Sie sind auf Seite 1von 5

1.

Ayon sa Presidential Decree No. 970 na ipinatupad noong July 14, 1976 ng
dating pangulong Marcos sa kanyang rehime na ngayon ay ipinasawalang
bias na ayon sa Executive Order No. 187, nakasaad dito na bawal umanong
maglabas ng mga literatura o kahit anomang uri ng panitikan na nagpapakita
ng hindi nakaayon sa pagpapatakbo ng gobyerno. Narito ang buong isinasaad
sa batas:

Section 1. Amendment of Articles 138 & 142, Revised Penal Code. — Articles 138 &
142 Act Numbered Thirty Eight hundred and fifteen, otherwise known as the
Revised Penal Code, are hereby amended by increasing the penalties therein
respectively prescribed to prision mayor or fine ranging from six thousand to
twelve thousand pesos, or both such imprisonment and fine, for act or acts which
incite or tend to incite rebellion or sedition or the undermining, in any manner, of
the faith and confidence of the people in their government and/or duly constituted
authorities and which penalty shall be imposed upon: . chanrobles virtual law library
chanroblesvirtu allawlibrar y

"1. Those who shall publicly expound or proclaim doctrines openly rebellious or
seditious; . chanrobles virtual law library
"2. The authors of rebellious or seditious literature, published with their
knowledge in any form; the editors publishing such literature; and the
owners/operators of the establishment selling the same;
"3. Those who, in theaters, fairs, cinematographs or any other place, exhibit
rebellious or seditious plays, scenes, acts or shows which incite or tend to incite
rebellion or sedition; and
"4. Those who shall sell, give away or exhibit films, prints, engraving, sculptures,
or literature which are rebellious or seditious in character. . chanrobles virtual law library
Sec. 2. Disposition of the Prohibited Articles. — The disposition of the literature,
films, prints, engravings, sculptures, paintings, or other materials involved in the
violation referred to in Section 1 hereof shall be governed by the following
rules:chanroblesvirtu allawlibrar y

"a. Upon conviction of the offender, to be forfeited in favor of the government to


be destroyed. . chanrobles virtual law library
"b. Where the criminal case against any violator of this decree results in an
acquittal, the rebellious or seditious literature, films, prints, engravings, sculpture,
paintings or other materials and articles involved in the violation referred to in
Section 1 hereof shall nevertheless be forfeited in favor of the government to be
destroyed, after forfeiture proceedings conducted by the Chief of Constabulary.
"c. The person aggrieved by the forfeiture action of the Chief of Constabulary may,
within fifteen (15) days after his receipt of a copy of the decision, appeal the
matter to the Secretary of National Defense for review. The decision of the
Secretary of National Defense shall be final and unappealable.
Sec. 3. Additional Penalties. — Additional penalties shall be imposed as
follows: . chanrobles virtual law library
ch anroblesvirtuall awlibrar y

"1. In case the offender is a government official or employee who allows the
violations of Section 1 hereof, the penalty as provided herein shall be imposed in
the maximum period and, in addition, the accessory penalties provided for in the
Revised Penal Code, as amended, shall likewise be imposed. . chanrobles virtual law library
Sec. 4. The Chief of Constabulary shall, with the approval of the Secretary of
National Defense, promulgate the necessary rules and regulations for the effective
implementation of this decree. . chanrobles virtual law library
Sec. 5. This Decree shall take effect fifteen (15) days after its publication by the
Department of Public Information in two (2) newspapers of general circulation.

Ito ay malinaw na nagpapakita kung gaano kahalaga at kung gaano


kakapangyarihan ang panitikan dahil kaya nitong isiwalat ang mga bagay na
hindi kayang bigyang liwanag ng simpleng pagtatala ng kasaysayan dahil sa
nakakapagpakita ito ng iba’t ibang perspektibo at ng mga posibilidad na
maaaring naganap noon na sinubukang burahin sa kasaysayan. Isa rin itong
daan sa pamamahayag ng mga tao at maaaring makapaghikayat at
makapagbigay liwanag sa kaisipan ng mga tao upang umaksyon sa mga
kaganapan lalo na para sa ating bayan.

2.
Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano ang
buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman
kung ano ang obserbasiyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.
Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng mga sulatin
ni Jose Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila.
Isang tradisiyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga tekstong
pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang
pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-
unlad ng panitikan.

Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga


karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-
asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-
aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan sa buong mundo.
Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano ang buhay
ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman kung ano ang
obserbasiyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.

Isang tradisiyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga tekstong pampanitikan.
Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay
ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.

3.
Iba’t iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan. Ayon kay Joey Arrogante,
ito ay talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng buhay, ang
buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap.

