Sie sind auf Seite 1von 17

“LGBT”

Ang LGBT ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong


"lesbiyan, gay, biseksuwal, at mga transgender" (tomboy, bakla, dalawang kasarian, at
mga nagpalit ng kasarian). Ginagamit na ito simula pa noong dekada '90, na hango sa inisyal
na "LGB", at upang palitan ang pariralang "gay community", na ginamit noong dekada 80's,[1] na
kung saan marami sa napapaloob sa komunidad ang nadama na hindi ito ang tumpak na
kumakatawan sa kanila o sa sinuman na tinutukoy nito. Ang initialismong ito ang naging
pangunahing marka na ginagamit ng karamihan ng na nababase sa seksuwalidad at kasarian
ang pagkakakilanlan sa mga himpilan ng komunidad at medya sa Estados Unidos at sa ilang
pang bansang gumagamit ng wikang Ingles.
Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang pagkakaiba-iba ng
pagkakakilanlan base sa seksuwalidad at pangkasariang kultura na kung minsan ay ginagamit
upang tingnan ang kahit sino na hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo sa mga tao na
homoseksuwal, biseksuwal at transgender. Upang makilala ito , isang popular na titik ang
idinagdagdag, ang titik Q para sa mga kilala bilang queer at questioning o tinatanong kanilang
sekswalidad na pagkakakilanlan (halimbawa, "LGBTQ" o "GLBTQ", na naitala mula noong
1996).
Hindi lahat ay sang-ayon sa inisyalismong ito. Sa isang banda, ang ilang
mga intersex na nagnanais na sumama sa grupo ng LGBT ay iminumungkahi ang
pagdadagdag ng isa pang titik I sa inisyal "LGBTI" (naitala mula noong 1999 ). Ang "LGBTI" ay
ginagamit sa "The Activist's Guide" ng Yogyakarta Principles in Action. "LGBTIH" naman ang
nakitang gamit sa India para sa hijra o ang ikatlong kasarian at kaugnay nitong kultura.
Pinapanukala na rin ang paggamit ng "GSD" o gender and sexual diversity.
Bago magkaroon ng himagsikang seksuwal noong dekada '60, walang karaniwang
magandang salita sa talasalitaan para sa mga taong hindi hetereseksuwal; ang pinakamalapit
na salita noon ay "ikatlong kasarian", na nagsimula nang gamitin noon pang 1860 ngunit hindi
nagkamit ng malawak na paggamit sa Estados Unidos.
Homoseksuwal ang unang katagang ginamit, ngunit sinasabing may negatibo itong
konotasyon kaya't pinalitan ng homophile noong dekada 1950s at 1960s, at sa kinalaunan ay
ginamit ang salitang “gay” noong dekada 70. Nang ang mga lesbyan ay lumabas para
magkaroon ng isa pang pagkakakilanlan ang pariralang gay at lesbian ang naging mas
karaniwang ginamit. Ang Daughters of Bilitis ay nahati ng direksiyon noong 1970 sa pag-focus
sa isyung peminismo o karapatang pang bakla. Ang pagkakapantay-pantay ay isang
pangunahing layunin para sa mga peminismong-lesbyan, pagkakaiba ng mga tungkulin ng
lalaki at babae o Butch at femme ay tiningnan bilang patriyarkal. Ang mga peminismong-
lesbyan ay tinutulan ang gender role play na lumalaganap sa mga bar, pati na rin ang
pagtinging tsowinisma ng mga bakla. Maraming peminismong-lesbyan ang tumanggi sa
pakikipag-trabaho sa mga bakla, o sa kanilang mga dahilan. Ang mga lesbyan ang may
pagtinging essenyalista na naniniwalang sila ay ipinanganak na homoseksuwal at ang salitang
lesbyan ay kataga upang tukuyin lamang ang sekswal atraksiyon, madalas na itinuturing silang
separatista, sinasabing ang mga opinyon ng peminismong-lesbyan ang pumipinsala sa mga
panukala ng mga karapatang pang-bakla. Ito ay sinundan ng pag-usbong ng mga biseksuwal,
transgender na naghahanap din naman ng pagkakakilanlan sa komunidad Matapos ang
unang euporia ng mga kaguluhan sa Stonewall, simula sa huli 1970s at unang bahagi ng
1980s, nagkaroon ng isang pagbabago sa pagtingin, ilang gays at lesbians ay naging mas
mababa ang pagtanggap sa biseksuwal o transgender na tao.
“KARAPATANG PANTAO”
Ang mga karapatang pantao ay tumutukoy sa "payak na mga karapatan at
mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao." Kabilang sa mga halimbawa ng mga
karapatan at mga kalayaan, na karaniwang iniisip bilang mga karapatang pantao, ang mga karapatang
sibil at pampulitika, tulad ng karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sa pagsasalita, at
ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang
karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok sa kalinangan, karapatan sa pagkain, karapatang
makapaghanapbuhay, at karapatan sa edukasyon.

Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao sa Ontario [Ontario Human Rights Code]
(ang Alintuntunin) ay nagbibigay ng patas na mga karapatan at pagkakataon, at kalayaan mula sa
diskriminasyon batay sa iba’t-ibang mga dahilan. Kinikilala ng Alintuntunin ang karangalan at
kahalagahan ng bawat tao sa Ontario, sa pagtratrabaho, pabahay, mga pasilidad at mga serbisyo, mga
kontrata, at pagiging miyembro sa mga unyon, kalakalan o samahan ng bokasyonal. Inilalarawan
ng Alintuntunin ang “katayuan ng pamilya” bilang “pagiging nasa isang relasyon ng magulang at bata.”
Ito’y maaari rin nangangahulugang isang “uri" ng relasyon ng magulang at bata, na maaaring hindi batay
sa dugo o pag-ampon, pero batay sa pangangalaga, pananagutan, at pangako. Ang ilan sa mga
halimbawa ay ang pangangalaga ng mga magulang sa mga bata (sa pamamagitan ng pag-ampon, anak-
anakan, at amain/inahin), pangangalaga ng mga tao para sa mga tumatandang magulang o mga kamag-
anak na may mga kapansanan, at mga pamilya na pinamumunuan ng lesbian, bakla, bisexual o
transgendered na mga tao.

