Sie sind auf Seite 1von 11

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
DISTRICT OF TAYTAY II
IDEA LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 3

School ROSARIO OCAMPO ES Grade Level THREE


Name of Teacher MICHELLE A. OLEGARIO Learning Area FILIPINO

Teaching Date Quarter 1

Teaching Time No. of Days Tatlo

I. OBJECTIVES Sa pagtatapos ng aralin inaasahan na napagyayaman ang


talasalitaan sa pamamagitan ng magkasingkahulugan at
magkasalungat na mga salita

a. Pamantayang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang


Pangnilalaman talasalitaan.

b. Pamantayang Natutukoy ang mga salitang banyaga at mapalalawak ang


Pagganap talasalitaan

F3PT-Ij-2.3

c. Mga
Kasanayang
Pampagkatuto

c1. Most Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng


Essential Learning magkasingkahulugan at magkasalungat na mga salita
Competencies (MELC)

c2. Enabling Nababaybay nang wasto ang mga salitang hiram.


Competencies

II. CONTENT Magkasingkahulugan at Magkasalungat na Salita


III. LEARNING
RESOURCES

A. References

a. Teacher’s
Guide pages

b. Learner’s
Material Pages

c. Textbook
Pages

d. Additional file:///C:/Users/Lenovo/Downloads/2nd-Qtr-Filipino-
Materials from 3.pdf/rexinteractive
Learning
Resource
B. List of Learning Read more on Brainly.ph -
Resources for https://brainly.ph/question/1097448#readmore
Development and
https://www.google.com/search?q=maikling+kwento+tungkol+sa+k
Engagement
ahulugan+at+magkasalungat&authuser=1&source=lnms&tbm=isch
Activities
&sa=X&ved=2ahUKEwjW2_HZnLvqAhUGBKYKHe_gAJsQ_AUoAXoE
CAwQAw&biw=1821&bih=810#imgrc=1aH5YzimhuiTjM
https://www.google.com/search?q=maikling+kwento+tungkol+sa+k
ahulugan+at+magkasalungat&tbm=isch&chips=q:maikling+kwento+
tungkol+sa+kahulugan+at+magkasalungat,online_chips:salitang+ma
gkasingkahulugan&authuser=1&hl=en&ved=2ahUKEwie3fDbnLvqA
hUI7JQKHeRUA24Q4lYoAHoECAEQFg&biw=1799&bih=811#imgrc=
xe4FwoQBsiH3DM
https://www.google.com/search?q=maikling+kwento+tungkol+sa+k
ahulugan+at+magkasalungat&tbm=isch&chips=q:maikling+kwento+
tungkol+sa+kahulugan+at+magkasalungat,online_chips:salitang+ma
gkasingkahulugan&authuser=1&hl=en&ved=2ahUKEwie3fDbnLvqA
hUI7JQKHeRUA24Q4lYoAHoECAEQFg&biw=1799&bih=811#imgrc=
xe4FwoQBsiH3DM&imgdii=ZQsoXcHy6ihnjM
https://www.google.com/search?q=maikling+kwento+tungkol+sa+k
ahulugan+at+magkasalungat&tbm=isch&chips=q:maikling+kwento+
tungkol+sa+kahulugan+at+magkasalungat,online_chips:salitang+ma
gkasingkahulugan&authuser=1&hl=en&ved=2ahUKEwie3fDbnLvqA
hUI7JQKHeRUA24Q4lYoAHoECAEQFg&biw=1799&bih=811#imgrc=
6pbmCIz0y6hKwM

IV. PROCEDURES

A. Introduction Diagnostic Test


(Panimula)
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Basahin ang mabuti ang mga
sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kwaderno.
1. Ito ay tawag sa mga salitang pareho ang ibig sabihin?
a. Magkasingkahulugan
b. Magkasalungat
c. Tamabalang salita
d. Hiram na salita

2. Ito ang tawag sa mga salitang galing sa ibang wika.


a. Salitang-ugat
b. Tambalang salita
c. Salitang banyaga
d. Magkasalungat na salita

3. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay magkaiba o


magkabaliktaran.
a. Magkasingkahulugan
b. Tamabalang salita
c. Magkasalungat
d. Hiram na salita
4. Nakamasid ang titser sa mga mag-aaral. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
a. nakayakap b. nakatingin c. nakatawa d. nakadungaw

5. Ang munting bata ay naghugas ng kamay pagkagaling sa


palaruan. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?
a. malaki b. maliit c. malikot d. matalino

Panuto: Isulat ang MK-magkasingkahulugan at MS kung


magkasalungat. Isulat ang tamang sagot sa iyong kwaderno.

