Sie sind auf Seite 1von 5

Jesus the Nazarene Academy of Binmaley

(A Binmaley Catholic School, Inc. Annex)


Dulag, Binmaley, Pangasinan
Elementary Department
S. Y. 2018 - 2019

Unang Mahabang Pagsusulit


sa
ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan: ______________________________LRN: ____________________Petsa: __________


Baitang at Pangkat: __________________________________________Marka: _____________

Pamantayan ng Pagkatuto: Nasusuri ang tungkol sa sa lokasyon, klima at panahon ng


Pilipinas at ang pinagmulan ng lahing Pilipino.

I. Maraming Pagpipilian
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag o katanungan at piliin ang sagot mula
sa mga pagpipilian. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Mga guhit na pahalang sa globo.
A. Ekwador B. Latitud C. Longhitud D. Prime Meridian
2. Panahon ng Pilipinas, kung saan ginagamit sa panghuli ng hayop ang matulis na
bato.
A. Panahon ng Lumang Bato C. Panahon ng Bagong Bato
B. Panahon ng Seramiks D. Panahon ng Metal
3. Ang klima ng Pilipinas ay___________.
A. Polar B. Snowy Forest C. Tuyo D. Tropikal
4. Ayon sa teoryang ito, ang Pilipinas ay nabuo dahil sa mga lindol at pagsabog ng
bulkan.
A. Continental Drift Theory C. Sunda Shelf Theory
B. Land Bridges Theory D. Tectonic Plate Theory
5. Pinakagitnang guhit ito na humahati sa globo sa silangan at kanluran.
A. Ekwador B. Latitud C. Longhitud D. Prime Meridian
6. Panahon ng Pilipinas, kung saan yari sa bakal ang kagamitan.
A. Panahon ng Lumang Bato C. Panahon ng Seramiks
B. Panahon ng Bagong Bato D. Panahon ng Metal
7. Kondisyon sa isang lugar sa maikling oras.
A. Altitud B. Klima C. Panahon D. Temperatura
8. Ayon sa teoryang ito, ang lupain sa mundo ay bahagi ng kontinente na
nagkakahiwalay.
A. Continental Drift Theory C. Teoryang Bulkanismo
B. Tectonic Plate Theory D. Teoryang Sundaland
9. Isang lapat o patag na larawang maaring kumakatawan sa mundo, sa isang bansa, o
sa isang tiyak na lugar.
A. Compass Rose B. Grid C. Mapa D. Meridian
10. Panahon ng Pilipinas, kung saan gumawa sila ng kagamitang pinatigas na putik.
A. Panahon ng Metal C. Panahon ng Seramiks
1
B. Panahon ng Bagong Bato D. Panahon ng Lumang Bato

11. Ang paglamig ng tubig sa bahagi ng Karagatang Pasipiko.


A. El Salvador B. El Niño C. La Niña D. La Salvador
12. Ang pangalan ng pinakatanyag na Australopithecus afarensis fossil na natagpuan
sa Hadar, Ethiopia, Aprika noong 1974.
A. Danny B. Larry C. Lucy D. Mary
13. May kanlurang hatingglobo at _____________ hatingglobo.
A. Gitnang B. Hilagang C. Silangang D. Timog
14. Halos kapareho na ng ating pangangatawan ang hitsura nito.
A. Homo floresiensis C. Homo habilis
B. Homo Erectus D. Homo sapiens
15. Ang panaka-nakang hanging hanging umiihip sa Pilipinas.
A. Climate B. Monsoon C. Season D. Weather
16. Panahon ng Pilipinas, kung saan makikinis na ang mga batong kasangkapan.
A. Panahon ng Metal C. Panahon ng Seramiks
B. Panahon ng Lumang Bato D. Panahon ng Bagong Bato
17. Pinakagitnang likhang guhit pahalang sa globo na may sukat na 0˚.
A. Ekwador C. International Date Line
B. Latitud D. Prime Meridian
18. Isang malaking nakausling bahagi ng kontinente ng Asya at bahagi nito ang
Pilipinas.
A. Continental Drift C. Sunda Shelf
B. Ring of Fire D. Tectonic Plate
19. Ang pangkalahatang kalagayan ng kapaligiran sa isang lugar sa mahabang panahon.
A. Altitud B. Klima C. Panahon D. Tempereatura
20. Ang pinakaunang nakilalang uri ng Homo.
A. Homo sapiens C. Homo floresiensis
B. Homo habilis D. Homo erectus

II. Pagkilala
Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa
espasyo bago ang bilang. Pumili sa kahon ng pagpipilian.