Samantala, ayon naman kay Zeus Salazar, ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri
ng lipunan. Sinasabi ring ito ay bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng
mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Ito ay isang kasangkapang lubos na
makapangyarihan. Maari itong gumahis o kaya'y magpalaya ng mga nagpupumiglas na ideya sa kanyang
sariling bartolina ng porma at istruktura. Sa isang banda, maituturing ang panitikan na isang kakaibang
karanasan. Ito ay naglalantad ng mga katotohanang panlipunan, at mga guniguning likhang-isip lamang.
Hinahaplos nito ang ating mga sensorya tulad ng paningin, pandinig, pang amoy, panlasa at pandama.
Kinakalabit nito ang ating malikhaing pag-iisip at maging sasal na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw din
nito ang ating nahihimbing na kamalayan. Lahat ng ito ay nagagawa ng panitikan sa pamamagitan
lamang ng mga payak na salitang buhay na dumadaloy sa ating katawan, diwa at damdamin. Ang
panitikan ay buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng bawat nilalang at
ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa sangkatauhan.

Ayon kay naman kay Terry Eagleton, maraming mga paraan para bigyang kahulugan ang panitikan.
Unang-una, maaari itong ituring na isang likhang-isip gamit ang mga malikhaing salita o talinghaga. Ito
ang tinatawag na “fiction”. Subalit nagbigay siya ng argumento na hindi lahat ng malikhaing akda ay
matatawag na panitikan. Kabilang dito ang mga komiks, pelikula, telebisyon, at pocketbooks (romance
novels) na bunga ng isang malikhaing pag-iisip subalit hindi itinuturing na panitikan.

Ikalawa, maaaring bigyang kahulugan ang panitikan dahil sa paggamit nito ng wika sa kakaibang paraan.
Batay sa argumentong ito, ang panitikan ay isang uri ng pagsulat kung saan kumakatawan ng isang
maayos na pagwasak sa karaniwang anyo ng pagsasasalita.[1] Binabagong-anyo at pinapasidhi ng
panitikan ang karaniwang wika, sistematikong lumilihis sa pang-araw-araw na pananalita. Kapag may
nagsabi sa akin ng “Ang tag-araw ay nasa iyong mga matang nangungusap” habang ako’y nakasakay sa
dyip, alam kong nasa presensiya ako ng isang ‘literary’ o maalam sa panitikan. Alam kong gayon dahil sa
ang kayarian, indayog at tunog ng kanyang mga salita ay labis sa kanilang kahulugang abstrakto. Umaakit
ng atensiyon ang kanyang mga salita, ipinapayagpag ang kanilang kalikhaang materyal. Ang depinisyong
ito ang sinaligan ng mga Formalist na umusbong sa bansang Rusya.

4.

Panahon ng Katutubo

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga
sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong,
tugmangbayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan,
alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa. May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan,
matitibay na kahoy at makikinis na bato.

Pananakop ng Kastila

Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-
asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon. (1) Panitikang Pamaksang Pananampalataya at
Kabutihang-asal Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga
unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay ang
mga uri ng dulang senakulo,santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sa panahong ito
nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; angDoctrina Christiana na nalimbag noong 1553 na isang
panrelihiyong aklat. Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 –
ang Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong Agosto 8,
1811 lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa – ang Del Superior Govierno na umabot
hanggang labinlimang tomo. (2) Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso Sa ikalawang bahaging ito ng
kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay
may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng
mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan. Nalathala ang mga pahayagang propagandista
na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na naglalayong“matamo ang pagbabagong
kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang
malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan
at demokrasya.”

Pananakop ng Amerikano

Sa panahong ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog
at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910
dahil sa mga bagong silang na manunulat. Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio
Apostol na sumulat ng mga oda para kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging
mga talumpati; si Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso ng
panitikang sosyalista; si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag
na ‘Huseng Batute;’ at si Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw ang
ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat ng imortal
na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na pinakaunang
nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang iba

Pananakop ng Hapon

Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon
ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong
wika sa bansa. Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong
Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa
pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito. Sa panahon
ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at
Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento. Dahil sa dinalang
haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon
ang mga Pilipino ng tanaga(maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)

Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan

Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial Awards for
Litetature. Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang
dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat na Rio
Alma) at Quintin Perez. Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag sa media gaya ng sa radyo,
telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at Victor Wood, ng
Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar na naging laman
ng mga jukebox. Mga lagaristang gaya nina Ricardo “Ricky” Lee (mayakda/Himala at Oro, Plata, Mata),
Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag) at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at
Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/Oro, Plata, Mata). Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na
Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang pinakatanyag na Pugad Baboy. Kinilala ang Eraserheads
(isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa pagpapasigla muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa
marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa Yano, Siakol, Green Department, the Teeth, Rivermaya at
Parokya ni Edgar.

Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, hindi
lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa
pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet.

http://www.chanrobles.com/presidentialdecreeno970.htm#.XiPWdcgzbIU

https://www.scribd.com/doc/159476691/35466487-Kasaysayan-Ng-Panitikan-Sa-Pilipinas#download

https://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan#Kaugnayan_sa_kasaysayan

http://astrodeus.blogspot.com/2008/06/panitikan-at-lipunan.html?m=1

Das könnte Ihnen auch gefallen