Sie sind auf Seite 1von 1

AP 10: HISTORIKAL NA PAG-UNLAD NG KARAPATANG PANTAO

539 B.C.E
 Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia ang Babylon
 CYRUS CYLINDER
 Baked-clay cylinder na naglalaman ng:
1. Pagkakapantay ng lahi
2. Kalayaang pumili ng relihiyon
3. Kalayaan mula sa pang-aalipin
 Tinaguriang “world’s first charter of human rights”
 Kinakitaan din ng kaisipan sa karapatang pantao ang mga bansang India, Greece at Rome.
 Ang pagtatatag ng relihiyon sa Asya tulad ng Hinduism, Kristyanismo, Buddhism, Taoism at Islam ay
nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa moralidad, dignidad ng tao at tungkulin nito sa kapwa.
1215
 Magna Carta Libertatum
 Tinatawag ding Great Charter of Liberties
 Nilagdaan ni Haring John I ng England noon June 15, 1215
 Ito ay naglalaman ng:
1. Hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawian ng ari-arian ang sinuman nang walang pagpapasiya
ng hukuman
2. Paglilimita sa kapangyarihan ng hari
1628
 Petition of Right
1. Hindi maaaring magpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament
2. Pagbabawal ng pagkulong ng walang sapat na dahilan
3. Pagbabawal sa pagdeklara ng batas militas sa panahon ng kapayapaan
1787
 Inaprubahan ng United States Congress ang kanilang Saligang Batas sa panahon ng panunungkulan ni
Pang. George Washington.
 Naglalaman ng Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791. Ito ay nagbibigay proteksyon sa
lahat ng mamamayan at sa iba pang naninirahan sa bansa.
1789
 Natagumpay ang French Revolution na wakasan ang pamumuno ni Haring Louis XVI
 Nilagdaan din ang Declaration of Rights of Man and the Citizen na naglalaman ng kanilang mga
karapatan
1864
 First Geneva Convention – dinaluhan ng labing-anim (16) na mga bansa at ilang estado sa US upang
magpulong sa Geneva, Switzerland. Layunin nitong isaalang-alang ang pag-aalaga sa mga may sakit at
sugatang sundalo nang walang diskriminasyon.
1948
 Itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission
 Eleanor Roosevelt – tagapangulo ng HRC
 Nilagdaan at ipinatupad ang Universal Declaration of Human Rights, ang kasalukuyang nangangalaga
sa karapatang pantao sa modernong panahon

Das könnte Ihnen auch gefallen