Sie sind auf Seite 1von 24

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – 11

Alternative Delivery Mode


Unang Markahan – Modyul 1: Konseptong Pangwika
Unang Edisyon

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a
condition the payment of royalties.
Barrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.

Development Team of the Module:

Author: April L. Echiverri


Reviewers: Ina Joana L. Sultan
Analiza R. Solatorio
Jocelyn P. Zamora
Illustrator: Janeth U. Tigol

Management Team:
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES, CLMD
Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot, Jr.
Regional ADM Coordinator
Elesio M. Maribao
EPS, Filipino

Printed in the Philippines by: Department of Education – Regional Office 10


Office Address: Zone 1, Upper Balulang Cagayan de Oro City 9000
Telefax: (088) 880-7071, (088) 880-7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 1

Konseptong Pangwika

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public and private schools, colleges, and

or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders to

email their feedback, comments, and recommendations to the Department of

Education at action@deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawarang ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 2
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 2
Aralin 1 ……………………………… 3
Tuklasin ……………………………… 3
Linangin ……………………………… 4
Suriin ……………………………… 4
Isaisip ……………………………… 12
Tayahin ……………………………… 12
Sanggunian ……………………………… 16
Modyul 1
Konseptong Pangwika 1

Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga konseptong pangwika kung saan


matutunghayan ang mga pagpapakahulugan sa wika, kahalagahan ng wika,
gayundin ang maikling kasaysayan ng wikang pambansa.
Naglalayon din ang Modyul na ito sa paanong paraan ang wika ay
nagiging instrumento ng mabisang pakikipagtalastasan, mabuting
pakikipagkapwa-tao, kapayapaan at maipababatid ang mahaba at masalimuot
na kasaysayan ng ating Wikang Pambansa.Maipakikita rin sa modyul na ito
ang pagpapahalaga sa pagkakaroon natin ng isang wikang nagbubuklod sa
ating mga Pilipino.
Tutulungan ka ng modyul na ito na matutukoy ang kahulugan at
kabuluhan ng mga konseptong pangwika at maiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo,
talumpati at mga panayam.
Gayundin, mapapalawak ang iyong kaalaman kung bakit ang wika ang
itinuturing na salamin ng ating kultura at pagkakaroon ng isang wikang
pambansa at ang kahalagahan nito.
Matutunan mo ring bumuo ng sariling katuturan o kahulugan ng
Wikang Filipino.

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay may isang aralin:

Aralin 1 - Wika at Wikang Pambansa


Wikang Panturo at Wikang Opisyal

1
Alamin

Ano ang Inaasahan Mo?

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong


pangwika; at (F11PN-Ia-85)
2.Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon sa radio, talumpati at mga panayam.
(F11PN-Ia-86)

Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan gawin ang mga sumusunod:

• Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong


pangwika.
• Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at
pagsasanay.
• Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Subukin
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa
bawat aytem. Isulat lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa patlang
bago ang bawat bilang.

___A.___ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga


Pilipinong may iba’t ibang unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay
ginagamit bilang__________.

2
A. Wikang Pambansa C. Lingua Franca
B. Wikang Opisyal D. Wikang Panturo

__B.____ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at


komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang
__________.

A. Lingua Franca C. Wikang Opisyal


B. Wikang Pambansa D. Wikang Panturo
__B.____ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na
isinaayos sa paraang arbitraryo.

A. Paz Hernandez C. Charles Darwin


B. Henry Allan Gleason, Jr. D. Lope K. Santos

___A.____4. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika


ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.

A. Filipino C.Bisaya
B. Ilokano D.Waray

___C.____5. Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na


ginagamit ng mga tao sa komunikasyon.

A. Sapiro C.Gleason
B. Hemphill D. Hutch

___C.____6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas


ng 1987 na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, gagamitin din ang Wikang Ingles.

A. XV C. XIV
B. XII D.XVI

___D.____7. Ano ang ating wikang Pambansa?

A. Ingles C.Tagalog
B. Ilocano D. Filipino

___B.____8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan


ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.

