Sie sind auf Seite 1von 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
DON ANDRES SORIANO NATIONAL HIGH SCHOOL
Lutopan, Toledo City
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 9
SY: 2019-2020

Pangalan______________________________________ Petsa_____________
Baitang & Pangkat______________________________ Iskor_____________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang na
nakalaan sa bawat bilang.

__________1. Isa sa mahahalagang konsepto sa microeconomics ang konsepto ng demand. Alin sa mga sumusunod ang
pinakaangkop na kahulugan ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer
sa ibat-ibang halaga o presyo.
B. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.
C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer
ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.
__________2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang magpapaliwanag sa ipinapahiwatig ng graph sa ibaba kaugnay ng
Batas ng Demand?

A. Habang tumataas ng presyo, tumataas din ang quantity demanded ng konsyumer.


B. Habang tumataas ng presyo, bumababa ang quantity demanded ng konsyumer.
C. Malaki ang kakayahan ng konsyumer na bumili kapag mataas ang presyo.
D. Kapag mababa ang presyo ng produkto, hindi mahihikayat ang konsyumer na bumili nito.
_________3. Ang downward sloping na galaw ng demand curve ay nagpapahiwatig ng:
A. Kawalang ugnayan ng presyo at demand.
B. Positibong ugnayan ng presyo at demand.
C. Inverse na ugnayan ng presyo at quantity demanded.
D. Pagtaas ng presyo ng mga produkto at paglilingkod.
_________4. Sa ekonomiks, ang pagtugon sa walang katapusang pangangailangan ng tao ay tungkulin ng prodyuser.
Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
A. demand B. produksiyon C. ekwilibriyo D. supply
_________5. Ang upward sloping na galaw ng supply curve ay nagpapahiwatig ng:
A. Kawalang ugnayan ng presyo at quantity supplied.
B. Positibong ugnayan ng presyo at quantity supplied.
C. Inverse na ugnayan ng presyo at quantity supplied.
D. Pagbaba ng quantity supplied kapag tumataas ang presyo ng mga produkto at paglilingkod.
_________6. Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan na nagpapakita ng kaugnayan ng presyo at dami ng demand para sa isang
partikular na produkto o paglilingkod.
A. Demand Schedule C. Demand Function
B. Demand Curve D. Quantity Demanded
7-10. Suriin ang talahanayan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin isa-isa ang mga tanong sa bilang 7-10.

Demand Schedule para sa Siomai


Presyo (P) Quantity Demanded (Qd)
Ela Ara Stephen
₱7 4 5 0
₱6 8 10 2
₱5 12 15 4
₱4 16 20 6
₱3 20 25 8
_________7. Kung ang halaga ng bawat piraso ng siomai ay ₱5, ang dami ng demand ni Ela para rito ay ______.
A. 4 piraso. B. 8 piraso. C. 12 piraso. D. 16 piraso.
_________8. Kung si Stephen ay may kakayahan lamang bumili ng anim (6) na piraso ang siomai, ang pinakamataas na
h anda at kaya niyang ibayad ay ____________.
A. ₱ 3. B. ₱ 4. C. ₱ 6. D. ₱ 7.
_________9. Kung ang halaga ng siomai ay tumaas mula ₱ 3.00 tungong ₱ 5.00, babawasan ni Ara ang dami ng kanyang
demand para rito nang sampung (10) piraso. Ito ay dahil sa:
A. Batas ng Supply. C. kanyang mga inaasahan.
B. Batas ng Demand. D. pagbabago ng kanyang panlasa.
_________10. Kung si Ela at Stephen lamang ang bibili ng siomai, at ang halaga ng siomai ay ₱ 4 bawat piraso, ang
kabuuang demand nila para sa siomai ay_________________.
A. 10 piraso. B. 16 piraso. C. 6 piraso. D. 22 piraso.
_________11. Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan na nagpapakita ng kaugnayan ng presyo at dami ng supply para sa isang
partikular na produkto o paglilingkod.
A. Supply Schedule C. Supply Function
B. Supply Curve D. Quantity Supplied
________12. Ayon sa Batas ng Supply:
A. Kapag mataas ang presyo, kakaunti lamang ang handa at kayang ipagbili ng prodyuser..
B. Kapag mataas ang presyo, marami o mataas din and bilang ng produktong handang ipagbili ng
prodyuser.
C. Kapag mababa ang presyo, marami ang handa at kayang bilhin ng mamimili.
________13. Tumutukoy ito sa punto sa pinagsamang kurba ng demand at suplay na magkasalubong; o punto kung saan
ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o magkapareho.
A. Ekwilibriyo C. Surplus / kalabisan
B. Disekwilibriyo D. Shortage / kakulangan
________14. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang uri ng
produkto. Halimbawa, may 15,000 piraso ng instant noodles ang kailangan. Ayon sa datos, mayroong 4
kumpanya ng noodles ngunit sa bilang na ito, 2 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 10,000 piraso ng instant
noodles kung ipagbibili ito sa presyong Php7.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng instant
noodles?
A. 2 piraso B. 4 piraso C. 10,000 piraso D. 15,000 piraso
________15. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng quantity demanded sa
quantity supplied. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
A. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng
mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
B. Sa presyong ito, may labis na quantity supplied sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser
upang tumaas ang kita.
C. Sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti na
lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
D. Sa presyong ito, hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na quantity demanded ay hindi napupunan ng
labis na quantity supplied.
________16. Magreresulta sa isang kondisyon ng disekwilibriyo maliban kung may:
A. labis na suplay C. kakulangan sa suplay
B. labis na demand D. sapat na suplay upang tugunan ang demand.
________17. Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang kandila at bulaklak sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay?
A. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa kandila at rosas. Ito ang nagbibigay-daan sa
paglipat ng kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga ito.
B. Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na itaas
ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
C. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng kandila at rosas tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay
sapagkat hindi matatawaran ang kanilang mga mahal sa buhay.
D. Tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay, itinatago ng mga prodyuser ang panindang kandila at bulaklak upang
lalong tumaas ang presyo nito.
________18. Alin ang tamang graph para sa talahanayang ito?

