Sie sind auf Seite 1von 190

"Kung kasama ka sa class picture na to,

Ihanda mo na ang sarili mo, baka ikaw na ang susunod."

[READ AT YOUR OWN RISK!]

Completed as of July 27,2014 9:33 pm

COMPLETED LAST JULY 27, 2014

Trailer is located at the multimedia section.

Disclaimer: All clips used in the trailer are not mine hence, the final product
belongs to @_razor.

PS: This is not a "Death Bell" fan-fiction.

Author's Note >>

WARNING: This story is written by an amateur. Please excuse the foul words and
typographical errors. Any names of person or establishments are only made by the
author and does not reflect reality. Feedbacks and comments are much
appreciated.Enjoy!

© 2014, FakedReality
ALL RIGHTS RESERVED.

----------

This book "Class Picture" Including chapters, epilouges, and associated content is
copyrighted. All rights reserved by the owner and creator of this work and any
unauthorized copying, broadcasting, manipulation, distribultion, or selling of this
work, constitutes as an infringement of copy right. Any infringment is punishable
by law. No part of this work or any of its contents may be reproduced, copied,
modified or adapted, without the prior written consent of the author, unless
otherwise indicated for stand-alone materials.

Remember PLAGIARISM is a crime punishable by law.

PS: This is my first horror story , I hope you'll enjoy reading it.

PPS: For 1st TIME READERS: Ngayon pa lang, sinasabihan ko na kayo na maraming
tanong ang papasok sa isip niyo pero lahat ng ito ay masasagot kung tatapusin niyo
ang story.
Enrollment >>

Closed

Students of the 6th Class >>

Here are the students who enrolled in the 6th class :

Girls:
Alina Holmes -Ms. Popular
Aliza Holmes - The Bitchy One
Angela Angeles - The Rich Kid
Arsela Joyce Viray - The Campus Queen
Bianca Avril Tan - The Top 4
Cathrine Jane Dellosa - The Class Clown
Chantelle Hyacinth - The Commoner
Cheska Kate Ferrer - The Jock
Erika Tablan - The President
Honey Grace Angeles - The SC President
Mariel Kate Pascual - The Gossip Queen
Kyle Dominique Comsti - The Warfreak
Melcy Aguilar Limson - The Class Writer
Pau Cruz - The Campus Princess
Resha De Leon- The Class PRO
Samantha Bambalan - The Girl Next Door
Shini Eichizen Smith - The Bookworm & The Top 3
Tiffany Yanna Mendoza - The Class Muse
Xyza Brielle Valle Morgan - The Campus Girlfriend
Zoey Velasco - The Youngest & The Top 1

Boys:
Cameron Lawrence - The Good Boy
Caleb Pascual - Mr. Nobody
Cj Moreno - The Class Nerd
Eugene Dela Rosa - The Role Model
Hashikawa Lee - The Churlish Student
Hunter Benjamin - The Outcast
Jacob Daniel - The Rules Enforcer
Maki Yoshio - The Rebel Kid
Tyrone Clive - The Orphan
Xhan Michael Ferrero - The Top 2
Zack Ethan Rovrick Orizzta - Campus Hearhthrob

<--------------------------------------------------------->

PS: There's a video is located at multimedia.

Prologue >>
Sa isang school na nagngangalang St. Venille ay mayroong isang klaseng may
itinatagong sikreto.

Ang sikretong ito ang babasag sa katahimikan ng buong campus.

Every student is a link.

Every link is a life.

If you belong in the 6th section or mas kilalang " The devil's section "

Humanda ka at Magsisimula na ang " Class Picture."

After ng sembreak..

Nagkita-kita muli ang magkakaklaseng kabilang sa cursed section.Tinawag itong


cursed section dahil sa mga kababalaghang naganap dito noong mga nakaraang taon.
Napagdesisyunan ng principal ng St. Venille na buksan muli ito dahil naniniwala
siyang ang mga kwento nito'y mga kathang-isip lamang at walang matibay na
eksplenasyon.

Angela : "Oh my God! I miss you na guys! I hate you talaga, you didn't text me nung
vacation." Sabi niya ng may maarting boses. Nagpout siya pagkatapos niya itong
sabihin sa harap nila Pau at Cathrine.

Pau : "Stop it na nga, malalate na tayo girl! Tama na muna kaartihan at baka
maguidance nanaman tayo nito. Masisira ang image ko bilang Campus Princess." Sabi
niya kay Angela sabay higit sa dalawa papunta sa kanilang classroom pero bago pa
man sila makarating. Mayroon silang napansing lumang classroom na may nakalagay na
"Off Limits."

Cathrine: "Oh, Tara pasok tayo off-limits daw eh, May libreng lotion diyan panlaban
sa lamok. "

Nagtawanan ang magkakaibigan ngunit agad itong naputol dahil may narinig silang
malakas na kalabog sa loob ng lumang classroom.

Pau: "Shems! Ano yun? Pasukin mo nga Cathrine,mukhang sanay ka naman sa madidilim
na lugar."

Angela: "Oo nga naman, you look like you're used to that ambiance naman kaya go
na!"

Cathrine:"Ehh kung kayong dalawa nalang kaya pumasok? Baka ma-Julievega ako niyan
ng very light sa principal. "

Pau:"Let's go girls, Late na tayo oh!"

Anyaya niya sa dalawang babae at itinuro niya ang kanyang gold watch. Tumango sina
Angela at Cathrine bilang sign na pumapayag sila na pumasok na sa kanilang
classroom.Saktong pagka-alis nila ay may kalabog nanamang narinig mula doon sa
lumang classroom. Walang ano-ano'y may lumabas na isang estudyanteng may dugo sa
kanyang uniporme at may ngiti sa kaniyang labi.

3rd Person's POV

Pagkalabas nito sa lumang classroom ay sinabi niyang...

" Ayst! Napuno nanaman ng dugo ang uniform ko dahil sa isang walang kwentang
studyante! Maghanda kayo 6th Section! Malapit na ang oras niyong lahat!
Hahahahaha! Hahahaha! " Malakas niyang tawa na mayroon lamang pananakot. Nagpalit
siya ng bagong uniporme at dumiretso sa 6th class.

"Good morning classmates! Namiss ko kayong lahat!Hahahahaha!" Bati nito sa kanyang


mga kaklase. Umupo ito sa gilid ng nakangiti at mahahalata mong may iniisip siyang
masama laban sa mga kamag-aral niya.

"Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyong pumasok sa section na to." Sabi nito sa


kanyang isip...

CP1:Rumor has it >>

Nagsimula ang araw sa St.Venille ng puno ng takot. Makikita mong maraming studyante
ang nasa harapan ng lumang classroom. Nagsisigawan,nagtatakbuhan at maririnig mo
ang mga boses na mahahalata mong natakot sila sa kanilang nakita. Hindi makilala
kung sino ang studyanteng iyon dahil sa malalaking sugat nito sa mukha. May
nakalagay na papel sa gilid ng bangkay, pero hindi mo na masyadong mababasa ang
nakasulat dito dahil sa natuyong dugo na nakamancha rito. Maya-maya ay dumating ang
principal sa lumang classroom. Nagulat siya sa kanyang mga nasaksihan. Isang
babaeng wala ng buhay at punong-puno ang buong katawan nito ng saksak. Ibinigay ng
janitor ang sulat sa kanya, Itinapat niya ito sa sa ilaw at nagbakasakaling mabasa.
Nagulat siya sa kanyang nakita, ang mga nakasulat ay "I'm coming from hell to get
you.". Tumaas ang mga balahibo niya ng mabasa niya ang mga salitang iyon ngunit
binaliwala niya lang iyon at tumingin sa mga studyante.
Principal: "Oh ano tinitingin-tingin niyo diyan? Hindi ba't may mga klase pa kayo?
"

Dali-daling nagsi-alisan ang mga studyante at dumirtetso sa kanya-kanyang mga


classroom. Naiwan sa may tapat ng lumang classroom sina Erika at ang bestfriend
niyang si Arsela.

Arsela: "Tara na Erika! Naturingang class president ka ng section naten tas late
ka, Tara na nga wala naman tayong mapapala rito eh at baka malate pa tayo niyan."

Erika: " Sige, Tara na nga."

Habang papunta ang magkaibigan sa kanilang classroom ay napansin niyang


pinagbubulungan sila ng mga estudyante. Narinig niya ng kaunti ang mga sinasabi
nila. Isinisisi sa kanila ang misteryosong pagkamatay ng estudyanteng nasa
classroom.

Erika:"Walang kinalaman ang section namen sa pagkamatay niya." Sigaw niya habang
naglalakad na ikinagulat ni Arsela.

Arsela: "Huwag mo na ngang patulan, mga trying-hard lang kasi yang mga yan."

Pagdating ni Erika sa classroom ay sumalubong sa kanya ang mga kaklase niya na para
bang mga batang nagsusumbong tungkol sa mga sinasabi ng kabilang section sa kanila.
Hindi niya ito pinakinggan at pumunta lang siya sa harapan. Makikita mo sa kanyang
mata na napupuno na siya sa mga pinagsasabi ng ibang tao sa kanila.

Tumayo siya at nakitang nagkakagulo na ang seksyon nila. Iba't-ibang opinyon ang
maririnig.

Erika: "Ano? Papa-apekto ba tayo sa kanila? Alam kong tayo ang sinisisi sa nangyari
pero wala naman talaga tayong kasalanan dito diba? Alam kong tinatawag nila tayong
mga demonyo, alagad ng impyerno at kung anu-ano pa. Pero hetong tandaan niyo,
Cursed section man ang tingin nila saten, Best section parin kayo sa puso ko."
Nagsitayuan ang mga estudyante sa classroom at pinalakpakan ang sinabi ni Erika.

Pau: " Go Erika! Push mo yan! "


Cathrine: "Oo nga, Love, love, love lang tayo dito sa seksyon na ito."

Pau: "Shut up! Hindi kita kausap. " Tumingin siya kay Cathrine at binelatan ito.
Tinawanan lang siya ni Cathrine at ngumiti.

Melcy: "Go 6th section! Fight!Fight!Fight! "

Zoey:"Ajaaaa! Ajaaaa!" Sumigaw siya habang hawak-hawak niya ang stufftoy na lagi
niyang dala-dala.

Zero:"Go guys!" Napatingin ang mga babaeng kasection niya ng tumayo si Zack Ethan
Rovick Orizzta o mas kilalang "Zero". Siya ay kilala bilang Campus Heartthrob
dahil sa kanyang angking kagwapuhan at medjo badboy na attitude.

Biglang tumayo si Kyle at pumunta sa harapan.Palakad-lakad lang ito at ngumiti.


Nanahimik ang lahat ng nakita nilang pumunta si Kyle Dominique Comsti sa harapan.
Kilala siya sa buong campus bilang isang threat. Napakawarfreak niyang babae at
walang sinasanto pagdating sa pakikipag-away.

Kyle:"Erika, Erika, Erika, Wag ka ngang tanga? Hindi mo ba alam na tayo ang laman
ng usapan sa buong school? Alam niyo, kung ayaw niyong masira ang image niyo sa
school na to, Umalis na kayo sa section na to." Pabalang na sagot niya kay Erika ng
may mataray na boses. Lumabas si Kyle ng classroom,sinubukang pigilan ito ni Eugene
sa paghawak niya sa mga kamay ni Kyle pero kinalas niya agad ito. Dumiretso siya sa
may cr ng girls. Sinundan siya ni Jacob at sinubukang pabalikin ito sa classroom.

Jacob: "Kyle nanjan ka ba? Bumalik ka na nga sa classroom at baka mapahamak ka pa


niyan. Alam mo namang labag sa school rules ang pagcucutting classes"

Kyle: "Leave me alone! " pasigaw niyang sagot kay Jacob.

Jacob: "Sige ka, Ikaw rin. Gusto mo bang masira ang image mo at ang pangalan ng
section naten? Alam mo namang hindi na pwedeng magpatransfer ng section diba? "
Mahinhin na sagot ni Jacob. Lumabas si Kyle ng cr at inirapan si Jacob.

Kyle: "Pangalan ng section naten? Matagal nang sira yan pero kung image ko ang
nakasalalay, Ibang usapan na yan. " Nakapamewang na sagot ni Kyle. Pagbalik nila sa
classroom ay narinig nila sa may speaker na nakadikit sa gilid ng classroom na may
announcement mula sa principal.
Announcement: "Students, I'm here to inform you that the taking of Class Pictures
will be held tomorrow. " Napalitan ng saya ang takot at galit ng mga studyante.
Agad-agad nilang pinag-usapan ang mga mangyayari bukas.

3rd Person's POV

Successful ang ginawa ko kahapon. Wala man lang nakapansin at nagsuspect sa akin.
Wala naman akong pakielam kung sisihin ang section namin sa nangyari, dahil mula
naman talaga ako sa 6th section at proud ako dito. Go Erika! Patunayan mo na hindi
totoo ang sinasabi nila. Ngayon masaya pa kayo. Let's see kung hanggang saan ang
kaya ng pinagmamalaki niyong 6th section.

Oh look! Bukas na pala ang class picture taking day. That's my cue! I'm so excited
kung sino ang makakaligtas at kung sino ang hindi. Hahahahahahaha! Let the games
begin!

CP2:Smile >>

Class Picture taking day na sa St. Venille. Masayang naghahanda ang lahat ng
studyante para sa class picture. Makikita mong puno ang lahat ng comfort room.
Nagsisiayusan ng buhok,naglalagay ng kolorete sa mukha at kung anu-ano pa.
Panghuling magpapapicture ang 6th section. Ang section nila ang itinuturing na
black sheep sa school nila. Wala man silang ginagawang masama, Kakaiba parin ang
tingin sa kanila ng ibang studyante. Ang iba nama'y hindi nagpapaapekto sa mga
chismis dahil ang 6th section ay napupuno ng kilalang mga studyante. Andito ang
campus royalties,scholars, valedictorian,campus heartthrobs at mga sikat sa buong
campus. Tinitingala sila ng ibang studyante kahit na nasa cursed section sila.

Erika:"Oh guys, Kelangan maganda at gwapo kayo sa class picture naten ha? "

Chantelle:"Sige-sige! Wait lang ha, pupuntahan ko lang si Zoey,nasa cr siya ngayon


eh."

Erika:"Sige, basta wag na kayong lumayo ha? Malapit na tayong kunan." Sabi niya kay
Chantelle. Nagpaalam si Erika sa adviser nilang si Ms.Gomez na may nakalimutan
siyang gamit sa classroom. Pinayagan siya nito at sinabing huwag nang magtatagal
dahil malapit na nga silang kunan ng litrato. Nang makuha niya na gamit sa
classroom ay dali-dali itong naglakad papunta sa may venue. Papasok na siya sa
venue ng napahinto siya sandali. May napansin siyang buhok na nakalaylay dun sa may
ilalim pintuan ng janitor's room. Sinubukan niya itong buksan pero nakalock ang
pintuan. Sinubukan niya ito uling buksan sa pamamagitan ng pagtulak at pasipa rito.

Bianca:"Erika! Bilisan mo! Nagkakagulo na sila!" Napahinto si Erika sa kanyang


ginagawa at biglang dumiretso sa venue kasama si Bianca. Nadatnan niyang nagaaway-
away na ang mga kaklase niya.

Cameron:"Oist, Wag kayong magulo. Kaya tayo huling kukunan ng litrato kasi ang
gugulo niyo eh." Saway niya kay Cheska at kay Kyle na malakas na nagkwekwentuhan.

Cheska:"Masama na ba magsalita?" Sagot niya kay Cameron ng may maangas na boses.

Kyle:"Don't mind him na nga, Masyado siyang good boy para pansinin natin." Dagdag
ni Kyle kay Cheska. Nagtawanan ang dalawang babaeng magkaibigan ng biglang sumingit
si Arsela.

Arsela:"Grabe naman kayo, Ang rurude niyo talaga noh? Alam kong ayaw mo sa section
natin Kyle, kaya kung pwede magpatransfer ka na lang sa iba? Baka sakaling may
magtyaga diyan sa nilalangaw mong ugali."

Cheska:"Aba? Sumasagot pa tong babaeng to. Akala mo porket Campus Queen ka hindi
kita papatusin?" Lumapit si Cheska kay Arsela na para bang inaangasan ito. Agad
siyang hinarangan ni Cameron para hindi lumaki ang away.

Cameron:"Tama na nga!" Sigaw nito, Napalakas ang boses niya kaya't napatingin sa
kanila ang ibang studyante.

Cheska:"Oh ano tinitingin-tingin niyo diyan? May palabas ba?" Nakataas ang kilay
niya at nakapamewang niyang sinabi sa mga nanonood na estudyante. Agad lumihis ang
tingin at ituloy niya ang pakikipag-away kay Arsela.

Kyle:"This is going to be fun." Mahina niyang sinabi sabay nagsmirk siya.

Angela:"Oh my God you guys! Stop it na nga, Wala namang mangyayari kung papalakihin
niyo lang yung away diba?"

Jacob:"Oo nga naman, May point si Angela. Kung ayaw niyong machismis nanaman ang
seksyon naten edi tigil-tigilan niyo na to. Non-sense!"

Sa gitna ng away ay biglang may tumunog na matinis na ingay mula sa speaker. Agad
tinakpan ng mga studyante ang kani-kanilang mga tenga.

Speaker:"6th Section, kayo na ang next na kukuhanan. Pumunta na kayo sa venue."


Shini : "Damn that speaker! Always making irritating sounds before the
announcement" Mahinang sabi niya sa sarili. Nagpunta na agad ang 6th section sa
venue na kung saan ay inaantay na sila ng kanilang adviser at photographer. Inayos
sila sa kani-kanilang pwesto. May ibang studyante na nakaupo sa sahig, ang iba
nama'y nakaupo sa upuan. Ang picture nila ay parang normal na classpicture lang.
Kinuhanan sila ng litrato sa isang camera na nakalagay sa tripod. Matatapos na sana
ang pagkuha sa kanila ng class picture, pero nung huling kuha na sa kanila ng
photographer ay biglang nagloko ang camera nito. Nagulat ang mga studyante ng
biglang tuloy-tuloy ang click ng camera kahit na hindi ito pinipindot ng
photographer. Nagtatakip ng mukha ang ibang studyante. Ang iba nama'y nasisilaw sa
flash. Makikita mong nagsisigawan ang iba. Ang iba nama'y umalis sa kani-kanilang
pwesto at may balak na lumabas ng venue. Nagtatakbuhan at kung anu-anong mga salita
ang binibitiwan ng bawat isa. Sinarado ni Erika ang pintuan at hinarangan ito ng
isang armchair.

Erika:"Hey! Cut it out!" Sigaw niya, Biglang huminto sa pagflflash ng camera.


Natahimik lahat at para bang naputol ang pagpapanik ng mga studyante. Maraming
studyante ang nasa harapan ng pintuan at nagbabadyang aalisin ang upuang
nakaharang.

Xyza: "Umalis ka jan kung ayaw mong masaktan!" Sigaw niya kay Erika ng may
nanginginig na boses. Maririnig mo ang mga salitang "Oo nga, Alis jan!" ng ibang
studyante. Nagmatigas si Erika at hindi umalis sa kinatatayuan. Nagulat ang lahat
ng bigla na lang siyang tinulak ni Hashikawa Lee. Si Hashikawa Lee ay isang
studyante na kilala bilang tahimik at matipid magbitaw ng mga salita. Siya yung
tipo na studyante na masungit at walang pakielam kapag hindi ka niya masyadong
kilala. Napaupo si Erika sa sahig at walang nagawa kundi tignan na buksan ni Lee
ang pintuan. Agad-agad nagsialisan ang mga studyante sa venue. Nagtatakbuhan
papunta sa kani-kanilang dorm. Naiwan sa venue sina Angela,Pau,Cathrine,Chantell
at ang magkapatid ng sina Aliza at Alina.

Chantelle:"Mangyayari ulit ang mga nangyari sa nakaraan, May mga hindi dapat
mangyari na nangyayari ngayon. We can run, we can hide but we can't escape."
Misteryosong pagkasabi ni Chantelle na ikinagulat ng lahat. Nakangiti ito na para
bang may nalalaman siyang hindi alam ng lahat.

Angela:"What the hell are talking about? You're giving me the creeps! "

Pau:"Huwag mo na kaming takutin! Hindi ka na nakakatuwa." Sagot niya kay Chantelle


sabay humakbang ng tatlong beses palayo.

Cathrine:"Ano bang pinagsasasabi mo?" Sigaw niya kay Chantelle ng nakapamewang.

Aliza:"You're such a weirdo! Huwag niyo na lang yang pansinin besides, She's just a
commoner! Nananakot lang yang babaeng yan. Attention seeker! " Sabi niya kay
Chantelle ng may napakataray na boses. Lumapit ito sa kanya at sinampal pero hindi
ito lumaban. Nginitian lang siya ni Chantelle at tinawanan.

Alina:"Tama na nga ate! Watch your words! " Saway nito sa kanyang ate. Sina Aliza
at Alina Holmes ay magkapatid na kabilang sa 6th section. Split personality silang
magkapatid. Panganay si Aliza dahil mas matanda ito ng isang taon kay Alina. Sikat
na sikat rin sila sa buong campus dahil active silang dalawa sa mga activities ng
school. Bukod sa magandang mukha ay parehas rin silang matalino.

Chantelle:"You can do what you want! Go ahead and say whatever you want! You can't
escape your own fate. " Sagot niya kay Alina. Agad siyang lumabas ng venue at
dumiretso sa library. Naiwan namang nakatayo ang apat na babae sa venue.

Cathrine:"Let's go girls! Huwag niyo na lang pansinin yung weirdong yun"

Angela:" Tara na, Umalis na tayo dito sa venue. I'm having a bad feeling na eh."

Pau & Alina :"Sige."

Lumabas sila sa venue ng may nararamdamang hindi maipaliwanag na takot. Makikita mo


sa kanilang mga mata na kabado sila. Hindi pa masyadong nakakalayo ang limang babae
sa venue ay biglang namatay ang ilaw ng sunod-sunod na para bang hinahabol sila
nito. Nagtakbuhan ang limang babae na nagsisigawan. Dali-daling naguunahan sa
pagbaba ng hagdanan sina Pau,Angela,Cathrine,Alina at Aliza. Nagdesisyon ang lima
na huwag nang ipaalam ang nangyari, Ang nasa isip lang nila ng mga panahong iyon ay
may kinalaman si Chantelle sa lahat ng nangyari. Dumiretso sila sa kani-kanilang
dorm at inilock agad ang pintuan.

- "Let the games begin! "

CP3:The Show >>

Hindi nagsalita ang limang babae sa nangyari sa kanila kahapon. Makikita mong
normal lang ang kilos nila at parang walang nangyari sa kanilang kakaiba. Pagpasok
ng lahat ng studyante sa classroom ay idinistribute na ang sari-sarili nilang kopya
ng class picture. Masayang naglilipat ng upuan ang mga studyante sa 6th section,
nag-aasaran,nagtuturuan at kung anu-ano pa. After madistribute and class picture ay
nagannounce ang adviser nilang si Ms. Gomez.

Ms. Gomez: "Ok class, May event tayo mamaya sa AVR . Magkakaroon tayo ng film
showing tungkol sa ating school. Pumunta kayo sa AVR after niyong magrecess, Ok? "
Mahinahong sinabi niya sa kanyang mga studyante.
Students:"Yes Ma'am" Sabay-sabay nitong pagkakasabi. Nagring na yung bell at isa-
isang nagsilabasan ang mga studyante. Nakapila ng maayos pababa ng building para
magrecess ng biglang may umagaw ng attention nilang lahat. Nakita nila ang isang
poster mula sa Journalism Club. Ang president ng Journalism Club ay walang iba
kundi si Melcy Limson. Makikita mo sa poster ang mga rumors,mysteries at comments
niya sa sariling section. Puro negative ang makikita mong nakasulat dito. Nakalagay
ang poster sa campus bulletin board. Kulay puti ang poster na may black na sulat.
May mga sulat rin itong red marker. Nilagyan niya rin ng design na parang dugo sa
gilid ang poster.

Poster :

Greetings Venillians! I'm here to exploit the secrets of my


dear section. I'm going to give you little facts about the cursed section. I can
prove to you that the rumors are true. There is a devil in our classroom. I can
feel the dark aura inside. There's always strange happenings inside our class. When
were in the class picture venue, the camera clicks itself automatically like
there's a ghost pressing the camera's button. This section gives me goosebumps all
the time. If you don't want to be involved in their demonic activity, stay away
from them! It's better to be safe than sorry.

-Melcy Limson, Journalism Club


President

Nang makita ng 6th section ang ginawa ni Melcy ay agad-agad bumaba si Erika. Wala
siyang pakielam kahit na tinitignan siya ng maraming studyante. Nang makita niya na
si Melcy, malayo palang ay sinisigawan niya na ito.

Erika:"Hoy ikaw! Ano yung sinasabi mo sa section naten?" Walang kibo si


Melcy,pinagpag niya lang yung uniform niya at tumayo. Nagpamewang at itinaas ang
isang kilay.

Melcy:"Bakit Erika? Hindi ba totoo? Eh anong tawag mo dun? Magic?" Mataray niyang
sagot kay Erika. Tinawanan lang siya nito at tumalikod.

Melcy:"Makaka-alis ka na, Wala kong panahon para sayangin ang oras ko sa low-
profile na katulad mo. "

Erika: "Argh! Sh*t ka talagang babae ka!" Hindi na nakapagpigil si Erika at biglang
sinabutan si Melcy. Napaupo si Melcy sa sahig at makikita mong wala siyang kalaban-
laban kay Erika. Sinampal siya ni Erika at tumayo. Makikita mong maraming tao ang
nakapalibot sa kanila. Wala man lang gustong umawat dahil natatakot silang madamay
sa "demonic activity" daw ng 6th section. Agad naman itong nakita ni Grace. Si
Grace ang SC President ng St. Venille Campus, kabilang rin siya sa 6th section. Ang
role niya sa school ay kelangan niyang magikot at magbantay sa mga studyante at
siguraduhing hindi sila lumalabag sa school rules. Kasama niyang nag-iikot si
Jacob. Si Jacob naman ang hinirang ng principal bilang school rules enforcer. Siya
yung lalaking laging by-the-book sa lahat ng situation. Parehas silang matalino at
sila lagi ang laging inuutusan ng principal kapag may mga activities sa school.
Papalapit palang si Grace ay Erika ay sinisigawan niya na ito.

Grace:"Erika! Ano ka ba! Naturingang president ka tas ganyan ugali mo? Mahiya ka
nga!" Lumapit siya sa kina Erika at Melcy. Itinayo niya si Melcy at para bang
iniakbay niya ito sa balikat ni Jacob.

Grace:"Jacob, Ikaw nang bahala sa kanya ha, Dalhin mo siya sa clinic pero bilisan
niyo lang ha, kasi may event pa tayo sa AVR eh." Malumanay niyang pagkasabi kay
Jacob. Agad niya namang hinatak si Erika papunta sa principal's office.

Erika:"Let me go! Ako ang presidente ng seksyon naten kaya wala kang karapatan!"
Sagot niya kay Grace. Napahinto sila sa tapat ng Principal's Office.

Grace:"I have every right to do this. Number one, ako lang naman ang student
council president sa St. Venille. Number two, I saw you violating the school rules.
Lastly, Number three, that's not the right way to treat your students. " Sagot niya
kay Erika ng may napakataray na bosses. Nginitian niya lang si Erika.

Erika:"Grace, I'm sorry ok? Can you please let me go na? I promise na hindi na
talaga to mauulet. " Pakiusap niya kay grace ng may nanginginig na boses. Ngumiti
lang si Grace at ginulo ang buhok ni Erika.

Grace:"Pasalamat ka't malakas ka saken. " Sabi niya, Agad naman siyang hinug ni
Erika sa sobrang tuwa. Sabay silang dumiretso sa AVR. Nadatnan niyang andun na ang
iba nilang kaklase at iniintay na sila ni Ms. Gomez. Pumasok na sila sa AVR. Bago
magsimula ang film showing ay nagattendance check muna si Ms. Gomez. Napansin ng
guro na wala sina Bianca,Chantelle at Tiffany. Agad niya itong itinanong kung
nasaan ang mga nasabing studyante.

Ms.Gomez:"Anyone from the class know where they are?" Maarte nitong pagkakasabi sa
mga studyante. Nagtaas ng kamay si Cameron at tumayo.

Cameron:"Ang alam ko lang po is magkakasabay silang kumain kanina sa cafeteria."


Bago pa man magsalita si Ms. Gomez ay biglang dumating sina Tiffany at Chantelle.

Tiffany:"Sorry Ms.Gomez, Were late ang haba kasi ng pila sa cafeteria eh."
Paliwanag nito sa kanyang guro habang tinitignan ang bagong kyutiks niyang kamay.
Chantelle:"Oo nga po." Dagdag ni Chantelle.

Maririnig sa classroom na pinagbubulungan si Tiffany nila Kyle,Aliza at Cj...

Aliza:"I can't believe she's hanging-out with that commoner."

Kyle:"Yup! Tignan mo, parehas na silang weirdo!"

Cj:"May hot issue na naman kami ni Kate."

Cameron:"Oisst! Tigilan niyo na nga yang pinagsasabi niyo. Masama yan." Saway niya
sa tatlo.Biglang lumapit si Ms. Gomez sa harap ng upuan nila Kyle.

Ms.Gomez:"Hindi ba kayo nahihiya? Mga elites pa naman kayo tapos ganyan ugali
niyo?" Tanong niya ng may mataray na boses sa tatlo. Hindi kumibo ang tatlo at
nakayuko lang. Pagkatapos niya itong sawayin ay pumunta ito sa harapan at inayos
ang projector na nakakabit sa kabilang room which is the technician's room.

Ms.Gomez:"Ok class, let's start the film showing! " Nanahimik ang lahat at umupo ng
maayos. Ang iba nama'y may tinatagong pagkain sa gilid ng kanilang upuan. Patago
silang kumakain habang nanonood, ang iba nama'y walang interes sa pinapanood kaya
nagkwekwentuhan nalang. Nasa kalagitnaan na sila ng film showing ng biglang maputol
ito. Natahimik ang buong klase at nagtaka kung anong nangyare. Nagulat ang lahat ng
biglang may narinig na kakaibang tunog mula sa speaker. Biglang may isang
ipinalabas na video na ikinagulat ng lahat. Nagsitayuan ang mga studyante at
lumapit sa projector. Makikita mo sa screen si Bianca, nakagapos siya at wala
siyang suot kundi ang kanyang underwear.

Eugene:"Si Bianca yan ah?!" Sigaw niya.

Pau:"Oh my God! Ba't siya anjan?"

Cathrine:"Grabe ang scary naman!"

Maririnig sa labas ang sigawan ng mga studyante. Ang iba nama'y parang natutuwa pa
sa kanilang nakikita. Habang nagkakagulo ay biglang sumigaw si Ms.Gomez. Pinipindot
ang computer pero walang nangyayare. Gusto nang lumabas ng AVR ang ibang studyante
pero hindi nila ito magawa. Nakalock ang pintuan ng AVR. Nagpapanik lahat sila at
walang magawa kundi panoorin si Bianca. Maya-maya ay may narinig silang boses.

:"Let's play a game! Easy lang ang mechanics ng game.


Kapag tama ang sagot niyo, little miss Bianca will live. Kapag mali naman, say
goodbye to her It might be your last chance to see her alive! Hahahaha!" Sabi nito
ng may nakakatakot na boses. May mararamdaman ka ring galit sa boses niya.

:"Ok, Let the game start! Sure naman akong nakikita niyo
si Bianca sa video. Nakahiga siya sa isang malambot na kama. Nasa ibabaw niya ay
mga kandila, kapag hindi niyo to nasagutan agad, mamatay si Bianca."

Biglang may lumabas sa laptop ni Ms.Gomez ang isang program na may timer. Nakalagay
dito ang iba't-ibang choices pero puro numbers lang siya.

Question: "?"

: Please type the answer :

____________________________

Lahat ay natulala at hindi alam ang gagawin. Nagsisigawan ang mga babae at ang iba
nama'y pinipilit paring buksan ang nakalock na pintuan. Maririnig mong nagkakagulo
ang lahat sa AVR. Pabawas ng pabawas ang oras na natitira para kay bianca. Makikita
mong tumutulo ang kandila sa buong katawan niya.Sigaw siya ng sigaw ng
"tulong,tulungan niyo ko" dahil sa sakit na nararamdaman pero wala siyang magawa.
Wala siyang kalaban-laban sa taong gumagawa sa kanya nito. Nagulantang ang lahat ng
tumulo ang drips ng kandila sa mga mata ni Bianca. Hindi niya man lang ito matakpan
ng kanyang mga kamay dahil nakagapos ito. Bawat galaw niya sa kanyang kamay at paa
ay nagbibigay sakit sa kanya dahil nakatali siya sa isang alambreng tusok-tusok ang
ayos. Lahat ay nandiri,ang iba nama'y tinakpan nila ang kanilang mga mata, habang
walang humpay paring sumisigaw ang ibang babae. Makikita mong unti-unting napupuno
ng mga candle drips ang katawan ni Bianca. Natahimik ang lahat ng nakita nilang
patay na si Bianca.

: "Once it's done, It can't be undone. Once it starts, it


can't be stopped. " Huling sinabi ng misteryosong tao na nagsasalita sa video.

Maki:"Sh*t pala to eh, Magtatanong siya tapos ganyan? T*** *** ! "

Xyza:"Oh my God Cameron, Save me! " Maarte nitong pagkakasabi sabay hinug si
Cameron.

Zero:"Slut." Mahina nitong pagkasabi sa sarili habang nakatingin kay Xyza.


Aliza:"One down, twenty-nine to go." Biro nito na ikinagalit ng kanyang kapatid.

Alina:"Shut up! Namatay na nga ganyan ka pa?"

Arsela:"Cut it out you two, Let's just pray for Bianca's soul."

Nanahimik ang lahat sa at nag-alay ng dasal para kay Bianca. May nararamdamang
takot ang bawat isa. Tinignan ulit ni Hunter ang pintuan. Nagulat ang lahat ng
makitang nakabukas ito. Sa labas ng AVR ay may isang cartolina na nakadikit sa
pader. Ang mga nakasaluta dito ay ....

" There's a murderer in your classroom. Everyone will be the suspect. You can't
trust no one but yourself from now on. You need to kill the murderer before the
murderer gets you. It's to kill or to be killed.

PS: I had fun playing with you today, See you later! "

CP4:The Incident >>

Nabalot ng takot at kaba ang mga studyante sa St.Venille ng kumalat ang nangyari
kay Bianca. Hindi parin makapaniwala si Erika sa mga nangyayari. Si Bianca ay isang
taong tahimik,simple at innocent. Siya yung tipo ng tao na laging walang kibo sa
lahat ng bagay. Magaalas-nueve na at hindi parin makatulog si Erika. Paikot-ikot
lang siya sa dorm at parang pinagpapawisan ito. Hindi siya mapakali sa isang lugar.
Natutulog na ang mga kasama niya na sina Arsela at Xyza. Nakita siya ni Tiffany na
paikot-ikot sa tapat ng dorm nila. Nagdesisyon itong lumapit at subukang kausapin.

Tiffany:"Oh? Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong nito na may masayang tono. Umupo
ito sa isang upuan at nakapangalumbaba habang tinitignan si Erika.

Erika:" Wala, Naalala ko lang si Bianca. She's too innocent para ganunin siya."
Sagot nito kay tiffany na nasundan ng pagbuntong-hininga.

Tiffany:"Awwww, Whoever that killer is I hope na sana masaya na siya. " Padabog na
sinabi ni Tiffany. Tumayo siya at tumingin kay Erika ng nakataas ang kilay. Nagulat
si Erika sa reaction ni Tiffany na para bang may masamang binabalak ito.

Erika:"T-tiffany?" Ngumiti si Tiffany at tinulak si Erika sa sahig. Nanlaki ang


mata niya ng makitang may hawak na panaksak si Tiffany. Pinapadulas-dulas niya
yung kutsilyong hawak niya sa kanyang balat at nakangiti.
Tiffany:" Alam mo Erika, Hindi ako tanga. Ayoko pang mamatay, We deserve better
than this. Alam ko namang nagpapanggap ka lang pero deep inside ikaw talaga ang
killer. " Nanlaki ang mga mata ni Erika ng marinig niya ang sinabi ni Tiffany.

Erika:" Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo Tiffany! Tigilan na natin to! "
sinigawan niya si Tiffany nang may nanginginig na boses. Sa sobrang lakas ng boses
ni Erika ay nagising ang dalawang kadorm niyang sina Arsela at Xyza. Binuksan ni
Arsela ang pintuan at nadatnang nasa lapag si Erika at may hawak na kutsilyo si
Tiffany.

Arsela: "What's the meaning of this?" Tanong niya kay Tiffany.

Xyza:"Oh my God! Asan ba kasi si Cameron, I need my savior! Tiffany is coming to


get me." Dagdag niya kay Arsela ng may napakaarteng boses.

Tiffany:"A-ah? Wala nanghiram lang kasi ako ng kutsilyo kay Erika and I decided to
give it back na kasi tapos na kong magluto. Ang dulas kasi ng floor niyo dito kaya
yan nadulas tuloy siya. Sisihin niyo yung janitors sa school, diba Erika?" Ngumiti
siya kina Xyza at Arsela. Lumapit siya kay Erika at itinayo niya ito. Binulungan ni
Tiffany si Erika sa tenga at sinabing "Don't you dare to exploit this incident if
you don't want to die." Umalis si Tiffany sa dorm nila Erika ng may ngiti sa
kanyang labi. Pumasok na si Erika sa loob ng dorm nila at natulog. Makikita mong
pawis na pawis siya at hindi mapakali sa kanyang narinig. Ilang kilometro lang ang
layo ay nagiikot sina Jacob at Grace sa mga dorm. Chinecheck nila kung lahat ba ng
studyante ay sinusunod ang curfew. Nagdesisyon ang dalawa na maghiwalay. Si Jacob
ang magchecheck sa Dorm A na puro lalake lang ang pwede at si Grace naman sa Dorm B
na puro babae lang din ang pwede.

Grace:"Let's split-up para mapadali yung pagche-check naten. Inaantok na rin kasi
ako eh. Magkita na lang tayo dito sa may ilalim ng punong balete ha? " Proposal
niya kay Jacob. Tumungo ito ay naghiwalay na sila. Habang nagiikot si Grace ay may
may mabigat siyang pakiramdam na para bang may nagmamasid sa kanya. Binilisan niya
ang lakad dahil may naririnig siyang footsteps papunta sa kanya na para bang
hinahabol siya nito. Nagulat siya ng may biglang nagtakip ng kanyang mga mata.

Grace:"Sh*tt! Kung sino ka man, I don't like to play games right now!" Hinawakan
niya ang mga kamay na nakapiring sa kanyang mga mata at pinipilit na alisin ito.

: "Let's play a game. " Bulong nito sa tenga ni Grace ng may seductive
na boses.
Grace:"Sh*t ka talaga!" Sigaw ni Grace na may matapang na boses. Siniko-siko niya
yung taong nasa likod at biglang napalayo ito. Pagtalikod niya ay si Maki lang
pala.

Grace:"Haha? Very funny Mister. Rebel Kid! " Sagot niya na may halong sarcasm.

Maki:"It's just a joke babe." Agad itong lumapit kay Grace at niyakap.

Grace:"Get away from me! Chaka wag ka ngang maingay, baka machismis pa ko niyan
dahil sayo. Alam mo namang secret lang yung tayo diba?"

Maki:"Pero babe..." Sagot niya na may paawang boses.

Grace:"Bahala ka nga jan, teka nga pupuntahan ko na muna si Jacob baka kanina pa
yun sakin nagaantay." Agad lumayo si Grace kay Maki pero sinamahan siya nito
hanggang sa makapunta sila sa may ilalim ng punong balete. Nadatnan nila sa ilalim
ng punong balete si Zoey habang bitbit-bitbit nito ang kanyang stufftoy.

Grace:"Oh? Asan na si Jacob?" Umiling lang ito at tumakbo papalayo kila Grace. Nag-
antay pa si Grace at Maki kay Jacob hanggang magalas-dose pero hindi parin
dumadating si Jacob. Nagdesisyon ang dalawa na ipagpabukas na lang ang lahat dahil
magkikita-kita rin naman sila sa classroom.

Kinabukasan ay nagulat ang buong St. Venille sa kanilang nasaksihan. Nakita ng


beasts na maraming tao sa quadrangle. Ang beasts ay isang grupo sa 6th section na
kinabibilangan nina Angela,Pau,Cathrine,Kate,Melcy at Sam. Tinawag silang Beasts
dahil sila ang nangungunang group na kinakatakutan ng lahat.

Pau: "Shems! Ano yun bakit andaming tao?" tanong niya sa ibang grupo ng beasts

Cathreen:"Andito kasi ako, I'm so popular talaga!" Pagmamayabang nitong sabi sa


sarili.

Kate:"Bilisan naten ha? Magvavandalism pa ko sa cr ng girls. " Bulong niya sa mga


kasama sabay nagsmirk.
Sam:"Oh, Andun pala si Cj sa harap! Let's go girls makisingit na tayo." Nang
makapunta na sila sa harapan ay nanghina sila sa kanilang nakita. Nasa loob si
Jacob ng isang box. Malaki yung box na yun. See-through ang box na ito na may
makapal na salamin. Walang gustong makielam, lahat sila ay pinagmamasdan lang si
Jacob sa loob. Makikita mong nakatali ang dalawang kamay ni Jacob sa dalawang
pagitan ng mirror box. May mga kutsilyong nakaform na parang kamay sa shoudlers ni
Jacob. Mapapansin mo rin na may nakatali na shotgun sa harapan ni Jacob . Maya-maya
ay tumunog ang speaker sa quadrangle.

: "Good morning St.Venille! Andito nanaman ako para


makipaglaro sa isa sa mga studyante ng 6th section. Nakikita niyo sa loob ng mirror
box si Jacob. Easy lang naman ang mechanics natin. Kapag sumigaw si Jacob,
matritriger nito ang baril na nasa harapan niya. At pagnatrigger ang gun, Boom! Bye
Jacob! Hahahahahaha!"

:"Let the game begin! Hahahaha!" Sabi nito ng may parang


nababaliw na boses na nagdulot ng takot sa mga studyante.

Agad nagkagulo ang mga studyante sa quadrangle. Ang beasts naman ay pumunta sa
harapan at sinusubukang basagin ang makapal na salamin. Tinatapik -tapik nila ito
at sinusubukang makausap si Jacob ngunit hindi sila marinig. Kinuha ni Kate ang
pentelpen niyang dala-dala at sinulatan ang mirror box.

-" Kahit anong mangyare, huwag kang sisigaw. "

Tumango lang si Jacob sa kanyang nabasa. Nagulat ang lahat ng makitang bumaon ang
mga kutsilyo sa balikad ni Jacob pababa hanggang sa kanyang kamay ng paulit-ulit.
Makikita mo si Jacob na para bang binabalatan siya nito ng buhay. Makikita mo sa
kanyang mga mata ang sakit na nadarama. Humarap si Jacob sa beasts at umiling ng
paulet-ulet na sumesenyas na hindi niya na kaya ang saket pero tinatapik parin nila
ang salamin at sinabing "Wag kang susuko!". Alam nilang hindi sila maririnig ni
Jacob sa loob ng glass box, pero umaasa sila na kahit papano ay maintindihan niya
ito sa pagbabasa sa kanilang mga labi. Umiling siya ng tatlong beses at yumuko.
Nagdesisyon siyang sumigaw na lang kesa pahirapan at balatan siya nito ng buhay.
Nagulat ang lahat ng biglang pumutok ang baril na nasa harapan ni Jacob. Napuno ng
dugo ang buong salamin, Tuloy-tuloy ang pagdanak ng dugo mula sa balikat hanggang
sa kamay ni Jacob. Maya-maya ay biglang huminto sa paggalaw ang mga kutsilyo. Sa
sobrang lalim at diin ng mga kutsilyo sa balikat ni Jacob ay malapit mo nang makita
ang mga buto nito. Nandiri ang lahat ng studyante sa kanilang nasaksihan. Ang iba
nama'y sumusuka na. Napaluha ang lahat ng beasts dahil sa insidente. Pagbaba ng
beasts ay bigla nilang nakita si Erika na tumatakbo papunta sa kanila na para bang
hingal na hingal ito.

Erika:"Oh ano nangyare?" Tanong niya sa beasts.


Angela:"You're late ! Patay na si Jacob!" Nakapanghihinang sinabi niya kay Erika.
Agad namang yumakap si Cathreen kay Erika dahil hindi niya nakayanan ang mga
nangyari.

Kate:"Asan ba yung iba nating mga classmate? Bakit ba nangyayari satin to!"
Nagpapanik niyang sinabi kay Erika. Hindi maipaliwanag ang mukha ni Erika nang
malaman niya ang balitang iyon. Nagdesisyon siyang ipatawag ang buo nilang section
para malaman ang balitang ito. Nagpunta sila sa isang classroom.

Erika:"Ok guys, Andito ko sa harapan niyo para sabihing patay na si Jacob."


Nagulat ang lahat sa sinabi ni Erika. Ang iba nama'y tahimik lang at walang kibo.

Xyza:"Sayang gwapo pa naman rin si Jacob. Hmmp!" Maarte nitong pagkakasabi na


nagdulot ng pagtingin sa kanya ni Cj.

Cj: "Psht! Ang landi talaga nitong babaeng to." Mahinang pagkasabi niya sa sarili.
Tumayo si Tiffany at pumunta sa harapan ni Erika.

Tiffany:"Oo, wala na si Jacob dahil pinatay mo siya!" Tinulak niya sa Erika sa


sahig. Sinisisi niya si Erika sa nangyari kay Jacob. Si Grace naman ay nakatulala
lang at hindi makapaniwala sa mga nalaman. Ang iba nama'y kung ano-ano ang
sinasabi, nagsusupetsyahan na ang bawat isa kung sino talaga ang murderer at bakit
niya ito ginagawa. Tumayo si Cameron sa harapan at inawat ang dalawa.

Cameron:"Enough! Ano ba? Wala namang magandang mangyayare kung magaaway lang kayo
diba?" Pasigaw niyang sagot sa dalawang babae.

Zero:"How Childish. Tch!" Bulong nito sa sarili. Tumayo si Cheska at pumunta sa


harapan na para bang susugurin si Cameron.

Cheska:"Hindi niyo ba nakita na iniisa-isa na niya tayo, Ayoko pang mamatay! Sino
susunod satin? Ako? Ikaw? Sino!" Naghahalucinate na pagkasabi ni Cheska.

Erika: "Tama na!" Saway niya sa nagkakagulong seksyon.


Erika:"Simula ngayon, lagi na tayong magsasama-sama! Wala nangbubukod. Mag-aassign
ako ng isang lalake para bantayan yung classmates naten sa Dorm A. Ako naman bahala
sa inyo sa Dorm B kapag gabi, pero kapag nasa school tayo, Magsama-sama na tayo
para hindi tayo maisa-isa ng pesteng killer na yan!" Naglabasan ang buong 6th
section na may nararamdamang takot. Iniisip ng bawat isa kung sino ang susunod sa
kanila. Lahat ay hindi alam kung ano ang kanilang gagawin. Ang alam lang nila sa
ngayon ay sundin si Erika at subukang huwag kumalas sa grupo.

3rd Person's POV

Walang hiyang Erikang yan, chinachallenge talaga ko. Pasalamat siya dahil hindi
siya ang susunod. Buti na lang at wala na si Bianca dahil kung nabuhay pa yan,
malalaman ng lahat ang sikreto ko. Tama lang namang namatay na siya agad,wala rin
namang kwenta ang buhay niya eh. Hmmm? Sino kaya ang isusunod ko? Matignan nga sa
class picture. Ah siya na pala ang next?
This is going to be fun! Hahahahahahahaha! Humanda ka saken, You're next b*tch!
Hahahahahaha!

CP5:Marionette >>

Pumasok ang mga studyante sa 6th section nang may halong takot sa dibdib. Hindi mo
na makikita sa kanilang mga mukha ang saya. Lahat ay napalitan ng takot sa
posibilidad na sila na ang susunod. Hindi na rin sila magkasundo ng maayos. Lahat
ay nagkakagulo,nagiisip ng kung ano-ano at wala nang pinagkakatiwalaan bukod sa
kanilang sarili.

Grace:"Hindi talaga ko makapaniwala na wala na si Jacob. Nawala siya ng parang bula


at wala man lang akong nagawa para iligtas siya." Mahina niyang sinabi sa klase.
Pumunta si Xyza sa harap at umupo sa table ng teacher.

Xyza:"Alam niyo kasi guys, you're taking this whole sh*t seriously. We should have
some fun kahit paminsan-minsan lang. "

Zoey:"How can you say that knowing na iniisa-isa na tayo?" Mahinahong sagot niya
kay Xyza.

Tiffany:"You know Xyza, you're right. We're taking this whole thing seriously. We
need to relax and have some fun. Tara? Mamayang gabi, may alam akong bar na malapit
sa school."

Beasts:"Count us in!" Sabay-sabay nilang sagot.

Cj:"Ok it's settled, Let's have some fun!"


Resha:"Pero baka hindi ako makasama later ha? Nagform kasi ako ng study group,
kami-kami nila Chantelle. Bilang isang elite, we need to maintain our grades."

Kyle:"Huwag ka ngang KJ, This is the only time we're gonna have some fun." Mataray
na sinabi nito kay Resha. Inirapan niya ito at sinabing "Tch! Nerds" ng mahina sa
sarili.

Cheska:"Ok, I wouldn't miss it for the world."

Ms.Gomez:"Yan, mabuti yang ginagawa niyo para hindi naman kayo masyadong mastress.
Magiingat lang kayo ha? " Mahinahong sinabi niya sa kanyang mga studyante.

Ms.Gomez:"Class Dismissed!" Dagdag nito.

Erika:"Sige! Magkita-kita na lang tayo mamayang 6:00 pm sa may tapat ng school


gate." Pagkatapos ng pag-uusap nila ay nagsialisan na ang mga studyante para mag.
Naiwan sa classroom si Erika at si Ms.Gomez. Habang naglilinis ng classroom si
Erika ay nagpaalam na si Ms.Gomez sa kanya.

Ms.Gomez:"Oh Erika, ikaw nang bahala sa mga classmates mo ha? Mauuna na ko at may
gagawin pa ko sa faculty." Paalam niya kay Erika. Matapos ang labing limang minuto
ay natapos na si Erika sa paglilinis. Napansin niyang mag-isa na lang siya sa 3rd
floor ng Academic Building. Habang naglalakad ay napansin niyang wala na yung buhok
na nakita niya dun sa may Janitor's room. Lumapit siya rito ay sinubukang buksan.
Hindi niya pa rin ito mabuksan sa kadahilanang nakalock ang pintuan nito. Paglingon
niya ay may nakita siyang isang taong nakamaskara, nasa pinakadulo siya ng 4th
floor sa Academic Building. Isa-isang namatay ang mga ilaw. Nagpanik siya at agad-
agad siyang bumaba sa hagdanan ng building. Nang nasa 2nd floor na siya ay nakita
niya si Chantelle. Nilapitan niya ito at sinubukang pakiusapan.

Erika:"Tulungan mo ko, Ako na yata ang susunod." Nanlaki ang mata ni Chantelle sa
kanyang narinig.

Chantelle:"....." Hindi sumagot si Chantelle at sinamahan niya lang si Erika


hanggang sa makababa na sila ng building. Tahimik silang dalawa,nagpapakiramdaman
kung sino ang magsasalita. Nabasag ang katahimikan ng dalawa ng biglang sumigaw si
Hunter. Hinihingal ito at hinawakan sa balikat si Erika.

Hunter:"May kailangan kang makita, Sundan mo ko bilis!"


Erika:"H-ha? A-ano yun? Bakit?" Nalilitong tanong ni Erika. Hinatak siya ni Hunter
papunta sa may library habang naiwan si Chantelle sa ere at naglakad nalang
papuntang dorm B. Nadatnan nila si Shini na nakatayo sa gitna. Si Shini ay ang
bookworm ng 6th class. Siya yung tipo ng tao na hindi sociable. Gusto niya lang
laging tumambay sa library at magbasa ng kung ano-anong libro. Maganda
siya,nakasalamin pero onte lang ang friends niya dahil siya'y may pagkamahiyain.
Mayroong mga nakatahing barbed wire sa balat nito. Makikita mo na para siyang isang
puppet. Isang manikang pinaglalaruan. May mga sinulid rin sa may sahig sa harapan
niya. Nakakonekta ito sa isang shotgun na nakatutok kay Shini. Hindi niya alam kung
ano gagawin niya. Makikita mo ring may nakatutok na spear sa bandang likuran nito.
Maya-maya ay tumunog na ang speaker.

: "Hello Shini, Nadadalasan ata ang pagbabasa mo ng libro,


Let's play a game. This time para may thrill naman ang pagstay mo sa library.
Nakatali ang buong katawan mo sa barbed wire at nakaform ka na parang isang
marionette. Ang cute mo naman tignan, para kang isang manika. Hahahahahaha!"

Shini:"Bullsh*t ka! Wala kong panahon para makipaglaro sayo! Stop this madness!"
Matapang niyang sinabi.

Erika:" F*ck you! Kung sino ka man, Please tigilan mo na to. I'm begging you!"
Pakiusap niya sa killer.

Hunter:" Whoever you are, you're gonna pay for all of this! Stop this sh*t, kung
gusto mo mas ok lang kung ako na lang." Dagdag ni Hunter kay Erika. Maririnig ang
nakapangingilabot na tawa sa speaker, nasundan pa ito ng tatlong palakpak.

: "Bravo! Bravo! Pang teleserye ang drama niyo. Ang


tapang mo Shini ha? Tignan naten kung hanggang saan ang tapang mo. Kelangan mong
alisin ang pagkakatahi ng barbed wire sa balat mo sa pamamagitan ng pagkalas mo
dito. Meron ka lang 60 seconds para gawin to. Habang nauubos ang oras mo, lalong
lumalapit ang spear sa likod mo. Huwag niyo ring susubukang mangielam sa larong to.
Once na may tumapak sa mga nakataling thread sa floor,the gun infront of her will
trigger."

Nanlaki ang mata ni Erika sa kanyang narinig. Nakatayo lang siya habang pinapanood
si Shini mamatay. Wala siyang magawa sa mga nangyayari. Maya-maya ay biglang
tumunog ulit ang speaker.

:"Enough with the drama, Let the game begin!"


Agad nagcountdown ang timer. Sinumulan na ni shini na kalasin ang mga barbed wire
sa kanyang balat. Umiiyak siya at tuloy-tuloy ang tulo ng luha. Sinumulan niya sa
kanyang mga kamay. Makikita mong diring-diri ang mga studyante sa kanilang
nakikita. Walang humpay na sumisigaw si Erika habang nakatulala lang si Hunter at
para bang wala sa sarili. Sigaw ng sigaw si Shini sa sakit,binibigla niya ang
pagkalas sa mga barbed wire na nakatahi sa kanyang balat. Nang matanggal niya na
ang barbed wire sa kanyang mga kamay, sinimulan niya naman sa kanyang mga paa. 30
seconds na lang ang natitira, tuloy-tuloy ang pagtulo ng dugo sa kanyang mga kamay.
Napuno ang sahig ng puro dugo. Makikita mo ring punong-puno ng dugo ang kanyang
uniporme at salamin. Makikita mong parang tinuklap-tuklap ang kanyang balat dahil
sa pagka-alis nito sa nakatahing barbed wire. 10 seconds na lang ang natitira pero
hindi niya parin natatangal ang isang paa niya sa pagkakatali. Hirap na hirap siya
at para bang nawawalan na ng consciousness, manhid na rin ang kanyang katawan dahil
sa sobrang saket. Isang tahi na lang ang natitira ng biglang may tumunog na malakas
na ingay mula sa timer. Bigla-biglang tumusok sa katawan ni Shini ang sphere na
nasa likuran niya. Tumalsik ang dugo sa buong library, namanchahan ang ibang libro
ng dugo. Napaupo si Erika sa kanyang nasaksihan nang makita niya na wala nang buhay
si Shini. Sabay silang lumabas ni Hunter sa library.

Hunter:"Magpahinga ka muna, Kailangan mo yan." Mahinang sabi niya kay Erika.


Tumango lang ito at inihatid na niya si Erika sa kanilang Dorm. Lumipas ang araw
hanggang sa mag alasais na ng gabi. Lahat ng 6th section ay nakaporma dahil pupunta
sila sa isang bar. Nang nagkita-kita na ang lahat sa napagkasunduang lugar. Masaya
silang lumabas ng campus. Hindi ipinaalam ni Erika at Hunter ang nangyari kay Shini
dahil ayaw nilang matakot na naman ang kanilang seksyon. Masayang
nagsasayawan,nagtatawanan and iba nama'y umiinom ng iba't-ibang klaseng wine at
tequila. Lahat ng natitira sa 6th section ay kasama sa party. Lumapit si Tiffany
kay Erika,

Tiffany:"E-erika?" Nahihiyang sinabi nito.

Erika:"Oh?"

Tiffany:"Sorry sa nangyare kahapon ha, hindi ko naman ka-" Bago pa man niya
mapatuloy ang sinasabi niya ay bigla nang sumagot si Erika.

Erika:"Nukaba, Wala yun. " Malumanay niyang sinabi. Ngumiti silang dalawa at umupo
sa kanilang table. Habang masayang nagsasayawan ang lahat ay biglang nagulantang at
umagaw ng pansin si Xyza. Napansin nilang lasing na lasing na ito dahil sa marami
nitong nainom na tequila. Nakatayo siya malapit sa table nila at para bang hindi
mapakali. Makikita mong pagewang-gewang ang mga galaw nito.

Xyza:"Ahhhhhhh! Sh*t! Get it off ! Get it off!" Nagulat ang lahat dahil kakaiba ang
pagkasigaw ni Xyza. Nakikita nilang umiikot-ikot ang mata ni Xyza na para bang
nawawala sa sarili. Naghahalucinate siya hanggang sa kinakalmot niya na ang kanyang
lalamunan ng paulet-ulet. Madiin niya itong ginagawa hanggang sa mamula na ito.
Agad naman siyang nilapitan ni Resha para pigilan ang ginagawa. Hinawakan ni Resha
si Xyza sa balikat.
Xyza:"Ahhhh! There's something on my throat! Get it off! Get it off!" Nagpapanik
niyang sinigaw sa buong club.

Resha:"Xyza! Stop it! Xyza! Stop it already! " Pasigaw niyang sinabi kay Xyza
sabay sinampal ito para naman mahimasmasan. Ngumiti lang si Xyza at kumuha ng isang
baso at pinukpok sa ulo ni Resha. Agad namang tumumba sa sahig si Resha. Lahat ay
nagkagulo at biglang lumayo kay Xyza. Nawawala na siya sa kanyang
sarili,ipinagpatuloy niya parin ang kanyang pagkalmot sa lalamunan hanggang sa may
lumabas nang dugo rito. Wala pang isang minuto ay napahiga si Xyza sa sahig at
biglang bumula ang bibig nito. Naglabas ito ng kulay puti na mayroong hindi
maipaliwanag na amoy. Punong-puno ng dugo ang sahig. Nagulantang ang lahat ng tao
sa bar, nagpapanik at isa-isang nagsisilabasan. Nang inamoy ni Zoey ang baso ni
Xyza ay may naamoy siya ritong kakaiba.

Zoey:"Sh*t! Sinasabi ko na nga ba eh, may naghalo ng iba't-ibang drugs sa drink ni


Xyza kaya siya naghallucinate kanina." Paglingon niya ay may nakita siyang isang
taong nakasilip sa may gilid. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang wala nang
buhay na katawan ni Xyza. Sinubukan niya itong puntahan pero wala nang tao. May
isang note na naiwan at may nakasulat dito na..

- " Too much alcohol kills."

Kinilabutan si Zoey sa kanyang nakita. Kinuha niya nag note at itinapon sa


basurahan. Hindi niya na ipinaalam sa iba niyang kaklase ang kanyang nakita. Nag-
aya na lang siya na umuwi nalang dahil sa nangyare. Bumalik ang buong 6th section
sa St. Venille ng tahimik. Hindi na nila alam kung anong gagawin nila. Sinubukan
nilang magsama-sama pero mayroon paring nabibiktima sa kanila. Hindi na nagsasalita
si Erika sa mga nangyayari, hindi niya na alam kung anong gagawin niya. Dalawang
studyante sa 6th section ang namatay sa iisang araw. Lahat sila ay hindi alam ang
gagawin,wala silang kalaban-laban sa isang killer. Nagtapos ang araw sa St.Venille
na puno ng lungkot at takot.

CP6:Love Hurts >>

Walang ganang pumasok ang mga studyante ng 6th section sa kanilang classroom. Kahit
isa ay hindi nagsasalita at nakatulala lang. Iniisip ng paulet-ulet ang mga
nangyare. Pumasok si Ms.Gomez sa classroom ng may halong kaba. Makikita mo sa
kanyang mukha ang lungkot dahil sa nangyaring insidente sa bar. Makikita mo ring
natatakot siyang pumasok sa 6th section at para bang ayaw nang magturo dito.
Pumunta siya sa harap at nanginginig ang buong katawan nito.

Ms.Gomez:"O-ok class, I'm here to announce that we will be having your fieldtrip
next week. After this, I'll be resigning." Nanginginig na sinabi niya sa harap ng
klase. Maririnig mo ang bulong-bulungan sa buong seksyon. Nagtataka kung baket niya
kelangang gawin ito.
Kyle:"So you're telling us that we're on our own now?" Mataray niyang sinabi sa
teacher.

Ms.Gomez:"It's not what it looks like..." Mahinhing sagot niya kay Kyle. Lumabas
agad ito ng classroom at para bang iniwan sila nito sa ere. Isa-isang
nagsisilabasan ang mga studyante sa classroom. Sinusubukang pigilan ito nila
Erika,Cameron at Arsela.

Erika:"Oist! Huwag nga kayong lumabas"

Arsela:"Oo nga, alam niyo namang labag sa school rules yan diba?"

Cameron: "Pumasok na nga kayo dito sa loob bago pa kayo mapahamak. Isang kahihiyan
na naman yan ng seksyon naten pagnagkataon." Tumalikod si Kyle at humarap kay
Cameron.

Kyle:"We're all gonna die anyway," Sinabi niya ito na nagbigay ng takot kay
Cameron. Nakatayo lang siya na parang isang statwa. Hindi na nila napigilan ang mga
studyante na magsilabasan. Hindi rin nila masisi kung ano ang iniisip nila dahil sa
mga nangyayare. Nagkawatak-watak na ang ang mga studyante ng 6th seksyon. Umalis na
rin ang tatlo sa classroom. Nagiikot-ikot lang sa hallway at nagmamasid kung may
kakaiba bang mangyayare. Nakita niya si Ms. Gomez sa may tapat ng faculty.
Nilapitan nila ito pero iniwasan lang sila. Pagbaba nila ay nagusap-usap sila sa
pwedeng maging solusyon sa nangyayari.

Cameron:"Grabe noh? Sunod-sunod na tayo." Mahinang sinabi niya sa dalawa.


Nagbuntong-hininga si Erika at humarap kay Cameron.

Erika:"Hindi ko na nga alam gagawin ko eh. Andami-dami naten pero hindi tayo
makalaban sa isang killer. Alam mo, minsan naisip ko kung anong rason niya baket
niya to ginagawa saten."

Arsela:"Hayaan niyo, matatapos rin lahat ng to." Lumapit ang beasts sa kinauupan ng
tatlo. Nag-aya ito na pumunta sa covered court para manood ng isang basketball
match. Pumayag silang pumunta sa court pero bago pa man sila makapunta may ay
nakitang kakaiba si Arsela sa may school monitor. Black and white lang to at para
bang nawawala-wala ang graphics.
Pau:"Arsela, Let's go na."

Arsela:"Si-sige, mauna na kayo, susunod na lang ako." Sabi niya kay Pau habang
nakatingin sa may monitor. Nang makalayo-layo na sila Pau kay Arsela ay biglang may
ipinalabas sa school monitor. May naririnig siyang parang may sumisigaw sa monitor,
biglang tinawag siya ni Erika.

Erika:"Psssst! Hoy dalian mo na, magststart na yung laban!" Anyaya niya kay Arsela.
Hindi na pinansin ni Arsela kung ano ang nasa monitor at dumiretso lang siya
papunta kay Erika. Sabay silang nagpunta sa may basketball court at nanonood ng
laban. Masaya ang lahat, makikita mo na para bang nakalimutan ng buong 6th section
ang kanilang mga pinagdaanan. 4th quarter na at biglang namatay ang mga ilaw sa
buong court. Tumagal ito ng halos isang minuto. Mararamdaman mo ang takot na
nararamdaman nila sa kanilang mga sigaw. Lingon ng lingon si Erika at umaasang may
makita. Tinawag niya ang pangalan ng kanyang mga kasama at itinanong kung ok lang
ba sila.Nang mabuksan ulit ang ilaw ay wala ng taong naglalaro sa court. Lahat ay
napaupo. May isang malaking TV na nasa gitna nito. Alam ni Erika na may gagawin
nanamang pagpatay ang killer kaya tumayo siya at inutusan ang beasts na magikot sa
buong court. Nagbabakasakaling makita ang killer. Palabas na sana ang beast ng
court ng biglang silang napahinto. Bumukas ang malaking TV at makikita mo sina
Grace at Maki sa loob. Nasa sahig silang dalawa at puro dugo ang kanilang uniform.
Sigaw ng sigaw si Grace ng tulong habang pinapatahimik naman siya ni Maki. Nagulat
ang lahat ng biglang hinalikan ni Maki si Grace. Pinagbulong-bulungan ng lahat ang
kanilang nasaksihan. Hindi makapaniwala ang iba na may relasyon si Grace kay Maki.
Si Grace ang SC President ng kanilang school. Kilala siya bilang Ms. Perfectionist.
Lagi siyang kasali sa mga school activities at hindi rin siya nawawala sa top. Siya
ang president ng History Club pero si Maki naman ay kilala bilang isang basagulero
sa classroom. Siya yung tipo ng tao na walang pinapakinggan kundi ang kanyang
sarili. Marami siyang records dahil sa pagkarebelde niya pero meron siyang
magandang standing sa loob ng classroom niya. Tinatawag siyang weird,maarte,
matipid sumagot,mysteryoso,suplado at kung ano-ano pa.

Angela:"Look who's next.." Pabulong niyang sinabi kay Cathreen.

Cathreen:"Oh-em-gee!Sila na ang next?" Pasigaw niyang sinabi. Nagsama-sama ang


buong 6th seksyon sa covered court. Nag-iisip sila ng pwede nilang gawin para
mailigtas sina Grace at Maki habang maaga pa.

Hunter:"Alam ko yung room na yun. Iyun yung lumang AVR sa Academic Building."
Napangiti si Erika sa balita niyang narinig. Agad niyang inutusan si
Hunter,Cameron,Xhan at Cj na tignan ang nasabing AVR. Agad-agad silang tumakbo sa
Academic Building habang naiwan sina Erika sa covered court at pinagmamasdan sina
Grace at Maki. Nakaupo lang silang dalawa sa sahig at para bang nanghihina.

: " Sorry to interrupt your game pero mas masaya tong larong
gagawin naten." Sabi ng misteryosong tao sa speaker sabay nagsmirk. Makikita mong
takot na tako si Grace ng marinig niyang may nagsalita mula sa speaker.
Grace:"M-maki, kahit anong mangyare wag mo kong iiwan ha?" Pautal-utal niya itong
sinabi kay Maki. Tumango lang si Maki at niyakap si Grace ng mahigpit. Nakarating
na ang tatlong lalake sa may tapat ng lumang AVR. Sinubukan nila itong buksan pero
nakalock ito. Sinubukan rin nilang gamitan ito ng pwersa at magbasakaling magbukas
ito pero hindi parin nila magawa na para bang may nakaharang sa likod nito.

Hunter:"Cj,pumunta ka sa main office at kunin mo yung susi nitong AVR Room. Bilis!"
Utos niya kay Cj. Sumama ang tingin ni Cj at nagpout.

Cj:"Ha? Eh sa kabilang building pa yun eh." Reklamo niya kay Hunter pero tinignan
lang siya nito ng masama at tumakbo palayo. "Bakit pa kasi ako kelangan utusan
pwede naman si Xhan eh." Bulong nito sa sarili.

:"Ang sweet nilang dalawa noh? Bagay ba sila sa isa't-isa?


Hahahahahaha!" Mataray na sinabi nito sa speaker.

Grace:"Please let us go! Parang awa mo na! Bakit mo ba to ginagawa samen! Inaano ka
ba namen? " Sigaw ni Grace. Mapapansin mong malat na sa kakasigaw si Grace.

Maki:" I'll kill you with my bare hands kapag nalaman ko kung sino ka! Sh*t! "

:"I don't kill for a reason, I kill for my own pleasure. Ang
boring kaya dito sa St.Venille. I'm just here to have some fun with you guys. Ang
sweet niyo ngang dalawa eh, too bad ayoko sa loveteam niyo. Ngayon alam na ng buong
St.Venille ang tinatago-tago mong relasyon Grace." Napuno ng takot ang buong court.
Nakatayo lang ang beasts at sina Arsela sa may court. Wala silang magawa kundi
magdasal na sana ay makaligtas sina Grace at Maki sa kanilang sitwasyon.

:"Simple lang naman ang gusto ko para makaligtas kayo, May table
jan sa may harapan niyo na punong-puno ng deadly weapons like axes,knives and etc.
Kung may nararamdaman kayong kakaiba ay dahil may ininject akong poison sa katawan
niyo. 15 minutes na lang ang natitira niyo bago pa tuluyang kumalat ang lason sa
buong katawan niyo. Kung may napapansin rin kayong isa box diyan, ito ay naglalaman
ng antidote para sa poison. Makukuha niyo lang ang antidote kapag may namatay na
isa sa inyo. Oh? Ang saya diba? Huwag na natin tong patagalin pa. Let the game
begin! " Tumayo si Maki at kumuha ng isang kutsilyo. Nanlaki ang mata ni Grace sa
kanyang nakita. Nakapikit ito at para bang handa siyang mamatay para mabuhay si
Maki. Nagulat siya ng biglang binigay ni Maki ang kutsilyo kay Grace. Ngumiti ito
at umupo sa sahig.

