Sie sind auf Seite 1von 9

Balagtasan

From Wikipedia, the free encyclopedia


Jump to navigation Jump to search

This article may be expanded with text translated from the corresponding article in Tagalog.
(August 2015) Click [show] for important translation instructions.

Balagtasan is Filipino form of debate done in verse. The term is derived from the surname of
Francisco Balagtas.[1][2]

Contents
 1 History
 2 Format
 3 Example of balagtasan
o 3.1 Alin ang Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English? Isang
Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe
 4 References
 5 External links

History
The first balagtasan took place on April 6, 1924 at the Instituto de Mujeres in Tondo, Manila.
The event was held at the Instituto de Mujeres (Women's Institute) as part of the celebration of
Francisco Balagtas' birth anniversary. The two protagonists of the poetic debate were poets José
Corazón de Jesús and Floranto Collantes. The verbal joust became popular among both the
masses, intellectuals and the debutantes. This led to the adaptation of similar literary forms such
as the bukanegan by the Ilocanos named after the father of Iloko literature, Pedro Bukaneg.
Filipino poets in Spanish language, specifically Jesus Balmori and Manuel Bernabe, also
engaged in balagtasan competitions, and their poetic jousts featured and immortalized in the
book with the title Balagtasan: Justa Poetica (1927), with a prologue written by Teodoro Kalaw.
Balagtasan saw a significant decline after the death of de Jesus in 1932.[3][4]

Format
Balagtasan is participated by two or more protagonists who engaged in a debate on a selected
subject. Each protagonist are to express their views in verse and with rhyming. Refutations shall
also be done in the same manner. A judge, known as the lakandiwa if male or lakambini if
female, will decide the winner of the balagtasan. The judge shall also announce the winner in
verse and with rhyming. The participants are also expected to impress before a watching
audience.[2][4][5]

Example of balagtasan
Alin ang Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English? Isang
Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe

(IKALAWANG BERSYON)

Lakandiwa:

Minamahal naming mga kamag-aral

Mga magulang, mga guro at prinsipal

Mga panauhing pinagpipitaganan

Naririto ngayon sa’ting paaralan.

Magandang umaga po, ang bating marangal

Ang Buwan ng Wika ating ipagdiwang

Ikalimang baitang ang amin pong alay

Ipagmamalaki, isang balagtasan.

Wikang Filipino ay sariling wika

At ang wikang English ay wikang banyaga

Kapwa ginagamit ng may pang-unawa

Higit na mahalaga, alin na nga kaya?

Sa umaga pong ito, aking ipinakikilala

Dalawang mahusay, maganda at batikang makata

Sa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanila

Masigabong palakpakan pasalubungan natin sila.

Sa wikang Filipino ang mangangatuwiran


Si Bb. Irish ng Grade V- Emerald

At sa wikang English ang makakalaban

Bb. Lariza ng Grade V- Section one.

Wikang Filipino:

Ako ay isang batang kay Manuel Quezon nagpupuri

Naniniwalang, Wikang Filipino ang minimithi

Lahat ng hangarin ng mga damdaming sumisidhi.

Sa puso at diwa, ako’y Pilipino

Mgandang Pilipinas ito ang bayan ko

May sariling wika, wikang Filipino

Wikang ginagamit sa Luzon, Vizayas at Mindanao

Kayat kilalang lahat ginagamit araw araw

Kahit san ka magpunta siya'y magsisilbing tanglaw.

Wikang Filipino'y marapat na maging wikang panglahat.

Wikang Ingles:

Dahan-dahan sa pagsalita katunggaling maganda

Sapagkat nasasaktan mo mga taong maralita

Alam nating itong English, isang wikang pandaigdig

Sa lahat ng pag-aaral pangunahing ginagamit

Ang mga asignaturang Science, English at Mathematics

Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip.

Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansin

Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na


May computer, may internet, Facebook at may Google plus pa

Sa wikang Ingles, tuwid na landas ang magiging daan.

Wikang Filipino:

Nagkamali ka sa iyong paniwala katunggali ko

Alam nating sa’ting mundo marami ng pagbabago

Makabagong teknolohiya patuloy sa pag-asenso

Mentalidad na kolonyal dayuhan ang pasimuno

Ngunit naghihirap pa rin ang maraming Pilipino.