May ibat ibang halimbawa ang karapatang pantao , gaya nalang ng karapatang
mamuhay,kalayaan sa pagsasalita pagkakapantay pantay sa harap ng batas, mga
panlipunang karapatan, mga pangkalinangang karapatan , mga pangkabuhayang karapatan ,
ang karapatang makilahok sa kultura , ang karapatan sa edukasyon at marami pang iba. Ilan
lang yan sa mga karapatang pantao ngunit ang aking pagtutuunan ay ang karapatang
magsalita at maging malaya , ang dalawang karapatan na iyon ay maikokonekta natin sa
nararanasan ngayon ng mga pilipino sa bansang pilipinas patungkol sa drugs, aminin man
natin o hindi , alam ng mga pilipino na maraming pinapatay o pinapapatay ng dahil sa drugs
, pinapatay sila ng walang paglilitis , pinapatay sila kahit ang iba ay napagbintangan lang at
ang mas malala pa tinatanggalan sila ng karapatang magsalita at karapatang mabuhay na
nakapaloob sa karapatang pantao o human rights. Hindi pa nga lang na aaprubahan ni
pangulong duterte ang death penalty ay marami na agad pinapatay , paano pa kaya kung
naaprubahan na ito , paano kung pairalin nanaman ang kamay na bakal sa bansang ito ,
paano kung mangyari uli ang people power revolution dahil sa kanilang pinaglalabang
karapatan. Maraming katanungan ang bumabagabag sa atin ngayon lalupa’t marami ng
naipapatay ng dahil sa drugs . sa papaanong paraan pa kaya natin maipaglalaban ang
karapatang pantao kung mismong ating Pangulo ay sinusuway .
“REPRODUCTIVE HEALTH BILL”
Ang mga panukalang batas sa Reproduktibong Kalusugan(Ingles: Reproductive
Health bills na kilala bilang RH Bill) ang mga panukalang batas na inihain sa lehislatura ng
Pilipinas na naglalayon na siguruhin ang pangkalahatang paglapit sa mga paraan at
impormasyon sa pagkontrol ng panganganak at pangangalagang pang-ina. Ang mga
panukalang batas na ito ay naging sentro ng pambansang talakayan. Sa kasalukuyan ay
mayroong dalawang mga panukalang-batas na may parehong mga layuin: Panukalang batas
ng kapulungan Bilang 4244(House Bill No. 4244) o "An Act Providing for a Comprehensive
Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and
For Other Purposes"(Ang Aktong Nagbibigay ng Komprehensibong Patakaran tungkol sa
Responsable Pagiging Magulan, Reproduktibong Kalusugan, at Populasyon at Pag-unlad, at
Para sa Iba pang mga Layunin) na ipinakilala ng representatibong si Edcel Lagman ng Unang
Distrito ng Albay. Panukalang batas ng Senado Bilang 2378(Senate Bill No. 2378) "An Act
Providing For a National Policy on Reproductive Health and Population and Development"(Ang
Aktong Nagbibigay ng Pambansang Patakaran tungkol sa Reproduktibong Kalusugan at
Populasyon at Pag-unlad) na ipinakilala ni Senador Miriam Defensor-Santiago.

Bagaman may pangkalahatang kasunduan tungkol sa mga probisyon sa pang-ina at


pang-anak na kalusugan, may malaking pagtatalo sa pangunahing mungkahi na
ang pamahalaan ng Pilipinas at ang pribadong sektor ay magpopondo at magsasagawa ng
malawak na pamamahagi ng mga kasangkapang pang pagpaplano ng pamilya gaya
ng kondom, mga pill na pangkontrol sa panganganak at IUD habang ang pamahalaan ay
patuloy na nagpapakalat ng impormasyon sa mga gamit nito sa lahat ng mga sentro ng
pangangalagang pangkalusugan(health care facilities).

Ang unang beses na ang isang panukalang batas tungkol sa Reproduktibong Kalusugan
ay iminungkahi noong 1998. Sa kasalukuyang ika-15 Kongreso ng Pilipinas, ang mga
panukalang batas sa Reproduktibong Kalusugan na inihain dito ay isinulat ng Pinunong
Minoridad ng Kapulungan na si Edcel Lagmanng Albay na HB 96; representatibong Dale
Bernard Tuddao ng Iloilo, HB 101, mga representatibo ng Akbayan na sina Kaka Bag-
ao at Walden Bello, HB 513; representatibo Rodolf Biazon ng Muntinlupa, HB 1160,
representatibo Augusto Syjuco ng Iloilo, HB 1520, representatibo Luzviminda
Ilagan ng Gabriela. Sa Senado, si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay naghain ng kanyang
sariling bersiyon ng panukalang batas sa Reproduktibong Kalusugan. Noong Enero 31, 2011,
ang Komite ng Kapulungan ng mga Representatibo sa Populasyon at Mga Ugnayang pang-
Pamilya ay bumoto na pag-isahin ang lahat ng mga bersiyon sa Mababang Kapulungan na
pinamagatang "An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood,
Reproductive Health, and Population and Development, and For Other
Purposes"(Ang Aktong Nagbibigay ng Komprehensibong Patakaran tungkol sa Responsable
Pagiging Magulang, Reproduktibong Kalusugan, at Populasyon at Pag-unlad, at Para sa Iba
pang mga Layunin). Ang isa sa pangunahing pagkabahala sa panukalang batas na ito(ayon sa
komentong nagpapaliwanag dito) ay ang kasalukuyang populasyon ng Pilipinas ay gumagawa
dito na "ika-12 pinaka-mataong bansa sa buong mundo ngayon" at ang bilis ng pertilidad ng
mga kababaihang Pilipino ay nasa "itaas na bracket ng 206 mga bansa".
Same Sex Marriage
Ang same sex marriage ay ang pagpapakasal ng dalawang tao na may parehong
kasarian. Maaaring lalaki sa lalaki o kaya’y babae sa babae. Ang same sex marriage ay madalas
nagaganap kung ang isang tao ay hindi nasisiyahan sa pakikipagrelayson sa taong may ibang
kasarian sa kanya. Maaaring mayroon siyang hinahanap sa isang tao na makikita lamang sa
kapareho niya ng sex. Ang mga bagay na ito ay maaaring pisikal, mental o kaya’y berbal. Ang
taong ito ay maghahanap ng sinoman na makakapagpasaya sa kanya kahit ito pa ay kapareho
niya ng kasarian. Maari rin naman kung ang isang indibidwal ay isa ng homosekswal mula
pagkabata at tila’y naghahanap ng kanyang kapareho. Ngunit ang pinakamainam na dahilan ay
kung ang dalawang taong iyon ay natagpuan ang bawat isa sa nasasabing ‘fate’ o tadhana at
purong pagmamahal.