A. Gleason C. Quezon
B. Sapiro D. Hemphill

3
___C.____9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga
paaralang Pang-sekundarya?

A. Tagalog at Bisaya C. Ingles at Filipino


B. Maranao at Bisaya D. Ingles at Kastila

___A.____10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na


edukasyon.

A. Wikang Panturo C. Wikang Pambansa


B. Wikang Opisyal D. Wikang Pandaigdig

Aralin

Aralin 1 - Wika at Wikang Pambansa

Tuklasin

Handa ka na ba? Alam kong masisiyahan ka sa mga matutuklasan mo


habang pinag-aaralan ang araling ito. Sinasabi na maraming pabago bago ang
pamamaraan sa pag-aaral na Wikang Filipino pero dapat mo ring matutunan
ang kalagayan ng wikang Filipino sa ating bansa. Sabi nga, kumusta na kaya
ang sariling Wika natin? Kaya, matutulungan kang madagdagang kaalaman mo
sa araling ito.

Gawain 1. Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay


ng sariling pagpapakahulugang salita na nakasulat sa loob ng bilohaba.

-kahulugan ng wika
-kahalagahan ng wika
Konseptong
-kapangyarihan ng wika
Pangwika
-gampanin at tungkulin ng wika

4
A. Mga Pokus na tanong

a. Paano mo maitutukoy ang pagbibigay ng kahulugan at kabuluhan ng


mga konseptong pangwika bilang isang mag-aaral?
b. Paano mo maipapaliwanag ang kahulugan ng iba’t ibang konseptong
pangwika sa tulong ng mga halimbawang sitwasyon sa pang-arawaraw
na buhay bilang isang mag-aaral?

B. Pagsagot sa Mga Pokus na Tanong


Subukin mong sagutin ang Mga Pokus na Tanong na ibibigay ang
sariling hinuha bilang sagot sa mga ito. Isulat sa iyong kwaderno.

Suriin

Tunghayan Mo
Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa
paksang mga konseptong pangwika: Wika, Wikang Pambansa, Wikang
Panturo, Wikang Opisyal.
Sa pangunguna ng kanilang lider na si Angelo Carrtte, pinag-uusapan nila ang
paksang tatalakayin ng kanilang pangkat, ang tungkol sa mga konseptong
pangwika. Kasama sa pangkat sina Maxine, Stephanie, Nathalie, Angela, at
Messiah.
Angelo Carrtte: Handa na ba kayo sa tatalakayin natin para sa klase bukas?
Pag-usapan natin at isa-isahin ang mga ito.
Maxine: Sige ako ang mauuna. Wika ang napunta sa akin. Gaya ng
napagkasunduan natin, gagawan ng handout ang tatalakayin kaya’t kmuha na
kayo ng tig-iisa para masabayan ninyo ako.
Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog o sagisag na
ginagamit ng tao sa komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao tinutukoy na
sistema ng tunog. Binubuo ang sagisag ang isang wika. Sa nabanggit na
depinisyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa tao. Bagaman ang mga hayop
ay mayroon ding paraan sa komunikasyon, hindi tinatawag na ang wika ang
mga ito. Samakatuwid, ang wikang tinutukoy sa pagtatalakay na ito ay
ginagamit ng tao sa pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa tao.

Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na


kasangkapan sa pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika ay nakapokus
sa kapakinabang idudulot sa mag-aaral na matutuhan ang wika upang
makapaghanapbuhay, makapamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan
nang lubusan ang kagandahang buhay sa kanyang ginagalawan.

5
Angelo Carrtte: Mahusay, talagang malawak ang naging pananaliksik ni
Maxine. Si Stephanie naman, wika rin itinakda sa iyo, di ba?