Maki:"You deserve to live." Mahinang sinabi niya kay Grace pero tumayo lang si
Grace at inilagay ang kutsilyo sa pader at itinutok ito sa ulo niya. Ngumiti siya
kay Maki at bumulong sa kanyang tenga. "I'll be waiting for you in the other side."
Grace:"My life will be nothing without you." Mahina niyang sinabi sabay nagsmirk.
Habang hawak ni Grace ang kutsilyong nakasandal sa pader. Itintutok niya ito sa
kanyang ulo, nanlaki ang mata ni Maki nang bigla niyang hinampas-hampas ang ulo
niya sa kutsilyo. Nakangiti pa ito habang tuloy-tuloy ang pagdanak ng dugo. Hindi
niya iniinda ang saket na nadarama. Sinubukang pigilan ito ni Maki pero huli na ang
lahat. Napaluha si Maki nang biglang bumagsak sa sahig si Grace. Bumukas ang box na
may naglalamang antidote. Imbis na kunin niya ang antidote ay kinuha niya ang
ginamit ni Grace na kutsilyo at pinagsasaksak niya ito sa kanyang sarili. Nang
malapit na siya mawalan ng malay ay tumabi ito kay Grace at sinabing "I'm glad to
spend eternity with you." Huli na nang dumating si Cj sa Academic Building.
Hingal na hingal ito at agad niyang ibinigay ang susi kay Xhan. Binuksan ni Xhan
ang pintuan at biglang may narinig na malakas na tunog ng bala. Natamaan sa ulo si
Xhan at agad rin itong nabawian ng buhay. Nadatnan nila Hunter at Cj sina Grace at
Maki na wala nang buhay. Agad silang dumiretso sa court para ibalita ang nangyare.
Hindi ito pinansin ni Erika, sinabi niyang mahina sa buong seksyon ang mga
salitang:

Erika:"From now on, It's to kill or to be killed. "

Yumuko siya at parang walang buhay na naglalakad papunta sa Dorm B. Nagulat ang
buong seksyon at nagpanik. Alam nila hanggang tumatagal na buhay ang killer ay
tuloy-tuloy parin silang papatayin nito. Nagsibalikan sa kani-kanilang dorm ang
lahat ng studyante at nagiisip-isip kung sino sa kanila ang may kakaibang kilos.

CP7:Revelation >>

Pagkatapos nang nangyari na trahedya sa St. Venille ay nagdesisyon ang principal na


magpamisa para sa sunod-sunod na mga namatay.Nasa harapan ang buong 6th seksyon at
tahimik. Taimtim na nagdadasal, i-isa lang ang kanilang hiling sa Diyos. Ito ay
matigil ang walang awang pagpatay sa kanilang mga classmates. Sa unang pagkakataon
ay dinamayan sila ng ibang seksyon. Nagkaisa ang buong St.Venille sa pagdadasal.
Makikita mong lahat ay tahimik at walang iniisip na iba kundi ang magdasal. Matapos
ang misa ay pinabalik sila sa kani-kanilang mga classroom.

Resha:"I heared na may mga bago daw tayong classmates."

Cameron:"Talaga?" Biglang lapit nito kay Resha

Arsela:"Oo,alam ko na confirmed na daw. " Napatingin si Alina sa kanyang narinig.

Alina:"Ay weh? Magiging masaya lalo ang seksyon naten. " Mahinhing sinabi nito at
ngumiti. Bigla namang umiksena ang kapatid nitong si Aliza.

Aliza:"No we're not! Hindi ba nila alam na cursed ang seksyon nato? Hindi ba nila
alam na iniisa-isa na tayo?" Naghyhysterical na sagot ni Aliza.
Kyle:"Sus! Ang KJ mo talaga Aliza, ayaw mo nun? The more the merrier?" Sagot ni
Kyle kay Aliza sabay inirapan ito. Naputol ang kanilang usupan at natahimik ang
lahat ng pumasok ang prinsipal sa kanilang classroom kasama si Ms. Gomez.

Ms.Gomez:"Ok class, what are you going to say?" Mahinang sinabi niya sa harapan.
Tumayo ang lahat ng studyante at nagbow.

Seksyon 6:"Good Morning Principal!" Sabay-sabay nitong sinabi at umupo. Lahat ay


tahimik, ang iba nama'y nagaayos ng itchura na para bang nagpapakitang tao sa
prinsipal.

Principal:" First of all, I'm deeply saddened about dun sa mga nangyayare sa
seksyon na to but don't worry, our security guards is on the case. They will
protect you 24/7 from now on. You will also be having new classmates tomorrow. "

Ms.Gomez:"We're also here to announce that prom will be held on Thursday." Ngumiti
ang lahat ng studyante sa kanilang seksyon. Exited sila sa magaganap na prom.
Maririnig mo ang bulungan ng mga babae na para bang nagiisip kung sino ang magiging
escort nila sa darating ng prom. Lumabas ang prinsipal sa 6th seksyon ng masaya.
Lumipas ang araw sa 6th seksyon na para bang isang normal na araw lang sa
eskwelahan. Naglelecture ang mga teachers,gumagawa ng seatworks,quizzes,activities
at kung ano-ano pa ang mga studyante. Nang matapos ang klase, isa-isang
nagsisibabaan ang mga studyante sa Academic Building ng St.Venille. Naiwan sa 3rd
floor sina Samantha,Kate at Cj. Dumiretso ang dalawa sa girl's comfort room habang
nasa labas lang si Cj at inaantay ang dalawa. Patingin-tingin ito sa kanyang
kaliwa't kanan dahil sa may mabigat siyang pakiramdam sa paligid. Umagaw ng pansin
sa kanya ay yung Janitor's Room. May napansin siyang natuyong dugo sa may lapag
nito.

Cj:"Girls? Bilisan niyo, I'm having a bad feeling about this." Nanginginig niyang
sinabi sa dalawang babae. Kumatok siya ng tatlong beses at sumagot naman agad sila.

Kate:"W-wait lang, matatapos na ko. Magpupulbos na lang ako." Excuse niya kay Cj

Sam:"Kate, Tara na nga. " Mahinang sinabi niya dito at hinatak palabas.

Cj:"I know it's weird pero tignan niyo oh, may natuyong dugo dun sa may floor ng
janitor's room." Tumingin lang sa kanya si Kate at tinaasan siya ng kilay.
Kate:"Malamang? It's their job to clean up the mess." Nagmamataray nitong sinabi
habang nakacross ang kanyang arms. Bigla namang humakbang ng tatlong beses
patalikod si Sam.

Cj:"We should check it out." Anyaya niya sa dalawang kasama ,

Kate:"Sige,Let's go." Lumapit sila sa janitor's room, nang nasa harapan na sila ng
pintuan ay sinubukang tignan ni Cj ang door knob kung bukas ito o naka-lock.
Nanlaki ang mata niya ng mabuksan niya ito. Hinawakan siya ni Sam sa balikat at
bumulong sa kanyang tenga.

Sam:"We should get out of here, This scene gives me goosebumps." Lumingon sa kanya
si Cj at ngumiti.

Cj:"Nah,ayaw mo nun? May thrill." Pagkabukas nila ay biglang nanlaki ang kanilang
mga mata. Nakita nila dito ang bangkay ni Bianca. Lasog-lasog na ang katawan nito
at mayroon na rin itong nakakasulasok na amoy. Napasigaw ang dalawang babae sa
kanilang nasaksihan. Naguunahan silang bumaba ng hagdan. Walang humpay na sumisigaw
hanngang sa makita sila ni Ms.Gomez. Nilapitan sila nito at sinubukang kausapin.

Ms.Gomez:"Oh? Ano nangyare? Parang nakakita kayo ng multo ah?" Hindi makapagsalita
ang tatlo. Puro sensyas lang ang ginagawa nila. Hinatak ni Cj si Ms. Gomez sa may
harapan ng Janitor's Room. Humarap siya kay Ms.Gomez at ikinuwento ang nangyare.

Cj:"Si Bianca, Andito sa loob ang bangkay niya."

Ms.Gomez:"Ha? Ano bang pinagsasasabi niyo? Tigilan niyo na nga tong kalokohang to,
pati katawan ng patay pinagtritripan niyo." Mahina niyang sinabi kay Cj habang
hawak ito sa balikat. Umiling si Cj at tinignan si Ms.Gomez sa mga mata.

Cj:"Maniwala po kayo, tignan niyo. I'll prove it." Nanginginig niyang sinabi kay
Ms.Gomez. Tumango ang dalawang babae at sinusubukan ring magsumbong kay Ms.Gomez.
Hinawakan ulit ni Cj ang doorknob, dahan-dahan niya itong binuksan. Nanlaki ang
mata niya nang makitang wala na ang katawan ni Bianca sa loob ng Janitor's Room.
Malinis na rin ang sahig na kung saan may natuyong dugo rito ngunit andito parin
ang nakapangingilasok na amoy. Humarap si Ms.Gomez kay Cj at nagcross ang arms
niya.

Ms.Gomez:"Oh? Asan? Alam mo, pagod lang yan. Pumunta na nga kayo sa baba.
Magpahinga na kayo, don't stress yourself ok? " Mahina niyang sinabi kay Cj. May
ipinaparating ang tono ng kanyang boses na para bang pinaghihinalaang nababaliw na
si Cj. Yumuko lang sila at bumaba. Habang pababa ng hagdan ay pinagusapan ng tatlo
ang kanilang nakita.

Cj:"Can you believe it? Biglang nawala ang katawan ni Bianca ng parang bula."
Tanong niya kila Sam at Kate.

Sam:"Alam mo, baka tama nga si Ms.Gomez, we must be seeing things."

Cj:"No! I know na totoo ang nakita ko and I'm willing to know the story behin
this." Pagkababa nila ng Academic Building ay nakita nila si Zoey na tumatakbo
habang bitbit-bitbit nito ang dala niyang stuff toy. Hinawakan ni Sam si Zoey para
pigilan pero parang kumakalas ito.

Sam:"Zo-Zoey! Bakit ka tumatakbo?" Tanong niya

Zoey:"She's going to get me. Let me go! " Hinihingal niyang sinabi kay Sam.
Napatingin si Cj sa sinabi ni Zoey at lumapit.

Cj:"Who's going to get you?"

Zoey: "Erika." Nanlaki ang mata ng tatlo nang marinig nila ang pangalang yon.
Inisip ng tatlo na kung si Erika nga ba ang totoong killer. Paglingon nila sa dulo
ng ground floor ay nakita nila si Erika na mabagal na naglalakad. May dala-dala
itong kutsilyo at nakangiti.

Cj:"E-Erika! What's the meaning of this?" Sigaw niya habang papalapit ito ng
papalapit. Huminto si Erika sa kanyang paglalakad ay ngumiti. Tumawa ito ng parang
nababaliw at parang wala sa kanyang sarili.

Erika:"There's a killer inside our class room, Sa tingin ko si Zoey ang killer.
Can't you see? Tahimik siya and sino bang naka-alam na may drugs sa drink ni Xyza?
Hindi ba siya? I'm going to kill her to stop this madness." Ngumiti ito at tumakbo
papunta kay Zoey. Nagulat si Zoey ng nakita niyang hinigpitan ni Sam ang
pagkakahawak sa kanya. Siniko niya si Sam para makalaya sa mahigpit na pagkakahawak
sa kanya. Habang tumatakbo siya ay bigla niyang nahulog ang kanyang stuff toy.
Sinubukan niya itong kunin pero malapit na si Erika sa kanya. Hindi siya natakot
kay Erika at kinuha parin ang kanyang nahulog na stuff toy.

Erika:"Pinagod mo pa ko? It's your turn to suffer and die!" Sasaksakin na sana ni
Erika si Zoey nang biglang hinawakan ni Cj ang kamay ni Erika.
Cj:"Walang mangyayare kung gagawin mo yan, You turned yourself into a killer."
Nabitawan ni Erika ang kanyang hawak-hawak na kutsilyo ng marinig ang sinabi ni Cj.
Napaupo ito sa sahig at naiyak.

Erika:"Hindi ko na alam gagawin ko. I need to kill the murderer before the murderer
gets us." Tinayo ni Cj si Erika sa sahig. Kinuha ni Cj ang kutsilyo at itinapon ito
sa basurahan. Tumakbo si Zoey papalayo habang tinutulungan ni Cj si Erika.

Erika:"Cj, can you do me a favor?" Tumingin ito at biglang nanlaki ang kanyang mga
mata. Nakita niya na may nakasaksak na gunting sa kanyang tiyan. Agad napaupo si Cj
sa ginawa ni Erika. Nakita ni Zoey ang lahat.

Erika:"Sorry, pero it's for the good of our section." Naglakad papalayo si Erika
habang tumatawa. Wala na sila sa Sam at Kate dahil nagtago sila nang makita ang
ginawa ni Erika. Nang makita ni Zoey na nakalayo na si Erika ay bigla niyang
nilapitan si Cj. Sumigaw siya ng tulong at napangiti siya ng makita niya si
Cameron,Hunter at Zero na naglalakad-lakad. Nakita ng tatlong lalake si Zoey at
agad itong pinuntahan.

Cameron:"O-oh? Ano nangyare?" Umiling si Zoey at tinignan si Cameron.

Zoey:"M-mahabang kwento." Pautal-utal nitong sinabi.

Hunter:"Tara! Tulungan niyo ko dalhin natin si Cj sa clinic."

Zero:"....." Tumingin lang si Zero ng seryoso at napakapokerface.

Pagdating nila sa clinic ay nadatnan ng apat dito si Erika. Nakangiti siya kay Zoey
na para bang may binabalak itong masama, biglang nagbago ang mukha nito na parang
alalang-alala kay Cj. Nawalan na ng consciousness si Cj dahil marami nang dugo ang
nawala rito. Lumapit ang nurse at nilagyan ng paunang lunas ang malalim na sugat
ni Cj. Lumabas ng tahimik si Erika sa clinic, sinusundan parin ito ng tingin ni
Zoey na para bang tinitignan kung ano ang next move nito.

Nurse:"Ano ba kasing nangyare?" Tanong niya sa apat, walang may gustong sumagot.
Nakayuko lang si Zoey at umiiyak. Sinusubukan itong patahanin ni Cameron pero ayaw
parin itong tumigil. Napatingin si Zero at sinabing "This is why I hate kids." ng
mahina sa sarili.
Nurse:"Sige na, Ako nang bahala dito kay Cj. Ipapahatid ko nalang siya sa Dorm A
kapag medjo ok-ok na ang kalagayan niya." Nagbow ang apat na studyante at lumabas
ng clinic. Nagdesisyon sila na ipagpabukas na ang lahat ng nangyare. Pagpasok ni
Zoey sa dorm niya ay mayroong letter ito sa may lapag. Kulay pula ang envelope
nito at may puting sticker sa gitna. May nakasulat na "Zoey" sa sticker. Binuksan
niya ito at binasa.

" Hi Zoey ! Gusto ko sanang humingi sayo ng sorry sa nagawa ko kanina. Wala ko sa
sarili ko nun. Huwag mo ring balaking ipagkalat sa buong classroom ang nangyare
kung ayaw mong maagang mamatay.Good night! Sweet dreams!"

-Erika

Nanlaki ang mga mata ni Zoey ng mabasa niya ito. Agad niya itong nilukot at tinapon
sa basura. Pagdungaw niya sa may bintana ay nakita niya si Erika na nakatingin sa
Dorm nila ng nakangiti. Siya na lang ang gising sa loob ng dorm nila. Wala na si
Bianca at tulog na si Cheska. Agad niyang hinarangan ng kurtina ang bintana at
humiga. Kinakabahan siya kung dapat niya bang sabihan ang kanilang mga kaklase na
mag-ingat pero natatakot rin siya na baka malagay sa panganib ang buhay niya kapag
ginawa niya iyon.

CP8:New Faces >>

Pumasok si Zoey nang may halong takot sa dibdib. Umupo siya sa bandang dulo na para
bang iniiwasan si Erika. Normal lang namang kumilos sa Erika sa klase na para bang
walang nangyareng kakaiba kahapon. Pumasok si Ms.Gomez sa classroom na may kasamang
pito na studyante. Ang pitong studyante ay may dala-dalang kakaiba sa kanila.
Nagulat si Zoey nang makita niyang may bitbit-bitbit ring stufftoy ang isang
studyante. Tinignan niya ito sa mata at nakita niyang nagkasalubong ang kanilang
pagtitinginan. Nginitian lang ito habang hinawakan ng mahigpit ang stufftoy. Agad
naman nilihis ni Zoey ang tingin, Pumunta sa gitna si Ms.Gomez nang nakangiti.

Ms.Gomez:"Hi class, I'm here to tell you that they will be your classmates starting
today. Ang school nateng St.Venille at Xavier Academy ay nagkaroon ng student
exchange. I'm hoping na maging good role model kayo sa bawat isa sa kanila."
Ngumiti ito at umupo.

Ms.Gomez:"Ok, Tell us about yourselves." Naunang nagpakilala na punong-puno ng


confidence ang bagong transfer na si Erizel Fajardo. 5'4 ang height niya,
maputi,brown-haired at galing sa isang kilalang elite na pamilya. Isa siyang
adventurous na tao, lahat ay kanyang hahamakin para lamang mawala ang kanyang
curiosity. Tumayo siya sa harapan , tumaas ang kilay habang nakarms-crossed.
Lumakad-lakad ito ng paikot-ikot sa harapan.

Erizel:"I decided to join the student exchange because I know that this section is
cursed." Diretcho niyang sinabi, nagulat ang mga studyante sa buong class room.
Tumayo si Kyle at inirapan ito.

Kyle:"Look who's talking? Transferee na transferee ka ganyan ka kacheap? Yan ba


tinuturo sa school niyo dun? " Mataray niyang sinabi. Hindi na sumagot si Erizel at
binigyan siya ng isang misteryosong ngiti. Sumunod namang pumunta sa harapan si
Caleb Pascual. Siya ay tinatawag na "dead kid." sa classroom. Nagdesisyon siyang
sumali sa student exchange dahil sawang-sawa na siya sa pambubully ng kanyang mga
kaklase. Matalino siya at kakilala niya si Shini, Nagkakilala sila sa isang
contest. Parehas silang attitude pero ang mas naiba lang kay Caleb ay wala siyang
gustong pagkatiwalaan bukod sa kanyang sarili.

Caleb:"Hello, I'm Caleb Pascual, a student exchange from Xavier Academy." Nagbow
lang ito at yumuko. Matangkad ito,maputi,nakasalamin at may kapayatang ang katawan.
Sumunod namang nagpakilala si Sakura Castaneto. Siya yung tipo ng babae na iiwasan
mo talaga sa classroom. Maganda siya pero natatago ang kanyang ganda dahil sa lagi
nitong nakalugay na buhok na para bang hindi ito pinaparaanan ng suklay. Tinatawag
siya na paranoid dahil gustong-gusto niyang manood ng mga horror. Iniiwasan din
siya dahil may hilig niya ang mga bagay na matutulis. Sinasabihan siyang baliw
dahil madalas nitong kinakausap ang kanyang stuff toy na si Mika. Lumapit ito sa
harapan at para bang kinontrol ang kanyang stuff toy. Kinaway-kaway niya ang kamay
ni Mika.

Sakura:"Heyow sha inyo, Ako nga paya si Sakura. " Sinabi niya ito ng may maliit na
boses at nasundaan ng nakapangingilabot na tawa. Nakaagaw naman ng attensyon ng
biglang pumasok ang isang babae na nakayuko. Nagbow ito bilang sign ng paggalang at
nagpakilala.

Lacus:"Ako nga pala si Lacus Yamato." Agad siyang dumiretcho sa pinakasulok ng


classroom. Umupo ito at yumuko. Siya si Lacus Yamato, siya ay ang tipo ng tao na
hindi marunong magtiwala agad-agad. Matitipid ito sumagot at laging mag-isa sa
sulok. Makikita mo na parang may kakaiba sa kanyang pagtingin. Sumunod na
nagpakilala ay si Jeffrey Casar. Mag-isa siyang nagpunta sa harapan at nagpakilala.

Jeffrey:"A-ako nga pala si J-jeffrey." Nahihiya nitong sinabi sa harap ng klase.


Magpapakilala na sana si Alyssa De Lara ng bigla itong shinove ni Alexandra. Si
Alexandra, wala ito sa mood at inaatake nanaman siya ng kanyang pagkamasungit.
Pumunta ito sa harapan habang nakatingin sa kanyang mga kuko.

Alexandra:"I'm Alexandra Bartolome and oh! I don't trust you." Ngumiti siya sa
harap ng klase at hindi man lang nagbow. Mabait si Alexandra at friendly pero kapag
wala ito sa mood, nagbabago ang ugali nito at bigla-bigla nagiging masungit sa
kanyang paligid. Napatingin siya kay Hunter na para bang nagkaroon siya ng crush
dito. Kinindatan niya ito at biglang napalihis si Hunter ng tingin. Huli namang
nagpakilala si Alyssa. Si Alyssa De Lara ay isang happy-go-lucky na tao. Siya ay
isang magandang babae na may katamaraman. Charming, maamo at friendly ang
appearance ngunit makikita mo sa kanyang mukha na mayroon itong tinatagong
attitude. Humarap siya sa klase at nagbow.

Alyssa:" Hi my name is Alyssa and I'm looking forward na maging close sa inyong
lahat." Natapos ang kanyang pagpapakilala ng may paflying-kiss pa. Makikita mong
puno ng pagdududa ang buong seksyon sa bagong walong studyante. Tahimik ang buong
seksyon na para bang nagmamasid ng galaw sa kanilang mga bagong kaklase. Bago
matapos ang kanilang klase ay nagpunta ang principal kanilang silid na may kasamang
isang babae. Nakatingin ito ng masama sa buong klase at umirap. Napabulong ang
magkatabing Kyle at Aliza sa nakita nilang pagirap ng bagong babae. Pumunta ito sa
harapan at nagpakilala.

Miles:"Hi! My name is Miles and sana maging magkaibigan tayo." Pagpapakilala nito
sa sarili na may painosenteng tono. Ngumiti ito pagkatapos pero mahahalata mong
peke. Alam niya sa sarili niya na may pagkabitchy ang attitude niya at madalas
siyang hindi makipagkasundo sa kanyang mga kaklase. Sa likod ng mataray na babaeng
to ay mayroong malambot na puso. Nagdesisyon siyang sumali ng student exchange
dahil hindi niya na nakayanan ang ibinabato sa kanyang masasakit na salita ng
kanyang mga kamag-aral.

The bell rings...

Ms.Gomez:"Ok Class, I hope na sana ay magkasundo-sundo kayong lahat." Agad lumabas


si Ms.Gomez sa classroom nang marinig ang tunog ng bell. Naiwan sa classroom ang
buong seksyon 6. Pumunta si Erika sa may pintuan at hinarangan ng teacher's table.
Lumabas ang grupo-grupo ang mga studyante. Agad namang dumiretso ang mga bagong
studyante sa library.

Erizel:"Bat ba tayo andito?" Tanong niya sa mga kasama.

Erizel:"Kelangan nateng malaman kung ano yung story behind seksyon 6." Mahinang
sinabi niya sa mga kasama. Naghanap sila sa mgal libro at nagbabakasakaling may
makitang impormasyon. Maya-maya ay biglang may nakitang isang class picture na
nakaipit sa isang year book si Miles. Agad niyang tinawag ang kanyang mga kaklase
para ipakita. Makikita mong may mga letrang "X" sa mga mukha nito. Isang lalakeng
studyante lang ang natirang walang "X" sa kanyang mukha. May nakasulat rin sa likod
nito pero hindi na masyadong mabasa. Agad naman lumapit ang librarian sa kanila.

Librarian:"Huwag niyong hahawakan yan. Hindi niyo alam kung anong nangyare sa mga
tao sa class picture na yan." Babala niya. Ikinagulat nila ito at bigla silang
pinalabas ng library, sinubukan nilang kausapin ang librarian tungkol sa class
picture na kanilang nakita pero mahahalata mong umiiwas ito. Bago pa man makalabas
ng library ay palihim na kinuha ni Sakura ang class picture. Nagdesisyon silang
lahat na bumalik na lang sa kani-kanilang dorm. Maya-maya ay napansin nila na
palakad-lakad si Cheska sa may hallway. Nakita nila ito at sinubukan lapitan.

Miles:"Oh? Bat ka pa andito?" Mahinahong tanong niya kay Cheska. Tinignan lang lang
siya ni Cheska at hindi pinansin. Dinaanan lang siya na para bang walang taong
nagtanong sa kanya. Mapapansin mong walang tiwala ang mga natitirang studyante sa
mga exchange students. Ayaw nilang makipaghalobilo dahil alam nilang pahamak lang
ang ibibigay nito sa kanila. Sa may ilalim ng puno ng balete ay andun ang buong
seksyon 6. Nagpupulong-pulong sila at pinaguusapan ang mga bagong pasok na
studyante.

Erika:"Ipapahamak lang nila tayo."

Angela:"They shouldn't be here. "

Pau:"I have a plan, ipakita natin sa kanila na hindi sila welcome sa classroom.
Iparamdam natin sa kanila na hindi sila belong na kasama naten."

Cathreen:"Wow? Ang kontrabida naman ng peg naten." Late nang dumating sina Zoey at
Cj. Makikita mong masama ang tingin ng dalawa kay Erika pero nginitian lang sila
nito. Nagdesisyon ang dalawa na manahimik para narin sa kaligtasan ni Zoey. Papasok
na sana ang mga exchange students sa dorm nila nang bigla nilang nakita na
nagpupulong-pulong sina Erika kasama ang buong seksyon 6. Sinubukan nila itong
lapitan.

Erizel:"Alam kong nagulat kayo sa bigla naming pagpasok dito. Sana naman ay maging
ok tayo kasi sa nararamdaman namin eh parang ayaw niyo samen. "

Kyle:"Alam niyo naman palang ayaw namen sa inyo eh, bat hindi pa kayo umalis?"
Mataray nitong pagkakasabi

Alexandra:"Aba,aba? Ano ba gusto mo away?" Lumapit ito kay Kyle na para bang
naghahamon. Tinulak siya ni Kyle at nagkagulo ang dalawa. Pinipigal agad ito ng mga
lalake at hinawakan ang kanilang mga kamay.

Caleb:"Alam nameng ayaw niyo samen pero sana kahit konteng respeto?"

Chantelle:"Hindi na dapat kayo nagpatransfer dito. Hindi niyo alam kung ano
ginagawa niyo. Pagsisisihan niyo lang to. " Napahinto ang lahat ng magsalita siya.
Hinawakan siya ni Erizel sa kanyang mga balikat at parang yinuyugyog ito.

Erizel:"Anong nalalaman mo?Sabihin mo saken!" Tanong niya kay Chantelle. Agad naman
kinalas ni Chantelle ang pagkakahawak sa kanya at tinignan si Erizel sa kanyang mga
mata. Nilabas ni Sakura ang class picture na nakuha niya sa library. Nanlaki si
Chantelle sa kanyang nakita at kinuha ang class picture.

Chantelle:"The past is going to repeat itself. Can't you see? Iniisa-isa tayo in a
random order. Una si Bianca, Sumunod si Jacob at kapag hindi pa natin nalaman kung
sino ang killer, pagpapatuloy niya ito hanggang sa matira na lang siyang mag-isa sa
seksyon naten." Nanlaki ang mata ng lahat ng studyante. Nagulat sila sa kanilang
nalaman,agad-agad lumayo at dumiretso sa kani-kanilang dorm. Makikita mo naman sa
dorm ng mga exchange students na nagpapanik sila. Iniisip nila na baka madamay
sila sa kung ano mayroon ang seksyon 6. Nagdesisyon si Miles na magimpake na ng
gamet habang maaga pa.

Miles:"I'm getting out of here before it's too late." Paalam niya sa kanyang mga
kasama. Agad naman itong pinigilan nila Caleb at Alyssa.

Caleb:" Iiwan mo na lang kame ng ganun-ganun lang? "

Miles"Can't you see? Ayaw naman nila saten diba, baket ko pa pagpipilitan ang
sarili ko sa mga taong may ayaw saken?" Matapang niyang sagot kay Caleb.

Sakura:" You can't undone what's already done." Sinabi niya habang kausap ang
stufftoy niyang si Mika. Napatingin ang mga exchange students at napalayo sa kanya.
Nilabas niya ang kutsilyong nasa bulsa at para bang pinapadulas-dulas niya ito sa
kanyang balat.

Sakura:"I have a suspect kung sino ang killer." Walang nagtatangkang sumagot at
kumausap sa kanya dahil natatakot sila sa hawak-hawak nitong kutsilyo.

Sakura:"Wala na tayong escape, kabilang na tayo sa seksyon ng demonyo. Ang natitira


na lang nateng gawen ay..." Pinutol niya ang kanyang sasabihin. Nagmatapang na
lumapit sa kanya si Erizel at umupo sa gilid nito.

Erizel:"Is? Sabihin mo!" Pasigaw niyang sinabi kay Sakura. Ngumiti lang ito na para
bang nanakot.
Sakura:"We just need to play the game." Mahina niyang sinabi na nagdulot ng takot
at kaba sa mga exchange students. Lumabas si Sakura ng dorm at naiwang magulo ang
isip ng mga exchange students. Alam nila sa kanilang mga sarili na may chansa na
malagay sa panganib ang kanilang buhay.

3rd Person's POV

May mga bagong studyante sa seksyon 6. Ok lang yan, diba sabi nga nila the more the
merrier? Atleast ngayon eh may katulong na ko sa pagiisa-isa sa mga natitirang
studyante ng seksyon 6. Buti na lang at dumating siya. Magiging masaya ang mga
susunod na mangyayare. Bukas na ng gabi ang JS prom. May gagawin kame na ikakagulat
ng lahat ng studyante.

" Exchange students, hold on to your seats. I'm coming from hell to get you.
Hahahahaha!"

Mahina niyang sinabi sa sarili habang nakatingin sa dorm ng mga transferees.


Pumasok siya sa dorm nila na may ngiti sa kanyang mga labi.

CP9:Voiceless >>

Kinabukasan ay makikita mong may mga ngiti sa kanilang mga labi. Sunod-sunod na
nagdadatingan ang mgagarang gowns,tuxedo at kung ano-ano pang gamet sa campus.
Ngayong araw gaganapin ang prom sa St. Venille. Hindi masyadong binigyang pansin ng
mga studyante ang Academic Building ngayong araw dahil exited na sila sa gaganaping
prom mamayang alas sais ng gabi hanggang alas dose. Gaganapin ang prom sa isang
venue. Itinatawag itong "The Glass Gardens". Ito ay pinalilibutan ng iba't-ibang
klaseng bulalak. May mga ilaw sa mga puno at mayroong isang malaking spasyo sa
gitna kung saan dito pagdarausan ang prom. Hanggang ngayon ay hindi parin masyadong
nakikipaghalobilo sila Erika sa mga exchange students. Kapag nagkakasalubong ang
dalawang panig ay parang hindi ito mga magkakakilala. Alas-singko ng hapon ay
nagkaroon ng maikling briefing tungkol sa gaganaping prom.

Ms.Gomez:"Ok class, Huwag kayong maghihiwa-hiwalay after the event ha? Huwag rin
kayong masyadong mga pasaway. Malalaki na kayo." Paalala nito kaharap ang buong
seksyon 6.

Seksyon 6 : " Yes Ma'am " Sabay-sabay nitong sagot kay Ms. Gomez

Ms.Gomez:"Kelangan palang may isang student na magpresent bawat section para sa


prom later. Sino ba marunong ditong kumanta?" Walang may gustong magtaas ng kamay.
Maya-maya ay biglang tumayo si Kyle.

Kyle:"I'll do it." Confident nitong sinabi sa buong klase.

Ms.Gomez:"Ok, that's it! It's settled. Ano nga pala yung kakantahin mo?"
Kyle:"Try it on my own by Whitney Houston"

Ms.Gomez:"Nice choice, I'm looking forward to watch you perform later. Good luck! "
Nginitian lang siya ni Kyle. Maya-maya ay biglang tumunog ang bell.

Ms.Gomez:"Class Dismissed!" Pagkatapos nilang maranig ito ay biglang naggrupo-grupo


ang mga studyante sa seksyon 6. Nagtatanong-tanong kung sino ang pwedeng
makapartner sa darating na prom. Agad namang lumapit si Alexandra kay Hunter.

Alexandra:"Hi Hunter, Can you be my escort later?" Mahinhing tanong niya kay
Hunter.

Lacus:"Sorry ha, Kame na kasi yung magkapartner eh." Mahina niyang sinabi kay
Alexandra. Nayamot ito at biglang tinulak si Lacus. Agad naman itong nagdulot ng
attensyon sa mga naunang studyante ng seksyon 6. Lumapit sila Erika kina Lacus at
Alexandra.

Erika:"Boy fight? Really?"

Beasts:"Ang checheap naman nila. Hahahahaha" Agad namang tumayo si Lacus at bumaba
papuntang Dorm B. Ilang kilometro lang ang layo ay makikita mo sina Tiffany at
Zero.

Tiffany:"Hmmmm, May gagawin ka ba mamaya?"

Zero:"Wala eh." Sagot nito habang nakapokerface.

Tiffany:"Ikaw nalang partner ko ha?" Sabi niya kay Zero, hindi na nagsalita si zero
at tumungo lang ito. Sa sulok naman ng academic building ay makikita mo ang ilang
babae sa seksyon 6.

Arsela:"Hayst! Wala nanaman tayong partner." Malungkot niyang sinabi.

Resha:"Tssss. Yaan mo na, lilipas rin yan." Sabi niya kay Arsela sabay tapik sa
likod.

Cheska:"Wag na kayo magpartner. Mapapahamak lang kayo, lalake yan eh." Mataray
niyang sinabi sa mga kasama.

Melcy:"Sus! Bitter ka lang eh." Maya-maya ay nakita nila si Cameron na kasama si


Alina. Habang tinitignan nila ito ay nakapalumbaba si Resha.

Resha:"Buti pa sila may partner" Sabi nito ng mahina sabay nagbuntong-hininga.

Cheska:"Nako-nako! Tigilan na nga nating tong kadramahan na yan. Tara na magayos na


tayo ng gamet para mamaya." Yaya niya sa mga kasama pero hindi sumama si Melcy.

Cheska:"Oh? Hindi ka sasama?"

Melcy:"Sige, una na kayo ha? Ang Journalism club kasi ang incharge sa mga posters
para sa prom. Marami pa kong gagawen, susunod na lang ako." Iniwan nila si Melcy sa
dulo ng academic building. Nandito rin kasi nakalocate ang printing press ng
Journalism Club. Habang busy siya sa mga ginagawa niyang poster ay biglang may
kumatok sa may pintuan. Pagbukas niya ay wala namang tao, dumungaw-dungaw siya sa
may gilid ng pinto pero wala siyang makitang tao. Inilock niya ulet ang pintuan ang
bumalik sa kanyang ginagawa. Naglalakad naman papunta sa main room ng Journalism
Club si Cj. Kakausapin siya si Melcy tungkol sa mga gagawin nilang posters. Si Cj
ang VP ng Journalism Club. Malayo palang siya ay may nakita na siyang isang tao na
nasa harap ng pintuan ng Journalism Club. Isang babaeng nakasuot ng isang
nakakatakot na maskara. Makikita mo ang mga natuyong dugo sa maskara nito. Natakot
si Cj at nagdesisyong magtago at itext si Melcy.

***

Kahit anong mangyare, wag mong bubuksan ang pinto.


Nanganganib ang buhay mo.

***

Agad namang nareceive ni Melcy ang text ni Cj. Nanlaki ang kanyang mga mata ng
mabasa niya ito. Tuloy-tuloy parin ang pagkatok ng babaeng nakamaskara sa pintuan
ng journalism club. Palakas-ito ng palakas na nagdudulot ng takot kay Melcy.

Melcy:"Whoever you are! Stay away from me! Psycho!" Sigaw niya. Sa sobrang lakas ng
sigaw ni Melcy ay narinig ito ni Cj. Pawis na pawis siya at hindi niya alam kung
anong gagawin. Nagroroam naman si Erizel nang makita niyang nagtatago at pawis na
pawis si Cj. Nilapitan niya ito at tinanong.
Erizel:"Oh? What happened?"

Cj:"Yu-yung killer, Next na si Melcy." Nanlaki ang mata ni Erizel nang marinig ang
sinabi ni Cj. Kumuha ng isang libro sa Erizel sa kanyang bag at ibinagsak sa sahig.
Malakas ang pagkakabagsak nito at nagdulot ng echo. Nakaramdam naman ang babaeng
nakamaskara at agad itong umalis. Sinundan nila Cj at Erizel ito ng tingin ngunit
mabilis itong nakatakas at nawala nang parang bula. Agad silang pumunta sa main
room ng journalism club.

Cj:"Me-melcy? Buksan mo yung pinto. Andito na kami ni Erizel." Nang marinig ni


Melcy ang boses ng kaibigan ay agad niya itong binuksan. Niyakap niya si Cj ng
mahigpit at makikita mong umiiyak siya.

Melcy:"I'm so glad na dumating kayo, akala ko mamatay na ko." Nanginginig niyang


sinabi sa dalawa. Agad silang dumiretso sa kani-kanilang dorm para maghanda sa
gaganaping prom sa Glass Gardens. Alas-singko na sa St.Venille at makikita mong
punuan ang tao sa parehong dorm. Lahat ay inaayusan ng buhok, ang iba nama'y
nagmamake-up. Nagbihis naman ka-agad ang mga lalake. Nang mag5:30 na sinumulan na
ng mga lalake na sunduin ang kani-kanilang mga partner. Makikita mong sunod-sunod
ang labasan ng mga magagarang sasakyan sa campus. Naunang dumating sa venue ang
beasts.

Angela:"Oh? Ang pretty naman ng mga flowers dito. I'll tell dad to buy me one of
these" Sabi niya sabay hawi sa tulips.

Pau:" Really? Wala kayong ganyan sa bahay niyo? Kasi kame meron kameng sariling
green house sa bahay." Pagmamayabang nito sa mga kasama

Cathreen:"Ako ayoko, bat pa ko magaalaga niyan. Pagod lang at ang gastos pa."

Samantha:"Yuck! Ang cheap mo talaga Cathreen."

Kate:"Oo nga, kabilang ka ba talaga sa beasts?" Mataray niyang sinabi. Maya-maya ay


dumating na si Melcy habang bitbit-bitbit ang mga posters. Ikinuwento niya ang
nangyari sa kanya sa may journalism club. Nagdulot naman ito ng kaba at takot sa
kanila. Maya-maya ay pumunta si Ms.Gomez sa harapan.

Ms.Gomez:"Good Evening St. Venille! My name is Ms. Gomez of the 6th section and I'm
going to be your emcee for tonight's event." Nagpalakpakan ang mga studyante.

Ms.Gomez:"Handa na ba kayo?" Tanong niya sa lahat. Agad namang sumagot ang mga
studyante ng yes.

Ms.Gomez:"Let's start this thing!" Agad namang tumugtog nang malakas ang mga
speaker. Kung ano-anong mga music ang maririnig. May mga pang party-party at ang
iba naman ay pang slow dance. Makikita mong kilig na kilig ang mga babae sa
kanilang mga partner. Ang sama naman ng tingin ni Alexandra kay Lacus dahil
nakapartner nito si Hunter. Maya-maya ay lumapit sa kanya si Caleb.

Caleb:"Hmmm? Naunahan ka no?" Tanong niya kay Alexandra

Alexandra:"Oo eh,"

Caleb:"Would you like to dance?" Nang marinig ni Alexandra ang sinabi ni caleb ay
agad itong yumuko at ngumiti

Alexandra:"Yes" Sagot niya kay Caleb at agad silang dumiretso sa gitna kung saan
maraming studyante ang nagsasayawan. Mararamdaman mo ang pag-ibig sa bawat kanto ng
glass gardens.Ang iba nama'y iba ang inaatupag. Nagiinuman sila ng tequila at
nagaasaran.

Cheska:"Oh? Ingat-ingat lang ha? Baka matulad kay Xyza." Pabiro niyang paalala sa
mga kasama.

Aliza : "She deserve to die anyway, she's the campus girlfriend for fun's sake!"
Mataray niyang sinabi kay Cheska. Tinapik naman siya ng kanyang kapated na laging
nakabuntot sa kanya.

Alina: "You're so evil ate!" Binalewala naman siya ni Aliza at tinuloy ang pagsabi
kay Xyza ng masasamang bagay.

Aliza: "Let's face it. Our section is much better without her. We don't need a slut
or whore inside our class. Dagdag lang siya sa mga epal ng classroom naten.
Hahahahaha!" Sinabi niya kaharap sila Erika at Arsela. Hindi naman umimik si Erika
sa nangyare at para bang nagmamasid-masid lang sa buong paligid.
Arsela:"Alam mo Aliza, you're drunk! Tara na ihahatid na kita sa kotse mo."
Hinawakan ni Arsela ang mga kamay ni Aliza pero pumiglas lang ito at tinaasan siya
ng kilay.

Aliza:"You don't have the guts to fight me! " Naghahamong sinabi nito. Bago pa man
magkairingan ang dalawa ay pumunta si Ms.Gomez sa harapan.

Ms.Gomez:"Ok, I'm here to proudly introduce one of my students to perform infront


of you guys." Mahinhin niyang sinabi

Ms.Gomez:"Please give her a round of applause. Ms. Kyle Dominique Comsti!" Proud
niyang sinabi sa mga studyante. Biglang tumogtog ang pyesa niyang "Try it on my
own." Natahimik ang mga studyante at itinaas ang kanilang mga kamay. Nagdilim rin
ang buong venue habang kumakanta si Kyle na para bang nasa kanya lang ang
spotlight.

Kyle:

" It's over now


I can't go back to living through your eyes
Too many lies
And if you don't know by now
I can't go back to being someone else
Not anymore
I never had the chance to do things my way
So now it's time for me to take control

And I am not afraid to try it on my own


I don't care if I'm right or wrong
I'll live my life the way I feel no matter what I'm gonna keep it real
You know
Time for me to do it on my own "

Mararamdaman mo ang malaanghel na boses ni Kyle sa kanyang pagkanta. Kahit na


maypagka warfreak siya sa lahat ng bagay, makakalimutan mong masama siyang tao
kapag narinig mo ang boses niya. Habang nasa gitna siya ng kanyang kinakanta ay
biglang nagliyab ang harapan ng stage. Biglang nagkagulo ang mga studyante sa buong
glass garden. Nagsisigawan at nagtatakbuhan sa iba't-ibang direksyon. Hindi naman
nila matulungan si Kyle dahil nalilibutan ito ng apoy.

Cameron:"Guys, kunin niyo yung fire extinguisher sa entrance." Nakatingin ito kay
Cj na para bang nagpaparamdam na siya na ang kumilos.

Cj:"Oh ano? Ako nanaman?" Angal nito kay Cameron

Zero:"It's not my responsibility." Sabi niya kay Cameron habang nakapokerface.


Tumingin naman si Cameron sa paligid pero nakita niya si Hunter na kasama si Lacus
na papaalis na.

Tiffany:"Ako na nga kukuha, ang lalaki ng katawan niyo ayaw niyo gamitin." Prankang
sinabi ni Tiffany sa tatlong lalake. Agad naman itong tumakbo papunta ng entrance
para kunin ang fire extinguisher. Makikita mo naman si Kyle na nasa gita at parang
natutuklap ang balat nito dahil sa sobrang init. Humakbang siya paatras sa sunog at
biglang natisod ng isang manipis na kulay puting sinulid. May narinig siyang
malakas na tunog at pagtingin niya sa taas ay para bang babagsakan siya ng isang
maliit na chandelier. Itinakip niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha.
May maririnig na malakas na bumagsak sa stage na para bang may malaking bagay na
nabasag. Ito'y nagdulot ng katahimikan sa buong venue. Bumagsak sa mukha ni kyle
ang chandelier na agad niya namang ikinamatay. Nang makabalik si Tiffany mula sa
entrance para kunin ang fire extinguisher ay agad nila itong ginamit para apulahin
ang apoy. Nang mapatay na nang mga lalake ang apoy ay nandiri sila sa kanilang
nakita. Basag-basag ang buong katawan ni Kyle at makikita mong may ibang glass
shards mula sa chandelier na bumaon sa katawan ni Kyle. Nagdesisyon ang St.Venille
na huwag nang paabutin pa ng alas-dose ang programa dahil sa nangyaring insidente.
Bumalik lahat ng studyante ng luhaan dahil sa pagkawala ng isang kaibigan.
Nagsimula ang araw ng masaya ngunit nagtapos naman ito ng lungkot at takot sa bawat
puso ng studyante.

CP10:Headline >>

.Naging headline para sa St.Venille Chronicle ang nangyari sa prom. Agad naman
itong napakalat sa buong eskwelahan. Napagpasyahan ni Melcy na kailangan na ring
makielam ang ibang seksyon sa pagtugis sa nasabing killer. Nasa isip niya na kapag
hindi niya pa ito gagawin ay iisa-isahin silang lahat. Alam niya sa sarili niya na
siya na ang susunod dahil sa nangyaring insidente kahapon sa may room ng journalism
club. Agad naman itong ikinabahala ni Erika nang makitang may mga negatibo nanamang
sinasabi si Melcy tungkol sa kanilang seksyon. Habang nasa classroom ay dumiretso
siya sa may tapat ng upuan ni Melcy at para bang binalibag niya ang school's
newspaper sa armchair nito.

Erika:"Ano nanaman to Melcy?" Matapang niyang tanong kay Melcy. Tumayo si melcy at
humarap kay Erika. Makikita mo na parehas mainit ang dugo nila sa isa't-isa.

Melcy:"Ito na lang ang nakikitang kong paraan Erika. Kapag hindi pa ko hihingi ng
tulong sa ibang seksyon eh baka maubos tayo." Paliwanag niya.

Erika:"Baket? Kase ikaw na ang susunod?" Nanlaki ang mata ni Melcy nang marinig
niya ang sinabi ni Erika. Napalakas ang pagkasabi ni Erika kay Melcy kaya nakaagaw
ito ng atensyon ng lahat.

Hunter:"Oisst! Tama na nga yan, magkakainitan pa kayo eh." Saway niya sa dalawa.
Tatayo sana si Alexandra para makisali sa away ng dalawa pero pinigilan ito ni
Lacus.
Lacus:"Huwag ka nang mangielam, mapapahamak lang tayo niyan eh." Tinaasan lang siya
ng kilay nito at inirapan.

Alexandra:"Pakielam mo ba? Dun ka na nga sa Hunter mo. " Mataray niyang pagkasabi
kay Lacus. Natahimik naman si Lacus nang marinig niya ang sinabi ni Alexandra.
Pumunta siya sa harapan kung saan nagkakainitan na ang dalawang babae. Tumabi siya
kay Hunter at para bang crinoss niya ang kanyang balikat sa balikat ni Hunter.

Alexandra:"Go Erika, kaya mo yan."

Zero:"Tss. Another whore in our class." Mahina nitong sinabi sa sarili pero narinig
ito ni Cj kaya tinapik siya sa likod. Napalingon naman si Zero at nakitang
nakangiti sa kanya si Cj.

Cj:"Sinabi mo pa."

Pau:"Alam niyo guys, hindi makatutulong satin to eh."

Cathreen:"Oo nga, Guys magtulungan tayo."

Pau:"Sus? Kami lang kaya, hindi ka kasama. Wag kang feeler Cathreen." Asar niya sa
kaibigan.Natahimik ang dalawa at nagdesisyong hindi na magpansinan. Habang nagkla-
klase ay biglang lumipat si Sakura malapit sa upuan ni Melcy. Napatingin naman siya
dito at nagtaka kung baket ito lumapit sa kanya. Hawak-hawak niya ang stufftoy na
bear na may pangalanangn Mika.

Melcy:"Ang cute naman ng stufftoy mo, parehas kayo ni Zoey." Narinig naman ito ni
Zoey na nasa likod lang nilang dalawa.

Zoey:"No we're not! Mine's better." Paliwanag niya habang niyayakap ang kanyang
rabbit stufftoy.Hindi pinansin ni Sakura ang sinabi ni Zoey. Lumapit siya sa mukha
ni Melcy hanggang sa nakatapat na ang kanyang bibig sa tenga ni Melcy.

Sakura:"You're next." Tumaas ang balahibo ni Melcy at nanlaki ang kanyang mga mata.
Tinulak niya naman ang armchair ni Sakura at sumigaw.
Melcy:"No way! I'm not going to die today,tomorrow or soon! I have dreams ! "
Nagulat naman ang lahat nang makitang nagkaganun si Melcy. Humarang si Cameron sa
pintuan dahil nakita niyang lalabas ang kaibigang si Melcy.

Cameron:"Huwag kang lalabas." Paalala niya kay Melcy

Melcy:"I need to hide from the killer! Let me out! " Nagpapanik niyang sinabi.
Ginugulo-gulo niya ang kanyang buhok na para bang nababaliw na siya at hindi niya
na alam ang kanyang gagawin. Nagmatigas si Cameron at hindi parin umalis sa may
harap ng pintuan. Tumingin sa paligid-ligid si Melcy at may nakitang ballpen.
Kinuha niya ito at sinasaksak si Cameron sa mukha. Napalakas ang pagsaksak ni Melcy
kay Cameron kaya nagdulot ito ng sugat pero hindi parin siya umalis sa kanyang
upuan. Hinawakan nila Caleb sa kamay si Melcy para pigilan pero pilit itong
kumakalas at gustong-gusto nang lumabas ng classroom. Sigaw siya ng sigaw na para
bang wala sa sarili. Iniisip niya na kapag hindi siya nakalabas dito ay mamatay
lang siya. Tumayo si Zoey at pumunta sa harapan habang hawak-hawak ang kanyang
stufftoy.

Zoey:"Kumalma ka ate Melcy, walang magandang idudulot yan sayo kung pagpapatuloy mo
yang paghahallucinate mo. Napaupo si Melcy sa sahig habang umiiyak. Sinusubukang
pakalmahin ang may pinagdaraanang kaklase. Lumapit rin si Erika kay Melcy at umupo
sa sahig katabi nito.

Erika:"Sorry ha? Hayaan mo, matatapos rin lahat ng to kapag nalaman na natin kung
sino ang killer." Pagpapakalma niya kay Melcy. Napatingin naman sa kanya si Melcy
at niyakap si Erika.Maya-maya ay nagring na ang bell. Palabas na sana sila para
magpumasok ng kanilang P.E Class. Nagpuntahan sa kanya-kanyang locker room ang mga
studyante. Nahuling pumunta si Cheska sa locker room. Pagdating niya sa locker room
ay may napansin siyang kakaiba. Mabigat ang kanyang pakiramdam sa paligid. Hindi
niya ito masyadong pinansin at dumiretso lang para kunin ang kanyang gamit sa may
locker. Pagbukas niya ng locker ay may isang CD na nakaipit sa kanyang P.E uniform.
Nagmadali siyang nagpalit at tumakbo agad sa gym para ibalita ang kanyang nakuha sa
locker room.

Cheska:"Look oh, I saw this thing na nakaipit sa may P.E. uniform ko."

Zero:"That maybe can help to find who is the real killer."

Arsela:"Meron akong laptop sa may Dorm B. Tara!" Anyaya niya.

Cameron:"Pero may klase pa tayo ah?"

Aliza:"Kung ayaw mo edi wag, simple lang naman eh."


Cameron:"Tss. Kayong bahala, basta pagnagkahulihan labas ako diyan ah."

Aliza:"Whatever." Agad namang dumiretso sina Zero,Cheska,Aliza at Arsela sa Dorm


B. Habang papasok sila ng dorm nila Arsela ay nakita niyang magkasama sina Cj at
Melcy. May dala-dala silang tig-isang paper bag na may lamang groceries. Exempted
sina Cj at Melcy dahil parehas silang officers ng Journalism Club. Lumapit naman si
Arsela para tanungin ang dalawa.

Arsela:"Para san yan?" Tanong niya habang tinitignan ang laman ng paper bag.

Cj:"Diba bukas na yung field trip natin? Heto maghahanda kame ng barbeque para
bukas." Paliwanag niya. Maya-maya ay nagulat si Cj nang makitang nasa likod niya si
Chantelle.

Arsela:"Ang aga niyo naman maghanda ng baon, ako nga mamayang gabi palang ako
mamimili kasama sina Erika."

Cj:"Ganun talaga kaming mayayaman, maagang nagpreprepare." Biro niya sabay


nagsmirk.

Melcy:"Oo, mayaman yan si Cj. Siya ata yung pinakaelite sa lahat ng elite." Sagot
niya sa pagmamayabang nang kaibigan na may halong sarcasm.

Chantelle:"Huwag niyo nang ituloy yan." Babala niya sa dalawa. Napatingin ang
dalawa na parang nailang dahil sa sinabi ni Chantelle. Tinaasan siya ng kilay ni Cj
habang hindi naman makalagaw si Melcy sa kinatatayuan dahil naalala niya nanaman
ang sinabi sa kanya ni Sakura na kelangan niya daw na mag-ingat dahil kung hindi,
siya na ang susunod.

Cj:"Huwag ka ngang KJ jan, hayaan mo bibigyan ka rin namin para naman madama mo
kung gano ko kasarap magluto." Biro niya kay Chantelle, nagtawanan ang tatlo habang
nauna na pala sina Zero sa dorm nila Arsela. Binatukan naman ni Melcy si Cj nang
mahina.

Melcy:"Ikaw talaga, puro ka kalokohan! Tara na nga."


Cj:"Sige Arsela, balitaan mo na lang ako." Paalam niya kay Arsela habang kinakaway-
kaway ang kamay na sign na babye. Dumiretso si Arsela sa Dorm nila, nadatnan niya
na sina Cheska na nakaupo na sa sahig at inaantay na lang siya.

Cheska:"Ang tagal mo." Reklamo nito.

Arsela:"Sorry ah, tinignan ko lang kung anong ginagawa nila Cj."

Aliza:"I-play niyo na nga lang nang matapos na yan." Umupo si Arsela sa sahig na
katapat ang laptop. Pinasok naman ni Zero ang cd na nakuha ni Cheska sa laptop.
Nagplay bigla ang isang video. Wala itong laman na litrato kundi audio lang ang
laman nito. Nang pinindot ni Arsela ang play ay biglang silang kinabahan. Maririnig
ang sigaw nang isang lalake, sigaw lang siya nang sigaw ng tulong hanggang matapos
magplay ang cd. Kinabahan naman sina Arsela sa kanilang narinig dahil alam nila na
mababawasan nanaman sila sa klase. Pagkatapos nilang iplay ang cdng natanggap ay
biglang may isang lumabas na message.

***

Made of stainless steel,


Connects to country's symbol.
Pulled up at Monday

***

Hindi alam nila Arsela kung ano ang ibig-sabihin nang nakita niyang message mula
dun sa computer.

Arsela:"Ano yan?"

Aliza:"Ewan ko, baka clue yan?"

Cheska:"Isulat niyo na lang sa papel tas ireport mo kay boss." Suggestion niya sa
mga kasama.Napatingin naman si Zero kay Cheska na may halong curiosity sa mga mata
nito.

Zero:"Sinong boss?" Tanong niya

Cheska:"Sino pa? Edi si boss Erika, ang bossy kasi nun porket president lang."

Zero:"Tss. Inggit ka lang e." Asar niya kay Cheska. Ang sama naman ng tingin ni
Cheska kay Zero dahil konte lang ang nakakagawang mangasar kay Cheska dahil sa
maangas at pagkaboyish na attitude nito.
Cheska:"Gusto mo nito?" Tanong niya kay Zero habang pinipit-point ang kanyang braso
na para bang flineflex niya ito sa harap ni Zero. Walang pakielam si Arsela sa
asaran ng dalawang magkaibigan. Nang matapos niya nang isulat ang nakitang mensahe
mula sa audio ay kumaripas ito ng takbo papunta sa gym para sabihan ang iba tungkol
sa nangyare. Sa dorm naman nila Melcy ay sobrang busy ang dalawa sa pagaayos nang
mga pinamiling grocery items. Hinanda na ni Melcy ang kanilang griller sa may
backyard ng dorm nila para magbarbecue. Sinet-up niya na ang kelangang gamitin.
Habang nasa gitna nang pagluluto ay biglang nagtext si Arsela kay Cj.

***

Punta ka dito sa Gym, May kelangan kang Malaman

-Arsela

***

Napakunot naman ang noo ni Cj nang mabasa ang text ni Arsela. Nakita naman ni Melcy
ang reaksyon ng kaibigan. Tumaas ang kilay nito at lumapit.

Melcy:"Oh? Baket may problema ba?" Hindi ito sumagot at kinuha lang niya ang bag
niya sa may upuan sa may gilid ng griller.

Cj:"Oi Melcy, Wait lang ah? Tinatawag kasi ako nila Arsela, pumunta daw akong gym.
Mukhang may importanteng sasabihin eh, saglit lang naman ako eh. Jan ka lang ha? "
Paalam niya kay Melcy habang nagpapaypay sa binabarbecue nitong steak. Sinarado
niya ang pintuan habang naiwan ang kaibigan na mag-isa sa dorm.

Melcy:"Ano ba to! Ang usok-usok." Mahina niyang sinabi sa sarili. Wala pang limang
minuto nang maka-alis si Cj ay biglang bumukas ang pintuan papunta sa backyard nang
dorm nila melcy.

Melcy:"Oh? Ambilis mo naman Cj. Namiss mo ko noh?" Sabi nito habang tuloy parin ang
paypay, hindi siya masyadong makakita dahil pumupunta ang direksyon ng usok sa
kanyang mukha. Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla nalang may nanabunot sa
bandang likuran niya, hinampas ang kanyang mukha sa griller. Sigaw naman siya nang
sigaw pero walang tao sa Dorm B ng ganung oras dahil brienifing ang lahat ng
studyante sa mangyayaring fieldtrip kinabukasan. Makikita mo sa mukha ni Melcy ang
mga linya-linyang paso nito sa mukha. Hindi siya makalaban dahil iniinda niya parin
ang sakit sa pagkakahampas sa kanya sa griller. Hindi rin siya malinaw na makakita,
nanlabo ang kanyang paningin dahil sa pasong natamo sa kanyang mga mata.
Sinabunutan ulit siya sa buhok at inuntog naman sa pader. Makikita mong tuloy-tuloy
ang danak ng dugo sa sahig. Kinaladkad si Melcy sa loob nang kanilang dorm at
idiniretso sa banyo. Binuksan nang nakamaskarang babae ang bathtub at inilagay sa
"hot" ang temperatura ng tubig. Nakaupo naman si Melcy sa sahig na para bang
nawawalan na ng consciousness sa sarili.

Melcy:"P-p-parang ahh-waa mo n-n-na, Let m-me g-goo. " Mahina niyang sinabi,
binaliwala lang ito at hindi pinansin. Nang makitang puno na ang bathtub ay
inilublob niya ang mukha ni Melcy sa tubig. Sigaw nang sigaw si Melcy sa sobrang
saket. Makikita mong agad nagkulay pula ang tubig. Tawa naman nang tawa ang babae
habang paulit-ulit niya itong ginagawa kay Melcy.

3rd Person:"Masaya ba magswimming? Hahahahaha!" Mahina niyang sinabi kay Melcy at


nasundan ito nang nakakapangilabot na tawa. Hindi niya na pinatagal at inulublob
niya na ang mukha ni Melcy sa tubig hanggang sa malagutan na ito ng hininga.
Punong-puno ng dugo ang buong banyo at makikita mo rin ang trail nito mula sa
backyard ng dorm papuntang banyo. Nang makabalik si Cj sa Dorm nila Melcy ay agad
itong nagsisisigaw sa kanyang nadatnan. Narinig naman ito nang ilang niyang mga
kaklase.

Hunter:"Baket anong nangyare?" Tanong niya kay Cj. Napayuko si Cj habang kaharap si
Hunter at lumuha.

Cj:"W-w-w-w-w-walaa na s-s-s-si " Pautal-utal nitong sinabi kay Hunter

Hunter:"Si?"

Cj:"Melcy." Nanlaki ang kanyang mga mata at dumiretso sa nasabing dorm. Nagulat
siya sa kanyang nadatnan. Makikita mong kalat-kalat ang bakas nang dugo sa sahig.
Nabalitaan naman nila Erika ang nangyare kay Melcy. Nalate namang dumating si Zoey
habang hawak nito ang papel na sinulatan ni Arsela.

Zoey:"Isang haiku ang ginamit ng killer." Paliwanag niya sa mga kasama

Tiffany:"Haiku?"

Zoey:" 5 7 5 ang pattern ng haiku, Meron itong 17 syllables at ito ay isang uri ng
poem. Dumidescribe ito sa isang bagay. Ang sagot sa haiku ay isang -" Hindi niya
na itinuloy ang kanyang sinasabi. Nanlaki ang kanyang mata nang makita niyang
dumating na ang isa sa kanilang mga kaklaseng babae na lumalapit ng nakangiti
habang pinapaliwanag niya sa buong klase ang kanyang nalalaman.

CP11:Nailed it >>

Hindi na tinuloy ang sinasabi ni Zoey at agad lang siyang dumiretso sa loob nang
kanyang dorm. Bago pa man masarado ni Zoey ang pintuan sa dorm nila ay iniharang ni
Tiffany ang kanyang paa sa pintuan. Kumatok ito ng tatlong beses at ngumiti kay
Zoey.

Tiffany:"Ahmmm? Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya habang nakatingin siya kay
Mister Nameless, ang pangalan nang stuff toy bunny ni Zoey. Hindi naman tumingin si
Zoey kay Tiffany at nakayuko lang.

Zoey:"Sige." Matipid nitong sagot. Binuksan ni Zoey ang pintuan at pinatuloy ang
kaklase sa loob ng dorm. Umupo silang magkatabi sa sofa.

Tiffany:"I know na this is kinda weird pero kasi nacurious lang ako.." Hindi naman
sumagot si Zoey at para bang tinitignan lang dalaga.

Tiffany:"Ano ang sagot sa haiku?" Tinanong niya kay Zoey na may halong curiosity.
Lumapit si Zoey sa kanyang mukha, nasa tapat nang tenga ang labi ni Zoey.

Zoey:"Flagpole." Pagkatapos niya itong sabihin ay bigla siyang lumayo kay Tiffany
at niyakap si Mister Nameless.

Tiffany:"Alam kong may alam ka sa lahat nang nangyayare sa buong seksyon naten,
pano mo nalamang si Melcy na ang susunod? " Tanong niyang may halong panginginig
ang boses.

Zoey:"May kasagutan ang lahat nang bagay, Sa tamang panahon mo lang ito malalaman."
Sagot niya kay Tiffany nang may napakamisteryosong tono. Napalunok naman si Tiffany
at nagdesisyong lumabas na nang dorm. Paglabas niya ay nakasalubong niya si
Chantelle, sinubukan niya itong titigan sa mata. Makikita mong may ibig-sabihin ang
tingin ni Chantelle kay Tiffany. Pagkatapos nang nangyaring insidente ay
nagdesisyon ang lahat na ipagdasal na lang ang kaluluwa ni melcy bago magtapos ang
araw.

Kinabukasan ay maagang nagsigisingan ang mga estudyante sa St.Venille.


Nagsisilabasan sa kani-kanilang dorm at hinahanda ang mga gamit na kinakailangan
para sa mangaganap na fieldtrip. Maaga palang ay naririnig na agad ang sigawanan
nang mga studyante. Mas maaga naman nakabangon ang magkakaibigang sina
Sakura,Alyssa at Erizel. Habang nagiikot-ikot sa campus ay nakita nilang maraming
tao ang nasa quadrangle.

Erizel:"Oh? Bat andaming tao sa quadrangle? Akala ko ba eh may last briefing tayo
sa may court bago magsimula ang tour?"

Alyssa:"Ewan ko? Mga exited lang siguro."

Sakura:"Someone died." Sinabi ni Sakura habang hawak-hawak ang kanyang stufftoy na


si Mika. Napatingin naman bigla ang dalawang magkaibigan sa sinabi ni Sakura.
Makikita mo sa kanyang mukha na seryoso siya habang nilalaro ang stufftoy.
Napakunot naman nang noo si Erizel.
Erizel:"H-ha? Pano mo naman nasabi yan aber?" Tanong niya kay Sakura

Sakura:"Go there and find out." Sabi niya sa dalawang kasama, tumalikod siya at
dumiretso sa kanyang dorm para ayusin ang kanyang gagamitin sa fieldtrip. Mabagal
naglakad papunta sina Erizel at Alyssa sa quadrangle. Nanlaki ang kanilang mata
nang makitang may nakasabit na lalaki sa flagpole. Nakasabit ang isang lalake sa
hook ng flagpole. Makikita mo na nakatagos ang lalamunan nito sa hook na para bang
ginawa siyang damit na sinasampay lang sa hanger. Nilagay ni Erizel ang kanyang mga
kamay sa kanyang bibig na para bang gulat na gulat ito sa nasaksihan. Napadock
naman si Alyssa sa sahig habang sumisigaw. Hindi nila masyadong makita ang mukha ng
lalaki dahil sa sobrang layo. Sinubukan nilang lumapit malapit sa flagpole para
masilayan kung sino ang lalaking namatay. Nadatnan nilang nasa harap na si Sakura
habang pinagmamasdan ang lalake.

Sakura:"Flagpole ang sagot sa haiku."

Erizel:"Kelangan tong malaman nila Erika." Agad niyang nilabas ang kanyang
cellphone at sinubukang tawagan si Erika. Agad naman itong sumagot,

Erika:" Oh? Napatawag ka? "

Erizel:"Kailangan niyo tong makita, pumunta kayo sa quadrangle ngayon na! Nandito
kame sa harap ng flagpole." Mabilis niyang pagkakasabi kay Erika.

Erika:"Bakit? Anong nangyare?"

Erizel:"Basta! Mahabang kwento." Agad namang binaba ni Erika ang telepona at


tinipon ang mga kaseksyon niya. Sama-sama silang nagpunta sa flagpole at sinubukang
kilalanin ang bagkay na nakatuhog sa flagpole.

Erika:"I know him.."

Pau:"Diba si Mr. Lee yun?"

Angela:"Lee? Who is he?" Napatingin naman si Kate kay Angela habang ngumunguya ng
bubblegum.
Kate:"I don't care who he is, tignan niyo oh? Bagong manicure ako today."
Pagmamayabang niya sa barkada.

Samantha:"Ohhh? Ang cute naman niyan, color pink yung kyutiks mo."

Kate:"Hahaha? Ikr. Sayang wala na si Melcy, papakita ko pa naman sana to." Sabi
niya kay Sam habang nakatitig sa kanyang mga bagong manicure na kamay.

Cathreen:"Siya si Hashikawa Lee, yung isa sa mga dead kid ng klase. Ang pagkakaalam
ko eh ayaw niyang makipaghalobilo sa ibang tao nang husto. Siya yung tumulak kay
Erika nung class picture taking day. Ang sungit kasi niyan e. Remember?"

Pau:"Ayieeee, siguro kaya kilala mo siya kasi crush mo siya no?" Pangaasar nito sa
kaibigan habang kinikiliti nito si Cathreen sa kanyang tiyan.

Cathreen:"Tigil-tigilan mo ko Pau ah? Kakagising ko lang."

Aliza:"Ahh? Siya pala yun? Hindi ko ramdam e. " Mataray nitong pagkasabi sabay
hinawi niya ang mahaba niyang buhok. Biglang may narinig silang pito mula sa
bandang likuran nang quadrangle. Agad naman itong nakaagaw atensyon sa lahat ng
studyante. Nakita nila si Ms.Gomez kasama niya ang prinsipal. Agad nitong binuksan
ang dala-dalang megaphone.

Principal:"All students, punta sa gym for the guidelines about sa camping tour!"
Agad namang mabilis na nagsipuntahan ang lahat nang studyante sa gym. Pagdating
nang prinsipal ay maayos ang pila nang bawat seksyon. Kilala kasing terror na tao
ang prinsipal nang St.Venille. Gagawin niya ang lahat para lang mamaintain lang ang
standing ng kanyang school sa top 10's most outstanding school of the world. Mga
elite lang ang pwedeng makapasok sa prestisyosong school na to. Ang iba naman ay
mga "scholar" lang kaya nakakapasok. Kelangan mo nang 90+ ang average sa card para
matanggap bilang scholar. Maya-maya ay biglang nagumpisa ang guidelines para sa
gagawing camping tour. Magst-stay ang lahat nang studyante sa loob nang isang camp.
Nagpakita ang prinsipal nang iba't-ibang features nang kanilang
destinasyon.Itatagal nang tatlong araw ang kanilang camping tour. Ang camp na
kanilang tutuluyan ay tinatawag na "Koch's Camp". Maganda ang mga features ng camp
na ito. May iba't-ibang klaseng mountain activities para sa lahat nang studyante.
May rapelling,mountain climbing at iba pa. Bago matapos ay biglang may nagpop-up na
icon sa gitna nang screen. Nagtaka naman ang lahat nang studyante nang makita ito
dahil unang beses palang nagkaroon nang technical problem ang school. Pinindot
agad nila ang "X" sa nagpop-up na icon.
Principal:"Oh? Anong nangyare! Paayos niyo nga sa technician."

