Sie sind auf Seite 1von 74

8

AralingPanlipunan 8
Quarter 1 – Module 5:
A
Mga Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig

Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI IPINAGBIBILI
Araling Panlipunan — Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 — Module 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
First Edition, 2020

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been
exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright
owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address:Brgy. 23, National Highway, Gingoog City


Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address:
8
Araling Panlipunan
Quarter 1 – Module 5:
Mga Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig
This page is intentionally blank
Tala ng mgaNilalaman
PaunangSalita...................................................................................................i
Alamin................................................................................................................i
PangkalahatangPanuto..................................................................................iii
Mga Icon ng Modyul........................................................................................................... iii
Subukin...........................................................................................................iv
PanimulangPagtataya:....................................................................................................iv
Aralin1..............................................................................................................1
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig.......................................................1
Alamin................................................................................................................................. 1
Tuklasin.............................................................................................................................. 1
Gawain 1: Ilarawan Mo!...................................................................................................1
Suriin.................................................................................................................................. 2
Ang Kabihasnang Mesopotamia......................................................................................2
Project EASE Modyul 3 pahina 3-12...............................................................................6
Pagyamanin........................................................................................................................ 7
Gawain 3: Pangalanan Mo!.............................................................................................7
Isagawa........................................................................................................................... 8
Gawain 5: Reflection.......................................................................................................8
Aralin2..............................................................................................................9
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya.......................................................9
Suriin............................................................................................................................. 10
Gawain 3: Basahin Mo!.................................................................................................10
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya........................................................................10
Pagyamanin...................................................................................................................... 15
Gawain 4: Sagutin Mo!..................................................................................................16
Isaisip............................................................................................................................ 16
Gawain 5: Graphic Organizer........................................................................................16
Aralin3............................................................................................................17
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya..............................................17
Balikan.............................................................................................................................. 17
Gawain 1: Pangalanan Mo!...........................................................................................18
Alamin............................................................................................................................... 18
Tuklasin............................................................................................................................ 19
Gawain 2: Spider Web..................................................................................................19
Suriin............................................................................................................................. 19
Gawain 3: Basahin Mo!.................................................................................................19
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya..................................................................19
Pagyamanin...................................................................................................................... 29
Gawain 4: Tama o Mali.................................................................................................29
Isaisip............................................................................................................................ 29
Isagawa............................................................................................................................ 30
Gawain 6: Pinta-larawan...............................................................................................30
Aralin4............................................................................................................30
Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa........................................................30
Balikan.............................................................................................................................. 31
Alamin............................................................................................................................... 31
Tuklasin............................................................................................................................ 31
Panuto: Ayusin ang mga magkahalong salita sa pamamagitan ng mga kahulugang
katabi ng mga salita at isulat sa kwaderno ang tamang sagot.......................................32
Pagyamanin...................................................................................................................... 36
Isaisip............................................................................................................................... 36
Isagawa............................................................................................................................ 37
Aralin5............................................................................................................38
Ang Kabihasnang Mesopotamia..................................................................38
Balikan.............................................................................................................................. 38
Alamin............................................................................................................................... 38
Tuklasin............................................................................................................................ 39
Pagyamanin...................................................................................................................... 43
Gawain 4: Tracing the Beginning..................................................................................43
Isaisip............................................................................................................................... 44
Gawain 5: Graphic Organizer........................................................................................44
Isagawa............................................................................................................................ 44
Aralin6............................................................................................................46
Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig.........................46
Pagtatasa........................................................................................................54
Susi saPagwasto...........................................................................................57
PaunangSalita
Ang pangunahing tunguhin ng K – 12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ay ang
makahubog ng isang mamamayan na mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo,
makakalikasan, makabansa, at makatao. Hinuhubog din natin ang kanilang makabansa at
pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan
upang makamit natin ang kapayapaan at kaunlaran.

Ang Alternative Delivery Mode (ADM) ay naglalayon na magbigay ng kalidad na


edukasyon, pantay-pantay at naaayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral para
pagtibayin ang kanilang kaalaman upang makamit ang kasanayang pan-21-siglo.

Para sa mga mag-aaral, ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa “New Normal”
kung saan binibigyang pansin ang inyong pangangailangan sa edukasyon. Layunin din nito
na ihatid ang mga aralin sa eskwelahan sa inyong mga tahanan. Ang modyul na ito ay
naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa sinaunang kabihasnan sa daigdig, uri ng
pamumuhay ng mga sinaunang tao, mga pag-usbong ng mga kabihasnan at mga ambag ng
sinaunang kabihasnan. Inaasahan na unawaing mabuti ang bawat bahagi ng modyul na ito
at sundin ang mga panuto sa gawaing inaasahan sa kanila.

Para sa mga facilitators,malaki ang bahaging ginagampanan natin sa module na ito.


Inaasahang gagabayan at tutulongan natin ang ating mga mag-aaral upang makamit nila
ang kalidad na edukasyon at kasanayang pan-21-siglo na inaasahan sa kanila.

Alamin
Nalaman mo sa nakaraang modyul ang kahalagahan ng heograpiya sa pag-usbong
ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Ngayon, mas lalo pa nating ipalalim ang iyong
nalalaman kung paano napaunlad ng mga sinaunang tao ang kanilang pamumuhay at
nakamit ang mataas na antas ng kalinangang kultural. Ito ang pagtatag ng mga
kabihasnang nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa lahat ng tao sa kasalukuyang
panahon.

Sa modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


a. Nasusuri ang sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, China at
Mesoamerica batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at
lipunan.(AP8HSK-li-8)
b. Napapahalagahan ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
(AP8HSK-Ij-10)

Halina at pag-aralan ang ang mga sinaunang kabihasnan at ang kanilang pag-unlad
sa daigdig!

i
.

ii
PangkalahatangPanuto
Ito ang magiginggabaysapaggamit ng modyulnaito:
1. Basahin at unawainnangmabuti ang bawatbahagi ng modyul at sundin ang
mgadireksiyon o panutohabangbinabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mgakatanungan.
3. Maglaan ng sapatnaorassapagsagot ng mgakatanungan.
4. Gawingkasiya-siya ang bawatpanahonsapaggamit ng modyul.

Mga Icon ng Modyul

Sa bahagingito, malalamanmo ang


Alamin
mgadapatmongmatutuhansamodyul.

Sa pagsusulitnaito, makikitanatin kung anona


Subukin
ang kaalamanmosaaralin ng modyul.

Ito ay maiklingpagsasanay o balik-


Balikan aralupangmatulungankangmaiugnay ang
kasalukuyangaralinsanaunangleksyon.
Sa bahagingito, ang bagongaralin ay
ipakikilalasamaramingparaantulad ng
Tuklasin
isangkuwento, awitin, tula, pambukasnasuliranin,
gawain o isangsitwasyon.
Sa seksyongito, bibigyan ka ng
maiklingpagtalakaysaaralin.
Suriin
Layuninnitongmatulungankangmaunawaan ang
bagongkonsepto at mgakasanayan.
Binubuoito ng mgagawaing para samapatnubay
Pagyamanin at malayangpagsasanayupangmapagtibay ang
iyong pang-unawa at mgakasanayansapaksa.

Naglalamanito ng
Isaisip mgakatanunganupangmaproseso kung
anongnatutuhanmomulasaaralin.
Ito ay naglalaman ng
gawaingmakatutulongsaiyoupangmaisalin ang
Isagawa bagongkaalaman o
kasanayansatunaynasitwasyon o realidad ng
buhay.

iii
Subukin

PanimulangPagtataya:

1. Anong ilog na pinag-usbungan ng kabihasnang Shang?


A. Nile B. Euphratis
C. Tigris D. Huang Ho
2. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkatatag ng permanenting tirahan?
A. Baha B. Bagyo
C. Pagsasaka D. Digmaan
3. Ano ang tawag sa Sistema ng pagsulat ng kabihasnang Sumer?
A. Pictogram B. Hieroglyphics
C. Cunieform D. Caligraphy
4. Sa imperyong Persiano, ano ang tawag sa lalawigan nito?
A. Polis B. Drachma
C. Encomie D. Satrapy
5. Ano ang tawag sa nag-iisang lagusan sa matatarik na kabundukan ng Hindu Kush na
naging daan sa mga mananakop at mananalakay na makapasok sa kalupaan ng
India?
A. Tirad Pass B. Bering Strait
C. Khyber Pass D. Drake Passage
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pangunahing lahi sa mundo?
A. Mongoloid B. Dravidian
C. Caucasian D. Negroid
7. Ano ang tawag sa kauna-unahang imperyo sa daigdig?
A. Akkad B. Roman
C. Assyrian D. Babylonian
8. Ano ang pangkat ng tao sa sistemang Caste ng India ang mga magsasakang walang
sariling lupa?
A. Sudra B. Pariah
C. Vaisya D. Ksatria
9. Ano ang tawag sa wikang klasikal ng panitikang Indian?
A. Hindi B. Nepungo
C. Bengali D. Sanskrit
10. Bakit karapatdapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa
Mesoamerica?
A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
B. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang
panahon.
C. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga Mesoamerica kaysa
sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa.
D.Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na
pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay.

iv
This page is intentionally blank
Aralin
Mga Sinaunang Kabihasnan sa
1 Daigdig

Alamin

Sa araling ito inaasahang maipaliliwanag mo ang pagsulong ng mga unang


kabihasnan sa Asya batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Inaasahan na masusuri mo ang bawat sinaunang kabihasnan at mapahalagahan ang mga
kontribusyon nito sa kasalukuyang panahon.

Tuklasin

Gawain 1: Ilarawan Mo!

Panuto: Pumili ng isa sa mga sinaunang kabihasnan at ilarawan ito sa isang salita o
paririla batay sa heograpikal na katangian nito at isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Kabihasnang Kabihasnang Kaihasnang Indus


Mesopotamia Tsino sa sa Timog Asya
Silangang Asya

Kabihasnang Kabihasnang
Egyptian Mesoamerica

1
Suriin
Gawain 2: Basahin Mo!
Ang Kabihasnang Mesopotamia

Ang kabihasnang itunuring na kauna-unahan sa buong daigdig. Iba’t ibang


sinaunang pangkat ng tao ang naninarahan tulad ng mga Sumerian, Akkadian, Babylonian,
Hittite, Assyrian, Chaldean at Persian. Sa araling ito malalaman mo ang mga heograpikal na
katangian, mga ambag, sanhi ng pag-unlad at pag-bagsak ng kabihasnang Mesopotamia.

Kabihasnang Sumerian (3500-2340 BCE)


 Ang nomadikong Sumerian ay namalagi sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog.
 Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan
ng isang hari.
 Pinaniniwalaan nila ang maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may
katangian at pag-uugaling tao.
 Ziggurat ang tawag sa istrukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o
diyos na makikita sa bawat lungsod.
Mga Ambag Mga Sanhi sa Pag-unlad
sa Kabihasnan at Pagbagsak
Mga Imbensyon: Pag-unlad:
1. Cuneiform –hugis-sinsel;unang nabuong 1. Ang mga imbensyong nagawa ng
sistema ng panulat na ginamitan ng mga Sumerians ay nagpaunlad sa
stylus at clay o luwad na lapida; isang pagsasaka, kalakalan, at iba pang
uri ng pictograph na naglalarawan ng mga industriya na nagpaunlad din
mga bagay na ginagamitan ng may 600 sa kanilang lipunansa pangkalaha-
pananda sa pagbubuo ng mga salita tan.
2.Gulong – nagawa ang unang karwahe 2. Naitatag ang mga lungsod-estado
nang ito’y natuklasan na lubos na nakatulong sa
3. Cacao – ginamit bilang unang pamalit pagtatag ng pamahalaan at
ng kalakal pagpapalakas sa mga Sumerian
4. Algebra – sa prinsipyong ito ng bilang isang pangkat.
matematika, ginamit ang sistema ng 3. Nakatulong nang malaki ang
pagbilang na nakabatay sa 60, edukasyon sa pagiging bihasa ng
paghahati o fraction, gayundin ang mga mamamayan sa halos lahat
square root
5. Kalendaryong lunar na may 12 buwan
6. Dome, vault, rampa, at ziggurat – mga
disenyong pang-arkitektura at pang-
inhinyera naginamit sa mga palasyo at
templo sa Sumer
7. Luwad – ginamit sa paggawa ng laryo na ng aspeto ng pamumuhay, mula

2
nagsilbing talaan ng mga Sumerian kalakalan hanggang astrolohiya.
8. Prinsipyo ng calculator
Iba pang mga ambag sa kabihasnan: Pagbagsak:
1. Sila ang unang gumamit ng sistema ng  Madalas ang tunggalian ng mga
panukat ng timbang at haba. lungsod-estado tungkol sa lupa
2. Unang nagtatag ng organisadong puwersa sa at tubig kaya hindi nakabuo ng
pagtatayo ng mga dike. isang matatag na pamahalaan
3. Sila din ang nakatuklas sa agham ng pag- ang mga Sumerian.
oopera.
Unang gumamit ng hayop sa pag-aararo ng mga
bukid.
Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Kabihasnang Babylonian (1792-1595 BCE)


Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ngBabylon, ang Mesopotamia.
Ang Babylon ay naging kabisera ng imperyongBabylonia.
Sa panahon ni Hammurabi, nasakop ang mga kaharian sa hilaga, kabilangang
kahariang Ashur.
Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.
Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat
naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga
dayuhang pinuno.
Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang silangang bahagi ng Black Sea.
Lumisan sila at nanirahan sa Asia Minor (kasalukuyang Turkey).
Ambag sa Kabihasnan Mga Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Kodigo ni Hammurabi – binubuo ng 282 Pag-unlad:
batas na nagsisilbing pamantayan ng  Nagpatatag sa lipunan at pamahalaan
kabihasnang Babylonian. ang Kodigo ni Hammurabi. Nakatulong
- Sakop nito ang mga itinuturing na ito sa pag-unlad ng halos lahat ng
paglabag sa karapatan ng mga aspeto ng buhay ng mga Babylonian.
mamamayan at mga ari-arian nito;  Nagdulot ng katiwasayan sa lipunan
usapin sa kalakal, lupa, butaw, ang pakikipagtulungan ng mga
serbisyong propesyunal; at pamilya. mababang opisyal ng pamahalaan,
- Nakatala rin dito ang mga parusang sundalo, at huwes sa hari.
dapat na ipataw sa mga nagkasala Pagbagsak:
tulad ng kamatayan, mutilasyon, at  Paglusob ng mga Kassite, isang
iba pa na itinuturing na malupit sa tribong Indo-Europeo. Sinundan ito
kasalukuyang panahon. ng mga Hittite na may higit na
- Naglalarawan ang mga batas na ito mahusay na armas na gawa sa
ng isang organisadong lipunan. bakal.

Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Kabihasnang Hittite (1400–1200 BCE)


 Sinakop ng mga Hittite ang sinaunang rehiyon ng Anatolia (kilala rin bilang Asia Minoro

3
Turkey sa kasalukuyan)
 Nabuo ang isang kultura na tila mula sa katutubong Hatti (at marahil ng mga Hurrian) na
tao
 Pinalawak ang kanilang mga teritoryo upang maging isang imperyo na pwedeng
makaribal at nagbanta sa matatag na bansa ng Egypt.
 Ang Hittite Empire ay umabot sa rurok nito sa pagitan ng pamumuno ni Haring
Suppiluliuma I (c.1344-1322 BCE) at ang kanyang anak na si Mursilli II (c.1321-1295
BCE)
 Humina ang imperyo pagkatapos ng paulit-ulit na pag-atake ng Sea Peoples at ng tribong
Kaska, at tuluyang nahulog sa mga Assyrian.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-Unlad at Pagbagsak
 Pagkakatuklas ng bakal na Pag-Unlad:
nanatiling lihim sa loob ng 200  Pangunahing dahilan ng kanilang pag-unlad
taon. Ang paggawa ng mga bilang isang pangkat ay ang pagkakatuklas nila
sandata mula sa bakal ay ng bakal. Superior na mga sandata ang kanilang
natuklasan lamang ng ibang nagawa mula sa bakal na naging dahilan ng
pangkat sa rehiyon nang mabilis nilang pananakop sa ibang mga lupain.
masakop at tuluyang bumagsak  Nakatulong nang malaki sa kanilang pag-unlad
ang mga Hittite noong 1200 ang kanilang sistema ng pagbabatas. Hindi ito
B.C. kasing-lupit ng mga batas ni Hammurabi subalit
 Pagkilala at paggalang sa iba’t naging maayos ang pagpapatakbo ng imperyo na
ibang wika nagbigay-daan sa pag-unlad ng kalakalan nito.
 Pagkakaroon ng titulo ng lupa Pagbagsak:
at mga talaan nito  Maraming pribilehiyo ang mga kamag-anak ng
 Pag-imbentaryo ng mga lupain hari na kadalasang naaabuso.
at pananim na naging batayan  Pakikipag-alyansa ng mga Hittite sa mga
ng pagbubuwis ng ari-ariang Egyptian na naging dahilan ng paghihimagsik ng
kaugnay sa lupa mga kaalyado nito sa silangan at kanlurang
 Pagtatayo ng mga istruktura na bahagi ng imperyo. Salik din dito ang paglawak
ginagamit bilang sandigan at ng kapangyarihan ng mga Griyego na nagbunsod
tanggulan sa pagdating ng mga tribo mula sa palibot ng
 Paglililok ng mga diyos, diyosa, Dagat Aegean sa hilagang bahagi ng Imperyong
at mga halimaw na may pakpak Hittite. Isa sa mga tribong ito, ang mga Mitas ng
Phyrrgia, ay lumusob at sinunog ang Hattusas
noong 1200 B.C.
 Nanatiling nakatayo ang ilang mga lungsod-
estado ng mga Hittite nang 500 taon. Naitatag
ang Carchemish bilang kabisera sa silangan.
Ngunit nasakop ito noong 717 B.C. ni Sargon II
ng Assyria. Ito ang naging hudyat ngpagwawakas
ng pamahalaang Hittite sa Mesopotamia.

Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Kabihasnang Assyrian (1813–605 BCE)


Noong 1120 BCE, nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076 BCE) ang mga Hittite at

4
naabot ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian.
 Noong ika-9 na siglo BCE, nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran
upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng
tribute.
 Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 BCE) sa mga haring kinakitaan ng maayos na
pamamahala sa kanyang panahon.
 Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pagbagsak
 Ang mga Assyrian ang kaunaunahang  Ang patuloy na pag-aalsa ng
pangkat na nakabuo ngepektibong sistema mgalungsod tulad ng Media atBabylonia
ng pamumunosa imperyo. Kinopya ng na nasakop ng Assyriaay nakapagbawas
ibangpangkat sa malapit na silangan nang malaki sayaman ng Assyria at
angpamamalakad ng ImperyongAssyrian. nagpahina sahukbo nito.
 Kauna-unahang aklatan na may 200,000  Nagkaisa ang mga Chaldeans,Medes, at
tabletang luwad na itinayo ni Ashurbanipal. Persiano noong 612 B.C.upang
pagtulungang salakayin angAssyria.

Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Kabihasnang Chaldean (612 - 539 BCE)


Si Nabopolassar (612-605 BCE) ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia
matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 BCE), anak ni Nabopolassar ang
natitirang hukbo ng Assyria noong 609 BCE.
Si Nebuchadnezzar II ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng
kadakilaan. Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang
asawa na kinilala ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
Noong 539 BCE, ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia
hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang
Mesopotamia.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
 Ang Hanging Gardens of Pag-unlad:
Babylon ang isa sa  Ang pamumuno ni Haring Nebuchadnezzar ang
pinakanakakahangang tanawin nagdala sa mga Chaldean sa rurok ng tagumpay.
sa sinaunang panahon. Pumili siya ng matatalinong kabataan mula sa mga
 Ang mga Chaldeans ang sinakop na lupain upang maging katulong niya sa
luminang ng konsepto ng zodiac pamumuno.
at horoscope. Pagbagsak:
 Tanging si Nebuchadnezzar II lamang ang naging
malakas na hari ng mga Chaldean. Sa kanyang
pagkamatay, mahihinang hari na ang namuno sa
Chaldean. Sa karangyaan, kasaganaan, at
kasayahan lamang sila nakatuon. Hindi nila
napatatag ang ekonomiya, pulitika, at sandatahan.
Nang lumusob ang mga Persiano noong 529 B.C.
mabilis na nagapi ang mga Chaldean na naging

5
simula ng pagbagsak ng imperyo nito.
Kabihasnang Persian (539 - 330 BCE)
Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga Persian na tinawag na Imperyong
Achaemenid. Nasa Persia (kasalukuyang Iran) ang sentro ng imperyong ito.
Sa ilalim ni Cyrus the Great (559-530 BCE) nagsimulang manakop ang mga Persian.
Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor
(kasalukuyang Turkey).
Sa pamumuno ni Darius the Great (521-486 BCE) umabot ang sakop hanggang India.
Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati ang
imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o
2699 na kilometro mula Sardis hanggang Susa.
Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag
ni Zoroaster.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
 Isang pinakamahalagang ambag ng Pag-unlad:
Persiano ang rehiyong  Ang galing ni Cyrus sa pamumuno ang
Zoroastrianismo kung saan naging sanhi ng tagumpay ng mga Persiano.
nabigyang diin ang konsepto ng  Ang pagkakaroon nito ng mahusay na
pagpili ng tao sa landas na tatahakin: mandirigma ang dahilan ng mabilis na
kasamaan ba o kabutihan. pagsakop ng mga lupain.
 Nabigyang-diin ang karapatan ng tao,  Ang makatarungan pagbubuwis at matapat
maging ng mga lupang sinakop. na pikikitungo sa mga nasakop na tao ang
 Ang pagkakaroon ng mga satrap ng nagbabantog sa kabutihan ni Cyrus at
Persia ang naglinang sa konsepto ng napanatili ang katiwasayan sa kanyang
sentralisadong pamahalaan. imperyo.
 Ang katapatan ng mga Persiano ang isa ring
dahilan ng kanilang pagsikat at pag-unlad.
Pagbagsak:
 Matapos ang pamumuno ni Cyrus,
Cambyses, Dariusat Xerxes, nawalan na ng
mahusay na pinuno ang mga Persiano. Ito
ang pangunahing dahilan ng kanilang
pagbagsak.
 Naging madalas ang awayan ng mga lupaing
nasasakupan ng imperyo.
 Ang kawalan nila ng pagakakaisa ang
nagpabilis sa kanilang pagbagsak
Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Pagyamanin

6
Gawain 3: Pangalanan Mo!
Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na ambag
ng kabihasnang Mesopotamia at isulat sa kwaderno.

Sumerian Babylonian Hittite


Assyrian Persian

1. Cuneiform
2. Pagkakatuklas ng bakal
3. Hanging Gardens of Babylon
4. nakabuo ng epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo.
5. Kodigo ni Hammurabi
6. Kauna-unahang aklat na may 200,000 tabletang luwad
7. Konsepto ng zodiac at horoscope
8. Gulong
9. Nagbigyang-diin ang karapatang pangtao.
10. Paglililok ng mga diyos, diyosa at mga halimaw na may pakpak.

Isaisip

Gawain 4: Data Retrieval Chart


Panuto: Gamit ang data retrival chart pumili ng dalawang pangkat ng tao na
nanirahan sa Mesopotamia, punan ng tamang sagot ang chart at sulat ito sa kwaderno ang
iyong sagot.

Kabihasnang Mesopotamia

Pangkat ng tao Ambag ng Sanhi ng Pag-unlad Sanhi ng


kabihasnan Pagbagsak

1.

2.

7
Isagawa
Gawain 5: Reflection

Panuto: Batay sa nabasa mong teksto, ipaliwanag ang mga sumusunod na mga
katanungan at isulat ito sa kwaderno.
1. Paano umunlad ang kabihasnang Mesopotamia?
2. Masasabi mo bang isang kabihasnan ang Mesopotamia?
3. Paano naiiba ang kabihasnang Mesopotamia sa ibang Kabihasnan?
4. Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang Mesopotamia, anong pipiliin mong
pangkat at bakit?

Tandaan Mo!

Ang Mesopotamia ay ang kauna-unahang sinaunang kabihasnan sa buong


daigdig. Ang mga sinaunang pangkat na nanirahan dito ay nagtayo at nagtatag ng maunlad
na pamayanan at nag-iwan ng mahahalagang ambag.

Ang sinaunang kabihasnang ito ay binubuo ng mga lungsod-estado ng Sumer at


mga imperyong Akkad, Babylonia, Hittite, Assyria, Chaldea at Persia.

8
Aralin
Ang Kabihasnang Indus sa Timog
2 Asya

Balikan

Gawain 1: Balikan Mo!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

Magbigay ng tatlong ambag ng kabihasnang Mesopotamia na sa iyong palagay ay


pinakamahalaga, ipaliwanag.

Alamin

Sa araling ito inaasahang maipaliliwanag mo ang pagsulong ng mga unang


kabihasnan sa Asya batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Inaasahan na masusuri mo ang bawat sinaunang kabihasnan at mapahalagahan ang mga
kontribusyon nito sa kasalukuyang panahon.

Tuklasin

9
Gawain 2: Complete It!
Panuto: Kumpletuhin ang mga tinutukoy na salita. Isulat ang mga akmang
letra sa patlang.

1. T __ __ O __ __ S __ A - isang malawak ng tangway na hugis tatsulok.


2. __ U __ - K O __ T__ __ E N T __– tawag ng mga heograpo sa Indus dahil sa laki ng
lupaing ito.
3. K __ Y __ __ R P __ __S – Isa samgadaanangpinasukan ng mgataodala
ang kanilangsarilingwika at tradisyonnanagpayamansakulturang Indian.

Suriin
Gawain 3: Basahin Mo!

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang kabihasnang tinawag ng mga heograpiko na su-kontenti ng India dahlia lawak


ng lupaing nito na umusbong sa ilog at lambak ng Indus. Mayaman ang kabihasnang Indus
dahil sa likas na yaman na pumapalibot rito. Tunghayan sa mga sumusunod na talahanayan
ang mga ambag, lipunan, kultura, ekonomiya, sanhi ng pag-ulad at pagbagsak ng
kabihasnang Indus sa Timog Asya

Kabihasnang Mohenjo-Daro at Harappa (2500-1500 B.C.)


Lipunan at Kultura
 May malalaking kalsada, alkantarilya, at sistema ng patubig (Sewer system) na
tumutustos sa pangangailangan ng mga tahanan.
 Gumamit ang mga tao ng laryong putik na pinatutuyo sa pugon sa paggawa ng bahay.
 Maganda ang kanilang mga iskultura at simple ang istilo ng arkitektura.
 Naniniwala at sumasamba sa mga kaluluwa na naninirahan sa kalikasan
Ekonomiya
 Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay nila. May matabang lupa dulot ng malimit na
pag-apaw ng mga ilog na pinagtaniman ng palay, mais, kape, bulak, niyog, at iba pa.
 May mga nahukay na relikyang nagpapatunay na nakipagkalakalan ang sinaunang India
sa Mesopotamia tulad ng mga inukit na batong seal na ginamit sa pagtatak ng mga
kalakal.