Ang same sex marriage ay lagi nang isang malaki at sensitibong usapin hindi lamang sa
bansa na talamak ang kristiyanismo, kundi maging sa buong mundo. Ang mga tao ay may kani-
kaniyang opinion ukol sa pagpapa-legal ng same sex marriage sa kani-kanilang mga bansa. In
the late 20th century, ang pagpapaligal ng kasalan sa pagitan ng dalawang taong magkapareho
ang sekswalidad ay lumaganap. Una ang Netherlands sa mga bansang ito. At noong July 22,
2016, same-sex marriage is legally allowed (nationwide or in some parts) in the following
countries: Argentina, Belgium, Brazil,
Canada, Colombia,Denmark, France, Iceland, Ireland, Luxembourg, Mexico, the Netherlands,
New Zealand, Norway, Portugal,South Africa, Spain, Sweden, the United Kingdom the United
States, and Uruguay. A similar law in Finland is not yet in force. Polls show rising support for
legally recognizing same-sex marriage in the Americas, Australia and most of Europe. However,
as of 2016 South Africa is the only African country where same-sex marriage is recognized, and
no country in Asia allows same-sex marriage ceremonies, although Israel accepts same-sex
marriages performed overseas. Ang pinaka dahilan kung bakit malaking usapin ang same sex
marriage ay dahil sinasabi na ito ay immoral, nakaka-iskandalo, at nakakadiri lalo na sa mga
taong mga relihiyoso o mga taong nagsasabing sila ay may malakas na pananampalataya sa
diyos dahil sa kanilang paniniwala ay, ang same sex marriage ay tiwalag sa bibliya.
sa sa mga isyu na kinakaharap ng ating bansa ngayon ay ang same sex
marriage. Parami na nang parami ang mga gustong magpakasal kahit parehas ang
kanilang kasarian. Ang isyu na ito ay patuloy na pinagdedebatehan hanggang ngayon
dahil marami pa rin ang hindi sumasang-ayon dito at hindi pa rin tumatanggap sa mga
taong LGBT. Hindi natin masasabi na ang same sex marriage ay hindi katanggap-
tanggap kung wala naman nasasaktan na iba ang mga taong may kaparehong kasarian
na gustong magpakasal. Ngunit, marami pa rin ang sumasalungat sa isyung ito, marahil
dahil sa impluwensya ng relihiyon at/o mga paniniwala sa kultura ukol sa kadalisayan
ng pagpapalagayang-loob (intimacy). Hanggang ngayon patuloy pa rin ang
pagkakaroon ng iba’t-ibang opinyon ukol sa isyung ito. Ang ating lipunan ay unti-unting
pa lamang namumulat sa mga iba’t ibang uri ng mga pagsasama maliban sa ating mga
alam at nakagawian. Hindi natin alam kung kailan matatanggap nang buo ng mga tao.
“DISKRIMINASYON”

Reaction:

Nakakalungkot lang sa panahon ngayon na dapat maranasan ng mga tao ang


diskriminasyon. Masakit man sa damdamin ngunit kailangan tanggapin na may mga taong
sadyang nanghuhusga ng kanilang kapwa. Hindi nako nagulat sa mga nangyayari dahil kasabay
ng aking paglaki ay nakita ko ang mga pagbabago na dulot ng diskriminasyon. Maaring malaki
ang dulot nito sa lipunan lalo nat mag papa apekto ka. Labis akong nalulungko at naiinis.
Lungkot dahil sa panahon ngayon ay wala parin tigil ang gantong paghuhusga. Bata man
matanda tomboy bakla or kahit ano pang estado mo sa buhay ay patuloy ka nilang huhusgahan.
Inis dahil hindi nila ginagawang inspirasyon ito sa kanilang pag bangon bagkus bina baba pa nila
ang kanilang sarili na mas lalo pang nagiging dahilan ng kanilang pagbagsak.

Reflection:

Ang buhay ay hindi madali dahil lahat tayo ay hindi perpekto, lahat tayo ay may
kahinaan at kapintasan. Ang pagkakaroon ng determinasyon sa pag abot ng pangarap ang
magiging daan sa pagkakaroon ng mga bagay- bagay na iyong inaasam makuha. Tandaan natin
na hindi lahat madadaan sa pera dahil ang pagmamahal at respeto sa kapwa ay makukuha sa
pagiging makumbaba at pagbibigay ng respeto sa kakulangan nila bilang mamamayan sa atin
bayan. Ang diskriminasyon ay ang pagtatrato ng masama sa isang tao o grupo. Maari rin itong
katulad ng paghihiganti sa kapwa. Dahil dito napipilipit, nabibigyan ng maling kahulugan, o
ipinagwawalang-bahala pa nga ng mga tao ang mga katotohanang salungat sa kanilang mga
opinyon. Lahat ng tao ay pantay-pantay sa mata ng Diyos. Subali't sa kabila nito, laganap pa rin
ang diskriminasyon sa buong daigdaig. Nakakalungkot mang isipin ang katotohanang ito ay
hindi lamang nagpapatunay na napakasama ng panahong kinabubuhayan natin, kundi
ipinakikita rin nito na talagang hindi perpekto ang tao. Kadalasan, dahil sa pride, nagiging
mapagmataas at mayabang ang tao. Kaya baka isipin niyang angat siya sa iba o maliitin niya ang
iba na mababa ang pinag-aralan o mahihirap. At kung naiisip naman niyang mas angat ang iba
sa kanya, sinisiraan niya ang mga ito at hinihila pababa upang sa gayon siya naman ang
nakataas-noo. Ang ganda sanang mabuhay sa mundo kung puro pagmamahalan lamang at
walang away o dili kaya ay diskriminasyon. Marami na kasing nasirang relasyon ang naidulot
nito. Tanggapin na lang kaya ang bawat isa. Lahat naman sa atin ay may pagkakaiba, ngunit
kung marunong tayong magpakumbaba at isipin na lamang ang ikakabuti sa isa't isa, marahil
hindi na tayo makikipagbangayan. Seeing the unfamiliar is the most familiar things, so learn to
accept it. Dahil sa diskriminasyon o bangayan man, yung tunay mong mga kaibigan ay nagiging
kaaway mo at yung mga kaaway mo naman ang nagiging kasangga mo, ngunit hindi mo alam na
sa pagtalikod mo, marami nang punyal ang nakataga sa'yo.
“SAME SEX MARRIAGE”

Reaction:

Una kong reaction dito nung bata pa ako ay pag katuwa. Dahil sa dinadaming tao
sa mundo ay parehas babae at lalaki pa ang natipunan nilang mahalin. Hanggang paglaki
ko ay pawing nagiging seryoso na ang lahat. Naiisip ko na ang lahat ng mga bagay ay
dapat may kalayaan. Kalayaan sa kung ano ang gusto nila. Gusto na dapat ay tama. Kung
hindi naman sila nakasasakit ng kapwa nila at walang nalalabag na batas ay para sa
nakararami ay tama lang ito. Ngunit sa paningin ng ating Diyos ay kamalian ito dahil
ginawa niya tayo na ang babae ay para sa lalaki at nag lalaki ay para sa babae lamang.

Reflection:

Ang natutunan ko dito ay sa panahon ngayon ay hindi mo na masasabi kung saan


ka mahuhulog, saan ka mapapaibig kaya siguro ang iba na akhit kaparehas nila ng
sekswalidad ay ok na. Hindi naman sa hadlang ako sakanila pero kailangan natin igalang
ang bibliya. Maraming mga tao ang malaya sa kanilang ginagawa ngunit tama nga ba
ito? Tama ba ito sa paningin ngating Diyos? Pinakatalamak na salitang ginagamit sa mga
taong homoseksuwal ang lesbyan o tomboy para sa mga babae at bakla o beki para sa
mga lalaki. Ang bilang ng tao na nagsasabi na sila ay bakla o lesbyan at ang bilang ng
taong may karanasang seksuwal sa katulad na kasarian ay mahirap sukatin para sa mga
mananaliksik dahil sa iba't ibang mga kadahilanan, kabilang na ang maraming mga bakla
ang hindi bukas sa paglaladlad dahil sa resulta ng homophobia at diskriminasyon. Ang
pagtingin ng lipunan tungo sa kaugnayan ng magkatulad na kasarian ay iba-iba ayon sa
panahon at lugar, mula sa ang lahat ay inaasahang magkaroon ng kaugnayan sa katulad
na kasarian, sa kaswal na pakikisama, sa pagtanggap ng lipunan, hanggang sa pagtingin
dito bilang isang maliit na kasalanan, at pagtuligsa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
mga batas at mga mekanismong panghusga, at paglalagay nito sa parusang kamatayan.
Karamihan sa mga bansa ay hindi ipinagbabawal ang pakikipagtalik ng may pahintulot sa
pagitan ng dalawang tao kung nasa wastong gulang na. Ang ibang mga hurisdiksiyon ay
kinikilala pa ang karapatan, pangangalaga at mga pribilehiyo para sa mga pamilya na
binubuo ng magkarelasyong magkatulad na kasarian, kasama na ang kasal ng
magkatulad na kasarian. Ang ilang bansa naman ay mahigpit na ipinagbabawal ito at
tanging mga heteroseksuwal na kaugnayan lamang ang kinikilala; at sa ilang
hurisdiksiyon ang mga kilos at gawang homoseksuwal ay ilegal. Maaaring maharap ang
mga nagkasala sa parusang kamatayan sa mga lugar gaya ng ilang lugar ng
pundamentalistang Muslim tulad ng Iran at ilang bahagi ng Nigeria.
“DISKRIMINASYON”

Ang 'diskriminasyon' ay ang paraan ng pagtrato sa isang tao o sa isang partikular na


grupo ng mga indibidwal lalo na sa masama o mas masahol na paraan dahil sa kanilang itsura,
kulay ng balat, paniniwala, kasarian , sekswalidad at iba pa.Ang diskriminasyon ay may
negatibong epekto sa pagkatao ng isang taong nakaranas nito. Halimbawa nito ay ang kawalan
ng tiwala sa sarili, pagka-inggit, pagkakaroon ng negatibong pananaw sa buhay at ang pinaka-
malala pa dito ay maging pagtapos ng sariling buhay.Ang diskriminasyon dahil sa lahi ay
maaaring mangyari sa antas ng institusyon o sistema, mula sa mga pang-araw-araw na
patakaran at mga istruktura na hindi naman talaga sinasadya o dinisenyo upang magdiskrimina.
Ang mga huwaran ng kilos, polisiya o mga kaugalian na bahagi ng mga istruktura ng isang
organisasyon o isang buong sektor ay maaaring kawalan o mabigo maibalik ang kasalukuyan
epekto at pamanang kawalan na makasaysayanng kinapootan dahil sa lahi. Ibig sabihin nito,
kahit na hindi mo balak na gawin, ang iyong “normal na paraan ng paggawa ng mga bagay” ay
maaaring may negatibong epekto sa mga taong kinapopootan dahil sa lahi.