Technician:"Yes Madam!" Mabilis nitong sagot at dumiretso agad sa technician room


nang gym.
Pagkaexit nila dito ay biglang may nagplay na video sa gilid. Makikita sa video si
Mariel Kate na nakaupo at nakapatong ang kanyang kamay sa isang lumang lamesa. May
mga parang maliliit na parte nang kutsilyo sa kanyang mga kamay. Mapapansin rin ang
iba't ibang issue nang newspaper ng Journalism Club na nakakalat sa sahig. May mga
nakadikit sa mga kuko ni Kate, at makikitang may hacksaw na nakadiin sa kanyang
dalawang wrists. Maya-maya ay may tumunog na kakaiba sa speaker. Agad naman
nagsitakipan nang kani-kanilang tenga ang mga studyante. Si Kate o Mariel Kate
Pascual ay kabilang sa grupong beasts. Siya ang tinatawag na "The Gossip Queen"
dahil halos na ata nang studyante sa school ay kaibigan niya. Nakuha niya ang title
niya dahil siya ang may pinakamaraming source kapag sa rumors or news tungkol sa
school. Siya ang pinagkukuhanan ni Melcy kung ano ang bagong balita o chismis ang
nagaganap sa eskwelahan.

:"Amboring no? Gusto ko ulit makipaglaro sa inyo.


Nakikita niyo naman siguro kung sino ang nasa screen diba? Hahahahahahahaha! "
Nakapangingilabot na sinabi nang misteryosong tao sa speaker.

Principal:"Tigilan mo na ang kalokohang to! Kung ayaw mong ipapulis kita."


Pananakot nang prinsipal. Hindi naman ito masyadong pinansin at tinawanan lang.
Tataas ang mga balahibo mo kapag narinig mo ang kanyang tawa. Mararamdaman mong
parang isang demonyo ang halakhak nito.

:"Matagal-tagal na rin tayong hindi nakapaglaro mahal


kong seksyon 6. Heto ang papabaon ko sa inyo sa field trip niyo." Bigla namang
nagising si Kate mula sa kanyang kinauupuan. Nang makita niyang may mga kung anu-
anong nakakabit sa kanyang mga kamay ay sinubukan niyang galawin ito. Kaunting
urong niya lang sa kamay niya ay agad itong nasugatan dahil sa nakadiing hacksaw.
Maya-maya ay may narinig siyang parang tunog nang isang makina mula sa kanyang
harapan. Biglang lumakas ang hangin at para bang nililipad-lipad sa hangin ang mga
dyaryo ng Journalism club.

:"Masyado ka nang maraming chismis na ipanapakalat


Miss Gossip Queen. This time, ikaw ang star ng chismis na to. Oh diba? Ang saya?
Let the game begin! Hahahaha!"

Kate:" F*ck! Kung sino ka mang demonyo ka! Makonsensya ka, Bullsh*t ka! Let me go!"
Sigaw niya habang pinapakiramdaman ang mangyayari sa paligid. Maya-maya ay may
naramdaman siyang kakaiba sa kanyang baby finger o mas kilalang "pinky" finger.
Unti-unting inaangat nito ang mga kuko ni Kate. Agad namang lumabas ang dugo rito.
Kate:"Ahhhh! Sh*t ka! Alam mo bang bagong manicure ko lang? " Sigaw niya, Maya-
maya ay unti-unti namang umangat ang kanyang kuko sa ring finger. Makikita mong
puro dugo ang lumalabas dito. Nanginginig naman ang dalawang kamay ni Kate. Gusto
niya mang makaalis pero hindi niya kaya dahil sa hooksaw. Nasundan ang pagtutuklap
o pagtatanggal ng mga kuko ni Kate hanggang sa maubos ang lahat nang ito. Iyak lang
siya nang iyak at sigaw nang sigaw ng iba't - ibang klasing mura sa kwarto.
Makikita mong halos mapuno na nang dugo ang lamesa.

Kate:"Ano? Sana masaya ka na! F*ck you! I swear na pagbabayaran mo to! G*go ka! "
Sigaw niya nang may nanginginig na boses. Bigla namang may bumuhos na alcohol mula
sa kisame. Pumunta ito diretso sa mga nagdudugong kamay ni Kate. Napasigaw siya sa
sobrang saket. Alam niya sa sarili niya na mamatay na siya pero hindi niya alam
kung bakit pa siya pinapahirapan nang ganito.

Kate:"Pleasse? Patayin mo na lang ako! " Sigaw nito na may kasama pang piyok.
Nawawalan na siya nang boses dahil sa kakasigaw. Natahimik ang lahat nang nasa
paligid niya. Diring-diri naman ang lahat nang studyante sa kanilang nasaksihan.
Umiiyak na si Cj habang pinapanood ang kaibigan na magdusa. Wala naman sina Hunter
at Cameron sa gym dahil sinusubukan nilang hanapin kung saang room ikinulong nang
killer si Kate. Alam nila na nasa loob lang nang campus si Kate. Sumisigaw na si
Kate nang "tulong" at nagbabakasakaling may makarinig sa kanya. Saktong-sakto ay
nasa 4th floor nang MAPEH Building sina Hunter at Cameron nang marinig nila ang
paghingi ng saklolo ni Kate. Maraming alam na lugar si Hunter dahil sa pagiging
outcast niya. Dahil nga wala siyang masyadong kalapit na kaibigan ay paglilibot sa
buong school ang ginagawa niya.

Hunter:"Narinig mo yun? Si Kate ata yun eh?"

Cameron:"Pero asan?"

Hunter:"Tignan natin dun sa may lumang music room sa dulo. Halos kasi nang nasa
lapag na issue ng newspaper ng Journalism club ay nakalagay sa Music Corner ng
newspaper. " Tumakbo sila papunta sa lumang music room. Nagaalinlangan ang dalawa
na baka may trap nanamang nakahanda kapag binuksan nila ang pintuan. Pumunta sa
gilid si Cameron para kapag binuksan niya ito ay nasa gilid siya.

Cameron:"Ok, 1 2 3 ! " Bilang niya. Pagkabukas niya ay wala silang narinig na putok
nang baril. Dumungaw si Hunter sa pintuan at nakitang may matulis na bakal na
tumusok mula sa likod ng ulo ni Kate. Nakakonekta ito sa pintuan nang music room.
Kapag binuksan mo ang pinto ay biglang may tutusok na matulis na bakal sa likod ng
ulo ni Kate. Tumagos ang matulis na bakal sa kanyang skull at makikita mo ang dulo
sa kanyang kanang mata. Lumuwa rin ang kanyang kanang mata dahil sa pagkakalakas ng
pagkakatusok dito. Nandiri naman sina Hunter sa kanilang nakita, Bumaba silang
dalawa at nakitang nagsisiiyakang paalis nang quadrangle ang lahat nang studyante.
Alam nilang madilim ang nangyari bago sila makaalis ng St.Venille pero nagdesusyon
ang principal na itinuloy parin ang magaganap na camping tour sa "Koch's Camp".
CP12:Secrets >>

Isa-isang nagpasukan ang mga estudyante nang seksyon 6 sa kanilang bus. Kasama nila
sa bus si Ms.Gomez at ang kanilang tour guide na si Ms. Torres. Exited sila sa
gaganaping camping tour. Sa kabila nang nangyare kay Kate ay pinipilit parin nilang
ngumiti at tignan ang lahat nang bagay ng positibo. Nasa harapan ang mga tahimik,
matatalino at mga scholar at iba pa. Sa bandang dulo naman ng bus ay ang mga
exchange students. Sa bandang gitna ay andun nakaupo ang beasts. Magkakatabi ang
kanilang upuan at tila ba'y may malalim na pinaguusapan.

Cathreen:"Guys, iniisa-isa na tayong mga beasts."

Pau:"Oo, ikaw na daw yung sunod." Asar niya kay Cathreen sabay binuksan ang baon
nitong junk foods. Agad namang nagtawanan ang mga magkakaibigan. Nakayuko lang si
Cathreen at para bang malungkot dahil sa iniisip nito.

Cathreen:"Seriously, Iniisa-isa na nga tayo. Una si Melcy, sunod naman si Kate.


Sino susunod sa atin? "

Angela:"Your taking this whole thing seriously Cathreen, why won't you just sit
back and relax. Siguro naiwan na yung killer sa St. Venille by this time? "
Mahinahong sinabi ni Angela sabay dumukot ng chips sa baon ni Pau.

Samantha:"Eh what if kung isa sa classmates natin ang killer?" Nagaalinlangang


tanong ni Sam sa mga kasama. Napatingin naman ang lahat dahil napalakas ang
pagkakasabi niya nito. Tumayo si Chantelle at para bang pumangalumbaba sa kaharap
nitong umupan.

Chantelle:"There's something you guys need to know. There's actually a pattern."


Napatingin mula sa harapan ang dalawang teachers. Ayaw ni Ms. Gomez i-open ang
topic sa mga nangyayare sa loob ng seksyon 6 sa ibang tao. Tumayo ito at humawak sa
isang bakal ng bus.

Chantelle:"Ang pattern ay isa-" Napalunok si Ms.Gomez nang marinig niya ang


sasabihin ni Chantelle. Alam niyang kapag nalaman ni Ms.Torre ang sikreto ng
seksyon 6 ay baka iwan rin sila nito sa ere at iwasan.

Ms.Gomez:"Class, please be quiet. Oh Chantelle? Bakit ka nakatayo jan? " Tanong ni


Ms. Gomez kay Chantelle nang may parang kakaibang tono. Mahahalata mo sa kanyang
pagkakasabi na siya'y kinakabahan sa kung ano mang sasabihin ni Chantelle sa harap
ng klase.
Chantelle:"Nevermind. Sorry ma'am!" Mahinhin nitong sagot sabay nagbow bilang
paggalang. Hinawi niya ang kanyang buhok at umupo. Katabi naman ni Chantelle sa bus
ay si Miles at nasa gilid niya naman si Sakura.

Miles:"Ano ba kasi yung sasabihin mo?" Bulong niya sa katabi

Chantelle:"Wala ka na dun." Masungit niyang sinabi kay Miles. Agad namang napakunot
ang noo ni Miles at tinaasan niya si Chantelle ng kilay.

Miles:"Ang sunget mo naman? Ikayayaman mo ba yang sasabihin mo?" Mataray niyang


pagkakasabi kay Chantelle. Napatingin naman si Sakura kay Miles dahil narinig niya
ang paguusap ng dalawa. Tinitigan ni Sakura sa mata si Miles na nagdulot nang
pagkailang sa dalaga.

Sakura:"Sino kaya ang susunod? Exited na ko." Nanlaki ang mga mata ni Miles nang
marinig ang sinabi ni Sakura. Nasundan ito nang nakakatakot na ngiti. Biglang
nanindig ang mga balahibo ni Miles. Nagdesisyon siyang makipagpalit nang upuan kay
Zoey.

Zoey:"Hi Sakura?" Misteryoso nitong pagkabati sa kaklase habang nakatingin sa


kanyang stufftoy na si Mister Nameless. Nang mapatingin naman si Zoey kay Sakura ay
tila may hawak itong gunting at isinaksak kay Mika. Sinasaksak niya ang kanyang
stufftoy habang nakangiti, nanlaki naman ang mga mata ni Zoey sa kanyang nakita.
Maya-maya ay biglang napatingin si Sakura kay Zoey. Tumawa ito nang mahina habang
pinapadaan ang hawak nitong gunting sa kanyang pisngi. Nang mapalingon naman siya
ay may nakita siyang isang lumang envelope sa lapag. Kinuha niya ito at sinubukang
buksan.

Zoey:"Hmm? Ano to?" Binuksan niya ang nakitang envelope. Laking gulat niya nang
makita niya ang kanilang class picture sa loob. May mga markang "X" sa mukha ang
mga namatay na nilang kaklase. Nagdesisyon siyang itago ang nakitang class picture.
Pagkatapos niya itong ilagay sa bag ay nagulat siya nang makitang nasa harapan niya
na si Sakura. Lumapit ito sa mukha ni Zoey na para bang 5 inch na lang ang pagitan
ng kanilang mukha.

Sakura:"They're coming for you Zoey. They're coming to get us." Hindi naman ito
pinansin ni Zoey at tumingin lang sa bintana sa gilid. Maya-maya at biglang huminto
ang bus sa isang convinience store.

Tiffany:"Oh? Why did we stopped?" Tanong niya sa katabing si Hunter.

Hunter:"Ewan." Biglang bumukas ang pintuan ng bus. Tumayo naman sina Ms.Gomez at
Ms. Torres. Kinuha ni Ms. Gomez ang mic na nasa harapang ang tinapik-tapik
ito,sinusubukan kung ito'y gumagana.

Ms.Gomez:"Ok class, We finally reached our pitstop! It means na malapit na tayo sa


Koch's Camp. Umihi na yung mga naiihi jan at pwede ring kayong bumili ng foods niyo
sa convinience store. Bumalik kayo agad sa bus ah?" Paalala niya sa kanyang mga
studyante. Agad namang nagsilabasan nang grupo-grupo ang mga studyante. Dumiretso
agad si Resha sa CR ng girls. Napansin niyang medjo nahuli siya dahil inayos niya
pa ang gamet niya sa bus bago bumaba. Habang umiihi si Resha ay may kumatok sa
kanyang cubicle. May narinig siyang tatlong malakas na katok sa cubicle.

Resha:"May tao! Ano ba?" Biglang nanahimik sa cr. Tapos na siyang umihi at inaayos
niya na lang ang kanyang damit nang biglang may tubig na pumasok sa lapag ng
cubicle niya. Paglabas niya ng cubicle ay nakita niyang may nakasulat sa salamin.
Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang mabasa ang nakasulat sa salamin. Sinulat
ito gamit ang red na lipstick. Ang mga nakasulat dito ay "Goodbye my friend!".
Tumambad rin sa kanya ang mga lababong may mga sirang gripo at tuloy-tuloy ang
pagagos ng tubig rito. Nagpanik agad siya at nagsimulang nagsisisigaw. Alam niyang
mahirap na marinig ang kanyang mga sigaw sa kabilang room, dahilan sa may makapal
itong pader. Sinubukan niyang maghanap nang bagay na pwedeng ipanira sa pintuan
pero wala siyang makita. Kinakalabog niya na ang pintuan ng restroom dahil umabot
na ang tubig sa kanyang tuhod at tuloy-tuloy parin ang pag-agos ng tubig sa mga
nasirang lababo. Sa bus naman ay handa na ang lahat para umalis.

Ms.Gomez:"Oh? Is everybody here? " Tanong niya. Tumango naman ang lahat pero
tumingin-tingin si Cj sa kanyang paligid at nakitang wala parin ang kanyang katabi.

Cj:"Ma'am wala pa po si Resha."

Ms.Gomez:"Ha? Sige, hanapin niyo si Resha! Dalian niyo. " Utos niya sa kanyang mga
studyante.Agad-agad namang nagsibabaan ang lahat. Naghiwa-hiwalay sila sa iba't-
ibang lugar ng pitstop para hanapin ang kaklase. Habang naglalakad, narinig ni Cj
ang sigaw ni Resha mula sa CR ng girls. Lumapit siya sa pintuan at kumatok nang
tatlong beses.

Cj:"R-Resha? Anjan ka ba?" Tanong niya, narinig niya naman ang tuloy-tuloy na
kalampag ni Resha sa kabila. Alam ni Resha na nasa kabila si Cj, medyo nabawas-
bawasan ang kaba sa kanyang dibdib.

Resha:"Cj! Cj! Tulungan mo ko! Please help me! " Nagmamakaawa niyang sinabi sa
binata.

Cj:"A-ah?! Oh sige! Wait ka lang jan ah?" Hindi mapakali si Cj sa harap ng restroom
at paikot-ikot ito. Hindi niya alam ang gagawin niya nang bigla siyang makita ni
Cheska.

Cheska:"Oh? Nakita mo na ba si Resha?" Tanong niya sabay humawi sa buhok.

Cj:"Nasa loob siya ng C.R. ng girls pero hindi ko to mabuksan kasi may padlock sa
pintuan e." Nanginginig niyang sinabi kay Cheska. Makikita mong nanginginig na si
Cj sa kabang nadarama. Agad namang tumakbo si Cheska sa management para kunin ng
susi. Agad namang binigay ng janitor ang susi kay Cheska. Dali-dali siyang bumalik
sa pwesto ni Cj at binuksan ang pintuan. Sa loob naman ng C.R. ay andun parin si
Resha at halos nakatingala na ito dahil sa lalim ng tubig sa loob. Biglang lumabas
ang tubig sa loob nang mabuksan nila Cheska ang pintuan. Makikita namang parang
basang sisiw si Resha nang makalabas. Naghahabol ito nang hininga at hindi
makapagsalita sa nangyare. Agad silang bumalik ng bus at pinagpahinga ang dalaga.
Sinubukang kausapin ni Ms.Gomez si Resha pero ayaw nitong ikwento kung anong
nangyare sa kanya. Nakatulala lang siya habang nanginginig ang kanyang dalawang
kamay. Sa bandang likuran naman ay nagchichismisan ang mga babaeng exchange
students tungkol sa nangyare kay Resha.

Miles:"Alam mo Lacus? Dapat nagpalipat nalang tayo ng seksyon nung umpisa pa lang
e. Baka madamay pa tayo dito!" Matapang niyang sinabi sa kaibigan.

Lacus:"Huwag ka ngang ganyan, ikaw talaga kung anu-ano iniisip mo." Mahina niyang
sinabi kay Miles. Tumaas naman ang kilay nito at nagcross ng arms.

Miles:"Puro freaks ang nasa section na to. Pagbalik na pagbalik naten sa


St.Venille, magpapalipat na talaga ko. Promise!" Narinig naman ni Alexandra ang
paguusap ng dalawa dahil nasa bandang likuran lang nila ito.

Alexandra:"Edi magpatransfer ka, walang pipigil sayo. Basta ako, hindi ako titigil
hangga't hindi napapasaken si Hunter." Sinabi niya habang nakataas ang kilay.
Narinig ito ni Lacus at para bang nailang dahil sa sinabi ng kaibigan. Alam niya na
inaasar lang siya ni Alexandra dahil sa nangyare sa prom pero hindi pa dun natapos
ang pangyayamot ni Alexandra sa kanya.

Alexandra:"Exited na ko sa camping tour, I'll make sure na mapapasaken si Hunter


bago matapos ang camping tour na to."Tinignan siya ni Lacus at nginitian.
Mapapansin mong peke ang kanyang mga ngiti at may selos sa kanyang mga mata.

Lacus:"Good luck!" Hindi naman nagsalita si Alexandra at inirapan lang niya si


Lacus. Nanahimik bigla ang buong klase ng biglang tumigil nanaman ang bus na
kanilang sinasakyan. Tumayo si Ms.Torres at pumunta sa gitna.
Ms.Torres:"Ok guys, andito na tayo sa Koch's Camp. I-ready niyo na yung mga gamit
niyo. Bababa na tayo. Kunin niyo na lang yung susi ng cabin niyo kay Ms. Gomez."
Paliwanag nito. Agad namang nagsiayusan ng gamit ang mga studyante. Chinecheck ang
lahat ng gamet kung kumpleto. Sa bandang harapan ay sina Aliza,Alina at Cameron.

Aliza:"Oh my God! Andito na rin tayo sa wakas!" Napatingin naman ang kanyang
kapatid habang nakangiti pero nakasimangot naman si Cameron dahil sa kanyang
iniisip.

Alina:"Oo nga ate, mukhang magiging masaya to!" Sabi niya sabay inilagay ang
backpack sa ligot at nagsmirk.

Cameron:"Hindi niyo ba alam na itong camp na to ay ipinangalan kay Ilse Koch."

Alina:"Oh? Anong masama naman dun?" Tanong niya kay Cameron habang inaayos ang iba
niyang gamit.

Cameron:"Si Ilse Koch ang babaeng gumawa ng Human Skin Lampshade." Napalunok si
Alina sa kanyang narinig at biglang bumigat ang pakiramdam. Hindi naman ito
masyadong pinansin ni Aliza at tila tinaasan lang ng kilay si Cameron.

Alina:"Human Skin L-lampshade? Ano yun?"

Cameron:"It means it's a cover for a lamp, used to soften or direct its light. It's
one of the holocaust mystery during the nazi time."

Alina:"Naguguluhan paren ako eh."

Cameron:"Isa siyang pantakip sa ilaw na gawa mula sa balat ng tao."

Aliza:"Really? Please cut it out? Andito tayo para magrelax hindi para takutin
natin ang ating mga sarili. Give me a break! " Mataray niyang sinabi kay Cameron.
Isa-isa nang nagsibabaan ang mga studyante. May naramdaman silang malakas na hangin
pagbaba nila ng bus, nagdulot ito ng mabigat na pakiramdam sa bawat isa.Mga alas-
sais na rin sila nakarating sa Koch's Camp. Ang camp na ito ay napapaligiran ng
maraming puno. Mahahalata mo ring luma na ang mga cabin at masyadong tahimik ang
paligid. Sinalubong sila ng isang matandang babae na nagbabantay ng camp na ito.
Binati sila at hinatid sila sa may main building.
Arsela:"Ambigat ng pakiramdam ko, parang may something na mangyayare dito." Mahina
niyang sinabi kay Erika.

Erika:"Alam mo, gutom lang yan eh. Tara na nga!"

Ms.Gomez:"Ok class, kunin niyo saken yung susi ng cabins niyo ha?" Isa-isang
nagsikuhaan ng mga susi ang mga studyante. Hanggang ngayon ay wala paring balak
sila Erika na makipagkaibigan sa mga exchange students.

Alexandra:"Hunter, nakakatakot yung ambiance dito sa camp no? Parang feeling ko


nasa horror movie tayo." Paawang sinabi nito kay Hunter na katabi si Lacus.

Lacus:"Tss. Whore" Mahina niyang sinabi sa sarili habang nakatingin kay Alexandra.
Tinaasan naman siya ng kilay ng kaibigan ng marinig ito.

Alexandra:"Anong sabi mo ha?" Mataray niyang pagkasabi.

Lacus:"Ahmmmm? Wala ang ganda mo sabi ko."

Alexandra:"Pasalamat ka ... Hmmp!" Mahina nitong sinabi sabay nginitian si Lacus.


Habang nagpaparinigan ang dalawa ay nakatingin lang si Zero sa kanila.
Nakapokerface ito at nagmamasid sa paligid.

Zero:"I smell trouble." Mahinang sabi nito sa sarili sabay inikot ang mga mata.
Nasa tabi niya naman si Tiffany, nagpupulbo siya ng marinig si Zero. Napatawa siya
ng mahina sa sinabi ni Zero. Tinulak niya ito ng mahina at napangiti naman ang
binata.

Tiffany:"Ikaw talga, ang adik mo." Asar niya sa kaibigan.

Zero:"Baket?"

Tiffany:"Wala nevermind. Hahaha" Sambit niya, tumayo siya kanyang kinauupuan at


pumunta sa entrance para bumili ng chips.
3rd Person's POV

Oh? Looks like we're here already! This is going to be fun! The ambiance is perfect
and I got all my supplies ready for the party. Masyado ko kayong mahal 6th section
at dahil jan, papatikimin ko kaya kung ano talaga ang ibig-sabihin ng pagmamahal sa
paraang alam ko. Habang naglalakad ito ay nakita niya ang kanyang kaibigan.
Nilapitan niya agad ito at hinatak sa may likod ng isang cabin.

:"Sino ba uunahin naten sa kanila?" Bulong niya sa


katabi.

:"Hindi ko alam e." Sagot nito sabay kamot sa ulo.

:"Anong hindi mo alam?" Tanong niya habang nakacross ang


arms.

:"Basta. Abangan mo na lang yung surpresa ko sa


kanila.Hahahahaha!" Sagot nito sa kausap at nasundan ng nakapangingilabot na tawa.
Pagkatapos nila mag-usap ay pumunta sila sa harapan ng kanilang cabin.

:"Mahal kong seksyon, Humanda-handa na kayo sa gagawin


kong surpresa para sa inyo. Sana nga lang at magustuhan niyo ito dahil pinaghirapan
ko to. Mag-iingat kayo dahil ang surpresang ito ay pwede niyong ikaligtas at pwede
niyo rin naman itong ikamatay. Goodluck! Hahahahahaha!" Bulong nito sa sarili
habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaklase na nagaayos ng gamit sa kani-kanilang
mga cabin.

CP13:Campfire >>

Nang matapos na ang lahat magayos ng kanilang mga gamit ay nagannounce si Ms.Gomez.

Ms.Gomez:"Seksyon 6, Please proceed infront of the main building at exactly 6


o'clock."

Sa cabin ng mga beasts...

Angela:"Anong meron? Baket tayo pinapapunta don?" Tanong niya sa mga kasama habang
nakaupo sa kama. Napangiti naman si Pau sa sinabi ni Angela. Umupo ito sa kanyang
tabi habang tinitignan ang sarili sa salamin.

Pau:"Ewan ko ba, sisimulan na ata yung mga activitiy." Imbyernang sinabi ng dalaga.
Lumapit naman sa kanila si Cj habang may hawak-hawak na potato chips.

Cathreen:"Alam niyo girls, pagbalik na pagbalik sa camp, magpapalipat na ko."

Pau:"Oh talaga? Sige, magpapaparty ako." Asar niya sa kaibigan.

Angela:"Penge naman niyan." Sabi niya kay Cathreen sabay dumukot sa bowl ng chips.
Masaya silang nagtatawanan nang may marinig silang tatlong katok mula sa pintuan.
Nacurious naman ang tatlo nang marinig ang katok.

Pau:"Sino yan?" Sigaw niya sa kwarto. Tumayo siya at binuksan ang pintuan. Dumungaw
siya sa pintuan at nakitang walang tao. Napalunok ito at bumalik sa kama.

Angela:"Sino yun?"Tanong niya kay Pau. Wala namang sinagot si pau at inagat lang
ang kanyang dalawang balikat bilang sign na hindi niya alam. Maya-maya ay narinig
ulit nila ang tatlong katok mula sa pintuan.

Pau:"Oi! Hindi na nakakatuwa ah?" Mataray niyang pagkakasabi. Lumapit ulet siya sa
pintuan at pabalibag itong binuksan. Wala parin siyang nadatnang tao pero may
nakita siyang tissue paper sa baba. Pinulot niya ito at para bang may nakasulat na
mga letra. Hindi niya ito maintindihan dahil nakasulat ito sa wikang greek.
Nakasulat rito ang mga katagang...

" εσείς Δεν μπορεί να ξεφύγει από την τύχη σας "

Pinulot niya ito at ipanikita sa kanyang mga kaklase.

Pau:"Oh? Ano nanaman to?"

Cathreen:"Ewan ko, drawing ata yan e."

Angela:"It looks familiar, ang alam ko lang is foreign language yan."

Pau:"Tara, baka alam ng iba nating mga kaklase ang tungkol dito."Agad namang
nagdesisyon ang tatlo na lumabas ng cabin para ipaalam sa ibang kaklase ang
kanilang napulot. Nagtipon-tipon sila sa isang malaking lamesa. Nasa kanan ang mga
babae, nasa kaliwa naman ang mga lalake habang nasa gitna naman si Erika. Nang
makumpleto na ang lahat ay nagsimula na silang magusap-usap tungkol sa nakita nila
Pau.
Erika:"Anyone know what this means?" Tanong niya sa mga kasama. Nagtaas ng kamay si
Sakura habang hawak-hawak ang kanyang teddy bear. Pumunta ito sa harap at tumuntong
sa lamesa. Naglakad siya nang tatlong beses papunta sa gitna at umupo.

Sakura:"Greek ang language na to." Mahina niyang bulong sa mga kasama na nasundan
ng ngiting nakapangingilabot. Nagsilapitan naman ang lahat dahil gusto nilang
malaman kung ano ang ibig-sabihin ng mga letra sa tissue.

Sakura:"Ang ibig sabihin ng εσείς Δεν μπορεί να ξεφύγει από την τύχη σας ay ... "

Aliza:"Ay? Ano? Sabihin mo na nga! Kelangan ko pang magmake-up para mamaya. I need
to stay pretty. " Sabi niya kay Sakura habang nakacross ang arms. Napatingin naman
si Sakura kay Aliza. Nagbuntong-hininga si Sakura at yumuko. Nakayuko siya habang
ngumingisi, mapapansin mong may nalalaman ito na hindi alam ng buong klase.
Nakatingin naman ng masama si Erika kay Sakura habang nakayuko ito. Bigla niyang
nilapag ang kanyang dalawang kamay sa lamesa nang padabog. Nagdulot ito ng malakas
na ingay na nakapagagaw ng atensyon ng lahat.

Erika:"Ano ba? Sasabihin mo ba o hinde?"

Sakura:"You cannot escape your own fate." Nang marinig ni Erika ang mga salitang
iyon ay napalunok siya sa takot. Nanginig kaagad ang buo niyang katawan. Hindi
niya alam ang kanyang gagawin kaya nagdesisyon siyang umalis na lang at dumiretso
sa kanilang cabin. Sinubukan siyang pigilan ni Arsela.

Arsela:"E-Erika!" Sigaw niya sa dalaga sabay hinawakan sa kanyang pulso.

Erika:"Ano! Wala na kong magagawa, iniisa-isa niya na tayo!" Sagot niya sa


kaibigan. Mapapansin mo sa boses ni Erika na parang nababaliw na ito sa mga
nangyayare. Ginugulo-gulo niya ang kanyang buhok at hindi mapakali. Tumayo naman si
Caleb at hinawakan ang dalawang kamay ni Erika. Tumutulo ang luha ni Erika habang
hawak-hawak ni Caleb ang kanyang mga kamay.

Caleb:"Ano ba! Akala ko ba kaya naten to? Akala ko ba walang iwanan!" Natigil si
Erika sa kanyang ginagawa. Napalunok siya at umupo sa sahig. Tumingala ito at
ngumiti. Nagulat naman ang lahat sa nangyaring reaksyon ni Erika. Inalalayan ito ni
Arsela sa kanilang cabin para makapagpahinga. Habang inaalalayan siya ni Arsela ay
nakatingin lang si Tiffany sa kanya. Katabi niya si Zero, kinalabit niya ang
binata.
Tiffany:"Z-zero?" Napalingon naman si Zero sa tawag ni Tiffany. Nakataas ang kilay
nito at nakapokerface. Seryoso ang kanyang mukha pero makikita mo sa kanyang mga
mata na may nararamdaman rin siyang takot sa kaloob-looban.

Zero"Oh?" Sabay tumaas ang kanyang kilay.

Tiffany:"G-gusto ko kapag ako na yung next... Ililigtas mo ko ah?" Nanginginig


niyang sinabi sa binata. Hindi niya na napigilan ang sarili at niyakap ito.Nagulat
naman si Zero sa ginawa ni Tiffany, wala siyang nagawa at inilagay niya na lang ang
kanyang dalawang kamay sa likod ni Tiffany.

Zero:"S-sige." Matipid nitong sagot. Nakatingin naman sa kanilang dalawa si


Alexandra habang nakasakay ito sa swing. Tinutulak siya ni Cameron. Nakataas ang
kanyang kilay habang tinitignan ang dalawang magkayap. "Slut." Mahina nitong sinabi
sa sarili. Hinawakan niya ang bakal ng swing at inilapag ang paa sa lupa para
huminto ang swing. Kinuha niya ang kanyang face powder at ginamit ito.

Alexandra:"Cameron, maganda ba ko?" Confident nitong sinabi sa lalaki habang


tinitignan niya ang sarili sa salamin.

Cameron:"Ha-a? Oo naman, maganda ka kaso..." Napatingin si Alexandra sa mga mata ni


Cameron. Tinigil niya ang kanyang paggamit ng facepowder at iniligay niya sa
kanyang bag. Tinaas niya ang kanyang kilay at crinoss ang kanyang arms.

Alexandra:"Kaso?" Mataray niyang pagkasabi sa binata.

Cameron:"Kasi a-" Bago pa makapagsalita si Cameron ay tinapat ni Alexandra ang


kanang kamay kay Cameron.

Alexandra:"Hep! Tama na, ang tinanong ko lang eh kung maganda ako. Ang sabi mo oo,
huwag mo nang dagdagan pa. Ok?" Matapang niyang sinabi. Hinawi niya ang kanyang
buhok at pumunta sa cabin ng mga transferees. Pagpasok niya sa pintuan ay nakita
niya sina Cj,Resha at Erizel.

Alexandra:"Oh? Ok na ba si Resha?" Nagaalalang tanong nito kay Cj sabay umupo sa


tabi ni Resha. Napakunot naman ang noo ni Cj nang marinig ang tanong ni Alexandra.
Nilapitan siya ni Cj at para bang tinapik-tapik ito sa kanyang balikat.

Cj:"A-alexandra? Ikaw ba yan?" Biro nito sa kaibigan.


Alexandra:"Ofcourse! Don't touch me nga, concern lang ako sa kaibigan ko."
Mahinahon niyang sinabi sabay ngumiti. Hindi pa rin nagsasalita si Resha dahil sa
nangyaring insidente sa convinience store. Pinipilit nila itong kausapin pero
parang natrauma ito sa mga nangyare. Maya-maya ay may narinig silang ingay mula sa
speaker.

Ms.Gomez:"Class, pumunta na kayo sa may harap ng main building." Napatingin si


Erizel sa orasang nakasabit sa cabin. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinext
na ang lahat ng exchange students na magsipuntahan na. Gusto niyang maunahan ng
mga exchange students ang mga luma para narin pampagood-shot sa teacher nila.
Pagdating nila ay nagtagumpay siya sa kanyang plano. Nalate ang mga old students na
makapunta sa harapan ng main building ng 15 minutes. Nang makompleto na ang buong
seksyon ay kinuha na ni Ms.Gomez ang mic at pumunta sa harapan.

Ms.Gomez:"Ok, is everybody here? Kumpleto na ba?" Tanong niya sa mga studyante.

All:"Yes Ma'am!" Sabay sabay nilang sinabi. May kinuhang dalawang flag ang si
Ms.Gomez. Isang blue at isang red. Nakangiti ito habang hawak-hawak niya ang dalawa
sa kanyang mga kamay. Ibinigay ang kulay asul na bandila kay Ms.Torres. Itinaas
nilang dalawa ang mga flag at iwinagayway ito sa ere.

Ms.Torres:"Bukas na bukas, Mahahati kayo sa dalawang grupo, Ang iba ay sasama kay
Ms.Gomez at ang natira naman ay sa akin."

Hunter:"Para san po ba to?" Tanong niya sa kanyang katabi.

Lacus:"Ewan ko nga e." Pabulong niyang sinabi sabay nagpout.

Ms.Gomez:"Pero bago tayo pumunta sa gagawing activities bukas, gusto ko maging


masaya naman kayo at madama niyo ang camp na ito, Ms.Torres and I decided to make a
campfire just for you, para naman makapagbonding narin tayo." Pagkatapos niya itong
sabihin ay agad nagbulungan ang mga studyante. Ang iba'y pumapalakpak dahil exited
sila sa mangyayare. Intinabi na ni Ms.Torres ang dalawang flag at dinala naman ni
Ms.Gomez ang mga studyante kung saan nakalagay ang campfire. Isa-isang nagsiupuan
ang mga studyante sa paligid ng campfire. May dala namang flashlight si Aliza.
Binuksan niya ito at itinapat sa kanyang mukha.

Aliza:"Gusto niyo bang kwentuhan ko kayo nang nakakatakot na storya?" Sabi niya sa
mga kaklase nang may nananakot na boses. Nakangiti naman ang kanyang kapatid sa
kanya. Pinipilit nitong kunin ang flashlight pero ayaw ibigay ni Aliza.
Chantelle:"Ang cute niyo naman dalawa mag-away." Sambit nito. Napatigil naman ang
dalawa sa ginagawa. Maya-maya ay nagsimula na silang magkwentuhan nang mga
nakakatakot na bagay. Ang iba'y nanginginig na sa takot. Nabanggit sa kanilang
pagkwekwentuhan ang mga aswang,engkanto at kung anu-ano pa. Mas lalong natakot ang
lahat nang inopen ni Erika ang usapan kung sino ang pumapatay sa kanilang
classroom. Kinuha niya ang flashlight kay Aliza at itinapat ito sa kanyang mukha.

Erika:"Sa tingin niyo? Sino kaya pumapatay? Sure naman akong andito siya e."
Nagulat ang lahat sa sinabi ng dalaga. Napalunok si Arsela sa kanyang narinig. Alam
niya na kapag nagtuloy-tuloy ito ay baka mawala nanaman sa sarili si Erika. Pinilit
niyang kunin ang flashlight kay Erika pero hindi ito pumayag.

Arsela:"Alam niyo? Tama na nga to. Tara na bumalik na tayo sa camp." Anyaya niya sa
mga kaklase. Tumango naman ang iba at nagsitayuan. Pumayag na rin si Ms.Gomez dahil
magaalas-nuebe na ng gabi. Alam niyang delikado ring magpahating-gabi sa may gilid
ng kagubatan. Naiwan naman sa may campfire ang dalawang exchange students. Ito ay
sina Jeffrey at Miles. Nakita ng dalaga na nagsi-alisan na ang mga kasama kaya
tumayo ito pero hinawakan siya ni Jeffrey sa kanyang braso. Napatingin siya sa
binata,

Jeffrey:"Dito muna tayo." Matipid niyang sinabi kay Miles.

Miles:"Jeff ano ba? Gabi na oh. " Tumayo naman ang binata at niyakap ang dalaga.
Hinalikan niya ito at ngumiti. Makikita namang kinikilig rin ang dalaga sa ginawa
ng kanyang kasintahan.

Jeffrey:"Tara babe, tagu-taguan tayo. Hahaha" Anyaya niya sa dalaga.

Miles:"Tss! Ang childish mo talaga. Pasalamat ka mahal kita. " Natatawang sinabi
niya kay Jeffrey. Hindi parin sila umalis at nagtagutaguan pa, masaya silang
naglalaro sa may gilid ng gubat. Naghahabulan na para bang nasa paraiso. Nang si
Miles na ang maging taya, ay palakad-lakad ito at hindi makita si Jeffrey. Sumandal
siya sa isang puno at napaupo. Biglang may humawak sa kanyang kamay. Nanlaki ang
kanyang mga mata dahil mahigpit ang pagkakahawak nito.

Jeffrey:"Bulaga! Hahahaha!" Asar niya sa dalaga.

Miles:"Arggh! I hate you!" Maarte niyang pagkakasabi.

Jeffrey:"Oh sige, ako naman ang taya. Magtago ka na ha? " Tinakpan niya ang kanyang
mga mata at nagsimula nang magbilang. Tumakbo ang dalaga at nagtago sa isang puno.
Naririnig niya paring nagbibilang ang binata. Natatawa siya dahil alam niyang hindi
siya agad mahahanap nito. Habang nasa likod ng isang payat na pinetree, may narinig
siyang kakaibang tunog. Isang tunog na para bang may nagpuputol ng puno. Napalunok
ang dalaga sa kanyang narinig, agad ring pinagpawisan ang kanyang buong katawan.
Humakbang siya nang tatlong beses paabante at lumingon. Nanlaki ang kanyang mga
mata ng makitang pabagsak ang puno sa kanya. Nakailag siya dito pero naipit naman
ang kanyang kanang tuhod..

Miles:"Ahhh! Jeff! Tulungan mo ko." Sigaw ng dalaga pero wala na si Jeff sa gubat.
Nagdesisyon ang binata na pumunta na lang pabalik sa camp sa pagaakalang nakabalik
na si Miles. Hindi niya rin kasi mahanap ang dalaga. Hinawakan niya ang kanyang
kanang tuhod at nagpupumilit na alisin ito sa pagkakaipit sa natumbang puno. Hindi
niya ito magawang maiangat dahil hindi niya rin magalaw ang kanyang tuhod, namanhid
na ito at wala siyang maramdaman. Sigaw siya ng sigaw ng tulong pero wala siyang
naririnig na feedback. Umiiyak siya nang biglang may bumukas na ilaw. Napangiti
siya sa kanyang nakita, inaakalang si Jeff ang nakasakay sa kotse at tutulungan
siya.

Miles:"Jeff! Tulungan mo ko dito dali." Masaya niyang sinabi. Nagulat siya nang
biglang nagtuloy-tuloy ang kotse at para bang sasagasaan siya nito.

Miles:"What the f*ck? Jeff! Ano ba ginagawa mo! Hindi ka na nakakatu-" Naputol ang
kanyang sinasabi nang maaninag niya na hindi si Jeffrey ang nakasakay sa kotse.
Isang taong nakamaskara. Nakita ni Miles sa mga mata nito na tila masaya pa ito sa
kanyang ginagawa. Nagtuloy-tuloy ang kotse at ginulungan ang kanyang kanan siko.
Biglang huminto ang kotse. Sigaw naman ng sigaw ang dalaga sa saket. Halos madurog
ang buto sa kanyang siko dahil sa pagkakagulong nito. Bumaba ang misteryosong tao
mula sa kanyang sinasakyan. Papalapit ito ng papalapit kay Miles. Makikita mong
ang dumi-dumi na ni Miles, punong-puno na ng dugo ang kanyang buong katawan.
Parehas niyang hindi magalaw ang dalawang bahagi ng kanyang katawan.

Miles:"Ano bang kailangan mo saken! Bullsh*t kang hayop ka! Demonyo." Sigaw niya,
may kinuha namang palakol ang misteryosong tao mula sa kanyang kotse.

:"See you in hell." Matipid nitong sinabi kay Miles.


Nanlaki ang mata ng dalaga nang nakita niyang inangat ang palakol nitong hawak.
Binagsak ito sa kanyang leeg, napugutan ng ulo si Miles. Kinuha naman ng
nakamaskarang babae ang ulo ni Miles at isinabit sa isang road sign. Pinaandar niya
ulet ang kanyang kotse at pumunta diretso sa camp. Mabagal itong naglalakad pabalik
sa kanilang cabin at nakangiti.

:"This is just the beginning." Bulong nito sa sarili at


tumawa ng mahina. Binuksan niya ang pintuan at nakita ang kanyang mga kaklase na
masayang nagkwekwentuhan. Puro putik ang kanyang damit, hindi niya pinansin ang
kanyang mga kaklase at dumiretso lang sa banyo para makapagpalit.

CP14:Curiosity >>
Kinabukasan, maagang nagising si Jeff para hanapin si Miles. Paikot-ikot siya sa
buong camp at nagbabakasakaling may nakakita kay Miles. Sinubukan niya rin itong
puntahan sa cabin nila pero ang sagot lang nang kanyang mga kasama ay hindi pa raw
umuuwi si Miles hanggang ngayon. Nagdesisyon ang binata na pumunta ulit sa gubat
kung saan sila nagtaguan kagabi. Lakad lang siya nang lakad at sinisigaw ang
pangalan ng dalaga.

Jeffrey:"Miles! Miles! Asan ka ba?" Sa sobrang pagod niya ay napaupo siya sa lapag.
Nagbuntong hininga ang binata at tumingin-tingin sa kanyang paligid. May nakita
siyang isang mapayat na puno na nakatumba. Nilapitan niya ito ay may nakita siyang
bakas ng dugo sa mga dahon nito. Nanlaki ang kanyang mata mula sa kanyang nakita.
May naramdaman siyang tumu-tulo sa kanyang buhok. Nanginig agad ang kanyang buong
katawan sa kaba. Napatingala ito, laking gulat niya nang makita ang isang katawan
nang babae na nakasabit sa puno. Wala na itong ulo at para bang durog-durog na ang
buto sa kanyang hita at kanang siko. Napasigaw siya sa kanyang nakita, dali-dali
siyang tumakbo para humingi nang tulong. Napadpad ang binata sa may gilid nang
kalsada. Habang naglalakad papalayo sa gubat ay may nakita siyang isang road sign.
Napaupo siya sa sahig sa kanyang nasaksihan. Nakita niya ang ulo ni Miles na
nakatusok sa isang road sign. Punong-puno nang dugo at hindi na halos mabasa ang
nakasulat sa road sign. Nilapitan niya ito sa paniniwalang hindi ulo ni Miles ang
nakatusok.

Jeffrey:"M-m-miles?" Pautal-utal nitong sinabi. Halos mangiyak-ngiyak siya sa


kanyang nakita. Inalis niya ang pagkakatusok sa road sign ang ulo ni Miles at
niyakap. Halos napuno na ang kanyang damit pero hindi niya ito masyadong pinansin.
Naglakad siya na pagewang-gewang sa kalsada, para siyang namatayan sa kanyang
nalaman. Bago man sila makarating sa mismong camp ay tinitigan niya ang mukha ni
Miles. Ngumiti siya dito.

Jeffrey:"Andito na tayo Miles. Ligtas ka na." Sabi niya habang kaharap ang ulo.
Hinalikan niya rin ito sa labi. Nasaksihan naman ito ni Tiffany at biglang
napasigaw sa kanyang nakita.

Tiffany:"Je-jeff? Ano yang hawak mo?" Pautal-utal niyang tanong sa binata. Makikita
mo sa mukha ni Tiffany na nandidiri siya sa kanyang nakita. Hindi niya maisip kung
bakit niya hawak-hawak ang ulo ng dalaga. Nagpatuloy parin si Tiffany sa kakasigaw
at agad naman itong nagdulot nang atensyon sa lahat ng studyante. Agad lumabas ang
magkapatid para tignan kung anong nangyare. Sabay silang lumabas ng kanilang cabin
at tinignan si Tiffany.

Aliza:"Oh baket anong nangya-" Naputol ang kanyang sinasabi nang makita niya na
hawak-hawak nang binata ang ulo ng dalaga. Nanlaki ang kanyang mga mata at tinakpan
niya ang kanyang bibig. Diring-diri siya sa kanyang nasaksihan dahil nilalangay na
rin ang ulo ng dalaga. Wala namang bayolenteng reaksyon ang binata sa mga babae.
Lumapit lang ito kay Tiffany at ngumiti. Hinawakan ni Jeffrey ang kamay ng dalaga
at ipinatong sa ulo ni Miles.
Jeffrey:"Ligtas na siya." Bulong niya sa dalaga. Agad namang nandiri ang dalaga at
hindi nakontrol ang kanyang sarili. Hinawakan niya ang ulo ni Miles at ibinalibag
sa sahig na para ba itong isang bola. Yumuko si Jeffrey at nagdilim ang kanyang
paningin, bigla siyang lumapit kay Tiffany at sinakal ito. Napaupo ang dalaga dahil
sa ginawa ni Jeffrey. Agad namang tinulungan nang magkapatid si Tiffany pero hindi
nila ito kinaya. Makikitang parang nakalutang na sa ere si Tiffany at sinusubukang
sipain si Jeffrey sa pamamagitan nang kanyang mga paa pero wala itong saysay.
Makikitang galit na galit ang binata sa ginawa nang dalaga.

Jeffrey:"Walang sinuman ang pwedeng manakit kay Miles!" Sigaw niya kay Tiffany.
Nagpapanik na ang magkapatid dahil baka mamatay si Tiffany dahil sa binata.
Nakakita si Aliza nang isang bote nang soda. Nagmamadali niyang kinuha ito at
sumigaw papunta sa binata. Hinataw niya ito sa ulo, agad namang nabitawan ng binata
si Tiffany. Nakahawak si Tiffany sa kanyang leeg at para bang naghahabol nang
kanyang hininga.

Aliza:"O-ok ka lang ba?" Tanong niya sa dalaga, tumango naman ito. Inalalalayan
nang magkapatid si Tiffany na makabalik sa kanyang cabin habang naiwan naman ang
binata na nakahilata sa sahig. Nang maiupo na nila si Tiffany sa upuan, agad namang
nagsalita si Alina.

Alina:"Ate, hindi ko na kaya yung mga nangyayare saten. Hindi kaya si kuya Jeff ang
killer?" Tanong niya kay Aliza habang nakahawak sa balikat nito.

Aliza:"Sabi ko na nga ba at walang magandang maidudulot yang mga transfereeng yan!"


Mataray niyang sagot sa kapatid. Magsasalita sana si Alina nang may nakita siyang
matang nakasilip mula sa bintana. Hindi mo ito mahahalatang nakasalip dahil na rin
sa kurtina. Nacurious siya sa kanyang nakita kaya habang tuloy na nagsasalita ang
kanyang ate ay hindi niya ito pinansin. Tumayo siya at binuksan ang pinto upang
alamin kung sino ang nakasilip.

Alina:"A-alam ko anjan ka, baket ka nakasilip sa cabin namen?" Matapang niyang


sigaw sa may harap nang kanilang cabin. Wala siyang narinig na sagot at bumalik
nalang sa loob ng cabin. Nagulat naman ang kanyang kapatid sa ginawa niya. Sa may
hindi kalayuan ay nakatambay naman ang magkakaibigang sina
Erika,Arsela,Zoey,Chantelle,Cj at ang mga natitira sa beasts sa isang bahay-kubo.
Hindi nila masyadong narinig ang eksena nila Tiffany dahil sa lakas nang tugtog ng
speaker.

Cathreen:"Oh? Guys? Ano plano mamaya?"

Pau:"Umuwi ka na daw." Asar nito sa kaklase. Nagtawanan silang lahat. Ang iba
nama'y napapakanta sa tugtog nang starships. Masaya silang lahat at para bang
pinagiisahan si Cathreen. Sumingit naman si Cj sa usapan.
Cj:"Kayo talaga, lagi niyo nalang inaaway si Cathreen." Sabi nito nang may paawang
boses. Binatukan naman siya ni Pau at ngumiti.

Pau:"Oh sige, naawa ka diba? Sumama ka na. Hahahahaha!" Masaya silang nagtatawanan
nang bigla silang may narinig na parang basag na bote. Napakunot ang noo nilang
lahat. Nagtataka kung saan galing ang tunong na yun.

Angela:"Oh my gosh! What's that sound ba? Ang creepy naman, shemay!" Sabi niya
habang nakakapit sa balikat ni Samantha.

Samantha:"I don't know eh. Guys, let's check it out." Anyaya niya sa mga kaibigan
pero makikita mo sa kanilang mukha na parang ayaw nilang sumama.

Cathreen:"Kaya niyo na yan, malalaki na kayo." Dahilan niya.

Arsela:"Oo nga, tinatamad rin ako e." Dagdag nito kay Cj.

Angela:"Tsk! You should use your legs while you still have them." Pabiro niyang
sinabi sa barkada. Hindi naman ito pinansin nang kanilang mga kaibigan . Sinubukan
nilang hanapin kung saan nanggaling ang tunog na kanilang narinig. Nagikot-ikot
sila hanggang sa napad-pad sila sa may harapan nang isang abandonadong cabin.
Mayroong makikita na puro alikabok at may mga sapot ng mga gagamba sa mga sulok
nito. Nakaramdam nang matinding kaba ang dalawang dalaga. Nakatingin sila sa isa't-
isa kung itutuloy ang pagpasok. Napalunok si Angela at humakbang nang tatlong beses
papunta sa may harapan ng pintuan. Tumalikod siya kay Samantha at sumignal na
umabante.

Angela:"L-let's go?" Anyaya niya sa kaibigan. Makikita mo sa mga mata ni Angela na


natatakot siya sa kung anong meron ang nasa loob nang lumang cabin. Nang dalawa na
silang nasa harapan nang pintuan ay kumatok sila nang tatlong beses. Nang wala
silang narinig na boses ay hinawakan ni Angela ang door knob at unti-unting
binuksan. Madilim ang paligid at mayroong nakakasulasok na amoy. Kinakapa naman ni
Samantha ang switch nang ilaw para maliwanagan ang buong kwarto. Nanlaki ang
kanilang mga mata nang makita ang pira-pirasong katawan nang tao na nakasabit sa
kisame. Napaupo si Angela sa kanyang gulat at nagsimulang sumigaw. Narinig naman
ito ng ibang beasts mula sa bahay-kubo.

Cj:"Guys,narinig niyo ba yun?" Tanong niya sa mga kasama sabay hininaan ang
speaker.

Pau:"Ang alen?"
Cathreen:"Parang sila Angela yun a? Tara sundan naten." Agad naman silang
nagsikilusan para hanapin ang dalawa nilang kaibigan. Makikitang alalang-alala ang
ibang myembro ng beasts dahil ayaw na nilang mabawasan pa. Sa may lumang cabin
naman, palabas na sana ang dalawang magkaibigan nang biglang sumarado ang pintuan.
Hindi nila alam kung anong gagawin nila, sinubukan nilang sipain ang pintuang gawa
sa kahoy pero hindi parin ito mabuksan. May nakita si Angela na isang maliit na
butas, lumapit siya dito at sinubukang sumilip. May nakita siyang dalawang tao na
may hawak-hawak na gas. Nanlaki ang kanyang mata dahil alam niyang may balak silang
sunugin ang bahay. Natahimik ang buong paligid, nagdesisyon ang dalawa na magdasal
nang mataimtim. Lumipas ang ilang minuto at wala parin silang naririnig na ingay
mula sa paligid. Nagbuntong-hininga si Sam at lumapit sa may maliit na butas.
Habang papalapit siya rito ay sinusubukan niyang umaninag kung anong nangyayari sa
labas. Nilapit niya ang kanyang mukha at sumilip sa maliit na butas. Habang
nakasilip siya rito ay biglang may tumusok na aspile sa kanyang mata. Agad siyang
napalayo at humawak sa kanyang mata. May narinig silang malalakas na tawa mula sa
labas. Nakahawak naman si Samantha sa kanyang natusok na mata. Tuloy-tuloy ang
pagdanak ng dugo rito. Punong-puno narin nang dugo ang kanyang mga kamay. Iyak lang
naman ng iyak si Angela dahil sa nangyari sa kaibigan. Niyakap niya ito nang
biglang may narinig silang may bumabaklas nang pinutan. Sinisira sa pamamagitan
nang isang chainsaw. Maya-maya ay narinig na nila ang boses ng mga kaibigan. Nakita
nila si Cj na may dalawang tao na nasa harapan nang pintuan. Agad siyang nauna sa
barkada, pumulot siya nang isang bato at binato sa may lumang cabin.

Cj:"Hoy! Sh*t! Tigilan niyo yan! " Sigaw niya, agad namang nakaramdam ang dalawang
misteryosong tao at tumakbo pabalik ng camp. Habang papalapit si Cj ay may na-amoy
siyang gas. Dali-dali siyang pumunta sa pintuan at sinubukang buksan ito. Tumakbo
na rin ang iba niyang kasama para tulungan sila Angela at Sam na makalabas sa
lumang cabin. Nang may nakitang chainsaw sa gilid, kinuha agad nila ito para
mabuksan ang pintuan. Nadatnan nilang magkayakap ang dalawang magkaklase. Napansin
rin nilang tuloy-tuloy ang agos nang dugo mula sa mata ni Samantha. Agad nila itong
tinulungan at lumabas. Ilang kilometro palang sila nakakalayo mula sa lumang cabin
ay bigla nalang itong nagliyab. Nagpanik silang lahat at tumakbo pabalik sa
kanilang camp. Nasa harapan pa lang sila nang camp ay nadatnan nila si Jeffrey na
nakaupo sa isang gilid. Masama ang tingin nito sa kanila at para bang kinakausap
ang sarili. Napalunok si Angela nang makita ang binata. Dineretso nila si Sam sa
may Nurse's room. Agad naman siyang binigyan nang paunang lunas. Nang malaman ni
Angela na maayos na ang lagay nang kaibigan ay nakahinga rin siya nang malalim.
Iniwan niyang naguusap-usap ang kanyang mga kaibigan sa may Nurse's room at
sinubukang kausapin si Jeffrey. Nasandal ito sa isang puno nang mangga, sa likod
dumaan si Angela at dahan-dahang nilapitan si Jeffrey. Hinawakan niya ito sa
kanyang balikat.

Angela:"Jeffrey, Ok ka lang ba?" Tanong niya at ngumiti, papaupo na sana siya nang
makitang nakasilid ang ulo ni Miles sa kanyang bag. Nanlaki rin ang kanyang mga
mata nang nakita niyang may hawak-hawak si Jeffrey na aspile. Binasa ni Jeffrey ang
kanyang labi, ngumiti at tumingin kay Angela. Napatawa ito nang mahina at tinitigan
si Angela sa kanyang mga mata.

Jeffrey:"Ako? Ok na ok. Hahahahahahaha!" Sagot nito sa dalaga, tumaas ang kanyang


balahibo nang marinig ang nakakatakot nitong tawa. Biglang natigil ang pagtawa nang
binata at yumuko.
Jeffrey:"Papatayin niya tayong lahat. Ang saya diba? Hahahahaha" Napaatras si
Angela sa kanyang narinig at tumakbo pabalik nang nurse's room. Agad niyang
ikinwento ang nangyare sa mga kaibigan pero hindi nila ito binigyan nang pansin.
Nakafocus parin sila sa nangyari kay Sam at umiisip nang iba't-ibang paraan para
maging safe sila. Maya-maya ay itinipon sila nang dalawang teacher para sa mga
gagawing activities.

Ms.Gomez:"Class, please participate! Lahat nang gagawin niyo dito sa camp ay


recorded kaya wag kayong magalala. The best team will be rewarded pero sa ngayon,
surprise na muna yung reward na yun para may thrill." Mahinaho niyang sinabi sa
kanyang mga studyante. Agad namang nagbulong-bulungan ang mga studyante. Naka-agaw
rin nang atensyon si Samantha dahil sa bandage niya sa mata. Gustong alamin nang
iba ang nangyare pero walang nagsasalita sa magkakaibigan. Ginusto nilang isarili
nalang ang kanilang nasaksihan sa buong pangyayare.

Erizel:"What's with her?" Sabay turo kay Samantha.

Alyssa:"I don't know eh, ayaw nga nilang sabihin kung anong nangyare." Bulong niya
sa kaibigan.

Alexandra:"Nako! Ang chichismosa niyo talaga." Masungit nitong sinabi sa dalawang


kaklase. Napatingin naman nang masama si Erizel kay Alexandra.

Erizel:"Chismosa agad? Hindi ba pwedeng curious muna?" Natatawa nitong sinabi.


Nginitian lang siya ni Alexandra pero makikita mong peke ang kanyang mga ngiti.
Maya-maya ay may narinig silang may pumito. Nakaagaw ito nang atensyon nang lahat.

Ms.Torres:"Today, Ms.Gomez and I planned na magcamping tayo, imbis na matulog kayo


sa inyong mga cabins ay magseset tayo nang tent sa gitna nang gubat. Dito tayo
matutulog for today." Iba't-ibang opinyon ang maririnig. May mga ayaw dahil
nandidiri sila. Ang iba nama'y andaming rason pero nangingibabaw sa lahat ang
takot.

Ms.Gomez:"Ayoko nang aarte-arte kayo sa activity na ito. Kung ayaw niyo, maaari
kayong maiwan dito pero mawawalan nang saysay ang pagsama niyo rito. Automatic na
failed ang grade na makukuha mo kapag hindi ka nakipagcooperate. " Paalala niya sa
mga studyante. Agad namang nagsitaasan nang kamay ang iba para sa mga karagdagang
tanong pero nang tatawagin sana ni Ms.Gomez ang may mga katanungan ay pumito si
Ms.Torres at sumigaw nang "No excuses!" . Agad namang nagsitayuan ang mga studyante
at dumiretso sa kani-kanilang mga cabin. Inihanda nila ang kanilang mga gagamitin
para sa magaganap na activity. Napatingin si Erika sa kanyang bestfriend na si
Arsela.
Erika:"Tama ba tong napasukan naten?" Tanong niya sa kaibigan habang inaayos ang
kanyang gamit. Napatigil si Arsela sa kanyang pagiimpake at napatingin sa kaibigan.

Arsela:"Andito na tayo e, aatras pa ba tayo?" Sambit niya sa kaibigan. Nang matapos


na sila ay sumalubong sa kanila si Zoey habang hawak-hawak nito si Mister Nameless.

Zoey:"T-tara na? Late na po tayo sa assembly." Anyaya niya sa dalawa. Tumango naman
ang dalawang dalaga sa anyaya ni Zoey. Si Arsela ang pinakaclose ni Zoey dahil
itinuturing niya na ito na parang totoo niyang ate. Kumapit si Zoey sa kamay ni
Arseka habang naglalakad papunta sa iba nilang mga kaklase. Simula ng pinagtangkaan
ni Erika si Zoey ay hindi na muli naging malapit ang bata sa dalaga.

CP15:Convivial >>

Maagang nagsibangon ang lahat nang studyante sa Koch's Camp. Inihahanda nila ang
kanilang sarili para sa gaganaping overnight activity sa may gitna nang kagubatan.
Nagpunta na sila Zoey,Arsela at Erika sa may assembly kung saan nakapila na ang
kanilang mga kaklase habang may mga bitbit-bitbit na mga bag. Magaalas-otso na nang
umaga nang dumating ang dalawang teacher.

Ms.Gomez:" Students, katulad nga nung sinabi ko ay mahahati kayo sa dalawang


grupo."

Ms.Torres:"Oo nga, ang unang grupo ay sasama kay Ms.Gomez at ang isa namang grupo
ay sa akin." Dagdag nito. May kinuha si Ms.Gomez na isang papel mula sa kanyang
bulsa, isinuot ang kanyang reading glasses at umupo sa harap nang mga studyante.

Ms.Gomez:"Each team will be having 13 Members. Ang RED team ay sa akin at ang BLUE
team naman ay kay Ms.Torres. Lahat nang tatawagin ko ay pumunta sa harapan. Is that
clear?"

ALL:"Yes Ma'am!" Mayroon kang maririnig na nagkwekwentuhan tungkol sa mga grupo.


Exited silang lahat kung anong gagawin sa activity at kung sinu-sino ang kanilang
magiging kagrupo.

Ms.Gomez:" May I call the attention of the following students, Kayo ang magiging
RED team. Alina, Angela, Cathrine, Cheska, Pau, Samantha, Zoey, Caleb, Eugene,
Zero , Sakura, Alyssa at Tyrone." Mabilis niyang pagkasabi. Agad namang
nagsipuntahan ang mga nabanggit na studyante at dumiretso sa may harapan. Tumayo
si Ms.Gomez at pumunta sa bandang kanan, tinipon niya ang mga studyanteng
nabanggit.
Ms.Gomez:"We're the RED team."Maangas niyang sinabi sa harap nang natitirang
studyante. Nagpalakpakan naman ang mga studyanteng kabilang sa RED team at
naghihiyawan. Para bang mga studyanteng nakawala sa haula. Makikita mo sa kanilang
mga mukha ang hindi maipaliwanag na ngiti.

Ms.Torres:" May I call the attention of the following students, Kayo naman ang
mapapabilang sa team na mananalo sa activity na to." Pagmamayabang niyang sinabi.
Nagtawanan naman ang lahat. Nagreact naman ang RED team, sinasabi nila na "Ows?
Hindi nga? Hahahaha!" pero hindi ito pinansin nang guro.

Ms.Torres:" Sumunod kayo saken Arsela, Aliza, Chantelle, Erika, Resha, Tiffany,
Cameron, CJ, Hunter, Erizel, Jeffrey, Alexandra at Lacus. " Agad rin namang
nagsitayuan ang mga nabanggit na studyante at pumunta sa bandang kaliwa. Napatingin
si Ms.Torres kay Ms.Gomez at nginitian ito. Tumango lang naman si Ms.Gomez dito. Sa
magkabilang grupo, inatasan nang dalawang guro na gumawa ang dalawang grupo nang
kanilang sariling cheer at kung sino ang kanilang magiging leader. Hindi na rin
nila pinayagan na maging si Erika ang leader nang Blue team dahil give chance to
others naman daw. Nagtipon-tipon agad ang magkabilang grupo at nagpraktis nang
kanilang gagawing cheer. Magaalas-onse na nang tanghali kaya nagdesisyon ang
dalawang guro na paglunch-breakin na ang mga studyante. Pumunta yung dalawang guro
sa may harapan..

Ms.Gomez & Ms.Torres :"Sige na class, maglunch na muna kayo. 30 minutes lang ha,
then balik kayo dito. One more thing, kelangan pagbalik niyo handa na kayo
magcheer. " Mahinahon nilang sinabi sa mga studyante. Pumalakpak naman si Ms.Gomez
nang tatlong beses na bilang sign na "Class Dismissed." Agad nagsialisan ang mga
studyante at nagkanya-kanya na. Nagdesisyon ang dalawang leader nang red at blue
team na magsabay-sabay na lang silang kumain bilang isang grupo. Ang RED team ay
kumain sa may gilid nang lake at ang BLUE team naman ay sa may mini park nang
Koch's Camp. Ang leader nang RED team ay si Angela, mapapansing kumpleto ang beast
sa iisang team. Sa blue team naman, ang kanilang leader ay si Hunter. Masaya siyang
kasama ang kanyang mga kaklase habang kumakain. Ayos na sana ang blue team bukod sa
kabilang dito ang magkaribal na sina Alexandra at Lacus. Magkatabi ang dalawang
dalaga sa may lamesa. Maya-maya at ngumiti si Alexandra at bumulong sa tenga ni
Lacus.

Alexandra:"He's mine." Maangas nitong sinabi pero mahina lang ang boses.
Pagkatapos, humarap ulit siya sa kanyang mga kaklase at ngumiti.

Lacus:"What the-" Bago pa man makapagsalita si Lacus ay biglang nagsalita si


Hunter. Nilapag niya ang kanyang dalawang kamay sa wooden table. Nagdulot ito nang
malakas na ingay na ikinagulat nang kanyang mga members.

Hunter:"Ok team, Let's do this thing! " Sigaw niya sa kanyang mga myembro at
itinaas ang kanang kamay.
BLUE Team Members:"Fight ! Fight ! Fight ! " Sabay-sabay nilang sinabi at itinaas-
baba ang kanilang kanang kamay. Nilabas ni Hunter ang kanyang beatbox at inupuan
ito. Pinalo-palo ito at sinusubukang makakuha nang tono para sa gagawin nilang
cheer. Sa may gilid naman nang lake ay andun ang RED team. Sabay-sabay silang
kumakain at naghahatian pa sa ulam nang bawat isa. Ang kanilang leader na si Angela
ay tumayo at pumunta sa harapan nang kanyang mga myembro. Kinuha niya ang kanyang
pito sa bulsa at hinipan ito. Nagdulot ito nang atensyon sa lahat nang kanyang
myembro.

Angela:" Are you ready RED team?!" Pasigaw niyang tanong sa kanyang mga myembro.
Mahahalata mo sa kanyang boses na punong-puno ito nang confidence.

RED Team Members:" Yes! " Sabay-sabay nitong sinabi kay Angela. Ngumiti naman ang
dalaga at hinipan muli ang kanyang pito.

Angela:"Oh ano? Simulan na natin yung cheer naten." Tanong niya sa kanyang mga
kagrupo. Nagsitayuan ang kaniyang mga myembro at nagsimula na silang magpractice.
Abalang-abala ang dalawang grupo sa kakapraktis nang kanilang cheer. Alam nila na
extra-credit rin to sa grades nila, lalo na sa kanilang mga kaklaseng scholar.
Mahalaga rin ito para kay Zoey dahil running siya for Summa Cum Laude sa
St.Venille. Maya-maya pa ay biglang mayroon silang narinig na ingay mula sa speaker
na nakadikit kung saan-saan. Kalat-kalat ang mga speaker sa Koch's Camp. Ginagamit
ito for announcements, warnings at iba pa. Agad itong napansin nang magkabilang
grupo. Ilang segundo lang ay nagsalita si Ms.Gomez...

Ms.Gomez:"Class 6, Punta na kayo sa Assembly. It's already twelve o' clock."


Mahinahon niya itong sinabi. Agad naman itong umagaw sa atensyon nang dalawang
leader ng magkabilang grupo. Sabay silang dumating sa assembly. Nagulat sila dahil
akala nila ay sina Ms.Gomez at Ms.Torres lang ang manonood sa kanila magcheer.
Andun ang iba nilang mga kaschoolmates na dumayo pa mula sa ibang camp. Maya-maya
ay kinuha ni Ms.Torres ang mic at tinapik ito nang talong beses. Sinubukan kung
itong gumagana na, pumunta siya sa harap na may ngiti sa kanyang mga labi. Hindi
niya na ito pinatagal pa at nagsalita na..

Ms.Torres:"Here we are at Koch's Camp having our camping trip! Kaya kayo nandito ay
para ijudge kung sino sa dalawang grupo ang may mas better na performance." Katabi
ni Ms.Torres ay si Ms.Gomez. Nakasuot silang dalawa nang white na t-shirt, faded
denim pants at sneakers. Inagaw ni Ms.Gomez ang mic kay Ms.Torres at sinabi ang
criteria for judging.

Ms.Gomez:" Criteria for judging is :

Unity is 50 %

Creativity and Originality is 25% ,


Projection is 15%

Costume is 10 %

Audience Impact is 5%"

Tinawag nang dalawang guro ang dalawang leader nang grupo. Pumunta sina Hunter at
Angela sa may harapan.

Ms.Gomez:" Meron ako ditong dalawang stick, Isang mahaba at isang maikli. Kung sino
man ang makakuha nang maikli ay siyang mauunang magpresent. Claro? " Tanong niya sa
dalawang studyante. Tumango naman ang dalawa. Unang pumili nang stick ay si Angela
dahil sabi ni Hunter na "ladies first" daw. Napalunok naman si Angela sa sobrang
kaba. Pumikit siya at pumili nang isang stick. Untii-unti niyang binuksan ang
kanyang mga mata. Nagulat siya dahil mahaba ang kanyang nakuha. Ang ibig-sabihin
nun ay sila Hunter ang unang magprepresent. Napasigaw siya sa sobrang tuwa, medyo
nabawasan rin ang kaba niya at nang kanyang mga kagrupo. Pumunta ang grupo nila
Hunter sa may harapan at inayos na ang kanilang formation. Lahat nang blue team ay
nakasuot nang color blue na shirt, nakapantalon at sneakers. Meron din silang may
mga indian hats na nakasukbit sa kanilang ulo. Merong mga facepaint sa kanilang
mukha. Mas kilala itong facepaint na ito bilang "War facepaint". Nasa gitna si
Hunter at bumulong nang "One,Two,Three" bilang senyas na simulan na ang cheer.

BLUE TEAM'S CHEER..

TO THE B - L - U - E . Kada letra ay nasusundan nang apat na mabibilis na


palakpak. Maya-maya ay kinuha ni Hunter ang isang megaphone na nakapatong sa
lamesa. Lahat nang sinasabi ni Hunter ay ginagaya nang kanyang members.

Hunter:"Go! Go! BLUE team! " Go, Go, Blue Team...

Hunter:"We will be the champions" We will be the champions...