Ang sariling wika natin ay ang Wikang Filipino

Upang magkakaintindihan lahat ng Pilipino.

Wikang Ingles ay hindi ko naman minamaliit

Ngunit wikang Filipino ang kinagisnan minana pa sa ninuno

Nararapat alagaan, itaguyod nang lumago

Filipino ang nararapat na maging wikang panlahat

Sa kalakalan, sa paaralan at maging sa simbahan

Kahit sa pagbabalita, hindi mo ba nakikita

Kapag Filipino ang gamit hindi ka matutunganga.

Tuwid na landas, handog ng Wikang Filipino

Gamit ng mga guro bilang kanilang wikang panturo

Sa simbahan man upang sa wastong aral ay matuto

Sa pamahalaan upang batas ay mabubuo.

Wikang Ingles:

Paano magiging panlahat ang wikang Filipino


Kung ang tao ay

gumagamit ng mga dayalekto

Lumibot ka sa ‘ting pitong libo’t isang daang pulo

Mapapatunayan mo na sinasabi ko’y totoo.

Sa paaralan, guro nga’y nagturo ng Filipino

Ngunit isinasalin pa rin sa mga dayalekto.

Sa paggawa ng batas, di ba Ingles din katuto ko?

Di mo masasalin ang Konstitusyon sa Filipino.

Sa simbahan, gamit ng pari ay dayalekto

Dahil kung hindi, mga tao ay tutunganga rito

Kaya wikang ingles, wikang panlahat ng mga tao

Daan sa matuwid na landas ng mga Pilipino.

Sapagkat itong English isang wikang unibersal

Wikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan.

Sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan

Upang itong mga bansa ay magkaunawaan.

Wikang Filipino:

Sa mahal kong katunggali na kapwa ko Pilipino

Huwag nating kalimutan, dapat nating isapuso

Itong wikang kinagisnan, ang Wikang Filipino

Gamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso.

Wikang Ingles:

Hindi ko nalilimot na ako ay Pilipino


Mahalaga rin ang English at ‘yan ay nababatid mo

Lalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungo

Ang pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo.

Lakandiwa:

Tama na, sukat na, mahuhusay na makata

Ang pagtatalo n’yo ay h’wag nang palawigin pa

Sa madlang nanonood kayo na po ang magpasiya

Alin ang mas mahalaga, sariling wika o wikang banyaga?

Upang tayo’y magkaisa sa puso't diwa.

Kahit anong piniling wika kapwa ay mahalaga

Maging Filipino man ang gammit o wikang ingles.

Ito'y gamit sa kaunlaran ng ating bayang sinisinta.

Kaming tatlo'y naririt, sa inyo'y nagpapasalamat

Mahal naming kamag-aral, mga guro at magulang

Taos pusong bumabati, maligayang pagdiriwang

Ang hiling po namin, masigabong palakpakan.

References
1.

 Edward Hirsch -A Poet's Glossary 2014 - Page 52 "The balagtasan, a poetic contest,
developed in Philippine poetry in the second quarter of the twentieth century. It is named after
Francisco Balagtas (1788–1862), “the father of Tagalog poetry,” and grew out of the popular
folk form of the duplo."
  De Leon, Mylah (24 August 2013). "The timeless art of Balagtasan". Moonlighting.
Retrieved 28 September 2015.
  Quodala, Schatzi (5 April 2013). "Did you know: First Balagtasan". Philippine Daily
Inquirer. Retrieved 28 September 2015.
  San Juan, Epifanio (1974). "Introduction". Introduction to Modern Pilipino Literature.
United States: Twayne Publishers, Inc. p.  23. ISBN  0805731296.
1.  Francia, Luis (18 October 2011). "Balagtasan on the Bowery". The Artist
Abroad. Philippine Daily Inquirer. Retrieved 28 September 2015.

External links
 Balagtasan (justa poética) / Jesús Balmori y Manuel Bernabé (in Spanish)

This poetry-related article is a stub. You can help Wikipedia by expanding it.
Categories:

 Philippine poetry
 Debate types
 Poetry stubs

Balagtasan
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Jump to navigation Jump to search

Si Francisco Balagtas, inspirasyon sa paglikha ng balagtasan.

Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.
Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng
panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng
pananalitang may mga tugma sa huli.
Unang nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng mga pangkat na
manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas.[1] Ginawa nila ang unang
balagtasan na may tatlong hanay ng mga makata na ipinapahayag ng isang naka-iskrip na
pagtatanggol. Binatay nila ang anyo sa mas naunang mga uri ng pagtatalo na gumagamit din ng
elemento ng tula katulad ng karagatan, huwego de prenda at duplo.

Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat


ang pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae).
Mayroon din mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang mananalo. Inaasahan ang
panitikang ito na patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din
itong magbigay libangan sa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang
talas ng isip, at mala-teatrikong at dramatikong pagpapahayag.[2]

Kasaysayan
Noong Marso 28, 1924, limang araw bago ang kaarawan ni Balagtas, nagpulong ang ilang mga
nangungunang manunulat sa Instituto de Mujeres,(Women's Institution) kalye ng Tayuman,
Tondo, Maynila, Pilipinas para maghanda sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas sa Abril 2, 1925.
[2]
Tanggapan ni Rosa Sevilla, isang kilalang manunulat, ang gusaling iyon. Dito nila nalikha ang
konsepto ng balagtasan nang may mga ilang nagmungkahi ng makabagong duplo.

Noong Abril 6, 1924, tatlong magkatambal ang lumahok sa unang balagtasan sa Instituto de
Mujeres,ito ay sina Rafael Olay laban kay Tomas de Jesus,Amado V. Hernandez laban kay
Guillermo Holandez. [2] Sa mga lumahok, sina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute), at
Florentino Collantes(Kuntil Butil), isang rin manunula sa Bulacan ang nakatanggap ng
pinakasiglang tugon mula sa madla. "Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan" ang pamagat ng
kanilang paksang kanilang pinagtalunan na sinulat nilang pareho.Ang dalawang ito ang
nanomina sa panglawang paghaharap.

Dahil sa matagumpay na pagtanggap ng publiko kina De Jesus at Collantes, naghanda ang nag-
organisa ng mga ilang pang mga balagtasan na kinakasangkutan ng dalawa. Dahil sa talino ng
dalawa naghanda sila ng balagtasan na walang iskrip noong Oktubre 18, 1925 sa Olimpikong
Istadyum sa Maynila upang lalo pa silang masubok.[1] Ang naging paksa nila ay "Ang Dalagang
Filipina: Noon at Ngayon." Kinuha ni De Jesus ang panig ng kababaihan noon samantalang pinili
ni Collantes naman ang kababaihan ngayon. Sa katapusan ng balagtasan, nanalo si De Jesus at
tinanghal na Unang Hari ng Balagtasan.

Pagkatapos ng pagtatanghal nila De Jesus at Collantes noong 1925 hanggang lumipas ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging sikat ang balagtasan sa Pilipinas at ninanais ng mga
manunula ang titulong Hari ng Balagtasan.[1] Dahil sa kasikatan ng ganitong anyo ng panitikan,
nagkaroon ng ibang kahintulad na patulang pagtatalo sa ibang wika mula sa Pilipinas katulad ng
Ilokano at Kampampangan maging wikang Ingles o Kastila. Naimbento ng mga Ilokano ang
bukanegan bilang pagkilala kay Pedro Bukaneg, isang Ilokanong makata. Samantalan,
nagkaroon naman ng crisotan ang mga Pampango na hinango nila mula sa manunula at
dramatistang si Juan Crisostomo Soto.
Tungkulin ng balagtasan
Maliban sa tagisan ng talino at pagbibigay ng aliw sa mga manonood, nagkaroon ang balagtasan ng isang
mas mataas na pampolitika at panlipunang tungkulin. [2] Binibigay ng mga sumasali sa balagtasan ang
kanilang saloobin tungkol sa kasalukuyang pangyayari at suliranin katulad ng ginagawa ng mga
kolumnista at patnugot ng isang pahayagan.[2] Ilan sa mga balagtasan nina De Jesus at Collantes ang mga
pampolitikang paksa katulad ng "Koalisyon at Kontra Koalisyon" na tumutukoy sa masiglang kampanya
ng noong Pangulong Manuel Quezon upang pag-isahin ang lahat ng partidong pampolitika sa ilalim ng
Partido Nacionalista na siyang partido na pamahalaan noon.