10
Ambag sa Kabihasnan
 Parisukat na seal carving na yari sa Soapstone, isang uri ng pulbos na pinatigas at
kadalasang ginagawang dekorasyon at selyo.
 Mga piguring bronse at terracotta ng mga bagay at diyos na sinasamba ng tao.
 Mga alahas na yari saginto, metal, at mamahaling bato tulad ng jade at lapis lazuli.
Sanhi ng Pagbagsak
 Pagdating ng mga mananakop na Aryan mula sa Gitnang Asya noong 1500 B.C.
Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29

Kabihasnang Aryan (1500-530 B.C.)


Pamahalaan
 Nahahati sa mga pamayanan na may kanya-kanyang pamahalaan. Pinamumunuan ito
ng rajah na nagmamana ng katungkulan at may katulong na lupon ng tagapayo na
binubuo ng mga pinuno ng tahanan.
Lipunan at Kultura
 Tinawag na Panahong Vedic dahil dito isinulat ang mga Veda o ang apat na aklat ng
karunungan na kalipunan ng mga himnong pandigmaan, mga ritwal na panrelihiyon, at
mga kwento. Ang Rig Veda, ang pinakamatanda sa apat, ay tungkol sa kalikasan; ang
Sama Veda naman ay tingkol sa mga ritwal; habang ang Veda ay naglalaman ng mga
sinaunang seremonya. Ang Athava Veda ay tungkol naman sa kultura at mga tradisyon
ng mga Aryan.
 Ang Upanishad naman ay nagsasaad ng mga pangunahing paniniwala ng Hinduismo
tulad ng reinkarnasyon.
 Sistemang caste ang sinunod kung saan, inuri ang mga Brahman na binubuo ng mga
pari na nagsisilbing guro; ang mga Kshatriya o ang mga maharlika at mandirigma; ang
mga Vaisya o mga karaniwang mamamayan, mga artisano, mangangalakal,
magpapastol, at magsasaka; at ang mga Sudra na mga manggagawa at alipin. Sa labas
ng sistema matatagpuan ang mga untouchable o pariah, mga mamamayang hindi Aryan
na karaniwang mahihirap at gumaganap ng mababang uri ng trabaho.
 Sumasamba sa maraming diyos sa kalikasan tulad nina Indra, ang diyos ng bagyo at
Agni, ang diyos ng apoy kung saan nagmula ang relihiyong Hinduismo, ang
pangunahing relihiyon sa India ngayon at isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig.
Ang Budismo, na pinasimulan ni Gautama Buddha noong 600 B.C., ay isa ring
mahalagang relihiyon sa India na kumalat sa iba pang lupain sa Asya.
 Walang kalayaan ang babaing Indian, ngunit mayroon silang karapatang magmay-ari ng
negosyo at kasangkapan tulad ng alahas na maaaring ipamana sa kanilang mga anak.
Ang mga biyuda ay hindi na maaari pang mag-asawa at dapat mamuhay nang simple
hanggang sa kanyang kamatayan. Ang iba ay nagpapakamatay at sumasama sa libing
ng asawa na tinatawag na suttee.
 Ang mga anak ng mayayamang pamilya ay nakapag-aaral.
 Ang krimen noong panahong iyon ay maaaring maparusahan ng kamatayan.
 Mahilig sa kasayahan ang mga Aryan. Sila ay madalas manood at makilahok sa karera
ng mga karwahe, pagsasayaw, at pagsusugal.
Ekonomiya

11
 Pagpapastol at pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Aryan. Nagtanim sila
ng barley at trigo.
 Magaling din sa mga gawang-kamay ang mga Aryan gaya ng pagkakarpintero,
paghahabi, pagkukulti ng balat ng hayop, at paggawa ng mga kasangkapan sa bahay
gaya ng araro at asarol.
Ambag sa Kabihasnan
 Relihiyong Hinduismo at Budismo
 Sistemang caste
 Konsepto ng reinkarnasyon o muling pagkabuhay
 Konsepto ng karma na nagsasabing ang ginawa ng tao sa kasalukuyang buhay ay
maparurusahan o magagantimpalaan sa susunod nilang buhay
 Sa panitikan, ang mga Veda at ang Upanishad
Sanhi ng Pagbagsak
 Sinalakay at napailalim sa mga Persiano sa pamumuno ni Cyrus the Great noong 530
B.C.
Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29
Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat ng mga tao.

Brahmin
Kaparian

Ksatriya
mandirigma

Vaisya
mangangalakal, artisan, magsasakang may
lupa

Sudra
magsasakang walang sariling lupa, Dravidian, inapo ng Aryan na
nakapag-asawa ng hindi Aryan

Pariah
naglilinis ng kalsad, nagsusunog ng mga palay, nagbibitay sa mga kriminal

(Hango sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig LM pahina 74)

Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 BCE- 500 CE)


Naglakbay mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyonng Punjab, ang mga
Aryan at nagtungo sa bahaging pasilangan. Mga 600 BCE noon at 16

12
pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa kapatagan ng hilagang India
mula sa kasalukuyang Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang dito ang Magadha,
Kosala, Kuru, at Gandhara.
Ating alamin ang mga imperyong naitatag sa sinaunang India sa susunod na talaha-

Nayan.

Imperyong Maurya 320-185 B.C.


Nagtatag: Chandragupta Maurya (324-300 B.C.)
Pamahalaan
 May maayos na pamahalaan na nakasentro sa hari. Ang imperyo ay hinati sa mga distrito
na pinamunuan ng mga kasapi ng pamilya ng hari. Malaki rin ang bahaging ginampanan
ng mga tagapayo ng hari, tulad ni Kautilya sa panahon ni Chandragupta Maurya.
 Sa ilalim ni Bandusara (297 B.C.), anak ni Chandragupta, nasakop ng imperyo ang
talampas ng Deccan (273-232 B.C.)
 Si Asoka, ang pinakamagaling na pinuno ng imperyo, ay nagpalabas ng maraming batas
na tinawag na Rock Edicts na nakaukit sa mga bato, dingding ng mga kweba, at sa mga
pampublikong lugar. Ang mga batas na ito ay naglalaman ng mga konsepto ng kawalan ng
karahasan, paggalang sa lahat ng relihiyon at opinyon, pagsunod sa magulang, at pagiging
makatao sa mga naninilbihan.
 Nagpagawa si Asoka ng mga daan, mga balon, at mga bahay-pahingahan. Ipinagbawal
din ang pagsasakripisyo sa mga hayop at nagpatayo ng mga sentrong pangkalusugan
para sa lahat ng mamamayan.
 Pinalaganap ang Budismo sa panahon ni Asoka.
Lipunan at Kultura
 Ang lipunan ay nahahati sa pitong uri – mga pilosopo, magsasaka, kawal, pastol, artisano,
mahistrado, at konsehal. Pinakamalaking grupo ang mga magsasaka.
 Hindi maaaring mag-asawa ng hindi kauri ang mga Hindu.
Ekonomiya
 Nakipaglaban sa mga Persiano na pinamunuan ni Seleucus, ang mga Seleucid, noong
3000 BC.
 Pagsasaka at pagpapastol ang pangunahing hanapbuhay, pagtanim ng millet, trigo, at
bulak.
 Nangulekta ng buwis mula sa mga mangangalakal ng bulak at may-ari ng lupa.
Ambag sa Kabihasnan

 Encyclopedia sa medisina na isinulat ni Charaka.


 Aklat sa pulitika ni Kautilya, ang Arthasastra (The Science of Material Gain) na tungkol sa
pagpapalawak at paggamit ng kapangyarihan.

13
Sanhi ng Pag-unlad
 Ang maayos na sistema ng pamahalaan at ang mga buwis ang siyang tumustos sa mga
gastusin ng imperyo.

Sanhi ng Pagbagsak
 Umusbong ang mga nagsasariling estado sa timog ng kahariang Sunga at Kalinga.
 Napabayaan ang hukbong military sa panahon ni Asoka dahil itinuon niya ang pansin sa
pagpapalaganap ng Budismo. Hindi nito nakayang ipagtanggol ang imperyo mulasa mga
nag-alsang Hindu na ayaw ng Budismo.
 Hindi nakaagapay ang pamahalaan sa mga gastusin ng imperyo.
Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29

Imperyong Gupta 320-500 A.D.


Nagtatag: Chandragupta (320-335 A.D
Pamahalaan
 Lalong napalawak ang imperyo hanggang Talampas ng Deccan sa ilalim ng pamumuno
ni Samudragupta (335-375 A.D.), anak ni Chandragupta I. Ito ay nagdala ng yaman sa
imperyo sa pamamagitan ng mga buwis na sinisingil ng imperyo sa mga nasakop na
lupain.
Lipunan at Kultura
 Ito ay itinuturing na Gintong Panahon ng India. Ang mga ambag ng Imperyong Gupta sa
kabihasnan ay nagpapahayag ng kasaganaan na dulot ng mga yaman mula sa mga
nasakop at kapayapaang tinamasa nito sa panahon ni Asoka. Sa panahong ito umunlad
ang pagkamalikhain ng mga tao at nalinang ang sining at kultura sa India.
Ekonomiya
 Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Gupta. Nagtanim sila ng bigas, trigo,
tubo, at mga prutas tulad ng mangga, melon, apricot, peach, peras, at iba pa.
 May mga minahan ng mineral at asin, mga pabrika ng sandata, at pagawaan ng
ornamenting ginto at pilak.
 Nakipagkalakalan sa Ehipto, Gresya, Roma, at Ceylon (ngayon ay Sri Lanka). Ang ilan
sa mga produkto nila ay bulak,mga telang chintz, calico at cashmere, garing, at elepante
na ipinagpalit nila sa musk, seda, at amber
Ambag sa Sibilisasyon

 Dinar – gintong barya na inuukitan ng tula at iba pang disenyo


 Sakuntala – dula ni Kalidasa at mga pabula na may aral tungkol sa moralidad at pulitika
 Sa arkitektura, ang Iron Pillar sa Delhi ay isang magandang halimbawa ng teknolohiya
noong panahong iyon.
 Mga epikong Ramayana at Mahabharata
 Simbolong zero at bilang na 1 hanggang 9.
 Pi na katumbas ng 3.14 at 365.3568 na bilang ng araw sa isang taon
 Sistemang decimal
14
 Ang University of Nalanda, ang unang unibersidad sa daigdig, na nag-alok ng mga
kurso sa relihiyon, pilosopiya, at sining.
 Nagbigay sa mundo ng mga telang cashmere, calico, at chintz na hanggang ngayon ay
ginagawang damit at sapin sa bahay.
 Mga fresco painting (pinta sa pader na plaster) sa kweba ng Ajanta sa Maharashtra.
Sanhi ng Pag-unlad
 Mahusay na pamamahala ng mga naunang pinuno.
Sanhi ng Pagbagsak
 Pagsalakay ng mga Hun mula sa Gitnang Asya noong 415 A.D.
Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29

Imperyong Mogul 1526-1793 A.D.


Nagtatag: Babur (1526-1530)
Pamahalaan
 Nagpatayo ng mga monumento at palasyo sa India sa ilalim ng pamamahala ni Akbar
the Great (apo ni Babur) noong 1556-1605 A.D.
 Naabot ng imperyo ang katanyagan sa panahon ng pamamahala nina Akbar Jahangir
na namuno noong 1605-1627 at Shah Jahan noong 1628-1658.
Lipunan at Kultura
 Magkahalong tradisyong Hindu at kaugaliang Muslim ang umiral sa lipunan noong
panahon ni Akbar at sumunod na namuno.
 Ipinagbawal ang pang-aalipin ng mga babae at batang bihag sa digmaan.
 Inalis din ang suttee o ang pagsunog ng mga biyuda kasama ng bangkay ng kanilang
asawa. Ang kaugaliang ito ay nagsimula noong 1 A.D., dala ng mga Raiputs, mga
mandirigmang Kushan na naniniwala sa monogamya o pagaasawa ng isa lamang.
 Nagkaroon ng direktang komunikasyon ang emperador at mga mamamayan sa
pamamagitan ng mga korte ng hustisya na pinamunuan ng emperador.
Ambag sa Kabihasnan
 Istilong Mogul sa sining at arkitektura. Ito ay sining ng India na hinaluan ng impluwen-
sya ng Persia.
 Ang Taj Mahal na itinayo sa pagitan ng 1620-1648 ay itinuturing na isa sa pinaka-
magandang halimbawa ng arkitekturang Indian. Ipinatayo ito ni Shah Jahan para sa
paborito niyang asawa na si Muntaj Mahal.
Sanhi ng Pag-unlad
 Pinalawak ang imperyo sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga Hindu at Muslim sa
imperyo.
Sanhi ng Pagbagsak
 Napabayaan ang pamahalaan sa panahon ni Aurangzeb (1695-1707), na nagtuon ng
pansin sa pakikidigma sa pag-asang masasakop ng imperyo ang buong India.
Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29

15
Pagyamanin

Gawain 4: Sagutin Mo!

Panuto: Basahin at unawain ang teksto, hanapin sa hanay B ang tamang sagot na
tinutukoy sa hanay A, isulat ang titik ng piling sagot sa iyong kwaderno.