Blue Team : "Goooooo Blue team! " Sabay-sabay nilang sinabi at nagpalakpakan.
Akala nang mga nanonood ay tapos na sila sa kanilang presentation pero biglang
pumunta ang mga babae na kabilang sa blue team. iplinay naman ni Hunter ang isang
kanta na nakaminus-one. Ang kantang ito ay pinamagatang "I Saw The Sign". Chorus
lang ang kanilang kinuha rito.

Tono ng I Saw The Sign ng Ace of Base: (Chorus)

I love my team and we're always here to fight !

and we're all happy now, knowing that you'll lose

We'll laugh at you, you know!


I love my team, and it opened up my eyes! Go, go BLUE team!.

Ms.Gomez:"Would you like to add something?" Tumango si Hunter at ngumiti. Kinuha


niya ang mic at nagsalita sa harapan. Kasama niya rin ang apat na myembro niya sa
grupo na sina Tiffany, Cameron, Cj at Arsela. Meron silang tigiisang hawak na
construction paper na kulay blue. Bawat construction paper ay may nakasulat na
isang letra. Luminya ang apat, naunang humakbang paabante si Tiffany, na sinundan
nang iba niyang kagrupo.

Tiffany:"B for Brave. "

Arsela:"L for Loving."

Cameron:"U for Unique."

CJ:" And E for Environment Friendly"

Ms.Gomez:"Anything na gusto mong sabihin sa kabilang team?" Tanong niya kay Hunter.
Napangiti lamang ang binata.

Hunter:"Hold on to your seats RED team, the blue team is coming to haunt you."

Natapos sila sa kanilang presentation na puno nang tawanan,hiyawan at kung anu-ano


pa. Nagpalakpaan ang lahat nang kanilang audience dahil halatang nagenjoy sila sa
kanilang napanood. Pagkatapos nilang magpresent ay nagakbay-akbay silang lahat at
parang nakaform na isang bilong. Lahat ay nakangiti at proud sa kanilang
performance.

Hunter:"I'm so proud of you guys! Ang importante ay masaya tayong lahat! Go BLUE
TEAM!" Nagtawanan naman ang kanyang mga myembro. Sabay-sabay nilang itinaas ang
kanilang kanang kamay at sinabi ang mga salitang " Fight! Fight! Fight! " . Ang
susunod na magpeperform ay sina Angela. Napalunok si Angela nang makita ang
performance ng BLUE team. Pinagpapawisan na rin siya dahil sa sobrang kaba. Hinarap
niya ang kanyang mga members.

Angela:"Ready?" Tumango naman ang lahat.


Angela:"Let get this thing started!" Sigaw niya at nagform sila sa kanilang
formation. Nagbuntong hininga si Angela, kinuha niya ang kanyang pito at hinipan
ito. Ito ay bilang signal na magsimula na sa kanilang yell. Nakasuot sila nang RED
na shirt, denim pants at sandals. Meron din silang nakasukbit sa kanilang ulo. Mga
korona na kulay pula. Kumikinang-kinang ito dahil napupuno ito nang pulang
glitters. Hindi na nila pinatagal pa at sinimulan na ang cheer..

RED Team's Cheer..

" GO RED TEAM! Sabay-sabay nilang sinabi nang dalawang beses.

We're gonna beat you! We must, we must!


When you're up, you're up,
When you're down, you're down,
We're gonna beat you UP and DOWN!

Maya-maya tumugtog ang minus-one ng kantang "Royals" ni Lorde. Nang marinig nang
ibang studyante ito ay agad silang naghiyawan. Ang blue team naman ay tahimik na
nanonood ang kalabang grupo.

" Today, We're gonna be Royals!

It do run in our blood!

This kind of luxe is just for us,

We crave a different kind of buzz.

Let me be your ruler!

You can call us RED team!

And baby, we'll rule! we'll rule, we'll rule ...

This is aint your fantasy! "

Ngayon naman, Si Ms.Torres ang kumuha nang mic. Pumunta siya sa may gitna nang
harapan at nakangiti.Proud na proud siya sa kanyang grupo at alam niya na kahit
papano ay may laban ang kanilang grupo.

Ms.Torres:"May gusto pa ba kayong idagdag?" Tanong niya, tumango naman si Angela.


Pumunta sa harapan ang kanyang tatlong kagrupo na sina Cheska,Zero at Sakura. May
bitbit-bitbit naman silang tatlong illustration board na nakapako sa isang maliit
na kahoy para sa hawakan nito. Sabay-sabay nila itong itinaas, may mabubuong isang
word dito. Ang salitang "RED". Naunang nagsalita si Cheska, mas lalo niya itong
itinaas at iginewang-gewang sa ere.

Cheska:" R for Respectful. "


Zero:" E for Engaging."

Sakura:" And D for Diligent."

Ms.Torres:"May gusto ka bang sabihing mensahe para sa kabilang grupo?" Tanong niya
kay Angela. Ngumiti lang ang dalaga at kinuha ang mic.

Angela:"RED Team is going to give you the true definition of the word underdog, and
it starts with the letters B-L-U-E. " Mataray nitong pagkakasabi. Nagpalakpakan ang
mga nanonood sa kanila. Naghihiyawan din naman ang iba. Alam nang dalawang grupo na
maganda ang ginawa nila parehas na presentation. Bukas pa nila malalaman ang
resulta nang pagjujudge ng kanilang mga kaschool mate. Nakasulat ang binoto ng
kanilang mga schoolmate sa isang maliit na piraso nang papel. Hinulog nila ito sa
isang ballot box. Exited na ang dalawang leader kung sino ang nanalo sa activity na
ito, at syempre may prize din sila pero bukas parin nila malalaman. Magaalas-kwatro
na natapos ang kanilang event. Nagaayos na sila nang kanilang gamit dahil sa gitna
sila nang gubat matutulog. Exited sila sa gagawing pagtulog sa gubat dahil first
time lang nila itong gagawin. Bilang isang elite na tao, sanay sila sa mararangyang
kama at gamit. Dito masusubukan ang kanilang wilderness skills. Magkabukod ring
natulog ang dalawang grupo, ang RED team ay binabantayan ni Ms.Gomez at ang BLUE
team naman ay kay Ms.Torres.

CP16:Tenebrous >>

Inihahanda na nang RED team ang kanilang mga tent para mamaya kahit hindi pa medjo
madilim. Nakaupo lahat sila sa isang mahabang kahoy. Nagkwekwentuhan, nagtatawanan
at kung anu-ano pa ang ginagawa. Tumayo si Ms. Gomez at pumunta sa harapan.

Ms.Gomez:"Oh ano? Gawa na tayo nang campfire naten." Anyaya niya sa mga studyante
nang RED team. Ngumiti naman si Angela at napatawa nang mahina.

Angela:"Sige! Masaya yan kaso sino gagawa nang apoy? Wala pa nga tayong kahoy-kahoy
e." Paliwanag niya sa kanyang guro pagkatapos ay nagpout. Napangiti naman si
Ms.Gomez sa sinabi ni Angela, tumingin siya kay Caleb at Zero at sila na lang ang
kumuha nang kahoy pabalik sa camp. Wala namang nakaramdam sa kanila. Nakapokerface
pa si Zero habang pinagmamasdan ang kanilang guro.

Zero:"What?" Seryoso niyang tanong sa guro. Napatawa naman ang kanyang mga kaklase
dahil sobrang sungit eh kalalaking tao. Mayroon siyang narinig na isang babae na
nagsalita na "napakagentleman talaga. Tss! " pero hindi niya parin ito pinansin.
Parang wala kang pakiramdam na madadama kapag tinignan mo ang kanyang mukha. Hindi
pa pinatagal nang dalawang lalake at tumayo na sila.
Caleb:"Oi ! Tara na nga, ang batugan niyo." Tumayo na ang dalawang lalake at
naglakad pabalik sa camp. Habang nasa gitna nang daan, nagkalokohan ang tatlong
binata.

Caleb:"Pre, May natitipuhan ka ba sa mga classmates nating babae?" Nagulat ang


dalawa sa tinanong ng binata. Si Caleb kasi yung taong mahiyain, introvert, dead
kid sa klase pero habang tumatagal ay nagiging sociable na siya pagdating sa iba't-
ibang bagay. Napatingin lang si Zero sa kanya at nakapokerface paren. Napatawa
naman nang mahina si Tyrone.

Caleb:"Oh? Ikaw Tryrone? Sino nga ba yang nilalaman nang puso naten? Hahahaha" Asar
niya sa binata sabay umakbay. Nakatingin lang sa kanya si Tyrone at nakangiti.
Tinaggal niya yung pagkakaakbay nang binata at napatingin sa kanya.

Tyrone:"Eh! Ayoko nga, pagkakalat mo pa." Napataas naman ang kilay ni Caleb nang
marinig ang sagot nang binata. Tumingala siya pero onte lang ang naaaninag niyang
liwanag mula sa buwan. Kung wala silang dalang flashlight ay baka naligaw na sila
sa daan.

Caleb:"Si ano crush mo no?" Malakas niyang sinabi kay Tyrone

Tyrone:"S-sino?" Pautal-utal nitong sinabi at biglang namula ang kanyang mukha.

Caleb:"Crush mo si Arsela no? Lagi mo kasi siyang tinitignan, baka matunaw yun!
Hahaha" Asar niya sa binata. Napangiti lang ito at nagkamot nang ulo.

Tryone:"Aa-ah-h? H-hinde ah!" Pautal-utal nitong sinabi nang may nanginginig na


boses. Habang malapit na sila sa Koch's Camp ay may narinig silang tunog nang
baril. Kinilabutan sila dito dahil sobrang lakas nang putok nito na para bang
malapit ito sa kanila. Napalingon si Caleb sa sobrang kaba.

Caleb:"Narinig niyo yun?" Tanong niya sa mga kasama. Tumango lang si Tyrone habang
si Zero naman ay nakapokerface paren. Wala man lang siyang sagot sa tanong nang
kaklase at hindi ito pinansin. Nakatingin lang siya sa kanyang harapan at kinuha
ang headset. Sinaksak niya ito sa kanyang cellphone at ipinasak sa kanyang dalawang
tenga. Nauna na si Zero sa paglalakad habang naguusap ang dalawang binata.
Napakunot naman nang noo si Caleb sa ginawa nang kaklase. Hinabol niya ito at
hinawakan ang balikat.

Caleb:"Ano ba problema mo ha?!" Tanong niya sabay higt sa dalawang headset na


nakapasak sa tenga ni Zero. Hindi niya ito pinansin at tinaasan lamang siya nang
kilay. Nagdesisyon naman si Tyrone na tignan kung saan galing ang narinig na putok
ng baril. Lumayo siya sa dalawang kaklase at binitbit ang flashlight. Pakonti-konti
ang lakad niya dahil sa kanyang takot na nararamdaman. Maya-maya ay biglang pumutok
nanaman ang baril na kanilang narinig kanina. Ngayon ay mas malakas kaysa nung
nauna.

Tyrone:"S-Sino yan?" Tanong niya na may halong takot sa kanyang boses. Biglang
natahimik ang buong paligid. Agad siyang pinagpawisan sa takot. Napalunok siya at
nagtago sa may gilid nang puno. May narinig siyang naglalakad-lakad na papunta sa
kanya. Paglingon niya ay may nakita siyang isang tao na nakamaskara na parang
clown. May dala-dala itong kutsilyo at pinapadaanan ito sa kanyang mga nadadaanang
puno. Mas lalo siyang kinabahan sa kanyang nakita, alam niyang baka siya ang
patayin nito kapag nakita siya,lalo na't magisa na lang siya sa gubat at hindi niya
mahanap ang kanyang mga kasama. Habang tumatagal ay alam niyang papalapit nang
papalapit ito sa kanya. Maya-maya ay may narinig siyang nakapangingilabot na tawa.
Umabante siya nang tatlong beses mula sa puno, at unti-unti siyang lumingon.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nasa likuran na niya ang nakamaskarang tao.
Agad siyang dinaplisan sa kanyang mukha. Nagdulot ito nang malaking linyang sugat
sa kanyang pisngi. Napasigaw siya sa takot. Tumakbo siya nang tumakbo habang
nagdadasal.

Tyrone:"Caleb! Zero! Asan ba kayo!" Sinisigaw niya ang pangalan nang dalawang
kaklase habang tumatakbo. Sa gitna nang kanyang pagtakbo ay bigla siyang napahinto.
May nakita siyang ilaw, hingal na hingal siya sa kanyang pagtakbo. Alam niyang
natakasan niya na ang gustong pumatay sa kanya, unti-unti niya itong nilapitan sa
pagaakalang maliligtas na siya. Malapit na siya sa ilaw, tatlong yapak na lang ang
kelangan para makapunta rito. Nakita niyang walang tao pero itinuloy niya paren.
Nang pangalawang hakbang niya na ay bigla siyang nahulo sa isang pit hole.
Napilayan siya sa lakas nang kanyang pagkabagsak. Sigaw siya nang sigaw pero walang
nakakarinig sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Sumandal siya
sa gilid nito at nagbuntong-hininga.

Tyrone:"Bakit ba kasi ang tanga-tanga mo Tyrone eh! Pinuntahan mo pa yun!" Sisi


niya sa kanyang sarili. Ang rumi-rumi na nang kanyang mga damit dahil napuno ito
nang putik. Nakatingala lang siya at pinagmamasdan ang mga bituin. Naalala niya
rito ang kanyang mga magulang. Si Tyrone ay kabilang sa isang mahirap na pamilya,
scholar lang siya sa St.Venille. Hindi man siya kabilang sa mga top students pero
namamaintain niya ang kanyang mga grado. Maya-maya ay narinig niya nanaman ang tawa
na katulad nang kanina. Tumaas ang kanyang mga balahibo. Napalunok siya at nagdasal
na sana ay hindi ang gustong pumatay sa kanya ang taong iyon. Nanlaki ang kanyang
mata nang makita niya ito. May hawak-hawak itong water container, binaba niya ito
sa tabi niya at umupo. Pinagmamasdan niya lang si Tyrone nang maigi.

Tyrone:"Hayop ka! Sino ka ba ha! Paalisin mo nga ko dito!" Sigaw niya rito pero
hindi siya nito pinansin at tumawa lang nang napakalakas.

:"Alam mo, ang lamig ngayon no? Gusto ko sanang magpainit


kasama ka." Sinabi nito kay Tyrone nang may paawang boses pero nakatingin lang ang
binata sa kanya. Sinusubukang alamin kung sino ang tao na nasa likod nang kanyang
maskara.
Tyrone:"Hindi mo na kelangan magpainit! Demonyo ka! Sh*t! Alisin mo ko dito."
Padabog niyang sagot sa babaeng nakamaskara. Kinakalmot-kalmot na rin ni Tyrone ang
lupa at sinusubukang makagawa nang daan para makaakyat. Yumuko naman ang babaeng
nakamaskara at tumawa ulet.

:"Alam mo, masyadong mainit ang ulo mo saken e. Tara painitin


pa naten, sabayan naten ang lamig nitong gabi. Hahahahahaha! See you in hell. "
Sagot nito sa binata. Unti-unti niyang binitbit ang water container sa kanyang
tabi. May laman itong gas, ibinuhos niya ito kay Tyrone. Tuwang-tuwa siya sa
kanyang ginagawa, sigaw naman nang sigaw ang binata.

Tyrone:"Pagsisisihan mo tong ginagawa mo!" Pananakot nang binata, napahinto naman


ang kanyang kausap sa pagpapaligo sa kanya nang gas.

:"Do I look like I care? Hahahahahahaha!" Pagkatapos niya itong


sabihin ay itinuloy niya ulit ang kanyang ginagawa. Nang maubos na ang laman nang
gas ay umalis siya upang kunin ang posporo. Nagpapanik na rin si Tyrone at hindi
alam ang kanyang gagawin. Ang dalawa niya namang kasama ay nakabalik na sa kanilang
camp. May dala-dala silang mga bitak-bitak na punong kahoy. Agad na nilang
sinimulan gumawa nang apoy.

Ms.Gomez:"Teka, asan si Tyrone?" Tanong nito sa dalawang binata.

Caleb:"Ay, Oo nga no? Asaan na nga ba yun?" Tanong nito kay Zero pero wala namang
reaksyon si Zero sa tanong ni Caleb. Nakapokerface lang siya habang tinitignan ang
mga punong-kahoy na kanilang dala-dala.

Caleb:"Ahh? Ma'am baka naman may pinuntahan lang." Sagot nito sa kanilang guro
habang kumamot sa kanyang ulo.

Ms.Gomez:"Ahh? Ganun ba? Text niyo nga, sabihin niyo bumalik na rito." Utos niya
sa kanyang studyante. Tumayo naman si Angela habang may hawak-hawak na 3310 na
cellphone.

Angela:"Ma'am, Eto po yung cellphone ni Tyrone. He left it here eh." Sinabi niya sa
guro at ibinigay ang cellphone. Napakunot naman ang noo ni Ms.Gomez.

Ms.Gomez:"Ganun ba, sige magsesend nalang ako nang announcement sa Koch's Camp."
Sabi nito sa kanyang mga studyante. Naupo na silang lahat at nagkwentuhan nang kung
anu-anong mga storya. Nakapalibot sila sa campfire na ginawa nang dalawang binata.
Sa may hindi kalayuan ay andun paren si Tyrone sa pithole. Umiiyak siya at
nagdadasal.

:"Hmmm, Music to my ears. Hahahahaha" Nababaliw nitong sinabi,


kumuha siya nang isang posporo sa kahon at sinindihan ito. Nanlaki ang mata ni
Tyrone sa kanyang nakita. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Hinagis naman nang
babae ang posporong hawak-hawak sa pithole at lumayo. Bigla itong nagliyab,
nagdulot ito nang makapal na usok sa paligid. Sigaw naman nang sigaw si Tyrone
habang tumatawa lang ang babae nang malakas. Nakita naman ang makapal na usok mula
sa camp nang RED team. Masayang silang nagkwekwentuhan at nagtatawanan nang makita
ni Eugene ang usok.

Eugene:"Nakikita niyo ba yung usok na yun? Mukhang may nasusunog." Pinutol niya
ang pagkwekwentuhan na agad naman napansin nang iba pa niyang kaklase.

Alyssa:"Oo nga no? Tara tignan naten! " Anyaya niya sa kanyang mga kaklase.

Cheska:"Huwag , masyadong masukal ang dadaanan naten baka mapahamak pa tayo."

Ms.Gomez:"Oo tama si Cheska, hayaan nalang naten na ang ibang awtoridad na ang
magasikaso niyan. " Paliwanag ng guro. Nakumbinsi naman ang mga studyante sa RED
team at ipinagpatuloy ang kanilang masayang pagkwekwentuhan. Nang nakita nang
babaeng nakamaskara ang lasog-lasog na katawan ni Tyrone ay pinatay niya na ang
apoy. Umupo siya sa isang upuan at uminom nang alak. Kinuha niya ang kanyang pistol
mula sa kanyang bulsa at binaril-baril ang katawan ni Tyrone. Tuwang-tuwa siya
habang ginagawa niya ito. Nang makuntento na siya rito ay itinali niya na ito sa
isang puno. Alam niyang lumalalim na ang gabi kaya inalis niya na ang kanyang
maskara at itinapon kung saan. Bumalik na siya sa camp nang RED team. Nadatnan
niyang masayang nagkwekwentuhan ang kanyang mga kaklase. Sinalubong agad siya ni
Angela.

Angela:"Oh? Saan ka galing? Ang tagal mo naman." Tanong nang kaibigan, ngumiti lang
ito at itinaas ang kanyang hawak-hawak na soda.

:"Ay sorry, bumili lang kasi ako ng soda e." Paliwanag niya sa
kaibigan.

Angela:"Ahh ok, oh dali na, upo ka rito." Masaya niyang pagkakasabi sa kaibigan.
Maya-maya ay nanlaki ang mata niya nang bigla siyang tinanong ni Samantha.

Samantha:"Nakita mo ba si Tyrone?" Bigla siyang pinagpawisan at nanginig. Iniiba


niya ang tingin at kung anu-ano ang naiisip. Naguiguilty siya sa kanyang ginawa.

:"H-hinde eh? B-ba-ket?" Pautal-utal nitong sinabi nang may


nanginginig na boses. Mahahalata mo rin sa kanyang boses na kinakabahan ito.
Naputol ang kanilang paguusap nang biglang may narinig silang tunog nang isang
horn. Ito ay bilang signal na kelangan na nilang matulog dahil marami-rami pa
silang gagawing activities bukas. Naglights-out na ang camp nang RED team at
nagsipuntahan sa sari-sariling tent.

CP17:Trapped >>

Magsisix'thirty na nang nagsimulang ayusin ng BLUE team ang kanilang mga tent.
Masaya silang lahat at proud sa kanilang performance. Lahat sila ay maraming
dalang gamit, isa na rito ay si Aliza. Dalawang bag ang dala-dala niya sa camping.
Isang backpack at isa namang gym bag pero kung anu-ano lang naman ang nasa loob
nito. Napatingin si Alexandra sa bag ni Aliza.

Alexandra:"Oh? Andami-dami mo namang dala, ano ka magbabakasyon?" Mataray nitong


sinabi sa dalaga habang nakataas ang kanyang kaliwang kilay. Napatingin naman si
Aliza sa kanyang kaklase nang may napakataray na mukha.

Aliza:"Ano bang pakielam mo ha? Inggit ka ba?"

Alexandra:"Hindi naman, masama bang magtanong?" Mahinhin nitong tugon sa dalaga.


Nagngitian naman silang dalawa pero mahahalatang peke ang mga ito. Nakatitig lang
naman sa kanila si Tiffany.

Tiffany:"Ang chichildish niyo talaga." Sinabi niya sa dalawa. Napatingin naman si


Alexandra at tumawa nang pagkalakas-lakas.

Alexandra:"Ano ka ba, joke joke lang yun! Diba peace tayo Aliza?" Tinapik niya si
Aliza habang nakangiti. Nginitian rin naman siya ni Aliza, mahahalatang may tensyon
sa pagitan nang dalawang magkaklase. Tumayo si Ms.Torres at pumunta sa harapan nang
kanyang mga studyante.

Ms.Torres:"Ok, so ano gusto niyong gawin ngayon?" Masaya niyang sinabi at umupo sa
isang maliit na upuang kahoy.

Hunter:"Alam ko na, maglaro nalang tayo." Anyaya nang binata.

Chantelle:"Gabi na, delikado maglaro sa gubat kapag gabi." Babala ni Chantelle sa


kanyang mga kaklase. Napatingin naman si Aliza kay Chantelle at kumunot ang noo.

Aliza:"Baket? Natatakot ka ba sa multo?" Babytalk nitong sinabi at tumawa nang


malakas. Napayuko si Chantelle sa hiya pero binalaan niya paren ang kanyang mga
kaklase.

Chantelle:"Huwag niyo nang ituloy ang binabalak niyo." Mahinhin nitong sinabi at
tumayo. Dumiretso siya sa kanyang tent at nagkulong, nagbasa nalang siya ng isang
pocketbook.

Hunter:"Oh ano? Game?" Masaya niyang alok sa kanyang mga kaklase. Pumalakpak naman
si Arsela at ngumiti.

Arsela:"Game ako diyan! Hahahaha! So pano yung laro naten?" Tanong niya kay Hunter
pero bago pa man makasagot ang binata ay biglang umeksena si CJ.

CJ:"Ano ba yan! Walang wifi, hindi ako makapagfacebook!" Naiinis na sinabi ng


binata. Binatukan naman siya ni Erika habang natatawa sa sinabi ng kaklase.

Erika:"Adik! Alangan walang wifi! San ka ba nakakita nang gubat na may wifi?"
Nagtawanan ang mga magkakaklase. Nagpout naman si CJ habang nakatitig sa kanyang
smartphone.

CJ:"Tsss! Malay mo naman diba?" Paliwanag nang binata, tinapik naman siya sa likod
ni Tiffany habang tumatawa.

Tiffany:"Hayaan mo, bukas na bukas papakabit tayong wifi! Hahahahaha" Masaya ang
ambiance sa BLUE team. Pinutol naman agad ni Hunter ang biruan nang mga
magkakaklase para ipagpatuloy na ang kanilang plinaplanong laro.

Hunter:"Maglalaro tayo nang Hide & Seek" Masaya nitong pagkakasabi sa mga kaklase.

Erizel:"Sige,sige mukhang masaya yan!"

Alexandra:"It's ok but make sure na hindi ako ang taya." Mataray niyang sinabi,
napatingin naman nang masama si Erizel sa sinabi nang dalaga. Nakatingin siya kay
Alexandra at bumulong "Tsss! Ang arte naman nito, akala mo naman kagandahan.".
Napataas naman ang kilay ni Alexandra sa sinabi ni Erizel.

Alexandra:"Ano sabi mo?" Mataray nitong sinabi, hindi naman siya pinatulan ni
Erizel at nginitian lang siya.

Erizel:"Wala, sabi ko po ang ganda niyo." Napangiti si Alexandra sa kanyang


narinig.

Alexandra:"Good!" Pumunta si Hunter sa gitna at pinaliwanag ang gagawin nilang


laro.

Hunter:"Dalawa ang magiging taya, tapos bawal lumayo ok? Alam ko namang marunong
kayong maglaro nang Hide and Seek. Matatanda na kayo." Seryosong pagkasabi nang
binata.Kumuha siya ng isang bote nang soda. Tinawag niya ang kanyang mga kasama at
pumaikot sila sa bote. Nagbilang si Hunter nang "One,Two,Three!" at inikot ang
bote. Kung sino man ang hintuan nang bote ay siyang magiging unang taya. Nagkataon
at huminto ang bote kay Erizel. Napangiti ang binata at inasar ang kanyang kaklase.

Hunter:"Oh? Ikaw yung unang taya ah?"

Erizel:"Andaya niyo! Ulet! Ulet!" Sabi niya habang nakapout. Napatingin naman dito
si Alexandra at inirapan ang dalaga. "Sino kayang mas maarte!" bulong nito sa
sarili. Napatingin naman nang seryoso si Erizel kay Alexandra.

Erizel:"Ano sabi mo bestfriend?" Tanong niya na nasundan nang nakapanlolokong


ngiti.

Alexandra:"Wala yun bestfriend! Goodluck sabi ko!" Mahinhin nitong tugon sa


kaklase.

Hunter:"Ok, may isa na tayong taya. Ngayon, kung sino naman ang tapatan nang
pangalawang ikot ay siyang magiging pangalawang taya. Ok?" Tanong niya sa mga
kaklase. Tumango naman silang lahat. Nagbilang ulit siya nang "One,Two,Three!" at
inikot ang bote. Tumapat ito kay Lacus. Napalunok ang dalaga sa kanyang nakita.
Napangiti ang binata at tinignan ang dalaga sa kanyang mga mata.

Hunter:"Ikaw taya." Matipid nitong sinabi, hindi naman sumagot ang dalaga at napout
lang.
Lacus:"I hate this game! " Pabiro niyang sinabi, agad namang nagsitayuan ang mga
myembro nang blue team. Wala si Ms.Torres dahil nakatanggap siya nang announcement
mula sa RED team. Bumalik ang guro sa Koch's Camp para iconfirm kung anong meron.
Lumayo ang lahat nang BLUE team sa kanilang camp. Binaon nila ang kanilang flag sa
lupa para may palantandaan sila kung saan ang camp nila sakaling maligaw sila sa
daan.

Hunter:"Kayong dalawa ang taya diba? Kelangan niyong magbilang nang 30 seconds tas
magtatago na kame. Ok? " Paliwanag niya kina Erizel at Lacus. Tumango naman ang
dalawa at tinakpan ang kanilang mga mata. Agad namang nagsitakbuhan ang lahat para
magtago. Tawanan sila nang tawanan at halatang nageenjoy sa kanilang ginagawa.
Medyo lumayo-layo sa boundary ang magkaibigang sina Cameron at Resha. Napadpad sila
sa parang isang terrace. Kitang-kita ang madilim na kagubatan mula rito. May nakita
silang isang lumang kwarto. Napangiti ang binata sa kanyang nakita, hinawakan niya
sa pulso si Resha at hinatak papunta sa kwarto.

Cameron:"Tara, dito tayo magtago." Anyaya niya sa dalaga. Pumiglas naman si Resha
sa pagkakahawak nang binata. Yumuko siya at nanginginig ang kanyang buong katawan.

Resha:"Ayoko diyan, nakakatakot kaya." Sambit nito sa binata. Napangiti naman si


Cameron at niyakap ang dalaga.

Cameron:"Huwag ka na kasing matakot, andito naman ako e." Mahina niyang sinabi kay
Resha. Nagulat si Resha sa kanyang narinig at napangiti. Maya-maya ay may narinig
silang malalaking hakbang papunta sa kanila. Hinatak niya agad ang dalaga.

Resha:"Bake-" Naputol ang sasabihin ng dalaga dahil tinakpan ni Cameron ang kanyang
bibig. Nagulat ang dalaga dahil bigla nalang siyang pinasok ni Cameron sa loob nang
madilim na lumang silid. Hinampas ni Resha ng malakas ang binata dahil sa ginawa
nito.

Resha:"Ano ba kasi yun!" Pabulong niyang sinabi kay Cameron.

Cameron:"Sshhhh! Wag kang maingay, may paparating!" Paliwanag nang binata.


Natahimik ang dalaga sa sinabi ni Cameron. Papalakas nang papalakas ang naririnig
nilang hakbang. Ibig-sabihin nito ay may papalapit sa kanilang tao. May nakitang
maliit na butas si Resha sa loob nang kwarto. Lumapit siya rito at sinubukang
tignan kung sino yung papalapit. Nakita nilang si Jeffrey lang pala. Nagbuntong-
hininga ang dalaga at sumandal sa pader.

Resha:"Si Jeffrey lang pala eh, tara na!" Bulong niya sa binata, tatayo na sana
siya nang bigla parin siyang pinigilan ng binata. Nanlaki ang mata ng dalaga sa
higpit nang hawak ni Cameron sa braso niya.
Resha:"Ano ba Cameron! Nasasaktan na ko!" Napalakas niyang sinabi sa binata.
Tinignan ni Cameron si Resha sa kanyang mga mata at yumuko.

Cameron:"May isa pang paparating, wag kang maingay kung ayaw mo pang mamatay."
Napalunok si Resha sa kanyang narinig. Agad nanginig ang kanyang mga kamay. Unti-
unti ulit siyang lumapit sa may butas. Nakita niyang si Erika lang pala pero hindi
parin siya tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Nakapangalumbaba si Jeffrey mula sa
terrace at para bang kinakausap ang kanyang sarili.

Jeffrey:"Ang ganda nang paligid diba Miles? Alam mo ba, ang saya-saya ko ngayon
lalo na't kasama kita. Hahahahaha" Sabi nito sa kanyang sarili. Papalapit naman
nang papalapit si Erika kay Jeffrey at may hawak-hawak na isang maliit na bote.

Jeffrey:"I love you Miles!" Lumapit si Erika kay Jeffrey, tinapat niya ang kanyang
bibig sa tapat nang tenga ni Jeffrey.

Erika:"I love you too! Hahahahaha!" Nakakatakot niyang sinabi kay Jeffrey.
Napalunok ang binata sa kanyang narinig. Nanlaki ang kanyang mga mata, tumalikod
siya para harapin kung sino ang nagsabi sa kanya nun. Nakita niya si Erika na may
hawak-hawak na bote ng asido. Binuksan ito nang dalaga at itinapon sa mukha ni
Jeffrey. Agad namang nalusaw ang mukha ni Jeffrey, Sigaw siya nang sigaw at
nakahawak sa kanyang mukha. Hindi pa nakuntento si Erika at kinuha ang kutsilyo
mula sa kanyang bulsa. Isinaksak niya si Jeffrey sa likod. Napaatras naman ang
binata sa ginawa ng dalaga. Nasobrahan ang kanyang pagatras at nahulog siya mula sa
terrace. Bumagsak siya sa flag ng blue team na may patulis na hawakan ng flag.
Napangiti ang dalaga sa kanyang nakita. Punong-puno nang dugo ang damit ni Erika.
Napa-upo siya sa kanyang nagawa at nagsimulang umiyak. Nagbuntong-hininga siya at
pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang kanyang dalawang kamay.

Erika:"Sorry Jeffrey! Kelangan ko talagang gawin to eh." Nanginginig niyang sinabi.


Kinuha niya ang bote at kutsilyo. Tinapon niya lang ito kung saan at bumalik
papunta nang camp. Hindi makapaniwala si Resha sa kanyang nakita. Tinakpan niya ang
kanyang bibig gamit ang kanyang kamay sa sobrang diri. Hindi siya makapagsalita sa
kanyang nasaksihan. Ikwinento naman ng dalaga ang kanyang nakita sa binata.
Napalunok si Cameron sa kanyang nalaman, natatakot na silang bumalik nang camp pero
isang araw nalang naman ang itatagal nila. Sabay silang bumalik sa camp, nadatnan
nilang ang daming nakapalibot dito. Tumakbo na si Resha para alamin kung anong
meron. Agad niyang nakita si Lacus, tinapik niya ito sa likuran at nagtanong.

Resha:"Anong meron?"

Lacus:"S-si Jeffrey!" Nanlaki ang mata ni Resha nang makita ang katawan ni Jeffrey
na nakatusok sa flagpole. Nakapandidiri ang mukha nito at para bang lasog-lasog na.
Napaupo siya sa lapag at nagsimulang nagsisisigaw sa takot. Naalala niya ang
nangyare kanina. Sa may hindi naman kalayuan ay biglang sumigaw ang kanilang
kaklaseng si CJ. Nakapangagaw ito nang atensyon sa lahat. Nagtakbuhan ang lahat at
pinuntahan kung anong meron at biglang napasigaw ang kanilang kaklase.

CJ:"S-s-si Ms. Torres!" Pautal-utal niyang sinabi sabay itinuro ang kanilang guro.
Nakagapos ang kanilang guro sa isang pillory. Ang kanyang ulo at dalawang ay
nakasuot sa mga malilit na bilog sa matulis na salamin. May mga sugat ito sa
katawan at para bang may malaking laslas sa kanyang bibig. Nadatnan siya nang
kanyang mga studyante na sumusuka na nang dugo. Unti-unting humarap si Ms.Torres sa
kanyang mga studyante. Nahirapan siyang magsalita dahil sa laslas sa kanyang bibig
pero sinubukan niya parin.

Ms.Torres:"T-tu-tulungan niyo ko!" Utal-utal niyang sinabi habang tuloy parin ang
paglabas nang dugo mula sa kanyang bibig. Hindi rin ito masyadong maintindihan.
Naghahabol din ang guro nang kanyang hininga. Nataranta ang mga studyante at hindi
alam ang kanilang mga gagawin. Maya-maya ay tumunog ang speaker na nakakabit mula
sa itaas nang puno.

:"Gusto ko sanang maglaro tayo, BLUE team. Sa ayaw't sa


gusto niyo makipaglaro saken, wala kayong magagawa. Masyado na kasing maraming alam
yang pesteng guro na yan! Kelangan niya nang manahimik habangbuhay. Hahahahaha"

Hunter:"Kung sino ka man, tigilan mo na to! Maawa ka naman! " Pakiusap nang binata.
Hindi naman ito masyadong pinakinggan at tinawanan lang siya. Napaupo si Erika sa
sahig. Iyak lang siya nang iyak pero masama naman ang tingin nina Cameron at Resha
dito.

:"Meron lang kayong limang minuto para maalis ang madaldal


niyong guro diyan sa pillory! Kung hindi naman eh, mapupugutan siya nang ulo at the
same time eh maalisan na rin siya nang dalawang kamay. Kawawa naman? Hahahahahaha!"
Napalunok si Hunter sa kanyang narinig. Alam niyang kaya nila tong gawin bilang
isang team. Ayaw niya nang may mangyare pang kababalaghan sa kanila. Agad pumaikot
ang mga myembro nang blue team kay Ms.Torres at sinusubukang alamin kung paano
makakaalis ang kanilang guro mula sa pillory.

Erizel:"Subukan muna nating alisin yung ulo." Suggestion niya sa mga kaklase.
Sumangayon naman ang lahat sa sinabi ng dalaga. Sinubukan nilang galaw-galawin ang
ulo ni Ms.Torres mula sa pagkakatrap nito sa pillory pero kapag ginagalaw ito ay
nagbibigay ito nang matinding sakit sa guro. Nagkakasugat siya dahil narin sa
matulis na salamin. Umiling ang guro pero pinagpatuloy parin nang mga studyante ang
kanilang ginagawa. Umaasa ang lahat na mailigtas ang guro mula sa trap ng
pumapatay.

Arsela:"The hell! Bakit niya ba kasi to ginagawa saten!" Naiinis na sigaw ni


Arsela. Tinapik naman siya ni Erizel sa likod.
Erizel:"Walang mangyayare kung magsisisigaw ka lang jan. Tulungan mo kame."
Seryosong pagkasabi ng dalaga sa kaklase. Lahat sila ay nakahawag sa may likod ni
Ms. Torres at para bang hahatakin ang katawan nang guro patalikod. Umaasa silang
lulusot ang ulo dito.

Hunter:"R-ready?" Nanginginig na tanong ng binata. Nagbuntong hininga siya at


nagsimulang magbilang "One,Two,Three!". Humawak ang lahat sa katawan ni Ms. Torres
at hinigit. Hindi naman ito gumana. Napasigaw ang guro pero mahina na dahil
nawawalan na ito nang boses. Nagdulot ang kanilang paghatak nang maliit na sugat sa
kanyang leeg. Masikip ang pagkakasuot nang ulo at dalawang kamay ni Ms.Torres sa
pillory kaya nahirapan ang mga studyante alisin siya rito. Nawalan na nang pagasa
ang lahat dahil kahit konting galaw lang ay nagdudulot nang sakit at kirot sa guro.
Napaupo nalang ang lahat nang studyante. Lahat sila ay umiiyak at isa-isang
nagsasabi nang kanilang mga huling sasabihin sa guro. Alam nila na kahit papano ay
napasaya nila ang guro. Biglang may tumunog na napakaingay. Ang tunog na ito ay
parang busena nang isang bus.

:"Oooops! Times up! Good Night Ms. Torres! Hahahahahaha!"


Sabi nito nang may napakalas na boses. Nasundan pa ito nang nakapangingilabot na
tawa. Biglang may narinig sila na parang tunog nang isang makina. Tumingin si Ms.
Torres sa kanyang mga studyante at ngumiti.

Ms.Torres:"G-g-ood B-b-bye!" Utal-utal niyang paalam sa kanyang mga studyante.


Sumakto dito ay biglang bumaba ang nasa taas na part ng pillory. Napugutan si
Ms.Torres nang ulo at dalawang kamay. Nagsigawan ang lahat nang babaeng studyante.
Ang iba'y nakahawak sa kanilang mga bibig at diring-diri sa kanilang nakita. Ang
iba nama'y tumakbo na pabalik sa camp. Hindi na nila alam kung anong gagawin nila.
Halos hindi rin nakatulog nang husto ang ibang myembro ng BLUE team dahil sa
pangambang sila na ang susunod.

CP18:Lost >>

Kinabukasan, puno nang katatakutan at pangamba agad ang naging usapan nang magkita
ang dalawang grupo. Nagdesisyon ang lahat na umalis na agad ng Koch's Camp. Dapat
ay tatlong araw silang magst-stay dito pero dahil sa takot, nagdesisyon sila na
bumalik nalang ng St. Venille. Nagkwento ang dalawang team ng kani-kanilang mga
experience sa gabing iyon. Halos lahat sa kanila ay natakot, ang iba nama'y
kunwaring hindi nagpapaapekto pero sa kaloob-looban ay takot na takot rin sila.
Late nang nakarating si Ms. Gomez sa assembly dahil hinahanap niya si Ms. Torres.
Habang naglalakad-lakad, nakita niya si Hunter. Nilapitan niya ito at sinubukang
kalabitin sa likod.

Ms. Gomez:"Hunter" Tawag niya sa binata. Napalingon naman si Hunter at humarap kay
Ms. Gomez. Seryoso ang kanyang mukha at halatang natrauma sa nangyare kagabi.
Napakunot naman ng noo ang guro nang makita ang mukha ni Hunter.

Ms. Gomez:"Ahmm? Nakita mo ba si Ms. Torres? Kanina ko pa kasi siya hinahanap eh,
hindi ko talaga siya makita." Nanlaki naman ang mata ni Hunter ng marinig ang
sinabi ng guro. Yumuko ang binata at may tumulong luha mula sa kanyang mga mata.
Napalunok si Ms. Gomez sa pinakitang reaksyon ng binata. Hinawakan niya si Hunter
sa dalawang balikat. Nagsimula na ring tumulo ang luha sa mga mata ni Ms. Gomez.

Ms. Gomez:"H-huwag mong sabihingg...." Nanginginig na sinabi nang guro sa binata.


Unti-unting humarap si Hunter kay Ms. Gomez at tumungo. Biglang napaupo si Ms.
Gomez sa kanyang nalaman. Iyak siya nang iyak dahil si Ms. Torres ang kanyang
pinakamalapit na kaibigan na guro sa St. Venille. Pinalibutan siya nang kanyang mga
studyante at sinusubukang patahin ang guro. Ikwinento ni Hunter ang sinapit ni Ms.
Torres. Galit na galit siya sa kanyang nalaman. Sigaw siya nang sigaw sa galit.
Maya-maya ay biglang may narinig silang busina mula sa bus. Dumating na ang araw
kung saan babalik na ulit sila sa St.Venille. Pinunasan ni Ms.Gomez ang kanyang mga
luha at tumayo. Inayos niya ang kanyang sarili at nagbuntong-hininga ito.

Ms. Gomez:"Ok Class, Kunin niyo na yung mga gamit niyo. Aalis na tayo. " Utos niya
sa kanyang mga studyante. Tumango naman ang lahat at nagsimula nang magsikilos.
Lahat ay nagmamadaling kunin ang kani-kanilang mga gamit. Sa cabin naman nila
Aliza, nagche-check siya nang gamit hanggang sa may napansin itong kulang sa
kanyang gamit. Nawawala ang isa sa kanyang lipstick. Nagsimula siyang sumigaw na
ikinagulat nang kanyang mga kasama sa cabin na sina Alina at Tiffany.

Aliza:"That darn b*tch! Magnanakaw talaga yun!" Galit na galit niyang sinabi.
Nacurious naman ang dalawa niyang kasama at itinanong kung bakit ito nagagalit.

Alina:"Bakit ate? Anong meron?" Mahinhin niyang tanong, tumaas naman ang kilay ni
Tiffany at umupo kaharap si Aliza.

Tiffany:"Oh? Anong problema?" Dagdag nito kay Alina. Tumayo si Aliza at humarap sa
dalawa habang nakapamewang. Makikita mo sa kanyang mukha na bwisit na bwisit ito.
Napakataray nang kanyang mukha na para bang may susugurin.

Aliza:"Yang Alexandrang yan! Magnanakaw! Insecure kasi saken." Padabog niyang sagot
sa dalawa. Napataas naman ang kilay ni Tiffany at ngumiti.

Tiffany:"Tss! Ikaw talaga, alam mo namang masama magbintang diba?" Mahina niyang
sinabi kay Aliza pero hindi niya ito pinakinggan. Dumiretso siya sa pintuan at para
bang may balak na sugudin si Alexandra. Bago pa man ito makalabas ay pinigilan siya
nang kanyang kapatid na si Alina. Hinawakan ni Alina ang kanyang ate sa balikat at
subukang pigilan ito.

Alina:"Ate tama na, wala ka namang pruweba eh." Napalakas ang kanyang pagkakasabi
dito, mas lalong nainis si Aliza at humarap sa kanyang kapatid.
Aliza:"So ano? Tinataasan mo na ko nang boses at wag mo nga kong pakielaman! I
don't need you and your bullsh*t! Kaya kung pwede lang ha, lumayo-layo ka saken! "
Pasigaw niyang sinabi sa kapatid at itinulak ito. Napaupo si Alina sa sahig sa
lakas nang pagkakatulak nang kapatid. Napasigaw naman si Tiffany sa kanyang nakita.

Tiffany:"Aliza! Wala ka talagang manners! B*tch!" Sigaw nito sabay tinaasan nang
middle finger. Ngayon lang nakita ni Alina ang pagkabadside ni Tiffany. Itinayo ni
Tiffany ang kanyang kaibigan at itinaong kung ok lang ba daw siya. Tumango naman si
Alina at tumayo. Inayos na lang nila ang kanilang mga gamit at hinayaang
makipagaway ang kanyang ate. Dumiretso si Aliza sa dorm ng mga exchange students.
Napakalakas nang katok nito na para bang sisirain ang pinto. Pinagbuksan siya ni
Sakura.

Aliza:"Anjan ba si Alexandra! Bwisit na yan! Ilabas mo yung ninakaw mo! " Nang
makita ni Sakura na galit na galit si Aliza ay napangiti ito at tumango. Dumungaw
si Alexandra sa bintana at nakita si Aliza. Napangiti ito na para bang nangaasar.
Tumabi si Sakura at umupo na para bang pagmamasdan ang dalawang dalaga na magaway.

Alexandra:"Oh? Bestfriend! Napadaan ka ata?" Mahinhin niyang sinabi kay Aliza.


Hindi na nakapagpigil si Aliza at biglang nasampal ang kaklase. Nagdilim ang
paningin ni Alexandra at itinulak si Aliza. Nagsabunutan silang dalawa sa sahig.
Halos gumulong-gulong na sila sa sahig pero wala silang pakielam. Nakita ito ni
Sakura at para bang tuwang-tuwa pa sa ginagawa nang dalawa. May nakita siyang vase
sa gilid niya. Kinuha niya ito at ibinagsak. Nagulat naman ang dalawang dalaga sa
ginawa ni Sakura. Nagbuntong-hininga siya at seryosong tumingin sa dalawa.

Sakura:"Tama na! Try acting as an elite sometimes! Hahahahaha" Naguilty ang dalawa
sa sinabi nang kaklase. Tumayo si Aliza mula sa sahig, pinagpag ang kanyang damit
at ngumiti.

Aliza:"Sayo na lang yung ninakaw mo, mukhang mas kelangan mo." Mataray nitong
sinabi kay Alexandra. Tinaasan naman siya nito nang kilay at bumulong sa sarili
"Sino kayang mas low-profile sating dalawa ngayon?". Papaalis na sana si Aliza nang
marinig niya ang sinabi ni Alexandra. Tumalikod siya at ngumiti.

Aliza:"Anong sabi mo?" Mataray niyang tanong.

Alexandra:"Wala bestfriend! Sabi ko mauuna na ko, magaayos pa kasi ako ng gamit ko


eh."

Aliza:"Ahh? Yung gamit bang ninakaw mo?" Na nasundan nang nakakainis na tawa.
Alexandra:"Ha? Anong sabi mo?" Matapang niyang sinabi sa kaklase. Ngumiti lang si
Aliza dito at tinapik sa may balikat si Alexandra.

Aliza:"Ikaw talaga bestfriend, hindi mo alam yung joke! Hahahaha" Masayang sinabi
ni Aliza. Tumawa naman si Alexandra pero peke lang ang lahat ito. Nakatingin naman
sa kanila si Sakura. Natatawa sa kanyang mga nasaksihan. Nagbuntong hininga ito at
sinabing "Hay nako! Amplaplastik talaga!" mahina sa kanyang sarili. Nang matigil na
ang dalawa sa kanilang away ay nagdesisyon na silang bumalik sa kanilang bus. Bago
sila umalis ay binuksan nang driver ang radyo. Nakaupo na ang lahat nang studyante
nang biglang may narinig silang nakakairitang tunog sa radyo. Tinakpan nila ang
kanilang mga tenga. Maya-maya ay may narinig silang sumisigaw. Hindi nila ito
mabosesan pero alam nilang mayroon nanamang nasa panganib ang buhay. Lalaki ang
humihingi ng tulong mula sa radyo. Napalunok si Ms. Gomez sa kanyang narinig, alam
niyang mababawasan nanaman sila kapag hindi siya agad kumilos. Nagdesisyon ang guro
na bumaba na agad nang bus at dumiretso sa main office para iannounce ito sa buong
camp. Naiwan naman sa bus ang mga studyante, natatakot silang lahat at hindi alam
ang gagawin. Tumayo si Samantha at pumunta sa harapan. Yayayain niya sana ang
kanyang mga kaklase na lumabas at tumulong sa paghahanap.

Samantha:"Kailangan nating kumilos, tara na!" Sigaw niya tumango naman ang kanyang
ibang mga kaklase. Lahat ay sangayon rito pwera lang kay Zoey. Nasa gitna siya ng
bus nakaupo. Dumungaw siya kung anong meron sa harapan nang bus at parang tinignan
mabuti. Nang nakita niyang mayroon paparating na makapal na sibat sa bintana ay
bigla siyang napasigaw sa takot. Tumayo siya at itinuro ang paparating na panganib.

Zoey:" Samantha! Alis jan!" Sigaw niya sa dalaga, napakunot naman ang noo ni
Samantha at unti-unting liningon kung ano yung sinasabi ni Zoey. Nanlaki ang
kanyang mata nang makitang may papatusok na sibat sa kanya. Nabasag ang salamin at
dumiretso ito sa buong katawan ni Samantha. Natusok ang kanyang mukha ng mga bubog
dahil sa malakas na pagkabasag ng salamin sa bus. Namatay rin ang driver ng bus
dahil natamaan rin ito ng malalaking parte ng salamin pero mas maraming tumamang
bubog sa katawan at mukha ni Samantha. Tumusok rin ang sibat sa kanyang tiyan.
Unti-unti siyang humarap sa kanyang mga kaklase at ngumiti. Hingal na hingal ito at
para bang nawawalan na ng hininga. Bigla itong bumagsak sa gitna. Agad namang
pumunta sina Erizel at Lacus sa harapan para tignan kung buhay pa ang dalaga pero
ng tignan nila ang pulso ni Sam ay wala na ito. Nagpanik ang lahat ng tao sa bus,
lahat sila ay nanginginig sa takot at walang humpay na nagsisigawan. Kinuha ni
Angela ang kanyang pito sa bulsa at hinipan ito. Nakapangagaw ito ng atensyon nang
kanyang mga kaklase. Mapapansing natatakot rin si Angela at nanginginig ang kanyang
mga kamay pero alam niya sa sarili niya na kapag hindi siya magiging matatag ay
walang mangyayari sa kanila.

Angela:" Ganito na lang, Tulungan nalang naten si Ms.Gomez na hanapin si Eugene.


Alam kong kay Eugene na boses yung narinig natin kanina. Ayokong may mabawas
nanaman sa beasts." Mangiyak-ngiyak nitong sinabi sa harapan ng buong klase.
Nakatitig naman sa kanya si Aliza at bumulong na "Tss! Feeling President!" Tumango
naman ang lahat at nagkanya-kanya na para hanapin ang nawawalang binata. Paikot-
ikot sila sa buong camp pero para silang naghahanap sa wala. Tumawag naman si Ms.
Gomez sa school at nagrequest ng isa pang bus para sa mga studyante. Magaala-una na
nang hapon nang magkita-kita ulit sila. Lahat sila ay pagod na pagod at walang
balita kung nasaan ang binata.
Alexandra:"Baka naman nauna na yun." Sabi nito.

Sakura:"Wala siya rito, nararamdaman ko." Mahina nitong sinabi sabay ngumiti.
Napatingin naman sa kanya si Zoey at yumuko. Lumapit siya kay Arsela at crinoss ang
kanyang kamay sa dalaga. Napatingin si Arsela kay Zoey, makikitang takot na takot
siya sa mga nangyayare.

Zoey:"A-ate, natatakot po ako." Paputol-putol niyang sinabi kay Arsela. Napangiti


naman si Arsela at niyakap si Zoey. Mayroon ring tumulong luha sa mga mata ng
dalaga.

Arsela:"Hayaan mo Zoey, everything will be ok. Trust me." Mahinang niyang sinabi
kay Zoey. Dumating na si Ms. Gomez galing sa Main Office ng Koch's Camp.

Ms. Gomez:"Hayaan niyo, parating na yung next bus naten." Matamlay na sinabi ng
guro. Tinanong naman siya nang kanyang mga studyante kung mayroon ba siyang nalagap
na balita tungkol sa nawawala nilang kaklase na si Eugene. Nagbuntong-hininga ang
guro at nagsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Ms. Gomez:" W-wala eh pero humingi na ko ng tulong sa mga nakakataas. Mahahanap rin
natin siya. Huwag na kayong magalala, think positive! Hahaha" Masaya niyang sinabi
kahit na may mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Naawa naman ang mga studyante
sa kanilang guro at nagdesisyong yakapin ito. Nag-group hug silang lahat at
masayang nagtawanan na para bang kahit na marami na silang pinagdadaanang
masasakit, hindi parin sila sumusuko at naniniwalang matatapos rin lahat nang ito.
Biglang dumating ang bus na ipinadala ng St.Venille. Pumarada ito sa tabi nang
naunang bus, pumila na ang mga studyante at isa-isang pumasok. Alam nilang wala
masyadong nangyareng maganda sa pagstay nila sa Koch's Camp pero mayroon naman sila
ditong importanteng natutunan. Ito ay maging matatag sa kahit anong problema at
laging damayan ang mga kaibigang hinihingi ang tulong mo.

CP19:Deception >>

Halos lahat ng studyante sa St. Venielle ay masayang bumalik ng camp pwera lang sa
section 4-6. Bawat studyante ay mayroong sari-sariling kwento na pwede nilang
ishare sa kanilang mga kaibigan. Ang sixth section ay matamlay na nagsibabaan ng
bus. Halos lahat sa kanila ay walang makikitang kasiyahan sa mukha. Lahat sila ay
iniisip ang mga nangyare sa camp. Pagbaba nila sa bus ay sumalubong sa kanila si
Eugene. Masaya itong tumatakbo papunta sa kanila at para bang natatawa-tawa pa.
Agad napalitan ng ngiti ang lungkot ng mga studyante. Halos lahat ay yumakap sa
kaklase, halatang-halata na nagalala sila dito. Napaiyak naman si Ms. Gomez ng
makita ang binata.

Eugene:"Oh? Baket? Para namang ngayon lang tayo nagkita-kita." Biro nito sa kanyang
mga kaklase. Nagtawanan naman ito at ikwinento kung bakit sila ganon nalang
makapagreact nang makita siya.

Eugene:"Ahhhh, ganun ba? Eh kasi nauna na kong umuwi sa inyo. Tumawag kasi si Dad,
may kelangan daw akong ayusin sa kumpanya namen." Paliwanag niya sa mga kaklase.
Natawa naman si Angela at biglang niyakap ang binata.

Angela:"Huwag ka na ngang aalis ng walang paalam ha? Ayokong mabawasan pa ang


beasts" Nanginginig niyang sinabi ng dalaga. Nang makitang ayos na ang lahat, isa-
isa nang nagsibalikan sa kani-kanilang dorm ang lahat ng studyante. Back to normal
nanaman ang lahat sa St. Venielle. Wala kahit isa sa seksyon 6 ang nagkwento kung
anong nangyare sa Koch's Camp. Habang lahat ay tahimik na nagpapahinga dahil sa
pagod, biglang may nagannounce sa speaker na nakakalat sa buong campus.
Nakapangagaw atensyon ito sa lahat ng studyante.

:" We will be having our seminar later. Please wait for further announcements.
Thank you and have a good day!" Mahinahong sinabi ng speaker. Napakunot naman ang
noo ni Caleb. Kasama niya sa dorm sina Hunter at Cameron. Napatingin siya kay
Cameron na para bang inaayos ang hawak-hawak nitong dslr. Lumapit siya rito at
kinalabit sa likod.

Caleb:"Psssst!" Tawag niya kay Cameron, napalingon naman ang binata at hinarap si
Caleb.

Cameron:"Oh? Baket pre?" Tanong niya habang nakatingin sa camera.

Caleb:"Nakakatamad magpractice mamaya, tara kain na lang tayo." Anyaya niya sa


kaklase. Nagulat ang binata sa sinabi ni Caleb. Tinalikuran niya ito at nagbuntong-
hininga.

Cameron:"A-ayoko nga, Lumayo ka nga saken. Bini-BI mo lang ako e." Utal-utal niyang
sinabi sa kaklase. Natawa naman si Caleb ng malakas na nakapangagaw ng atensyon ni
Hunter.

Hunter:" Tsss! Matagal na talagang BI yan si Caleb. Hahahahahaha! Joke! " Asar niya
sa binata. Maya-maya ay may biglang kumatok sa kanilang pintuan. Tumayo si Cameron
at tinignan kung sino ang kumakatok. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan,
nakita niya si Cheska sa pintuan at may hawak-hawak na bola.

Cheska:"Tara? Basketball tayo!" Anyaya niya sa mga binata sabay pinatalbog-talbog


ang bola. Napakamot naman si Cameron sa ulo at natawa ng mahina.

Cameron:"Sila na lang, may gagawin pa ko e."

Caleb:"Sige-sige, wait lang magbibihis lang ako. " Sabi niya sa dalaga. Tumaas
naman ang kilay ni Cheska nang marinig ang paliwananag ni Cameron. Pumamewang ito
at umupo sa isang upuan.
Cheska:" Baket? Ano nanamang gagawin mo?" Naiirita niyang tanong kay Cameron. Alam
niya na isa lang ito sa mga walang kwentang excuse ni Cameron. Napatingin ang
binata kay Cheska at biglang kinunan ito ng litrato. Nagulat si Cheska sa ginawa ng
binata pero tawa lang ng tawa si Cameron.

Cameron:"Wala lang, gusto ko lang makapagisa tas kukuha na rin ako ng litrato ng
iba't-ibang parts ng school naten." Seryoso niyang sinabi at ngumiti.

Cheska:"Ahh? Ganun ba? Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang yan?" Tanong niya
kay Cameron na halatang nagpapaawa ito sa binata. Lumabas naman si Caleb galing
banyo at halatang bagong bihis. May hawak itong twalya at para bang pinupunasan ang
basa nitong buhok.

Caleb:"Sus! Crush mo lang si Cameron eh. Hahahaha! Ayieee!" Asar nito sa dalaga,
nabwisit naman si Cheska at biglang nabato ang bola kay Caleb. Natamaan ang binata
sa kanyang tyan pero hindi niya ito ininda at ipinagpatuloy ang pangaasar sa
dalawa.

Hunter:"Tsss! Tama na nga lokohan, maglalaro pa ba tayo o ano?" Tanong niya sa


dalawa, tumango si Cheska at lumabas na ng dorm nila. Sinundan naman ito ng
dalawang binata. Nang makitang wala na ang dalawang kasama, nagdesisyon si Cameron
na magikot-ikot na muna sa buong campus. Bawat magandang scene ay kanyang
kinukuhanan ng litrato. Nagdesisyon siyang pumunta sa may 4th floor ng Academic
Building. Habang naglalakad siya pa-akyat ay may naririnig siya na para bang may
sumusunod sa kanya. Napahinto siya nang makaakyat na siya sa 4th floor. Nagdesisyon
siyang magtago sa may gilid ng isang room. Inabangan niya kung sino ang taong
sumusunod sa kanya. Nakita niya si Sakura na hawak-hawak ang kanyang manika.
Pumunta ito sa parang terrace ng 4th floor at napangiti. Lumingon si Sakura at
ngumisi.

Sakura:"Huwag ka ng magtago, alam kong anjan ka. " Napalunok si Cameron sa sinabi
ni Sakura. Unti-unti siyang lumabas sa kanyang pinagtataguan at napatingin sa
kisame.

Cameron:"A-ah? Sorry! Bat mo pala ko sinusundan?" Tanong niya sa dalaga.

Sakura:"Hindi kita sinusundan, gusto ko lang manood." Sambit nito sa binata.


Napakunot naman ng noo si Cameron dahil wala itong kaide-idea sa sinabi ni Sakura.
Tumabi si Cameron kay Sakura at tinignan ang dalaga sa kanyang mga mata.

Cameron:"Manood? Ng ano? " Tanong niya na halatang hindi alam kung ano ang
pinagsasasabi ni Sakura sa kanya. Binigyan naman ni Sakura ng nakapanlolokong ngiti
si Cameron bilang sagot sa tanong ng binata.

Sakura:"Ano pa? Edi palabas. May mga hindi ka pa alam sa St. Venille. Kelangan mo
silang unahan bago ka maisahan. Isa sa pamilya ko sa ang naging biktama, patay na
siya dahil sa isang trahedya dito sa St. Venille. Hindi normal ang mga tao rito,
kelangan mong mag-ingat. Don't let your guard down."

Cameron:" H-ha? Anong pinagsasasabi mo?" Naguguluhang tanong ng binata. Ngumiti


naman si Sakura at lumapit sa mukha ng binata na para bang hahalikan ito. Pinikit
naman ni Cameron ang kanyang mga mata, nagsimulang nakaramdam ang binata ng takot.
Naririnig niya ang tawa ni Sakura na para bang pinaglalaruan siya nito. Tinapat ni
Sakura ang kanyang bibig sa harap ng tenga ng binata.

Sakura:" Ikaw Cameron, naranasan mo na bang.... " Naputol ang sinasabi ng dalaga at
nadugtungan ito ng nakapangingilabot na tawa. Napalunok si Cameron sa ginagawa ni
Sakura. Binuksan niya ang kanyang mga mata at nakitang wala na ang dalaga na para
bang nawala nalang ito na parang bula. Lumingon-lingon siya para tignan kung saan
nagpunta si Sakura, pagtingin niya sa baba ay may nakita siyang pulang stickynote.
Ipinulot niya ito, nanlaki ang kanyang mga mata ng mabasa ang nakasulat rito.

- It's to kill or to be killed.

Mahahalatang sulat ito ng isang babae, alam niyang si Sakura ang nagsulat nito.
Gusto niyang malaman kung anong meron at kung ano ang mga naganap na trahedya sa
school na to. Naniniwala siyang may connection ang nangyare sa nakaraan sa
nangyayare ngayon. Nagdesisyon siyang maglibot-libot muna sa fourth floor at
nagbakasakaling makita si Sakura pero hindi niya mahanap ang dalaga. Pababa na sana
siya ng 4th floor nang may narinig siyang sigaw mula sa fourth floor. Agad niya
itong hinahanap, may nadatnan siyang isang babae na nakatayo sa isang upuan sa
Computer Room A. Hindi niya ito maaninag masyado dahil natatakpan ang mukha nito ng
kanyang mahabang buhok. Sinubukan niya itong lapitan. Dahan-dahan niyang binuksan
ang pintuan, napahinto sa pag-iyak ang babae at biglang tumawa nang pagkalakas-
lakas. Napalunok si Cameron at biglang nagdalawang-isip na lapitang ang babae.

Cameron:"M-miss? Ok ka lang ba?" Tanong nito sa dalaga. Hinawi ng dalaga ang


kanyang buhok at unti-unti nitong inangat ang kanyang mukha. Nakita ni Cameron na
si Lacus lang pala ang umiiyak. Nilapitan niya ito at sinubukang patahanin.

Cameron:"B-baket? Anong problema?" Tanong niya sa dalaga habang nakangiti, bigla


siyang niyakap nito at nagsimulang umiyak.

Lacus:"W-wala na kasi kami ni Hunter eh, ewan ko kung baket pero hindi niya sinabi
yung reason. That's so unfair!" Naiinis niyang sinabi kay Cameron. Niyakap naman
siya ni Cameron ng mahigpit at pinatahan ang dalaga. Maya-maya ay nagulat si
Cameron nang biglang tumawa si Lacus na parang nawawala sa sarili. Tinulak niya ang
binata kinuha ang kutsilyo sa kanyang bulsa.

Lacus:"Akin ka na lang Cameron at siguraduhin mong hinding-hindi mo ko lolokohin!


Hahaha" Sinabi ng dalaga sa binata na may nakakatakot na boses. Tinutukan niya si
Cameron ng kutsilyo at para bang wala na talaga ito sa sarili. Napatingin si
Cameron sa lapag at may nakitang mga pinagbalatan ng gamot. Pumasok agad sa isip
niya na nasobrahan si Lacus kaya nagkakaganyan ang dalaga. Humakbang nang tatlong
beses ang dalaga mula kay Cameron.

Lacus:"Huwag kang lalapit kung ayaw mong mamatay!" Nanginginig nitong sinabi sa
binata. Nagsimula nang umiyak ang dalaga at nanginginig ang buong nitong katawan.
Tumayo ito sa isang office chair sa Computer Room A. May nakita si Cameron na
parang lubid na nakatali sa kisame. Alam niyang may plano ang dalaga na magbigti.
Tumayo agad siya at sinubukang pigilang ang dalaga.
Cameron:"Ganyan ka ba katanga? Magpapakamatay ka para lang sa isang lalake? Marami
pa jan, hindi ka mauubusan. You deserve better! " Sabi niya sa kaklase. Nanlaki
naman ang mga mata ni Lacus at para bang galit na galit ito.

Lacus:" You're right! I deserve better but ang hindi ko matanggap eh bakit pa sa
lahat-lahat ng babae na ipapalit saken is si Alexandra pa! Sh*t yung babaeng yun!
Ang kati-kati niya talaga!" Sigaw ni Lacus kay Cameron.Hinawakan ni Lacus ang lubid
at para bang ipinasok ito sa kanyang ulo. Tumingin si Cameron kay Lacus at biglang
niyakap ang dalaga . Agad namang kinuha ni Lacus ang dala-dala niyang bread knife
at sinaksak si Cameron. Hindi ininda ng binata ang sugat na kanyang natamo. Ang
importante sa kanya ngayon ay maligtas ang buhay ng dalaga.

Cameron:"M-makinig ka saken, hindi rason ang pag-ibig para sayangin mo ang buhay
mo. Meron ka pang makikilalang ibang tao na magpapasaya sayo. Hindi mo kelangang
gawin to para patunayan sa isang tao kung gaano mo siya kamahal. Katangahan yang
gagawin mo, wala rin namang mangyayare pagkatapos ng lahat ng to. Hindi mo parin
makukuha o babalik sayo ang taong mahal mo." Seryosong sinabi ni Cameron kay Lacus.
Biglang napayakap ang dalaga sa sinabi ni Cameron. Narealize niya na tama ang
sinabi ng binata. Tuloy-tuloy ang pagagos ng luha ng dalaga mula sa kanyang mga
mata.

Lacus:"Bat mo ba to ginagawa saken? Bat ba ambaet-baet mo saken? " Tanong niya sa


binata. Napangiti naman si Cameron at humarap sa dalaga.

Cameron:"Cause I know that we're siblings under one section." Seryoso nitong
pagkasabi. Lumayo si Cameron at para bang napaupo dahil sa sugat. Unti-unti niyang
inalis ang nakabaong kutsilyo mula sa kanyang tiyan. Tuloy naman sa pagiyak si
Lacus at para bang naguilty sa kanyang ginawa. Inayos niya ang kanyang buhok at
pinunasan ang kanyang mga luha. Ngumiti siya kay Cameron at tumawa ng mahina.
Nakangiti naman si Cameron sa dalaga at para bang aalalayan ng bumaba sa office
chair at tanggalin ang lubid na nakatali sa leeg nito.

Lacus:"Salamat ha? You're one good friend! I almost gave up on life but sinubukan
mo parin sakeng iparamdam kung gaano kaimportante ang buhay ng tao." Sinabi ni
Lacus sa binata at ngumiti.Hinawakan na ni Lacus ang lubid na nakatali sa kanyang
leeg at aalisin na sana nito, ng biglang dumulas ang kanyang kanang paa sa rocking
chair. Nanlaki ang mga mata ng dalaga, nagulat rin si Cameron sa biglang nangyare
kay Lacus. Lumayo ang rocking chair sa pagkakadulas nito, bigla namang tumaas ang
dalaga sa kisame na para bang nakabitin ito. Nakahawak ang dalaga sa lubid na
nakapulupot sa kanyang leeg at para bang sinusubukang alisin ito. Hindi naman
masyadong makatayo si Cameron dahil sa sugat na natamo pero sinubukan niya parin.
Nang Makataayo si Cameron ay biglang nagiba ang ihip ng hangin, pinagmasdan niya
lang ang dalaga na masakal. Kinuha niya ang bread knife at pinadaan ang kutsilyo
nang tatlong beses sa mukha ni Lacus. Maririnig naman ang boses ng dalaga na
halatang sakal na sakal na ito. Mayroon ring tumutulong dugo mula sa mukha ni Lacus
dahil sa ginawa ni Cameron. Hindi nagtagal ay nawalan na ng buhay ang dalaga. Hindi
nakuntento ang binata sa kanyang ginagawa, kumuha siya ng isang monoblock chair at
tumayo rito. Inalis niya sa pagkakabitin ng dalaga, nang matanggal niya na ito sa
kisame. Lumapit ito ng dahan-dahan sa tenga ng dalaga at bumulong.

Cameron:"Keep your friends close but your enemies closer." Nasundan ito nang
napakalakas na tawa. Kinuha niya ang kutsilyo at sinubukang gilitan ng leeg ang
dalaga. Tumalsik ang dugo ni Lacus sa mukha ni Cameron pero hindi ito ininda ng
binata. Nang makita niyang wala ng ulo si Lacus, kinuha niya ang lubid at itinali
ulit ito ng nakapabaliktad sa kisame. Ang ulo naman ng dalaga ay inipit sa dalawang
pagitan ng salamin. Hinubad niya ang kanyang polong punong-puno ng dugo at
dumiretso ng C.R. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at nagawa niya
yun. Ang alam niya lang ay kapag hindi siya kumilos, mauunahan at mauunahan siya.
Naghilamos siya ng kanyang mukha at nagdesisyong bumalik papunta sa kanilang dorm.
Umarte siya na para bang walang nangyare, na para bang isang panaginip lang ang
kanyang ginawa. Maya-maya ay kumatok ang kanyang mga kaklase na sina Cheska,Hunter
at Caleb. Pagbukas ng pintuan ng tatlo ay para bang gulat na gulat ito at
pinagpapawisan ang kanyang buong katawan.