Teorya Karagatang Pasipiko Pangaea


Tropiko ng Cancer Y’Ami grid hobbit
Temperatura Saluag Las Islas Felipinas Prime Meridian

___________________________1. Pinakadulong hilagang pulo ng Pilipinas na sakop ng


lalawigan ng Batanes.
___________________________2. Ang tawag sa init o lamig ng isang bagay o lugar.
___________________________3. Mga paliwanag na binuo ng mga eksperto batay sa
resulta ng kanilang ginawang pag-aaral.
___________________________4. Ang itinuturing na “Hari ng Karagatan” dahil sa lawak
2
nito.

___________________________5. Kahulugan ay lahat ng lupa o “all the land” sa wikang


Greek.
___________________________6. Kahawig nito ang African apeman na nabuhay sa Aprika
noong 1.4 hanngang 2.3 milyon taon ang nakalilipas.
___________________________7. Nagsasalubong na mga guhit latitud at mga guhit
longhitud.
___________________________8. Ipinangalan ng mga Espanyol sa ating bansa.
___________________________9. Nasa 23.5˚ hilagang latitud mula sa ekwador ang
espesyal na guhit na ito.
___________________________10. Pinakadulong timog ng Pilipinas na sakop ng
lalawigan ng Tawi – Tawi.

III. Tama o Mali


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap kung ito ay wasto o di – wasto.
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung ito ay di – wasto.
Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan.
___________1. Halos pantay ang haba ng araw at gabi sa panahon ng tagsibol.
___________2. Ang mga Mongoloid ay madilaw ang balat at matangkad ng kaunti.
___________3. Ang tiyak na lokasyon ay tumutukoy sa kinalalagyan o lokasyon ng
isang lugar o bansa sa mga katabing pook nito.
___________4. Mid-Atlantic Ridge ang tawag sa may mga bulkang dulot ng
magkakasamang (convergent) tectonic plate.
___________5. Sa siyudad ng Baguio naitala ang pinkamalamig na temperatura sa
Pilipinas na umabot sa 9⁰C.
___________6. Sa Panahon ng Seramiks ay gumawa ang mga tao ng malalaking banga o
tapayan.
___________7. Longhitud ang tawag sa mga guhit na patayo na nagmumula sa Polong
Hilaga hanggang sa Polong Timog.
___________8. Ang teoryang plate tectonics ay nabuo batay sa mas matandang mga
kosepto ng continental drift.
____________9. Sa hilagang-silangan nagmumula ang Hanging Habagat.
___________10. May 19 hanggang 30 ang bagyong dumaraan sa bansa taon-taon maliban
na lamang kung panahon ng El Niňo.

IV. Pagiisa – isa


Panuto: Ilista ang hinihingi ng mga sumusunod na tanong.
A. Anim na Salik na Nakakaapekto sa Klima
1.
2.
3.
4.
5.
6.

3
B. Apat na Uri ng Panahon o Season
1.
2.
3.
4.
C. Apat na Pangalawang Direksiyon
1.
2.
3.
4.

V. Ilustrasyon
Panuto: Iguhit ang Pangunahing direksiyon (6 puntos).

Good Luck and God Bless!

Inihanda ni:

G. Louie Andreu C. Valle


Guro

Inaprubahan ni:

Gng. Venus V. Erasquin


Akademik Koordinaytor

4
ARALING PANLIPUNAN 5

KEY ANSWERS (60 puntos)

I. II.
1. B 11. B 1. Y’Ami
2. A 12. A 2. Temperatura
3. D 13. B 3. Teorya
4. C 14. D 4. Karagatang Pasipiko
5. D 15. A 5. Pangaea
6. D 16. D 6. hobbit
7. C 17. C 7. grid
8. B 18. A 8. Las Islas Felipinas
9. A 19. C 9. Tropiko ng Cancer
10.C 20. B 10.Saluag

III. IV.
1. Tama 1. Latitud o lokasyon ng lugar
2. Tama 2. Hangin
3. Mali 3. Temperatura
4. Mali 4. Altitude o taas ng Lugar
5. Tama 5. Katubigan
6. Tama 6. Dami ng Ulan
7. Tama 7. Tagsibol (Spring)
8. Tama 8. Tag-init (Summer)
9. Mali 9. Taglagas (Autumn)
10.Tama 10.Taglamig (Winter)

V. Hilaga

Hilagang Kanluran Hilagang Silangan

Kanluran Silangan

Timog Kanluran Timog Silangan

Timog

Das könnte Ihnen auch gefallen

  • Esp 4
    Esp 4
    Dokument5 Seiten
    Esp 4
    Louie Andreu Corpuz Valle
    Noch keine Bewertungen
  • Ap 7
    Ap 7
    Dokument5 Seiten
    Ap 7
    Louie Andreu Corpuz Valle
    Noch keine Bewertungen
  • Ap 2
    Ap 2
    Dokument4 Seiten
    Ap 2
    Louie Andreu Corpuz Valle
    Noch keine Bewertungen
  • Ap 2
    Ap 2
    Dokument4 Seiten
    Ap 2
    Louie Andreu Corpuz Valle
    Noch keine Bewertungen