Sa sektor ng edukasyon, maaaring kabilang sa sistemikong diskriminasyon ang: pag-


estereotipo na naglalagay ng mga estudyanteng kinapopootan dahil sa lahi sa mga programang
technical sa halip ng mga programang akademiko. At kapag ang kasanayan sa pag-aasenso ay
nagbibigay-diin sa mga sanhi ng kultura at organisasyon na batay sa mga karanasan ng mga
Puting guro, ang resulta ay maaaring mas mababa ang bilang ng mga tungkulin bilang ng mga
taong naapopootan dahil sa lahi gumaganap ng tungkulin bilang pinuno.
Ang propesyonal na pag-uugali ay inaasahan at iniaatas sa lahat ng empleyado ng ABM.
Layon ng Kumpanya ang ipagkaloob sa lahat ng empleyado ang isang kapaligiran sa
pagtatrabahong naayon sa mga pangunahing pagpapahalaga na Paggalang, Integridad,
Pagtutulungan, Inobasyon at Kahusayan. Ang mga empleyadong ginagalang at pinahahalagahan
at hindi nagagambala ng diskriminasyon, panghaharas, paghihiganti o iba pang mga anyo ng
hindi propesyonal o hindi katanggap-tanggap na pag-uugali ay maaaring ganap na makapag-
ambag sa kanilang mga kasanayan at talento upang mapahusay ang pagganap ng ABM. Sa
ganitong paraan, hindi pinahihintulutan ng ABM ang diskriminasyon o panghaharas sa trabaho
batay sa edad, ninuno, kulay ng balat, paniniwala sa relihiyon, kahilingan para sa / paggamit ng
leave para sa pamilya at medikal na pangangalaga, kapansanan (sa pag-iisip o pisikal) kabilang
ang HIV at AIDS, katayuan ng pagiging kasal, impormasyong panghenetiko, katayuan ng
pagiging militar at beterano, bansang pinagmulan, lahi, kasarian, pagkakakilanlan ng kasarian,
pagpapahayag ng kasarian, sekswal na oryentasyon, o iba pang katayuang pinoprotektahan ng
batas. Ang patakarang ito ay idinisenyo upang itaguyod ang kulturang sumusuporta sa ating
mga pangunahing pagpapahalaga. Upang matamo ang mithiing ito, ipinagbabawal ng
patakarang ito ang parehong iligal na pag-uugali at hindi propresyonal, opensibong pag-
uugaling nakakagambala sa teamwork at produktibidad. Ang patakarang ito ay iniaangkop sa
lahat ng empleyado ng ABM gayon din sa mga ikatlong partido gaya ng mga kostumer, vendor
at nangungupahan na nakikisalamuha sa mga empleyado ng ABM. Kabilang sa ipinagbabawal na
pag-uugali ang opensibo o mapanghamak na mga pasalitang komento o biro batay sa alinman
sa mga pinoprotektahang kategoryang nakalista sa itaas. Ang malalaswang paggalaw,
pagpapakita ng opensibo o ipinapakitang sekswal na materyal, hindi ninanais na sekwal na
pananamantala at pisikal na panghihipo o pagpipigil sa paggalaw ay pinagbabawal din. Ang
pagsuko sa mga sekswal na pananamantala upang makuha, mapanatili o sumulong sa isang
trabaho ay isang malubhang anyo ng sekswal na panghaharas. Kung ikaw ay hindi sigurado kung
ang iyong pag- uugali ay naaangkop para sa trabaho, itanong: “Nanaisin ko bang makita ang
aking pag-uugaling inilalarawan sa unang pahina ng dyaryo o sa balita sa gabi?” Kung ang sagot
ay “hindi,” itigil ang iyong ginagawa. Kung ikaw ay hindi sigurado sa sagot, ikaw ay dapat na
makipag-ugnay sa Human Resources.
Ang ABM ay dedikado sa pagkakaloob ng isang kapaligiran sa pagtatrabahong malaya sa
sekswal na panghaharas na labag sa batas. Mahigpit na ipinagbabawal ng ABM ang sekswal na
panghaharas ng o laban sa sinumang mga indibidwal na nakikibahagi sa aming mga
pagpapatakbo kabilang ang mga empleyado, (anuman ang posisyon), aplikante, intern, vendor,
kontratista, pumapangalawang kontratista, konsultant, o sinumang iba pang ikatlong partidong
nakikibahagi sa mga pagpapatakbo ng ABM. Kung ang naturang panghaharas ay nagawa sa
lugar na pinatatrabahuhan ng isang taong hindi empleyado ng ABM, ang pamamaraan sa pag-
uulat at pagrereklamo sa patakarang ito ay dapat pa ring sundin. Kabilang sa lugar na
pinatatrabahuhan ang: aktwal na lugar ng trabaho, iyong opisina, anumang lugar kung saan ang
kalakarang may kinalaman sa trabaho ay isinasagawa (sa panahon o pagkatapos ng normal na
oras ng pagpapatakbo ng negosyo), mga online o elektronikong.
“MAJOR CRISES ACROSS MIDDLE EAST”
Sa gitna ng lumalalang tensiyon sa Middle East bunsod ng napaslang na Iranian general dahil sa
air strike ng Amerika, nakiprotesta ang mga Pilipino sa Los Angeles, California upang
ipanawagan ang kapayapaan. Bitbit ng mga nagpoprotesta ang placards na may katagang "No
war to Iran," at kinondena ang naging utos ni US President Donald Trump na patayin si Iranian
Top Commander Qassem Soleimani, ang itinuturing na ika-2 pinakamataas na lider sa Iran."We
cannot support what Trump is doing because it's a criminal act by the United States," sabi ni
Fernando Fernando. "We find it really important for us to show solidarity with Iran and Iraq
fighting for their sovereignty, fighting against imperialism and fighting against the US
occupation and economic sanctions that are harming their communities," sabi naman ni Viva
Vargas.Ginawa nila ito kasabay ng pagmartsa ng libo-libong tao sa Iraq at Iran na nagluluksa sa
kamatayan ng kanilang lider at mga kasamahan nito.Nangako ng matinding paghihiganti ang
gobyerno ng Iran, dahilan para lumala lalo ang agam-agam na maaaring humantong sa
karahasan ang assassination kay Soleimani. Samantala, inabisuhan naman ng Blas Ople Policy
Center, isang organisasyong tumutulong sa distressed OFWs, na magdoble-ingat ang mga Pinoy
sa Middle East dahil sa posibilidad na monitored na ng gobyerno doon ang kanilang kilos at
galaw.Huwag na umanong mag-post ng mga political statements o comments sa social media at
maging maingat din sa mga ipinapadala sa e-mail. "Be very careful about what they post on
social media, i-assume na natin lahat na they are... being heavily monitored," ani Susan
Ople. Ugaliin ding dalhin ang mga passport at working permit kahit saan magpunta, dagdag ni
Ople.Giit naman ng Department of Foreign Affairs, handa silang mag-repatriate ng mga
Pilipinong nasa Iran na nais bumalik sa bansa. US reaction to Iranian hostility has not always
been proportional. When the country nationalized its oil industry in 1953—wresting control of
it from Western petroleum companies—the United States orchestrated a coup, ousting the
democratically elected Mohammad Mosaddegh.