Presyo (P) QS
10 14
9 12
8 10

A. graph na nagpapakita ng isang supply curve


B. graph na nagpapakita ng isang demand curve
C. graph na nagpapakita ng pababang supply curve (dalawang linya na ang arrow ay pababa)
D. graph na nagpapakita ng pataas na supply curve (dalawang linya na ang arrow ay pataas)
19-20. Suriin ang mga sumusunod na datos at isa-isang sagutin ang mga tanong sa bilang 19-20.

________19. Gamit ang datos sa itaas, ano ang coefficient ng Elasticity ng Demand?
a. 12.5% B. 40% C. 4% D. 50%
________20. Sa nakompyut na coefficient ng Elasticity ng Demand sa bilang 19, ano ang uri o digri ng elastisidad ng demand?
A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Inelastic
________21. Ang tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng
konsyumer at prodyuser.
a. ganap na kompetisyon c. estruktura ng pamilihan
b. di ganap na kompetisyon d. pamilihan
________22. Ang pamilihan kung saan hindi kayang kontrolin ng mga prodyuser ang presyo sapagkat maraming nagtitinda
ng magkakaparehong uri ng produkto at serbisyo sa pamilihan.
a. monopolyo c. di ganap na kompetisyon
b. ganap na kompetisyon d. monopolistikong kompetisyon
________23. Uri ng pamilihan na may kakayahang impluwensiyahan ang presyo sa pamilihan sapagkat iisa lamang ang
gumagawa ng produkto o nagbibigay ng serbisyo.
a. monopolyo c. oligopolyo
b. monopsonyo d. monopolistikong kompetisyon
________24. Ang mga service providers na Globe, Smart, Sun, Talk n Txt, and TM ay napapabilang sa anong klaseng
pamilihan?
a. monopolyo c. oligopolyo
b. monopsonyo d. monopolistikong kompetisyon
________25. Ito ang paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto o serbisyo na syang nagsisilbing pagkakakilanlan
ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito.
a. copyright c. trademark
b. patent d. credits
________26. Isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng isang tao na maaring
kabilang ang mga akdang pampanitikan o akdang pansining.
a. copyright c. trademark
b. patent d. credits
________27. Uri ng pamilihan na iisa lamang ang kumukuha ng serbisyo at ang nagpapasahod sa mga bumbero, traffic
enforcer, pulis at iba pa kung kayat may direktang kapangyarigan sa pagtatakda ng halaga ng pasahod sa mga
ito.
a. monopolyo c. oligopolyo
b. monopsonyo d. monopolistikong kompetisyon
________28. Ito ang pagkontrol o sabwatan ng mga negosyante sa presyo ng produkto para mawalan ng pagpipilian ang mga
konsyumer at mawala ang kompetisyon sa pagitan ng mga pamilihan.
a. collusion b. hoarding c. patent d. kartel
________29. Uri ng pamilihan na may maliliit o iilan lamang ang bilang ng prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o
magkakaugnay na produkto at serbisyo.
a. monopolyo c. oligopolyo
b. monopsonyo d. monopolistikong kompetisyon
________30. Ito ang pagtatago ng produkto upang magkulang ang suplay sa pamilihan na magdudulot ng pagtaas ng
pangkalahatang presyo.
a. collusion b. hoarding c. patent d. kartel
________31. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng produktong makikita sa isang oligopolyong pamilihan MALIBAN sa
isa:
a. semento b. bigas c. bakal d. petrolyo