_____6. mahalimuyak-mabango _____11. magulo-maingay


_____7. dukha-mahirap _____12. maganda-marikit
_____8. mapera- mahirap _____13. wasto-mali
_____9. kasali-kalahok _____14. mayumi-mahinhin
_____10. tamad-masipag _____15. maligaya-malungkot

A. Panimula

Gawain Bilang 1: Pagpapakita ng mga larawan. (Ito ay tumutugon


sa enabling competency)

cake jeep computer zipper

Itanong sa mga mag-aaral: v


1. Anong asignatura ang aralin natin ngayon?
Sagot: Ang asignatura po nating ngayon ay Filipino.
2. Ano ang mga masasabi mo sa mga salitang ginamit sa mga
larawa?
Sagot: Ang mga salita po ay nakabaybay sa salitang Ingles o
nagmula sa salitang banyaga.
3. Sa makatuwid, ano ang tawag natin sa mga salitang ginamit
sa mga sumusunod na larawan?
Sagot: Ang mga salitang ginamit po sa mga larawan ay mga
salitang banyaga.

Gawain Bilang 2: Pagtambalin ang mga salita banyaga sa


katumbas nitong tagalog. Isulat ang tamang sagot sa
patlang.

1. escalator a. kwarter
2. janitor b. eksam
3. quarter c. escalator
4. exam d. tseke
5. cheque e. dyanitor

Tamang sagot:
1. c
2. e
3. a
4. b
5. d

Gawain Bilang 3:
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga
tanong?

1. Ano ang dalawang salitang masasabi mo sa


larawan?
Sagot: Ang unang larawan ay masaya, malungkot naman ang
ikalawa.

2. Ano ang masasabi mo sa kulay ng balat ng mga


Filipino? Sa mga Koreano?
Sagot: Ang kulay ng balat ng Filipino ay kayumanggi, maputi
naman ang sa mga Koreano.

3.Paano kumilos ang dalawang uri ng hayop sa


larawan?

Sagot: Mabilis tumakbo ang koneho, mabagal naman ang


pagong.

4. Ano ang masasabi mo sa mga salitang iyong natukoy?


Sagot: Ang mga salita po magkabaliktad.

Ngayong araw, babasahin natin ang kwento nina Pagong at Koneho.


B. Development A. Pagbasa

Basahin mabuti ang kwento.

Ang Pagong at ang Kuneho

Isang hapon, nagkita si Pagong at si Kuneho sa daan.