And on Thursday, following violent Iranian-organized protests outside the US embassy in


Iraq and apparent intelligence reports of an “imminent attack” against Americans, the US
military assassinated one of the country’s most revered generals: the leader of the elite Quds
Force, Qassem Soleimani. Now the two nations are at the brink of war.It didn’t have to be this
way. In the last 20 years, the US had several opportunities to leverage world events to reinvent
its relationship with Iran.After the Sept. 11 attacks in 2001, the United States weighed whether
to invade Afghanistan, where the Taliban-controlled government protected al Qaeda leader
Osama bin Laden. It also debated invading Iraq, an opportunistic move based on imaginary
reasons. Both Afghanistan and Iraq were enemies of Iran. Soleimani’s forces had long
supported the Afghan resistance against the Taliban. And Iran loathed Saddam Hussein. So in
the run-up to the US war in Afghanistan, Soleimani shared vital intelligence with the Americans.
He could have been an equally valuable ally in Iraq. American diplomats in the region saw an
opportunity to “flip an enemy into a friend.”But the opportunity was throttled when in 2002, to
the shock of US diplomats, George W. Bush listed Iran as part of his “Axis of Evil.” All diplomacy
with Soleimani stopped that day. The general would go on to influence events in Iraq for the
next two decades, often to America’s peril, and to target with deadly force US interests across
the region.Another opportunity for peace came in 2015, when the Obama administration
negotiated a deal with Iran to limit its nuclear weapons program in exchange for lifting
sanctions. It was a major diplomatic achievement, but Donald Trump scuttled the deal when he
reimposed sanctions, arguing it didn’t go far enough to limit Iran’s “malign” influence in the
Middle East. Back-and-forth micro-aggressions followed, culminating in Soleimani’s death.
“LGBT”

REACTION:

Sa una hindi ko matanggap na sa panahon ngayon ay may mga ganoong tao na dahil sa
aking paglaki ay natutunan ko na ang lalaki ay para sa babae. Pero sa aking pansin ay hindi
naman nakasasama ito sa ating lipunan dahil wala naman silang ginagawang labag o hindi
naman sila nakasasakit ng ibang tao. Tinitignan ko nalang sa parte na ang lahat ng tao ay may
kalayaan na dapat lahat ay natatamasa. Sa ating bansa ay malaya silang nakapipili ng kanilang
makakapiling sa buhay ngunit pansin ko na kapalit nito ay diskriminasyon. Batid ko din ang
kabutihan ng ibang parte ng lgbt dahil kadalasanan ay mga kaibigan o kaklase ko sila. Hindi ko
man sila mapilit na dapat maging angkop sa lipunan ay sinusuporthan ko nalang sila na alam
kong hindi ako makakasakit. Sa una ay hindi ako makapaniwala na bat may mga ganoong tao
kasabay ng aking paglaki ay medyo naiintindihan kona ang lahat ng tao ay may kalayaan,
kalayaang pumili kalayaang mabuhay kung sino ang gusto nila makasama sa kanilang pagtanda.
Ngunit lagi ko lang iniisip na sa patuloy na paglaki ng kanilang populasyon ay lumalaki din ang
diskriminasyon sakanila. Kadalasan ay wala silang laban dahil ang lahat ay pawing
pinagtutulungan sila. Ngunit may natitira paring mga tao na may pag aalaga at may pag aalala
sakanila.

Reflection:

Marami akong natutunan sa topic na ito isa na dito ang pag galang sa isat isa. Ang
pagsisisi at hiya ay ang mga karaniwang unang nararamdaman ng mga magulang ng mga LGBT,
ngunit hindi ang mga magulang ang nagiging sanhi ng pagiging LGBT ng kanilang mga anak.
Walang nalalamang salik ng kapaligiran na “nagiging sanhi” ng pagiging LGBT ng isang tao. Ang
pagiging LGBT ay ang pagiging totoo lang ng bata. Napag-alaman sa pananaliksik na ang
pagtanggap ng pamilya ay nagsusulong ng kalusugan at pangkalahatang kagalingan.
Nababawasan ng pagmamahal at suporta ng pamilya ang mga gawing mapanganib at
nakakasira sa sarili, gaya ng pang-aabuso sa bawal na gamot, mga sanhi ng peligro sa kalusugan,
at pagpapatiwakal. Maraming batas sa karapatang sibil na pang-estado at munisipal ang
pumoprotekta sa mga taong LGBT. Gayunpaman, patuloy ang posibilidad ng diskriminasyon
para sa mga naiiba. Responsibilidad natin ang gumawa ng mundong puno ng pagkakapantay-
pantay, kaligtasan at respeto para sa bawat isa anuman ang lahi, etnisidad, relihiyon, likas na
pinagmulang lugar, katayuan sa imigrasyon, sekswal na oryentasyon o pagkakakilanlang
kasarian. Beginner