Hanay A Hanay B

1. Sistemang patubig ng kabihasnang Indus A. Imperyong Maurya


2. Apat na aklat ng mga karunungan na kalipunan B. Panahong Vedic
ng mga himnong pandigmaan at ritwal.
3. isang uri ng na pinatigas at kadalasang C. Soap stone
ginagawang dekorasyon at selyo
4. pangkat ng tao na mangangalakal, artisan, D. Sewer system
magsasakang may lupa
5. panahong isinulat ang mga Veda E.Vedo
6. kabihasnan na may sistemang caste F. Imperyong Mogul
7. imperyong may ambag ng encyclopedia G.Vaisya
sa medisina na isinulat ni Charaka
8. imperyong may epikong Ramayana at H. Brahmin
Mahabharata
9. Taj Mahal I. Imperyong Gupta
10. Sistemang decimal J. Sudra
K. Kabihasnang Aryan

Isaisip
Gawain 5: Graphic Organizer

Panuto: Gamit ang Graphic Organizer, punan ang chart ng isang pinakamahalagang
ambag ng imperyong Timog Asya at isulat ito sa kwaderno.

Maurya

Imperyong
Timog sa Maurya
Asya

Maurya

16
Isagawa

Gawain 6: Sanaysay
Panuto: Mula sa iyong natutuhan sa tekstong ito sumulat ng isang sanaysay na
naglalarawan sa kabihasnang tinalakay.

Mahusay na Pinuno

_____________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos
Nilalaman 10
Organisasyon sa Paksa 8
Kaayusan at Kalinisan sa Pagsulat 7
Kabuuan 25

17
Aralin
Ang Kabihasnang Tsino sa
3 Silangang Asya

Balikan

Gawain 1: Pangalanan Mo!

Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na ambag


ng imperyo sa Timog Asya at isulat sa kwaderno.

Maurya Gupta Mogul

1. Sistemang decimal
2. Arthasastra ni Kautilya
3. Taj Mahal
4. Encyclopedia.
5. Sakuntala

Alamin

Sa araling ito inaasahang maipaliliwanag mo ang pagsulong ng mga unang


kabihasnan sa Asya batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Inaasahan na masusuri mo ang bawat sinaunang kabihasnan at mapahalagahan ang mga
kontribusyon nito sa kasalukuyang panahon.

18
Tuklasin
Gawain 2: Spider Web
Panuto: Gamit ang Spider Web Organizer isuat sa bilog ang mga ambag ng
kabihasnan at isulat ito sa kwaderno.

Indus

Chin
a

Mesopotamia

Suriin
Gawain 3: Basahin Mo!

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang kabihasnang ito na umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang


kabihasnang nanatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Ang mga natural na
hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at dagat ang nagbigay-daan sa
pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang
kabihasnang tumagal ng halos 3000 taon.

Tinagurian ang Tsina na isa sa mga dakilang bansa dahil sa kanyang kabihasnan at
nakasulat na kasaysayan sa loob ng apat na libong taon. Kilala ang Tsina sa katawagang

19
“Natutulog na Higante” dahil sa matagal na panahong hindi nito pakikisalamuha sa ibang
kultura at ang pagsasara ng lupain nito sa mga dayuhan. Sa mahabang panahon napanatili
ng kabihasnang ito isolationism at ang pagpapanatili ng kanilang ideolohiya, kultura at
pamayanan.Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na talahanayan.

Xia or Hsia (200 B.C. – 1600 o 1500 B.C.)


 Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu sa may lambak ng Huang Ho ang
itinuturing na pinakauna sa kasaysayan ng Tsina. Pinamunuan ito ng mga paring-
hari na pinaniniwalaang gumawa ng mga sikretong kalendaryo na ikinamangha ni
Confucius noong panahon ng Han kung kaya’t binuhay niya ang paggawa at
paggamit nito.
 Hindi pa lubusang napatutunayandahil sa kawalan ng ebidensyang arkeolohiya.

Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Shang (1700-1200 B.C.)


 Sila ang mga unang dayuhang permanenteng nanirahan sa Tsina. Nakasentro ang
kanilang kabihasnan sa lambak ng Huang Ho. Nakabuo sila ng mataas na antas ng
lipunan na pinamumunuan ng aristokrasya.
 Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito.
Kultura
 Naniniwala ang mga Tsino noong panahong ito na taglay ng kanilang pinuno ang bisa
ng “Utos ng Langit” na batayan ng kanilang pamumuno. Kapag nawala na ang bisa nito,
babagsak ang pinuno at papalitan ng bago.
 Pinaghalong animismo at pagsamba sa mga ninuno ang kanilang relihiyon. Kaugnay
nito, naniniwala sila sa oracle bone reading o panghuhula sa pamamagitan ng pagbasa
ng mga nakaukit sa buto ng hayop o bahay ng pagong.
 Nagtatag ng Calligraphy o kaligrapo na isang uri ng pagsulat. Pictogram o mga larawan
ang kanilang gamit sa calligraphy na dikit-dikit ang pagkakasulat upang makabuo at
maipakita ang ideya.
 Gumamit ng elepante bilang sasakyang pandigma gayundin ng karwaheng hila ng
kabayo.
Ekonomiya
 Pagsasaka ang pangunahing industriya ng mga Shang. Umani sila ng millet, palay, at
barley. Sila ang nagpasimuno sa sistemang irigasyon sa Ilog Huang He
 Nag-alaga dito na baka, baboy, manok, at aso.
 Natutong mag-alaga ng uod bilang pagkukunanng seda (silkworm) na tanging Tsina
lamang ang marunong gumawa sa buong daigdig noong sinaunang panahon.
 Marunong maghulma ng bronse upang gawing mga gamit.
 May kasanayan sa paggawa ng mga alahas mula sa jade.
 Ang mga artisanong Shan gang nagpasimula ng paggawa ng mga seramika gamit ang
kaolin, isang uri ng maputing putik.
Ambag sa Kabihasnan
 Paggamit ng tanso

20
 Paggamit ng elepante at karwaheng hila ng kabayo bilang mga sasakyang pandigma
 Sistemang irigasyon at pagkontrol sa tubig-baha
 Nakaimbento ng kalendaryong lunar na sampung araw ang pinakamalaki – anim na
tigsasampung araw ang bumubuo ng 360 araw sa loob ng isang taon.
Sanhi ng Pagbagsak
 Naging masama at makasarili ang mga huling pinuno.
 Nilusob ng mga Chou, mga barbaro mula sa lambak ng We sa kanlurang bahagi ng
Tsina.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Chou (1122-256 B.C.)


 Nagmula ang mga Chou sa kanlurang bahagi ng Tsina ngunit direktang namuno sa
hilagang bahagi lamang nito, sa pangunguna ni Wu Wang, ang nagtatag nito. Ang
silangang bahagi nito ay pinamumunuan ng ibang mga miyembro ng pamilya at
pinagkakatiwalaang kasapi ng military. Naghari sa loob ng 900 taon, ito ang itinuturing
na pinakamahaba at pinakadakilang dinastiya sa Tsina. Sa panahong ito naging
matatag at permanente ang pamahalaan bilang isang institusyon.
 Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan.” na, ang
emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit. Pinili siya dahil puno siya ng
kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangitan
sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan.
Pamahalaan
 Pinamunuan ng emperador katulong ang limang ministro o mandarin: punong ministro
(Mandarin of Heaven); ministro ng seremonya (Mandarin of Ceremonies); ministro ng
digma (Mandarin of Summer); ministro ng krimen (Mandarin of Autumn); at ministro ng
publikong paggawa (Mandarin of Winter).
 Sa ilalim ng mandarin, ang iba pang opisyal ay pinili mula sa hanay ng mga iskolar na
may kaalaman sa kasaysayan at relihiyon.
 Ipinatupad ang sistemang civil service kung saan kailangang pumasa sa pagsusulit ang
mga magiging opisyal at kawani ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, napahusay ng
mga Chou ang pamamalakad ng pamahalaan.
 Sa panahong ito, nagsimula ang pilosopiyang Legalism kung saan higit na
pinahahalagahan ang estado at ang pinuno nito, taliwas sa mga turo ni Confucius at iba
pang mga pantas.
Lipunan
 Itinatag ang piyudalismo o ang sistemang sosyo-pulitiko at ekonomikong pamamahala
na nakabatay sa pag-aari ng lupain. Pinamamahalaan ang mga lupaing piyudal ng mga
warlord na nasa ilalim ng kapangyarihan ng emperador. Siya ang regular na bumibisita
rito upang magbigay ng tributo.
 Bawat estado ng dinastiya ay may libreng paaral at tinustusan ng mga aklat tungkol sa
kasaysayan, panitikan, pilosopiya, agrikultura, at maging sa mahika.
Kultura
 Itinuturing ng Ginituang Panahon ng pilosopiyang Tsino ang Chou dahil sa pagsikat ng
sumusunod na mga pantas.
a. Confucius (551-479 B.C.) – nagpakilala sa daigdig ng Five Classics at Four Books.
Ayon sa kanya, may anim na salik na dapat sundin ang tao sa pakikipagugnayan:

21
kagandahang-asal, kabutihan, katapatan, pagkamakatarungan, pagkakawanggawa,
at katalinuhan. Ilan sa kanyang mga ginintuang palaisipan ang sumusunod.
1. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo ng ibang tao.
2. Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo siya; kapag masamang tao, suriin mo
ang iyong puso.
3. Ang taong nakagawa ng kamalian na hindi nagtatangkang iwasto ito ay makagagawa
pang muli ng isa pang kamalian.
b. Lao Tzu (604-517 B.C.) – nagpakilala ng Tao Te-ching kung saan nakasulat ang
kanyang mga turo. May mga paliwanag ito ukol sa landas na dapat tahakin ng bawat
tao tungo sa kabutihan. Ayon din sa kanya, makakamtan ng tao ang walang
hanggang kaligayahan kung susundin niya ang “Daan Tungo sa Kabutihan” o “Way of
Virtue”. Itinuro niya na kailangang maging matiyaga, mahinhin, at mababa ang loob
ng tao. Ang kanyang mga ginituang aral ay ang sumusunod.
1. Lumagi ka sa hulihan at bago mo malaman, ikaw ay nasa unahan na.
2. Ang taong nasusupil ang iba ay matapang, subalit ang taong nasusupil ang sarili
ay higit na matapang.
c. Mencius (372-289 B.C.) – may-akda ng Doctrine of Mean, naniniwalang may
karapatan ang mga mamamayang gumamit ng dahas ngunit dapat sikaping manatili
ang kapayapaan dahil walang mabuting ibubunga ang digmaan. Para sa kanya, ang
tao ang pinakamahalagang salik ng bansa kaya tungkulin ng pamahalaan na paunlarin
ang kanilang kabuhayan at kaisipan. Ayon sa kanya, ang taong hindi nagtataglay ng
damdaming makatao ay walang karapatang manatili sa trono ng kapangyarihan.
d. Mo Ti o Mo Tzu (480-390 B.C.) – nagtaguyod ng pandaigdigang pagmamahalan at
pagtutulungan bilang mga prinsipyo ng isang maayosna lipunan. Tinawag na Mohism
ang pilosopiyang kanyang itinaguyod.
 May elemento ng pilosopiya, kasaysayan, at tula ang panitikan na yumabong noong
panahong ito. Kinakatawan ito ng tatlong aklat:
a. Book of Changes – isang manwal na nagsasaad na hindi nakasalalay sa mga
diyos o kapalaran ang kinabukasan ng tao at kaluluwa kundi nasa sistema ng
pagbabago sa mundo.
b. Book of Documents – koleksyon ng mga makasaysayang dokumento mula sa
mga talumpati ng mga hari at opisyal ng imperyo. Ipinakilala nito ang mga kaisipang
pangkasaysayan at pulitikal na mga pinuno ng panahong ito.
c. Book of Poetry o Book of Songs – koleksyon ng mga dalit at awit na
naglalarawan ng mga hinagpis at tuwa sa araw-araw na buhay
Ambag sa Kabihasnan
 Mga pilosopiyang itinatag nina Confucius, Lao Tzu, Mencius, at Mo Ti.
 Pagpapatupad ng sistemang civil service para sa pagpili ng mahuhusay na kawani
ng pamahalaan.
Sanhi ng Pagbagsak
 Pagpapagawa ng mga proyektong irigasyon kung saan kinakailangan ang
maraming manggagawa. Dahil dito, nawalan ng bantay ang mga hangganan na
nagpahina sa depensa nito, higit sa kanlurang bahagi kung saan nagmula ang
pagsalakay ng mga barbaro.
 Paglakas ng mga warlord ng imperyo. Inilipat ng mga Chou ang kanilang kabisera
mula Xi’an sa Luoyang (Henan ngayon) sa may silangan.
 Bagaman noong 771 B.C. tunay na nagwakas ang kapangyarihan ng Chou,
nanatili sa pangalan ang pamamahala nito hanggang 256 B.C.

22
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Qin o Ch’in (246-206 B.C.)


