Sie sind auf Seite 1von 2

ILIGAN CAPITOL COLLEGE

Mahayahay, Iligan City

Basic Education Department


ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Lagumang Pagsusulit
S.Y. 2019– 2020

Pangalan: _ Petsa: _
Grado/Seksyon: _ Permit Number: _
Guro: Bb. Iris H. Leuterio Iskor: _

I. TAMA o MALI. Isulat ang salitang EKONO kung ang pangungusap sa bawat bilang ay tama at kung mali naman isulat
ang MIKS.
_______ 1. Ang ibig saihib ng “ oikonomia” ay ang pamamahala ng sambahayan.
_______ 2. Ang pagakakaroon ng kakapusan sa pinagkukunang yaman ay dahil sa pang-aabuso ng mga halaman.
_______ 3. Kapag mataas ang presyo, lumilipat ang konsyumer sa mga alternatibong produkto na mas mababa ang
presyo.
_______ 4. Kailangan munang matugunan ng tao ang mga pangunahing pangangailangan bago umusbong ang
panibagong pangangailangan.
_______ 5. Ang demand ay ang dami ng produkto o serbisyo na nais bilhin ng konsyumer.
_______ 6. Nagiging mabili ang imitasyon na gamit kaysa sa branded items sa mayayamang bansa.
_______ 7. Kahit sa loob ng paaralan ay posibleng magkaroon ng pamilihan.
_______ 8. Hindi isinasaalang-alang ng suplayer kahit kalian ang konsyumer.
_______ 9. Ang pagdami ng mga tao ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng demand
_______ 10. Nagbabago ang gusto ng mamimili ayon sa uso,klima,edad at sa epekto ng pag-eendorso sa media
_______ 11. Ang serbisyo ginagawa ng tao ay may maalaking kontribusyon sa nangyayari sa ekonomiya ng bansa.
_______ 12. Ang kagustuhan ng tao ay nababago dahil sa pagbabagong nagaganap katulad ng edad at trabaho.
_______ 13. Nagiging panlipunang suliranin ang kakapusan kapag hindi nakakamit ng tao ang kanyang layunin.
_______ 14. Ang budget ay ang halagang inilalaan upang tugunan ang isang pangangailangan o kagustuhan.
_______ 15. Ang kalungkutan ay dulat ng sobrang pagmamahal ng mga tao sa inyong paligid.