Biniro ni Kuneho si Pagong sa kanyang maliliit na paa na naging
dahilan kung bakit napakabagal niyang maglakad. Nainsulto si
Pagong sa mga biro ni Kuneho. Sa kagustuhan ni Pagong na
patunayang mali si Kuneho sa kanyang mga paratang, hinamon
niya si Kuneho at nagsabing, "Kung gusto mong subukin ang aking
kakayahan, bakit hindi natin daanin sa isang paligsahan. Maaaring
mabilis ka subalit malakas naman ang aking resistensya," ang
hamon ni Pagong."Anong paligsahan ang nais mo?" tanong ni
Kuneho."Kung gusto mo ay unahan na lang tayong makarating sa
tuktok ng ikatlong bundok," sagot ni Pagong.Nagalak si Kuneho sa
hamon ni Pagong. Tiwala sa sariling magagapi niya si Pagong sa
paligsahan. Bawat isa sa kanila ay nangumbida ng kanilang mga
kaibigan upang saksihan ang kagila-gilalas na paligsahan.
Kinabukasan, umagang-umaga, marami ang nagsidalo. Dumating
ang kalabaw na minsan na ring nakalaban ni Pagong, ang kabayo,
baboy, palaka, bibe, manok, aso, pusa, kambing, baka, pato, lawin,
usa, baboy ramo at marami pang iba. Hindi, magkamayaw ang mga
hayop sa kasiyahan. Noon lang sila makakapanood ng ganoong
klaseng labanan. Ang unggoy ang nagbigay-hudyat ng pasimula ng
paligsahan. Sa pasimula pa lang ay naiwan na nang malayo si
Pagong. Halos hindi na makita ni Kuneho si Pagong dahil sa
kalayuan ng kanilang pagitan. Narating ni Kuneho ang tuktok ng
ikalawang bundok. Hindi na niya matanaw si Pagong. "Ah, mabuti
pa ay mamahinga muna ako. Malayo pa naman si pagong.
Napakalayo ng agwat naming dalawa." ang sabi ni Kuneho sa
kanyang sarili. Naupo si Kuneho sa ilalim ng isang puno. Nang dahil
sa kapaguran, hindi niya namalayang siya ay naidlip. Samantala, si
Pagong ay nakarating sa tuktok ng ikalawang bundok nang
magtatanghali. Inabutan pa niya si Kunehong naghihilik. Himbing
na himbing si Kuneho. Dala marahil ng kanyang kapaguran.
Magdadapit-hapon na nang matanaw ni Pagong ang rurok ng
ikatlong bundok. Malapit na siya. Noon palang nagising si Kuneho.
Tinanaw niya ang ibaba ng bundok sa pag-aakalang nandoon pa rin
si Pagong subalit wala pa rin. Sinimulan na niya muling tumakbo.
Takbong walang pahinga. Laking gulat niya ng abutan niya si
Pagong sa ituktok ng ikatlong bundok na namamahinga na.
Hiyawan ang lahat ng hayop. Lahat sila ay bumati kay Pagong.Si
Kuneho naman ay hiyang-hiya sa pangyayari. Humingi siya ng
paumanhin kay Pagong sa ginawa niyang pang-iinsulto. Simula
noon ay nagging halimbawa na ng mga hayop na hindi dapat
maliitin ang kanilang kapwa.
B. Pagpapayaman

Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?


2. Sino sa dalawang hayop ang naghamon ng paligasahan?
3. Bakit sa tingin nyo ay nanalo si Pagong sa paligsahan?
4. Bilang isang batang nasa ikatlong baitang sino sakanilang
dalawa ang nais mong tularan? Bakit?
5. Ano ang aral ng kwento?

C. Pagpapalawak ng Talasalitaan

Basahin mabuti ang mga pangungusap at sagutin ang tanong.


Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Maaaring mabilis ka subalit malakas naman ang aking


resistensya," ang hamon ni Pagong." Ano ang kaparehong salita
ng may salungguhit?

a. maganda b. mabagal c. matulin d. masipag

2. Kinabukasan, umagang-umaga, marami ang nagsidalo sa


paligsahan. Ano ang kabaliktaran ng salitang may
salungguhit?

a. kaunti b. sobra c. kulang d. sakto

3. "Ah, mabuti pa ay mamahinga muna ako. Malayo pa


naman si pagong. Ano ang kabaliktaran ng salitang may
salungguhit?

a. maaliwalas b. malapit c. madilim d. malalim

4. Naupo si Kuneho sa ilalim ng isang puno. Ano ang


kabaliktaran ng salitang may salungguhit?

a. hulihan b. gitna c.unahan d. ibabaw

5. Magdadapit-hapon na nang matanaw ni Pagong ang rurok


ng ikatlong bundok. Ano ang pinakamalapit na kahulugan o
kaparehong ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

a. tuktok b. ibaba c. patag d. langit

D. Pagpapalawig

Ayusin ang mga letra upang mabuo ang pangungusap.

1. _____________ ito ay mga salitang magkapareho o


magkatulad ang kahulugan.

naguluhakgnisakgam

2. Ang mga salitang magkabaliktad o kasalungat ang


kahulugan ay tinatawag na ______________.

tagnulasakgam
C. Engagement A. Pagpapaunlad ng Kaalaman
Gawain bilang 1:
Isulat ang MK kung magkasingkahulugan ang mga salitang may
salungguhit at MS kung magkasalungat.
_____ 1. Ang kamyas ay maasim ngunit ang lansones ay matamis.
_____ 2. Nabasa ng ulan ang damit na tuyo.
_____ 3. Mabango ang hinog na manga; mabaho ang bulok na
basura.
_____ 4. Si Janna ay marunong sa Matematika ngunit mahina siya
sa Pagbasa.
_____ 5. Ayaw ko ng makunat na sitsaron. Gusto ko ng malutong

Gawain bilang 2:
Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot. Kung may kahon
ang salita, ibigay ang kasingkahulugan at kung may
salungguhit ibigay ang kasalungat.

