Sie sind auf Seite 1von 2

ISYU SA KARAPATANG PANTAO

Ano ang karapatang pantao?


Ang karapatang pantao ay tumutukoy sa "payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat
na matanggap ng lahat ng mga tao.

I. Ang Paglabag sa Karapatang Pantao


• Ano nga ba ang ilan sa mga karapatang pantao at paano ito nalalabag?
Ang lahat ng tao ay may karapatang mabuhay nang malaya at may dignidad. Lahat ng tao
ay may karapatang mabuhay at manirahan kung saan niya gusto. May karapatan din siyang
magdesisyon at makilahok sa pamayanan. Maaari ring mabuhay ang isang tao sa isang lipunan at
isulong ang sarili niyang kapakanan. May karapatan din siyang isulong ang kanyang kabuhayan
at lumahok sa mga buhay-kultural ng pamayanan. Ang pagpatay, anumang uri ng karahasan ay
maituturing na paglabag sa karapatang pantao na mabuhay ng payapa, malaya at walang
pangamba.

II. Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao


• Ano-ano ang mga epekto ng paglabag sa kaprapatang pantao? Saan at paano nagaganap ang
mga paglabag sa karapatang pantao?
Ang paglabag sa karapatang pantao ay maaaring maganap kahit saan sa kahit anong oras:
maaaring sa tahanan, paaralan, pamayanan, o sa kung saan pang lugar. Nagdudulot din ng mga
masasamang epekto sa atin ang paglabag sa karapatang pantao; pisikal, tulad ng pananakit dahil
sa pagdidisiplina sa tahanan, sikolohikal, maaaring makuha sa mga nasasabing masasakit na
salita galing sa kahit sinong tao, at ang huli ay ang istruktural, hindi pagtamasa sa mga nararapat
na karapatang matamo.

III. Kasarian at Seksuwalidad


• Ano ang kasarian? Ano ang seksuwalidad? Ano ang karapatang pantao patungkol dito?
Ang kasarian ay tumutukoy sa pagkakaiba ng lalaki at mga bahae, samantalang ang
seksuwalidad ay ang paraan kung paano nagiging attracted ang isang tao sa isa pa. Naaayon rin
sa aralin na ito ang isang karapatang pantao, ang gender equality, ito ay isang
napakamakahulugang karapatan, dahil ipinapakita nito na lahat ay magkakatulad, at lahat ay may
pantay-pantay na karapatan.

IV. Reproductive Health Law (RH Law)


• Ano ang RH Law at ang kahalagahan nito?
Ang Reproductive Health Law (RH Law) ay isang batas na tumutuligsa sa mga
pinakamahihirap na isyu sa ating bansa ngayon, tulad ng maagang pagbubuntis, abortion, at
pagkalat ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Nakakatulong ang RH Law sa
pamamagitan ng family planning, population development programs, at iba pang mga programa
o operasyon na inihahatid ng pamahalaan sa pamayanan at sa mga mamamayan.

V. Same Sex Marriage


• Ano ang same sex marriage? At ano ang opinyon ko patungkol dito.
Ang Same Sex Marriage ay ang kasalan ng dalawang tao na may parehong kasarian,
reulta ito ng pagiging homoseksuwal, o pagkakaroon ng gusto sa isang taong hindi dapat
gustuhin. Ligal na ito sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, ngunit sa Pilipinas, patuloy pa ring pinag-
uusapan kung papayagan ba ito ng batas. Para sa akin, maaaring payagan ang ganitong uri ng
kasal sa ating bansa, dahil may karapatan ang lahat ng tao na umibig, magpapatunay lang ito na
hindi hadlang ang kasarian sa dalawang taong nagmamahalan. Wala namang masama kung
tayo’y susuporta dito, lahat naman tayo ay tao at pantay-pantay ang ating karapatan.

VI. Prostitusyon at Human Trafficking


• Ano ang Prostitusyon at Human Trafficking? At paano ito nakakaapekto sa ating bansa?
Ang Prostitusyon ay ang pagkita ng pera sa pamamagitan ng pakikipagtalik, samantalang
ang Human Trafficking naman ay pagbebenta ng mga tao sa isa pang katransaksyon.
Naaapektuhan nito ang karapatan ng isang tao, nilalabag nito ang pisikal, emosyonal at
istruktural ng isang indibidwal. Bilang tulong, gumawa ng mga batas ang ating bansa upang
mawala na ito ng tuluyan, ngunit dahil sa kahirapan, nawawalan na ng paraan ang iba, lalo na
ang mga kababaihan, kung kaya’t pumapayag na ibenta ang kanilang sarili sa iba.

Das könnte Ihnen auch gefallen