________ 32. Uri ng pamilihan na nagbebenta ng mga produktong magkakapareho ngunit hindi eksaktong magkahawig.
Maraming prodyuser ang nagbebenta nito para matugunan ang iba’t-ibang pangangailangan ng mga
konsyumer.
a. monopolyo c. oligopolyo
b. monopsonyo d. monopolistikong kompetisyon
________ 33. Kilala ito sa katawagang maximum price policy o ang pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang
prodyuser ang kaniyang produkto.
a. price ceiling b. price floor c. price freeze d. suggested retail price
________ 34. Ang patakarang ito ay isang pamamaraan upang mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyo
ng nasabing produkto lalo na sa panahon ng krisis.
a. price ceiling b. price floor c. price freeze d. suggested retail price
________ 35. Ang pagbabawal sa pagtaas ng presyo sa pamilihan. Ipinatupad ito ng pamahalaan upang mapigilan ang
pananamantala ng mga negosyante sa labis na pagpataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto.
a. price ceiling b. price floor c. price freeze d. suggested retail price
________ 36. Ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa pinakamababang presyo na
itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
a. price ceiling b. price floor c. price freeze d. suggested retail price
________ 37. Isang pansamantalang pangyayari sa pamilihan kung saan, ang supply ng produkto ay hindi sapat sa planong
ikonsumo ng tao,
a. kalabisan b, kakulangan c. kagustugan d. alokasyon
________ 38. Isa sa mga ahensya ng pamahalaan na ang tungkulin ay palawigin ang Sistema ng kalakalan at industriya sa
bansa.
a. BFAD b. DOLE c. DTI d. COA
________ 39. Isang pangyayari sa pamilihan na kung saan may sobra o higit ang supply ng mga produkto sa dami ng planong
ikonsumo ng pamahalaan ayon sa Konstitusyon.
a. kalabisan b, kakulangan c. kagustugan d. alokasyon
________ 40. Ang patakarang ipinatupad ng pamahalaan upang mapatatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa
pamilihan.
a. subsidy b. price freeze c. price stabilization d. price ceiling/floor
41-48. Suriin at igraph ang demand at supply schedule. Pagkatapos igraph ay isa isang sagutan ang mga katanungan sa
bilang 41-48.
Demand Schedule Supply Schedule

PRICE QTY PRICE QTY

5 40 5 5

10 35 10 10

15 30 15 15

20 25 20 20

25 20 25 25

30 15 30 30

35 10 35 35

40 5 40 40

________ 41. Sa presyong P20, ang quantity demanded ay _______.

a. 10 b. 15 c. 20 d. 25

________ 42. Sa presyong P35, ang quantity supplied ay ________.

a. 35 b. 40 c. 30 d. 20

________ 43. Ang ekwilibriyong presyo ay ______.

a. 20 b. 25 c. 22.5 d. 23

________ 44. Ang ekwilibrisyong dami ay ______.

a. 20 b. 25 c. 22.5 d. 23

________ 45. Kung ang price floor ay naka set sa P35, ang surplus ay ______.

a. 15 b. 25 c. 30 d. 40
________ 46. Kung ang price ceiling ay naka set sa P15, ang shortage ay ______.

a. 10 b. 15 c. 20 d. 25

________ 47. Sa presyong ______, ang quantity demanded ay 25.

a. 20 b. 25 c. 30 d. 35

________ 48. Sa presyong _______, ang quantity supplied ay 35.

a. 20 b. 25 c. 30 d. 35

GOOD LUCK & GOD BLESS YOU!

“Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.”

Das könnte Ihnen auch gefallen