MahaLagang isaalang alang ang gantong isyu sa ating lipunan, dahil may mga bagay
tayong hindi naiintindhan sa mga pinag dadaan ng mga bawat taong kabilang sa kumunidad ng
LGBT. maiging maintindhan natin ang bawat sulok ng kanilang pinag lalaban. kase ang ibang
kabilang dito ay may depresyon na nauuwi sa pag papakamatay ng dahil sa mga maling pag
intindi at pang unawa kahit na mga magulang nila hindi makaintindi minsan. pang unawa at pag
intindi sa sitwasyon ang kailangan. Ang sekswal na panliligalig o pang-aasar ng isang tao dahil sa
kanilang kasarian, o sekswal na oryentasyon ay hindi tinatanggap. Ito'y labag sa batas. Kung
yung mga pangit o lampa, at minsan yung mga may kapansanan ay binu-bully, sila (LGBT) ay
nakakaranas din ng ganoon. Kung yung mga kababaihan na ilang daang taon nang pinaglalaban
ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ay napagkakaitan pa rin, mas lalo na sila na unti-unti
pa lang natatanggap ng lipunan. Kung ang "straight" ay naloloko sa relasyon at paulit-ulit na
nasasaktan at nate-take for granted, ganun din sila. Kung yung mga Pinoy at Asians ay
nakakatanggap pa din ng pambu-bully ng mga racists sa modernong daigdig na ito, ganun din
sila. ano ang "bottom line" .
“KARAPATANG PANTAO”

Reaction:

Sa panahon ngayon, nakakalungkot lang isipin na hindi lang materyal na bagay ang
pinatutungkulan nito kundi pati na rin ang karapatan ng tao. Ang karapatan, kung ating iisipin
ay isang bagay na libre, na hindi kailangang bilhin, hindi kailangang hingin, hindi kailangang
magmakaawa sa iba para matamasa at higit sa lahat, hinding hindi ito dapat ipagkait sa
iyo.Human Rights o Karapatang Pantao – para sa akin, ang ibig sabihin nito ay, “Kung ikaw ay
tao, dapat meron ka nito.” dahil kakabit na ng iyong pagiging tao, mula pa lang sa pagbubuntis
sa iyo ang mga karapatan mo bilang tao.Nakakalungkot mang aminin, ngayon dito sa atin, tila
isa isa nang nawawala at nalalapastangan ang mga karapan ng mga tao. Isa na rito ay ang
karapatang mabuhay. Sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa, kabikabila na ang nababalitan
nating pagpaslang – karamihan ay dahil isyu sa droga. Marami sa mga kaanak ng namamatay
na umano’y user at pusher ang nagsasabing pinapatay nang walang kalaban-laban ang
mga ito.May nagawa mang mali sayo ang tao, wala pa rin tayong kaarapatang pumatay ng tao
lalo na kung gagamitin natin ang ating kapangyarian at posisyon para gawin ito.Sa isyu naman
ng karapatan sa pagmamay-ari, andyan naman ang daan-daang katutubo na ipinaglalaban ang
kanilang karapatan sa kanilang lupa. Nalalabag ang kanilang karapatan dahil sapilitang kinukuha
gamit ang dahas, pananakot at pagbayad ng mga pekeng datu na pipirma sa kasunduan ng
pagmamay-ari sa lupa para lang makuha ang lupain sa kanila. Ang mas nakakalungkot dito ay
kinukuha sa kanila ang mga lupang ito para pakinabangan ng mga dayuhan. Dayuhan ang
nakikinabang at nagpapapasasa sa ating bansa at yaman nito samantalang ang mga Pilipino ay
nagdurusa – pinapatay, sinasaktan, walang trabaho, walang makain at kukunin pa ang lupang
dapat naman ay sa kanila.

Reflection:

Sabi nga ng marami, sa panahon ngayon, dahil sa hirap ng buhay, wala nang libre.
But i beg to disagree with that dahil meron pa. At sa kontekstong yan, halos materyal na
bagay ang kanilang ibig sabihin. Pero sana, materyal na bagay nga lang. Ngunit hindi
lang paglabag sa karatapan ang nangyayari sa atin ngayon. May mga karapatan din
naaabuso na unti-unti ng ilan, tulad ng karapatan sa malayang pagpapahayag ng mga
saloobin lalo na dahil sa pag-usbong ng iba’t ibang social media sites. Hindi ko na
papangalanan ngunit ang isang halimbawa dito ay isang sexy star na walang tigil sa
pagpopost ng kung anu-ano sa kayang mga accounts na wala namang sapat na
basehan.Human Rights, Karapatang pantao – hindi lang ito para sa iyo o para sa isang
grupo, ito ay para sa lahat, basta tao ka. Kaya dapat natin itong ibigay sa lahat,
mapakung sino man sya. Ngunit ang karapatan, kahit ito’y libre ay di dapat abusuhin.
“REPRODUCTIVE HEALTH BILL”

Reaction:

Lubhang mataas ang bilang ng mga kababaihan na edad 15 hanggang 19


ang nabubuntis na wala sa panahon. Biglaan ang pakikipagrelasyon. Napasubo
sa maagang pakikipagtalik at ang resulta ay ang pagbubuntis. Iglap lang ang
nadamang kaligayahan sa pagsasanib nang nagbabagang katawan at ang
kasunod ay ang pagpasan sa responsibilidad na hindi nila lubusang
napaghandaan. Sila rin ang kawawa sa dakong huli at damay rin ang kanilang
mga isisilang. Isa sa mga pinangako ni President Duterte noong
nangangampanya pa lamang noong 2016 ay ang family planning program. Nang
mahalal sa puwesto, hindi pa rin nagbabago ang paninindigan niya sa
reproductive health at dapat itong malaman ng mga kabataan. Kaya magandang
pagkakataon ito para sa kasalukuyang gobyerno na maisulong ang RH at
maituro rin ang kagandahan ng pagtuturo ng sex education sa mga bata. May
mga kabataan ngayon na inilalagay ang buhay nila sa peligro. Dahil hindi pa
handa sa pagbubuntis may mga nagpapa-abort. Kagaya ng nangyari sa isang
babae sa isang motel sa Sta. Cruz, Maynila na ini-abort ang kanyang
pinagbubuntis. Naubusan umano ng dugo ang biktima at patay na nang
matagpuan ng room boy. Nakita sa kuwarto ang mga gamot na ininom ng
biktima para i-abort ang pinagbubuntis. Masakit ang nangyari sapagkat kasama
siyang namatay.Ngayong inalis na ang TRO sa RH, dapat magsumikap pa ang
pamahalaan para maikampanya sa mga “nene” at “totoy” ang kahalagahan ng
RH law. Nararapat na maiplano ang pamilya at mailigtas sa kapahamakan dulot
nang maagang pagbubuntis.