Cheska:"Oh? Para kang nakakita ng multo? Hahahaha, tara na nga! May seminar pa
tayong aatendan. Hahahahaha! " Masayang sinabi ng dalaga. Tumayo si Cameron at
inayos ang sarili, sabay-sabay silang umalis ng dorm na para bang walang nangyare.

CP20:Sisters >>

Habang nasa seminar ay halatang hindi mapakali ang binata, iniisip kung bakit niya
nagawa ang bagay na iyon sa kanyang kaklase. Napatingin naman si Hunter kay Cameron
at hinawakan sa balikat. Nagulat si Cameron sa ginawa ni Hunter at napasigaw.
Napakunot naman ng noo si Hunter sa reaksyon ni Cameron. Pawis na pawis ang binata
at halatang may bumabagabag sa kanyang pagiisip.

Hunter:"Ok ka lang ba dude?" Tanong niya, lumunok si Cameron at tumungo bilang


senyas na "Oo". Habang nasa gitna ng seminar ay biglang tumabi si Sakura kay
Cameron. Nailang ang binata sa ginawang pagtabi ni Sakura at nagbadyang umalis pero
hinawakan siya ni Sakura sa kanyang braso upang pigilan ngunit pumiglas ang binata.
Tumawa si Sakura ng mahina na silang dalawa lang ang nakarinig.

Sakura:"Alam ko kung anong ginawa mo." Sabi nito sa binata, nanlaki ang mga mata ni
Cameron at napaupo sa sinabi ni Sakura. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay
dahil sa kaba at takot na malaman ng buong klase ang kanyang nagawa. Nginitian
siya ni Sakura at hinawi ang kanyang buhok. Kinuha niya sa kanyang bag si Mika, ang
kanyang stufftoy. Hinawakan niya ito sa leeg at para bang pinilipilipit. Nasundan
ito ng nakakatakot na tawa..

Sakura:"You don't need to kill to stay alive, She's still going to get us."
Sumandal si Cameron at nagsimulang mag-isip ng kung anu-anong mga bagay. Nagbuntong
hininga ito at para bang lumilipad ang kanyang isip. Nilabas ni Sakura ang kanilang
class picture, kumuha siya ng ballpen at isa-isang minarkahan ang mga namatay na.
Nagsmirk siya kay Cameron at tinitigan ang binata sa kanyang mga mata.

Sakura:"You're next." Matipid niyang sinabi sa binata.


Cameron:"H-ha? P-pano mo naman nasabi yan." Pautal-utal niyang sagot kay Sakura.
Napatingin naman si Zoey mula sa kanilang dalawa ng marinig niya ang pag-uusap.

Zoey:"Stop scaring him, iyan ka nanaman sa mga non-sense predictions mo." Saway
niya sa kaklase. Ngumiti lang naman si Sakura kay Zoey at tumayo, makikitang may
halong tensyon sa pagitan ng dalawang magkaklase. Nilabas ni Sakura ang isang
kutsilyo mula sa kanyang bag at parang pinapadaan-daan niya ito sa kanyang leeg.

Sakura:"I don't play the game sister, I just give signals before the game starts.
Hahahaha!" Sabi nito kay Zoey. Tumayo si Zoey at tinulak si Sakura, hindi niya
napigilan ang kanyang sarili sa galit. Napalakas ang tulak ni Zoey kaya napaupo si
Sakura sa sahig. Naunang bumagsak ang kutsilyong hawak ng dalaga bago siya
bumagsak, bumaon ito at nasaksak siya sa bandang kanang tyan. Imbis na magsisisigaw
sa sakit ay nanlaki ang mga mata nito at nagsimulang tumawa ng malakas.
Nakapangagaw ito ng atensyon ng lahat ng tao sa seminar.

Sakura:"That's not the right way to treat your sister! Hahahaha! " Napaatras si
Zoey ng tatlong beses at napalunok. Napaupo siya sa sahig at nagsimulang umiyak
habang yakap-yakap ang kanyang stufftoy na si Mister Nameless.

Zoey:"You'll never be my sister! Ampon ka lang! " Nakaupo siya sa sahig na parang
isang manika, pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang kanyang dalawang kamay.
Kahit na may sugat si Sakura ay unti-unti siyang lumapit kay Zoey at niyakap ito.

Sakura:"I'll always be your older sister." Nagulat ang lahat dahil unang beses
nilang nakitang ganito si Sakura. Tumayo si Zoey at inalalayan si Sakura papuntang
clinic dahil sa natamong sugat. Magkapatid silang dalawa sa nanay. Si Sakura ay
sumama sa kanyang tatay habang si Zoey naman ay kasama ang kanilang nanay at ang
bago nitong kinakasama. Kahit minsan ay hindi itinuring ni Zoey na kapatid si
Sakura dahil kinamumuhian niya ito. Natatakot rin siya dito dahil hilig ni Sakura
ang paglaruan ang iba't-ibang klase ng kutsilyo kahit na nung bata palang sila.
Nagkaganyan si Sakura dahil na rin nakaranas siya ng pangaabuso sa kanyang tatay.
Sinasampal,sinusuntok at minsan ay ginagapos at ikinukulong sa isang madilim na
kwarto. Hindi niya nakayanan ang ginagawa ng kanyang tatay at nagdesisyon na siyang
lumaban.

***

Mr. Castaneto: " Sakura! Ano ba! Ang kupad mo talagang bata ka! Asan na yung kape
ko!" Sigaw nito sa walang kamuwang-muwang na batang babae. Dahan-dahan siyang
lumapit sa kanyang tatay upang ibigay ang tinimplang kape. Nanginginig ang kanyang
mga kamay sa takot na kung ano nanaman ang gawin ng kanyang tatay. Sa sobrang
panginginig ay biglang natapon ang tasa ng kape sa kanyang tatay. Naghihinagpis ang
kanyang tatay sa galit at biglang nasampal si Sakura ng napakalakas. Maya-maya ay
nagbadyang molestyahin ni Mr. Castaneto si Sakura, hindi niya na nakayanan ito,
kinuha niya ang kutsilyo sa kanyang bulsa at pinagsasaksak ang lalaki. Kinupkop si
Sakura ng pamilyang Velasco at dun siya pinalaki, dun unang nagkakilala ang
magkapatid na sina Zoey at Sakura.
***

Sakura:"Thanks sis, I promise to do everything I can to protect you." Mahina


niyang sinabi sa kanyang kapatid. Napangiti si Zoey at kinuha ang dalawa nilang
stufftoy, nilapag niya ito kung saan nakahiga si Sakura.

Zoey:"Salamat ate, wag ka na kasing magbibigay ng warnings. Pagnagkataon, tayo na


ang isusunod niya." Bulong nito sa kanyang ate. Napangiti si Sakura at tumungo.
Papalabas na sana si Zoey sa clinic ng biglang may nakita siya sa lapag na
envelope. Dahan-dahan niya itong kinuha at binuksan. Nanginginig ang kanyang mga
kamay at kinakabahan kung ano ang nasa loob ng envelope. Nanlaki ang kanyang mga
mata ng makitang ang laman ng envelope ay ang kanilang class picture. Lahat ng
kanilang mga namatay na kaklase ay may ekis sa kanilang mga mukha. Tinignan niya sa
likod kung may nakasulat rito, nanlaki ang kanyang mga mata ng mabasa ito.

-" Sometimes, it's better to keep our mouths shut. "

Hindi niya ito masyadong pinansin at nagdesisyong lumabas nalang ng clinic.


Paglabas niya ay may nakita siya napakahabang manipis na sinulid sa lapag at para
bang nabuo ang isang trail rito. Nung una, nagdadalawang-isip siya kung susundan
niya ito dahil baka isa lamang itong patibong ng killer pero nangibabaw ang
katapangan ng dalaga kaya sinundan niya ito. Nakita niyang papaakyat ang lubid ng
2nd floor sa Academic Building. Bago pa man siya makaakyat ay nakita siya ni
Erizel. Tinawag siya nito at para bang may takot sa kanyang boses.

Erizel:"Z-Zoey! We need your help! " Hingal na hingal niyang sinabi sa dalaga,
pawis na pawis si Erizel ay ang dumi-dumi ng kanyang damit. Walang kaalam-alam si
Zoey kung anong meron at nagkakaganyan ang dalaga. Tumakbo silang dalawa papunta sa
Dorm B kung saan ang dorm ng mga babae. Napdpad sila sa dorm nina Alina.
Sinusubukan nilang buksan ang pinto pero hindi nila ito mabuksan na para bang may
malaking nakaharang sa pintuan. Makikita sa bintana si Alina na nakaupo sa sofa at
takot na takot. Wala siyang saplot sa kanyang katawan at umiiyak na para bang bata.
Mayroon ring lubid na nakatali sa paa ni Alina. Punong-puno ang lapag ng matutulis
na pako,bubog at may mga maninipis ring sunilid na makikita. Hindi pa nila alam
kung para saan ang mga sinulid. May nakatali rin na lubid sa kanyang kanang paa at
leeg. Dumating sa may harap ng dorm si Aliza at nagtataka kung bakit ang daming tao
sa may harap ng dorm nila.

Aliza:"Oh? Ano meron? May artista?" Biro niya sa mga taong nasa harap ng dorm nila.
Halatang galing itong mall dahil may marami itong bitbit na plasticbags na may
tatak ng isang grocery store. Dahan-dahang lumapit si Erizel sa kanya ng may
malungkot na mukha at bumulong.

Erizel:"Si Alina, nasa loob ng dorm niyo. Siya na yata ang susunod." Napalunok si
Aliza sa kanyang narinig at nagsimulang magsisisigaw.
Aliza:"Hindi! Nagsisinungaling ka! Hindi pwedeng kapatid ko ang susunod!Sh*t!"
Nagpapanik niyang sinabi sa kaklase. Agad niya namang nabitawan ang kanyang mga
pinamili dahil sa takot na kung anong mangyari sa kanyang kapatid. Dumirestso siya
agad sa bintana upang silipin kung anong kalagayan ni Alina. Pinukpok niya ng
tatlong beses ang bintana upang maaagaw nito ang atensyon ni Alina.

Aliza:"Alina! Kaya mo yan, huwag kang susuko. Huwag kang magpapatalo! " Sigaw niya
habang nagsisimulang tumulo ang kanyang mga luha.

Alina:"A-ate! Natatakot ako, tulungan mo ko..." Pautal-utal na sagot ni Alina na


may nanginginig na boses. Napayuko si Aliza at nagsimulang magsisigaw, tuloy-tuloy
rin ang pagtulo ng kanyang luha sa kanyang mukha. Nagbuntong-hininga ang dalaga at
pinunasan ang kanyang mga luha. Sa kadahilag ayaw niyang nakikita siya ni Alina na
umiiyak sa harap niya. Tumayo siya at hinarapan muli ang kapatid.

Aliza:"Hayaan mo Alina, anjan na si ate. Sundin mo lang yung sasabihin ko ah? Be


strong, wag kang matatakot. Andito lang si ate." Nanginginig niyang sinabi sa
kapatid. Tumango naman si Alina at tinignan ang kanyang kapatid sa mata. Maya-maya
ay may narinig silang wangwang, nanginig ang buong katawan ni Alina sa takot.
Napalunok si Aliza sa kanyang narinig dahil alam niyang hindi magandang signal ito.
Tinapik niya ang bintana at nagsimulang bigyan ng instructions ang kapatid.

Aliza:"Alina, subukan mong buksan ang pintuan mula sa loob." Seryoso niyang sinabi
kay Alina.

Alina:"P-pero ate!" Sagot nito sa kanyang kapatid habang nakatingin sa mga


matutulis na bagay na nakakalat sa sahig. Alam niyang magkakasugat siya dahil wala
rin siyang sapin sa kanyang paa na pwede niyang gamitin.

Aliza:"Kelangan mong subukan, magtiwala ka kay Ate." Mangiyak-ngiyak niyang sinabi


kay Alina. Napalunok si Alina at sinubukang tumayo mula sa kanyang kinauupuan.
Kakatayo niya palang ay may tumusok na sa kanyang mga bubog.

Alina:"A-ate! Tulungan mo ko.." Nagmamakaawang sinabi ni Alina, mahahalata mo sa


mukha ng dalaga na para bang hirap na hirap ito sa kanyang sitwasyon.

Aliza:"Kaya mo yan, ilang steps nalang naman eh. Konting tiis na lang Alina."
Pinagpatuloy ni Alina ang kanyang paglalakad sa mga bubog. Wala pa siya sa
kalahati, punong-puno na ng dugo ang kanyang paa dahil sa mga sugat. Hindi nyia ito
ininda at inisip ang kanyang kapatid. Nang makarating na siya sa bandang may
pintuan ay napangiti ang dalaga.
Alina:"A-ate, tulungan mo ko." Nakangiti niyang sinabi sa kapatid.

Aliza:"Sabi ko na nga ba, kaya mo yan eh. Hahaha" Bati nito kay Alina at nasundan
ng mahinang tawa. Masaya siya dahil nagawa ni Alina na sundin ang kanyang mga
instructions at magkaroon ng pagasang makaligtas. Hinawakan ni Alina ang doorknob
at tinignan kung may magagawa ba siya para mabuksan ito ngunit nakasusi parin ito
mula sa loob. Lumingon siya para tumingin ng posibleng pangalis ng lock. May nakita
siyang kutsilyo mula sa kichen, nakita niyang medyo malapit ito ng kaniyang
kinatatayuan sa dorm. Pastudio-type ang kanilang dorm kaya medjo maliit lang ang
pagitan ng banyo,kwarto,dining room at kitchen . Huminga ulit siya ng malalim at
sinubukang abutin ang kutsilyo. Nang maabot niya na ito, agad niyang sinubukan ang
kutsilyo upang mabuksan ang lock. Maya-maya habang itr-try niya palang ay bigla
nanamang tumunog ang wangwang at sa ngayon ay mas maingay ang tunog nito. Agad
napatingin ang dalaga sa kanyang ate at halatang nagaalala ito.

Alina:"Ate, help me!" Mahinhin niyang sinabi kay Aliza at hinawakan ang nakatali sa
kanyang leeg na para bang sumisikip ito. Maya-maya ay biglang tumigil ang wangwang
at para bang may humatak mula sa door ng kanilang dorm kay Alina. Agad napahiga si
Alina sa sahig at nakaladkad sa mga bubog at pako na nakakalat sa sahig. Nakita ni
Alina na malapit na siya sa pintuan at alam niyang andun ang killer, hinawakan niya
ng mahigpit ang nakuha niyang kutsilyo at subukang pigtasin ang lubid. Laking tuwa
niya ng mapigtas ito at para bang nakahinga siya ng malalim. Sobrang dami na ng
sugat sa iba't-ibang parte ng katawan ni Alina. Ang ibang bubog at pako ay halos
bumaon na sa kanyang balat. Hindi na rin siya makakilos ng maayos dahil rito.
Nakahiga siya sa may gilid ng ref at nagdasal. Humihingi siya ng tulong mula sa
Diyos na sana ay maging maayos ang kanyang ate kahit na wala na siya. Dahan-dahan
niyang itinaas ang kanyang kaliwang kamay na para bang sumesenyas sa kanyang ate na
si Aliza.

Aliza:"Alina! Alina! Huwag kang bibitiw! Sh*t, buksan niyo nga tong pinto."
Humahagul-gol na sinabi ng dalaga. Ngumiti si Alina at pinikit ang kanyang mga
mata, biglang bumagsak ang ref sa kanyang ulo na para bang may tumulak rito.
Nadaganan ng ref ang ulo ni Alina, agad namang tumalsik ang dugo at nadurog na utak
ni Alina sa sahig. Nakulayan ng pula ang mga transparent na bubog sa sahig.
Napatingin si Aliza sa may kisame at may napansing lubid kaya bumagsak ang ref.
Hindi niya na muna ito binigyang halaga dahil sa nangyare sa kanyang kapatid. Maya-
maya ay biglang dumating si Chantelle.

Chantelle:"Heto na yung susi ng dorm.." Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa


harapan ng pintuan. Inilusot niya ang susi at agad namang nabuksan ito. Wala namang
makalapit sa bangkay ni Alina dahil sa mga bubog sa sahig. Napaupo si Aliza sa
sahig at nagsisisigaw sa galit.

Aliza:"I swear to God na magbabayad ang gumawa nito sa kapatid ko! Sh*t siya! Sh*t
buong pamilya niya! " Pagkatapos niya itong sinabi ay bigla siyang nagblack-out
dahil sa sobrang stress. Inalalayan siya ng kanyang mga kaklase papuntang clinic.
Nagtapos ang araw sa St. Venille na puno ng misteryo at nagiwan ng mas malaking
takot sa puso ng bawat studyante.
CP21:Negligence (1.3) >>

.Kinabukasan, pagkatapos ng nangyare kay Alina. Nagdesisyon si Aliza na tipunin ang


mga natitirang estudyante ng 6th section. Agad namang nagsipuntahan ang lahat,
makikita sa mukha ng dalaga ang labis na lungkot sa pagkawala ng kanyang
nakababatang kapatid. Bago siya magsimula ay nagbuntong-hininga muna ito at
tumingin sa itaas. Nanginginig ang kanyang katawan at para bang nawalan ito ng
lakas na lumaban sa buhay. Lahat ng kanyang mga kaklase ay nagdadalamhati sa
pagkawala ni Alina. Lahat sila ay dinadamayan ang kaklase.

Aliza:"Hindi ko na talaga alam kung anong meron sa seksyon na to at kung baket


nangyayare ang mga bagay na to sa atin. If hindi pa tayo kumilos ngayon, may
mamatay at mamatay paren. " Mahina niyang sinabi, hindi rin makakilos ang dalaga ng
maayos at yumuyuko-yuko ito habang nagsasalita.

Aliza:"Madami-dami pa naman tayo sa klase. Twenty-one pa tayo, alam kong kaya pa


naten tong magawan ng paraan. Meron akong naisip na plano pero kailangan ko ang
cooperation ng bawat isa. Maasahan ko ba yun sa inyo?" Tuloy-tuloy niyang sinabi
sa klase. Tumayo si Erika, pumunta siya sa harapan at niyakap ang kaklase.

Erika:"Maasahan mong gagawin namin ang lahat para sa kaligtasan ng bawat isa."
Mahina niyang pagkasabi, masama naman ang tingin nila Resha at Cameron kay Erika
dahil naalala nila ang ginawa nitong pagpaslang kay Jeffrey sa Koch's Camp. Ayaw pa
ng dalawa na ibunyag ang kanilang nalalaman dahil sa takot na baka sila ang isunod
nito. Kumuha si Aliza ng isang chalk at nagdrawing ng mapa sa board.

Aliza:"Eto ang mapa ng dalawang dorms, ang plan ko sana is hindi na tayo
magwawatak-watak. Kumbaga magkakaroon nalang nang apat na dorms. Isa sa dorm A at
tatlo naman sa dorm B. Sa ganitong paraan, naniniwala ako na magiging ligtas tayo."

Resha:"So ano plano? Sino-sino magkakasama sa isang dorm?" Seryoso nitong sinabi,
pagkatapos ay nagpout. Humirit rin naman si Tiffany habang nakatingin sa kanyang
mga kuko sa kamay.

Tiffany:"Sa tingin ko may point ka, kelangan na nateng kumilos bago mahuli ang
lahat." Tumayo rin si Alexandra at niyakap si Aliza. Gusto na ng dalaga na
makipagbati dahil sa nangyare kay Aliza. Ayaw niya nang makipagaway sa dalaga lalo
na't nasa gitna ito ng problema.

Alexandra:"Sorry ha? Condolence na rin." Tumango naman si Aliza at pinatawad na rin


ang kaklase. Pagkatapos nilang magkabati ay ipinaliwanag na ni Aliza ang kanilang
mga gagawin. Nagbigay rin siya ng iba't-ibang rules and regulations.
Aliza:"Magkakaroon ng curfew. Kelangan bago mag-8 o'clock nasa loob na kayo ng dorm
niyo. Bawal na rin ang mga matutulis na bagay sa dorm, magkakaroon ng isang
assigned guardian sa bawat dorm. Responsibilidad niya ang kaligtasan ng bawat isa
sa dorm na yun."

Aliza:"Sa Dorm A Room 1065, Ang magkakasama sa dorm na to ay sina


Cameron,Cj,Caleb,Eugene,Hunter at Zero. Gusto ko sana na si Cj na yung guardin
niyo. Ok lang ba sa inyo? " Tanong nito sa anim na binata. Lahat naman sila ay
pumayag pwera lang kay Cj.

Cj:"Bakit ako pa? Nako, kapag may nangyareng masama sa isa jan for sure sa akin ang
sisi. Ambigat naman ng responsibilidad na binibigay mo saken Aliza." Reklamo ng
binata sa kaklase. Tumingin naman ng mataray si Aliza at pumamewang.

Aliza:"Huwag kang maarte, hindi bagay sayo." Mataray nitong sinabi sabay inirapan
ang binata. Tumalikod naman si Cj at sinagot si Aliza ng mahina, kumbaga siya lang
ang nakakarinig ng kanyang sinasabi. "Pasalamat ka't namatayan ka, kundi nako! Ako
papatay sayo." bulong nito sa sarili. Kinuha ni Cj ang susi sa lamesa at bumalik
ulit sa kanyang upuan.

Aliza:"Sa DormB: Room 2056, Ang magkakasama sa dorm na to ay sina


Angela,Arsela,Cathrine,Chantelle at ako. Ako narin ang magiging guardian niyo sa
dorm para wala nang magreklamo." Mataray niyang paliwanag. Wala namang kumontra sa
kanyang sinabi sa takot na tarayan sila ni Aliza. Kinuha ng dalaga ang susi at agad
itong binulsa.

Aliza:"Moving on, sa kabilang dorm naman: Room 2077 which is located at the 3rd
floor of Dormitory B. Ang magkakasama sa dorm nato ay sina Cheska,Erika,Pau,Resha
at Tiffany. Ikaw na Tiffany ang magiging guardian sa dorm na yan. Claro? ." Tuloy-
tuloy niyang sinabi, kinuha niya ang susi at inabot kay Tiffany. Nginitian lang
siya ng dalaga at kinuha ang susi.

Tiffany:"I promise to protect you my fellow classmates." Masaya niyang sinabi.

Aliza:"Syempre, Sa last dorm naman Room 2078. Ang magkakasama rito ay sina
Alexandra,Alyssa,Erizel at ang magkapatid na sina Sakura at Zoey. Ikaw na ang
bahala jan Erizel, alam ko namang kaya mo yang responsibilidad maging leader."
Seryoso niyang sinabi habang nakatingin kay Erizel. Napatawa si Erizel ng mahina at
kinuha sa lamesa ang susi ng nasabing dorm. Tumaas ang kilay ng dalaga na para bang
alam na alam niya ang kanyang ginagawa.

Aliza:"Kelangan niyong magdoble-ingat lalo na't lahat ng buhay naten ay nasa


panganib. Kayo nalang ang maasahan ko guardians, nasa sa inyo ang kaligtasan ng
inyong mga kaklase. Wala nang pasaway? Please?" Natawa ng mahina si Alexandra dahil
ngayon lang nila narinig na nagsabi ng "please" si Aliza. Nakita naman ito ng
dalaga kaya pumunta ito sa harapan ng kaklase.

Aliza:"Oh? Anong nakakatawa?" Pasigaw niyang tanong sa dalaga.

Alexandra:"Baket masama na bang tumawa?" Tumayo ito at sinagot ng pabalang si


Aliza.

Aliza:"Ayokong bumaba sa level mo at wala kong panahon na aksayin ang oras ko sa


taong tulad mo." Tinaasan naman ng kilay ni Alexandra si Aliza ng marinig ang mga
sinabi nito.

Alexandra:"Actually, ako nga yung nagstoop down sa level mo at higit sa lahat, ako
yung nagaaksaya ng precious time ko sa taong katulad mo. Kaya rin naman namatay si
Alina dahil sayo eh. Kapabayaan mo! " Napatingin naman si Tiffany kay Alexandra ng
sinabi ito. Alam niyang mas lalong lalala ang gusot sa pagitan ng dalawang dalaga
kapag hindi pa ito natigil.

Tiffany:"Alex tama na! Wala namang mangyayare eh". Kelangan nalang naten to-" Hindi
na natuloy ni Tiffany ang kanyang sasabihin dahil bigla nalang sinabunutan ni Aliza
si Alexandra. Hindi naman masyadong makalaban si Alexandra dahil nakatakong ito.
Agad namang pinigilan nila Cameron at Hunter ang dalawang dalaga. Hinawakan sa
kamay ni Cameron si Aliza at si Hunter naman kay Alexandra.

Aliza:"Don't test me Alexandra, wala kang alam kung anong kaya kong gawin."
Pananakot ng dalaga. Hindi naman ito pinansin ni Alexandra at inirapan pa ang
kaklase. Tumayo si Erika at niyakap si Aliza.

Erika:"Wala nanamang mangyayare kung magaaway-away tayo, kelangan na nating


kumilos. Ihanda niyo na yung mga gamit niyo at magsilipat na kayo sa dorm na naka-
assign sa inyo. Kayo nang bahala guardians ah? May tiwala ko sa inyo." Pagputol ni
Erika sa pagaaway ng dalawa. Agad namang nagsikilos ang mga studyante ng seksyon 6
at nagimpake. Makikita sa kanilang mga kilos na lahat sila ay kinakabahan para sa
kanilang buhay. Hindi nila alam kung sila na ba ang isusunod o kung ano. Sa dorm
B : Room 2077, ang room nila Cheska,Erika,Pau,Tiffany at Resha. Sila ang pinaka-
unang studyante na nakapaglipat ng dorm sa lahat. Lahat sila ay nakaupo sa may sofa
ng dorm. Mabigat ang pakiramdam ni Resha dahil kasama niya dito si Erika. Alam niya
sa kanyang sarili na kailangan niyang magdoble-ingat lalo na't alam niyang kayang
pumatay ni Erika ng tao. Habang nanonood ng tv, pinaringgan ni Resha si Erika.

Resha:"Sa tingin niyo, sino kaya sa mga kaklase naten ang kayang pumatay?" Nagulat
ang lahat sa tinanong ni Resha. Makikita namang naging kakaiba agad ang kilos ni
Erika, biglang pinagpawisan ang dalaga dahil naalala niya ang kanyang ginawang
pagpatay kay Jeffrey sa Koch's Camp. Tumayo siya at nagpaalam.

Erika:"A-ah? Ewan ko? Sige girls, dun muna ko sa kitchen ah? Magpreprepare lang ako
ng food para sa ating lahat." Excuse ni Erika, napangiti naman si Resha dahil sa
ginawang aksyon ni Erika. Tumawa siya ng mahina at sinabing "Marunong rin palang
makiramdam ang mamatay-tao" sa kanyang sarili. Maya-maya ay may nagtext kay
Tiffany, si Aliza. Sinabi ni Aliza na huwag nang palabasin ang kanyang mga kasama
dahil curfew hours na. Tinawag ni Tiffany ang kanyang mga members para pagbawalan
ang mga ito.

Tiffany:"Guys, wag na kayong lumabas ng room ah? Curfew na at baka may mangyare pa
sa inyo. Konsensya ko pa yun. " Pagbabawal niya sa kanyang mga kaklase. Lahat naman
sila ay tumango bilang "oo" sa sinabi ni Tiffany. Habang lahat sila ay masayang
nagkwekwentuhan ay biglang may naalala si Cheska. Kinapa-kapa ni Cheska ang kanyang
bulsa at naalalang naiwan niya ang kanyang telepono sa gym locker room.

Cheska:"Sh*t! Nakalimutan ko yung phone ko dun sa may locker sa gym. Nagpractice


kasi kame kanina ng volleyball. Can I get it? Please? Baka kasi mawala eh..."
Nagmamakaawa niyang sinabi kay Tiffany. Nagpout naman si Tiffany dahil hindi niya
alam kung papayagan niya ba ang dalaga o hindi.

Tiffany:"Hindi ko alam Cheska kung makapapayag ako sa gagawin mo. May bukas pa
naman eh, makukuha mo rin naman yun. For sure baka nakuha rin ng guards yun pag
nag-ikot sila sa campus later." Mahinahong sinabi ng dalaga kay Cheska pero
nagpumilit parin ang dalaga.

Cheska:"Eh kasi baka manakaw yun, mahalaga saken yung phone na yun. I need to get
it right now, may inaantay kasi akong mahalagang text eh." Pagpupumilit ng dalaga.

Tiffany:"Baket? Ano ba yung text na yun at sobrang halaga?" Seryosong tanong ni


Tiffany habang nakatingin sa kanyang smartphone.

Cheska:"It's about my scholarship for collage." Napangiti naman si Pau sa kanyang


narinig.

Pau:"Wow Cheska! Matalino ka pala? Hahahaha" Sarcastic na sinabi ng dalaga,


binatukan naman siya ni Cheska at tumawa.

Cheska:"Matagal na, ngayon mo lang nalaman? Hahaha" Sagot ng dalaga habang


tumatawa. Biglang tumayo si Tiffany at kinuha ang susi sa isang kwarto. Dumiretso
siya sa pintuan pero bago pa man niya ito mabuksan ay sumigaw si Erika.
Erika:"Huwag mong gawin yan Tiffany, madilim na oh? Delikado na" Pagbabawal ng
dalaga, napatingin naman ng masama si Cheska kay Erika.

Cheska:"Baket Erika? Inggit ka? Tara, samahan mo ko." Mataray na anyaya ng dalaga
sa kaklase. Ngumiti naman si Tiffany dahil may point sa sinabi ni Cheska.

Tiffany:"Erika, samahan mo si Cheska kunin yung phone niya. By this way, siguro
naman magiging safe kayo. " Nilusot ni Tiffany ang susi sa door knob at unti-unti
itong binuksan. Napatingin naman si Erika kay Cheska pero hindi ito pinansin ng
dalaga. Mabilis silang dalawa na naglakad papunta sa gym's locker room. Nang
makarating na sila dito, may naramdaman si Erika na kakaiba sa paligid.

Erika:"Bilisan mo ah? Para kasing may nakatingin satin." Paalala niya kay Cheska.
Natawa naman si Cheska sa sinabi ni Erika.

Cheska:"Yes boss! Masyado kang matatakutin. Hahaha, Tinatakot mo lang sarili mo eh,
Feeling mo naman may mangyayareng masama? You're overthinking everyhing Erika."
Seryosong sinabi ni Cheska sa kaklase. Magsasalita pa sana si Erika pero hindi niya
na ito pinansin at dumiretso na siya sa loob ng locker room. Sa labas naman, naiwan
si Erika na nakatayo sa may pintuan. Paglingon niya sa dulo ng building ay nakita
niya ang babaeng nakamaskara. Nakatanggap ng text si Erika mula sa isang unknown
number.

---

+639*********

" You can run but you can't hide "

---

Nanlaki ang mga mata ni Erika nang mabasa ang text. Hindi niya na tinawag si Cheska
at dumiretso nalang pabalik ng dorm. Nang makabalik siya rito ay hingal na hingal
siya at hindi makapagkwento kung anong nangyare. Kumuha ng isang basong tubig si
Tiffany at pinainom kay Erika.

Tiffany:"Anong nangyare Erika? Nasaan na si Cheska? Bakit hindi mo siya kasama?"


Sunod-sunod na tanong ng dalaga sa kaklase. Nang nahimasmasan si Erika ay
nagbuntong-hininga ito at napatingin sa salamin. Nakita niya na parang dumungaw ang
nakita niyang nakamaskara sa salamin. Nagpanik siya at nagsisisigaw. Hindi alam
nang kanyang mga kasama ang gagawin kay Erika. Tumayo si Pau at hinawakan sa
dalawang balikat si Erika. Sinapal niya ito ng malakas para tumigil sa kakaibang
kilos ng dalaga. Nang masamapal niya ito, biglang tumawa si Erika.

Erika:"We can run but we can't hide..." Misteryosong sinabi ng dalaga at bilga
nalang natumba sa sahig na para bang nagblack-out ito. Napakunot naman ng noo si
Tiffany at walang alam sa nangyare. Maya-maya ay may narinig silang malakas na
kalabog sa pinto. Katok ito ng katok na kulang nalang ay sirain ang pintuan. Unti-
unting lumapit si Tiffany sa may pintuan. Hinawakan niya ang door knob at nagulat
sa kanyang nakita.

CP22:Negligence (2.3) >>

Nakita ni Tiffany si Cheska sa labas, nakahiga ito sa sahig at parang naliligo sa


sarili niyang dugo. Marami siyang sugat sa katawan napansin rin niyang may nakaipit
sa kanang paa ng dalaga, ito ay isang bear trap. Naghahabol ito ng hininga at para
bang konte nalang ay mawawalan na ng malay ang dalaga. Kinuha ni Tiffany ang susi
ng dorm sa kanyang bulsa, ipinasok niya na ito sa door knob para mabuksan ang pinto
pero hinawakan siya ni Pau sa braso.

Pau:"Huwag mong gagawin yang binabalak mo, mapapahamak lang tayo. " Babala ng
dalaga sa kaklase pero hindi ito pinansin ni Tiffany at itinuloy lang sa pagbukas
ng pintuan. Nang mabuksan niya na ito ay nakita niya agad si Cheska. Sinundan niya
ng tingin kung saan ang dulo ng beartrap, nakita niya na mula sa balkonahe ng
building ay pababa ito. Nakita niya ring nakakabit ang tali sa isang kotse na
maaaninag mula sa balkonahe sa 2nd floor. Nakaramdam ng panginginig sa buong
katawan ang dalaga nang makita ang sitwasyon ng kaklase. Tumingin-tingin muna siya
sa kanyang paligid, nanlaki ang kanyang mata nang makita ang isang babae na
nakamaskra sa may dulo ng hallway. Ipinikit niya ulit ang kanyang dalawang mata at
inisip na namamalik-mata lamang siya. Nang dumilat siya ay nawala ito nang parang
bula. Lumabas si Pau mula sa dorm at hinawakan si Tiffany sa braso. Napatingin ang
dalaga sa ginawa ni Pau. Sinubukan rin niyang pumiglas mula sa mahigpit na
pagkakahawak ni Pau.

Pau:"Kailangan mo nang pumasok, mapapahamak ka pa niyan!" Nagpapanik na sinabi ng


dalaga kay Tiffany. Napahinto si Tiffany sa kanyang ginagawa at tinignan si Pau sa
mga mata nito.

Tiffany:"I'm willing to die for the sake of others. This way, I can say that I died
for a reason. I died in a meaningful and heroic way." Dahan-dahang nabitawan ni Pau
ang pagkakahawak sa dalaga, napangisi ng mahina si Tiffany at biglang tinulak si
Pau paloob ng dorm room. Napaupo si Pau sa lakas ng pagkakatulak ni Tiffany.
Ngumiti si Tiffany sa kanyang mga kasama at hinawakan ang doorknob. Bago pa man
niya ito masarado, sinabi niya sa kanyang mga kagrupo ang mga salitang...

Tiffany:"I promised na pro-protektahan ko kayo kahit anong mangyare at ayokong


sirain ang pangakong yun. Good bye classmates and good luck!" Padabog na sinarado
ni Tiffany ang pintuan. Tinignan niya ang bear trap na nakatrap sa paa ni Cheska.
Hinawakan niya sa pisngi ang kaklase at ngumiti.

Tiffany:"Everything's going to be fine. Huwag kang susuko ok?" Nagaalalang tanong


niya sa kaibigan. Tinignan niya rin kung matibay ang chains ng beartrap. Dahan-
dahan tumingin sa kanya si Cheska at nagulat. Mangiyak-ngiyak ang dalaga at
halatang nagsisisi sa kanyang ginawa. Hindi makapagsalita ang dalaga dahil sa
trauma. Puro kung ano-anong tunog lang ang lumalabas sa kanyang bibig. Tumayo si
Tiffany at sinubukang maglibot-libot sa campus para humingi ng tulong. Sa may loob
naman ng dorm, wala paring malay si Erika at nakahiga sa sofa. Sina Pau at Resha
naman ay halatang hindi alam ang kanilang gagawin. Sa kabilang dorm naman 2078, ang
katabing dorm nila Tiffany. Ayaw pumayag ni Erizel na makialam sa kung anong gulo
meron sa kabilang dorm.

Alyssa:"Erizel, mukhang nagkakagulo na sila Tiffany. Hindi ba natin sila


tutulungan?" Nangongonsensyang sinabi ng dalaga sa kaklase. Tinignan lang siya ni
Erizel nang may masungit na mukha.

Erizel:"I can't risk our lives for them." Matipid na sagot ng dalaga. Tumayo si
Alexandra nang nakataas ang kilay at pumamewang.

Alexandra:"Eh kung hindi tayo kikilos, sinong tutulong sa kanila?" Reklamo ng


dalaga.

Erizel:"I'm sorry but they're on their own for now." Nanghihina niyang sinabi,
halata sa mukha ng dalaga na gusto niyang tulungan ang kanyang mga kaklase pero
iniisip niya rin ang kanilang kaligtasan.

Zoey:"Eh paano yun? Hahayaan nalang ba naten silang mamatay? Paano kung pumunta
dito yung killer? Baka hindi rin nila tayo tulungan." Paawang sinabi ni Zoey sa
kanyang mga kasama. Napatingin naman si Sakura sa kapatid at inilabas ang isang
kutsilyo mula sa kanyang bulsa. Tumawa ito nang malakas na nagdulot ng takot sa
buong kwarto.

Sakura:"Subukan nila at papatikim ko sa kanila kung paano makipaglaro si Sakura."


Napalunok si Alyssa, wala siyang balak pakinggan ang pagkaselfish ng kanyang mga
kasama. Dumiretso siya sa pintuan at hinawakan ang doorknob.

Alyssa:"If you can't save them, I think I can" Napatingin lang si Erizel at
hinawakan ang susing nakasukbit sa kanyang leeg. Tumayo siya at parang may balak na
buksan ang pinto para kay Alyssa.
Erizel:"Sige, lumabas ka pero wala kameng kasalanan kung mamatay ka. If you think
selfishness ang pagiisip ng kaligtasan nateng lahat then you're free to go. Go
outside and let that damn bastard take away your sh*tty life!" Seryoso niyang
sinabi at parang walang pakielam si Erizel sa posibleng mangyare sa dalaga kapag
lumabas ito. Napaupo si Alyssa at para bang natauhan. Nagsimula itong umiyak na
parang bata, niyakap siya nang kanyang mga kasama. Sa kabilang room naman ay halos
30 minutes na silang nagiisip nang kanilang gagawen. Napatayo si Pau at tinginan si
Cheska sa labas. Nakita niya ang madugong kalagayan ni Cheska. Humarap siya kay
Resha at pawang pinakiusapan ito.

Pau:"R-resha, subukan mong tulungan si Cheska sa labas." Pautal-utal niyang sinabi


sa kaklase. Mahahalata ring natatakot na ang dalaga sa kung anong posibleng
mangyare.

Resha:"Bat ako? Wait kukunin ko yung phone ko, kelangan naten tong ireport sa
pulis. Dapat kasi talaga magtransfer nalang tayo para makatakas tayo sa sitwasyon
na to." Mahinahon niyang sagot sa kaklase. Tinignan siya ni Pau sa kanyang mga mata
ay kinuha ang mga kamay ng dalaga.

Pau:"A-ah? Ganun ba? Sasama ko, bukas aayusin ko na rin yung papers ko." Paliwanag
ng dalaga, kinuha niya rin ang phone niya para magreport sa pulis. Habang busy ang
dalawa sa kanilang mga smartphone, bigla silang nagulat nang may malakas na
kalabog silang narinig mula sa salamin sa pintuan ng dorm. Napasigaw ang dalawang
dalaga sa takot, nagtuturuan kung sino sa kanila ang titingin kung anong nangyare.
Unti-unting lumapit si Pau sa may pintuan para tignan kung ano ito. Napalunok ang
dalaga dahil sa kakaibang katahimikan sa paligid. Nagulat siya nang biglang lumitaw
si Cheska sa may harapan ng pintuan at parang hinahataw-hataw ito. Sumesenyas ang
dalaga na buksan ang pintuan. Hindi maipaliwanag ang mukha ni Pau dahil litong-lito
siya kung anong gagawin. Tinignan niya ang paanan ni Cheska at nakita ang bear
trap. Napalunok at napaatras ang dalaga sa kanyang nakita. Tinulak siya ni Resha at
nagbalak na pagbuksan ang dalaga.

Resha:"Ano bang ginagawa mo? Tulungan naten si Cheska!" Nagpapanik niyang sinabi sa
kaklase. Napaupo sa sahig si Pau dahil sa malakas na pagkakatulak ni Resha. Agad
tumayo ang dalaga at sinabunutan ito para pigilan sa binabalak. Napaluhod si Resha
at hindi nagawang buksan ang pinto. Maya-maya, nakarinig sila nang malakas na sigaw
ng dalaga. Nasaksihan ni Pau na biglang hinatak si Cheska pababa ng building. Nang
makatayo si Resha ay agad siyang umisip ng paraan para mabuksan ang pinto. Kumuha
siya nang kutsilyo at inilusot sa may lock ng doorknob, umaasang mabubuksan ang
pinto. Napangiti siya nang maramdaman niyang naalis na ang lock. Binuksan niya agad
ito at tumingin sa balkonahe. Nagulat si Resha sa kanyang nakita, parang napisat
ang katawan ni Cheska at kalat-kalat ang laman loob nito sa sahig. Napatingin rin
siya sa isang kotseng kulay pula na nasa gilid. Biglang bumukas ang ilaw nito at
parang ginulong-gulungan pa ang mga parte ni Cheska. Nanghina siya nang makitang
pinaraan ng gulong ang ulo ni Cheska, tumalsik ang utak nito palabas. Napalunok si
Resha at hindi niya na nakaya ang mga pangyayare. Humarap siya para sabihin kay Pau
ang nangyare.
Resha:"Pau, si Ches-" Naputol ang kanyang sasabihin dahil nakita niyang may hawak
na kutsilyo ang dalaga at parang may masamang binabalak ito sa kanya. Humawak siya
ng mahigpit sa may grills ng balkonahe at nagsimulang sumigaw.

Resha:"Anong gagawin mo saken Pau? Ikaw ba ang may kagagawan nito? Sh*t ka!"
Nanginginig niyang sinigaw sa dalaga. Halatang malungkot ang mukha ng dalaga at
biglang tinulak si Resha sa balkonahe. Hindi nahulog mula sa 2nd floor ang dalaga
dahil nagawa niyang makakapit ng mahigpit sa grills nito. Sumigaw si Pau at
sinubukang alisin ang pagkakahawak ng kaklase sa grills pero bigla siyang
nakaramdam na may paparating na tao. Tumingin siya sa dalawang kanto ng hallway at
tumakbo pababa ng building. Wala namang magawa si Resha kundi sumigaw ng "tulong".
Laking tuwa niya nang makita niyang nagising na si Erika. Agad lumabas ang dalaga
at tinulungan ang kaklase. Tinanong niya rin kung nasaan na ang kanilang mga kasama
pero walang masagot si Resha. Kahit na iniligtas siya ni Erika, wala parin siyang
tiwala sa dalaga. Sabay silang bumaba sa 2nd floor, nagdesisyon rin si Resha na
isarili nalang ang nangyare. Ayaw niyang magbigay nang masyadong impormasyon kay
Erika gawa ng kawalan ng tiwala. Nagdesisyon silang pumunta sa Room 2056, ito ay
ang dorm nina Arsela. Kumatok nang tatlong beses si Erika sa Room 2056.
Pinagbuksan sila nina Arsela at Cathrine. Nakita nila na ang dumi-dumi ng damit
nina Erika at Resha. Napansin rin nila ang mga mancha ng dugo sa mga damit nito.

Resha:"Kelangan niyo kaming tulungan please? Arsela" Nagmamakaawang sinabi ng


dalaga. Lumingon naman si Arsela sa kanyang mga kasama, nakita niya na parang ayaw
nilang patuluyin ang dalawang dalaga sa loob ng kanilang kwarto.

Arsela:"S-sorry Resha ah? Mukhang ayaw kasi nila pumayag eh. Baka kasi saken sila
magalit kapag pinatuloy namen kayo." Mahinang sinabi ng dalaga sa kaklase habang
nakatingin sa mga nito. Nagsimula nang umiyak si Resha at lumuhod sa harap nang
kanyang kaklase.

Resha:"Kapag hindi mo kami pinatuloy, baka mamatay kame." Nanghihinang niyang


sinabi. Napalunok si Arsela sa kanyang narinig. Dumungaw naman ang kanilang
guardian na si Aliza. Umupo siya sa isang upuan at pinagalitan si Arsela.

Aliza:"Ano ba Arsela? Alam ba nila ang ibig-sabihin ng salitang hindi pwede?" Wala
nang magawa si Arsela kundi sumunod sa kanilang guardian. Tinulungan niyang tumayo
si Resha sa pagkakaluhod at niyakap ang dalaga.

Arsela:"Pasensya ka na talaga Resha, subukan niyong pumunta sa Dorm B. Sa kwarto ng


mga lalake at baka payagan nila kayong makapasok dun." Malumanay niyang sinabi sa
dalaga. Pinunasan ni Resha ang kanyang mga luha gamit ang kanyang dalawang kamay.
Bago pa man sila maka-alis, nakita niyang dumungaw si Pau sa dorm nila Aliza. Hindi
na siya nakapagpigil at parang nagsisisigaw sa harap ng kwarto.
Resha:"You monster! Bakit niyo siya pinatuloy dyan? Hindi niyo ba alam na muntik
niya na kong patayin? Go ahead ang let the predator take away your precious lives."
Napakunot naman ng noo sina Angela at Cathrine. Ayaw nilang sinisiraan ang kapwa-
beast nila kaya hinarap ng dalawa si Resha.

Angela:"How dare you? Hindi porket hindi namin kayo tinanggap eh gagawa ka na ng
scene dito? Ang cheap mo naman? Sabagay, mahahalata naman sayo from head to toe e.
Hahaha" Banat nang dalaga. Sumingit rin sa usapan si Cathrine.

Cathrine:"Are you talking to me? Or are you talking to yourself? Hahahaha"


Binatukan naman siya ni Arsela at natatawa na rin. Hindi na lumaban si Resha sa mga
pinaggagawa ng beasts sa kanya dahil pinigilan rin siya ni Erika na huwag nang
patulan. Habang naglalakad sa hallway, nakaramdam sila na parang may nakatingin sa
bawat galaw na kanilang ginagawa.

Resha:"Erika, ambigat ng pakiramdam ko." Bulong niya sa dalaga. Napangisi naman si


Erika sa sinabi ng dalaga. Biglang kinabahan si Resha sa reaksyon ni Erika.

Erika:"Huwag kang matakot, andito naman ako eh." Malumanay niyang sinabi sa
kaklase. Humakbang paatras kay Erika si Resha nang tatlong beses sa takot.

Resha:"You can't fool me, alam kong ikaw ang pumatay kay Jeffrey." Nanlaki ang mga
mata ni Erika sa sinabi ni Resha. Dinukot niya ang lagi niyang dala-dalang gunting
sa kanyang bulsa. Tumawa nang mahina ang dalaga at tinignan siya sa kanyang mga
mata. Napalunok si Resha sa takot at pinakiramdaman ang dalaga.

Erika:"Sometime's you gotta play the game to survive." Misteryosong pagkasabi ng


dalaga.

Resha:"Sh*t!" Hindi niya nang inintay na kumilos si Erika at tumakbo nalang siya
para sa kanyang buhay. Hinabol siya nang dalaga, may nakita si Resha na bukas na
pintuan kaya pumasok siya rito at nagtago. Tinakpan niya ang kanyang mga bibig para
hindi siya marinig ng dalaga. Mayroon rin siyang nakitang isang pocket knife sa
sahig. Kinuha niya ito at hinawakan ng mahigpit. Makikitang nanginginig ang kanyang
mga kamay sa takot.

Erika:"You can run, but you can't hide." Nakapanindig balahibong sinabi ni Erika.
Nasundan rin ito nang nakakalokong tawa. Nakita ni Erika ang sapatos ng dalaga sa
ilalim ng desk. Napangisi ang dalaga sa pagaakalang mapapatay niya si Resha.
Lumingon siya para hanapin ang dalaga, nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang
nasa harap niya si Resha. Pinadaan ni Resha ng pocket-knife ang pisngi ni Erika.
Nanghina ang dalaga at humawak sa kanyang mukha, mahahalatang medjo malalim ang
pagkakasugat dito. Nakita ni Resha na pagkakataon niya na ito para makatakas kay
Erika. Lumabas siya nang pinasukang kwarto at nagsimulang tumakbo ng tumakbo.
Nakapikit ang kanyang mga mata habang tumatakbo, ang nasa kanyang isip lamang ay
makatakas mula sa panganib. Nagulat siya nang biglang may nabunggo siya. Unti-unti
niyang dinilat ang kanyang mga mata.

Resha:"God! Ikaw lang pala, tulungan mo ko. Gusto nila kong patayin." Nagmamakaawa
niyang sinabi sa binata.

Cameron:"A-ah? Sige! Tara at sumama ka na saken sa dorm namen." Anyaya ng binata sa


dalaga. Nakaakbay siya habang papunta sa dorm nila. Nasa likod naman ang isang
kamay ni Cameron at may hawak na kutsilyo. Tumingin si Resha kay Cameron.

Resha:"Salamat ah?" Mahinhin niyang pagkakasabi..

Cameron:"Wala yun..." Seryosong pagkasabi ng binata.

CP23:Negligence (3.3) >>

Nakasandal sa balikat ng binata ang dalaga habang sila'y naglalakad sa hallway. May
crush si Resha kay Cameron kaya magaan ang pakiramdam niya sa binata. Alam niyang
gagawin lahat ng binata para protektahan siya nito. Naalala niya bigla ang nangyare
sa kanilang dalawa sa may Koch's Camp. Kung saan nagtago sila sa isang lumang shed
at nasaksihan ang pagkamatay ng kanilang kaklase na si Jeffrey. Napansin ni Resha
na medjo madilim ang kanilang dinadaanan at parang papunta sila sa isang lumang
classroom. Hindi niya ito pinansin dahil may tiwala siya sa binata. Tumingin si
Resha sa mukha ng binata at parang napakaseryoso nito. Habang nasa gitna sila ng
hallway ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mayroon itong mga dalang kidlat na
nagbigay ng takot sa dalaga. Tinignan siya ni Cameron sa mukha at tumawa ng mahina.

Resha:"Bakit? Anong nakakatawa? Nakita mo namang natatakot ako."

Cameron:"W-wala, ang cute mo lang kasing matakot eh." Natatawa niyang sinabi sa
dalaga. Nakita ng binata na namula ang dalaga dahil sa kanyang sinabi.

Resha:"Tss, gusto mong pektusan kita?Umayos ka nga." Huminto sila sa harap ng


lumang classroom sa may 2nd floor ng Academic Building. Walang kaalam-alam si Resha
kung bakit sila andito. Ang alam niya lang sa ngayon ay magiging ligtas na siya.
Dahan-dahang binuksan ni Cameron ang pintuan, nauna namang pumasok ang dalaga.

Resha:"Bat ba tayo andito? Akala ko ba pupunta tayo sa dorm niyo." Nagaalalang


sinabi ng dalaga. Kinapa naman ng binata kung saan ang switch ng ilaw. Binuksan
niya ito para lumiwanag ang buong paligid. Nanlaki ang mata ni Resha nang makita
ang nasa loob ng kwarto. Merong lubid na nakatali sa kisame. Madumi rin ang paligid
ng buong classroom. May mga papel sa sahig na may nakasulat pero hindi ito
maintindihan. Hindi niya alam kung anong binabalak ni Cameron sa kanya pero masama
ang pakiramdam niya. Yumuko ang dalaga at pilit na iniiwasang tignan ang binata.
Nagulat siya nang biglang may mga tumulong luha mula sa kanyang mga mata.

Resha:"Ano ibig-sabihin nito Cameron? G-gusto mo na rin ba kong pata-" Naputol ang
kanyang sinasabi ng biglang nilagay ni Cameron ang kanyang hintuturo sa labi ng
dalaga.

Cameron:"Hindi Resha, hindi ko kayang patayin ang taong tulad mo." Hinawi ni Resha
ang kamay ni Cameron at umupo sa sahig.

Resha:"Pero ano ibig-sabihin nito? Tell me! " Nanghihinang sinabi ng dalaga.

Cameron:"Ayokong mamatay ka tulad ng pagkamatay nila. " Nanginginig niyang sinabi


sa dalaga. Niyakap niya ito at nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha sa kanyang
mga mata. Tumayo ang dalaga at humakbang paatras sa binata.

Resha:"Gusto mo na kong mamatay, ganun ba?" Tanong niya sa binata, mapapansing


takot na ang dalaga na lumapit sa binata. Nagulat siya nang biglang lumuhod si
Cameron sa kanyang harapan.

Cameron:"Resha, ayokong pahirapan ka nung kung sino man ang pumapatay. Gusto kong
mamatay ka nang hindi ka nahihirapan. Ayokong matulad ka sa iba." Natawa naman si
Resha sa sinabi ng binata. Nagbuntong-hininga ang dalaga at ngumiti.

Resha:"Sabagay, lahat naman tayo dito mamatay eh, unahan lang tayo kung sino
mauuna." Tumayo ang binata dahil sa sinabi ni Resha, alam niyang parang may
binabalak ang dalaga. Kinapa niya ang dalang kutsilyo sa bulsa at hinawakan ito ng
mahigpit.

Resha:"Cameron.." Mahina niyang tinawag ang binata sa kanyang pangalan.

Cameron:"Oh? Baket Resha?" Seryosong tugon ng binata.

Resha:"Paminsan-minsan, kelangan nateng sumali sa laro para mabuhay." Biglang


sumugod ang dalaga papunta sa binata at para bang itutulak ito. Nagulat siya nang
biglang may tumusok sa kanyang tiyan. Walang nagawa si Cameron kundi protektahan
lamang ang kanyang sarili. Ngumiti si Resha sa binata at bumulong.

Resha:"S-sorry." Pautal-utal niyang sinabi kaharap ang binata. Hindi naman magawang
tumingin sa kanya si Cameron. Nakahawak parin siya sa kutsilyong ginamit niya para
masaksak si Resha. Dahan-dahan niya itong nilabas mula sa pagkakasaksak. Napalayo
agad ang dalaga at nakahawak sa malalim na sugat. Tuloy-tuloy ang pagdanak ng dugo
mula rito, at alam niyang madali siyang maubuubusan ng dugo kapag hindi ito
naagapan. Agad siyang nilapitan ni Cameron at hinawakan ang kanyang mukha.
Cameron:"Resha sorry, sorry talaga. Hindi ko sinasadya Resha, patawarin mo ko.
Huwag kang bibitaw. Huwag mo kong iwanan Resha." Pakiusap ng binata sa dalaga.
Ngumiti lang si Resha sa kanya at nagsimulang may lumabas na dugo mula sa bunganga
nito. Maya-maya ay unti-unting pinikit ng dalaga ang kanyang dalawang mata.
Hinawakan ni Cameron ang pulso ng dalaga para tignan kung humihinga pa ito pero
wala siyang naramdaman na pagtibok ng puso. Nanghihina siyang tumayo at parang
sinisisi ang nangyare sa dalaga. Kinuha niya ang ginamit na kutsilyo at binulsa
ito. Nagdesisyon siyang bumalik na lang sa kanilang dorm. Alam niyang tatanungin
siya nang kanyang mga kasama kung bakit punong-puno ng dugo ang kanyang damit pero
wala siyang magagawa. Para siyang patay na naglalakad sa gitna ng hallway, nabasa
rin siya nang malakas na ulan. Nakita niya rin na ang pulang kotse na nakapark sa
gitna ng quadrangle. Napansin niyang may bumaba rito na isang babae pero hindi niya
maaninag dahil sa kapal ng hamog. Habang nasa harap ng kanilang kwarto sa Dorm A.
Tinignan niya ang kanyang orasan. Nakita niyang magaalas-onse na pala ng gabi.
Kumatok siya nang tatlong beses sa pintuan. Agad naman siyang pinagbuksan ni
Hunter. Nakita niyang lahat ng kanyang mga kasama ay hinihintay ang kanyang
pagbalik.

Hunter:"Oh pre? Bat ngayon ka lang dumating? Anong nangya-" Naputol ang sinasabi ng
binata nang makita niya ang mantsa sa damit ni Cameron. Napatayo naman si Cj at
dumungaw sa may bintana. Nanlaki ang mga mata nito at agad nakaramdam ng kaba.

Cj:"Papasukin niyo na, umuulan pa naman at baka magkasakit pa yan." Naiiritang


sinabi ng binata. Halatang wala ito sa mood dahil sobrang lagpas na ng curfew ng
makauwi ang binata. Sinalubong siya ng maraming tanong ng kanyang mga kaklase pero
hindi niya ito pinansin. Dumiretso lamang siya sa banyo upang magpalit ng damit.
Habang nagpapalit si Cameron ay naririnig niya na pinaguusapan siya ng kanyang mga
kasama at para bang pinagsususpetsyahan nila ito.

Caleb:"Bat ba ganun yun? Ano bang nangyare?" Nalilitong tanong ng binata.

Hunter:"Ewan ko ba, gusto ko ngang tanungin kung bakit may mancha ng dugo sa polo
niya."

Zero:"Cut it out, mamaya marinig pa kayo jan na pinaguusapan niyo siya." Seryosong
sinabi ng binata sa mga kasama. Narinig naman ni Cj ang paguusap ng tatlong binata
kaya hindi niya napigilan na makielam.

Cj:"Alam niyo, ipagpabukas nalang naten lahat yan. Huwag na kayong maingay,
irereport ko nalang siya kay Aliza bukas." Sambit ng binata. Lumabas naman si
Cameron mula sa banyo nang nakawhite na v-neck at nakashorts. Tinignan niya ang
kanyang mga kaklase at nagbuntong-hininga.

Cameron:"Naririnig ko kayo, hindi ako tanga." Seryosong sinabi ng binata.

Hunter:"Ano ba kasing nangyare pre?" Tanong ng kaklase.

Caleb:"Oo nga, magkwento ka naman." Dagdag ng binata. Magsasalita sana si Cameron


pero pinutol ito ni Eugene.
Eugene:"Nako, tama na nga yan. Magaalas-dose na oh? Magsitulog na tayo at
ipagpabukas nalang lahat ng yan." Tumango naman si Cj sa sinabi ng kaklase. Pinatay
na nila yung ilaw at nagsihigaan na sa kanya-kanyang pwesto. Hindi makatulog si
Cameron nang gabing iyon, binabagabag siya nang kanyang konsensya at para bang
sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyare kay Resha. Lahat ng studyante ay
mahimbing nang natutulog, nabagabag ang room 2078 dahil nakarinig sila nang malakas
na kalabog mula sa labas. Nagising silang lahat dahil umilit ito nang ilang beses.
Tumayo si Erizel at parang tinapik ang kanyang mga kasama.

Erizel:"Guys, narinig niyo ba yon? I think something's going on outside. Wanna


check it out?" Curious niyang anyaya sa mga kaklase. Bumangon naman si Alexandra at
nagunat-unat ng katawan. Tinignan niya ang orasan at halatang badtrip.

Alexandra:"Gosh! Alas-dos palang oh, sino ba yan?! " Sigaw niya, hindi niya na
inisip na baka maistorbo niya ang kanyang mga kaklase dahil sa lakas ng kanyang
pagkasigaw.

Zoey:"You don't need to shout Alex." Mahinahon niyang sinabi. Nakatayo naman si
Erizel at chine-check ang kanilang mga kasama. Tinuturo-turo niya isa-isa at para
bang binibilang kung lahat ba sila ay nasa kwarto. Napansin niyang wala si Alyssa
sa kwarto.

Erizel:"Guys, napansin niyo ba si Alyssa? Wala kasi siya eh." Tanong niya sa mga
kaklase.

Alexandra:"Sinong Alyssa? Yung isang dead kid? Hahahaha" Biro niya sa mga kaklase,
tinapik naman siya ni Erizel na hindi maganda yung biro niya. Dumiretso si Erizel
sa isang kwarto at kinuha ang susi. Kumuha rin siya ng flashlight at para bang
nagbalak na hanapin ang nawawalang kasama. Bago pa niya buksan ang pintuan ay
nilingon niya ang kanyang mga kasama.

Erizel:"Dito lang kayo ah? Hahanapin ko lang si Alyssa at baka napano na yun."
Mahinahon niyang paliwang sa kanyang mga kasama. Tumayo naman si Sakura at parang
nagbabalak na gustong sumama kay Erizel na hanapin ang nawawalang kaklase.

Sakura:"Gusto kong sumama, feeling ko magiging masaya to." Misteryoso niyang


sinabi. Napatingin si Zoey sa kanyang ate habang hawak-hawak ang dalawa nilang
stufftoy na si Mister Nameless at Mika. Napatingin si Sakura kay Zoey dahil sa
mahigpit na pagkakahawak ng kapatid sa kanyang braso.

Zoey:"Ate, Huwag ka nang sumama. Mapapahamak ka lang." Babala ng dalaga, hindi


naman sumagot si Sakura at nginitian lang si Zoey. Ipinatong niya ang kanyang kamay
sa ulo ni Zoey at ginulo ang buhok nito. Nagpout naman si Zoey habang tuwang-tuwa
si Sakura sa kanyang ginagawa.

Erizel:"Sigurado ka ba Sakura? Baka mapahamak ka pa." Tanong niya sa kaklase.

Sakura:"Oo, sigurado na ko." Seryoso niyang sinabi kay Erizel.


Zoey:"Bumalik ka ate ha? Magpromise ka." Nagmamakaawang sinabi ni Zoey sa kanyang
ate. Ngumiti naman si Sakura at niyakap ang kapatid.

Sakura:"Promise, I'll get back here alive and breathing." Natawa naman si Zoey sa
sinabi nang kanyang ate. Bago pa man sila lumabas ng pintuan, hinawakan ni Sakura
si Mika at niyakap. Pagkatapos ay iniabot niya ito kay Zoey.

Sakura:"Mika, siya muna bahala sayo ah?" Paalam ni Sakura sa kanyang stufftoy.
Lumabas na ang dalawa para hanapin si Alyssa. Parehas silang dalawa na may hawak-
hawak na flashlight. Hindi rin nila masyadong makita ang daanan dahil nakalights-
off na ang dalawang dorms. Maya-maya ay bigla nilang nakita si Tiffany at para bang
pagod na pagod ito.

Erizel:"Oh Tiffany? Anong nangyare sayo? " Nagaalalang tanong ng kaklase. Hindi
naman nagsasalita si Sakura at parang pinakikiramdaman ang dalaga.

Tiffany:"A-ah? Bumili lang ako ng soda." Paliwanag ng dalaga.

Erizel:"Gabing-gabi na ah? Asan na yung mga kasama mo?" Tanong niya sa dalaga.
Nagsimulang tumulo ang luha ni Tiffany, nabagsak niya rin ang kanyang hawak-hawak
na soda.

Tiffany:"Hindi ko nga alam eh, naligaw ako ng daan kaya nagdesisyon akong lumabas
ng campus at magpahangin. Nagkawatak-watak kaming lima."

Sakura:"Bakit? Anong nangyare?" Seryoso niyang tanong sa dalaga at para bang


tinititigan niya ito sa kanyang mga mata.

Tiffany:"Una si Cheska tas hihingi sana ko ng tulong pero.." Nanginginig na sinabi


ng dalaga.

Erizel:"Pero?" Tanong niya na halatang interesado sa kung anong nangyare sa kanila.

Tiffany:"Pero wala kong nakitang gustong tumulong saken. Lahat sila ay iniiwasan
ako." Paliwanag niya, niyakap siya ni Erizel dahil tuloy parin ang pagiyak ng
dalaga. Ngumiti naman si Sakura at para bang may naisip na kakaiba.

Sakura:"Hanggang ngayon ba? Iniiwasan parin nila tayo?" Tanong niya sa kaklase.
Pinunasan naman ni Tiffany ang kanyang mga luha gamit ang kanyang dalawang kamay.
Dinukot naman ni Erizel ang kanyang panyo sa kanyang bulsa at pinahiram kay
Tiffany.

Tiffany:"Hindi ko nga alam eh, ang akala ko nga ok na eh." Natawa naman si Sakura
sa sagot ng dalaga. Hinawakan niya si Erizel ng mahigpit sa braso nito at bumulong.

Sakura:"Kelangan na nateng umalis, may nakatingin satin." Babala nang dalaga sa


kaklase. Napakunot naman ang noo ni Erizel nang marinig ang sinabi ni Sakura.
Gulong-gulo siya at hindi alam kung anong gagawin. Hinatak nalang niya si Erizel
papalayo at dinala sa kanilang dorm. Nang makarating na sila sa harap ng dorm ay
pumiglas siya sa pagkakahawak ng kaklase. Tinapat niya ang flashlight sa kaklase,
mahahalatang nabadtrip si Erizel sa inasal ni Sakura.

Erizel:"Why did you do that? Iniwan pa naten si Tiffany" Pasigaw niyang sinabi kay
Sakura.

Sakura:"Akala ko sumundo siya." Matipid niyang sagot, mahahaltang seryoso ang


dalaga at parang walang pakielam kung anong mangyare sa kaklase nila.

Erizel:"I'm going back there for Tiffany and Alyssa. Who knows? Baka ano pang
mangyare sa kanilang dalawa. Besides, kapag may namatay sila ano? Konsensya ko pa."
Mataray niyang sinabi habang kaharap si Sakura.

Sakura:"Sige, go out there and die. Nagpromise ako sa kapatid ko and I'm not going
to break my promise for them." Paliwanag niya kay Erizel. Pumasok na sa loob si
Sakura ng kwarto at naiwang mag-isa si Erizel sa labas. Napasigaw ng malakas ang
dalaga dahil sa sobrang badtrip. Nagbuntong-hininga siya at para bang pinapadaan
ang flash light sa iba't-ibang direksyon. Tinutok niya ito sa may dulo ng hallway.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang babaeng nakamaskara sa may dulo
ng hallway. Habang tinitignan niya ito ay biglang namatay ang flashlight dahil
naubusan ito ng baterya. Agad-agad siyang pumasok ng kwarto at ni-lock ang pinto.
Sumandal siya rito ang nagbuntong-hininga. Nagsign of the cross at iniisip ang
kanyang mga kaklase.

Erizel:"Sorry guys but I think you're on your own for now." Bulong niya sa kanyang
sarili.

Mga Katanungan... >>

The 6th class started their year with full of happiness,exitement and wonder but as
time passes, It became bloody, horryfiying and mysterious. Makuha pa kaya ng mga
natitirang studyante ang inaasam nilang happy ending?

19 students left with different personalities, hanggang kelan nila kayang


makipaglaban sa dalawang hindi makilalang killer? Will they start killing each
other to survive? Malaman kaya nila kung sino talaga ang killer bago pa sila nito
mapatay? Sino nga ba ang taong nasa likod ng maskara?

Sino sa tingin mo ang killer? At paano mo naman nasabing siya ang pumapatay?

****

List of Section 6's remaining students


Girls:

Aliza Holmes - The Bitchy One

Angela Angeles - The Rich Kid

Arsela Joyce Viray - The Campus Queen

Cathrine Jane Dellosa - The Class Clown

Chantelle Hyacinth - The Commoner

Erika Tablan - The President

Pau Cruz - The Campus Princess

Tiffany Yanna Mendoza - The Class Muse

Zoey Velasco - The Youngest & The Top 1

Boys:

Cameron Lawrence - The Good Boy

Cj Moreno - The Class Nerd

Eugene Dela Rosa - The Role Model

Hunter Benjamin - The Outcast

Zack Ethan Rovrick Orizzta - Campus Hearhthrob

****

Exchange Students:

Girls:

Sakura Castaneto - The Class Weirdo

ErizelFajardo - The Class Adventurer

Alexandra Bartolome - Miss Random

Alyssa De Lara - The Happy-Go-Lucky

Boys:

Caleb Pascual- Mr. Nobody


CP24:No Escape >>

Naging madugo ang planong binalak ni Aliza. Nagdesisyon siyang tipunin ang kanyang
mga natitirang kaklase para mag-isip ng possibleng solusyon sa nasabing problema.
Umaga narin nang dumating ang mga pulis dahil sa nakuha nilang report mula kina Pau
at Resha. Agad ininterview isa-isa ang mga studyante sa seksyon 6 para makakuha ng
ibidensya at matukoy ang killer. Nakita nila si Ms. Gomez na kinakausap ang mga
pulis. Kinakausap niya ang nanay ni Tiffany na head ng mga police sa kanilang
region. Nahalata rin nilang iniiwasan na si Ms. Gomez ng kanyang mga kapwa guro
dahil ayaw nilang madamay sa kung anong meron sa section six.

Mrs. Mendoza:"Ano po bang nangyare Ma'am?" Nalilito nitong tanong sa guro. Tinignan
lang siya ni Ms. Gomez sa kanyang mga mata at nagsimulang umiyak.

Ms. Gomez:"Marami na pong mga namatay na studyante." Nanghihinang sagot ng guro sa


tanong ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Mendoza sa sinabi ng guro. Tinapik-
tapik naman ni Mrs. Mendoza ang guro sa balikat at ngumiti.

Mrs.Mendoza:"Hayaan niyo, gagawin namin ang lahat para maayos ang lahat nito."
Mahinahon niyang pagkasabi. Hindi na napigilan ng guro at napayakap bigla siya kay
Mrs. Mendoza. Lumapit si Erika kila Mrs. Mendoza at kinalabit ito ng paulit-ulit sa
likod.

Erika:"Ano pong plano niyo?" Nakangiting tanong ng studyante.

Mrs.Mendoza:"Papaimbestigahan naten ang bawat studyante."

Erika:"Ahhh, ok po." Matipid niyang sagot. Napataas naman ng kilay si Mrs.Mendoza


at pumamewang. Humarap ulit siya kay Ms. Gomez at nagtanong.

Mrs. Mendoza:"Bakit ngayon niyo lang ito isinumbong sa mga nakakataas?" Tanong niya
sa guro. Wala namang maisagot ang guro kundi yumuko lamang ito.

