kung sa teknolohiya na ginagamit para mapabilis ang
paggawa ay wala itong pinagkaiba kung sabay sabay din gagawa ang mga
manggagawa sa loob ng isang oras. Ibig sabihin ay kung marami ang
manggagawang magsasaka ang magtatrabaho hindi lang sa paggiik di
hamak na marami rin ang mapoprodyus na bigas. Pagkamasipag lamang
ang kailangan. At kung isasabay din sa paggawa ng bigas ang mga hayop
tulad ng baka at kalabaw tiyak na malaki rin ang naitutulong ng mga
hayop na ito hindi lang sa paghihila ng makinang pang-araro o di kaya’y
gamit sa transportasyon. Sa ganitong paraan ay napakikinabangan ang
likas na yamang mayroon ang bansa na hindi gaanong gumagastos:
yamang tao at yamang hayop.
Kongklusyon
Hindi sa lahat ng oras ay kailangan ng teknolohiya. Kung gagamit man ay
dapat pantay lang. Ganito rin sa pagsasaka. Hindi lahat ng gawain sa
pagsasaka ay iaasa sa teknolohiya bagkus ay kalabaw at taong masipag
ay sapat na. Kailangan na paunlarin ang pagsasaka dahil ito ang
pangunahing hanapbuhay ng mga magsasaka. Dito rin nakukuha ang
pangunahing pagkain ng lipunan. Ang Pilipinas ay isang agrikulturang
bansa at nararapat lang na bigyang pansin ng pamahalaan ang
agrikultura sapagkat dito nakadepende ang ikaaangat ng ekonomiya.
Kung nagawang itaguyod ang sarili ng mga ninuno na walang
teknolohiya, posibleng makakaya rin ito sa kasalukuyan.
Rekomendasyon
Inirerekomenda ng mga mananaliksik na ipagpatuloy pa ang isinagawang
pag-aaral. Palawakin ang pananaliksik sa pamamagitan ng paghahanap
ng solusyon sa iba pang suliranin. Alamin din ang tugon ng pamahalaan sa
mga binanggit na hamon sa pagsasaka.
Sanggunian:
Garcia, Danilo. “Agrikultura planong buhayin ni Bro. Eddie”. Pilipino Star
Ngayon.
3 Marso 2010: 2.
National Irrigation Administration. (1990). A Comprehensive History of
Irrigation
in the Philippines. Quezon City: National Irrigation Administration.
Agriculture & Fisheries Information Division. (1998). Kamtin ang
Agrikulturang
MakaMASA. Quezon City: Agriculture & Fisheries Information Division.
Philippine Rice Research Institute. (1999). Philippine Rice R&D Highlights
1998.
Nueva Ecija: Philippine Rice Research Institute.
Zaide, Sonia M. (1994). The Philippines: A Unique Nation. Manila: All-
Nations
Publishing Company, Incorporation.
OnePhilippines Uniting Filipinos Worldwide. Luna Siy. One Philippines
Media and
Communication Group. 4 Mar. 2010 .
Philippine Rice Research Institute. (1998). Advances and Challenges in
Hybrid
Rice Technology in the Philippines. Nueva Ecija: Philippine Rice Research
Institute.
Etolle, Nestor. “Farm group bats for higher DA budget”. The Philippine
Star. 21
Pebrero 2010: B-4.
Cabanilla, Liborio S. ed., Mario G. Andrada ed., at Liberty O. Inciong ed.
(2006). Contribution to Philippine Agriculture Modernization. Makati City:
Fulbright-Philippine Agriculture Alumni Association.
Barile, Dolores P. ed., Harold R. Cushman ed., at Severino R. Santos, Jr.
ed.
(1973). Teaching Vocational Agriculture in the Philippines. Laguna:
University of the Philippines.
Pasasalamat
Nais naming pasalamatan ang lahat ng tumulong para ganap na matapos
ang pananaliksik. Kung hindi dahil sa kanila, wala ang proyektong ito. Sila
ay ang mga sumusunod:
Ang aming magulang, salamat sa tamang paggabay at pagpapalaki ng
maayos na anak pati na rin sa tulong pangpinansiyal.
Mga malalapit naming kaibigan, salamat sa pagsuporta at dahil diyan
napatunayan namin na tunay kayong kaibigan.
Sa aming guro, salamat sa pagsuporta, pagtulong, at paggabay upang
mapagtagumpayan ang isinagawang pananaliksik.
Sa Poong Maykapal, Siya ang bukod tanging nagbigay buhay sa lahat dito
sa mundo. Siya rin ang nagbibigay lakas loob sa tuwing susuko at
natutukso ang Kanyang mga anak.
Sa kanilang lahat, kami ay buong pusong nagpapasalamat at nawa’y
pagpalain tayong lahat!
Posted by pagsasaka-sa-pilipinas at 1:42 PM
5 COMMENTS:

1.

Honellet San DiegoJanuary 4, 2014 at 6:38 PM


Thanks po dito. Super helpful ! :)
Reply

2.

TiradaunoMay 14, 2014 at 11:28 PM


Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Reply

3.

Jhen AgapitoFebruary 19, 2017 at 2:02 AM


Ganito rin yung gagawin naming pananaliksik. Buti na lang nabasa ko ito
para may background na kami. Ang laki ng naitulong nito kasi first time
namin gumawa.

Reply

4.

Seira@14August 16, 2017 at 9:08 AM


Paano po gumawa ng questionnaire kapag magsusurvey ka sa mga
magsasaka? Yung questionnaire po na gagawin ay batay sa aming mga
predictors tulad ng technology, seeds, pesticides, climate condition,
irrigated and non irrigated,wet and dry season and flashfloods and
typhoons? Di po kasi kami makagawa ng questionnaire di namin alam
kung paano simulan?

Reply

5.

Pertiwi GesangJune 2, 2019 at 5:36 AM


Ako si Mrs. Pertiwi Gesang mula sa Pangkal pinang, narito ang aking
email kung gusto mong kontakin ako: pertiwigesang@gmail.com. Ibig
kong ibahagi ang aking patotoo sa plataporma na ito tungkol sa kung
paano nakuha ko ang isang $ 6,300 na pautang para sa venture capital
mula sa isang lehitimong tagapagpahiram dahil, ako ay bumagsak sa
utang at sinubukan kong humiram ng pera mula sa mga bangko at mga
online lender ngunit palagi akong nabigo at ako scam hanggang nakita ko
ang patotoo ng ina ni Ashraff Nabilah sa plataporma na ito tungkol sa
kung paano siya nakuha ng pautang mula sa RIKA ANDERSON LOAN
COMPANY. Nakipag-ugnayan ako sa CEO, si Mrs. Rika Anderson, noong
nakaraang linggo, nag-apply ako para sa isang pautang mula sa ina ng
Rika at nagulat ako, ang aking utang ay naaprubahan at pagkatapos ng 3
oras ng aking aplikasyon, ang halaga ng 90 milyon ay inilipat sa aking
BCA bank account. Gusto kong payuhan ang lahat upang makahanap ng
isang lehitimong kompanya ng pautang upang makipag-ugnay sa Ms Rika
Anderson, CEO ng RIKA ANDERSON LOAN COMPANY sa pamamagitan ng
email na ito: rikaandersonloancompany@gmail.com o W / S: +1 (914)
705-7484 at kumuha ng pautang .

Das könnte Ihnen auch gefallen