Sie sind auf Seite 1von 9

Topic: Isang Bayang Inihiwalay sa Kanyang Kahapon

Keywords: Wikang Ingles, Edukasyon: kasangkapan at patakarang kolonyal, Librong Amerikano, Lisyang
Edukasyon, Ulirang Kolonyal, Espanya: Kontrabida, Estados Unidos: Bida, Water Cure, Reconcentration Camps,
Bayaning Pilipino: Macario Sakay,

Breakdown:
Sinasabi dito na ang una at ang pinakatusong hakbang ng planong gamitin ang edukasyon bilang kasangkapan at
patakarang kolonyal ay ang gamitin ang wikang ingles sa pagtuturo. Itong wikang ito ang nagmimistulang pader
na nag hihiwalay sa mga Pilipino at sa kanilang nakaraan, na di rin nagtagal pati na ang mga ilustrado sa masa.
Dahil sa wikang Ingles na ito, para na ring dinala ang mga Pilipino sa isang bagong mundo, at dahil na rin sa mga
libro ng amerikano ay natuto sila ng panibagong wika at bagong paraan ng pamumuhay. Ang bagong Sistema na
ito ay naiiiba ngunit itinuturing na nakakatawang bersyon lamang ng kanilang pinagtularan, at dito na nag-
umpisang matuto ang mga Pilipino kasabay na rin ang lisyang eduksyon nila. Sapagkat ang kanilang pagkatuto
dito ay hindi na bilang isang Pilipino kundi bilang mamamayan ng isang dayuhang bansang makapangyarihan.
Inaalis sa kanila ang pagiging Makabayan upang maging isang mabuting mamamayan ng isang kolonyang bayan at
dapat siya dito maging masugid na tagasunod ng kalakaran. Sinasabi rin dito na ang ulirang kolonyal ay tunay na
kopya ng kanyang kolonyalista. Dapat daw talikuran at kalimutan ang nakaraan ng Pilipino para mamuhay ng
matiwasay at maginhawa sa ilalim ng kolonyalistang bayan. Tinuro sa mga Pilipino ang kwento ng mga bayani at
kantang amerikano, pati na rin ang nyebe at si Santa Claus. Samantala, ang mga bayaning lumbana sa
kolonyalismong amerikano katulad ni Macario Sakay ay itinuturing na tulisan. Itinuro nga ang buhay ng mga
bayaning Pilipino ngunit hindi itinuro ang kanilang makabayang akda.
Itinuturing ng mga amerikano ang kanilang mga sarili na tagapagtanggol o bayani habang ang spain ay ubod ng
sama, pero ang totoo ay pinagtatakpan lamang nila sa kanilang mga akda ang kanilang mga kahayupan tulad na
lamang ng water cure at concentration camps. Hinda nila binibigyan ng tunay na edukasyon ang mga Pilipino at
wala silang balak sa loob ng isang bagong kaayusan. Pinapakita dito ang dahilan kung bakit natabunan na ng 300
years na pananakop ng kastila ay hindi na naparinawa sa ilalim ng kolonyalismong amerikano. Naging baligtad na
ang isipan ng mga Pilipino na itunturing na nilang mga banyagang napadpad lang sa bansa ang kanilang mga
ninuno na halos walang kaugnay satin. Na para bang binabasa na lamang natin ang kwento ng ating mga ninuo
bilang turista.

Das könnte Ihnen auch gefallen