Ms. Gomez:"N-natatakot po kasi kameng madamay.." Pautal-utal nitong sinabi.


Napalunok si Mrs. Mendoza sa sinabi ng guro. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay
at parang sumignal na simulan na ang imbestigasyon. Habang busy ang lahat sa
nangyayare sa eskwelahan, naglalakad-lakad si Pau at inaasikaso ang kanyang mga
school papers. Alam niyang 3rd quarter na pero gusto niya na talagang magpatransfer
sa ibang school. Kumatok siya nang tatlong beses sa may kwarto ng school principal.
Principal:" Sino yan? Tuloy! " Sigaw nito, dahan-dahang pumasok si Pau sa kwarto ng
school principal. Sinalubong niya ang guro ng nakapanlolokong ngiti. Alam niya na
baka hindi siya payagan nito dahil malapit nang magtapos ang taon pero gusto niya
paring subukan. Umupo siya sa may gilid ng desk ng punong-guro.

Pau:"Ano kasi ma'am eh.." Pautal-utal niyang tanong. Tumaas ang kilay ng punong-
guro at nakatingin lang sa dalaga. Nakita niyang nanginginig ang dalawang kamay ni
Pau at hindi maipaliwanag ang mukha ng dalaga.

Principal:"Just get over it? Marami pa kong gagawin." Masungit niyang tugon sa
dalaga.

Pau:"I decided to transfer to another school." Kabado niyang sinabi sa punong guro.
Nanlaki ang mga mata ng principal nang marinig niya ang sinabi ng dalaga. Tumayo
ang punong guro ang ngumiti. Kinuha niya ang school papers ni Pau at inaprubahan
ito. Bago pa man ibigay ng principal ang naaprubahang papers ni Pau ay tinanong
niya ang dalaga.

Principal:"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" Misteryosong tanong ng punong guro at


nasundan ng nakapangingilabot na tawa. Napalunok si Pau at tumango. Paglabas niya
sa kwarto ng punong guro ay nagbuntong hininga ito. Nagsign of the cross siya at
mabilis na bumaba ng Academic Building. Ayaw niyang makita siya nang kanyang ibang
kaklase na magtra-transfer siya. Nagulat siya nang makitang nagaantay ang lahat sa
kanya sa may baba ng academic building.

Alexandra:"Going somewhere?" Mataray na tanong ng dalaga. Nakita niyang may iba't-


ibang armas na hawak ang kanyang mga kaklase. Alam niyang siya ang pinagbibintangan
ng kanyang mga kaklase na killer dahil sa balak na pag-iwas nito sa imbestigasyon.

Erika:"Anong alam mo Pau? Bakit ka magtra-transfer ng ibang school?" Nalilito


niyang tanong sa dalaga. Nagbuntong-hininga ang dalaga.

Pau:"It's beca-" Naputol ang kanyang sinasabi dahil biglang sumingit si Tiffany.

Tiffany:"Isn't it obvious? Gusto niyang takasan ang imbestigasyon. I've got to


report this to my mom. Huwag kang makampante Pau, we've got our eyes on you."
Babala ng dalaga sa kaklase.

Pau:"I'm sorry guys but sa tingin ko ito lang yung way para makatakas ako sa kung
ano mang meron dito sa St. Venille. I'm sorry pero sa tingin ko hindi ko na kaya
eh." Nanghihinang sinabi ng dalaga kaharap ang mga kaklase. Lumapit si Chantelle
kay Pau at para bang may ibinulong rito.

Chantelle:"Huwag mo nang ituloy yang binabalak mo." Napalunok si Pau sa narinig


niyang sinabi ng kaklase. Nagsitaasan rin ang mga balahibo niya sa katawan.
Tinignan niya si Chantelle sa mga mata at alam niya na mayroong nalalaman ang
kaklase na hindi alam ng iba. Nagulat ang lahat ng biglang sinampal ni Pau si
Chantelle.

Pau:"Anong bang alam mo ha? Tigil-tigilan mo na yang kaweirdohan mo. " Hindi naman
nagawang gumanti ni Chantelle at nakahawak lamang sa kanyang pisngi.

Chantelle:"May mga bagay-bagay sa school na to ang hindi niyo pa nalalaman. "


Misteryosong pagkasabi ng dalaga.

Arsela:"Chantelle, pwede bang sabihin mo na kung anong nalalaman mo?" Nalilitong


tanong ng dalaga sa kaklase habang mahigpit na hawak-hawak ang isang notebook.

Chantelle:"20 years ago, nagdesisyon ang eskwelahang ito na magbukas ang seksyon 6.
Kung hindi niyo pa nalalaman, tayo ang pangatlong batch ng sekyon 6."

Arsela:"What happened to the first two batches?" Tanong ng dalaga, mahahalatang


nagsimulang manginig ang mga kamay nito sa takot. Hindi naman nila napansin na
iniwan na sila ni Pau at nagdesisyong umalis na ng eskwelahan.

Alexandra:"So what are you trying to pull?" Seryoso niyang tanong.

Chantelle:"The first batch? they all died in a tour. Sabi nila accident daw pero I
know that there's someone behind that bus accident. The second batch, parang yung
situation naten. They are being killed one by one in a random order pero mas morbid
ang pagpatay ng killer ngayon, para bang may gusto siyang patunayan. Dumating sa
point na wala na silang choice kundi patayin ang isa't-isa for survival." Nagdulot
ng takot at kaba sa lahat ng studyante sa sixth section ang sinabi ni Chantelle.
Napalunok naman si Cameron dahil natamaan siya sa mga sinabi ng kaklase.

Cameron:"S-sometime's we need to play the game to survive?" Pautal-utal niyang


tanong sa mga kaklase. Napatingin naman si Erika sa binata dahil sa sinabi nito.
Tumango naman si Chantelle bilang sign na "Oo" sa tanong ng binata.
Cathrine:"How about their teachers?" Nagaalala niyang tanong sa kaklase

Chantelle:"Alam ng lahat ng teachers ang buong nangyare sa St. Venille pero ayaw
lang nila ito sabihin sa publiko. Kabilang sa mga pinakamataas na eskwelahan ang
St. Venille sa buong mundo at ayaw nilang masira ang pangalan nito ng ganun-ganun
na lamang."

Arsela:"I don't get it, bakit hindi nalang nila tayo tulungan?" Sunod na tanong ng
kaklase. Napalunok si Chantelle sa tanong ni Arsela.

Chantelle:"Lahat ng mga nabalitaang teachers na tinutulungan ang cursed section ay


namamatay. Ang ibang teachers ay nalalason at ang iba nama'y bigla nalang na-
aaksidente. Dahil dito, natakot na ang mga natirang guro na makielam dahil sa
maaring panganib na kaharapin nila."

Tiffany:"How did you get these informations?" Mataray niyang tanong.

Chantelle:"Gusto ko sa inyong sabihin pero..." Mahina niyang sinabi.

Arsela:" Pero?" Hindi na sinagot ni Chantelle ang tanong ng dalaga at bigla nalang
umalis at iniwan sila sa ere. Nabigyan ng kasagutan ang iba nilang mga tanong pero
hindi maalis sa kanilang isipan kung ano nga ba talaga ang meron sa misteryosong
nakaraan ng seksyon nila sa St. Venille. Biglang dumating si Aliza kasama ang mga
lalake.

Aliza:"Ano nangyare?" Seryoso niyang tanong at tinignan ang mga kasama. Napansin
niyang wala si Pau kaya agad niya itong hinanap sa mga kasama.

Aliza:"Nasaan na si Pau?" Tanong niya sa mga kasama.

Angela:"I thought anjan lang siya." Sagot niya sa kaklase habang nakatingin sa
kanyang mga kuko. Napakunot naman ng noo si Alexandra sa sinabi ni Angela.

Alexandra:"Diba kabilang siya sa beasts? Bakit hindi mo alam nangyayare sa mga


kaibigan mo? Nabuwag na ba yung samahan niyo?" Magkasunod na tanong ng dalaga sa
kaklase. Tinignan naman ng masama ni Angela ang kaklase. Biglang tinaasan ng kilay
ni Angela si Alexandra at pumamewang.
Angela:"So you're blaming this whole scene to me?" Mataray niyang sinabi sa
kaibigan.

Alexandra:"No I'm not, I'm just asking questions dear." Natatawa niyang sagot kay
Angela. Bago pa man magkainitan ang dalawang dalaga ay inawat na sila ni Arsela.

Arsela:"Stop it you two, sa tingin niyo ba this is the right time to argue? Mas
mabuti pa, sundan niyo nalang si Pau kung saang school man siya nagenroll."

Aliza:"Does anyone know where Pau decided to transfer?" Tanong niya sa mga kasama.

Cathrine:"As far as I know nagtransfer siya malapit lang rin dito sa school." Sagot
ng dalaga.

Aliza:"As far as I know ang pinakamalapit na school sa St. Venille ay ang Ashton
High."

Erika:"Ganun ba? Sige tara let's do this thing. Kami-kami nalang ang pupunta kay
Pau. The rest of you, maiwan nalang kayo dito and try to help the police officers
investigate. " Sumangayon naman ang lahat. Naiwan ang mga lalake sa St. Venille,
naalala ni Hunter ang nangyare kagabi. Tinapik niya sa likod si Cameron para
tanungin kung ano ba talagang nangyare sa kanya kagabi.

Hunter:"Cameron diba sabi mo ikwe-kwento mo samen kung anong nangyare sayo kagabi?
Ngayon mo na ikwento." Naagaw naman ang atensyon ng lahat dahil napalakas ang sabi
ni Hunter sa binata. Yumuko ang binata at nagsimulang manginig ang kanyang mga
kamay.

Cameron:"W-wala yun,wag niyo nalang intindihin." Pautal-utal na sagot ng binata sa


mga kasama. Napataas naman ng kilay si Cj at nagtaka. Nagsimula siyang
pagsuspetsyahan ang binata dahil sa mga ipinapakitang kilos nito.

Cj:"We need to know the truth Cameron. The whole truth." Seryosong sinabi ng
binata. Napatingin ng masama si Cameron sa kay Cj. Nagulat ang lahat ng bigla
nalang tinulak si Cameron si Cj sa sahig at sinasakal ito ng mahigpit.

Cameron:"Hindi ko kelangan magpaliwanag sa inyo." Pasigaw na sinabi ng binata,


lahat naman ay biglang tinulungan si Cj. Nang nakatayo na ulit ang ang binata,
nakahawak lang siya sa kanyang leeg at umuubo-ubo.

Cj:"Kung inosente ka talaga then start acting like one para naman hindi ka
napagsususpetsyaahan." Mataray na sagot ng binata at biglang umalis. Halos lahat
ng natitirang magaaral sa section 6 ay nawalan na ng tiwala sa binata. Nagdesisyon
muna silang magwatak-watak at antayin na makabalik sina Erika sa St. Venille. Sa
Ashton High naman, nakapasok na si Pau sa kanyang bagong eskwelahan. Naaprubahan na
rin ng principal nito ang kanyang mga papers. Habang naglalakad siya sa hallway ay
bigla nalang nagbago ang panahon at nagsimulang umulan ng malakas. Tumambay muna
siya sa balkonahe at magmuni-muni. Nilabas niya ang kanyang smartphone at tinitigan
lang ito. Nagbuntong-hininga ang dalaga at napayuko. Nagsimulang tumulo ang mga
luha sa kanyang mga mata.

Pau:"I miss them already." Mahina niyang sinabi sa kanyang sarili. Agad niyang
pinunasan ang kanyang mga luha. Napatingin siya sa may dulo ng hallway at nakita
niya ang isang babaeng nakamaskara. Pinikit niya ang kanyang mga mata at inisip na
namamalik mata lamang siya. Napatingin ulit siya sa may balkonahe, nagulat siya ng
makita ang pulang kotse na nakaparada sa may ibaba ng building. Nagdesisyon siyang
bumaba upang humingi ng tulong. Nakasalubong niya si Alyssa, agad niya itong
niyakap. Hinawakan siya ni Alyssa sa kanyang mga balikat.

Alyssa:"Oh Pau? Ano nangyare?" Seryosong tanong ng dalaga.

Pau:"She's coming to get me Alyssa, help me." Pakiusap ng dalaga sa kaklase,


mahahalata ring paos na ang boses ng dalaga sa kakasigaw. Natulala naman si Alyssa
sa sinabi ng dalaga at parang hindi nakagalaw sa kinatatayuan nito. Tumakbo si Pau
papunta sa may parking upang sumakay sa kotse para makaalis sa campus. Nang nasa
harap na siya ng kanyang kotse ay kinapa niya ang kanyang bulsa para kunin ang susi
ng sasakyan. Naalala niyang naiwan niya ang kanyang susi sa kanyang bag na nasa
principal's office. Tinignan niya ang kanyang paligid upang magmasid, hindi siya
masyadong makakita dahil sa hamog na dulot ng malakas na ulan.

Pau:"Help me! Somebody?" Nagmamakaawang paghingi ng tulong ng dalaga. Naisipan


niyang kunin ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa para humingi ng tulong.
Nang mabuksan niya na ito ay wala siyang mahanap na signal. Nagdesisyon siyang
tumakbo pabalik ng Academic Building ng Ashton High pero nagulat siya ng biglang
lumusot ang kanyang kaliwang paa sa isang butas. Sinubukan niyang alisin ang
pagkakastuck nito pero wala siyang magawa. Mas lalo siyang nagpanik at nagsimulang
magsisigaw ulit ng "tulong". Naunang dumating si Erika sa Ashton High. Nakapayong
siya at iniintay ang kanyang mga kasama. Narinig niya ang boses ni Pau, sinundan
niya ito hanggang sa makita ang dalaga. Puro putik ang damit nito at basang-basa
siya sa ulan. Nabitawan ni Erika ang kanyang hawak na payong at agad pinuntahan ang
dalaga.

Erika:"Pau! Ok ka lang ba? What happened?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga sa


kaklase.
Pau:"Long story, help me Erika!" Nagpapanik niyang sinabi sa kaklase. Napatingin si
Erika nang biglang bumukas ang ilaw ng isang pulang kotse. Masyadong malakas ang
ulan at tinted rin ang salamin ng kotse kaya mahirap maaninag kung sino ang
nagmamaneho rito. Hinahatak pataas ni Erika si Pau para makatakas pero hindi niya
ito masyadong mapwersa dahil nasasaktan si Pau sa kada-hatak ng dalaga. Nang
makita ni Erika na papunta sa kanila ang kotse at may balak na sagasaan silang
dalawa ay nagpaalam na siya sa kanyang kaklase.

Erika:"Sorry Pau but I tried." Matipid niyang sinabi sa kaklase at tumakbo papalayo
rito.Nawalan na ng pagasa ang dalaga at nagsign of the cross nalamang siya.
Binuksan ni Pau ang kanyang cellphone at nakitang may signal na ito. Tinawagan niya
si Angela at agad naman itong sinagot.

Angela:"H-hello Pau? Where are you? We're going there to get you ok? Stay safe."
Tuloy-tuloy na sinabi ni Angela sa kaibigan. Nagulat si Angela nang marinig niya
lamang ang nakakapanindig-balahibo na sigaw ng dalaga. Bigla ring naputol ang
connection nilang dalawa. Umiiyak si Erika habang nakaupo at pinagmamasdan ang
dalaga. Nakita niya na huminto ang pulang kotse sa harapan ng dalaga at hindi ito
sinagasaan. Bumaba sa pulang kotse ang dalawang taong nakamaskara. May hawak na
bomba ang isa.

:"Ano na Pau? Hindi mo kami pwedeng takasan. Look's like


eto na yung pinakamaling desisyon na ginawa mo sa buhay mo." Mataray na sinabi ng
dalaga. Nabosesan ni Pau kung sino ang nasa likod ng maskara.

Pau:"Sh*t ikaw lang pala ya-" Naputol ang sinasabi ng dalaga ng bilang ipinasok sa
kanyang bunganga ang maliit na bomba.

:"Shhh, you said too much already." Matipid na sinabi ng


isang nakamaskara. Parehas silang bumalik sa pulang kotse at iniwan sa ere ang
dalaga. Nang makita ni Erika na wala ang dalawang nakamaskara ay tumayo siya sa
kanyang kinauupuan at nagdesisyong lapitan ulit ang kaklase. Nakakatatlong hakbang
palang siya papunta sa dalaga ay bigla siyang nakarinig na malakas na pagsabog. Sa
lakas ng pagsabog nito ay natalsikan siya ng dugo sa kanyang uniporme. Kalat-kalat
rin ang lamang-loob ng dalaga sa sahig. Sumigaw siya ng malakas at napaupo sa sahig
dahil sa kanyang nasaksihan. Huli nang dumating sina Arsela, nadatnan nalang nila
si Erika na nakaupo sa sahig at umiiyak. Nakita rin nila ang ibang laman-loob ni
Pau na nakakalat sa sahig. Nagsign of the cross nalamang siya at pinagdasal ang
dalaga.
CP25:Death Agenda >>

Maagang nagsigisingan ang lahat ng studyante sa buong St. Venille dahil sa isang
announcement. Narinig ng lahat na bukas na gaganapin ang school day o foundation
day sa St. Venille. Magkakaroon ng iba't-ibang mga programa sa buong campus.
Mayroon ding mga darating na rides at kung anu-ano pang mga atraksyon sa school.
Bawat section sa campus ay may kanya-kanyang nakaassigned na gawain. Ang sixth
section ay kailangan mag-isip ng isang palaro or event na gagawin kinabukasan.
Tatagal ang celebration ng ekswelahan ng dalawang araw. Alam ng lahat na hindi pa
tapos ang imbestigasyon sa buong campus pero ipagpapatuloy parin nila ito. Nalaman
rin nilang clueless ang mga detective at pulis kung sino talaga ang may kagagawan
ng lahat ng ito dahil kulang-kulang o hindi matibay ang mga ibedensya. Iba-iba rin
ang mga salaysay na binibitawan ng bawat isa na mas lalong nagpahirap sa ginagawang
imbestigasyon ng mga nakakataas. Naunang lumabas sina Arsela at Erika ng kanilang
dorm.

Arsela:"Oh? Bat parang wala pa masyadong tao sa labas? Magse-seven 'o clock na ah?"
Tanong ng dalaga sa kanyang kasama. Nakatingin naman si Erika sa isang poster sa
gagawing mga events. Tumingin siya kay Arsela at parang hindi narinig ang tanong ng
dalaga. Ngumiti na lamang siya at nagkunwaring narinig ang sinabi ng kaklase.
Dinukot ni Erika ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nagsimulang itext ang
lahat ng kanyang mga kaklase. Iniwan naman ni Arsela si Erika sa ere at
nagdesisyong maglakad na muna ng mag-isa. Habang naglalakad siya, nakita niya si
Ms. Gomez na nakaupo sa isang bench. Parang wala ito sa sarili at makikitang may
malalim itong iniisip.

Arsela:"Ma'am? Ok lang ho ba kayo?" Tanong ng dalaga at umupo ito sa tabi ng guro.


Napatingin naman ng seryoso ang guro at ngumiti.

Ms.Gomez:"Oo Arsela, okay lang ako. Huwag mo na akong alalahanin." Mahinhin na


sinabi ng guro. Biglang sumagi sa isip ng dalaga ang sinabi ni Chantelle. Naisipan
niyang iopen ito sa guro at nagbasakaling may alam siya rito.

Arsela:"Ma'am, may alam po ba kayo na nangyare sa St. Venille ng mga nakaraang


taon?" Curious na tanong ng dalaga. Nagulat si Ms. Gomez sa kanyang tanong at
napalunok. Tumayo ito at hinawakan ang kanyang hand bag ng mahigpit.

Ms.Gomez:"W-wala, pano mo naman yan natanong?" Pautal-utal na sagot ng guro. Alam


ni Arsela na kinabahan ang guro sa kanyang ginawa. Hindi na hinintay ni Ms. Gomez
ang kanyang sagot at dumiretso nalang sa 2nd floor ng Academic Building. Maya-maya
ay bigla niyang nakita ang kanyang mga ibang kaklase na nakapulong. Pumunta siya
rito para lapitan. Una niyang nakita si Tiffany kaya kinalabit niya ito sa bandang
likuran.

Arsela:"Tiffany, ano pinaguusapan niyo?" Tanong niya sa dalaga. Napatingin naman si


Tiffany sa kanya at parang seryoso ang dalaga.
Tiffany:"Wala, Naguusap lang kami kung ano yung gagawin nateng activity. Si Porsha
kasi yung nagutos eh, yung vice president ng SC mula sa section seven. Kung hindi
lang namatay si Grace edi sana siya na mamahala nito. " Seryosong sinabi ng dalaga
at halatang pagod na pagod ito.

Arsela:"May naisip na ba kayo?" Tanong niya sa kanyang mga kaklase. Wala namang
nagbalak na sumagot sa kanyang tanong. Huli na ng dumating si Erika at halatang
siya na lang ang inaantay ng lahat.

Alexandra:"Atlast Erika! Where have you been?" Tanong niya sa kaklase habang
nakapamewang. Tumawa lang naman si Erika ng mahina sa tanong ni Alexandra.

Erika:"Wala, tinanong lang ako nung ibang pulis kung ano daw nangyare kahapon."
Sagot ng dalaga. Lahat ay umupo na sa kani-kanilang mga upuan at sinimulan na
nilang pagplanuhan ang gagawing event para sa foundation day. Itininaas ni Aliza
ang kanyang kanang kamay at tumayo.

Aliza:"I have a plan." Napatingin naman si Alexandra sa kanya at tumawa. Pumunta si


Aliza sa harapan at binulong kay Erika ang naisip niyang plano.

Erika:"That's a great idea! Do you mind sharing it with the others? Ikaw na mag-
explain sa kanila total plano mo rin naman yan eh. " Tumango si Aliza , kumuha siya
ng chalk at sinulat ang lahat ng pangalan ng kanilang mga kaklase.

Aliza:"We're going to have a jail booth." Masaya niyang sinabi sa harap ng mga
kaklase. Nagtaas naman ng kanang kamay si Alexandra at mahinang tumawa.

Alexandra:"Are you sure no one's going to die this time Aliza?" Natatawa niyang
tanong sa dalaga. Nagtawanan naman ang buong klase sa tanong ni Alexandra.
Mahahalatang nayamot si Aliza sa ginawa ni Alexandra. Kumuha siya ng isang libro at
ibinagsak ito ng malakas sa teacher's desk. Naputol ang tawanan ng mga magaaral.

Aliza:"Don't worry Alex, no one's going to die exept for you." Naiirita niyang
sinabi. Nagulat ang lahat ng biglang nagwalk-out ang dalaga palabas ng classroom.
Natatawa naman si Erika sa harapan dahil sa away ng dalawa. Sinaway naman siya ni
Arsela dahil baka mas lalo lang itong lumala.Napatingin naman si Alexandra at
parang sinundan ng tingin si Aliza.
Alexandra:"Tss, feeling president kasi." Bulong nito sa kanyang sarili na narinig
naman ng kanyang katabi na si Angela.

Angela:"Shh, ikaw talaga Alex. Don't mind her na nga. Ooops! before I forgot I
wanna ask you something. Promise me na hindi ka tatanggi ha?" Maarte niyang sinabi
sa kaklase. Tinaasan lang siya ni Alexandra ng kilay at nagpout.

Alexandra:"Ok promise, what is it?" Seryosong tanong nia kay Angela.

Angela:"I want you to be a beast." Natawa naman si Alexandra sa sinabi ni Angela.

Alexandra:"Ok, I'll be the new beast in town." Mataray niyang sinabi. Mababa namang
itinaas ni Angela ang kanyang kanang kamay na parang makikipag-apir sa dalaga.

Angela:"Once a beast, always a beast." Naputol naman ang kanilang paguusap dahil
sinaway sila ni Arsela.

Arsela:"Shhh, be quiet." Saway niya sa dalawang dalaga. Hindi naman siya nito
masyadong pinansin at inirapan lamang siya.

Erika:"Ok? Any other suggestions?" Tanong niya sa kanyang mga kaklase. Halos lahat
ay nagsitaasan ng kamay at may kanya-kanyang mga suggestions. Binura ni Erika ang
nakasulat sa blackboard at kumuha ng panibagong chalk. Dumating rin si Ms. Gomez sa
classroom bago pa man sila magsimulang magbigay ng kanya-kanyang suggestion.

Ms.Gomez:"What's happening here?" Magalak niyang tanong sa buong klase. Tumayo


naman ang lahat at binati ang guro. Lahat rin sila ay nagbow bilang sign ng
paggalang.

Erika:"We're planning an event for foundation day." Sagot ng dalaga. Napangiti


naman ang guro at umupo sa may harapan ng klase. Tinignan ni Ms. Gomez si Erika at
tumango bilang sign na ituloy niya na ang kanyang ginagawa.

Erika:"So guys ano? Ano suggestion niyo? I'm only going to pick five students with
their suggestion ok?" Tanong niya sa mga kaklase. Unang tinawag ni Erika si
Cameron. Sumunod naman ay si Sakura. Kasunod ni Sakura ay si Chantelle. Pagkatapos
ni Chantelle ay si Zero naman and then ang huli niyang tinawag ay si Hunter.
Erika:"Ok guys, let me hear your suggestions." Masya niyang sinabi kaharap ang mga
tinawag na magaaral. Ang mga natira ay nagpalakpakan.

Cameron:"I'm planning to have a marriage booth?" Natawa naman ang lahat sa


suggestion ng binata. Napatingin naman si Erika sa binata at parang niloloko-loko
ito.

Erika:" Seriously? A marriage booth? You must be kidding." Biro niya sa binata.
Tumayo naman si Ms. Gomez dahil nakita niya na parang naooffend na si Cameron dahil
pinagta-tawanan ang kanyang naisip na suggestion.

Ms. Gomez:"Marriage booth is not a bad idea, it's actually a great idea. You have
my vote Cameron." Seryosong sinabi ng guro. Napangiti naman ang binata dahil sa
sinabi ng guro. Sumunod na tinanong ni Erika ay si Sakura.

Sakura:"I want us to have something different. A haunted classroom attraction would


be nice." Nagulat naman si Erika sa sinabi ng kamagaral pero nagustuhan niya ang
sinabi ni Sakura.

Erika:"That's a great idea, it's something new and interesting. We can dress-up
murderers and everything. Hahaha" Masaya niyang sinabi sa harap ng klase.Sunod niya
namang tinanong si Chantelle.

Chantelle:"We can open a food stall." Matipid niyang sinabi habang nakayuko.

Erika:"Ok? What about your suggestion Zero?" Tanong niya sa binata. Nakapokerface
lamang ang binata at parang walang kaemo-emosyon.

Zero:"I don't know, a photobooth I guess?" Matipid niyang sinabi. Nakangiti naman
si Tiffany habang pinagmamasdan ang binata. Nakita rin niyang nagkakasalubong ang
kanilang dalawang mata. Sinangga naman ni Cathrine si Tiffany dahil napansin niya
na parang kinikilig ang binata.

Cathrine:"Tss, ikaw talaga napakapbb teens niyo." Natawa naman si Tiffany sa sinabi
ni Cathrine. Nasa kabila naman ay si Cj. Narinig niya ang sinabi ni Cathrine kaya
sumama narin ito sa usapan.

Cj:"Nako Tiffany, tigilan mo ko. Huwag mo na ngang pakielaman yan Cathrine, inggit
ka lang eh." Biro ng binata sa kaklase. Natatawa naman si Tiffany sa dalawa.
Naputol ang kanilang paguusap ng itininuloy na ni Erika ang pagtatanong. Huli
niyang tinanong si Hunter.

Hunter:"How about film-showing?" Suggest ni Hunter sa mga kaklase. Halos lahat ng


kanilang mga sinabi ay sangayon si Erika. Hindi siya makapili kaya hiningi niya ang
tulong ng kanyang mga kaklase.

Erika:"So ano guys? What do you think?" Tanong niya sa kanyang mga kaklase.
Halatang lahat ay gulong-gulo kung ano ang kanilang pipiliin. Ang iba'y nagkakamot
ng ulo ang iba nama'y nakatingin sa kisame at para bang ang lalim ng iniisip.
Tumayo si Ms. Gomez at pumunta sa harapan.

Ms. Gomez:"Eh kung gawin na lang kaya naten lahat yan? I'll talk to the principal
about this. Hmmm, It still needs a name Erika. Ano name ng booth niyo ?" Tanong ng
guro.

Erika:"We'll call it the sixth booth." Napatingin naman ng parang ewan si Cathrine
kay Erika.

Cathrine:"Ang corny naman ng name ng booth naten. Masyadong literal, make it more
interesting. " Reklamo ng dalaga. Sumangayon naman ang lahat ng magaaral sa sinabi
ni Cathrine. Nagtaas ng kamay si Zero na parang may gustong isuggest, tinawag ito
ni Erika at pinapunta sa harapan.

Zero:"How about we'll call it booth#6?" Seryoso niyang sinabi at sumangayon naman
ang lahat.

Cathrine:"That sounds cool, we'll call it booth #6." Nakataas naman ang kilay ni
Erika at parang gulong-gulo.

Erika:"Pero binaliktad niya lang yung sinabi ko ah?" Tanong niya kay Arsela nang
may matinis na boses. Natatawa naman ang dalaga dahil sa reaksyon ng kaklase.

Arsela:"You'll never understand how cool kids roll. Hahaha, tara na nga and let's
start this thing." Anyaya niya sa kaklase, nagsimula nang gumawa ang buong 6th
section ng kanilang mga kakailanganin para bukas. Bawat isa sa kanila ay may
nakaatas na gagawin. Habang busy silang lahat, tumayo si Erizel at nagpaalam na
magccr lang muna siya.

Erizel:"Guys, magccr lang ako ah? Wait lang." Paalam niya sa kanyang mga kasama.
Tumango naman sila, tumayo rin si Erika para sumama magcr.

Erika:"Wait lang Erizel, sasama ko. Guys, break muna tayo ha? Balik kayo dito after
15 minutes." Agad nagsialisan ang mga studyante at pumunta sa kanya-kanyang mga
destinasyon. Ang iba'y pumunta sa canteen para bumili ng pagkaen pero ang iba
nama'y naiwan lang sa classroom. Sabay silang naglakad papuntang cr. Naunang
natapos si Erika kesa kay Erizel. Nakaharap siya sa salamin at nagaayos ng sarili.

Erika:"Erizel, una na ko ha?" Paalam niya sa dalaga. Nakatingin naman si Erizel sa


kisame habang nasa loob ng cubicle.

Erizel:"Si-sige, antayin mo nalang ako sa labas matatapos na ko." Sigaw niya


narinig niya naman na sinabi ni Erika ang salitang "Oo". Habang nasa labas ng cr si
Erika ay para bang kinakamot niya ang kanyang mga mata. Kumatok siya ng tatlong
beses sa pintuan ng cr para bilisan. Habang nagaantay, may naramdaman siyang
kakaiba sa kanyang paligid, na para bang may nagmamasid sa kanila. Lumayo siya ng
kaunti mula sa girl's rest room. Nakita niya ulit ang janitor's closet. Napalunok
siya nang nakita niya na para bang may kumakalabog sa loob nito. Tumakbo siya
pabalik sa classroom, nakalimutan niya nang balikan si Erizel. Naiwan si Erizel na
mag-isa sa banyo. Nasa loob pa rin siya ng cubicle at para bang nagiisip. Narinig
niyang bumukas ang pintuan ng pagkalakas-lakas, hindi niya na ito masyadong
inintindi dahil sa kanyang iniisip. Hinawi niya ang kanyang buhok at para bang
hinawakan ang kanyang leeg. Nang matapos na siya ay agad siyang lumabas sa cubicle.
Naghilamos siya sa lababo at inayos ang sarili. Dahan-dahan niyang hinawakan ang
door knob, palabas na sana siya ng banyo nang bigla siyang may narinig.

:"Pssst" Mahina na sitsit sa kanya, dahan-dahan niya itong


nilingon.

Erizel:"S-sino yan?" Natatakot niyang tanong, hinawakan niya ulit ang door knob,
nanlaki ang kanyang mga mata nang makita nakalock na ito at hindi niya na kayang
buksan. Agad niyang hinapas-hapas ang pintuan at nagbabasakaling may makarinig sa
kanya. Maya-maya ay naririnig niya nanaman ang sitsit. Palakas ito ng palakas at
para bang nagagalit. Tinakpan niya ang kanyang mga mata at nagsimulang umiyak.

:"Pssst!! Psst!!! Pssst!!" Pasigaw nitong sinabi, mahahalatang


may galit na ang pagsitsit niya sa dalaga.

Erizel:"Leave me alone!" Pagkasigaw niya ay biglang natahimik ang buong paligid.


Bumukas rin ang pintuan ng dulong cubicle. Bago pa man niya ito lapitan ay dinukot
niya ang kanyang cellphone at nagbakasakaling makahingi siya ng tulong.

Erizel:"Argh! Sa kamalas-malasan nga naman oh, ngayon pa nawalan ng signal..."


Pinatay niya ang kanyang cellphone at umupo sa gilid. Tinignan niya ang ilaw sa
kisame ng cr at para bang mapupundi ito. Wala pang kalahating minuto ay nagsimulang
magpatay-bukas ito. Sa kada bukas ng ilaw ay nakikita niya na papalapit ng
papalapit ang isang babaeng nakamaskara sa kanya. Galing ito sa dulong cubicle,
napansin niyang puno ang uniporme nito dugo. Nang sobrang lapit na nito sa kanya ay
biglang namatay ng tuluyan ang ilaw. Hindi na makita ni Erizel kung ano ang nasa
kanyang paligid. Sigaw lang siya ng sigaw sa banyo, napansin niyang may sumaksak sa
kanya ng gunting sa tyan at para bang pinaglalaruan pa ang gunting. Hindi niya
magawang makalaban dahil wala siyang makita. Maya-maya ay nilabas ang gunting sa
pagkakasak-sak sa kanyang tiyan. Kinapa ni Erizel ang kanyang paligid at
naramdamang mayroong tao sa kanyang harapan. Tinulak niya ito ng malakas at humingi
ulit ng tulong.

Erizel:"Ahh! Help me! Somebody? He- " Naputol ang kanyang pagsisigaw ng biglang
hinatak ang kanyang kamay. Naramdaman niya ring binalot ang kanyang mukha sa isang
tela. Tuloy-tuloy ang pagagos ng dugo sa kanyang mga sugat.

:"Shh, I know it hurts so I'll take care of you Erizel." Bulong


nito sa kanyang tenga na nasundan ng nakakapangilabot na tawa. Naramdaman niya na
binalutan ang kanyang sugat ng isang tela. Hindi parin siya nawawalan ng pag-asa na
may magliligtas sa kanya kahit na nawawalan na siya ng boses.

Erizel:"Ahhh! I swear to God na magbabayad ka sa ginagawa mo." Matapang niyang


sinabi. Tinawanan lang siya nito at para bang dinuraan pa siya.

:"Shut up! You don't know everything!" Biglang nagliwanag ang


buong paligid dahil bumukas ulit ang ilaw. Hindi na masyadong makakita si Erizel
dahil nanlalabo ang kanyang mga mata. Kinaladkad siya papunta sa dulong cubicle at
hinapas ng paulit-ulit hinampas ang kanyang mukha sa inidoro. Halos mabiyak ang
mukha ng dalaga dahil sa brutal na ginawa sa kanya.

:"Good bye dear, see you in the other side." Paalam ng


misteryosong tao, hinubad niya ang kanyang maskara inilagay sa kanyang bag. Lumabas
siya ng cr na para bang walang nangyare.

CP26:Encounter >>

Umaga pa lamang ay marami ng tao sa St. Venille. Lahat ay nagaayos ng kani-kanilang


booths. Inaassemble na rin ang iba't-ibang atraksyon katulad ng carnival
rides,stalls para sa mga studyante. Maaga namang nagkita-kita ang mga studyante ng
sixth section para ayusin ang kanilang booth. Magaalas-syete na sila ng umaga nang
makapagsimula dahil nahuli ng dating ang kanilang guro na si Ms. Gomez. Ipinatigil
rin ng pansamantala ng principal ang imbestigasyon dahil sa gaganaping foundation
day ng eskwelahan.

Erika:"Ok guys let's do this thing!" Sinabi niya sa harap ng buong klase at
nasundan ng matamis na ngiti. Tumango naman ang lahat at nagsitayuan. Hinati-hati
ni Ms. Gomez ang mga studyante at binigyan ng kanya-kanyang gawain. Nagdesisyon
sila na dalawang booth lang ang gagawin nila dahil alam nilang kukulangin sila sa
oras kung lahat yun ay kanilang gagawin. Photobooth at Haunted Classroom ang booth
ng sixth section. Lahat sila ay busy sa paglalagay ng props at pagaassemble ng mga
gagamitin. Nagsimula magsibukas ang mga booth ng alas-nueve ng umaga. Lahat ng
studyante sa St. Venille ay pakalat-kalat at sinusubukan ang iba't-ibang booth na
pakulo ng ibang studyante.

Erika:"Oh guys? Mag-make-up na kayo, diba mananakot pa tayo? Zero and Tiffany kayo
nalang muna bahala sa photobooth naten ah? " Tanong niya sa mga kasama. Napatingin
naman si Tiffany kay Zero habang nakangiti.

Zero:"Ok" Matipid na sagot ng binata. Napatingin naman siya kay Tiffany dahil
napansin niyang nakatingin ito sa kanya. Nagulat siya nang biglang nilihis ng
dalaga ang kanyang tingin.

Zero:"Baka matunaw ako..." Seryoso niyang sinabi. Napalingon naman ang dalaga at
para bang natatawa.

Tiffany:"Huwag ka ngang feeler jan, tara na nga at marami pa tayong gagawin."


Indenial niyang anyaya sa binata. Makikita rin sa mukha ng dalaga na namumula ito.
Umalis na ang dalawa at inasikaso na ang nasabing booth.

Erika:"Guys, ako na at tsaka si Arsela ang magaasikaso sa harapan ng booth ah? Yung
iba naman sumunod dun sa photobooth, tulungan niyo sina Zero at Tiffany." Paliwanag
niya sa lahat. Nakita naman ni Ms. Gomez na parang tarantang-taranta si Erika sa
mga nangyayare. Tinapik niya ito sa likod at tinanong.

Ms.Gomez:"Ok ka lang ba Erika? Mukhang pressure na pressure ka ah?" Mahinang sinabi


ng guro sa studyante. Nagbuntong hininga naman si Erika at sumandal sa pader.

Erika:"Oo nga ma'am eh, I want everything to be perfect. Gusto ko kasi ipakita sa
kanila na may ilalaban ang section namen pagdating sa mga extra curricular
activities." Ngumiti naman ang guro at inilapat ang kanyang kamay sa may ulo ni
Erika.

Ms.Gomez:"Don't worry Erika, everything's going to be fine." Ngumiti naman si Erika


sa sinabi ng guro. Tinignan niya nag kanyang orasan at nakita niyang twenty minutes
nalang ang natitira para ayusin nila ang lahat. Tinignan niya ang mga mananakot at
nakitang hindi pa nakakapagayos si Cathrine.

Erika:"Oh ano yan? Bakit di ka pa nakakapagayos Cathrine?" Naiirita niyang tanong.


Bago pa man makapagsalita ang dalaga ay inasar siya ng kanyang mga kaibigan.

Angela:"She doesn't have too Erika, nakakatakot na yung hitsura niya." Mataray
niyang tanong, nagsitawanan naman ang ibang studyante. Tinignan ng masama ni
Cathrine si Angela.
Cathrine:"Minsan nakakatuwa kayo pero minsan nakakainis na." Naiiyak niyang sinabi
at umalis. Nakayuko lang si Angela at para bang nakokonsensya sa ginawa niya. Umupo
naman si Erika sa tabi niya inakbayan ang dalaga.

Erika:"Ok lang yan Angela, magkakaayos rin kayo ni Cathrine." Mahinahon niyang
sinabi sa kaklase. Nagsimulang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Angela.

Angela:"Hindi ko naman sinasadya eh, I was just joking."

Erika:"Jokes are half meant dear and maybe naoffend talaga siya ng tuluyan."
Niyakap ni Erika si Angela.

Erika:"Don't worry, lilipas rin yan." Mahinahong sinabi ni Erika sa dalaga. Tumayo
agad si Erika at tinignan ang kanyang orasan. Nang makita niyang alas-nueve na ay
kinuha niya ang megaphone sa teacher's table.

Erika:"Ok sixth section! Let's do this thing!" Nagpalakpakan ang lahat ng studyante
ng marinig ang sinabi ng dalaga. Lahat ay nagsipuntahan na sa kanil-kanilag pwesto.
Nadatnan ni Erika si Arsela sa front table.

Arsela:"Oh ano? Anyare? Hahaha" Natatawa niyang bati sa dalaga. Nakangiti naman si
Erika habang umupo sa gilid ng dalaga. Pagkaupo niya ay nagbuntong hininga siya
habang nakatingin sa kawalan.

Erika:"Ayun, may away ata ang beasts." Nakatingin naman si Arsela at mukhang
interesado.

Arsela:"Bakit? Ano nangyare sa beasts? You make kwento." Nakatingin lang siya kay
Erika at inaantay na ikwento ang nangyare kila Cathreen at Angela.

Erika:"Eh ka-" Ikwe-kwento palang sana ng dalaga pero naputol ito dahil biglang
dumating si Eugene kasama si Cj.

Eugene:"Erika, may problema." Problemado niyang sinabi sa dalaga habang nakatingin


sa kanyang cellphone.

Cj:"Oo nga, malaking problema.." Makiktia sa mukha ng dalawang binata na alalang-


alala sila at hindi alam kung ano ang kanilang gagawin. Tumayo naman si Erika sa
kanyang kinauupuan at tinignan ang dalawang binata.

Erika:"Oh bakit? Saan? Ano? " Sunod-sunod na tanong ng dalaga. Tumawa naman ang
dalawang binata at parang nakikipagbiruan lamang sila sa kanya.

Eugene:"Joke lang, masyado kang stress. Nakakatawa ka, hahaha" Biro ng binata sa
kaklase. Yamot na yamot naman ang hitsura ni Erika sa dalawa. Ngumiti siya at
nilapitan ang dalawang binata at binatukan ito.
Erika:"Kayo talaga, wala ba kayong gagawin? Wala ba kayong lakad?" Tanong niya sa
dalawang binata na natatawa.

Cj:"Baket? Meron kung ililibre mo kami." Pabiro niyang sinabi.

Eugene:"Oo nga, dali na manlibre ka na kahit soda lang. Hahaha" Dagdag ng binata at
nagapir pa silang dalawa.

Erika:"Hindi kasi kesa mambwisit kayo dito edi umalis nalang kayo." Mataray niyang
sinabi.

Arsela:"Wow Erika ah, umaalexandra ka na. Hahaha" Biro ng dalaga. Nilingon naman
siya ni Erika at para bang natatawa na rin dahil naalala niya nung nagaway sina
Alexandra at Aliza.

Erika:"Ako Arsela tigil-tigilan mo ko ah?" Saway niya sa dalaga, hindi pa nagtagal


ay nagpaalam na ang dalawang binata at pumunta sa photobooth para tulungan ang
ibang kaklase. Bigla ring dumami ang pila sa booth nila kaya mas lalo sila naging
busy. Sa loob ng haunted classroom nandoon sina Zoey, Sakura, Chantelle, Alexandra
at Eugene.

Alexandra:"Tch, asan na ba yung iba? Bakit puro dead kid kasama ko dito?" Mahina
niyang bulong sa sarili. Napatingin naman si Sakura sa kanyang sinabi.

Sakura:"We're not dead but we will be." Bulong niya kay Alexandra na agad namang
ikinatakot nito. Hinawi niya ang kanyang buhok at pumamewang.

Alexandra:"Stop it weirdo, hindi ka nakakatulong. Kainin kita eh, rawr! Hahaha"


Biro niya sa dalaga na nasundan ng nakakapangilabot na tawa. Kinalabit naman siya
ni Eugene sa likod na para bang sinasaway ito. Nilingon niya ito habang natatawa pa
sa kanyang sinabi.

Alexandra:"Bakit? Gusto mo rin bang kainin kita. Hahahaha" Nakita niyang seryoso
ang binata, yumuko nalang siya at nagbow.

Eugene:"Ang daldal mo masyado kababae mo pa namang tao. Hindi ka na nakakatuwa and


besides ang corny mo magjoke kaya tigil-tigilan mo na." Saway niya sa dalaga.
Ngumiti lang si Alexandra at nagbuntong hininga. Itinaas ang kanyang kilay at
tinignan ang binata sa kanyang mga mata.

Alexandra:"I don't need to listen to you Eugene, you're not the boss of me."
Mataray niyang pagkasabi at tinalukaran ito. Bago pa man siya makalabas sa pintuan
at tumalikod ulit ito at para bang magpaparinig ulit sa binata.

Alexandra:"Oh! One more thing, I don't need to change my precious attitude just to
be liked by others. English yan para hindi mo maintindihan."

Alexandra:"Nasaan na ba si Erika? Anong oras na oh? Mageeleven-thirty na, hindi pa


ba tayo maglulunch break? I'm starving already!"Maarte niyang pagkasabi. Natawa
naman si Zoey dahil nakita niyang nakapout si Alexandra habang paikot-ikot sa
iisang lugar.

Zoey:"You should tell Erika besides, nasa labas lang naman siya eh. Kasama niya si
Arsela." Paliwanag ng dalaga sa kaklase. Nang marinig ni Alexandra ang sinabi ni
Zoey ay agad niyang hinanap ang exit at pinuntahan sina Erika.

Alexandra:"Erika, anong oras na oh? Nagugutom na kame, hindi pa ba tayo maglulunch


break?" Tanong niya kay Erika. Itinaas lang ni Erika ang kanyang dalawangk ilay at
tinignan ang orasan.

Erika:"Eleven-thirty palang naman eh, Sige idismiss na naten sila. Photobooth na


muna magooperate ngayon. Arsela, ikaw nalang magsabi sa iba nating classmates ha?
Sabihin mo na after nilang maglunch dumiretso sila sa photobooth naten." Tuloy-
tuloy na paliwanag ng dalaga. Tumungo naman si Arsela habang nakatingin sa kanyang
cellphone.

Arsela:"Ok, I'll stay here for a few minutes, incase lang na pumunta dito yung iba
nating classmates." Sagot ni Arsela kay Erika. Pumasok siya sa loob ng haunted
classroom para idismiss ang mga natirang studyante sa loob.

Arsela:"Guys, dinismiss na tayo ni Ms.President, you can go now." Walang buhay


niyang sinabi sa mga studyante. Ngumiti lang naman si Eugene at tumayo.

Eugene:"Gusto niyo dito nalang tayo maglunch, bonding na rin nating magkakaklase."
Anyaya niya sa mga kaibigan. Tumango naman ang lahat bilang sign ng pagsangayon sa
naisip ng binata.

Zoey:"Magandang idea yan, para naman maging super close na natin ang bawat isa."
Sagot ni Zoey sa binata. Nakangiti lang naman si Sakura habang nilalaro ang kanyang
stuff toy na si Mika.

Chantelle:"Go ahead, Iwanan niyo nalang ako dito. May hinihintay lang ako."Mahinang
niyang sinabi sa mga kaklase. Tumango naman si Eugene at ngumiti.

Eugene:"Sige-sige, bibilhan ka nalang rin namin ng lunch mo." Exited na sinabi ng


binata. Sabay-sabay sina Eugene, Sakura, Zoey, Arsela at Erika bumaba ng Academic
Building para bumili ng kanilang lunch. Naiwan namang mag-isa si Chantelle sa loob
ng classroom. Nakaramdam ang dalaga na para bang mayroong kakaiba sa kanyang
paligid. Nagdesisyon ang dalaga na maghanap ng kahit anong armas na panlaban.
Ngumiti lang ito at tumawa ng mahina. Narinig niyang unti-unting bumukas ang
pintuan. Tumayo siya sa gitna at para bang inaantay ang dumating.

Chantelle:"Look's like your late..." Mahina niyang sinabi habang nakangiti.


:"We'd meet again Chantelle, it's been a long time huh?" Tanong ng misteryosong tao
habang nakangiti ito kay Chantelle. Hawak-hawak niya ay isang kutsilyong mahaba,
pinapadulas niya ito sa kanyang kanang braso.

Chantelle:"Let's stop this non-sense, ihinto mo tong kahibangan mo." Pasigaw niyang
sinabi sa babaeng nakamaskara. Tinawanan lang naman siya nito at para bang nawawala
sa kanyang sarili. Humakbang si Chantelle paatras ng tatlong beses ng makitang
parang wala sa sarili ang dalaga.

:"Not yet, I'll kill everyone. I won't stop until I'm the only student left."
Pasigaw niyang sinabi na nasundan ng nakakahindik balahibong tawa. Mas lalo itong
nagdulot ng takot kay Chantelle, hinawakan niya ng mahigpit ang gunting sa kanyang
bulsa. Tinignan niya ang kanyang paligid at sinusubukang humanap ng daan palabas.

Chantelle:"You'll never win this fight, pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo." Banta
ng dalaga. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa at bigla na lamang siyang sinugod. Nakailag
si Chantelle at biglang tumakbo sa harap ng pintuan ng classroom. Nanlaki ang
kanyang mata ng pagkabukas niya rito. Nagaantay sa kanya ang isa pang babaeng
nakamaskara. Itinulak niya ito palabas pero nahagip ang kanyang kanang braso ng
kutsilyo. Laking tuwa niya ng makita niya agad sina Eugene,Sakura at Zoey. Nagulat
ang kanyang mga kaklase ng makita ang sitwasyon ni Chantelle. Nabagsak ni Eugene
ang kanyang dala-dalang pagkain at dali-daling tumakbo papunta kay Chantelle.

Eugene:"Oh? Ano nangyare sayo?" Nagaalalang tanong ng binata. Hingal na hingal


naman si Chantelle at hindi makapagsalita. Maya-maya ay bigla nalang ito hinimatay,
agad siyang sinugod sa clinic ng mga studyante. Nadatnan nila sa clinic sina
Tiffany,Zero at Erika.

Tiffany:"Oh? Anong nangyare?" Nalilitong tanong ng dalaga. Nakakunot naman ang noo
ni Erika at walang alam sa nangyare.

Erika:"Oh dali, ihiga niyo na siya jan. Kami nang bahala sa kanya Eugene. Salamat
sa pagdala kay Chantelle dito." Mahinanong sinabi ni Erika.

Zero:"Too much drama." Mahina niyang sinabi sa kanyang sarili at pumunta palabas ng
clinic. Naiwan naman sa clinic sina Tiffany,Erika at Sakura. Tinignan ni Erika si
Sakura sa kanyang mga mata ng seryoso.

Erika:"Oh? Sige na, makakaalis ka na. Kami nang bahala kay Chantelle, total closed
nanaman yung booth naten for today eh. Pakisabi nga pala sa mga classmate mo na we
won't be having haunted classroom booth for tomorrow. Magpho-photobooth nalang muna
tayo for safety purposes." Tuloy-tuloy niyang paliwanag kay Sakura. Hindi naman ito
masyadong pinapansin ng dalaga at nakatingin lang kay Chantelle.

Sakura:"I know everything Erika. I know all the secrets of this campus. We don't
want to let the past repeat itself diba Erika?" Misteryosong tanong ng dalaga sa
kaklase. Nasundan ito ng misteryosong ngiti. Agad lumabas si Sakura ng clinic para
puntahan ang kanyang kapatid na si Zoey. Napalunok naman si Erika sa sinabi ni
Sakura.
Erika:"Ano bang pinagsasasabi nun?" Kabadong tanong ng dalaga.

Tiffany:"Ewan ko ba, weirdo talaga yung babaeng yun. Don't mind her Erika, ang
importante ok na si Chantelle." Nakangiti niyang tugon sa kaklase. Biglang bumukas
ang pintuan sa clinic, tuloy-tuloy siyang pumasok at dumiretso kay Chantelle. Umupo
ang dalaga sa gilid ng kama ni Chantelle at bumulong.

:"Hi Chantelle, don't worry andito na kame." Pagkatapos niyang bumulong ay humarap
ito kina Erika. Ngumiti lang siya at para bang walang alam sa nangyare.

CP27:Judas Kiss >>

Paglabas na paglabas ni Sakura sa clinic ay hindi niya muna agad hinanap ang
kanyang kapatid na si Zoey. Nagdesisyon ang dalaga na pumunta kung saan nasak-sak
si Chantelle. Dahan-dahan siyang pumasok sa classroom. Tahimik,madilim at
nakakapangindig balahibo ang aura sa loob ng nasabing classroom. Naglakad-lakad
siya at nagmasid, nagbabakasakaling may mahanap na ibedensya kung ano ba talagang
nangyare. Palabas na sana siya ng classroom nang bigla siyang may napansin sa may
ilalim ng teacher's table sa gilid. Ngumiti ang dalaga at agad itong tinignan.
Napangiti siya sa kanyang nakita. Isang I.D. ng kanyang kaklase na may mga bakas pa
ng dugo rito. Agad niya itong nilagay sa kanyang bulsa upang itago.

Sakura:"Sinasabi ko na nga ba eh, this is it. I'm gonna make a show out of you."
Mahinang bulong sa sarili ng dalaga habang nakangiti. Mabilis siyang lumabas ng
classroom at agad dumiretso sa photobooth. Nadatnan niya rito sina Arsela, Zoey,
Angela, Cj at Alexandra habang nasa clinic naman sina Erika at Tiffany na natirang
kasama ni Chantelle. Agad siyang sinalubong ni Zoey ng mahigpit na yakap. Makikita
sa mata ng dalaga na nagaalala siya sa kanyang ate.

Zoey:"Ate, san ka ba nagpunta? Hindi mo ba alam na alalang-alala na kami sayo? Pano


kung napahamak ka? Paano kung ikaw na yung isunod nung killer. Ayokong maging mag-
isa ate." Mangiyak-ngiyak niyang sinabi sa kanyang ate. Ngumiti lamang si Sakura at
ginulo ang buhok ng kanyang nakababatang kapatid.

Sakura:"Don't worry Zoey, kilala ko na kung sino yung killer." Napahinto ang lahat
sa kanilang ginagawa ng marinig ang sinabi ng dalaga. Tumayo si Arsela sa kanyang
kinauupuan at unti-unting lumapit kay Sakura. Hinawakan niya ang dalaga sa kanyang
dalawang braso at tinignan ito sa kanyang mga mata ng seryoso.

Arsela:"Tell me Sakura, sino ang killer?" Hindi pa napigilan ng dalaga at


nagsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Sakura:"The real killer is -" Naputol ang kanyang sasabihin nang dumating si Erika
at Tiffany na hingal na hingal. Makikita sa mukha ng dalawang dalaga na alalang-
alala ito at para bang may kakaibang nangyare.
Erika:"You've got to see this, wala na si Chantelle." Natigil ang paguusap nilang
lahat at nagsimulang magpanik. Sunod-sunod ang tanong ng iba't-ibang studyante.
Nakaupo lang naman si Alexandra sa gilid. Ngumiti ito habang pinagmamasdan niyang
nagpapanik ang kanyang mga kaklase.

Alexandra:"How pathethic, wala namang bago diba?" Mahina niyang bulong sa kanyang
sarili habang tinitignan ang kanyang mga kuko. Dinukot niya ang kanyang royal blue
headset at pinasak ito sa dalawa niyang tenga. Paglingon niya ay nakita niya ang
kanyang boyfriend na si Hunter. Nakangiti ang binata habang papalapit ito sa kanya.
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at sinalubong at binata.

Alexandra:"Oh? San ka galing? Kanina pa kita hinahanap eh." Nangaakit na tanong ng


dalaga. Ngumiti lang naman ang binata at hinawakan ang kamay ng dalaga.

Hunter:"Jan-jan lang, halika sumama ka saken." Anyaya ng binata. Ngumiti naman si


Alexandra sa narinig na alok ng binata. Agad siyang sumama sa binata at lumayo sa
grupo. Nagulat rin siya ng biglang nawala ng parang bula ang magkapatid na sina
Zoey at Sakura. Habang nagmamasid, may nakita siyang kakaiba sa uniporme ni Erika.
Mayroong maliit na mantsa ng dugo sa uniporme ng dalaga. Napakunot ang kanyang noo
at humakbang palayo ng tatlong beses. Wala silang kamalay-malay at biglang tumakbo
rin papalayo si Arsela. Mabilis na lumayo ang dalaga sa grupo at nagdesisyong
pumunta sa clinic para tignan kung ok ang kalagayan ni Chantelle. Pagpasok niya
rito ay nadatnan niya si Chantelle na wala nang buhay. Nakita niya ring patay na
ang nakaduty na nurse sa clinic. Pinatay silang dalawa gamit ang pagsasasak-sak ng
iba't-ibang syringe sa kanilang katawan. Tinakpan ni Arsela ang kanyang bibig dahil
sa kanyang nakita. Makikitang mayroong kulay puting likido ang lumalabas sa bibig
ng dalawang biktima. Bumubula-bula ang kanilang mga bibig. Hindi pa nagtagal ng
biglang nagsisisigaw ang dalaga. Nagdesisyon siyang agad lumabas ng clinic upang
humingi ng tulong. Nagulat siya ng makitang nakalock ang pintuan ng clinic.
Hinampas-hampas niya ito ng tatlong beses, may naaninag siyang tao mula sa bintana.
Hinawi niya ang kurtina at nakita si Erika na papalayo mula sa clinic. Napaupo siya
sa sahig at nagsimulang magisip-isip sa mga bagay-bagay na nangyayare sa St.
Venille.

Arsela:"I should have known from the start. Ikaw pala yun Erika, yung bestfriend
ko." Kinuha ni Arsela ang kanyang wallet mula sa kanyang bulsa at binuklat ito.
Inilabas niya ang litrato nilang dalawa ni Erika na masayang magkasama. Hindi niya
matanggap na nagawa ito ng kanyang bestfriend sa kanya. Nagsimulang sumulpot sa
utak ng dalaga ang iba't-ibang klaseng tanong. Gulong-gulo ang kanyang isip at
hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. Maya-maya ay biglang kaunting gumalaw ang
kamay ni Chantelle. Tumaas ang balahibo ng dalaga, tumayo siya at sinubukan lumapit
sa dalaga. May gusto sa kanyang sabihin si Chantelle pero hindi ito makapagsalita
dahil namamanhid ang kanyang buong katawan. Nakaramdam ng kakaiba si Arsela sa
kanyang paligid kaya dumiretso siya sa cr ng clinic upang magtago. Tinakpan niya
ang kanyang bibig gamit ang kanyang dalawang kamay. Nakadungaw siya sa isang maliit
na butas mula sa pintuan ng banyo. Pumasok sa Clinic ang isang babaeng nakamaskara.
May hawak-hawak itong syringe na may kulay pulang likido sa loob. Agad siyang
dumiretso kung saan nakahiga si Chantelle, hindi nagalinlangan ang babae at pinasak
agad ito sa dalaga. Wala pang isang minuto at nagseizure si Chantelle. Nakita
niyang unting-unti tinanggal ng dalaga ang kanyang maskara. Nanlaki ang mata ni
Arsela ng makita niya kung sino ang nasa likod nito.
Tiffany: "Sabi ko naman sayo Chantelle e, ako yung mananalo sa laban na to and I
won't make any exemptions kahit na x-bestfriend ko pa. I'm sure my mom will be
proud of me." Nasundan ito ng nakapangingilabot na tawa. Gustong iligtas ni Arsela
ang kaibigan pero hindi niya magawa, alam niyang isusunod siya kapag nahuli siya
nito. Marami nanamang katanungan ang pumasok sa isip ni Arsela. Agad binalik ni
Tiffany ang kanyang maskara at lumabas ng clinic. Hindi makapagsalita si Arsela
dahil sa trauma. Tumayo siya sa kanyang kinatatayuan at agad lumabas ng clinic.
Hindi na siya makapagsalita ng maayos. Nadatnan siya ni Sakura sa may hallway
papuntang clinic. Punong-puno ang kanyang damit ng dugo at pagewang-gewang kung
maglakad. Tumakbo si Sakura papunta sa kanya upang alamin kung anong nangyare.

Arsela:"She died." Matipid na sagot ng dalaga at nasundan ng tawa na parang bata.


Nawawala na sa sarili si Arsela, tumatawa siya magisa at minsan kinakausap ang
sarili. Nakita niya na andun parin ang grupo ng mga studyante ng 6th section kaya
nagdesisyon siyang puntahan ito. Nakita niya sa gitna si Erika. Gulat na gulat ang
dalaga ng makita ang kalagayan ni Arsela. Niyakap ni Erika si Arsela at bumulong sa
tenga ng dalaga.

Erika:"Bakit nabuhay ka pa? You should have died there." Mahinang bulong ng dalaga.

Arsela:"What can you say? I'm from the cursed section. You can't defeat me easily
Erika." Sagot ng dalaga na nasundan ng nakapanlolokong ngiti.

Erika:"Arsela plea-" Hindi pinatapos ni Arsela ang dalaga at nagsalita.

Arsela:"What? Protect your secret from being revealed? For what Erika, para may iba
pang taong inosente na madamay? Huwag mo ko itulad sayo." Palaban niyang sinabi.
Lumayo siya sa dalaga at ngumiti.

Arsela:"One more thing, that's not the proper way to treat your bestfriend."
Mataray niyang sinabi. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Arsela. Kilala kasi siyang
tahimik,mahinahon at hindi nagtataas ng boses. Hindi makagalaw si Erika sa kanyang
kinatatayuan at hindi maipaliwanag ang kanyang mukha. Tumingin si Erika sa kanyang
paligid at nakitang pinagtitinginan siya ng lahat ng kanyang mga kaklase.

Erika:"Sh*t!" Sigaw ng dalaga at biglang nagwalk-out palayo sa grupo. Tumayo naman


si Cj upang basagin ang tensyon.

Cj:"Oh ano? Ang taray ni Arsela ah? Lumelevel-up.." Biro ng binata, nagtawanan
naman ang lahat ng magkakaklase. Binatukan din siya ni Cathreen. Napatingin agad
siya sa dalaga at itinaas ang kanyang kaliwang kilay.

Cathreen:"Ikaw talaga, kung ano-ano pumapasok sa utak mo." Masaya ang lahat ng
magkakaklase na nagtatawanan. Naputol ang kanilang paguusap ng dumating ang
kanilang guro na si Ms. Gomez. Makikita sa mukha nito na may malalim itong iniisip
at hindi maipaliwanag na kilos ng kamay. Tumingin si Ms. Gomez kay Arsela at
hinawakan sa dalawang balikat.

Ms.Gomez:"Please Arsela, I know you're a good girl. Huwag kang maingay kung ano man
ang nalalaman mo." Nagmamakaawang sinabi ng guro sa dalaga. Nagsimulang tumulo ang
luha mula sa mga mata ni Ms. Gomez. Nagulat si Arsela nang biglang lumuhod ito sa
kanyang harapan at nakayuko. Lahat ng studyante ay nagulat sa inasal ng guro. Lahat
ay naawa pwera lamang kay Angela, kinuha niya ang kanyang iPhone5s sa kanyang bulsa
at nagsimulang kunan ng litrato ang nakaluhod na guro.

Angela:"This is going to be fun." Mahina niyang sinabi sa sarili. Hindi niya alam
na narinig siya ni Aliza na nasa kanyang likuran. Tinaasan siya nito ng kilay at
kinuha ang kanyang smartphone. Agad napalingon ang dalaga sa ginawa ni Aliza.

Angela:"The hell? What's your problem Aliza?" Mataray niyang tanong sa dalaga.
Ngumiti si Aliza at pumunta sa basurahan para itapon ang cellphone ni Angela.

Aliza:"Learn the word respect Angela baka kasi hindi pa sayo natuturo yan." Mataray
nitong sinabi sa dalaga at agad bumalik sa nakapulong na grupo. Hindi naman
makapaniwala at shock parin si Angela sa ginawa ng kanyang kaklase. Agad siyang
pumunta sa may basurahan upang kunin ang tinapon na cellphone. May napansin siyang
class picture na nakatapon sa basurahan. Halos lahat ng studyante dito ay may
markang "X" sa mukha pwera na lamang sa isang lalake. Nagdesisyon siyang pulutin
ito at ayusin ang pagkakalukot.

Angela:"What's this? It's kinda scary.." Maarte niyang pagkasabi, agad niyang
nilagay ang napulot na class picture sa kanyang fuchsia satchel bag. Nakapalibot
ang lahat ng studyante ng sixth section kina Ms. Gomez at Arsela. Hindi
makapagsalita ang dalaga dahil sa sobrang gulat. Nagiisip siya ng kahit anong
paraan upang bigyan ng solusyon ang lahat ng bagay. Nagdududa na rin siya sa
kanyang guro at sa lahat ng taong nasa paligid niya.

Arsela:"I-I don't know Ms.Gomez, I need to go and think about it. I'm sorry.."
Magalang niyang sinabi at nagbow. Pagkatapos niya itong gawin ay agad siyang
dumiretso sa Dorm B. Nilock niya ang kanyang pinto at umupo sa sofa. Iniisip kung
ano ang kanyang gagawin at ang posibleng mangyare kapag ginawa niya ang kanyang
desisyon. Kahit na nagawa sa kanya ni Erika iyun ay alam niya parin na labag ito sa
kalooban ng dalaga. Ayaw niyang mapahamak ang kanyang kaibigan at ayaw niya ring
mapahamak ang iba niyang kaklase. Habang nagiisip ay may biglang kumatok ng tatlong
beses sa kanyang pinto. Kinuha niya ang unan sa gilid ng sofa at hinawakan ito ng
mahigpit. Narinig niya ang boses ng kanyang matalik na kaibigan na si Erika.

Erika:"Arsela are you there? We need to talk. Let me explain please?"


Nagmamakaawang sinabi niya. Pinikit ni Arsela ang kanyang mga mata at sumagot kay
Erika.

Arsela:"No need to explain Erika, I know everything. I know everything about you
and your secrets. Tigilan mo na ko Erika, please leave me alone!" Galit niyang
sagot sa dalaga. Mahahalata sa boses niya na may halo itong takot at pangamba.

Erika:"I'm sorry Arsela, please open the door and I promise na tutulungan kita na
sabihin yung totoo sa kanilang lahat. Please Arsela, huwag na tayong mag-away."
Nagmamakaawang sinabi ng dalaga. Unti-unting nakumbinsi si Arsela sa sinabi ni
Erika. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at dahan-dahang naglakad papunta sa
harapang ng pintuan.

Arsela:"Promise?" Tanong ng dalaga.

Erika:"Promise." Pinunasan ni Arsela ang kanyang luha at unang binuksan ang isang
lock. Hindi niya muna binuksan ang chain door lock para makasigurado.
Nagaalinlangan din siya dahil nasira na rin ang kanyang tiwala kay Erika. Nagulat
siya ng biglang itong tinulak ng pabalang. Napaupo siya sa sahig dahil sa gulat.
Mayroong nakasilip na babaeng nakamaskara sa pintuan.

:"Some secrets are better left untold Arsela."

CP28:Deadly Secrets >>

Hindi makagalaw si Arsela sa kanyang kinauupuan sa sahig dahil sa sobrang takot.


Nanginginig ang kanyang buong katawan at nagsimulang tumulo ang pawis sa kanyang
mukha. Palakas ng palakas ang pagkalambog sa pintuan na para bang pilit na sinisira
ang lock ng pintuan. Nakititig lamang si Arsela sa kanyang bestfriend na nasa
likuran ng nakamaskarang babae. Pinagmamasdan niya at iniisip kung paano sa kanya
nagawa ito ng kanyang kaibigan. Nang naalipungatan siya sa kanyang pagiisip, nakita
niyang malapit nang masira ang chain door lock ng pintuan. Unti-unti siyang tumayo
at pinagmasdan ang paligid. Nakita niyang pwede siyang dumaan palabas ng dorm sa
may pintuan sa likuran. Tinignan niya muna ang nakamaskarang babae at napansing
nawala ng parang bula si Erika, hindi niya na ito masyadong inintindi pa at kumilos
agad. Kumuha siya ng isang kitchen knife mula sa kusina at inilagay ito sa kanyang
bulsa. Nagmadali siyang pumunta sa may pintuan ng likod ng dorm. Unti-unti niya
itong binuksan at nadatnan ang isang babae na nagaabang sa kanya. Nanlaki ang
kanyang mga mata ng makitang nasa harapan niya si Erika.
Arsela:"Bat ka nandito? Stay away from me Erika." Galit niyang sinabi sa dalaga
pero dahan-dahan lang sa kanya tumingin si Erika. Napansin niyang namumula ang mga
mata nito at halatang kakaiyak lamang.

Erika:"I'm sorry Arsela..." Nanghihinang sinabi sa dalaga at unti-unting lumuhod sa


harap nito. Nakatingin lamang si Arsela sa kanya habang nakahawak ng mahigpit sa
dinala niyang kutsilyo sa kanyang bulsa.

Arsela:"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? Maibabalik mo ba lahat ng buhay ng mga


pinatay niyong tao? Maibabalik mo ba ang buhay ni Chantelle? Erika, alam kong
marami kang alam tungkol dito and sa-" Hindi natuloy ang kanyang sinasabi dahil
bigla ulit nagsalita si Erika. Hinawakan niya ang braso ni Arsela at hinatak
papunta sa isang lumang classroom na may kalayuan sa kanilang ekswelahan. Habang
papunta sila ay nagsisisigaw si Arsela at pilit na gustong tumakas mula sa mahigpit
na pagkakahawak ni Erika.

Arsela:"Erika please let me go! Nasasaktan na ko" Reklamo ng dalaga. Napahinto sila
sandali at binitiwan ni Erika ang pagkakahawak kay Arsela.

Erika:"I'm going to explain Arsela, sasabihin ko sayo lahat ng nalalaman ko pero


kelangan muna nating magtago. She's coming to get you." Seryosong sinabi ng dalaga
sa kaklase. Napalunok si Arsela sa kanyang narinig at malayang sumama agad kay
Erika na para bang nakalimutan na niya ang ginawa sa kanya nito. Pagkarating na
pagkarating nila sa kwarto ay agad nilock ni Erika ang pintuan ng kwarto. Umupo
siya sa sahig at nakayuko lamang. Dahan-dahan namang umupo sa sahig si Arsela.