Reflection:

Sa pamamagitan ng batas na RH Law, mas madaling maaabot ng mga pamilyang


Pilipino ang mga pamamaraang makatutulong sa pagkontrol ng panganganak. Ang mga
gamot na iniinom (birth control pills), konsultasyon ukol sa reproductive health, at ilan
pang komplikadong pamamaraan gaya ng pagkakabit ng IUD ay dadalhin sa mga
barangay health center upang mas mapalapit sa mga pamilya. Ang mga serbisyong ito ay
tinitiyak na makukuha sa mas murang halaga at abot-kaya ng lahat kahit pa ang mga
pamilyang hirap sa buhay. Dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa reproductive
health, marami ang nakakaranas ng hindi inaasahang pagbubuntis. At dahil dito, marami
ang humahantong sa desiyon ng aborsyon o pagpapalaglag ng bata. Layunin ng RH Law
na pababain ang mga kaso ng hindi inaasahang pagbubuntis, gayundin ang mga kaso ng
aborsyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kaalaman at mas madaling
pagpapaabot ng ligtas at modernong kontrasepsyon.
Reaction:

Lubos akong nalungkot sa nangyayari sa ating mundo na sa dami dami ng pwedeng


pagkaabalahan ay ang pag aaway pa. Kung ating obserbahan ng maigi ang takbo ng ating
pamahalaan ang isang bagay na agad ay ating makikita ay ang kawalan ng pagkakaisa at
pagkakaunawaan sa marami sa ating mga namumuno at mga halal na opisyales ng bayan
tungkol sa plano at direksyon ng pamamahala at sa mga programa na dapat ipatupad. Kahit na
ang mga magaganda at maayos na mga proyekto na nais ipatupad ng mga nasa kapangyarihan
ay kinikwestyon ng mga nasa kabila imbes na suportahan upang mapadali ang pagpapatupad at
makamit naman ng taong bayan ang mga benepisyo nito. Ito ang nagiging sanhi ng mabagal na
pag-usad ng ating bansa at tayo ay napag-iiwanan ng ating karatig bansa sa Asya.

Reflection:

Ako ay sumambit na ako po ay isang Universal Religion o tinatawag na Pandaigdigan


Relihiyon. Ang sabi ng nagtanong ako ay nilulukuban ng masamang espiruto dahil maraming
sinasamba. Ngunit ako ay hindi nasaktan; bagkus ako ay sumagot nang matiwasay at ang aking
binigkas ay ano man ang ating relihiyon, muslim man o kristiyano, Bhuddist man o Hinduism,
iisa lang ang ating layunin sa buhay, ang magkaron ng matiwasay at masayang mundong may
kapayapaan. Mahilig tayong manisi ng maling katiwalian ng gobyerno, Pero hindi natin
magawang isipin na baka tayong mamamayan din ay may pagkukulang. Ito ang aking napuna
kung bakit hindi natutupad ang ating madalas na kahilingan sa ating laging pagdarasal: ang
magkaroon ng mundong kapayapaan. Kulang tayo sa gawa at hindi natin isinasapuso ang ating
pagdarasal. Hanggang kailan kaya ang hindi pagkakaunawaan ng tao? Hanggang kailan kaya
hindi magkakasundo ang ating Gobyerno? Malapit na naman ang halalan dito sa Pilipinas; may
kanya-kanya na namang grupo ng mga mangangampanya. Payabangan, Patalbugan at Siraan.
Dahil sa halip magkaisa na lang at magkasundo at pag-aralan ang ikakaayos ng bansa, ang
maririnig natin sa radyo, telebisyon at entablado kapag sila ay nangagampanya na maraming
plataporma na hanggang plataporma lang ang alam at pagkatapos ng halalan, madalas walang
natutupad sa kani-kanilang mga adhikain o ipinangako sa taong bayan. Hay, buhay nga naman.
Di ba ang gulo? Wala na ngang giyera ,pero magulo pa rin. Tulad na lang ng napapabalitang
pinag-aagawan na lugar ng China at ng Pilipinas, Ang tanong sa aking isipan ay bakit nila pinag-
aagawan? Sila ba ang gumawa ng kalikasan? Nabili na ba nila ang mundo? Walang sino man ang
nagmamay-ari ng mundo kundi ang lumikha lang ang nagmamayari. Mga tinitirikan ng ating
barong-barong ay isa lamang hiram. Ito ay ang lumikha ng ating kinakatayuan ngayon. Kapag
tayo ay namayapa sa ating kinakatayuan ngayon, hindi natin lahat madadala sa kabilang buhay
ang lahat ng iyan. Kaya gawin natin ay magkaisa tayo, ano man lahi o ano man relihiyon. Dahil
tayo na ding mamamayan o mga tao ang may kamalian. Hindi tayo makuntento kung anong
mayroon tayo. Marami sa ating nagtatrabaho ng ibang bansa para matupad ang pangarap,
ngunit hindi lahat ay pinapalad. Marami din sa ating nagtratrabaho dito sa sariling bansa na
hindi makuntento sa liit ng sahod. Ngunit kapag nakamit nila ang laking sahod laging may
kakulangan pa rin; hindi parin makuntento sa buhay.

Das könnte Ihnen auch gefallen