1. Siya ay may matibay na paninindigan sa buhay.

a. mahusay b. malakas c. matatag d. mabuti

2. Maralita nga sila ngunit maligaya naman.

a. pobre b. mayaman c. mahirap d. palabiro

3. Marami sa mga kabataan ngayon ang mapupusok ang loob.

a. mahina b. mabilis c. maawain d. mararahas

4. Ang batang matipid ay may magandang kinabukasan.


a. mapag- impok b. matiyaga c.
tahimik c. bulagsak

5. Mapagkumbaba ang kanyang pinsan kaya marami


itong kaibigan.
a. mayabang b. mahinahon c. gastador d. maayos
Gawain bilang 3:
Tukuyin ang kasalungat ng mga sumusunod na salita. Isulat ang titik.

_____1. Mahalimuyak a. mabango b. Mabaho c.matalim


_____2. makipot a. maluwag b. mabaho c.maluwag

_____3. makupad a. mabilis b. mabagal c. malinis

_____4. pandak a. matangkad b. madulas c. maliit

_____5. kuripot a. mapagbigay b. madamot c. madulas

Gawain bilang 4:
Iguhit ang kasalungat ng sumusunod na larawan:

1.

2.

3.

4.

5.

6.
Gawain bilang 5:
Basahin ang bawat pangungusap. Bilugan ang salitang kasalungat
ng salitang may salungguhit.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

Gawain bilang 6:

Isulat ang titik ng magkasingkahulugan na salita.


_____1. madalas a. dukha

_____2. mahalimuyak b. diretso

_____3. mabilis c. malimit

_____4. matapang d. mabango

_____5. asul e. maiitim

_____6. makislap f. maligaya

_____7. tuwid g. magiting

_____8. mapera h. makinang

_____9. mahirap i. mayaman

_____10. masaya j. bughaw

k. matulin
Gawain bilang 7:

Piliin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng salitang may


salungguhit.

kasabay higaan timbang asul nanalangin

1. Kulay bughaw ang kalangitan. ___________________


2. Ano ang bigat ng saging na dala mo? _________________
3. Si Ana ay nagdasal bago kumain._____________________
4. Ang lambot ng bagong kama.________________
5. Si Maria ang aking kasama kanina.________________

Gawain bilang 8:
Kumuha ng krayola. Kulayan ng magkaparehong kulay ang
salitang magkasingkahulugan.

maganda duwag labis matalino

makupad takot mabuti marikit

mabait tahimik matipid mapag-impok


payapa mapagal sobra masikip

masaya maligaya makipot magaling

D. Assimilation A. Kongklusyon:
Ano ang ibig sabihinn ng magkasingkahulugan na salita? Ano
naman ang magkasalungat na mga salita?
Tandaan: Ang mga salitang magkapareho o magkatulad ang
kahukugan ay tinatawag na magkasingkahukugan na salita.
Magkasalungat naman ang tawag kapag kabaliktaran ang
kahulugan ng mga salita.

B. Ebalwasyon:
Obserbahan ang mga tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari sa
iyong kapaligiran sa kasalukuyan. Ilarawan ang mga ito sa isang
salita at ibigay ang kahulugan at kasalungat ng mga ito.

Mga salita Kasingkahulugan na Kasalungat na salita


salita

1.

2.

3.
4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

V. REMARKS 10- 5-
15-
14- 9- 4-

13- 8- 3-
12- 7- 2-
11- 6- 1-

VI. REFLECTION Ang mga natutuhan ko sa aralin na ito ay ang mga sumusunod:
1.___________________________________________________
2. ___________________________________________________
3. ___________________________________________________
Na maaari kong gamitin sa ____________________________________.
Ipinangangako kong ibabahagi ko ang mga ito sa
_____________________________________.

Das könnte Ihnen auch gefallen