 Sa huling mga taon ng dinastiyang Chou, isa si Prinsipe Cheng sa mga warlord na
naghahari sa silangang bahagi ng imperyo. Noong 221 B.C., matapos na talunin
ang mga kaaway nito, itinatag niya ang dinastiyang Ch’in o Qin. Naghari siya sa
loob ng 15 taon at higit na kilala sa pangalang Shih Huang-ti o Shih Huang Ti. Ang
kanyang dinastiya ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Tsina na may matatag na
pamahalaang sentral. Siya rin ang nagsimulang magpalawak ng teritoryong
nasasakupan ng Tsina. Pinangalanan niyang Tsina ang kanyang kaharian, hango
sa kanyang pangalang Ch’in.
 Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing-tanggulan
laban sa mga tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba 2400
kilometro o 1500 milya.
Pamahalaan
 Itinatag niya ang kaharian batay sa prinsipyong legalismo, hindi sa mga
nakagisnang kaugalian at katuruan.
 Pinagtibay ang depensa ng dinastiya laban sa mga dayuhan sa pamamagiatn ng
pagdurugtong sa pader na sinimulan ng mga nakaraang dinastiya. Tinawag na
Great Wal of China ang depensang ito na nagpalawak sa teritoryo ng kaharian ni
Shih Huang-ti.
Lipunan at Kultura
 Ipinasunog ni Shih Huang-ti ang mga aklat ng katuruang klasiko, lalo na ang mga
aklat ni Confucius upang maipag-ibayo ang mga pagbabago ng kaharian.
 Sinunog din ang lahat ng talaan ng nakaraan upang maalis sa isipan ng mga tao
ang tungkol sa nakaraang pamahalaan. Subalit maraming iskolar ang nagtakas ng
mga aklat at ibinaon upang mailigtas ang mga ito. Ipinasunog ni Shih ang 500 na
iskolar nang malaman niyang tinangka ng mga ito na magtago ng mga klasikong
aklat. Pinalayas naman ang ibang mga iskolar na tumuligsa sa pamahalaan o
patuloy na nagtuturo tungkol sa mga klasiko.
 Sinimulan ang sistema ng scholarship, ang pagsasanay sa mga hihiranging
gobernador at opisyal ng imperyo.
 Ginawang simple ang sistema ng pagsulat upang mas maraming mamamayan
ang matutong magbasa at magsulat.
Ambag sa Kabihasnan
Great Wall of China – may habang 2,200 kilometro, taas na 7 metro, at lapad na 6
metro. May tore ito sa bawat 9 metro. Bumabaybay ito mula hilagang silangan ng
Hopei hanggang kanluran ng Kansu.
Sanhi ng Pagbagsak
 Pagkawala ng mga iskolar na gumagabay sa pagpapatakbo ng pamahalaan.
 Sa pagkamatay ni Shih Huang-ti noong 206 B.C., wala ng malakas na pinuno
ang pumalit sa kanya na naging dahilan upang maagaw ng mga nagrerebeldeng
mamamayan ang pamahalaan.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Han (206-219 B.C.)

23
 Ang mga Han ang sumunod na nagtatag ng dinastiya pagkatapos ng
Ch’in.Naghari ito ng 400 taon. Si Wu Ti (140-87 B.C.) ang itinuturing na
nagpalawak atnagpalakas sa kaharian.
Pamahalaan
 Pinamunuan ng emperador ang estado. Siya ang tagagawa ng mga batas,
tagapagpatupad nito, at tanging hukom sa buong kaharian. Isang pari naman ang
kinikilalang makapangyarihan sa lahat ng mga ritwal na panrelihiyon.
 Katulong ng emperador ang isang Gabinete na binubuo ng dalawang pangkat:
a. Tatlong Duke – ang chancellor, kalihim ng imperyo o vice chancellor, at great
commandant na namahala sa pamahalaang sibil at militar.
b. Siyam na Ministro – higit na nakatalaga sa pagpapatupad ng mga batas.
Pagtataguyod ng agresibong patakarang panlabas na nagpahina sa mga Hun
sa may hilagang hangganan ng imperyo.
Lipunan at Kultura
 Pinag-ibayo ang pagpapanumbalik sa mga klasikong kaalaman. Tinipon nito ang
mga aklat na naitago at hindi nasunog ng Ch’in.
 Sinimulang linangin ang edukasyon. Nagkaroon ng historyador at mga manunulat
ang Tsina. Nagsimulang magtipon ng mga impormasyon tungkol sa kasaysayan
ng Tsina si Pan-chao.
 Sa panahong ito, ipinakilala ng mga Indian ang relihiyong Budismo sa Tsina.
Sanhi ng Pagbagsak
 Malawakang rebelyon noong 220 A.D. na nagpahina sa kaharian.
Ambag sa Kabihasnan
 Papel – naimbento noong 105 A.D.
 Lexicon o diksyunaryo – nalathala dulot na rin ng pagkakaimbento ng papel.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Sui (581-618 A.D.)

Pamahalaan
 Dahil sa magulong buhay-pulitika bunga ng pamumuno ng batang emperador sa
trono ng dinastiyang Chou, iniluklok ni Yang Chien ang isang bata bilang
puppetemperador at pagkatapos inagaw niya ang trono. Siya ang muling
nagbuklod sa Tsina sa pamamagitan ng Grand China.
 Pinamahalaan ni Yang Chien ang buong hilagang Tsina. Itiinatag ang Ta-shing
bilang bagong kabisera. Pinalakas niya ang depensa sa hilaga laban sa mga
Turko sa pamamagitan ng pagpapaayos ng Great Wall. Nagtagumpay siya sa
muling pagkakaisa ng imperyo.
 Pagpapatupad ng binagong kodigo, ang kodigong K’aihuang, na higit na payak
kaysa mga batas ng hilagang Tsina.
 Ang sentro na pamahalaan ay binubuo ng mga direktor, lupon, ministro, at
hukuman.
 Nagtatag ng sistemang hsiang sa lokal na pamahalaan na ang bawat isa ay
binubuo ng 500 pamilya.

24
Ambag sa Kabihasnan
 Sistema ng pamamahala
 K’aihuang Code – naging modelo ng Kodigo Tang, ang pinakamaimpluwensyang
kalipunan ng mga batas sa ilang bansa sa silangan
Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Pag-unlad
 Maayos na pamamahala ni Yang Chien at ibang pinuno
 Pagsasaisa ng imperyo
Pagbagsak
 Paghina ng militar dulot ng mga kampanya, pagbabanta ng mga Turko,
rebelyonng bawat rehiyon ng imperyo, at pagtatanghal sa sarili ng emperador ng
bagongdinastiyang T’ang.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

T’ang (618-906 A.D.)


 Itinuturing na panahon ng kasaganaan at malawakang kultural na pag-unlad ang
300 taong paghahari ng mag T’ang. Una itong pinamahalaan ng ama ni Li
Shihmin. Noong 626, pinatalsik ni Shih-min sa trono ang kanyang ama at siya ang
naghari rito. Kinilala siya bilang Emperador Tai Tsung. Sa panahon ni Ming Huang
nakamit ng T’ang ang pinakamalawak na sakop nito.
Pamahalaan
 Isinanib ang mga prefecture sa mga lalawigan sa buong imperyo upang higit na
mapaunlad, mapanatili, at mapadali ang pamamahala.
 Pinasimulan ang tunay na sistema ng serbisyo sibil batay sa galing. Ang Chin-
Shin ang pinakamataas na pagsusulit para sa nais makabilang sa pangkat ng mga
namumuno.
 Batay pa rin sa katuruan ni Confucius ang pagsusulit sa serbisyo sibil.
Ekonomiya
 Ipinakilala ang isang uri ng palay na madaling itanim at anihin mula dalawa
hanggang tatlong ulit bawat taon. Malaki rin ang naging ani ng tsaa at seda na
iniluwas ng mga Tsino sa Asya at Europa.
 Nakilala ang mga Sung sa paggawa ng makikinis at makikintab na porselana.
 Umunlad sng sericulture o ang pag-aalaga ng uod sa paggawa ng telang seda.
Sanhi ng Pagbagsak
 Paglaki ng populasyon at pagsalakay ng mga Mongol mula sa hilaga.
Ambag sa Kabihasnan
 Mga naimbento sa panahon ng Sung: gunpowder, wheelbarrow, movableprinting.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Yuan (1280-1367 A.D.)


 Mga dayuhan ang mga Mongol. Sila amg kauna-unahang dayuhan na naghari sa
Tsina. Sinimulan ni Gengis Khan ang pagsalakay sa hilagang bahagi ng Tsina
noong 1205 hanggang sa masakop niya ito noong 1227. Ito ang naging simula at

25
pundasyon ng pinakamalaking imperyongnaitatag sa buong mundo. Si Kublai
Khan, ang kanyang apo, ang nagpatuloy sa kanyang nasimulan hanggang sa
masakopniya ang mga lupain ng mga Sung sa timog. Itinatag ni Kublai noong
1260 ang dinastiyang Yuan, na nangangahulugang “Unang Simula” at kinilala
bilang Great Khan.
 Malaki ang pagkakaiba ng mga Mongol sa mga Tsino. Iba ang kanilang kultura,
wika, at mga kaugalian. Hindi nila inangkop ang kulturang Tsino bilang isang
paraan ng pagkontrol sa mga ito.
Pamahalaan
 Hindi binago ang sistema at balangkas ng pamahalaan. Pinanatili ang anim
nadibisyon sa ilalim ng anim na ministro, gayundin ang ehekutibo, militar,
atadministratibong sangay ng pamahalaan. Gayunpaman, pawang mga
Mongolang itinalagang mga opisyal sa mga ito. Yaong mga mababang
posisyon lamangang ibinigay sa mga Tsino.
 Iba ang mga batas ang kanilang sinunod kaysa mga batas na ipinatupad nila sa
buong bansa.
 Naging bukas ang mga Mongol sa pakikipag-ugnayan sa mga taga-Kanluran
tuladng mga mangangalakal na Europeo at mga misyonerong Kristiyano. Patunay
nito ay ang pagdating at pananatili sa bansa ni Marco Polo at ang kanyang tiyo na
si Maffeo Polo
Lipunan at Kultura
 Hiwalay ang panahanan ng mga Mongol sa mga Tsino.
 Inangkop at itinaguyod ang ideolohiyang Confucian sa buong imperyo.
 Kilala bilang Ginintuang Panahon ng dulang Tsino.
 Malaking pagbabago sa pagpipinta at naging aktibo sa Tibetan Buddhism.

Ekonomiya
 Ipinagpatuloy ang mga industriya ng agrikultura at kalakalan at inobasyon na
sinimulan ng T’ang at Sung.
 Malawakang paggamit ng papel na pera sa halip na ginto, pilak,

Sanhi ng Pagbagsak
 Kawalan ng pondo dahil na rin sa lubhang magastos na digmaang kinasangkutan
ni Kublai Khan.
 Hindi nakalimutan ng mga Tsino na dayuhan ang mga Mongol. Noong 1368,
pinangunahan ni Chu Yu-chang, isang mongheng Budista, ang isang pag-aalsa at
pinatalsik ai Shun Ti, ang huling haring Mongol.
Ambag sa Kabihasnan
 Sa lawak ng sakop ng imperyo, naging madali ang pakikipagpalitan ng mga ideya
at imbensyon sa pagitan ng Tsina, Europa, at ibang bahagi ng Asya.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Ming (1368-1643 A.D.)


 Si Chu Yu-chang ang nagtatag ng dinastiyang Ming at kinikilala bilang Emperador
Hung Wu o Hung-wu. Matapos ang 74 taong pamamahala ng mga dayuhan,
ninais ni Hung Wu na ibalik sa tradisyong Tsino ang estado.

26
Pamahalaan
 Ibinatay sa tradisyong T’ang at Sung ang organisasyon ng pamahalaan.
 Ibinalik at pinag-ibayo ang pagsusulit para sa serbisyo sibil sa pagpili ng mga
opisyal ng pamahalaan. Nilimita lamang sa kaalaman tungkol sa ideolohiyang
Confucian ang paksa sa pagsusulit.
 Itinuring na kasalanan ang hindi pag-uulat agad ng mga opisyal tungkol sa mga
kalamidad sa kanilang lugar. May karampatang kaparusahan ang paglabag na ito.
Lipunan at Kultura
 Hindi katuyad ng mga klasiko ang panitikang nasulat sa panahong ito. Ngunit ang
mga nobelang nalathala ay tinangkilik ng mga ordianryong tao at ng mga iskolar.
Ekonomiya
 Pinaigting ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa, tulad ng India, Arabia, at Aprica
sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon.
 Pinag-ibayo ang paggawa ng mga mamahalin at pinong porselana na naging
pangunahing kalakal sa pandaigdigang kalakalan.
Sanhi ng Pagbagsak
 Pagtulong sa Korea laban sa pananalakay ng mga Hapones noong 1590. Isa ito
sa mga dahilan ng paghina ng depensa ng dinastiya.
 Ang kaguluhan at rebelyon sa loob ng imperyo ay nagpadali sa paglusob ng mga
Manchu mula sa hilaga.
 Itinatag ang mga tanggapan na nagbigay ng balanse sa pamamalakad ng
pamahalaan.
a. Imperial Secretariat – tagapagbuo ngmga patakaran ng imperyo
b. Imperial Chancellor – tagasuri ng mga patakarang binuo ng Imperial Secretariat
c. Department of State Affairs – tagapagpatupad ng mga patakarang sinangayunan
ng una at ikalawang tanggapan
d. Board of Censors – taga-ulat sa emperador ng mga taong hinihinalang taksil
sa pamahalaan. Iniuulat din dito ang mga katiwalian ng mga emperador.
 May pakikipag-ugnayan sa Persia, Arabia, at iba pang bansa sa Kanlurang Asya,
gayundin sa Timog-Silangang Asya tulad ng Annam (Vietnam ngayon).
Lipunan at Kultura
 Higit na pinasigla ang kaisipang iskolar dulot na rin ng pagkakaimbento ng
imprenta.
 Nalimbag ang unang aklat at diyaryo sa panahong itona nakapagpaibayo sa
edukasyon at pagsusulit para sa serbisyo sibil. Nilinang din ang panitikan at sining.
 Lumitaw si Li Po, Tu Fu, at iba pang dakilang manunula.
 Nagkaroon din ng kalipunan ng mga batas.
Sanhi ng Pagbagsak
 Katulad ng mga salik ng pagbagsak ng dinastiyang Han.
Ambag sa Kabihasnan
 Unang imprenta na yari sa bloke ng kahoy. Nauna itong naimbento kaysaimprenta
sa Europa.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