Arsela:"Bakit mo to ginagawa samen Erika? Presidente ka pa naman namin,


pinagkatiwalaan ka namin Erika. Ang akala kong kakampi ko ay siya palang kalaban
ko." Nanghihinang sinabi ng dalaga. Napatingin naman si Erika sa kaklase at
tuluyang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata.

Erika:"I'm really sorry pero kaya ko lang naman to ginagawa is hinid para
maprotektahan ko ang sarili ko kundi para maprotekthan ko ang pamilya ko. Hindi
naman ganun kadali yun eh. Mahirap mawalan ng kaibigan pero mas mahirap mawalan ng
pamilya Arsela. Please, sana maintindihan mo ang side ko." Nanginginig niyang
sinabi sa dalaga. Nakita niyang pinunasan ni Arsela ang kanyang mga luha at tumayo.
Pinagpag ang kanyang palda at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Nakita niyang
nakatitig lang si Arsela sa kanyang mga mata. Sa loob ng bulsa, hawak-hawak niya
ang kanyang cellphone at agad pri-ness ang record button. Alam niya sa kanyang
sarili na baka hindi na siya makalabas sa loob ng classroom ng buhay kaya
nagdesisyon na lamang siyang irecord ang mga susunod na paguusap nila ni Erika.

Arsela:"Naiintindihan kita pero kelan mo pa alam na si Tiffany ang killer? Anong


motibo niya para gawin samin to? Bakit sa dami-dami ng studyante dito sa St.Venille
kami pa?" Naiiritang sinabi ng dalaga. Nagbuntong-hininga si Erika at nagsimulang
gulu-guluhin ang kanyang buhok.

Erika:"Matagal ko nang alam lahat ng ito. Pumayag akong maging kasasbwat nila para
sa proteksyon ko at nang aking pamilya. Gusto niya tayong patayin, gusto niyang
ulitin ang mga nangyare." Biglang tumaas ang balahibo ni Arsela at naging mabigat
ang kanyang pakiramdam sa paligid. Nagiba rin ang tono ng boses ni Erika na para
bang may masama itong binabalak sa kanya. Humakbang si Arsela ng tatlong beses
patalikod at mahigpit na hinawakan ang kutsilyo sa loob ng kanyang bulsa. Tumayo
rin sa kanyang kinatatayuan si Erika at unti-unting lumalapit kay Arsela. Tinilt
niya ng kaunti ang kang kanyang ulo at ngumiti

Erika:"Oh bakit Arsela? Mukhang natatakot ka yata?" Nagtaka si Arsela dahil biglang
nag-iba ang tono ng boses ng kanyang kaklase. Naging ito maangas at may
pagkagaragal. Napansin ni Erika na nanginginig ang kamay ng dalaga, alam niyang
kinakabahan ito at natatakot sa mga possibleng mangyare. Nilabas ni Arsela ang
kutsilyong dala-dala na nasa kanyang bulsa at itinutok kay Erika. Makikita na medyo
nanginginig-nginig ang pagkakahawak ng dalaga sa kutsilyo.

Arsela:"Hindi ako natatakot sayo Erika. Huwag mo kong subukan, kahit na


magbestfriends tayo hindi mo pa kilala kung sino talaga ang totoong Arsela."
Nagpapanik na sagot ng dalaga. Hindi naman sumagot si Erika at tinawanan lamang ang
dalaga.

Erika:"Kilala kita Arsela, mula ulo hanggang paa. Don't act brave and strong,
tandaan mo ako lagi ang nagtatanggol sayo sa mga kaaway mo since first year natin
dito sa St. Venille. Hayaan mo, hindi ako ang tatapos sayo, kahit papano naman eh
may pinagsamahan tayo. Hahahaha!" Nakapangingindig balahibong sinabi ng dalaga.
Umupo lang si Erika sa sahig at pinanood ang dalaga. Sa sobrang takot ni Arsela ay
nabitawan niya ang kutsilyong dala-dala at tumakbo palabas ng nasabing kwarto.
Naiiwan naman si Erika sa sahig at tumatawa mag-isa. Hawak-hawak niya ang
kutsilyong naiwan ni Arsela at para bang pinaglalaruan ito sa pamamagitan ng
pagkakas-kas nito sa sahig. Pagkalabas na pagkalabas ng dalaga ay napansin niyang
hindi siya pamilyar sa kanyang paligid kaya naisip niyang humanap ng isang
telephone booth para tawagan ang local number ng St. Venille. Hindi niya magamit
ang kanyang cellphone dahil nawalan ito ng signal pero nairecord niya naman ang
lahat ng pinagusapan nila ni Erika. Pagkatapos ng ilang minutong paghahanap,
nakakita siya ng isang telephone booth sa may kanto. Tumingin-tingin muna ang
dalaga sa kanyang paligid upang suriin kung sinundan ba siya ni Erika. Tumakbo siya
ng mabilis sa telephone booth at agad sinarado ang pintuan. Mabilis niyang pinindot
ang mga numero ng kanilang eskwelahan sa telepono.

Arsela:"Pick it up! Come on, pick it up!" Natetense na sinabi ng talaga, wala
siyang ibang naririnig sa telepono kundi ring lang ito ng ring. Habang nakikinig sa
telepono ay bigla siyang nakarinig ng tunog ng kotse na parang papalapit ng
papalapit ito sa kanya. Habang hawak-hawak ang telepono, tumingin-tingin siya sa
kang kapaligiran. Napansin niyang may isang pulang kotse na parang aatrasan siya.
Arsela:"What the.." Mahina niyang bulong sa sarili, agad niyang binaba ang kanyang
hawak na telepono upang makaalis sa telephone booth pero huli na ang lahat.
Biglang nabasag ang isang bahagi ng booth na gawa sa salamin. Malakas ang
pagkakabasag dito kaya nasugatan ang dalaga sa kanyang dalawang binti. Nakita
niyang nakapasok ang tambutso sa loob ng telephone booth, hindi siya makalabas ng
pintuan dahil nahaharangan ito ng nasabing pulang kotse. Agad niyang tinapik ng
malakas at paulit-ulit ang mga salamin at nagbakasakaling mabasag niya ito pero
hindi siya nagtagumpay sa kanyang gustong mangyare dahil makakapal ang mga ito.
Hindi pa nagtagal ay biglang nagsimulang paandarin ng driver ang pulang kotse, agad
lumbas sa tambutso ang makapal at nakasusulasok na usok. Kahit na nahihirapan
siyang huminga ay hawak-hawak niya parin ang telepono at nagaantay ng sagot galing
sa eskwelahan. Ubo siya ng ubo at hindi na makahinga dahil sa naipong usok sa loob
ng telephone booth. Hindi niya na kinaya at bigla siyang napaupo sa gilid at
nabitawan ang telepono. Hindi pa nagtagal ay nawalan na ng buhay ang dalaga dahil
hindi siya makahinga ng maayos. Namatay si Arsela na nakadilat ang kanyang mga
mata. Mapapansing nagkulay dilaw ang kanyang dalawang mata dahil sa sobrang usok.
Nang mapansin ng driver na wala ng buhay ang dalaga, humarurot ito ng mabilis
palayo sa telephone booth.

Sa St. Venille, nasa school garden sina Hunter at Alexandra. Nakatingin sa kanya si
Hunter at parang may balak na gawin sa dalaga. Napalunok si Alexandra ng makita
niya ang nakapanlolokong ngiti ng binata. Humakbang patalikod si Alexandra ng tatlo
beses palayo sa binata at itinaas ang dalawang kamay ng mababa bilang signal na
"stop". Iba agad ang inisip ni Alexandra at nagsimulang mag-iba ang kinikilos nito.
Agad tumulo ang mga pawis sa mukha ni Alexandra at para bang hindi alam ang kanyang
gagawin.

Alexandra:"Hunter please don't. I maybe look like a bad girl but I'm still pure.
Some people think that I'm the school slut but I'm not. Kahit ganito ko kumilos,
may galang parin ako sa sarili ko." Nanginginig niyang sinabi sa binata.
Magsasalita pa sana ang dalaga ng biglang may inilabas si Hunter na isang bouquet
ng mapupulang rosas. Mayroon ring nakaipit na sulat sa may gilid ng bulaklak. Agad
namula ang mukha ng dalaga at hindi napigilan ang sarili. Niyakap niya ng mahigpit
si Hunter at hinalikan sa kanang pisngi.

Alexandra:"I love you babe,you're the best thing I've ever had." Mahinhing sinabi
ng dalaga sa kanyang kasintahan. Hinawakan niya si Hunter sa leeg at tinitigan sa
kanyang mga mata.

Hunter:"Hahaha, ngayon ko lang yan nari-" Masayang pagkasabi ng binata, natigil ang
kanyang pagsasalita dahil bigla siyang hinalikan sa labi ni Alexandra na ikinagulat
naman ng binata. Habang naghahalikan ang dalawa, nasa garden din sina Cj,Cameron at
Cathreen na pagala-gala lang sa campus. Nahuli nila ang dalawang kaklase sa
kanilang ginagawa. Agad tinakpan ni Cameron gamit ang kanyang dalawang kamay ang
mga mata ni Cathreen.

Cj:"Oisssst, kayo ha? Ano yang ginagawa niyo? Hahaha" Pabirong sinabi nito.
Cameron:"Tigil niyo nga yan, ambabata niyo pa eh." Saway ng binata, hinawakan ni
Cathreen ang kamay ni Cameron na nakatakip sa kanyang mga mata at inalis ito.

Cathreen:"Huwag mo nga kong takpan, sanay na ko jan." Naiinis niyang sinabi,


natigil naman ang dalawa sa kanilang ginagawa. Tinignan lang sila ni Alexandra at
biglang nagwalk-out.

Hunter:"Kasi kayo eh, yan tuloy umalis." Angal ng binata sa tatlo niyang kaklase.
Agad rin namang nagsimulang magturuan ang mga magkakaibigan.

Cathreen:"Kasi ikaw Cj eh, ang daldal mo masyado." Sisi ng dalaga sa kaklase na may
tonong natatawa.

Cj:"Anong ako? OA ah? Si Cameron kaya yung nagturo kaya natin sila nahanap." Sisi
niya sa kaklase na agad namang dinepensahan rin ang sarili.

Cameron:"Ako nanaman? Ayos ah?" Reklamo ng binata, pagkatapos nilang magsisihan ay


sabay-sabay silang nagtawanan. Nagpunta si Alexandra sa may likuran ng school kung
saan nandoon ang isang puno ng balete. Sumandal siya rito at nagbuntong-hininga.
Inilapat niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang labi at ngumiti.

Alexandra:"Moment na namin yun eh, nawala pa." Bulong nito sa kanyang sarili.
Maya-maya may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang paligid. Pakiramdam niya ay
parang may nanood sa kanyang mga kilos. Inayos niya ang kanyang buhok at tumayo.
Binuksan niya rin ang kanyang smartphone at nagsimulang kontakin ang kanyang mga
kaklase. Una niyang tinawagan ay ang kanyang kasinatahang si Hunter. Agad rin naman
sinagot ng binata ang tawag ng dalaga.

Hunter:"Hello Alex, nasaan ka na ba? Bakit ka biglang umalis? Galit ka ba? Kanina
pa ko hanap ng hanap sayo eh." Nalilitong tanong ng binata.

Alexandra:"Nandito ko sa may bandang likod ng school naten. Doon sa may punong


balete, malapit sa gate ng mga dorms. Hunter bili-" Naputol ang kanyang sinasabi
dahil bigla niyang nabagsak ang kanyang smartphone sa sahig. Mayroong tao sa
kanyang likuran at parang sinaksakan siya ng syringe sa leeg.

Hunter:"Alex? Alex? Hello? Hintayin mo ko jan Alex papunta na ko." Nagaalalang


sinabi ng binata. Nakita nila Cameron,Cathrine at Cj na parang nagpapanik si Hunter
kaya nagdesisyon silang sundan ang binata. Hindi niya pa binababa ang tawag ng
dalaga ng biglang may kakaibang boses siyang narinig.

:"Hi Hunter, I'll be waiting." Maarteng pagkasabi nito,


alam ng binata na hindi ito si Alexandra kaya mas lalo siyang nagmadali papunta sa
dalaga. Pagkadating niya sa lugar na sinabi ni Alexandra ay nagulat siya sa kanyang
nakita.

Hunter:"Alex! Alex! Ano nangyare sayo? Sh*t! Tulungan niyo ko." Nagmamakaawang
saklolo ng binata. Sumunod ring dumating sa lugar sina Cj, Cathrine at Cameron at
nakita ang binata. Hindi na sila nagalinlangan pa at pumunta sa kinatatayuan ni
Hunter upang tulungan ito.

CP29:Memento Mori >>

Nagulantang sila sa kanilang nakita. Nakabitin si Alexandra sa puno ng balete na


matatagpuan sa may bandang likuran ng St. Venille. Mayroong nakapulupot na makapal
na lubid sa leeg ng dalaga. Nakahawak si Alexandra dito at pilit tinatanggal ang
pagkakasuot nito sa kanyang leeg. Tumuntong si Cj sa isang malaking bato na
matatagpuan sa gilid ng punong balete at itinanggal ang tali. Ubo ng ubo si
Alexandra at naghahabol ng kanyang hininga. Nakahawak siya sa kanyang leeg, sa
sobrang higpit ng pagkakatali nito sa kanya ay may makikitang marka ng lubid sa
kanyang leeg. Agad namang niyakap ni Hunter si Alexandra at tuluyang naluha ang
binata dahil sa nangyare. Huli na ng dumating ang magkaibigang sina Angela at Aliza
sa nasabing lugar.

Hunter:"Ano nangyare sayo Alex? Promise me you won't leave me like Lacus did."
Nagaalalang sinabi ng binata habang yakap-yakap si Alexandra ng mahigpit.

Angela:"Oh? What happened?" Naguguluhang tanong niya sa kaklase. Nilingon siya ni


Cj at sinagot ang tanong ng dalaga.

Cj:"Late ka na girl, nagspiderman si Alexandra sa punong balete." Seryoso nitong


sinabi. Inalalayan ng mga binata si Alexandra papuntang clinic. Nahuli naman ng
kaunti sina Hunter at Aliza. Habang naglalakad sila ng mabagal ay pinaguusapan nila
ang mga nangyayare sa campus.

Aliza:"Don't you think it's kinda weird around here?" Tanong niya sa binata habang
nakacross ang arms. Tinaasan siya ng isang kilay ni Hunter.
Hunter:"Don't you think it's kinda late you said that? I don't know but I'm
actually enjoying it. Knowing someone is after for your life is kinda thrilling."
Sagot niya sa dalaga. Hindi naman ito sumagot at nagpout lang. Tumingin si Aliza sa
kanyang paligid at naalala ang nangyare kay Lacus.

Aliza:"You should stop dating girls who loves to hang theirselves on trees Hunter."
Biro niya sa binata at mahinang hinampas ito sa braso. Napatigil ang binata sa
sinabi ng dalaga at ngumiti.

Hunter:"Kelangan mo rin sigurong iwasan makielam sa buhay ng iba and don't act
strong in front of our classmates. Yang pinapakita mo sa labas, cover-up mo lang
yan. Piling mo ang lakas-lakas mo pero deep inside takot ka. " Sagot ni Hunter sa
dalaga at tumakbo ng mabilis para sundan sina Cameron. Sa may labas naman ng
campus, magkakasama ang magkakaibigang sina Alyssa,Zero,Zoey at Sakura. Pumunta
sila sa isang convenience store para bumili ng chips. Kinuha ni Alyssa ang V-cut sa
kanyang royal blue na slingbag at kinuha ang kanyang biniling oreo. Binuksan niya
ito at kinain ang isang piraso. Nakita nila sa may kanto na basag ang isang gilid
ng telephone booth at parang punong-puno ito ng usok. Ibinaba ng kaunti ni Alyssa
ang kanyang Ray-Ban Blue Flash lens shades.

Alyssa:"Oh? Anyare dito? Wanna check it out?" Tanong niya sa mga kasama. Ngumiti
naman si Zoey at tinignan lang ang kanyang ate na si Sakura.

Sakura:"Sige, pero after this we need to go back to school. Baka kanina pa tayo
hinahanap ng mga kaklase naten." Paliwanag niya sa mga kaklase. Tumango naman ang
lahat at dumiretso sa nakitang insidente. Nagpahuli naman ang binatang si Zero.
Nagbuntong-hininga ito at sumandal sa pader ng nasabing convenience store. Kinuha
niya sa kanyang bulsa ang kanyang iphone5s at binuksan ito. Makikita ang picture ni
Tiffany sa kanyang phone bilang background nito. Nakaskater-skirt siya dito na may
floral cropped top. Nakalugay ang buhok,nakasuot ng ray-ban flashlens na shades at
nakapose na peace. Napangiti siya sa kanyang nakita, dahan-dahan niyang nilapit ang
phone at para bang hinalikan ito.

Zero:"I wish I can but I can't" Bulong nito sa sarili. Natimingan naman na palabas
si Tiffany sa isang store na malapit sa convenience store at nakita si Zero na
nakasandal sa pader. Lumapit ito at ngumiti sa binata.

Tiffany:"Huy lalake! San ka ba galing kanina pa kita hinahanap eh." Bati niya sa
binata habang kinaway-kaway ang kanyang dalawang kamay.

Zero:"Tch, I've been here all along." Pa-cool niyang sagot sa dalaga. Nagpout naman
si Tiffany at crinoss ang kanyang arms sa binata.
Tiffany:"Oh? Bat mag-isa ka nanaman? Asan na yung mga kasama mo?" Nagbago ang tono
ng pananalita ng dalaga at naging seryoso. Tinitignan-tignan ang paligid at para
bang may hinahanap ito. Napakunot naman ang noo ng binata ng makita ang mukha ni
Tiffany.

Zero:"Pumunta sila dun oh." Matipid nitong sagot habang tinuro ang sirang
phonebooth sa kanto.

Tiffany:"Sh*t, this is bad..." Bulong niya sa kanyang sarili pero malakas ang
pandinig ng binata kaya kinalabit niya ito sa likuran at tinanong.

Zero:"Baket?Is everything alright Tiffany?" Hindi naman to pinansin ng dalaga at


ngunitian lamang siya. Hinawakan ni Tiffany ang kanang kamay ng binata at hinigit
papunta kina Alyssa. Nagulat sila sa kanilang nakita, nakaupo lang si Arsela sa
loob ng telephone booth at wala nang buhay. Dumarami ang tao sa paligid kaya medjo
nagkakasiksikan na. Malakas na ang kutob ni Sakura na si Tiffany nga ang pumapatay.
Humarap siya kay Zoey at binulungan ito sa tenga.

Sakura:"Sabihin mo kay Ate Alyssa mo salubungin niyo sina Tiffany para mahanap nila
tayo. Dito lang muna ko ha? " Utos niya sa kapatid. Ngumiti lang si Zoey at
tumungo, hinawakan niya sa kamay si Alyssa at inilayo malapit sa telephone booth.
Pumayag naman si Alyssa sa sinabi ni Zoey kaya lumayo muna sila para puntahan ang
dalaga. Habang nakatingin sa insidente ay nagmasid-masid sa paligid si Sakura.
Nakita niya ng kaunti ang color green na cellphone ni Arsela. Hindi ito mapapansin
agad dahil nakalabas lang ito ng kaunti sa bulsa ng dalaga. Naisipan niyang kunin
ito dahil baka mayroong siyang makuhang clues.Tumayo muna ang dalaga para tignan
kung malapit na sina Zoey. Lumipat siya kung saan andoon ang butas ng salamin.
Pasimple niyang inilusot ang kanyang kanang kamay sa butos upang kunin ang
cellphone ni Arsela. Nasugatan siya dahil nasaggi niya ang isang matulis na salamin
pero masaya rin siya dahil nakuha niya ang cellphone ng dalaga ng walang
nakakapansin. Dali-daling ibinulsa niya ang cellphone at tumayo.

Sakura:"Humanda ka na, sixth section will haunt you." Bulong nito sa sarili at
ngumiti. Napansin niyang hindi parin dumadating ang kanyang kapatid kaya
nagdesisyon siyang bumalik na ng St. Venille ng mag-isa para ipakita sa mga kaklase
ang kanyang nakuha. Nakahawak ng mahigpit si Zoey sa braso ni Alyssa at umiiyak.
Naalala niya kasi si Arsela, isa sa mga tinuring niyang tunay na ate sa kanilang
seksyon. Maya-maya pa ay nagkita na sina Alyysa at Tiffany. Agad bumitaw si Zoey sa
kanyang pagkakahawak kay Alyssa at tumakbo papunta kay Zero. Niyakap siya nito ng
mahigpit na ikinagulat ng binata. Yumuko ang binata habang hinahawi ang buhok ni
Zoey.

Zero:"Don't cry Zoey, everything's going to be alright." Ngumiti ang binata at


biglang huminto ang iyak ni Zoey. Nagulat rin sina Tiffany at Alyssa sa ginawa ni
Zero. Inabot ni Zoey ang mukha ni Zero at pinisil-pisil ang kanyang pisngi.
Zoey:"Kuya Zero, ang cute mo pala kapag ngumingiti ka eh" Natawa ang binata ng
mahina at tinignan si Zoey sa kanyang mga mata. Maaring snob, laging seryoso at
hindi palakausap si Zero sa iba niyang mga kaklase pero malapit ang puso niya sa
mga bata. Minsan, kapag wala siyang pasok sa school ay pumupunta siya sa isang park
at umuupo sa isang bench. Pinagmamasdan niya lang ang mga bata na maglaro, kapag
nakikita niyang nakangiti ang mga ito ay dahan-dahan rin siyang napapangiti sa
tuwa.

Zero:"Si kuya Zero muna bahala sayo ha? Sige, tara punta na tayo sa St.Venille at
baka hinahanap ka na ng ate Sakura mo." Tumango si Zoey sa alok ng binata. Nagulat
siya ng biglang pinasan siya nito sa kanyang likuran. Isinandal ni Zoey ang kanyang
mukha sa braso ni Zero. Malapit ng lumubog ang araw ng mga oras na yun, hindi pa
nakakalayo ang dalawa ay pinigilan sila ni Tiffany.

Tiffany:" Z-zero" Tawag niya sa binata. Nasa likuran niya naman si Alyssa na para
bang nakahawak sa kanang balikat ni Tiffany. Nilingon siya ng binata, ng may
nakapokerface na mukha.

Zero:"Ano yun Tiffany?" Seryoso nitong tinanong.

Tiffany:"K-kami na bahala kay Zoey, mauna ka na muna may pupuntahan lang kami."
Pautal-utal niyang sinabi sa binata. Tumaas naman ang kilay ng binata na para bang
nagsususpetsya sa mga ikinikilos ng dalaga. Dahan-dahan niyang ibinaba si Zoey at
hinawakan sa kamay.

Zero:"It's starting to get dark, where are you planning to go? I also think it's
not safe for Zoey, we're going back to St.Venille together. Sorry." Paliwanag ng
binata sa dalawang dalaga. Nagulat naman si Tiffany dahil ito lang ang unang beses
na nireject siya ni Zero. Biglang sumulpot si Erika sa likuran ng binata na may
hawak-hawak na bato at para bang hahampasin si Zero sa ulo para mawalan ito ng
malay. Nanlaki ang mga mata ni Tiffany at napasigaw.

Tiffany:"Huwag!" Malakas na sigaw nito pero huli na ang lahat, agad napahiga ang
binata sa sahig at nabitawan ang pagkakahawak kay Zoey. Hindi naman makapaniwala si
Zoey sa kanyang nakita. Umupo siya sa sahig at para bang shine-shake ang katawan ng
binata.

Zoey:"Kuya Zero, gising na. Sabi mo babalik na tayo kina ate Sakura? Kuya wag mo
kong iwan dito." Pakiusap niya sa binata pero hindi ito sumasagot. Nagsisigawan
naman sina Erika at Tiffany dahil sa nangyare.

Tiffany:"Why the hell did you do that?" Galit niyang tanong kay Erika.
Erika:"Bakit? I only did it for our safety? Huwag mo sabihing you fell for that
jerk." Pabalang niyang sinabi kay Tiffany. Nagbuntong-hininga ang dalaga.
Mapapansin ring may tumulong luha sa kanyang mga mata.

Tiffany:"Don't even try to compete with me Erika, know your limits." Babala niya sa
dalaga.

Erika:"Watch your words Tiffany, I know everything and I'm not afraid to exploit
your shitty doings to the whole school." Nagmamatapang niyang sagot sa kaklase.
Hindi naman ito nakapagdulot ng takot kay Tiffany at tinawanan lamang ang dalaga.

Tiffany:"Go ahead, see if I care" Mataray niyang sagot sa dalaga. Hindi naman
nagsalita si Alyssa sa nangyare at nginitian lamang si Erika. Nagtulong sina
Tiffany at Alyssa sa pagbuhat kay Zoey papunta sa kotse. Nang makalayo-layo na ang
kotseng sinakyan ng dalawang babae ay biglang nakareceive ng nagring ang kanyang
cellphone. Agad niyang dinukot ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa upang tignan
ito. Nakareceive siya ng isang text galing sa isang unknown number.

***

:" You're next."

***

Napalunok si Erika sa kanyang nakita at agad nanginig sa takot. Nagdesisyon siyang


pumunta pabalik sa St. Venille para sabihin ang kanyang mga nalalaman. Pagkadating
na pagkadating niya sa eskwelahan ay magaalas-syete na ng gabi. Una niyang tinignan
ay kung bukas pa ang principal's office. Alam niya na madalas magover-time ang
kanilang principal sa kanyang office lalo na ngayon dahil nasasangkot ang
ekswelahan sa maraming issues. Tumakbo siya papunta dito, nasa harapan na siya ng
pintuan ng principal's office. Bago niya buksan ang pintuan ay nagsign of the cross
muna siya at nagdasal. Kumatok siya ng tatlong beses at pumasok.

Principal:"Oh? Erika bat ka naparito? Anong oras na oh?" Mahinahong bati niya sa
dalaga habang may binabasang papel. Pumunta sa harapan ng principal's desk si Erika
at nagbow bilang sign ng paggalang. Pagkatapos ay umupo siya sa isang upuan sa
gilid ng principal's desk. Nagbuntong-hininga ang dalaga dahil hindi niya alam kung
tama ba o mali ang kanyang gagawin.

Erika:"I need to tell you something but please promise me na walang makakaalam na
ako ang nagsabi sa inyo nito." Nanginginig niyang sinabi sa principal. Mahahalatang
punong-puno na ng takot sa buong katawan ni Erika dahil hindi siya mapakali at
nanginginig ang kanyang dalawang kamay. Hindi naman nagsalita ang principal at
itinuloy niya lang ang kanyang ginagawa.

Erika:"A-alam ko po kung sino ang responsable sa lahat ng pagpatay dito sa St.


Venille." Napatigil ang principal sa kanyang ginagawa tinignan si Erika sa kanyang
mga mata.

Principal:"I know." Matipid at seryosong sagot ng principal sa dalaga. Napalunok si


Erika dahil sa inasal ng punong guro at tumayo. Dali-dali siyang pumunta sa harapan
ng pintuan para umalis na ng kwarto pero may sinabi ulit ang guro sa kanya.

Principal:"Don't even try to tell this to your classmates. Tandaan mo Erika, malaki
ang utang ng pamilya mo sa mga Mendoza. Be quiet for your family's sake. The game's
not over Erika and please don't ruin it." Babala ng guro. Hinawakan ni Erika ang
door knob ng pintuan at dahan-dahan itong inikot. Bago pa siya makalabas ay
tinignan niya ang isang salamin sa gilid na makikita kung anong ginagawa ng
principal. Nakita niyang ngumiti ang principal, binasa niya ang mga labi ng punong
guro. Sinasabi nito ang mga salitang "You're Next..."

Ell's Note --------

Memento Mori - an object serving as a warning or reminder of death

CP30:Le Pendu >>

Pagkalabas niya sa principal's office ay umupo muna siya sa may staircase ng


hallway. Nagisip-isip si Erika kung paano niya masasabi ang buong katotohan sa
kanyang mga kaklase. Nagisip siya ng isang bagay na alam niya na kahit na mamatay
siya ay makakatulong parin ito sa kanila. Naalala niya ang kanyang color dark blue
cattleya notebook na nakatago sa kanyang locker. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan
at pinakiramdaman ang kanyang paligid. Nakarinig siya ng mahinang tunog ng sapatos
na papalapit sa kanya. Napalunok siya sa kanyang kaba at takot na baka sina Tiffany
na ito. Tumakbo siya ng mabilis papuntang P.E Building dahil andoon nakalagay ang
mga locker ng mga studyante. Walang kaalam-alam si Erika na pinagmamasdan pala nila
Tiffany ang kanyang bawat galaw pero hindi nila alam na mayroon si Erikang
tinatagong notebook na naglalaman ng kanilang mga sikreto. Dahan-dahang pumasok si
Tiffany sa Principal's Office at sinarado ang pintuan nang padabog. Napakunot ang
noo ng punong guro sa inasal ng dalaga.

Tiffany:"Oh, any news for me?" Tanong niya sa punong guro at umupo sa antique chair
sa may gilid ng principal's desk

Principal:"Y-yes, Erika told me everything." Pautal-utal na sinabi ng punong guro


at halatang may takot ito sa dalaga.

Tiffany:"Hmmm, I need you to do something for me." Maangas niyang sinabi sa guro.
Napataas naman ang kilay ng punong guro sa tanong ng dalaga. Kumuha siya ng isang
ballpen at papel at nagbuntong-hininga.

Principal:"What can I do for you this time Tiffany? Hindi ba kayo nagsasawa sa mga
gi-" Naputol ang sinasabi ng principal ng biglang kinalabog ni Tiffany ang
principal's desk.

Tiffany:"At sinong nagsabi sayo na pwede kang magreklamo? Tandaan mo, sa


eskwelahang to, ako ang batas. Kung hindi ka susunod, pwede ka nang magpaalam sa
pamilya mo." Babala niya sa guro. Napalunok naman ang guro sa kanyang narinig,
tumalikod at parang may kinuha sa kanyang drawer. Pagkatalikod na pagkatalikod niya
ay parang may hawak-hawak na siyang kutsilyo at nakakatutok kay Tiffany pero
nagulat siya sa kanyang nakita. Nakangiti lang sa kanya ang dalaga habang
tinututukan siya ng baril.

Tiffany:"Oh? Ano? Gusto mo kong patayin? Hahaha, you've got to be kidding me."
Nanginig sa takot ang punong guro sa kanyang nasaksihan. Bigla niyang nabitawan ang
hawak-hawak na kutsilyo na parang walang kalaban-laban. Tumawa ulit ng pagkalakas-
lakas si Tiffany at umupo na mismo sa principal's desk. Nilapit niya ang kanyang
mukha at tinapat niya ang kanyang bibig sa tenga ng punong guro.

Tiffany:"Hmmm, let's make this more interesting..." Bulong niya sa punong guro.
Inilapag niya ang kanyang hawak-hawak na baril sa may desk at ngumiti.

Tiffany:"Syempre, hindi naman magiging kumpleto kung hindi ako makikipaglaro sa


punong guro ng St. Venille diba? Simple lang naman eh, pipili ka lang sa dalawa."
Tumayo si Tiffany at umupo sa may sofa na nakalagay sa gitna ng principal's office.
Umupo siya rito na para bang nasa sarili niya siyang bahay.

Tiffany:"Go kill yourself my dear principal or your family will be killed."


Matapang niyang sinabi. Mas lalong nagdulot ito ng takot sa guro. Habang busy ang
dalawa na magkausap ay hindi nila alam na nasa labas lang pala si Ms. Gomez at
nakikinig sa paguusap ng dalawa. Nagulat siya sa inasal ng dalaga, tinakpan niya
ang kanyang bibig sa pamamagitan ng dalawa niyang kamay. Dahan-dahan na kinuha ng
principal ang nasa harapan niyang baril at parang ipinasok ito sa loob ng kanyang
bungaga. Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ng principal pero hindi ito
pinansin ng dalaga at nagalit pa ito. Kinuha niya ang vase na nakapatong sa isang
lamesa at malakas na inihagis ito sa sahig.

Tiffany:"Ano ba! Gagawin mo ba o ano? Naiinip na ko, marami pa kong gagawin." Sigaw
ng dalaga sa guro. Alam niya na pwede niyang patayin kung gugustuhin niya si
Tiffany dahil hawak niya ang baril pero natatakot siya na baka galawin ng pamilyang
Mendoza ang kanyang pamilya. Pinikit ng punongguro ang kanyang mga mata at
pinakawalan ang trigger ng baril. Maririnig ang napakalakas na putok ng baril sa
buong 2nd floor ng Academic building. Kumalat ang dugo ng punongguro sa buong
kwarto, namanchahan ang mga libro,documents at kung anu-ano pa.Napaupo naman at
nanghina ang nakikinig sa labas na si Ms. Gomez. Nakabukas lang ang mata ni Tiffany
at dahan-dahang ngumiti. Maya-maya ay bigla itong tumawa na parang nawawala sa
kanyang sarili. Tumayo siya sa sofa at nilapitan ang wala nang buhay na guro.
Pinadulas niya ang kanyang hintuturo sa dugong tumalsik sa principal's desk.
Tinikman niya ito at tumawa.

Tiffany:"Hmmm, yan ang mga napapala ng mga kumakalaban saken." Napatingin bigla ang
dalaga sa may CCTV Camera na nakalagay sa may gilid ng kwarto. Ngumiti siya rito at
kumaway-kaway na parang bata.

Tiffany:"It's a good thing na sira ang CCTV Camera ngayon sa school." Mahina niyang
sinabi sa sarili. Kinuha niya ang kanyang bag at agad lumabas sa principal's room.
Nadatnan niya si Ms. Gomez sa lapag at umiiyak. Ngumiti lamang siya dito at
lumapit.

Ms. Gomez:"You've become a monster." Mahinang sinabi ng guro. Natawa si Tiffany sa


sinabi sa kanya ng guro at ginulo-gulo ng dalaga ang buhok ng kanyang guro.

Tiffany:"There's always a monster living inside us." Sagot niya sa guro, hindi niya
ito masyadong pinansin at tumalikod. Tumayo si Ms. Gomez sa kanyang pagkakaupo sa
sahig at pumasok sa loob ng principal's office. Nagulat ang guro sa kanyang
nadatnan at wala na siyang ibang ginawa sa loob kundi magsisisigaw.

Sa may kabilang building ay nasa loob parin ng girl's locker room si Erika. Hawak-
hawak niya na ang kanyang notebook na naglalaman ng sikreto nila Tiffany. Hindi
siya mapakali at paikot-ikot lang siya sa isang lugar. Inilagay niya ulit ang
kanyang notebook sa loob ng kanyang locker at iniba ang passcode nito. Dumiretso
siya sa C.R. na katabi ng locker room at may nakitang tissue paper. Kinuha niya ang
kanyang ballpen sa bulsa at isinulat ang instructions kung paano makuha ang
notebook. Inilagay niya rin sa gilid ng tissue paper ang passcode ng kanyang
locker. Bago pa man siya lumabas ng banyo ay nakita niyang bumukas nasa dulong
cubicle. Tumakbo siya ng mabilis at pumunta sa Dorm B, una niyang nakita ay ang
kwarto nila Aliza. Bago siya pumunta ay pinakiramdaman niya ang kanyang paligid.
Tumalikod siya at nagmasid-masid, laking gulat niya ng makita si Tiffany na nasa
dulo ng hallway. Hawak-hawak niya palang ang kanyang maskara at para bang isusuot
pa lamang ito. Tumakbo siya ng mabilis papunta sa harapan ng kwarto nila Aliza.
Nang makarating siya rito ay agad siyang kumatok, sinipa-sipa ang pintuan at kung
ano-ano pang ingay para magising sina Aliza. Bigla siyang napahinto ng makitang
naglalakad na palapit sa kanya ang dalawang nakamaskarang babae. Napalunok siya sa
kanyang nakita at umatras ng tatlong beses paurong. Papatakbo palang sana siya ng
biglang hinagis ni Tiffany ang kutsilyong pagmamay-ari ng principal kay Erika.
Natamaan siya sa bandang likuran, napaupo ang dalaga dahil dito. Malalim ang
pagkakabaon ng kutsilyo sa kanyang likod. Pumunta si Tiffany sa kanyang harapan at
dinuraan ang dalaga.

Tiffany:"You think you can get away from me huh?" Tanong niya sa dalaga at sinipa-
sipa ito. Tinanggal naman ng isa ang kanyang maskara at ngumiti.

Alyssa:"Let's end her bago pa may makakita saten." Seryosong niyang pagkasabi.
Hinatak palabas ni Alyssa ang kutsilyong nakabaon sa likuran ni Erika. Hinawakan
niya ang kutsilyo ng mahigpit at itinutok sa ulo ng dalaga.

Alyssa:"Any last words?" Tanong niya sa kaklase pero nginitian lang siya nito.
Erika:"It's not too late for you Alyssa, pwede ka pang magba-" Hindi na natuloy ang
sinasabi ni Erika dahil ibinaon na ni Alyssa ang kutsilyo sa ulo ng dalaga. Hinatak
nilang dalawa ang bangkay ni Erika at dinala ito sa isang lugar. Huli na ng
magising si Aliza, wala na si Erika at ang dalawang babae nang buksan niya ang
pintuan. Nagulat siya sa kanyang nakita, ang sahig ay punong-puno ng dugo at
nagform ito ng isang blood trail.

Aliza:"A-ano nangyare dito?" Nagtataka niyang tanong sa sarili, pumasok siya ulit
sa kanilang dorm at sinubukang gisingin si Cathreen.

Aliza:"Cath, you need to see this. There's blood all over the floor." Nagpapanik
niyang sinabi sa kaklase pero hindi ito pinansin ng kanyang kaklase.

Cathreen:"You must be seeing things Aliza, go back to sleep. It'll be over


tomorrow." Mahinhing sagot sa kanya ng kaklase. Umupo si Aliza sa couch at nagisip-
isip. Hindi siya matahimik at para bang may bumabagabag sa kanyang isipan.

Aliza:"I can't let them do this to my other classmates." Matapang niyang bulong sa
sarili. Kinuha niya ang isang flashlight sa kanyang drawer at nagbaon ng isang
kitchen knife mula sa sa kitchen. Dahan-dahan siyang lumabas ng kanilang dorm pero
hindi niya alam na nagising na pala ng tuluyan si Cathreen. Sinundan ni Aliza kung
saan patungo ang dugo. Napad-pad siya sa may bandang likuran ng kanilang
eskwelahan. Napalunok siya ng makitang nawala na ang dugo sa sahig. Dahan-dahan
niyang itinaas ang kanyang hawak-hawak na flashlight. Napaupo siya sa kanyang
nakita, nakabitin si Erika sa puno ng balete. Nakatingala lang siya dito at para
bang pinagmamasdan ang kaklase. Hindi siya makapagsalita sa sobrang takot. Biglang
may tumulong dugo sa kanyang mukha. Dahan-dahang dumulas ang kutsilyo sa ulo ni
Erika at nahulog ito sa sahig. Nagdulot ito mas malaking takot kay Aliza. Tinakpan
ni Aliza ang kanyang ulo at nagsisimulang magsisigaw. Nagmamasid-masid naman si
Cathreen habang naglalakad nang marinig ang sigaw ng kaklase. Sinundan niya ang
tunog nito, nakita niya si Aliza sa harapan ng isang nakabitin na babae sa puno ng
balete. Tumakbo siya papunta dito at niyakap ang kaklase. Nanlaki ang kanyang mga
mata ng makitang si Erika pala ang nakabitin dito. Dahan-dahan niyang itinayo ang
kaklase at inutusang bumalik ng dorm.

Cathreen:"Bumalik ka na ng dorm, I'll try to call the police for some help."
Mahinahon niyang sinabi sa kaklase. Tumango naman si Aliza at tumakbo papunta sa
kanilang dorm. Dinukot ni Cathreen ang kanyang smartphone sa kanyang bulsa at
sinubukang tawagan ang mga police. Laking tuwa niya ng mayroong sumagot dito pero
may napansin siyang kakaiba sa kabilang linya.

Cathreen:"Hello is this the police? You need to help us, there's a dead body here
in St. Venille. Please, tulungan niyo kame, parang awa niyo na." Pagmamakaawa niya
sa telepono. Nagulat siya nang biglang tinawanan lamang siya nito.

:"Shhh, don't be scared. Nakikita kita ngayon, akong bahala sayo." Napalunok siya
sa kanyang narinig at agad nanginig ang kanyang buong katawan sa takot. Nabitawan
niya ang cellphone at tumakbo. Maririnig sa cellphone ang tawa ng isang babae na
parang nawawala sa kanyang sarili.
Ell's Note --------

Le Pendu means "The Hanging Man". It represents passivity, the events over which we
have no control. It is also a stage of mysticism.

CP31:Sacrifices >>

Wala nang ibang nagawa si Cathreen kundi magtatatakbo sa kanyang takot. Hindi niya
maiwasang isipin ang mga binitawang salita sa kanya ng nasa kabilang linya. Habang
tumatakbo, nakita niya ang kanyang kaklaseng si Eugene na nakasandal sa pader ng
kanilang kwarto. Wala na siyang maisip na ibang paraan kundi ang humingi ng tulong
ng ibang tao.

Cathreen:"E-Eugene, you've got to help me. Erika's dea-" Hingal na hingal niyang
sinabi at pawang hindi maintindihan ang iba dahil sa paputol-putol ito. Pawis na
pawis ang dalaga at hindi maipaliwanag ang kanyang mukha. Inilagay ni Eugene ang
kanyang dalawang kamay sa braso ng dalaga at nagsalita.

Eugene:"Calm down, calm down. You need to rest, bukas nalang natin to pag-usapan sa
harap ng buong klase, Okay?" Mahinahon niyang pagcocomfort sa dalaga. Ngumiti si
Cathreen at biglang niyakap niya ng mahigpit ang binata.

Cathreen:"Thank you gene, you're always there for me." Sambit niya sa binata. Hindi
pa nagtagal ay bumalik na ng Dorm B ang dalaga upang magpahinga. Naiwan namang mag-
isa si Eugene sa labas at nagmumuni-muni lang. Na-agaw ang atensyon ng binata dahil
sa malakas na ingay na nangga-galing sa may Academic Building sa kanyang harapan.
Nakakita siya ng isang babaeng nakamaskara na may hawak-hawak na palakol na
pinapadulas sa sahig. Agad nagdulot ito ng hindi maipaliwanag na kaba sa binata.
Mas lalo siyang nacurious ng huminto ang dalaga, humakbang siya ng limang beses
paharap sa building upang makita ng mabuti ang misteryosong babae. Tumaas ang
kanyang mga balahibo sa katawan ng maramdaman niyang nakatingin sa kanyang
direksyon ang babae, napatakbo siya sa takot ng biglang kumaway sa kanya ito.

Kinabukasan ng umaga, sa may hindi kalayuan sa school, nagising si Zero sa isang


hotel. Pagkabangon na pagkabangon niya ay agad siyang nakaramdam ng matinding
pagkahilo. Pinilit niyang tumayo sa kama at dumiretso sa banyo para manalamin.
Nakita niya na nabigyan na din siya ng paunang lunas sa kanyang sugat dahil mayroon
nang nabulak na nakatakip rito. Agad pumasok ang iba't-ibang klaseng tanong sa
kanyang isipan. Bumalik siya sa kama at humiga, tinignan niya lang ang kisame at
sinusubukang alalahanin ang nangyare. Makalipas ang ilang minuto ay may pumasok na
babae sa loob ng kwarto. Mabilis niyang nakilala ito dahil sa kanyang uniporme.
Umupo ito sa kanyang tabi at inakbayan ito. Napansin niya rin ang ngiti ng babae
dahil sa kanyang kondisyon.

Ms Gomez:"Oh, kumusta pakiramdam mo?" Masiglang tanong ng guro sa kanyang


studyante. Yumuko lang ang binata at walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha.
Zero:"Ano nangyare? Bakit ako nandito? Nasaan na si Zoey?" Sunod-sunod na tanong ng
binata sa kanyang guro. Kumunot ang noo ni Ms. Gomez nang marinig ang mga tanong ng
binata.

Ms.Gomez:"Akala ko ba eh kasama mo si Zoey?" Dahan-dahang tumayo si Zero at


naglakad papunta sa pintuan. Napatayo ang guro at nagbalak na pigilan ang binata
dahil hindi pa masyadong magaling ang sugat nito sa ulo.

Ms.Gomez:"Oh? San ka pupunta? Hindi pa masyadong magaling yung sugat mo. Magpahinga
ka muna." Napahinto ang binata sa kanyang paglakad at nilingon ang guro.

Zero:"I need to find Zoey." Matipid na sagot ng binata. Lumabas na ng pintuan si


Zero pero naiwan naman sa loob ng kwarto si Ms. Gomez. Lumuhod siya sa may tapat ng
nakasabit na krus sa kwarto at nagdasal. Nagsimulang magsibagsakan ang mga luha sa
kanyang mga mata.

Ms.Gomez:"Oh Diyos ko! Sana po ay mapatawad niyo po ako sa aking kapabayaan. Kung
una pa lamang ay tinulungan ko na sila, sana hindi dumami ang buhay na nawala. Sana
po ay gabayan niyo ang aking mga estudyante at gawin niyo po silang ligtas sa lahat
ng oras."

Nang matapos ang kanyang pagdadasal, nabalot ang buong kwarto ng nakakabinging
katahimikan. Nakayuko lamang siya at tuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Napatingin siya sa pinto dahil mayroon siyang narinig na tunog ng sapatos. May
dumulas na pulang sobre sa ilalim ng pinto at saktong huminto ito sa kanyang
harapan. Dahan-dahan niyang pinulot ang sobre gamit ang kanyang dalawang
nanginginig na kamay. Nagulat siya nang makitang mayroong lamang litrato ang sobre.
Ito ay ang kanilang class picture, lahat ng mga namatay na estudyante ay may mga
markang ekis sa kanilang mga mukha. Napansin niyang mayroon nang "X" sa mukha ng
kanyang estudyanteng si Eugene at si Zoey. Mabilis na tumayo ang guro sa kanyang
kinauupuan at nagmadaling lumabas ng pinto. Pinuntahan niya muna ang front desk
para tanungin kung saan nagtungo si Zero.

Ms. Gomez:"Miss, may napansin ba kayong binata na nakauniform ng St. Venille? Uhmm,
may sugat siya sa kanyang ulo." Tanong niya sa babaeng receptionist, pero tinuro
langn nito ang pintuan.

Receptionist:" Ahh, opo ma'am. Chineck-out niya na rin po yung room and siya na rin
po nagbayad. Nagmamadali po siyang lumabas eh, para pong may hinahabol." Sagot sa
kanya ng babae. Hindi pa nagaaksaya ang guro ng oras at agad lumabas ng hotel para
magpunta pabalik sa eskwelahan pero parang may pumipigil sa kanyang binabalak.
Hindi siya makasakay ng taxi o ng kahit anong sasakyan dahil puro may mga laman
ito. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakalagay sa bag at sinubukang tawagan si
Erika ngunit walang sumasagot sa kanya. Alam niyang medjo may kalayuan ang
eskwelahan sa kanyang kinatatayuan pero hindi siya nagdalawang-isip na lakarin
nalang ito para sa kanyang mga estudyante.

Ms.Gomez:"If I can't save myself, atleast I can save them. It's a teacher's
obligation to look out for her students. Mas gugustuhin ko pang mamatay nang may
nagawang mabuti sa mundo. Buong buhay akong naging sunod-sunuran sa iba, sa tingin
ko ito na ang oras para kumilos ako. Hindi man ako maalala ng ibang tao bilang
isang magaling na guro, atleast maalala man lang ako ng mga studyante ko. " Bulong
niya sa kanyang isip.

Sa St.Venille naman, magkakasama ang lahat ng magkakaklase ng sekyon 6 sa kanilang


classroom. Naka-upo sila according sa kanilang seat plan at mahahalatang dama ng
bawat isa ang lungkot dahil sa kanilang nauubos na bilang. Mayroon ding mga
nakalagay na bulalak sa mga upuan ng mga sumakabilang-buhay nilang kaklase. Nagulat
ang lahat ng makitang pumasok si Zero sa loob ng classroom at dumiretso sa harap.
Nagmasid-masid muna ang binata kung sino ang mga wala. Napansin niyang wala sa
kanilang mga upuan ang kanyang mga kasama nung gabing nawalan siya ng malay. Ito ay
sina Tiffany, Alyssa at Zoey. Nagulat ang lahat ng biglang ibinagsak ni Zero ang
kanyang dalawang kamay sa teacher's desk ng napakalakas.

Zero:"Where's Zoey?" Tanong niya sa mga kaklase. Napatigil naman si Sakura sa


paglalaro ng rubber band sa tanong ng binata.

Sakura:"Eh diba kasama mo siya? Nasaan na nga ba si Zoey? Kagabi ko pa siya


hinahanap pero hindi ko siya makita." Seryosong tugon ng dalaga. Nakatingin lang
siya binata at muling ipinagpatuloy ang kanyang paglalaro. pinapaikot-ikot ang
isang rubber band sa dalawa niyang hintuturo. Maya-maya ay biglang may tumunog sa
speaker na nakaagaw ng atensyon ng lahat ng studyante sa sekyon 6.

:"Hi classmates, namiss kong makipaglaro sa inyo, sana


mapagbigyan niyo ko sa larong ito. Gusto ko lang naman matest kung talagang mataas
ang IQ ng Top 1 ng seksyon na to eh. Kung gusto niyong sumali, lumabas kayo sa
classroom niyo at makikita niyo ang hinahanap niyo."

Biglang napigtas ang pinaglalaruan na rubber band ni Sakura at nakaramdam ng


mabigat na kaba sa kanyang dibdib. Agad siyang lumabas ng classroom upang tignan
kung ano ang sinasabi ng misteryosong tao. Naiwan naman si Eugene at si Angela sa
loob na parang walang pakielam sa nangyayare. May nakitang isang box ng cupcakes si
Eugene sa gilid at napangiti. Pasimple niya itong kinuha at walang balak na
magshare sa iba niyang kaklase. Kinalabit niya si Angela sa likuran pero hindi agad
ito pinansin dahil busy ang dalaga sa paglalagay ng kanyang contact lens.

Eugene:"Psst, gelai may nakita kong cupcakes dito sa lapag oh. Wannt some? It's
about time for St. Venille to give us free food. I'm starving already!" Anyaya niya
sa dalaga, halatang may halong exitement sa mga mata ng binata sa nakitang pagkain.
Mula pagkabata kasi niya ay hindi siya pinapayagan ng kanyang mga magulang na
kumain ng sweets. Ang pwede niya lang kainin sa loob ng kanilang bahay ay puro
gulay lamang dahil vegetarian ang kanilang pamilya. Binuksan niya ang kahon at
sumalubong sa kanya ang 5 cupcakes na may iba't-ibang kulay ng frosting. Naliligo
rin ang bawat cupcakes sa makulay na springkles. Mas lalo siyang natakam sa kanyang
nakita. Napansin niyang silang dalawa na lamang ni Angela ang nasa loob ng
classroom dahil lumabas ang iba para tignan ang sinasabi ng misteryosong tao sa
speaker. Papakagat palamang siya ng biglang nahinto dahil tumayo si Angela.

Angela:"Eugene, wanna go outside? Nandun kasi silang lahat and baka may mamiss
tayong interesting scenes. Let's go?!" Anyaya niya sa binata pero nginitian lamang
ito at tumango habang hawak-hawak ang isang box ng cupcakes.

Eugene:"S-sure, I'll be there in a bit, I'll just eat these cupcakes." Sagot ng
binata, nagsign language naman si Angela ng letrang "K" sa harap ng binata at
umalis. Nang maiwan si Eugene sa loob ay nagbuntong hininga muna ito at dinasalan
muna ang pagkain. Pagkatapos na pagkatapos niyang magdasal ay kumuha agad siya ng
isang cupcake sa loob ng box.

Eugene:"I deserve to have this." Bulong niya sa kanyang sarli at inumpisahang


kagatan ang cupcake. Maya-maya ay parang binibilakuan na ang binata. Agad niyang
inilabas ang kanyang dila at parang inaalis ang kinagat na cupcake sa pamamagitan
ng dalawa niyang kamay. Mayroong lamang mga thumbtacks ang cupcake na nagdulot ng
mga sugat sa iba't-ibang bahagi ng kanyang bunganga. Mabilis na lumabas ang dugo sa
kanyang bibig dahil sa mga sugat lalong-lalo na sa kanyang dila na parang nabitak-
bitak dahil sa dami ng thumbtacks. Tinakpan niya ang bibig at nagpanik sa takot.
Naisip niyang uminom ng tubig at baka sakaling mapatigil nito kahit papaano ang
pagdudugo ng mga sugat. Nakita niya ang kanyang water bottle sa sahig at dali-
daling binuksan ito. Nakita niyang kakaiba ang kulay ng tubig sa loob ng bote pero
hindi niya na ito masyadong tinuunan ng pansin dahil nagpapanik na siya kung ano
ang kanyang gagawin. Mabilis niyang ininom ang tubig hanggang sa naubos ang laman
ng bote. Napahinto siya at umupo sa kanyang umupan habang nakalabas ang dila.
Tuloy-tuloy parin ang pagtulo ng dugo sa mga sugat nito. Maya-maya ay biglang
huminto ang pagfunction ng kanyang mga lungs dahil mayroong droga na nakahalo sa
kanyang tubig. Agad siyang bumagsak sa sahig at nawalan ng buhay. Sa labas naman ng
classroom ay nakakumpol-kumpol ang mga magkakaklase. Nakaplay sa isang maliit na
monitor ang isang footage ng CCTV. Nagulat ang lahat ng unang ipakita sa camera ang
dalawang stufftoy na sina Mr. Nameless at Mika na wala nang mga ulo. Sumunod na
ipinakita sa video ay ang sitwasyon ni Zoey. Nakahiga siya sa isang kahoy, nakapako
ang kanyang mga kamay at paa dito at hindi siya makaalis. Iyak lamang ng iyak ang
dalaga at sinisigaw ang pangalan ng kanyang kapatid na si Sakura.

Zoey:"Ate Sakura! Help me, you promised na hindi mo ko papabayaan but if I won't
survive this ate, please avenge my death." Sigaw ng dalaga na halatang nahihirapan
sa kanyang sitwasyon. Napa-upo si Sakura sa sahig at nagsisigaw na para bang
nawawala sa kanyang sarili.

Sakura:"Please wag si Zoey! Ako na lang, I'm willing to die for my sister. Ako
nalang ipalit mo sa sitwasyon niya total wala na namang kwenta tong buhay ko.
Please kill me! I'm begging you, ako nalang patayin mo! Huwag mo nang idamay ang
kapatid ko dito." Pagmamakaawa niya sa harap ng monitor pero tinawanan lamang siya
nito. Mabilis na inilabas ni Sakura ang nakalagay na kutsilyo sa kanyang bulsa at
hinagis sa monitor. Saktong tinamaan ito at nabasag ang salamin nito.

Sakura:"Ahhhhhhhhh!" Nababaliw niyang sigaw, nagkatinginan ang magkakaklase at


niyakap agad si Sakura. Sinusubukan nilang bulungan si Sakura na maayos din ang
lahat, na maliligtas nila si Zoey at iba pa. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang
lahat ng monitor sa hallway at nakita nila ulit ang sitwasyon ni Zoey.

:"Aww, nakakatouch ka naman. I'm sorry Sakura but I want


to play with St.Venille's Valedictorian. Hahahaha! "

CP32:Sisterhood >>

Nakahiga si Zoey sa isang kahoy na kasing hugis at kasing tangkad niya. Para bang
pinasadya ang kahoy na ito para sa kanyang katawan. Nakastretch ang kanyang kamay
at nakabukaka naman ang kanyang paa, ang apat na corners ng kahoy ay may nakabaon
na malalaking pako. Nakasuot si Zoey ng sira-sira niyang uniporme ng St. Venille.
May malaking butas sa kanyang damit sa may bandang tiyan, sa gitna nito ay may
markang ekis na kulay pula. Mahahalata rin sa kanya ang kanyang mabilis na
paghinga habang nakatingin sa dalawang manika nila ni Sakura. Mayroong nakapwestong
kahoy na lamesa sa gilid ni Zoey, dito nakapatong ang stufftoys nila na sina Mister
Nameless at Mika. Wala nang ulo ang dalawang stufftoy at napansin rin ni Zoey na
kakaiba ang kulay ng bulak na nasa loob ng dalawang stufftoy. Kulay itim ito at
mayroong pang mga gumagapang na malalaking uod. Gusto mang gumalaw ni Zoey ay hindi
niya magawa dahil sa malalim na pagkakapako sa kanya sa kahoy. Pinagmasdan niya ang
paligid at nagbakasakaling may mahanap na pangtanggal rito, ngunit nabigo siya sa
kanyang balak na gawin. Dahan-dahang bumukas ang lumang pintuang kahoy sa kwarto at
agad narinig ang mabibigat na hakbang ng isang babaeng nakamaskara. Nakasuot ito ng
maskara na kamukhang-kamukha ng kanyang stufftoy. Tumalon-talon ito na parang isang
bata at humarap kay Zoey. Tumawa ito ng mahina at kinaway-kaway ang kanyang
dalawang kamay.

:"Hi Zoey! Gusto mo bang maglaro? Tara, laro tayo." Anyaya niya
sa dalaga at nasundan ng nakakahindik balahibong tawa. Umupo siya sa sahig at
naglabas ng dalawang manikang laruan.

Sa St. Venille naman ay mayroong mararamdamang nakabibinging katahimkan sa hallway.


Lahat ng kanilang mga mata ay tutok na tutok sa lcd sa hallway. Nakayakap naman si
Alexandra sa kanyang kasintahan na si Hunter. Mahigpit na mahigpit ang akap nito na
para bang kulang nalang ay isiksik niya ang kanyang sarili sa binata.

Alexandra:"H-Hunter, I'm scared." Bulong niya sa binata. Tinignan lang siya nito sa
kanyang mga mata at kinindatan ito na nasundan ng matamis niyang mga ngiti.
Hunter:"Don't worry baby, your superman is always here." Biro nito sa dalaga.
Yumuko lang si Alexandra at nagpout. Inilapat niya ang kanyang mukha sa kanang
braso ng binata para maiwasang mapanood kung anong mangyayare kay Zoey. Para namang
walang buhay na nakaupo si Sakura sa gitna ng hallway habang nakatitig sa lcd.
Nanginginig ang kanyang buong katawan na para bang mayroong malalim na iniisip.
Maya-maya pa ay narinig na nila muli ang misteryosong boses ng isang babae.

:"Simple lang naman ang gusto ko eh, gusto mong iligtas si Zoey
diba? Halika, maglaro tayo Sakura. Hahahahahaha!" Anyaya niya sa dalaga. Dahang-
dahang tumayo si Sakura sa kanyang kinauupuan na para bang isang basang sisiw.
Nakayuko lamang siya at sinagot ang alok ng misteryosong boses.

Sakura:"I'll do whatever you want, just p-please let Zoey go." Mahina niyang tugon
pero tinawanan lang siya nito at para bang walang kaemo-emosyon sa sitwasyon ng
dalawang magkapatid.

:"Simple lang naman tong larong to eh, sa ilalim ng desk ni Ms.


Gomez ay mayroong nakadikit na Class Picture. Gusto ko sanang markahan mo ng sunod-
sunod ang pagkamatay ng mga kaklase niyo. Huwag niyo rin subukang makielam kung
ayaw niyong mapadali ang buhay nitong pinakamamahal na Valedictorian naten." Sabi
niya habang nasa harapan ni Zoey at pinapadulas ang kutsilyo sa pisngi ng dalaga.
Nang marinig ni Sakura ang ibinigay na panuto ay mabilis itong pumunta sa loob ng
classroom at kinapa agad ang ilalim ng table ni Ms. Gomez. Hindi niya na masyadong
pinansin ang katawan ni Eugene na nakahilata sa sahig. Mayroong kulay asul na
likido ang lumalabas sa bibig na binata at puro bula ito. Nang matanggal niya na
ang pagkakatape sa lamesa ay agad itong lumabas. Pagkalabas na pagkalabas niya ay
sinalubong siya ng isang kulay pulang marker na dahan-dahang gumugulong sa sahig
papunta sa kanya. Napatingin siya sa kanyang mga kaklase na halatang takot na takot
sa mga posibleng susunod na mangyare. Dahan-dahan niyang pinulot ang marker at agad
inalis ang takip nito.

:"Tandaan mo, isang beses ka lang pwedeng magkamali kung


hindi.." Babala niya sa dalaga sabay pinadaan ang kanyang hintuturo sa kanyang
leeg na senyas na "papatayin ito kapag siya'y nagkamali." Umupo si Sakura sa
harapan ng kanyang mga kaklase at inumpisahang markahan ng ekis ang mga namatay
sunod-sunod. Una niyang minarkahan ay si Bianca, sumunod si Jacob, na sinundan
naman ni Shini,Xyza at iba pa. Napahinto siya nang sisimulan niya nang markahan ang
mga kaklase niyang mamatay palang. Nagbuntong hininga siya at halatang hindi alam
kung sino ang isusunod.

:"Ano na? Bilis-bilisan mo naman kung ayaw mong mawala ang


kapatid mo. Tsaka bakit nga ba concern na concern kay Zoey ha? Eh hindi ba't hindi
naman talaga kayo tunay na magkapatid? Sabagay, mas mainam na ngang hindi kayo
magkapatid, kasi alam ko namang hindi mo siya kayang iligtas." Nang marinig ni
Sakura ang mga masasakit na sinabi sa kanya ay agad tumulo ang kanyang mga luha sa
kanyang dalawang mata. Ngumiti lang siya at dahan-dahang nilagyan ng ekis ang
kanyang mukha sa class picture. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Sakura. Tumayo si
Cameron at pinigilan ang dalaga sa kanyang ginagawa.

Cameron:"Tama na nga yan Sakura, pinahihirapan ka lang niya. Kahit na mai-tama mo


ang pinapagawa niya eh hindi ibig-sabihin nun ay basta-basta niya nalang
papakawalan si Zoey. Pinaglalaruan niya lang ang emosyon mo Sakura, wag kang
magpatalo sa kanya." Sigaw niya sa dalaga habang shineshake niya ang dalawang braso
ng dalaga. Dahan-dahang itinaas ni Sakura ang kanyang ulo at tumingin sa dalawang
mata ng binata.

Sakura:"Ano pa bang pwede kong gawin Cameron ha? Tumanga nalang ako dito habang
pinapanood na unti-unting namamatay yung kapatid ko. Wala kong sense sa mundong ito
kung mawawala rin siya. Matagal kong hinintay na tanggapin niya ko Cameron, iyun
lang ang pangarap ko sa buhay, ngunit ang naging daan kung bakit kami nagkabati ay
siya rin palang daan kung saan kami magkakahiwalay." Mangiyak-ngiyak niyang sagot
sa binata. Natigil si Cameron sa kanyang kinatatayuan na para bang tumigil ang
kanyang mundo. Tumakbo naman si Angela at Cathrine kay Sakura at sinubukang
patahanin. Hindi pa nagtagal ay narinig nila muli ang boses sa speaker. Naghikab
ito at mahahalata sa kanyang boses na wala itong interes sa kung ano man ang
nararamdaman ni Sakura sa sitwasyon kanyang hinaharap.

:"Tapos na ba kayo jan? Sayang Sakura, pero sa kasamaang palad.


Mali ang sagot mo. Gusto mo bang malaman kung sino na ang susunod? Hahahaha, pero
bago muna yun wag na nating pahirapan pa ang pinakamamahal mong kapatid. Hayaan mo,
ako na ang tatapos sa wala niyang kwentang buhay para sayo..." Matapang at seryoso
nitong pagkasabi. Napalunok si Sakura sa kanyang narinig at biglang lumuhod sa
harap ng LCD at nagsimulang magmakaawa.

Sakura:"Huwaaag! Parang awa mo na kung sino ka man, ako nalang! Please, huwag mo
nang idamay ang kapatid ko dito." Nagmamakaawa niyang sigaw.

Biglang may lumitaw na nailgun sa camera at nakatutok ito sa katawan ni Zoey. Hindi
pa nagtagal ay nagsimula itong bumaril nang walang humpay. Maihahalintulad mo ang
bilis ng bitaw sa trigger sa isang machine gun. Kaagad namang natamaan sa iba't-
ibang bahagi ng katawan ang dalaga. May bumaon sa kanyang mata,kanang bahagi ng
ilong,pisngi at iba pa. Mabilis namutla si Zoey dahil sa kawalan ng dugo. Mabilis
kasi ang pagagos ng dugo mula sa iba't-ibang bahagi ng katawan ng dalaga na may
sugat. Ngunit bago pa mawalan ng buhay ang dalaga ay mayroon itong nabitawang mga
salita para sa kanyang kapatid.

Zoey:"I love you Ate, alam kong maikling panahon lang tayong nagkasama as sisters
pero you gave me undelible memories that will last forever. Nagpapasalamat ako sayo
dahil pinunan mo ang hinihiling kong pagmamahal kila mommy at daddy. Now, it's time
to bid farewell. Thanks Ate , I love you." Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin
ito ay dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi pa nagtagal ay
nawalan na ng buhay si Zoey. Kahit na punong-puno ang buong katawan niya ng dugo ay
nangingibabaw pa rin sa kanya ang kanyang huling ngiti sa kanyang labi.Napasigaw
nalang si Sakura at biglang nagtatakbo palayo. Kahit-anong bagay na makita niya ay
itinutumba niya o isinisira. Naiwan naman na nanonood ang iba niyang mga kaklase sa
hallway. Nang akala nilang tapos na ang palabas ay bigla ulit may narinig silang
boses.

:"Gusto niyo bang malaman kung sino ang susunod?" Misteryoso


niyang tanong. Napahakbang si Angela ng tatlong beses dahil sa sobrang kaba sa
kanyang narinig. Hindi pa nagtagal ay narinig ang napakalakas na tira ng nailgun.
Matulin ito at tumama sa mismong gitna ng ekis sa tiyan ni Zoey. Mayroon ritong
nakadikit na Class Picture ngunit isa lamang ang may nakaekis na mukha dito at ito
ay si Cameron. Napahakbang paatras ang binata halatang hindi makapaniwala sa
kanyang nakita.

:"Hahahahaha, Good Luck Cameron! See you soon." Babala niya sa


binata at biglang sabay-sabay namatay ang LCD sa hallway sa isang iglap. Nakahawak
ang dalawang kamay ni Cameron sa kanyang ulo at nagsisisigaw.

Cameron:"Hindi totoo yan.. Hindi totoo yang pinagsasasabi mo.." Paulit-ulit niyang
sinasabi sa kanyang mga kaklase at sarili. Hindi pa nagtagal ay tumakbo siya palayo
sa kanyang mga kaibigan.

Napadpad naman si Sakura sa PE Building. Mag-isa siya ritong nakaupo at sinisisi


ang sarili sa nangyare. Kahit na wala na siyang luhang mai-luha ay dama parin ang
matinding lumbay sa kanya. Maya-maya pa ay biglang napansin niyang bumukas ang
isang locker dahil sa malakas na hangin. Dahan-dahan siyang naglakad papunta rito
pero kumuha muna siya ng isang baseball bat bilang armas niya panlaban sa kung
anong mayroon. Nang nasa harap na siya ng nasabing locker ay bumungad sa kanya ang
isang kulay asul na cattleya notebook. Biglang nag-iba ang paligid at biglang
bumigat ang kanyang pakiramdam. Niyakap niya ang nakitang notebook at tumakbo
pabalik ng Dorm B para ito'y suriin.

CP33:Requite >>

Dahan-dahang pumasok si Sakura sa kanyang kwarto habang hawak-hawak ng mahigpit ang


kwarderno. Umupo siya sa sofa at napatingin sa gilid kung saan laging nakaupo si
Zoey. Nagbuntong-hininga siya at sumandal sa sofa. Bago pa man niya buksan ang
notebook ay tumingala siya sa kisame at sinabing..

Sakura:"I'll avenge your death sister. I'm willing to end my life for justice."
Bulong niya sa kanyang sarili at yumuko muli upang tuluyang buksan ang notebook.
Napakunot ang kanyang noo nang niya ang pangalan ni Erika na nakasulat sa gilid.
Binuklat niya pa ito ng isa pang pahina, nagulat siya nang makita ang listahan ng
mga pangalan ng kanyang mga kaklase na namatay na. Nakaipit sa susunod na pahina
ang isang litrato, at ito'y hindi lamang isang ordinaryong litrato. Ito ay ang
kanilang class picture, may mga markang ekis ang mga studyanteng namatay. Naging
curious siya sa kanyang mga nalalaman kaya tumayo siya sa sofa at dumiretso sa
kanyang kwarto. Kinuha niya sa kanyang drawer isang ID na may litrato ni Tiffany.
Natagpuan niya ito nung nagmasid-masid siya sa classroom nang mabalitaang nagkaroon
nang engkwentro si Chantelle sa gustong pumatay sa kanilang lahat. Nagulat siya na
iba ang nakalagay na pangalan ng kaklase sa natagpuang ID na may litrato nito.

Sakura:"S-shana Mendoza?" Nalilito niyang bulong sa sarili. Agad-agad niyang


isinara ang kwaderno at tumayo para sabihan ang iba ngunit saktong pagkalabas niya
sa kwarto ay nadatnan niyang nagkakagulo na ang lahat. Nakatingin sila sa isang
lumang classroom na nakabukod sa ibang mga building. Gawa ito sa mga kahoy na
pinagtagpi-tagpi. May kalakihan ang classroom na ito at mapapansin rin ang iba't-
ibang seals na nakadikit sa paligid. Wala siyang ideya kung anong nagaganap kaya
nagdesisyon siyang hanapin ang iba niyang kaklase at magtanong kung may alam sila
sa kung anong nangaganap. Una niyang nahanap ay si Alexandra na nakahawak sa bewang
nang kanyang kasintahang si Hunter. Kinalabit niya ito sa may bandang likuran para
makuha ang atensyon.

