Sie sind auf Seite 1von 13

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION

I. MARAMIHANG PAGPILI
Panuto​: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang na
nakalaan sa bawat bilang.

__________1. Isa sa mahahalagang konsepto sa ​microeconomics ang konsepto ng demand. Alin sa mga sumusunod ang
pinakaangkop na kahulugan ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa ​(willing) ​at kayang ​(able) ​bilhin ng mga konsyumer sa
iba’t ibang halaga o presyo.
B. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.
C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay
makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.
__________2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang magpapaliwanag sa ipinapahiwatig ng graph sa ibaba kaugnay ng
Batas ng Demand?

A. Habang tumataas ng presyo, tumataas din ang ​quantity demanded​ ng konsyumer.


B. Habang tumataas ng presyo, bumababa ang ​quantity demanded​ ng konsyumer.
C. Malaki ang kakayahan ng konsyumer na bumili kapag mataas ang presyo.
D. Kapag mababa ang presyo ng produkto, hindi mahihikayat ang konsyumer na bumili nito.
_________3. Ang ​downward sloping​ na galaw ng demand curve ay nagpapahiwatig ng:
A. Kawalang ugnayan ng presyo at demand.
B. Positibong ugnayan ng presyo at demand.
C. Inverse na ugnayan ng presyo at quantity demanded.
D. Pagtaas ng presyo ng mga produkto at paglilingkod.
D. Pagtaas ng presyo ng mga produkto at paglilingkod.
_________4. Sa ekonomiks, ang pagtugon sa walang katapusang pangangailangan ng tao ay tungkulin ng prodyuser.
Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser? 1
A. ​demand B. produksiyon C. ekwilibriyo D. ​supply
_________5. Ang ​upward sloping​ na galaw ng ​supply curve​ ay nagpapahiwatig ng:
A. Kawalang ugnayan ng presyo at quantity supplied.
B. Positibong ugnayan ng presyo at quantity supplied.
C. Inverse na ugnayan ng presyo at quantity supplied.
_________6. Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan na nagpapakita ng kaugnayan ng presyo at dami ng demand para sa isang
partikular na produkto o paglilingkod.
A. Demand Schedule C. Demand Function
B. Demand Curve D. Quantity Demanded

7-10. Suriin ang talahanayan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin isa-isa ang mga tanong sa bilang 7-10.

Demand Schedule para sa Siomai

Presyo (P) Quantity Demanded (Qd)


Ela Ara Stephen
₱7 4 5 0
₱6 8 10 2
₱5 12 15 4
₱4 16 20 6
₱3 20 25 8

_________7. Kung ang halaga ng bawat piraso ng siomai ay ₱5, ang dami ng demand ni Ela para rito ay ______.
A. 4 piraso. B. 8 piraso. C. 12 piraso. D. 16 piraso.
_________8. Kung si Stephen ay may kakayahan lamang bumili ng anim (6) na piraso ang siomai, ang pinakamataas na
handa at kaya niyang ibayad ay ____________.
A. ₱ 3. B. ₱ 4. C. ₱ 6. D. ₱ 7.
_________9. Kung ang halaga ng siomai ay tumaas mula ₱ 3.00 tungong ₱ 5.00, babawasan ni Ara ang dami ng kanyang
demand para rito nang sampung (10) piraso. Ito ay dahil sa:
A. Batas ng Supply. C. kanyang mga inaasahan.
B. Batas ng Demand. D. pagbabago ng kanyang panlasa.
_________10. Kung si Ela at Stephen lamang ang bibili ng siomai, at ang halaga ng siomai ay ₱ 4 bawat piraso, ang
kabuuang demand nila para sa siomai ay_________________.
A. 10 piraso. B. 16 piraso. C. 6 piraso. D. 22 piraso.
_________11. Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan na nagpapakita ng kaugnayan ng presyo at dami ng supply para sa isang
partikular na produkto o paglilingkod.
A. Supply Schedule C. Supply Function
B. Supply Curve D. Quantity Supplied
________12. Ayon sa Batas ng Supply:
A. Kapag mataas ang presyo, kakaunti lamang ang handa at kayang ipagbili ng prodyuser..
B. Kapag mataas ang presyo, marami o mataas din and bilang ng produktong handang ipagbili ng prodyuser.
C. Kapag mababa ang presyo, marami ang handa at kayang bilhin ng mamimili​.
________13. Tumutukoy ito sa punto sa pinagsamang kurba ng demand at suplay na magkasalubong; o punto kung saan
ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o magkapareho.
A. Ekwilibriyo C. Surplus / kalabisan
B. Disekwilibriyo D. Shortage / kakulangan
________14. Upang masabing ​supply​, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang uri ng
produkto. Halimbawa, may 15,000 piraso ng instant noodles ang kailangan. Ayon sa datos, mayroong 4
kumpanya ng noodles ngunit sa bilang na ito, 2 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 10,000 piraso ng instant
noodles kung ipagbibili ito sa presyong Php7.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang ​supply ​ng instant
noodles?
A. 2 piraso B. 4 piraso C. 10,000 piraso D. 15,000 piraso
________15. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng ​quantity demanded ​s2a
quantity supplied​. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
A. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin
ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
B. Sa presyong ito, may labis na ​quantity supplied ​sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser
upang tumaas ang kita.
C. Sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti na

Das könnte Ihnen auch gefallen