27
Sung (960-1278 A.D.)

 Kaguluhan ang naghari sa Tsina matapos bumagsak ang dinastiyang


T’ang.Walang malakas na pinuno ang pumalit sa trono kung kaya’t nailuklok
anglimang magkakasunod na dinastiya na naghari sa Tsina sa loob ng
kalahatingdantaon. Sa kabila ng kaguluhan at kawalan ng kontrol sa pamahalaan
nglimang dinastiya, nagpatuloy ang kulturang Tsino.
 Nagwakas ang paghahari ng limang dinastiya noong 960 B.C. nang talunin
niK’uang-yin. Siya ang nagtatag ng dinastiyang Sung na muling nagbuklod
sabuong Tsina. Kinilala siya sa kasaysayan bilang T’ai Tzu.
Pamahalaan
 Higit na sentralisado ang pamahalaan kaysa panahon ng T’ang.
 Higit na may direktang kontrol sa pangungulekta ng buwis kung kaya’t malaki ang
kita ng pamahalaan at hindi naging suliranin ang pondo para sa mga proyekto nito.
 Pinagtibay ang Chin-Shin o ang pagsusulit sa serbisyo sibil at ibinigay ito tuwing
ikatlong taon.
 Ibinatay ang pag-angat sa puwesto ng mga opisyal ng pamahalaan sa haba ng
serbisyo, kagalingan, markang nakuha sa Chin-Shin, at nominasyon ng isang
mataas na opisyal ng pamahalaan.
 Mabisa ang sistema ng serbisyo sibil ng Sung. Nahikayat nito ang mag bata,
mahusay, at matalinong mamamayan na manilbihan sa pamahalaan. Dahil dito,
napaalis ang mga kawani ng militar at mga walang alam na nasa pamahalaan.
Lipunan at Kultura
 Higit na pinag-ibayo ang panitikan, sining, at edukasyon.
 Naimbento ang gunpowder na ginamit sa paggawa ng mga paputok.
 Naimbento rin ang movable printing na higit na nagpasigla sa panitikan, sining, at
edukasyon.
 Nagawa ang kalendaryo at kompas.
 Umabot sa 10 milyon ang populasyon ng Tsina sa panahong ito.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Pagyamanin

28
Gawain 4: Tama o Mali
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusnod na pahayag. Isulat
ang tama kapag ang pahayag ay wasto at mali naman kung ang pahayag ay hindi wasto
salungguhitan ang maling salita, isulat ito sa iyong kwaderno.

1. Ang dinastiyang Shang ang nakasulat ng mga oracle bone.


2. Naging tirahan ng mga emperador noong dinastiyang Ming ang Great
Wall
3. Si Shih Huangdi ay itinuring ang sarili bilang “unang emperador”
4. Ang dinastiyang Yuan ang unang dayuhang dinastiyang namahala sa
Tsina.
5. Dinastiyang Chou ang huling dinastiya ng Tsina.
6. Nakasentro ang pag-aaral ni Confucius sa kaisipang Taoism.
7. Ipinatayo ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang Sui.
8. Si Kublai Khan ang nagtatag ng dinastiyang Yuan sa Tsina.
9. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang Chou.
10. Hangad ng kaisiapang Confucianism ang balanseng kalikasan at
pakikiayon ng tao sa kalikasan.

Isaisip
Gawain 5: Data Retrieval Chart
Panuto: Gamit ang data retrieval chart, pumili ng dalawang dinastiyang Tsino punan
ng tamang sagot ang chart at isulat ito sa kwaderno.

DATA RETRIEVAL CHART

Sinaunang Kabihasnan sa Tsino

Mga kaalaman
Dinastiyang nabuo Kultura Pamahalaan Ambag Sanhi sa Pagbagsak

Isagawa

29
Gawain 6: Pinta-larawan

Panuto: Ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit ang pag-unlad ng kabihasnang


Mesopotamia.

Pamantayan Puntos
KaugnayansaTema 20
Orihinalidad 10
Pagkamalikhain 10
PagkatugmasaKulay 5
Biswal impak 5
Kabuuan 50

30
Aralin
Ang Sinaunang Kabihasnan sa
4 Africa

Balikan

Gawain 1: Balikan Mo!


Panuto: Sagutin ang mga susunod na tanong mula sa kabihasnang Tsino at isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.

___________1. Huling dinastiya ng China

___________2. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China

___________3. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito

___________4. Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism

___________5. Hangad ng kaisipang ito ang balanseng kalikasan at pakikiayon ng


tao sa kalikasan

Alamin

Sa araling ito inaasahang maipaliliwanag mo ang pagsulong ng mga unang


kabihasnan sa Asya batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Inaasahan na masusuri mo ang bawat sinaunang kabihasnan at mapahalagahan ang mga
kontribusyon nito sa kasalukuyang panahon.

31
Tuklasin
Gawain 2: Magkahalong salita
Panuto: Ayusin ang mga magkahalong salita sa pamamagitan ng mga kahulugang
katabi ng mga salita at isulat sa kwaderno ang tamang sagot.

D Y P R
o Libingan ito ng mga pharaoh kung kaya sinisimbolo
A I M nito ang kapangyarihan ng mamuno.

F M A T I M
o Isang proseso ng preserbasyon ng patay na katawan
I C M U I O
ng tao
N

H E R O G Y o Sistema ng pagsusulat ng mga Egyptian


P H I S I L
C

Suriin

Gawain 3: Basahin Mo!


Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa
Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa
mgapanahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang
tumayongpinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang
mgalihim ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa
kanilangnasasakupan. Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh
anglahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang sa kaniyangmga
tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan,pagtatakda ng mga
batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ngEgypt.

Nakalatag ang Ehipto sa mainit na lupain ng Aprica at halos binubuo ng


disyertomaliban sa mga oasis. Dahil sa Ilog Nile, nagkaroon ng pag-asa ang mga taga-

32
Ehiptona ang kanilang lupain ay magbibigay-buhay. Isa pang mahalagang aspeto ng Ilog
Nileay ang hanging umiihip ditto na tinatawag na Hanging Extensian. Ito ang hangin
nananggagaling sa Dagat Mediterranean at umiihip patimog at pasalungat sa agos ng
ilog.Ito ang nagpapalamig sa kabuuan ng lupain. Dahil sa magandang klima at
matabanglupa, umunlad ang sinaunang sibilisasyon ng Ehipto.Basahin mo at unawain ang
buod ng kasaysayan ng Ehipto at ng iba’t ibangaspeto ng kabihasnan nito: pamahalaan,
lipunan at kultura, ekonomiya, at mga ambagsa kabihasnan ng daigdig.

Pamahalaan:

Lumang Kaharian (2686 B.C. – 2181 B.C.)

 Tinawag itong panahon ng piramide. Sa panahong ito nagsimula ang pagtatayong


mga piramide sa Ehipto na nagsilbing libingan ng mga paraon.
 Hindi malinaw kung ilan at sinu-sino ang mga namuno. Gayunpaman, ang ilan
samga tanyag na paraon noong panahong iyon ay ang sumusunod.
1. Zoser (2750 B.C.) – sa panahon niya itinayo ang kauna-unahang piramide
saEhipto, ang step pyramid na may anim na patung-patong na mastaba noong2780.
Idinesenyo ni Imhotep, ang punong tagapayo ni Zoser at isang magalingna arkitekto.

2. Khufu o Cheops (2650) – sa kanyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa Giza
na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na70 metro
kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito angpinakamalaking istruktura na
itinayo ng tao.

3. Unis – sa piramide niya natagpuan ang Pyramid Texts o ang kalipunan


ngHieroglyphics na naglalarawan ng mga tradisyon ng paglilibing sa paraon at
angkanyang kahahantungan sa kabilang buhay.

Gitnang Kaharian (1991 B.C. – 1786 B.C.)

 Pinamunuan ng 14 na paraon na ang mga pinakamahalaga ay ang sumusunod:


1. Amenemhet I (1991-1962 B.C.) – Binuo niyang muli ang Ehipto mula
sakaguluhan na namayani pagbagsak ng Lumang Kaharian. Binuhay niya
angpakikipagkalakalan sa Palestina at Syria.
2. Amenemhet III (1842-1797 B.C.) – Siya ang nagpagawa ng sistema ng
irigasyonsa Faiyum na ginagamit pa hanggang ngayon.

Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.)

 Itinuturing na Panahon ng Imperyo dahil ditto nagsimula ang pananakop ng


mgasinaunang Ehipsyano. Pinamunuan ng 33 paraon na ang mga may
mahalagangambag ay ang sumusunod.
1. Ahmose – itinaboy ang mga Hyksos palabas ng Ehipto at sinimulan ang
BagongKaharian. Itinatag niya ang kauna-unahang magaling na hukbong
pandigmagamit ang natutuhan mula sa mga Kyksos.

33
2. Thutmose II (1512 B.C.) – idinagdag sa imperyo ang Nubia, Syria, at Palestina.

3. Hatshepsut – asawa ni Thutmose II; unang babaing namuno sa daigdig;nagpatayo


siya ng mga templo at nagpaigting ng masiglang kalakalan kaysapananakop ng
lupain.

4. Thutmose III – itinuturing na magaling na mandirigma; napalawak ang


imperyohanggang sa mga baybayin ng Euphrates. Nagpatayo siya ng
magagarangtemplo sa panahong ito. Ang pinakamagara ay ang mga templo sa
Kamak at angapat na Obelisk na kinauukitan ng mga tagumpay niya.

5. Amenhotep IV o Ikhnaton (1300 – 1358 B.C.) – nagpasimula ng monoteismo


opagsamba sa iisang diyos, Aton, na itinuturing niyang pinakamataas
atpinakamagaling.

6. Tutankhamen (1358 – 1353 B.C.) – ang kanyang piramide ang itinuturing


napinakamahalagang labi ng sinaunang kabihasnan ng Ehipto dahil kumpleto
anglaman nito nang matuklasan. Ibinalik niya ang polyteismo o paniniwala
samaraming diyos sa panahon niya.

7. Rameses II (1304 -1237 B.C.) – Ipinagtanggol niya ang imperyo laban sa


mgasumasalakay na Hittite mula sa Gitnang Asya. Nag-iwan siya ng
maramingsariling monumento.

Lipunan at Kultura:

 Sumasamba sa mga diyos at diyosa tulad nina Amn Re, diyos ng araw; Osiris,diyos
ng Nile; Isis, asawa nito; at iba pa.
 May apat na uri ng tao sa lipunan: ang mga maharlika, pari, at pantas; mgasundalo;
mga karaniwang mamamayan; at mga alipin.
 Naniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan na pinagmulan ng dalawa
sadakilang pamana nila sa kabihasnan, ang pag-eembalsamo at ang piramide.
 Umusbong ang gitnang uri ng tao sa lipunan sa panahon ng Gitnang Kaharian.

Ekonomiya:

 Dalubhasa sa mga gawang-kamay ang mga sinaunang Ehipsyano. Sila ay


mgaplatero, manggagawa ng palayok, manghahabi, at karpintero.
 Pagsasaka at pagpapastol ang mga pangunahing hanapbuhay. Nagtanim sila ng
 barley, trigo, at mga gulay. Nagmina rin sila ng tanso at ginto.
 Nagkaroon ng palitan ng kahoy na cedar mula sa Phoenician at olive oil mula
saCrete para sa flax, papyrus, inasnang isdang alabaster at ginto ng Ehipto.
Angkalakalang ito ay nagdala ng karangyaan sa mga mangangalakal.
 Nagkaroon ng bugso ng pagtatayo ng mga kanal at daan.

34
 Mga ani at paglilingkod ang uri ng buwis na kinokolekta mula sa mgamamamayan.

Sanhi ng Pagbagsak:

Lumang Kaharian:

 Pag-aalsa ng mga mamamayan laban sa mataas na buwis.


 Mahina at walang kakayahan sa pamumuno ang mga sumunod na hari.
Gitnang Kaharian:

 Pag-aalsa ng mga maharlikang galit sa mga pribilehiyo ng mga bagong-yamanna


gitnang uri.
 Pagsalakay ng mga Hyksos mula sa Arabia at Syria noong 1700 B.C.
Bagong Kaharian:

 Pagpapabaya sa ekonomiya ng kaharian.


 Pagsalakay ng mga Hittite sa mga kolonya ng Ehipto na nagdulot ng pagkawalang
mga buwis ni kinukolekta mula rito.
 Pag-aalsa sa loob ng kaharian.
 Pagsakop ng mga Assyrian noong 570 B.C., ng mga Persiano noong 525 B.C.,at ni
Alexander the Great ng Macedonia noong 332 B.C.

Ambag sa Kabihasnan:

 Ang kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12 buwan ay mulasa
mga sinaunang Ehipsyanong astronomo noong 424 B.C. Ginawa nila itoupang
masubaybayan ang paghaba ng Nile.
 Nabuo ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na tinawag
nahieroglyphics o hiroglipiko noong 3000 B.C. Ito ay binubuo ng mga salitang
hiero,isang salitang Griyego na nangangahulugang sagrado o banal, at glype na
angibig sabihin ay paglililok. Unang ginamit ng mga pari sa mga ritwal anghiroglipiko.
Binubuo ito ng mga ideogramo at ponogramo. Mayroon itong 24simbolo at ang
bawat isa ay may tig-isang titik ng katinig. Bukod sa 24 simbolo,mayroon pang 80
simbolo na may tig-dalawang katinig.
 Ang mga piramide ang kauna-unahang monumentong bato na nananatili
pahanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalaking piramide ay ang piramide niKhufu
o Cheops na nasa Giza.
 Ang pagkakaimbento ng papel mula sa dahon ng halamang papyrus ay nagmularin
sa mga sinaunang Ehipsyano.