Sakura:"A-Alex" Tawag niya sa dalaga na agad naman siyang nilingon.

Alexandra:"Oh Sakura? Condolence ha?" Mahinhing tugon ng dalaga. Ngumiti si Sakura


at yumuko. Tinapik-tapik naman siya ni Alexandra sa balikat na para bang kino-
comfort ito. Nagbuntong hininga si Sakura at nagtanong.

Sakura:"A-ano meron bakit parang andaming tao?" Tanong niya sa kaklase, ngumiti
naman si Alexandra at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Sakura.

Alexandra:"Susunugin na yan." Wika ng dalaga. Nagulat siya sa kanyang narinig at


halatang walang kaalam-alam sa nangyayayare.

Sakura:"B-bakit? Ano meron?" Tanong niya muli sa dalaga. Halatang nasa mood si
Alexandra ngayon kaya hindi siya pabalang sumagot sa kanyang mga kaklase.

Alexandra:"Every year, ginagawa to ng St. Venille. Gumagawa ang school ng isang


medium-sized classroom para lang dito. Halos lahat ng studyante ay nagooffer ng
kahit anong gamit na nagpapaalala sa kanila ng bad memories pagkatapos, sinusunog
ito and inaalayan ng dasal ng isang witch doctor. Madalas talaga nila tong gawin
two months before the school year ends." Paliwanag ng dalaga, ngumiti naman si
Sakura at dahan-dahang inilabas ang isang kutsilyo sa kanyang bulsa. Ang kutsilyong
ito ang inihagis niya para bumasag ng LCD TV sa hallway nang araw ng kamatayan ni
Zoey. Unti-unti siyang ngumiti at napaluha. Naging emosyonal ang kanyang pagpila
hangga't makapunta na siya sa harapan. Sumalubong sa kanya ang matamis na ngiti ni
Ms. Gomez. Niyakap siya nito at bumulong sa kanyang kaliwang tenga.
Ms. Gomez:"Huwag kang umiyak, magiging ok din ang lahat." Ngumiti si Sakura nang
marinig ito at dahan-dahang inabot ang kutsilyo sa guro. Huling nag-alay ng gamit
ay si Cameron. Nagulat ang kanyang guro nang makita na ang kanilang class picture
ang gusto niyang sunugin. Napatingin si Ms. Gomez sa mga mata ng binata, nakaramdam
siya ng takot at pangamba rito.

Ms. Gomez:"B-bakit?" Nalilito niyang tanong sa studyante pero sinungitan siya nito
ay yumuko.

Cameron:"The new principal stated that we can burn whatever we want right? So it
only means that it's non of your business Ms. Gomez. Huwag mo na lang kaming
pakielam total wala ka rin namang nagagawa." Wika ng binata. Sabay silang dalawa
pumasok sa kwarto upang ilagay ang litratong gustong sunugin ng binata. Paglingon
ni Ms. Gomez ay nakita niyang may kutsilyong papunta sa kanyang direksyon. Mabilis
na yumuko ang guro at mabuti na lamang na tumama ito sa pintuan ng kwarto. Nagpanik
si Ms. Gomez at tumakbo papalayo ng classroom upang puntahan ang kanyang mga
studyante. Agad ipinasara ng bagong principal ang kwarto nang makita ang
pangyayare. Naligtaan nilang nasa loob pa si Cameron nang nasabing building.
Nagsisigaw ang binata ng makitang sumara ang pintuan.

Cameron:"Nandito pa ko! Buksan niyo yung pinto!" Nagkukumahog na sigaw ng binata.


Sumigaw siya hanggang sa makakaya niya. Nang maramdaman niyang napaos na siya
kakasigaw, umupo siya sa isang sulok ng kwarto. Gulo-gulo ang buhok, puno ng pawis
ang damit at kinakabahan. Ito ang sitwasyon ngayon ni Cameron. Napansin niyang
mayroong isang babae na nakaupo rin sa isang sulok ng kwarto. Napangiti siya dahil
nakita niyang may makakatulong siya na magisip ng paraan para makalabas sa kwarto.
Mabilis siyang tumayo at nilapitan ang babae.

Cameron:"A-akala ko ako lang mag-isa ang nasaraduhan dito. Ako nga pala si Cameron
Lawrence from section 6, ikaw? Anong pangalan mo?" Masiglang tanong ng binata.
Unti-unti siyang tinignan ng babae. Napaatras ang binata ng tatlong beses nang
makitang nakasuot nang maskara ang babae.

:"Hi Cameron! Hahaha! " Bati sa kanya na nasundan ng


nakapangingilabot na tawa. Nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong inatake.
Humawak si Cameron sa mukha ng babae pero hindi niya namalayang sinaksak na pala
siya nito ng isang syringe, ito ay may nakapaloob na kulay puting likido. Hindi
mabilis na nakapalag ang binata pero nagawa niyang maalis ang maskara ng babae.

Cameron:"T-T-Tiffany?" Tanong niya sa dalaga pero tinawanan lang nito. Mabilis na


humalo ang isinaksak na gamot sa kanyang dugo. Unti-unting namanhid ang kanyang
buong katawan. Napahiga siya sa sahig at nangisay. Nginitian lang siya Tiffany at
nilapit ang kanyang mukha sa binata.
Tiffany:"I told you Cameron. I'm coming to get you." Bulong niya sa binata. Hindi
makapagsalita ang binata dahil manas na ang kanyang katawan. Binuhat siya ng babae
at iniupo sa isang upuan. Nagikot-ikot si Tiffany at naghanap ng pwedeng gamitin
para ipangtali sa kanya. Habang nagi-ikot, nakita niya ang kanilang class picture
katabi ng isang makapal na tali. Napangiti siya sa kanyang nakita at liningon si
Cameron.

Tiffany:"Oh Cameron! Look what I just found? A remembrance that you'll take with
you to the other side." Biro niya sa binata, bumalik siya sa pwesto ni Cameron at
sinimulang itali ang binata sa upuan. Hindi pa siya nakuntento at tinalian pa ang
binata sa may leeg pero hindi niya ito hinigpitan. Kailangan laging tumingala ng
binata upang hindi siya masakal ng tali na nakapaloob sa kanyang leeg. Kinuha ni
Tiffany ang stapler na nakapatong sa isang desk at inistaple ang class picture sa
uniform ng binata. Nang marinig niya ang trumpet na labas ay nagpaalam na siya sa
binata.

Tiffany:"Oooooohh, that's my cue! Bye Cameron! See you in hell." Wika ng dalaga at
binasag ang makapal na salamin sa may bandang likuran. Tumakbo siya ng mabilis
palayo rito at agad humalo sa mga taong nanonood. Nang matapos ang mga dasal ng
witch doctor ay sinumulan nang sunugin ang classroom. Nasa loob si Cameron ng
kwarto nang makitang magsimulang masunog ang kwarto. Unti-unting natutuklap ang
kanyang mga balat na para bang ipriniprito siya ng buhay. May mga bula rin
pumuputok sa kanyang balat gawa ng gamot na isinasaksak sa kanya ni Tiffany. Hindi
na siya nagdalawang isipip pa na ibaba ang kanyang ulo at sakalin nalang ang sarili
hanggang mamatay kaysa masunog ng buhay. Bago pa man matapos ang kanyang buhay ay
sinubukan niyang alisin ang classpicture na nakastapler sa kanyang uniform. Ayaw
niya itong baunin sa kabilang buhay dahil ito ang rason kung bakit sila isa-isang
namatay.

Nagawa namang makita ni Sakura si Tiffany sa dami ng tao. Nakangiti si Tiffany


habang nakikitang papalapit na ang torch sa classroom pero bigla siyang hinatak ng
isang tao palayo. Naramdaman niyang mahigpit ang pagkakahawak nito kaya sinubukan
niyang kumawala. Nakita niya si Sakura ang humatak sa kanya, napadpad sila sa gilid
ng even't hall na malapit sa isang bangin.

Tiffany:"Why did you do that Sakura? Hindi ka ba tinuruan ng proper etiquette sa


school mo dati?" Mataray na tanong ng dalaga.

Sakura:"I learned it from my professors and teachers in Xavier Academy. Ikaw


Tiffany? May nagturo ba sayo ng salitang "konsensya"? Tanong ng dalaga, napaatras
ng dalawang beses si Tiffany at halatang kinakabahan.

Tiffany:"A-ano bang kailangan mo saken Sakura? I-I need to go, may kelangan pa kong
gawin. S-sige? Bye?!" Kinakabahan niyang paalam sa kaklase pero sumigaw si Sakura.
Sakura:"Don't mess with me, I know all of your secrets Tiffany! Or should I say
Shanna Mendoza!" Nanlaki ang mga mata at napahinto ang dalaga ng marinig ang sinabi
ni Sakura. Yumuko lamang si Tiffany at tinawanan ito, unti-unti niyang dinukot ang
ice pick sa kanyang bulsa at tumalikod.

Tiffany:"Looks like you found out my real name." Seryoso nitong pagkasabi at
mabilis na sinugod si Sakura. Ngumiti si Sakura at kinapa ang kanyang bulsa,
naalala niyang naibigay niya pala ang kanyang kutsilyo sa guro. Nakaramdam ng kaba
ang dalaga at halatang hindi alam ang gagawin. Sinusubukang saksakin ni Tiffany si
Sakura ng ice pick pero hindi niya ito matamaan dahil mabilis itong nakakailag.
Nagulat siya ng bigla siyang tinisod ni Sakura. Naunang bumagsak ang ice pick sa
lapag na nasundan naman ng kanyang pagbasak. Tumama ito sa kanyang kanang mata, na
nagdulot ng matinding sugat. Biglang bumulwak ang matingkad na kulay ng dugo sa
kanyang kanang mata at pilit niyang pinapatigil ito. Binunot ni Sakura ang ice pick
sa kanang mata ni Tiffany at sinaksak siya ng tatlong beses. Napansing nagkabutas
ang kanang mata ni Tiffany at ang kaliwang mata na lamang ni Tiffany ang
nakakakita. Pinagsisipa niya si Tiffany sa iba't-ibang parte ng katawan samantalang
nagsisisgaw lamang si Tiffany sa sakit na nadarama.

Sakura:"This is for Zoey's death!" Sigaw niya sa dalaga at itinulak ito sa bangin
na malapit. Nakita niyang nakahiga na lamang ang katawan ni Tiffany sa dulo ng
bangin. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kabilang bulsa at tinawagan ang
pulisya. Tumakbo siya pabalik sa mga kaklase upang ibalita ang mabuting pangyayare.

Nasa loob sila ng kanilang classroom kasama ang kanilang butihing guro na si Ms.
Gomez. Puro bakante ang upuan dahil sampu nalang ang natitirang studyante sa 6th
section. Tumayo si Sakura at pumunta sa harapan upang inanunsyo ang kamatayan ni
Tiffany. Hindi rin siyang nagdalawang isip na siya ang tumapos ng buhay ng dalaga.
Sinabi niya rin ang kanyang mga nalaman sa notebook.

Sakura:"We're all now safe! Tapos na ang impyernong pinagdadaanan naten, ngayong
patay na si Tiffany. She's the one responsible for all the murders in this
classroom." Matapag niyang inansyo sa harap ng klase na ikinagulat ng lahat.
Napalitan ang mga mukhang seryoso ng ngiti at galak. Nagpalakpakan ang lahat sa
narinig na balita. Samantalanga kapansin-pansin naman at halatang wala sa sarili
ang dalagang si Alyssa. Kinalabit siya ng kanyang katabi na si Angela.

Angela:"Lyssa, okay ka lang ba? Aren't you happy now that we're all going to be
safe?" Tanong ng dalaga habang nakataas ang kaliwang kilay.

Alyssa:"D-don't mind me, I'm fine." Sagot ng dalaga pero mahahalata sa kanyang
mukha na mayroon itong malalim na iniisip. Pagkatapos na pagkatapos ni Sakura
magsalita sa harapan ay pumunta naman si Ms. Gomez. Naluluha ang guro at halatang
hindi makapaniwala sa kanyang nabalitaan.
Ms. Gomez:"H-hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon. P-p-pero isa lang ang
alam ko, masayang-masaya ko ngayong alam kong magiging ligtas na tayo." Wika ng
guro. Bigla namang tumayo si Aliza at nagyaya ng gimik.

Aliza:"I know what we're going to do! Lahat ng mga last batch dito sa St. Venille
meron silang tradition. Sampung araw bago sumapit ang araw ng pagtatapos,
nagkakaroon sila ng isang party. Pinaniniwalaan na magdudulot daw ito swerte sa
pagpasok naten sa college. Hmmmm, Let's have a small celebration then!? Kahit
tayong 10 lang kasama si Ms. Gomez ok na yun." Masigla niyang anyaya sa mga kaklase
at lahat sila ay sang ayon at exited na para dito. Naghiyawan ang lahat ng
studyante maliban lang kay Alyssa , pero natigil ito ng tinanong ni Aliza si Ms.
Gomez kung suma-sang ayon ito sa plano.

Aliza:"What do you say Ms. Gomez?" Tanong niya sa guro, lahat ay nakatingin kay Ms.
Gomez at para bang inaabangan ang magiging sagot nito. Ngumiti siya at itinaas ang
kanyang kanang kamay.

Ms. Gomez:"It's settled! The 6th section will gonna have a party!" Sigaw nito,
naghiyawan ang lahat nang marinig ang sagot ng guro. Hindi maalis ang ngiti ng guro
habang kaharap ang kanyang mga studyante. Pinaalalahanan niya ulit ito na mag-aral
ng mabuti dahil babalik ulit sila sa normal dahil pinapagturo na muli ng bagong
principal ang mga guro sa kanilang classroom.

Ms. Gomez:"Mag-aral kayong mabuti ha? Dapat all of you will going to graduate this
March. Ok?" Tanong niya sa kanyang mga studyante. Tinaas naman ng lahat ng
studyante ang kanilang kanang kamay na tanging hinlalaki lamang ang nakatayo bilang
sign na "Okay!". Natapos ang araw sa St. Venille na puno ng galak at excitement
maliban sa isang studyante, at ito ay si Alyssa.

--------- Ell's Note

Note: Requite means ; ***make appropriate return for (a favor, service, or


wrongdoing).

The End is Near *Ending Trailer >>

Kaway-kaway CP readers! Alam ko na medyo late ko na to ipo-post pero what the hell?
Bat ba? Sayang naman kung hindi niyo makikita diba? Unang-una nagsosorry ako dahil
namatay yung mga favorite characters niyo sa story pero that's what life is diba?
One day you're breathing, the next day you're dying. I would like to take this
opportunity to thank all of those people who supported this story,voted and gave
their good feedbacks. Salamat sa mga taong laging nirerefresh ang library nila para
lang i-check kung nakapagupdate na yung tamad na author na si FakedReality. Hahaha,
sa tingin ko yun lang! c':

I'm thinking of doing a CP book:2 pero titignan ko pa kung magiging ok yung


feedbacks ng ending. As of now nalilito ko kung ano nga ba ieending ko pero may 3
options ako at syempre-syempree surprise na yun! Hahaha, and btw. lalake po ako sa
mga di pa nakakaalam.

About the next update, konting intay lang guys. I'm still making sure na lahat nang
questions niyo eh masasagot.

Trailer is located at the multimedia section.

~ Di po to death-bell inspired, ginamit ko lang yung clips from the movie kasi sa
tingin ko sakto siya sa storyline ko eh. Yun lang! c:

CP34:No Goodbyes >>

2 months later..

Sampung araw na lamang ang natitira bago sumapit ang araw ng pagtatapos. Ang lahat
ng studyante sa St. Venille ay naghahanda para sa isang tradisyunal na party para
sa mga magtatapos ngayong taon. Nakabukod naman ang plano ng sixth section at
walang balak na sumama sa ibang mga studyante na magsaya. Nagdesisyon silang siyam
na bumukod na lamang dahil alam rin nilang paguusapan sila sa party. Ang lahat ay
nasa labas at tumutulong mag-ayos sa venue samanatalang nasa loob lang sila ng
classroom. Kahit na hindi sila sasama sa ibang mga studyante, masaya't excited pa
rin ang lahat sa magaganap na party mamaya. Hindi pa nagtagal ay pumasok ang
kanilang guro sa loob ng classroom. Nakasuot siya ng isang white dress na may
nakapalibot na black lace sa bandang leeg nito.

Ms. Gomez:"Ano guys? Ready na ba kayo para sa party mamaya?"

Students:"Yes ma'am!" Sabay-sabay nilang sinabi na nasundan ng masigabong


palakpakan. Napalingon siya't nakita ang kanilang guidance councelor. Lumapit sa
kanya ito at sinabing ipinapatawag siya ni Mr. Lim, ang bagong punong guro ng St.
Venille ngayon.
Ms. Gomez:"Class, dito lang kayo ah? Wait lang pinapatawag ako sa office eh."
Paalam niya sa kanyang mga studyante. Tumango lang naman ang iba pero ang iba naman
ay hindi nakikinig dahil busy silang nakikipagkwentuhan sa kanilang kamag-aral.
Sumalubong sa kanya sa opisina ng punong guro ang dalawang pulis at isang abogado.
Agad siyang kinabahan sa kanyang nakita. Pinapupo siya nito sa gilid at nagsimulang
tanungin siya kung ano ang kanyang kinalaman sa mga nagaganap na patayan sa 6th
section sa St. Venille.

Mr. Lim:"Mayroon kaming nakitang mga dokumento na illegal sa pamamahala ng


nakaraang guro. Andito nakasaad ang mga karumal-dumal na patayan ng mga studyante
sa iyong hawak na seksyon." Seryosong wika niya habang nakatingin ng diretso sa mga
mata ni Ms. Gomez. Hindi mapakali ang guro at agad pinagpawisan.

Ms. Gomez:"W-wala po akong alam at kinalaman sa mga pinagsasasabi niyo." Natatakot


niyang sinabi. Ngumiti ang abogado at tinabihan siya sa kanyang kinauupuan. Mayroon
itong dala-dalang red folder. Inilagay niya ito sa lamesa ng mahinahon at bumulong
sa tenga ng guro.

Abogado:"Pwede mo bang buksan yang folder sa harapan mo at ipaliwanag kung ano ang
lahat ng iyan." Napalunok ang guro dahil sa sobrang kaba. Dahan-dahan niyang
binuksan ang folder at nakita ang lahat ng pangalan na sangkot sa mga krimeng
nangyare sa St. Venille. Nakita niya ang kanyang pangalan na nakapaloob sa listahan
pero isang pangalan ang hindi niya nakita. Yumuko siya at nagsimulang tumulo ang
mga luha sa kanyang mga mata.

Ms. Gomez:"Napilitan lang po akong magsawalang-bahala dahil sa pera. Tinakot rin


lahat kaming mga guro na kapag nangielam o nagsumbong kami ay tatanggalan kami ng
trabaho at gagawan ng masama ang iba naming kamag-anak." Wika nito na ikinabigla
nang lahat. Tumayo naman si Mr. Lim at malakas na ibinagsak ang kanyang dalawang
kamay sa lamesa.

Mr. Lim:"Isa sa mga studyante mo ang may gagawan nang lahat ng ito pero hindi mo
kayang disiplinahin? Anong klaseng guro ka! Trabaho nating mga guro ang maghubog ng
mga studyante na magbibigay karangalan sa kanilang bansa at lumaki silang maayos na
may respeto sa lahat ng tao pero a-. " Hindi na napagpatuloy ni Mr. Lim ang
kanyang sinasabi dahil sumigaw nang pabalang si Ms. Gomez.

Ms. Gomez:"Siguro tama ka pero kung ikaw ang nasa posisyon ko, masakit mang isipin
pero kailangan ko yun gawin para sa pamilya ko." Wika niya, tinapik-tapik naman
siya ng abogado sa kanyang tabi at tinanong.

Abogado:"Maaari mo bang sabihin samin kung sino ang studyanteng yon?" Seryosong
tanong sa kanya ng abogado. Biglang nagring ang kanyang cellphone sa bulsa na agad
niya namang kinuha upang tignan ito. Isang text message ang kanyang natanggap mula
sa isang unknown number.
*****

- Subukan mong mag-ingay at may kalalagyan ka at ang yong pamilya sa mundong


ito.

*****

Tumingin siya sa kanyang likuran at nakitang nakatingin sa kanya ang nanay ni


Tiffany. Nginitian lang siya nito at kumaway-kaway. Agad pumasok sa kanyang isip na
makapangyarihan ang pamilyang Mendoza. Hawak-hawak ni Mrs. Mendoza ang buong
kapulisyahan dahil sa kanyang mataas na posisyon habang si Mr. Mendoza naman ang
nagmamay ari sa isang leading company. Alam niyang kayang-kaya siyang ipatumba nito
at ipanalo ang kaso dahil sa pera. Wala siyang nagawa kung hindi umiyak ng umiyak.
Yumuko ang abogado at sinubukang patahanin ang teacher.

Abogado:"Sige, binibigyan ka namin ng isang araw para pag-isipan ang lahat ng mga
bagay-bagay. Magpahinga ka muna at subukan mong alalahanin ang mga nangyare sa
nakaraan. " Mahinahong paalala nito sa guro. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan
upang lumabas at subukang kausapin ang nanay ni Tiffany nabigo siyang makita ito.
Babalik na sana siya sa classroom nang nagtext sa kanya si Angela.

*****

Angela: " Hi Ms. Gomez, we already left the classroom para magprepare para sa party
namin later.

Sige, see ya nalang sa practice ng graduation. Love lots! xoxo <3

*****

Kinuha niya ang kanyang bag at ibang folders sa faculty room at dumiretso maglakad
pababa ng Academic Building dahil masama ang tingin sa kanya ng ibang mga guro.
Napatingin naman siya sa isang babaeng nakayuko na nakasalubong niya sa hallway.
Pilit niyang tinitignan ang babae ngunit hindi niya ito makita dahil nakatago ang
kanyang mukha sa kanyang mahabang buhok. Nabunggo siya nito sa kanyang pagmamadali
na nagresulta nang pagbagsak ng kanyang ibang kagamitan. Hindi lamang humingi ng
pasensya ang studyante at tinulungan ang guro. Nagulat siya nang makita ang
kanilang class picture sa sahig. Kompleto ang lahat ng ito maliban sa isang babaeng
may letrang ekis sa mukha, at ito ay si Tiffany. Napalunok siya sa takot at
nilingon ang babaeng studyante pero malayo na ito. Hinawakan niya ng mahigpit ang
kanyang gamit at agad sumakay sa kanyang kulay red na bmw. Pagkauwi na pagkauwi
niya sa kanyang bahay ay sinalubong siya ng sampung kulay black na envelope sa
sahig. Bawat isang envelope ay may kalakip na numero sa harap. Una niyang binuksan
ang envelope na may number 1. Naasa loob nito ang kanilang class picture. Halos
lahat ng kabilang dito ay may ekis sa kanilang mga mukha maliban na lamang sa mga
natitirang buhay. Nasa likod ng litratong ito ang apat na litrato ng mga
transferees. Nakita niyang may ekis sa mukha ni Aliza na agad niya namang
ikinabahala. Tumakbo siya sa kanyang kwarto upang kunin ang cellphone at kontakin
ang kanyang mga studyante. Napagisip-isip niya na kelangan niya nang kumilos at
maging isang guro sa kanyang mga studyante kahit na kung ano man ang kapalit nito.
Mabilis niyang idinial ang numero ni Aliza sa kanyang cellphone pero ring lamang
ito ng ring.

Masaya namang naghihiyawan at nagsasayawan ang mga studyante ng St. Venille sa


isang club na pagmamay-ari ng Angeles family. Napagpasyahan nilang gawing exclusive
party ito para sa lahat ng studyante ng St. Venille pero sila lang ang nakapabilang
sa VIP's ng club. Mayroon silyang kwarto na matatagpuan sa 2nd floor ng club. See-
through ang salamin dito kaya makikita mo ang lahat ng nangyayare sa buong club.
Lahat sila ay sumasayaw samantalang lasing na ang iba. Nakayakap naman nang parang
linta si Alexandra kay Hunter habang hinahalikan ito na ikinabahala naman ni Aliza.

Aliza:"Get a room for fun's sake Alexandra. Hindi yung pinagkakalandakan niyo yang
kalandian niyo samen." Mataray na wika ng dalaga. Tumigil naman si Alexandra sa
kanyang ginagawa at pilit na tumayo. Nao-out of balance na rin siya dahil sa
tequila niyang nainom.

Alexandra:"Why Aliza? Ha? Nai-inggit ka ba samen? Go and grab one guy down there
and have a one night stand with him. Hindi yung nangengeelam ka sa lovelife nang
may lovelife. Ang dapat kasi sayo e- " Tumayo si Aliza at sinampal si Alexandra
nang malakas. Napatayo naman si Hunter at hinawakan ang kanyang kasintahan dahil
may balak itong gumanti.

Aliza:"Huwag mo kong itulad sayo Alexandra. Iniluwa na nga ni Lacus kinain mo pa.
I'm sorry to spoil your party but I'm out of here." Wika ng dalaga at dumiretso
pababa ng club at magyosi. Sumandal siya sa isang poste at sinindihan ang kanyang
yosi.

Aliza:"Ang laking epal talaga niyang Alexandra na yan, bakit pa kasi nagtransfer-
transfer pa yan eh. Tss! Sakit sa ulo, buti nalang andito ka Alina, pinapahinahon
mo parin ako kahit wala ka na." Wika niya habang hinawakan ang pendant na may
litrato nilang dalawang magkapatid sa loob. Tinignan niya na tumatawag sa kanya si
Ms. Gomez pero agad niya naman itong ni-reject. Dahil sa kanyang napansin.

:"Pssst Aliza." Tawag sa kanya ng isang boses na agad naman


siyang napalingon dahil dito. Pamilyar ang boses na yun kaya agad niyang hinanap
ito. Isang babae na nakauniporme ng St. Venille at dumire-diretso sa isang madilim
na alley sa gilid. Hinawi niya ang kanyang buhok upang sundan ang babae. Sinundan
niya ito hanggang mapunta siya sa dulo ng alley na tanging street light lamang ang
nagbibigay liwanag dito.

Aliza:"A-ate, tawag mo ba ko?" Tanong niya. Maya-maya ay unti-unting nagloko ang


ilaw ng street light hanggang sa mapundi na ito. Agad siyang nakaramdam ng
matinding kaba at humanap ng maaring gawing ilaw sa gitna ng dilim. Umatras siya ng
tatlong beses at binuksan ang cellphone upang gawin itong ilaw.
Aliza:"A-ate? Nasaan ka na?" Tanong niya habang itituturo ang cellphone sa ibang
direksyon para maliwanagan ito. Nanlaki ang kanyang mga mata ng nakaramdam siya na
may sumaksak sa kanya sa bandang likuran at bumulong.

:"I'm here. Hahahahahaha!" Nang marinig niya ang boses na


yon ay bigla siyang napasigaw sa takot pero hindi doon nagtapos ang kanyang
paghihirap. Sinindihan ng babae ang dalawang sigarilyo at itinusok ito sa dalawang
mata ng babae. Tinapos niya ang buhay ni Aliza sa pagsasaksak nito sa kanya ng anim
beses sa bandang leeg. Isinilid ang katawan ni Aliza sa isang garbage bag at
ipinilagay sa pinakasulok ng madilim na alley. Sa bahay naman ng guro ay nagulat
siya na nang biglang nireject ito ng dalaga kaya binuksan niya naman ang
pangalawang envelope at ang may ekis naman dito ay ang litrato ni Sakura. Hindi na
siya nagbalak na tawagan si Sakura kundi si Angela nalamang ang kinontact niya na
agad namang sinagot ng dalaga.

Ms. Gomez:"Hello Angela? Nasaan kayo? Pupuntahan ko kayo jan, nanganganib ang buhay
niyo. Kahit anong mangyare, tignan niyo ang isa't-isa, hindi siya tumitigil
hangga't siya na lamang ang natitira." Paalala ng guro pero hindi naman ito
masyadong marinig ni Angela dahil sa lakas ng sounds sa club at malalakas na
hiyawan ng mga tao.

Angela:"A-ano ma'am? I can't hear you." Wika ng dalaga pero kinalabit siya ng
kanyang best friend na si Cathreen.

Cathreen:"Gelai, tama na yan. Have some fun!" Anyaya ng dalaga sa kaibigan na agad
namang ummoo si Angela. Binabaan niya si Ms. Gomez at agad-agad upang bumaba ng VIP
room at makihalo sa mga taong nagsasayawan. Nakaupo naman sa gilid ni Sakura,
malungkot siya at nagiisip-isip. Hanggang ngayon ay sariwa parin sa kanya ang
pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid na si Zoey. Paglingon niya sa dulo ay
nagulat siya sa kanyang nakita. Ito ay ang kulay asul na notebook na natagpuan niya
sa PE building. Dahan-dahan niya itong kinuha at binuksan. Puro pilas ang mga papel
nito maliban sa isa. May nakadrawing dito pero hindi niya maintindihan dahil
kakaiba ang pagkakaguhit nito. Nagdesisyon siyang maghilamos na muna upang
mahimasmasan at magbakasakaling mabawasan ang sakit na kanyang iniinda.

Sakura:"J, cr lang ako ah? Pakibantayan na lang yung bag ko." Paalam niya sa mga
kasama.

Cj:"Ge, bilisan mo lang ah? Maya-maya aalis na tayo dito." Wika ng binata. Tumango
naman si Sakura at dumiretso agad sa banyo. Habang kaharapan ang salamin,
nagbuntong-hininga siya at nagsimulang umiyak.

Sakura:"Dapat ako na lang ang namatay, hindi ka na dapat nadamay Zoey.." Bulong
niya sa kanyang sarili. Naghilamos siya ng kanyang mukha, nanlaki ang kanyang mga
mata nang pagkaangat niya. Mayroong taong nakamaskara ang nasa kanyang likuran.
Hawak-hawak nito ang kanyang kutsilyo na nakasilid sa kanyang bag. Ang kutsilyong
ito ang ipinanghagis niya sa lcd nang araw na mamatay ang kanyang kapatid.
Tatalikod pa lang sana siya nang bigla siyang pinagsasak-sak sa iba't-ibang bahagi
ng katawan. Isinilid ang kanyang bangkay sa bandang dulo ng cubicle. Naiwan naman
sa VIP room ang walong magkakaklase.

Caleb:"Oh? Asan na yung iba?" Tanong ng binata sa kanyang mga kasama.

Cj:"Hindi ko alam eh, pero si Sakura nagcr daw. Kapapaalam palang saken." Paliwanag
ng binata. Tumayo naman si Cathrine at parang hindi mapakali. Tinapik-tapik niya si
Angela habang busy na nagtetext sa kanyang cellphone.

Cathrine:"Gelai, samahan mo naman ako sa cr. Kanina pa ko nawiwiwi eh, feeling ko


sasabog na ko. Bakit ba kasi ganyan ang alcohol na sineserve sa club niyo, laging
nakaka-ihi." Wika ng dalaga. Tinawanan naman siya ni Angela at inakbayan.

Angela:"You know natural lang yan for a first time drinker dear. Pag nasanay ka,
wala na yan. Hahaha, tara na nga." Wika ng dalaga at hinatak ang kaklase palabas ng
VIP room. Bago pa man sila makalabas ay sinabihan din sila ni Cj.

Cj:"Guys, hanapin niyo na rin si Sakura ah? Magtw-twelve na. I need to go home na,
okay?" Paalala niya sa dalawang dalaga. Itinaas lang ni Angela ang kanyang kanang
kamay na nakasign na "Ok". Habang nasa loob ng cr, busing-busy ang dalawa mag-ayos
ng kanilang mga sarili sa salamin. Kinuha ni Angela ang kanyang suklay sa bag at
nagsimulang paraan ang kanyang mahabang buhok.

Angela:"Asan ba si Sakura? Pinapahanap siya ni Cj." Wika niya sa kaklase pero


tinaasan lang siya nito ng kilay.

Cathreen:"Idk, kanina pa siya nagcr diba? Baka naman nauna nang umuwi? Tignan mo si
Aliza, maagang umuwi dahil sa alitan nila ni Alex." Tugon ni Cathreen sa dalaga.
Napatingin naman si Angela kay Cathreen at tinaasan din ng kilay.

Angela:"I thought your going to pee?" Tanong niya kay Cathreen pero tumawa lang
ito.

Cathreen:"Nope, gusto ko lang mag-ayos. Meron kasing hot guy sa labas. You know, I
want him to notice me. Sa gandang kong nakakasilaw hindi pa ba ko mapapansin?
Lalang lang to no? " Pagmamayabang ng dalaga sa kaklase.
Angela:"Hay nako, push mo yan teh! Siguraduhin mo lang landi-landi lang yan ah?"
Biro ng dalaga. Biglang nahinto ang dalawa dahil sa kanilang naamoy na kakaiba.
Nagsimulang umubo ng dalawa ng walang tigil. Naghahanap naman si Cathreen ng
exhaust fan sa banyo pero nakita niyang nakasarado ito. Pagtingin niya kay Angela
ay nasa sahig na ito at naghihingalo. May sakit kasing hika ang dalaga kaya mabilis
sumikip ang kanyang dibdib. Agad siyang dumiretso sa pinto at pinagkakakalabog ito.
Sinabayan niya rin ito ng walang humpay na sigaw para magbakasakaling may makarinig
sa kanila sa labas. Wala namang nakakarinig sa kanila sa labas gawa ng makapal na
pader sa pagitan ng banyo, dagdag pa dito ang malakas na hiyawan at tugtog ng
speakers sa 1st floor.

Cathreen:"Oh my! Don't worry Angela, I'm going to call the cops." Wika niya, habang
nakatingin kay Angela na naghihingalo na. Naiwan din kasi ni Angela ang kanyang
baong nebulizer sa VIP room. Hindi pa nagtagal ay biglang nagseizure ang dalaga na
ikinatakot ni Cathreen. Hinawakan niya sa may bandang leeg si Angela upang suriin
ang pulso nito. Naluha siya nang makramdamang wala na siyang nararamdamang tibok ng
puso ni Angela. Nang ididial niya pa lang sana ang numero ng pulisya ay napansin
niyang biglang nanlabo ang kanyang paningin. Unti-unti siyang bumagsak sa sahig
dahil sa kanyang nalanghap. Hindi na siya masyadong makagalaw dahilan hindi siya
makahinga, nang makita niyang bumukas ang pintuan. Isang babaeng nakaheels na
nakasuot ng gas mask ang pumasok ng banyo at agad ring sinarado ito. Ipinikit niya
ang kanyang mga mata, naramdaman niyang hinarangan ng isang panyo ang kanyang bibig
at ilong na nagresulta ng hindi niya paghinga. Hindi pa tumagal ay nawalan na rin
nang buhay si Cathrine. Lumabas ang misteryosong babae at ini-lock ang pintuan ng
banyo. Sa VIP room naman, naiwan ang anim na magkakaklase. Nagpaalam na ang bawat
isa dahil medyo malalim na ang gabi. Tinext nalang nila si Angela na umalis na sila
nang club. Nasa 5th floor parking area naman si Caleb at hinahanap ang kanyang
sasakyan nang tumawag ang kanyang guro.

Caleb:"Yes ma'am? Anong pong problema?" Tanong nang binata.

Ms. Gomez:"Nasaan kayo? Pupuntahan ko kayo, may importante kang malaman." Wika ng
guro na halatang natataranta na sa mga pangyayare.

Caleb:"Nandito po kami sa Alchohol Lab, dalawang sakay mula sa school. Yung club
na pagmamay-ari nila Angela?" Wika ng binata habang tinitignan ang mga kotseng
kanyang nadadaanan.

Ms. Gomez:"Ikaw na ang susunod Caleb, makinig ka saken. Kahit anong mangyare wag
kang bubukod sa mga kasama mo." Napakunot ang noo ng binata at tumawa.

Caleb:"Ha? Ano ba pinagsasasabi niyo ma'am? Tama nga si Mr. Lim, nakausap ko kasi
siya kanina eh, na-trauma ka lang sa mga nangyare. Get some rest ma-" Hindi na
natuloy ang kanyang sasabihin nang biglang umilaw ang kotse sa bandang dulo katabi
ang kanyang kotse. Humarurot ito sa kanya na para bang may balak na sagasaan siya
nito. Nabagsak niya ang kanyang cellphone at nagsimulang tumakbo. Nagkaroon siya
nang pagasa nang makita ang inclined plane pababa sa 4th floor pero nagulat siya sa
kanyang nakita. Isang sasakyan ang papaakyat at nang makita siya ay mas lalo pa
nitong binilisan. Hindi na nakatakbo pa si Caleb at nasagasaan nang tuluyan ng
sasakyang papaakyat. Nagulungan ang kanyang ulo't katawan nang malalaking gulong
nito. Dahang-dahang kumorte ang isang nakakapanlinlang na ngiti sa mukha ng babae,
habang pinagmamasdan ang nagkalat na lamang-loob ng binata sa sahig. Bumaba siya sa
kanyang kotse at pinulot ang cellphone ng binata.

:"Hello Ms. Gomez, kung sa tingin niyo eh titigil ako nang


basta-basta lang? Pwes nag-kakamali kayo. I won't give-up hangga't may natitira
pang studyanteng buhay sa klase mo." Biglang ibinaba ni Ms. Gomez ang kanyang
cellphone at nagbihis. Kailangan niyang gumawa ng aksyon at subukang pigilan ang
mga nangyayare. Nabuhay muli ang kanyang hinala na baka buhay pa si Tiffany.

CP35:The Last of Us >>

Agad inihanda niya na ang kanyang gamit at isinilida ng mga kulay itim na envelope
sa kanyang bag. Pumara ito ng isang taxi at tumungo sa "Alcohol Lab". Pagkarating
niya rito ay sumalubong sa kanya ang napakalamig na simoy ng hangin. Nagtaka siya
nang makita niyang napakaraming tao ang nagkukumpulan sa may harapan ng nasabing
bar. Kinalabit niya ang isang lalake sa kanyang harapan at itinanong kung anong
nangyayare.

Ms. Gomez:"Ahmm, kuya pwede po ba kong magtanong?" Mahin-hin niyang sinabi, agad
naman siyang nilingon nang lalake at tumango.

Ms. Gomez:"May alam ho ba kayo kung anong nangyare? Bakit po parang andami namang
tao?" Nalilitong tanong niya habang hawak-hawak ang kanyang bag nang mahigpit.

Lalake:"Mayroon pong natagpuang limang bangkay ng studyante sa loob ng bar. Grabe


nga eh, iba-iba yung pagkamatay nila pero nakakapagtaka. Ayon sa aking narinig sa
mga bulung-bulungan, sila daw ay nasa iisang section lamang." Napalunok ang guro at
nagsimulang manginig ang kanyang buong katawan. Dali-dali niyang binuksan ang
kanyang bag para kunin ang kanyang cellphone pero nagulat siya nang bumungad sa
kanya ang litrato ni Cj na may ekis sa kanyang mukha. Nang makita niyang lowbat ang
kanyang cellphone ay nagdesisyon siyang magikot-ikot upang magtanong kung saan
nagtungo ang iba niyang studyante. Habang naglalakad, nakasalubong niya si Zero.
Mayroong headphones na nakapasak sa dalawang tenga ng binata, seryosong siyang
nakatingin sa mga bangkay ng kanyang mga kaklase na isa-isang ipinapasok sa
ambulansya. Mahin-hing lumapit si Ms. Gomez sa binata, huminto siya sa harapan nito
at sinubukang kausapin ang binata.
Ms. Gomez:"Z-zero, alam mo ba kung nasaan ang iba mong mga kaklase?" Tanong ng guro
pero sa halip na sagutin siya nito, hindi siya pinagtuunan ng pansin ng binata at
nilakasan pa lalo ang sounds sa kanyang headphones. Hinawi ng guro ang headphone sa
kanyang kaliwang tenga sinabihan ang binata.

Ms. Gomez:"Huwag ka ngang bastos, ganyan ba ang itinuro ko sa inyo? Tulungan mo


kong hanapin ang iba mong mga kaklase, nasa panganib ang buhay nila." Nagpapanik
na sinabi ng guro sa binata. Pero ngumiti lang si Zero at tumawa ng malakas. Hindi
na nacontrol ng binata ang kanyang sarili, tinulak niya si Ms. Gomez sa sahig nang
pagkalakas-lakas. Tumama ang kanang binti ni Ms. Gomez sa isang matulis na bato sa
lansangan na nagresulta ng sugat.

Zero:"Tulong? Are you really serious about that Ms. Gomez? O baka naman binayaran
ka nanaman para gawin to? Pero kung hindi man, kailangan pa ba na madami munang
mamatay bago mo kami tulungan? Ipinaalam samen ni Mr. Lim lahat-lahat ng ginawa mo,
is it really worth-it na walang gawin habang pinagmamasdan mo kami isa-isang
mamatay para lang sa trabaho mo?" Padabog niyang sinabi sa guro na ikinagulat nito.
Dahan-dahang tumayo si Ms. Gomez sa sahig, hinawakan niya ang dalawang kamay ng
binata at lumuhod sa harapan nito.

Ms. Gomez:"Hindi mo ko naiintindihan Zero, buhay nang ko at nang aking pamilya ang
nasa panganib kung hindi ako susunod sa gusto nila. Masakit mang isipin pero wala
kong magawa sa mga oras na yun. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, gagawin mo rin ang
ginawa ko. A life without family is not worth living." Utal-utal na pagmamakaawa ng
guro sa binata pero hindi parin siya nito pinansin. Pabalang niyang inalis ang
kanyang dalawang kamay sa pagkakahawak ng guro.

Zero:"At first, I thought you're a great person, but I was wrong. You're just the
same as the others, selfish, celf-centered and cruel. You should have known
better." Wika ng binata at mabilis na umalis. Pinagmasdan ng guro si Zero hanggang
sa makalayo na ito, nakaupo lamang siya sa gilid ng tulay habang tuloy-tuloy ang
pag-agos ng luha sa kanyang dalawang mata. Maya-maya ay mayroong isang binata ang
lumapit sa kanya at inabutan siya ng panyo. Dahan-dahan niyang itiningala ang
kanyang ulo upang malaman kung sino ang binata.

Cj:"Don't mind him ma'am, natrauma lang yan si Zack. Sinisisi niya paren ang sarili
niya sa pagkamatay ni Zoey." Nagbuntong-hininga si Cj at tinulungang maitayo ang
guro.

Cj:"Is it true that this isn't over? Akala ko ba deds na si Tiffany? Bakit ba
nangyayare samen to?" Seryosong tanong ng binata habang nakatingin sa kawalan.
Hinwakan ni Ms. Gomez ang kanang kamay ni Cj at yumuko.

Ms. Gomez:"Gagawa tayo ng paraan para mailigtas ko kayo pe-" Hindi na natuloy ang
sinasabi ng guro dahil agad sumagot si Cj.
Cj:"Sinabi samen ni Mr. Lim na iwasan ka namen dahil sa mga pinaggagawa mo. Alam ko
namang masaket mawalan nang pamilya pero sana gumawa ka man lang nang paraan. Pwede
ka namang tumawag ng pulis or investigators nung una palang. Edi sana hindi kami
aabot sa ganito." Wika ng binata, dahan-dahan niyang inalis ang pagkakahawak sa
kanya ng guro at nagbow sa harap nito.

Cj:"Alam ko na namang hindi ko matatakasan ang kapalaran ko. Alam ko na hinahanap


na ko ni Tiffany sa mga oras na to. Alam ko na mamatay na ko mamaya. Alam ko na h-"
Hindi na natuloy ang sinasabi ng binata dahil sinampal siya ng kanyang guro.

Ms. Gomez:"Ano bang pinagsasasabi mo Cj? Hindi pa huli ang lahat, kaya naten tong
lagpasan." Nakayuko ang binata at tumawa ng mahina kahit na may mga luhang
bumabagsak sa kanyang dalawang mata .

Cj:"It's too late, alam ko na pinadalhan niyo isa-isa ang mga magulang namen na
patay na kame. Inalis niyo ang kahit anong possibleng paraan para macontact namen
sila. Hindi lang pala kayo ang responsable dito, pati ang buong school. It's all
about the silly game diba? Laro lang ang lahat ng ito sa inyo, at kung akala mo si
Tiffany ang pumatay sa kanila? No, you're the one responsible for all of this."
Wika nang binata sa guro. Dahan-dahang umakyat si Cj sa may tulay at nilingon ang
guro.

Cj:"Total alam na naman ng magulang ko na patay na ko, baket hindi pa naten


totoonin diba? Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang papatay sa sarili ko kesa
mapatay ako ng mga taong katulad niyo." Wika nang binata. Tumalon ang binata sa
tulay nang may ngiti sa kanyang mga labi na para bang masaya pa siya sa kanyang
ginawa.

Ms. Gomez:"Ceeee-jaaaaay!" Dali-daling sinilip ng guro ang binata sa tulay. Nakita


niyang bumagsak ito sa tubig. Nakita nang dalawa niyang mga mata ang unti-unting
pagkalunod ni Cj. Nanginginig ang buo niyang katawan at hindi parang hindi
makagalaw. Isa sa kanyang mga studyante ang nagpakamatay sa kanyang harapan at wala
man lang siyang nagawa na paraan. Hindi pa rin siya sumuko at hinanap ang
natitirang apat na studyante sa kanyang klase.

Pagewang-gewang namang naglalakad si Alexandra, naka-akbay siya sa kanyang


kasintahang si Hunter. Nang makita ang isang kulay pulang building ay kumurba ang
isang mahabang ngiti sa labi ng dalaga. Pinulupot niya ang kanyang dalawang kamay
sa leeg ng binata at bumulong.

Alexandra:"I'll make this night a night you won't forget." Nangaakit na sinabi ng
dalaga na nasundan ng mahinhing tawa. Kinuha niya ang kanang kamay ng binata at
hinatak papunta sa loob ng nasabing building. Humarap si Hunter kay Alexandra at
tinanong.

Hunter:"You're drunk Alex, halika na at ihahatid na kita sa condo mo." Wika ng


binata pero tinawanan lang siya ni Alexandra. Hinawakan ni Alexandra ang polong
suot-suot ni hunter at hinatak palapit sa kanyang mukha. Agad namula ang binata at
hindi alam ang gagawin.

Alexandra:"Don't be afraid, akong bahala sayo." Wika ng dalaga at nagcheck-in na


sila ng isang kwarto. Habang kinakausap ng dalaga ang receptionist ay parang
namumukhaan ito ni Hunter. Tinuro-turo niya ito at nagtanong.

Hunter:"Have we met before miss? You look familiar." Wika ng binata pero medjo
malabo na ang kanyang paningin dahil sa alak na kanyang nainom.

:"No sir, you're just drunk. Go on and I'll make this


night memorable. an-" Wika nang dalaga. Nakita ni Alexandra ang paguusap ng dalawa
kaya agad itong umeksena at pumwesto sa harapan ng babae.

Alexandra:"He's mine so back off. Come on Hunter, let's go!" Wika nang dalaga at
hinatak ang binata papunta sa kanilang kwarto. Agad humiga ang dalaga na sinundan
ng binata. Agad nagkasalubong ang kanilang dalawang labi at gumapang ang kanya-
kanyang kamay. Sa gitna nang kanilang pagtatalik, may kumatok sa kanilang pintuan
nang tatlong beses. Huminto si Hunter sa kanyang ginagawa at sumigaw.

Hunter:"Back off! We're busy!" Pasigaw na sinabi ng binata pero kumatok ulit ito
nang tatlong beses pero sa pangalawang beses na katok nito ay may kasama nang
boses.

:"Room service!" Wika ng isang babae. Tumayo si Hunter at


pumunta sa harapan ng pinto samantalang chineck naman ni Alexandra ang kanyang
cellphone. Nagulat siya nang makita ang text message ni Zero.

**

Lex, may problema tayo. Patay na yung iba nating mga


kaklase. Natagpuang nakasilid sa isang garbage bag ang katawan ni Aliza sa gilid ng
bar. Ang 3 bangkay nila Angela,Cathrine at Sakura sa comfort room ng girls at ang
bitak-bitak na katawan ni Caleb sa parking area. Mag-iingat kayo, mukhang hindi pa
siya tapos saten.

-Zero

**
Napabangon rin si Alexandra sa kama sa kanyang nabasa. Bago pa man hawakan ng
binata ang door knob ay binalaan siya ng dalaga.

Alexandra:"Don't open it Hunter, buhay pa si Tiffany." Nanginginig na sinigaw ng


dalaga. Napahinto ang binata at napaatras nang tatlong beses.

Hunter:"W-what do you mean Alex?" Nalilitong tanong ng binata. Iniabot ni Alexandra


ang kanyang cellphone para ipakita ang text sa kanya ni Zero. Agad nagbihis ang
dalawa at humanap nang possibleng panlaban sa kung sino man ang nasa likod ng
pintuan. Nasa harapan naman ng motel si Ms. Gomez at pumasok dahil ito ang itinuro
ni Zero sa kanya kung nasaan sina Alexandra at Hunter. Magtatanong sana siya sa
receptionist pero walang tao rito, sinilip niya ang likuran ng receptionist desk
ang napasigaw siya sa kanyang nakita. Nakahilata ang katawan ng babaeng
receptionist at wala na itong buhay. Tinignan niya ang logbook at nakita ang
pangalan ng dalawang studyante. Dali-dali siyang nagelevator at umakyat papuntang
5th floor.

Sa loob naman ng kwarto ng magkasintahan, parehas silang kinakabahan at hindi alam


ang gagawin. Tuloy parin ang pagkatok ng sa kanilang pintuan na para bang ayaw nito
tumigil. Nilingon ni Hunter si Alexandra at binigyan ng instructions.

Hunter:"Bubuksan ko yung pintuan pagkatapos hahampasin ko siya nitong lampshade.


Alex, pagnahampas ko na siya tumakbo ka lang palabas ng building ha? Save yourself,
susunod nalang ako." Wika nang binata. Tumakbo papunta ang dalaga kay Hunter at
niyakap ito nang mahigpit.

Alexandra:"P-pero paano ka?" Nagaalalang tanong ng dalaga. Ngumiti sa kanya si


Hunter at hinalikan si Alexandra.

Hunter:"Huwag mo kong alalahanin, naalala mo ba yung sinabi ko sayo dati? Ako yung
superman mo kaya akong bahala sayo." Wika nang binata. Nagpout naman si Alexandra
at pinisil ang dalawang pisngi ni Hunter.

Alexandra:"Awww, I hate chu." Maarteng pagkasabi ng dalaga, ginulo-gulo ng binata


ang buhok ni Alexandra at nagpaalam.

Hunter:"Basta Alex ha, sundin mo yung sinabi ko sayo. Kahit anong mangyare, don't
look back. Just keep on running and running hanggang makakita ka ng pulis. After
that, ireport mo sa kanya ang lahat nang nangyare. Ok?" Paliwanag ng binata,
tumango lang si Alexandra at umatras nang tatlong beses mula sa pintuan. Hinawakan
ni Hunter ang doorknob at dahan-dahan itong binuksan. Bumungad sa kanya ang isang
babaeng nakauniporme ng hotel, mayroon siyang hawak-hawak na tray na para bang
idedeliver ito sa kanilang kwarto. Dahil sa maling akala ay nahataw ni Hunter ang
nasabing babae. Agad itong bumagsak sa sahig pero nasa gilid niya ay isang babaeng
nakamaskara na nakauniporme ng St. Venille. May hawak-hawak itong panaksak, agad
siyang humarap kay Hunter at sinusubukang saksakin pero nakakailag ang binata.
Napalingon si Hunter at nakitang hindi pa kumikilos si Alexandra dahil sa takot.

Hunter:"Alex! Takbo!" Sigaw ng binata na agad namang tumakbo si Alexandra palabas


ng kwarto. Dahil sa ginawa niyang paglingon kay Alexandra ay nasaksak siya sa
kanyang tyan ng babaeng nakamaskara. Unti-unting itinaas ni Hunter ang kanyang
kamay at pilit na itinanggal ang maskara ng babae. Nanlaki ang kanyang mga mata
nang makita niya na si Alyssa pala ang nasa likod nito.

Alyssa:"Hi Hunter, I told you I'll make this night memorable! Hahaha" Malanding
pagkasabi ng dalaga. Agad bumagsak ang binata sa sahig. Hindi pa nakuntento ang
dalaga at pinaraanan ng saksak ang iba't-ibang bahagi ng katawan ni Hunter. Nang
makita nang wala nang buhay ang binata ay dinilaan niya ang kutsilyong ginamit niya
sa pagpatay ni Hunter.

Alyssa:"Bittersweet." Bulong nito sa sarili.

:"Hi Alyssa, did you miss me." Tanong ng isang dalaga.


Lilingon pa lamang siya nang biglang tinakpan ang kanyang mga mata ng kulay itim na
panyo. Kinuha ng babae ang cellphone ni Alyssa at agad itinext si Ms. Gomez.
Habang tumatakbo sa hallway ng motel si Alexandra ay nakasalubong niya ang kanilang
guro. Agad siya nitong sinalubong ng isang mahigpit na akap. Gulo-gulo ang buhok ni
Alexandra at hindi matigil ang pagbagsak ng luha sa kanyang dalawang mata.

Alexandra:"You need to help me, naiwan ko si Hunter dun sa kwarto namen. Someone's
after for our lives. We need to report this to the police as soon as possible."
Paliwanag niya sa guro pero nakayuko lang si Ms. Gomez at namumutla.

Ms. Gomez:" We can't." Matipid na sagot ng guro. Kumunot naman ang noo ni Alexandra
sa kanyang narinig at ginulo-gulo ang kanyang sariling buhok.

Alexandra:"W-what do you mean we can't? Are you one of them? Are you going to kill
me too? Ahhhh! This is so absurb, I can't take it anymore! I'm gonna call my
parents about this!" Idinadial niya pa lamang ang numero nang pinigilan siya ni Ms.
Gomez.

Ms. Gomez:"You can't, alam nang buong pamilya mo na matagal ka nang patay. Hindi
rin tayo pwedeng magsumbong sa pulis dahil hawak-hawak ito ni Mrs. Mendoza. Kaya
walang tumutulong satin ay pinagbawalan ito ni Mrs. Mendoza. Ang nangyareng
imbestigasyon noon ay pakitang tao lamang para masabing gumagawa nang aksyon ang
pulisya." Paliwanag ng guro, naubusan ng salitang sasabihin si Alexandra at
nakatingin lamang sa guro. Bigla namang nagring ang cellphone ni Ms. Gomez at
nakatanggap ng isang text mula kay Alyssa.

**

Seonsaeng! Tulungan mo ko! Mayroong gusto pumatay saken,


andito ako ngayon sa lumang police building sa may likuran ng school.

-Alyssa

**

Habang nagiisip nang gagawing aksyon si Ms. Gomez ay nakatingin lamang si


Alexandra sa kanyang phone. Tinitignan niya ang contacts ng kanyang mga magulang
dahil sa sinabi sa kanya ng kanyang guro. Nagbuntong-hininga ang dalaga at pinindot
ang call button sa kanyang cellphone. Namuo ang isang matamis na ngiti sa labi ng
dalaga nang marinig na magring ito. Agad namang sumagot ang kanyang Ina na si Mrs.
Bartolome.

Mrs. Bartolome:"Hello who's this?" Tanong sa kabilang linya. Napahawak siya sa


kanyang telepono ng mahigpit nang marinig ang boses ng kanyang ina. Nakaramdam siya
nang excitement at pag-asa dahil alam niyang pwede silang matulungan ng kanyang mga
magulang.

Alexandra:"M-ma? Ako to si Alex, yung anak niyo. Tulungan niyo ko ma-" Mangiyak-
ngiyak niyang sinabi sa kanyang nanay pero pinutol ito ni Mrs. Bartolome dahil
bigla itong nagsalita.

Mrs. Bartolome:"Hindi ka nakakatuwa, ibang tao nalang ang lokohin mo. Patay na si
Alexandra, limang buwan na ang nakakaraan. Huwag mong idamay ang anak ko sa mga
kalokohan mo dahil pwede kitang ipakulong sa ginagawa mo!" Galit na sigaw sa kanya
at bigla itong binaba. Parang nabagsakan ng langit si Alexandra at natulala. First
time niya kasing mapagtaasan ng boses ng kanyang ina. Napalingon naman si Ms. Gomez
sa kanya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay.

Ms. Gomez:"We need to save Alyssa Alexandra. Siya ang pinakamalapit na kaibigan ni
Tiffany sa St. Venille. Kelangan nateng makakuha nang impormasyon sa kanya laban sa
mga Mendoza." Seryosong sinabi ng guro pero hindi ito pinansin ng dalaga dahil
hindi parin siya makapaniwala sa kanyang nalaman.

Pagkarating nila sa harap ng lumang building ay nadatnan nila dito si Zero.


Nakatingin lang siya sa kanyang cellphone at para bang may binabasa ito. Agad
lumapit ang dalawa at kinausap ang binata.
Alexandra:"Z-zero.." Mahinang tawag nito sa binata.

Zero:"Alyssa also texted you?" Tanong ng binata sa kaklase. Tumango si Alexandra at


yumuko. Dahan-dahan namang tinaas nang binata ang kanyang kamay sa harapan ng
dalaga.

Zero:"Tara, wala na tayong oras." Wika ng binata, hinawakan ng dalaga ang kamay ni
Zero at sabay silang pumasok sa building. Madilim, tahimik at nakakatakot ito ang
mga salitang maglalarawan sa loob ng building. Napapalibutan ang kwarto ng iba't-
ibang lumang armas na ginamit ng mga pulis. Nagulat silang tatlo nang biglang
bumukas ang isang ilaw sa bandang gitna ng building. Nakaupo ang isang babae sa
upuan, nakatali ang kanyang mga kamay,paa at leeg. Nakatakip ang kanyang mga mata
at hindi makagalaw dahil sa higpit nang pagkakatali. Mayroon mga litrato na
nakastapler sa kanyang uniporme pero hindi lamang ito mga ordinaryong litrato. Ito
ay iba't-ibang litrato ng mga pinatay niyang kaklase. Hindi pa nagtagal ay bumukas
ang isang pintuan sa gilid, lumabas dito ang isang babaeng kilalang kilala nila.
Nakasuot ang babae ng isang kulay puting baro, may nakasabit ditong itim na bag at
nakasuot siya ng isang maskarang nakangiti. Mayroon rin siyang hawak-hawak na
latigo na may mga malalaking tinik sa gilid nito.

:"Hi guys, am I late for the party?" Tanong nito sabay


nagpout. Nanlaki ang mata ng guro nang makita ang nasabing babae. Para bang hindi
siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan. Imbis na matakot, humakbang nang tatlong
beses paharap si Alexandra at sinubukang kausapin ang misteryosong babae.

Alexandra:"Sino ka ba? Bakit mo ba ginagawa samen to?" Tanong niya sa babae,


tinawanan lang siya nito at humakbang nang tatlong beses paharap.

:"My name is Shanna Mendoza." Pakilala ng dalaga sa


kanyang sarili at dahan-dahang inalis ang kanyang maskara. Binalibag niya ito sa
sahig at ngumiti.

Shanna:"I changed my name to Tiffany when I entered St. Venille. Konting pera lang,
kaya ko nang makuha ang gusto ko. Lahat nang bagay dito sa mundo, may katapat na
pera." Wika nang dalaga habang dahang-dahang lumalapit kay Alyssa. Inilapit niya
ang kanyang mukha kay Alyssa at ngumiti.

Shanna:"Nagpapasalamat nga pala ako sa kaibigan kong si Alyssa, kundi dahil sa


kanya, nabawasan ang problema ko." Maangas niyang pagkasabi sabay inalis ang piring
sa mata ni Alyssa. Nagulat ang dalaga sa kanyang nakita, nakatayo sa kanyang
harapan si Tiffany at buhay na buhay ito.

Alyssa:"T-Tiffany? I t-thought you're dead?" Pautal-utal nitong tanong sa dalaga.


Tinignan siya ng masama ni Shanna at crinoss ang kanyang arms.
Shanna:"Stop calling me Tiffany and I'm not dead. I'm alive and still breathing!
Salamat sa pinakamamahal kong Ina. Bago pa man dumating ang investigation team
nauna na silang dumating kung saan ako nahulog. Dahil sa Sakurang yan, muntik na ko
mamatay pero sabi nga nila, ang masamang damo hindi madaling namamatay." Naiiritang
pagkasabi ng dalaga. Dahan-dahang bumaba sa hagdan si Ms. Gomez para pigilan si
Shanna sa kanyang masamang binabalak.

Ms. Gomez:"S-shanna, itigil mo na ang binabalak mo, maayos pa natin to." Agad
siyang nilingon ni Shanna at ngumiti.

Shanna:"What if I don't want to stop?" Nakapanloloko niyang tanong sa guro at


biglang hinampas nang latigo si Alyssa. Kadadikit nito sa balat ng dalaga ay
bumabaon ang malalaking tinik sa gilid ng latigo at ang resulto nito, natutuklap
ang balat niya na natatamaan ng latigo. Hinawakan ni Shanna ang dulo ng latigo kung
saan andito ang pinakamalaking tinik na gawa sa alambre, bago pa man niya itusok
ito kay Alyssa ay nagsalita ang dalaga.

Alyssa:"I thought we're friends." Tanong ng dalaga pero ngumiti lang si Shanna at
bumulong.

Shanna:"We were, nung meron ka pang pakinabang. Too bad wala ka nang sasay saken
and besides, sino ba nagsabing kaibigan kita? Isa ka lang sa mga pampalipas oras
ko." Nasundan ang kanyang sinabi nang nakakatakot na tawa. Bago pa man magsalita si
Alyssa ay binaon niya ang dulo ng latigo sa lalamunan ng dalaga. Agad dumanak ang
dugo sa leeg ni Alyssa at mabilis na nawalan ng buhay. Napa-upo naman si Alexandra
sa sahig sa kanyang nakita , nakahawak ang kanyang dalawang kamay sa tuktok ng
kanyang ulo at nagsisi-sigaw. Tumakbo si Ms. Gomez papunta kay Alyssa at tinulak si
Shanna.

Ms. Gomez:"You've become a monster!" Nanginginig niyang sinigaw sa dalaga. Dahan-


dahan namang tumayo si Shanna habang natatawa sa sinabi ng guro.

Shanna:"You turned me into a monster. Hindi ko naman to gustong gawin pero pinilit
niyo ko. 10 years ago, nag-enroll ang kuya ko sa St. Venille. He entered the school
with full of excitement and dreams. Kabilang siya sa sinasabing 6th section, isa-
isang namamatay ang kanilang mga kaklase sa iba't-ibang klaseng aksidente. May mga
nasasagasaan, may nababaril, nasasaksak at iba pa. Sa mura kong edad, sinasabi
saken ng kuya ko ang mga nangyayare sa kanilang eskwelahan pero kahit na puro
masasama ang nangyayare, tinitignan niya parin ito in a positive way." Wika nang
dalaga habang naglalakad-lakad. Huminto siya limang hakbang kaharap si Ms. Gomez.

Shanna:"Masaya,buo at walang problema, yan ang pamilya ko noon pero lahat yon ay
biglang naglaho nang mamatay si kuya. 10 days before their graduation, nagkaroon
sila nang sinasabing traditional party. Kasama kong umattend si mommy at kuya sa
nasabing party pero hindi pala party ang napuntahan namen. Lahat sila ay may mga
hawak na matatalim na bagay at kung anu-ano pang mararahas na gamit. Nasa harap
namen ang iba't-ibang tao, may mga magulang,guro at studyante. Lahat sila ay
isinisisi si kuya sa pagkamatay nang ibang mga studyante. Kitang-kita nang dalawa
kong mga mata nang walang awang pinatay nila si kuya. Sinaksak, pinagtatadyakan at
pinagsasabihan ng iba't-ibang masasaket na salita. Wala kaming magawa ni mommy sa
nangyare kundi panoorin lang na unti-unting mamatay si kuya. Dahil sa possibleng
kami ang sunod na pagtulungan, hinatak ako ni mommy papasok nang sasakyan at umuwi.
Sabi niya saken laro lang lahat iyon, magiging ok din daw si kuya at magiging buo
rin daw kami pagdating ng araw, pero lahat iyon ay purong kasinungalingan lang
pala. 1st year highschool palang ako, buo na ang plano. Kontrol na ni mommy ang
buong kapulisyahan at kaya niyang pigilan ang paginterfere nila sa nangyayare sa
St. Venille. Nang malaman kong ok na ang lahat, doon ko sinimulan ang pakikipaglaro
ko sa mga studyante na kabilang sa 6th section. " Wika ng dalaga.

Alexandra:"Mga demonyo kayo! Parehas kayo ng kuya mo! Mamamatay tao!" Naghuhumagpis
na sigaw ng dalaga pero seryoso siyang tinignan ni Shanna. Agad nagbago ang kanyang
expresyon at tinawanan ang sinabi ng dalaga.

Shanna:"Wala kang alam sa nangyare. After ilang months nang pagiimbestiga, nalaman
nila kung sino ang totoong killer. Napagbintangan lang ang kuya ko, hindi siya
mamamatay tao. I'm doing this whole thing para ipadama ko sa inyong lahat kung pano
mawalan nang isang bagay na sobrang mahalaga sayo. Kinuha nila samen ang kuya ko
nang walang kalaban-laban. Now, I'm just returning the favor to your parents.
Hahahahaha!" Dahan-dahang itinaas ni Shanna ang kanyang kanang at itinutok ang
baril kay Alexandra. Ngumiti ito kay Ms. Gomez at mabilis na pinakawalan ang
trigger ng baril. Dahan-dahang bumagsak si Alexandra at agad nawalan ng buhay.
Sumunod niyang itinutok ang baril kay Zero pero bago niya ito pakawalan ay
hinarangan ni Ms. Gomez si Zero at sumigaw.

Ms. Gomez:"A-Ako na lang ang patayin mo. Wala silang kasalanan sa pagkamatay nang
kuya mo Shanna, walang magandang maidudulot ang paghihiganti mo. B-baket?! Kapag ba
napatay mo na silang lahat maibabalik ba ang buhay nang kuya mo?" Nagmamatigas na
tanong nito sa dalaga. Yumuko si Shanna nang ilang segundo at tumawa nang parang
nawawala sa kanyang sarili.

Shanna:"Tama ka, hindi maibabalik ang buhay ng kuya ko kapag napatay ko na kayong
lahat. Pero ngayon pa ba ko aatras kung kelan huli na ang lahat? Isa lang naman ang
gusto ko eh, maipadama ko sa inyo ang saket na nadarama ko." Seryoso nitong sinabi
at biglang pinakawalan ang baril. Natamaan si Ms. Gomez nang bala kaya agad itong
napaupo sa sahig. Umu-ubo siya nang kanyang sariling dugo nang lumapit sa kanya si
Shanna. Nakatingin siya kay Zero at muling pinakawalan ang hawak na baril nang
tatlong beses. Napangiti ang dalaga nang makitang naliligo ang binata sa sarili
niyang dugo. Yumuko si Shanna at tinignan ang guro. Inilabas niya ang isang black
envelope at inilapag ito sa sahig. Dahan-dahan naman itong binuksan ni Ms. Gomez,
nanlaki ang kanyang dalawang mata nang makita ang nasa loob nito. Lahat sila ay may
markang ekis sa mukha maliban kay Tiffany ngunit kapansin-pansin na siya ang may
pinakamalaking ekis sa mukha. Unti-unting binaling ng guro ang kanyang tingin kay
Shanna.
Shanna:"Game over!" Sigaw nito at biglang tinapakan ang ulo ng guro at walang
humpay na pinaputukan ng baril si Ms. Gomez. Punong-puno ang damit at mukha ng
dalaga ng dugo pero mayroon paring ngiti sa kanyang mga labi. Pagkalabas na
pagkalabas niya sa building ay agad siyang sinalubong ng kanyang mga magulang nang
may matatamis na ngiti.

--------------------

3 months later ...

Isang babae ang pumasok sa classroom na may hawak-hawak na soda. Bago pa man siya
umupo sa kanyang upuan ay hinarang siya ng isang guro.

Guro:"E-excuse me miss? Are you new here? Can you introduce yourself to everyone?"
Wika nang guro habang nakangiti. Inilipag niya ang kanyang soda sa teacher's desk
at nagpakilala.

Shanna:"My name is Tiffany Mendoza, a transferee from St. Venille." Seryosong


pakilala ng dalaga sa kanyang sarili. Pagkatapos niyang magpakilala ay agad itong
dumiretso sa last row at umupo.

Shanna:"As long as I'm breathing, the game's not over." Bulong nito sa kanyang
sarili at tumawa ng mahina.

-------------------- Ell's Note:

Hayahaaaay CP Readers! Sana nasagot lahat ng tanong niyo and kung may hindi man
nasagot nako-nako ipm mo ko about dun para mai-edit ko siya kaagad. Sorry kung
maraming flaws,errors and minsan nawawala sa realidad ang story ko. I'm not a
professional writer. Isa lamang akong 16 year-old na sinusubukang magsulat ng
horror stories para sa inyong lahat. Sorry kung may paenglish-english pa kong
nalalaman, minsan masarap magfeeling rich. Kahit feeling lang, damang-dama mo.

Heniwayss, Sana masabi niyong worth it ang pagbabasa niyo ng Class Picture! Please
pakishare sa iba niyong friends and please pakivote po! I really need it, comment
din kayo kung ano opinion/s niyo sa ending. Sana nagustuhan niyo ang ending na
inihanda ko sa inyo. New cover for the ending!

Keep Calm and Read Class Picture!


PS: HUWAG NIYO PO MUNANG ALISIN TO SA LIBRARY NIYO, Meron pa kong ilalagay dito
such as EXTRA CHAPTERS,EPILOGUES AND BONUS CHAPTERS! c':

PPS: Forbidden will start soon! Wala pang exact date pero soon na yun. xD

Das könnte Ihnen auch gefallen