Sie sind auf Seite 1von 5

AP Reviewer

Alokasyon- ay ang paghahati-hati ng mga yaman sa iba’t ibang gamit sa produksiyon.

Distribusyon- ay ang pamamahagi ng mga bagay-bagay sa lahat ng sector ng ekonomiya.

Budget- ang halagang inilalaan upang tugunan.

Para kanino ang ipoprodyus?- Sa pagsagot sa tabnong na ito, karaniwang nagsasagawa ng mga
feasibility study para malaman kung ang proyekto ng produksiyon ay tumutukoy sa mga taong
tatangkilik sa produkto.

Paano ipamamahagi ang produkto?- Sa pagasagot ng tanong na ito, kinakailangang isaalang-alang ang
Sistema ng bansa sa pamamahagi ng mga produkto pati ang kanayang kakayahang magdala ng mga
produkto sa iba’t ibang lugar.

Iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya

Sistemang Pang-Ekonomiya- ay tumutukoy sa iba’t ibang mekanismo ng pamamahaging ginagamit ng


mga lipunan upang tugunan ang problema sa kakapusan.

Traditional- ito ay nakabatay sa tradisyon ,kultura,at paniniwala ng lipunan.

1.Command Economy- ang ekeonimiya ay nasa control at regulasyon ng pamahalaan.

2.Market Economy- ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo ay nagaganap sa malayang pamilihan.

3.Mixed Economy- pinaghalong sistemang market at command economy.

Pagkonsumo- ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo.

2 uri ng pagkonsumo

1.Direct Consumption- kung saan ang isang bagay ay kinokonsumo nang hindi na kinakailangang
baguhin pa ang anyo nito.

2.Productive- kung saan ang produksyong nabili ay gagamitin pa upang makatuon ng iba pang produkto.
3 paraan ng pagkonsumo

1.Comsumption through transformation- ang isang bagay na nakokosumo sa pamamagitan ng pagbago


sa kanyang anyo.

2.Consumption through deterioration- ang isang bagay ay kinokosumo sa pamamagitan ng pagkaluma.

3.Consumption through destruction- sa pamamaraang ito kinakailangan na anag isang produkto ar hindi
na muling napakinabanagan.

Mga salik sa pagkonsumo

1.Kita- ang kita ng isang tao ay may malaking epekto sa kanayng pagkonsumo.

2.Pag-aanunsyo-isang mahalagang pamamaraang ginagamit ng mga prodyuser sa kasalukuyan upang


mahikayat ang mga mamimili ay ang pagkuha ng serbisyo ng pagaanunsyo.

3.Presyo-Malakaing konsidersyon din para sa mga mamimili ang presyo ng mga bilihin. Karaniwang
sinusunod na opamantayan ditto na mas marami ang namimili ng produkto kung mababa ang presyo
nito at mas kakaunti ang bumibili kung mataas ang presyo hng bibilhin.

4.Panahon-Nagiging konsiderasyon din sa pagbili ng mga konsyumer ang kasalukuyang kalagayan ng


panahon sa pagpili ng kanilang bibilhing produkto.

5.Kultura-Ang kulturang kinabibilangan ng isang tao ay maroon ding malaking epekto sa mga bagay na
kanyang binibili.

Mga batas ng pagkonsumo

1.Batas ng pagpapasyang ekonomiko-ay tumutukoy sa pagbibigay ng pagpapahalaga sa pang-


ekonomikong benepisyo ng mga produktong bibilhin.

2.Batas ng pagkakabagay-bagay-ito ay tumutukoy sa mga bprodukto na may likas na katuwang na


kinakailangang bilhin upang mapakinabangan.

3.Batas ng bumababang kasiyahan-ito ay tumutukoy sa pagbaba ng antas ng karagdagang kasiyahan sa


bawat dagdag ng bilihing kinokonsumo.
Ang mga Karapatan ng mga konsyumer

1.Right to choose-isa sa mga pangunahing Karapatan ng isang konsyumer, lalong-lalo na sa isang


kapitalistang bansa ay ang karapatang mamili ng produktong bibilhin.

2.Right to be informed-mahalaga na nalalaman ng mga konsyumer ang mga sangkap ng produkto na


kanyang binibili, pati ang wastong paggamit ditto.

3.Right to safety-mahalaga ang kaligtasan ng mga consumer.

4.Right to a clean environment- mahalaga rin para sa isang konsyumer na siguruhin na wasto at malinis
ang produksiyon ng mga produktong kanilang binibili.

5.Right to basic needs-karapatan ng mga konsyumer na sigurado ang supply ng kanyang mga
pangangailangan sa pamilihan.

6.Right to representation-Inilalarawan nito ang Karapatan ng mga konsyumer na humingi ng tulong sa


mga abogado sa tuwing mayroon silang pinsalang natatamo mula sa paggamit ng depektibog mga
produkto.

7.Right to compensation for damages sustained-sa tuwibng mapapatunyan na ang pinsalangnatamo ng


isang konsyumer ay dulot ng kanayang produktong binili, ang konsyumer ay karaniwang ginagawaran ng
mga piskal na lompensasyong tinatawag na danyos(damages).

Mga pamantayan ng matalinong pamimili

1.Critical Awareness- Inilalarawan nito ang paggamit ng limang senses sa pagbili ng mga produkto.Sa
pamamagitan ng mga ito mabibigyang-pansin ang mga produkto sa pamilihan na hindi sumasang-ayon
sa mga Karapatan ng mga konsyumer.

2.Environmental concern-mahalaga na alam ng mga konsyumer angt epekto ng produksyon ng mga


produktong nakikita nila sa pamilihan.

3.Social Responsibility-Iginagalang ba ng mga prodyuser ang mga karapatan ng mga manggagawa na


gumagawa ng kanilang mga produkto? Laganap sa mahihirap na bansa ang mga sweatshop.Sa mga
bansang ito pinipili ng ilang multinational company na magnegosyo dahil hindi masyadong mulat ang
mga manggagawa sa kanilang mga Karapatan o sadya itong sinusupil ng ilang mga pamahalaan para
makaakit ng mga dayuhang negosyante.
4.Solidarity-sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagkakaisa, ang grupo ng mga konsyumer ay maaaring
makapaglunsad ng mga pagbabago sa sistema ng paggawa ng mga prodyuser.

5.Action-ang aksiyong tinutukoy rito ay ang pagsasagawa ng boycott o di pagbili a mga produktong
lumalabag sa mga Karapatan ng mga konsyumer.Sa pamamagitan nito mapipilitan ang mga prodyuser
na igalang ang kalikasan,Karapatan ng mga manggagawa sa proseso ng paggawa ng mga produktong
mataas ang kalidad,at gawing mura ang presyo.

Das könnte Ihnen auch gefallen