35
 Ang mummification o proseso ng pag-eembalsamo ay nagsimula noong 2600B.C. sa
ilalim din ng pamumuno ni Khufu. Natagpuan ang pinakalumang mummysa Medum
ni Sir Flinders Petrie na tinatayang inembalsamo noong panahongiyon.
 Ang mastaba ay mga naunang bersyon ng piramide. Una itong itinayo sapanahon ni
Haring Djer noong 2900 B.C.
 Naimbento rin ang araro sa panahong ito.
 Pagtatayo ng malaking imbakan ng tubig na tinawag na faiyum na nagtustos ngtubig
sa panahon ng tagtuyot. Ginagamit pa rin hanggang ngayon ang sistemangito ng
irigasyon.
 Amarna art noong panahon ni Ikhnaton na nagpapahalaga sa
pagigingmakatotohanan ng mga bagay na inilalarawan.
Halaw sa Project EASE Modyul 3 pahina 14 - 19

Pagyamanin

Gawain 4: Pangalanan Mo!

A. Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na ambag ng


imperyo sa Timog Asya at isulat sa kwaderno.
Khufu Hieroglyphics Mummification

Zoser Piramid

1. Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian


2. Ipnatayo niya ang tinuturing na kauna-unahang piramid
3. Proseso ng pag-eembalsamo ng patay na katawan ng tao.
4. Nagsilbing libingan ng mga pharaoh sa Egypt
5. Nagpatayo ng Great Pyramid sa Giza na itinuring na isa sa Seven
Wonders of the Ancient World.

B. Panuto sagutin ang mga sumusunod na tanong.


.
1. Gaano kahalag sa panahong ito ang pagpili ng pinuno?
2. Sa mga nabanggit na ambag, alin sa mga ito ang nanatili parin hanggang
sa kasalukuyan at paano mo ito mapapahalagahan?

36
Isaisip
Gawain 5: Graphic Organizer

Panuto: Gamit ang graphic organizer, punan ang mga sumusunod pimili ng isang
pinuno na para sa iyo ay may pinakamalaking nagawa para umunlad ang kabihasnang
Egypt at isulat ito sa iyong kwaderno.

Sinaunang Kabihasnan sa
Egypt

Kaharian Pinuno Mga Nagawa

Lumang
Kaharian

Gitnang
Kaharian

Bagong
Kaharian

Isagawa

Gawain 6: Reflection

Panuto: Batay sa nabasa mong teksto, ipaliwanag ang mga sumusunod na


katanungan at isulat ito sa kwaderno.

1. Ano ang mabuti naidulot ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa Kabihasnang


Egypt?
2. Sa iyong pananaw, ano ang pinakamahalagang ambag ng kabihasnang ito?

37
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo ito mapapahalagahan ang ambag ng kabihasnang
ito sa buong daigdig?

Aralin
Ang Kabihasnang Mesopotamia
5

Balikan

Gawain 1: Ilarawan Mo!


Panuto: Gamit ang mga sinaunang kabihasnan isa ibaba, pumili ng dalawang kahon
at magbigay ng mga ambag na hanggang sa kasalukuyan ay nanatili pa rin.

Mesopotamia Indus

Sinaunang
Kabihasna
n
Tsino Egypt

Alamin

Sa araling ito inaasahang maipaliliwanag mo ang pagsulong ng mga unang


kabihasnan sa Asya batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Inaasahan na masusuri mo ang bawat sinaunang kabihasnan at mapahalagahan ang mga
kontribusyon nito sa kasalukuyang panahon.

38
Tuklasin

Gawain 2: Suri - larawan

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba, pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na tanong at isulat sa kwaderno.

The Wrestler, rebultong gawa ng mga Olmec


http://en.wikipedia.org/wiki/File:The_Wr estler_(Olmec)_by_DeLange.jpg

1. Ano ang iyong palagay tungkol sa mga larawang ito?


2. Ano ang kaugnayan nito sa ating aralin?

Suriin

Gawain 3: Basahin Mo!

Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica

Ang mga Pamayanang Nagsasaka (2000-1500 B.C.E.)Maraming siglo muna ang


lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhaysa mga pamayanan at pagkakaroon ng

39
mga lipunang binuo ng estado saMesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng
mais at iba pang mgaprodukto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang
Veracruz noonpa mang 3500 B.C.E. Sa pagsapit ng 1500 B.C.E., maraming taga-
Mesoamericaang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang

karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop.

Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang kaayusan


saMesoamerica sa pagitan ng 2000 B.C.E. at 900 B.C.E. Sa maraming rehiyon, angmaliliit
subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno.Nagkaroon din ng ilang
mga angkang pinangibabawan ang aspektong pangekonomiya,pampolitika, at panrehiyon.
Ang pinakakilala sa mga bagong tatag nalipunan ay ang Olmec.

Ang mga Olmec

Olmec (1500-500 B.C.E.)

Ang kauna-unahang umusbong sa Central America


(at maaaring maging kabuuang America) ay ang Olmec

Ang katagang olmec ay nangangahulugang rubber


people dahil sila ang kaunaunahang taong gumamit ng
dagta ng punong rubber o goma

Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon ng


Gulf Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon ay
lumawig hanggang Guatemala

Ang panahong ito ay halos kasabayan ng Dinastiyang


Shang sa China

The Wrestler, rebultong gawa ng mga Olmec

http://en.wikipedia.org/wiki/File:The_Wr estler_(Olmec)_by_DeLange.jpg

Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang sistemang irigasyon na itinayo


rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa ng
kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics
ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining. Naunawaan na rin nila
ang konseptong zero sa pagkukuwenta. Sa kasamaang palad ang kanilang sulat ay hindi pa
lubusang nauunawaan ng mga iskolar hanggang ngayon. Dahil dito ang mga kaalaman sa
Olmec at iba pang mga sinaunang tao sa America ay hango mula sa iba pang labi ng
kanilang panahon. Ang mga likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking
impluwensiya sa kultura ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec.

40
Kulturang Olmec

Ang rituwal ukol sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa


pamumuhay ng mga Olmec. Sila aymay panrituwal na
larong tinatawag na pok-a-tok na tila kahalintulad ng
larong basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi
Larong maaaringgumamit ng kanilang kamay upanghawakan ang
Pok-a-tok bolang yari sa goma. Sa halip, gamit ang mga siko at
baywang, tinatangka ng mga manlalaro na ihulog at
ipasok ang bola sa isang maliit na ring na gawa sa bato at
nakalagay sa isang mataas na pader. Pinaniniwalaan ng
mga arkeologo na ang ilang mgamanlalaro ay ginagawang
sakripisyo matapos ang nasabing laro. Nang
lumaon, ito ay nilaro sa iba’t ibang sentro sa buong
Mesoamerica.

Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglililok ng mga anyong


ulo mula sa mga bato. Ang pinakamalaking ulo ay may
Lilok ng anyong ulo taas na siyam natalampakan at may bigat na 44 libra.
mula sa mga bato Maaari diumanong ang mga lilok na ito ay hango sa anyo
ng kanilang mga pinuno. Sila rin ay nakagawa ng mga
templong hugis-piramide sa ibabaw ng mga umbok ng
lupa. Ang mga estrukturang ito ay nagsilbing mga lugar-
sambahan ng kanilangmga diyos.

Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar


napinakakinatatakutanng maninila(predator) sa central
America at South America. Ito ay nagpapakita ng lakas,
Hayop na jaguar
katusuhan, at kakayahang manirahan saan mang lugar.
Ito rin ay agresibo at matapang.Sinasamba ng mga Olmec
angespiritu ng jaguar.

Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta. Ang mga lugar na
ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong mineral tulad ng jade,
obsidian, at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong lugar tulad ng Costa Rica.

Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang Olmec ay


humina at bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring makihalubilo sa iba pang mga pangkat
na sumakop sa kanila. Gayunpaman, ang mga sinaunang taong sumunod sa kanila ay
nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan.

41
Ang mga Teotihuacan

Sa pagsapit ng 200 B.C.E., ang ilan samga lugar


sa lambak ng Mexico ay nagingmas maunlad dahil
sa ugnayangkalakalan at pagyabong ng ekonomiya

Isa sa mga dakila at pinakamalakinglungsod sa


panahong ito ay angTeotihuacan na
nangangahulugang“tirahan ng diyos”

Pagsapit ng 150 C.E., ito ay naging isang


lungsod na may halos 12.95 kilometrokuwadrado
na mahigit sa 20,000 katao

Sa pagitan ng 150 C.E. at 750 C.E., ang


populasyon nito ay minsang umabot sa120,000

Teotihuacan (250 B.C.E.-650 C.E.)

Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay ng karangyaan,kadakilaan, at


kapangyarihan sa lungsod. Maliban dito, ang mga pinuno nito aynagawang makontrol ang
malaking bahagi ng lambak ng Mexico. Naging sentrongpagawaan ang lungsod
samantalang ito ay nagkarooon ng monopolyo samahahalagang produkto tulad ng cacao,
goma, balahibo, at obsidian. Ang obsidianay isang maitim at makintab na bato na nabuo
mula sa tumigas na lava. Ginamit itong mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan,
salamin, at talim ng mga kutsilyo.Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o
nobility ang malakingbahagdan ng populasyon. Ito ay naganap sa pamamagitan ng
pagkontrol saekonomiya, pag-angkop sa relihiyon, at pagpapasunod nang puwersahan.
Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, angFeathered
Serpent God. Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sakaniya nagmula ang iba’t
ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan. Kinatawandin niya ang puwersa ng
kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin.
Noong 600 C.E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod atsinunog
ang Teotihuacan. Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650 C.E.Ang paghina ng
lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatig-lugar, tagtuyot, at pagkasira ng
kalikasan.
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al (2012)

42
Pagyamanin

Gawain 4: Tracing the Beginning

Panuto: Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum.

Ano ang sinaunang Paano nagsimula Ano ang katangian


kabihasnang ang kasaysayan ng ng mga
umusbong sa daigdig? kabihasnang ito? katutubo nito?

Hango sa AP 8 LM pahina 99

43
Isaisip

Gawain 5: Graphic Organizer

Panuto: Gamit ang graphic organizer, isulat ang mga mahalagang ambag
kabihasnang Mesoamerica sa kasalukuyang panahon at isulat ito sa kwaderno.

Sinaunang
Kabihasnan
g
Mesoameric

Isagawa

Gawaing 6: Sanaysay
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng mabuting katangian
ng isang pinuno.

Mahusay na Pinuno

_____________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

44
Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos
Nilalaman 10
Organisasyon sa Paksa 8
Kaayusan at Kalinisan sa Pagsulat 7
Kabuuan 25

45
Aralin
Mga Pamana ng mga Sinaunang
6 Kabihasnan sa Daigdig

Balikan

Gawain 1:Puno ng Kaalaman


Panuto: Pumili sa mga Sinaunang Kabihasnan, Isulat sa loob ng kahon ang mga
kaalaman tungkol sa kabihasnang napili.

ekonomiya kultura

paniniwala at lipunan

Politika relilihiyon

Sinaunang Kabihasnan

Alamin
Sa araling malalaman ang mga mag-aaral ang mga ambag o kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig. Inaasahang pahahalagahan ng mga mag-aaral ang mga
ambag na ito sa kasalukuyang panahon.

46
Gawain 1: Crossword Puzzle
Panuto: Buuin ang puzzle tungkol sa sinaunang kaihasnan sa pamamagitan ng
pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang.

2. 8.
1.

10.

9. 7.

4.

5. 6.
3.

Pahalang: Pababa:
1.Paraan ng pagsulat ng mga Sumer 2. Sistema ng pagsulat ng Egypt
3.Wikang klasikal ng panitikang India 4. Sistemang Indian na nanga-
5.Tawag sa lalawigan ng Persia ngahulugang lahi o angkan
7.Rubber people 8. Sistemang alkantarilya
9.Kabihasnang Tsino na pinamunuan 10. Pinuno at hari ng Egypt
ng mga dayuhang barbaro
Pataas:
6.Monumento o libingan ng mga Pharaoh

47
Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kani-
kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan, husay,
at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspekto. Hindi natin napapansin
subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay maaaring mag-ugat sa
malayong nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan ng iba’t ibang kaisipan, pilosopiya, at
relihiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin sa mga sinaunang kabihasnang ito. Bilang
mag-aaral ng kasaysayan, ikaw ba ay may nalalamang ambag o kontribusyong nagmula sa
mga sinaunang kabihasnan na kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon?

Mesopotamia

Ang ziggurat ay estruktura kung saan


pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron ng
isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang ziggurat.

http://www.crystalinks.com/ziggurat

Ang katipunan ng Great Flood ng Bibliya. mga


batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of
Hammurabi, ayisangnapakahalagang ambag. Ito ay
naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat
na aspekto ng arawaraw na buhay sa Mesopotamia.

Sa larangan ng literatura, itinuturing ang Epic of


Gilgamesh bilang kaunaunahang akdang
pampanitikan sa buong daigdig. Ito ay kuwento
niHaring Galgamesh ng lungsod-estadong Uruk sa
Sumeria noong ikatlongsiglo B.C.E. Ang isa sa mga
kabanatang epikong ito ay kahalintulad sa The
sh Great Flood ng Bibliya.