II. Bilugan ang tamang sagot sa bawat tanong o pangungusap.


1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa kanyang ____________ na
pinagkukuang yaman upang matugunan ang kanyang ______________ na pangngailangan.
a. Sapat; walang hanggang c. Limitado; walang hanggan
b. Sapat; may hangganan d. Limitado; may hangganan
2. Nasasaklawan ng ekonomiks ang mga sumusunod maliban sa _____________.
a. Kakapusan b. Produksyon c. Distribusyon d. Pagkunsumo
3. Isang bagay na dapat ay mayroon ka at hindi maaaring wala. Ano ito?
a.pagkain b.alahas c. puhunan d.pangangailangan
4. Ang mga sumusunod ay mga suliraning pangka- buhayan na nangangailangan ng solusyon. Alin ang hindi kabilang?
a. napakahabang trapiko sa kamaynilaan c. kakulangan ng tirahan
b. paniningil ng buwis ng pamahalaan d. kawalang ng mapapasukang trabaho
5. Paniniwala na ang estado ang dapat kumontrol ng yaman ng bansa.
a.utilitarianism b. komunismo c.laissez faire d.oeconomicus
6. Ito ay pag – aaral na nagnanais maunawaan ang hiwaga ng buhay at realidad.
a. Sikolohiya b. History c. Pilosopiya d. Geography
7. Pag – aaral ng nakaraan sa pamamagitan ng pagkilala at interpretasyon ng mga materiyal na labi o remains.
a. Archeology b. History c. Psychology d. Geography
8. Pag – aaral sa Gawain ng mga indibidwal na mamimili, negosyante o pamilihan.
a. Agham b. Pulitika c. Maykroekonomiks d. Makroekonomiks
9. Pag – aaral ng ekonomiya sa kabuuan.
a. Agham b. Pulitika c. Maykroekonomiks d. Makroekonomiks
10. Ang pinakamataas na pangangailangan ayon kay Abraham Maslow ay______.
a. Pangkaligtasan b. Pisyolohikal c. Kaganapang pagkatao d. Makisapi & magmahal
11. Ang kakulangan sa _______ ay maaring maging sanhi upang siya ay makaranas ng karamdaman at panghihina ng
katawan.
a. Pangkaligtasan b. Pisyolohikal c. Kaganapang pagkatao d. Makisapi & magmahal
12. Upang makuha ang isang bagay, kailangang isakripisyo ang iba ito ay nagpapakita ng __________.
a. Opportunity cost b. Trade-offs c. Production Possibility Frontier (PPF) d. Allocation
13. Ang halaga ng bagay na handang isuko o bitawan upang makamit ang isang bagay.
a. Opportunity cost b. Trade-offs c. Production Possibility Frontier (PPF) d. Allocation
14. Nagtatakda sa hangganan ng lahat ng kumbinasyon ng kalakal at paglilingkod na maaring maprodyus.
a. Opportunity cost b. Trade-offs c. Production Possibility Frontier (PPF) d. Allocation
15. Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala ng lipunan.
a. Market Economy b. Traditional c. Mixed Economy d. Command Economy
16. Ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo ay nagaganap sa malayang pamilihan.
a. Market Economy b. Traditional c. Mixed Economy d. Command Economy
17. Ang ekonomiya ay nasa kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
a. Market Economy b. Traditional c. Mixed Economy d. Command Economy
18. Hinahayaan ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaring manghimasok ang pamahalaan sa presyo at
kaligtasan ng mamimili.
a. Market Economy b. Traditional c. Mixed Economy d. Command Economy
19. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay para
tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang
iyong maimumungkahi upang mapagaan ang problema sa pananalapi ng iyong pamilya?
a. Huwag nang gastusin c. Bumili ng mura ngunit masustansyang pagkain
b. Huminto muna sa pag-aaral d. Maghanap ng trabahong malaki ang suweldo
20. Maaaring ang taong nasa mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang
maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa kaniyang mga obligasyon at gawain. Ito ay nagpapakita ng aling
salik na nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan ng tao.
a. Edad b. Antas ng Edukasyon c. Katayuan sa Lipunan d. Panlasa

III. PAGTUTUGMA. Pagtugmain ang mga iba’t- ibang paniniwala tungkol sa ekonomiks ng bawat ekonmista. Isulat ang
titik lamang.
Hanay A Hanay B.
_____1. Division of labor a. Aristotle
_____2. pagbibigay halaga sa kalikasan at paggamit ng wasto sa mga yamang likas b. Plato
_____3. Doktrinang Laissez- faire c. Mercantilist
_____4. Law of Diminishing Marginal Returns d. Xenophon
_____5. Malthusian Theory e. Tableau Economique
_____6. Paglikom ng yaman sa paggamit ng mga likas na yaman tulad ng lupa, f. Francois Quesnay &
ginto, at pilak Physiocrats
_____7. Pribadong pagmamay-ari g. Adam Smith
_____8. Mabuting pamamahala at pamumuno “Oiconomicus” h. Karl Marx
_____9. May Akda ng Aklat “ Das Kapital” – aral ng komunismo i. David Ricardo
_____10. Nagpapakita ng paikot na daloy ng produkto at serbisyo sa ekonomiya j. Thomas Robert Malthus

IV. Ilarawan ang Hirarkiya ng Pangangailangan ni Maslow’s at magbigay ng isang halimbawa sa bawat hirarkiya.
(10pts)

Das könnte Ihnen auch gefallen