48
Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng
pagsulat sa buong daigdig ay nalinang sa Sumer. Ito ay
tinatawag na cuneiform.

https://www.ancient.eu/cuneiform/

Iba pang kontribusyon

water clock sexagesimal system opagbibilang na nakabatay sa 60


paggawa ng unang mapa astronomiya

Mula sa AP 8 Module pahina 104 – 111

Indus

May sewerage system ang Mohenjo-Daro.


Bukod dito, ang mgapamayanan sa Indus ay
kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang
sumailalim satinatawag na urban o city planning o
pagpaplanong panlungsod. Ang mga kalsada sa
matatandanglungsod ng Mohenjo-Daro atHarappa
ay nakaayos na parangmga nagsasalubong na guhit
o gridpattern.

Ang dalawang epikong pamana ng India sa


larangan ng panitikan. Ang Mahabharata ay isang
salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng
dalawang pamilya na magkakamag-anak – ang mga
Pandava na kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan.
Ang Ramayana naman ay isang salaysay tungkol sa
buhay ni Prinsipe Rama at ang pagsagip niya kay
Prinsesa Sita, ang kaniyang asawa, na sapilitang kinuha
ni Ravana, isang demonyong hari.

Isinulat ni Kautilya ang Arthasastra noong ikatlong


siglo B.C.E. Ito ang kaunaunahang akda o treatise
hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya ay Arthasastra
tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang tagapagtatag
ng Imperyong Maurya.

Ang Ayurveda o “agham ng buhay’’ ay isang

49
Ayurveda
mahalagang kaisipang pangmedisina ng
sinaunang India. Tinawag itong “agham ng buhay’’
sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng
kalusugan at kaligtasan mula sa mga
karamdaman.

Iba pang kontribusyon:

Pamantayan ng bigat at sukat Decimal system

Paggamot at pagbubunot ng ngipin Halaga ng pi(3.1416)

Taj Mahal
Mula sa AP 8 Module pahina 104 – 111
Pinagmulan ng mga relihiyon(Hinduism,

Tsino

Sa panahon ng Qin, tinatayang isang milyong


katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo ang
Great Wall ng China. Ito ay nagsilbing simbolo ng
kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang panahon.
reat_Wall_of_China

Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay


ng perspektiba at pamamaraan ng prediksyon ukol sa
iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao.
Samantala, ang BingFa (Art of War) ay itinuturing na
isa sa mga kauna-unahan at pinakatanyag na aklat
asya-32085837 ukol sa estratehiyang militar na isinulat ni Sun Zi o Sun
Tzu noong 510 B.C.E.

Ang paniniwala sa feng shui o geomancy ay


nagmula rin sa China. Ang kaisipang ito ay ukol sa
tamang pagbalanse ng yin at yang upang
makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman.
Ang yin ay sumisimbolo sa kababaihan—malambot at
kalmado. Samantala ang yang ay tumutukoy sa
eng_shui kalalakihan—matigas at masigla.

Iba pang kontribusyon:


50
Paggamit ng silk o seda Kalendaryo Star map

magnetic compass seismograph wheel barrow


Egypt

May sistema ng pagsusulat din ang mga


Egyptian na tinatawag na hieroglyphics. Sa simula,
ang isang larawan ay sumasagisag sa isang kaisipan.
Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga
papel kundi nakaukit din sa mga pampublikong gusali
o kaya naman ay nakapinta sa luwad o kahoy.
Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa pagtatala
at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino o paper
scroll ay mula sa malatambong halaman na tinatawag http://en.wikipedia.org/wiki/Hieroglyp
hics
na papyrus.

Ang mga piramide ay hitik sa mga


simbolismong relihiyoso. Libinga ito ng pharaoh
kung kaya sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng
mamuno. Gayundin, pinatunayan nito ang paniniwala
sa buhay matapos ang kamatayan. Lahat ng
kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay makikita
sa piramide bilang paghahanda sa kabilang buhay.
http://en.wikipedia.org/wiki/gizapyramid

Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim


sa isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa
isang prosesong tinatawag na mummification, Ang
mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal upang
patuyuin ang bangkay. Matapos nito, ang isang
mummy o embalsamadong bangkay ay pinipintahan,
binabalutan ng linen, at pinapalamutian ng alahas.

http://en.wikipedia.org/wiki/Tutankha

51
Pagyamanin

Gawain 2. K-A-K Organizer

Panuto: Unawain ang panuto sa pagbuo ng organizer.


a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng Kabihasnan- Ambag-
Kabuluhan (K-A-K) Organizer.
b. Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan, sa pangalawang hugis ang ambag, at
pangatlong hugis ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang tao.

Kabihasnan Ambag Kabuluhan

Hango sa AP 8 LM pahina 109

Isaisip

Gawain 3. Thank You Letter.

Panuto: A. Batay sa natutuhan tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad


ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, sumulat ng isang liham pasasalamat.

B. Isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang sa gawaing ito:

1. Pumili ng isang anyong lupa, tubig o kahit anong bagay na may kaugnayan sa
heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na nais mong gawan ng liham
pasasalamat.
2. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na
ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao.
3. Gawing batayan ang kasunod na rubric sa pagmamarka ng iyong liham.

52
Rubric sa Pagmamarka
Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nakapaloob sa diagram ang 5 o higit pang
Nilalaman mahahalagang pangyayari sa
nakatalagangkabihasnan; wasto ang pagkakasunod- 10
sunodnito
Mahusay na naipaliwanag ang kasaysayan ng
Pag-uulat nakatalagang kabihasnan batay sa nabuong 10
diyagram
Iba pang Nakapaglahad ng iba pang datos na may kaugnayan
impormasyo sa kasaysayan ng nakatalagang kabihasnan 5
n
Kabuuan 25
Hango sa AP 8 LM pahina 110

Isagawa

Gawain 4. Maimpluwensiyang Kabihasnan

Panuto:Kumpletuhin ang kasunod na dayagram. Itala ang pamana ng mga


sinaunang kabihasnan at ang impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at sa ating bansa
sa kasalukuyang panahon.

Hango sa AP 8 LM pahina 111

53
Buod

Tinalakay sa yunit na ito ang heograpiya ng daigdig. Ang mga saklaw nito
tulad ng mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman ay tunay na maymalaking
impluwensiya sa paghubog ng kasaysayan ng mga sinaunang tao.Nakasalalay ang
pamumuhay ng mga prehistorikong tao sa kanilang mahusay napakikiayon sa idinikta ng
kanilang kapaligiran.

Ang kanilang talino at kakayahan ang naging instrumento upang magin matagumpay
sila sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-daan upang higit na100mapabuti ang
kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag sila ng mga mauunladna pamayanang
tinawag na kabihasnan.

Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa larangan ng


politika,relihiyon, ekonomiya, kultura, at maging sa agham at teknolohiya ay lubos na may

kapakinabangan hindi lamang sa kanilang panahon kundi sa lahat ng panahon.

54
Pagtatasa

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa sistemang caste ng India?


A. Torah B. Sudra
C. Vaisya D. Brahin

2. Bakit kinilala si Ashoka na pinakamahusay na pinuno ng Maurya at sa kasaysayan


ng daigdig?
A. Dahil marami siyang mga lupain na sinakop.
B. Dahil na gapi niya ang lahat ng kanyang mga kalaban.
C. Dahil pinalaganap niya ang walang karahasang pakikidigma.
D. Dahil tinalikdan niya ang karahasan at sinunod ang mga turo ni Buddha.

3. Ano ang tawag sa unang banyagang dinastiyang namamahala sa Tsina?


A. Yuan B. Ming

C. Chou D. Shang

4. Ano ang pinagawa ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawa na naging Seven


Wonders of the Ancient World?
A.Pyramid B. Taj Mahal
C.Hanging Gardens D. Graet Wall of China

5. Bakit tinawag na rubber people ang mga Olmec?


A. Dahil mahilig silang maglaro ng goma..
B. Dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng dagta.
C. Dahil gawa sa goma ang kanilang mga tahanan atdamit
D. Dahil ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Olmec ay ang pagtatanim
ng punong goma

6. Anong pangkat ng tao sa sistemang caste ng India ang mga mangangalakal, artisan,
magsasakang may lupa?
A. Saudra B. Vaisya

C. Pariah D. Ksatria

7. Alin sa kabihasnang Tsino ang sinasabing pinakamaunlad na kabihasnang gumamit


ng bronse?
A. Xia B. Han

55
C. Chou D. Shang

8. Alin sa mga pangkat ng sinaunang lungsod ang tinaguriang “tirahan ng diyos”


A. Olmec B. Pyramid
C. Tetahuacan D. Teotihuacan

9. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa


Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-
estado?(U)
A. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.
B. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang
bagay.
C. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling
masakop ang mga teritoryo nito.
D. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na
magpapaunlad sa iyong pamumuhay.

10. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa


rin sa kasalukuyan? (U)
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.
D. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.

56
Susi saPagwasto

Panimulang Aralin #1: Posebling Sagot Aralin #1:


Pagtataya Gawain 1: Ilarawan Mo! Gawain3: Pangalanan
Mo!
1. D Mesopotamia – pagitan ng 1. Sumerian
2. C mga ilog 2. Hittite
3. C 3. Chaldean
4. D 4. Assyrian
5. C 5. Babylonian
6. A 6. Assyrian
7. A 7. Chaldean
8. A 8. Sumerian
9. D Aralin #2: 9. Persian
10. D Gawain 2: Complete It! 10. Hettite
1. Timog Asya
2. Sub-kontinente
3. Khyber Pass

Aralin #2:
Aralin #3:
Gawain 4: Sagutin Mo!
Gawain 4: Tama o Mali
1. D
1. TAMA
2. E
2. MALI – GREAT WALL
3. C
3. TAMA
4. G
4. TAMA
5. B
5. MALI – Q’ING
6. A
6. MALI – COMFUCIANISM
7. I
7. TAMA
8. F
8. TAMA
9. F
9. TAMA
10. I
10. MALI - TAOISM

Aralin #3: Aralin # 4:


Gawain 5: Pangalanan Mo!
1. Gupta Gawain 1; Balikan Mo!
2. Maurya 1. Q’ing
3. Mogul 2. Kublai Khan
4. Maurya 3. Ming
5. Gupta 4. Confucius
5. Taoism

57
Aralin #4:
Gawain 2: Magkahalong Salita Aralin #4:
1. Pyramid
2. Mummification Gawain 1: Pangalanan
3. Hieroglyphics Mo

1. Hieroglyphics
2. Zoser
3. Mummification
4. pyramid

Aralin #3: Posibleng


Sagot Aralin #3: Posibleng Sagot
Gawain 2: Mapa –
larawanan Gawain 4: Sagutin Mo!
1. Mesopotamia, 1. Umusbong ang kabihasnang ito sa tabing-ilog malapit
Indus, Tsino sa Yellow River o Huang Ho.
2. nasa tabing-ilog 2. Namuhay sila sa pag-sunod ng ideolohiyang
Confucianism at Taoism.
3. Sang-ayon ako dahil, napanatili nila ang kanilang
pamyanan, kultura at iba pa sa pagsasara ng kanilang

Aralin #6:
Gawain 2 :
Aralin #6:
Pangalanan Mo
Gawain 1: Posibleng sagot
Mesopotamia 1. Cuneiform
Politika – Theocray 2. Hieroglyphics
Ekonomiya – barter 3. Sanskrit
Kultura – naniniwala sila sa maraming 4. Caste
diyos at diyosa 5. Satrapy
Paniniwala at lipunan – mahigpit ang 6. Pyramid
kanilang uri ng panlipunan 7. Olmec
Relihiyon - Mesopotamian 8. Sewerage
9. Yuan
10. Pharoah

Aralin 6:
Gawain 3: Posibleng sagot
Kabihasnan Ambag Kabuluhan
Mesopotamia Code of Hammurabi Naglalaman ng 282 batas na pumapaksa
sa halos lahat na aspekto ng araw-araw na
buhay sa Mesopotamia.

Egypt Mummification Preserbasyon ng patay na katawan bago

58
Aralin #6:
Gawain 4: Posibleng sagot
 Impluwensiya sa Daigdig
Magkaugnay ang mga bansa sa daigdig ang mga pamanang ito ay pinaunlad at
dinagdagan pa sa tulong ng mga makabagong mekanismo at tinangkilik sa
buong daigdig.
 Impluwensiya sa Pilipinas
Ang ating mga ninuno ay mayroon ng kakayahan at kaalaman sa panggagamut
na nagpasalinsalin sa kasalukuyang panahon, na mas pinaunlad upang maging
epiktibo gamit ang mga makabagong aparato.
 Impluwensiya ng Sinaunang Kabihasnan
Ayuda (Agham ng buhay) ng Indus

Pagtatasa:

1. A
2. D
3. A
4. C
5. B
6. B

59
Sanggunian
Aklat:

Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna
Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.

Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan
ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.

Mga Sanggunian sa internet:

Google Drive, “Grade 8 DLP 1st Quarter,” Accessed May 30, 2020, https://drive.google.com/
file/d/1dIkeEgrMEbEx_hEn4XEv0pe-IIGd4hy-/view

LRMDS Portal, “Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifico,” Accessed May 25, 2020,
https://lrmds.deped. gov.ph/detail/6050
LRMDS Portal, “Sinaunang Kabihasnan,” Accessed May 25, 2020, https://lrmds.deped.
gov.ph/detail/6039

60
61
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education — Division of Gingoog City
Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

This page is intentionally blank

Das könnte Ihnen auch gefallen