Stephanie: Tama ka. Narito naman ang iba pang kahulugan ng wika.
Isinasaayos koi to sa pamamagitan ng isang tsart.
Gleason Sapiro Hemphill
(1961) (Sapiro sa (Hemphil sa Ruzol
Ruzol 2014:15)
2014:15)
Ang wika ay Ang wika ay Ang wika ay isang masistemang
masistemang balangkas isang lakas at kabuuan ng mga sagisag na
ng mga sinasalitang makataong
pamamaraan ng
tunog na pinili at paghahatid ng sinsalita o binibigkas na
isinaayos sa paraang mga kaisipan, pinagkaisahan o kinaugalian ng
arbitaryo na ginagamit damdamin,at isang pangkat ng mga tao,at sa
sa hangarin sa pamamagitan nito’y
pakikipagkomunikasyon pamamagitan ng nagkakaugnay,nagkakaunawaan
ng mga taong kabilang isang kusang- at nagkakaisa ang mga tao.
sa isang kultura loob na
kaparaanang
lumikha ng
tunog.

Angelo Carrtte: Wow, hindi nagpatalo si Nathalie Pakinggan naman


natin si Angela sa pagtatalakay niya.

Angela: Ang gamit ng wikang panturo ay magtamo ng mataas na antas


ng edukasyon.

Wikang Panturo

Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang


Wikang Panturo. Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na
antas ng edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang
panturo upang makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging
makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa
Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang-batas ng 1987,
kaugnay ng wikang panturo na:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.Samantalang nilinang, ito


ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at ibang pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum

6
ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang
pangedukasyon.

Angelo Carrtte: Napakakomprehensibong ng talakay mo, Angela.Sige, si


Messiah naman ang pakinggan natin para sa huling konseptong pangwika. Ang
Wikang Opisyal.
Messiah: Okey, ako naman.

Wikang Opisyal

Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa


edukasyon, sa pamahalaan, sa politika, sa komersiyo at industriya. Ipinahayag
naman sa Artikulo XIV seksyon 7 ng Saligang-batas ng 1987 na:
“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles.”
Tinatanggap din ang Ingles na isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino.
Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon. Hangga’t
walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon,
kaagapay ito ng Filipino bilang Wikang Opisyal.

Angelo Carrtte: Nakatutuwa naman at talagang handang-handa na tayo


para sa talakayan bukas, Maidaragdag na, dahil sa ang mga wika ay buhay,
patuloy na umiinog ito sa mga pagbabago. Maging kahulugan o depinisyon
lumalawak din at nagbabago. Sige, bukas na natin alamin. Tayo na. Umuwi na
tayo at maghanda para bukas.

Lahat: Tama ka, para maging maayos ang pagtatalakay natin bukas.
Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino: Vibal, Inc ,2016 p.4-6

Simulan Mo
GAWAIN 2. PAGLINANG NG TALASALITAAN. Ipaliwanag ang kahulugan
ng mga konseptong pangwika: Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, at
Wikang Opisyal sa tulong ng mga sitwasyong naranasan o maaring
maranasan. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Salita Pagpapaliwanag sa kahulugan sa


tulong ng mga sitwasyon.
1. Wika Ang wika ay isang araw-araw bahagi
ng pakikipagtalastasan na ginagamit.

7
2. Wikang pambansa Ang wikang pambansa ay isang wika
o iba baryedad ng wika na may ilang
koneksyon kasama ang mga tao at
ang teritoryo na sakop nila.
3. Wikang panturo Ang wikang panturo sa pagtuturo ay
ang mga wikang ginagamit ng mga
paaralan bilang midyum. Kadalasan,
ito ay itinatalaga ng pamahalaan o
nang mismong paaralan. Sa Pilipinas,
ang opisyal na wikang panturo ay
Tagalog at Ingles.
4. Wikang Opisyal Ang opisyal na wika ay isang wika o
lenggwahe na binigyan ng bukod-
tanging istatus sa saligang batas ng
mga bansa, mga estado, at iba pang
mga teritoryo.

Talakayin Mo
Basahin ang sumusunod na Dekalogo ng Wikang Filipino. Isinusulat ang
nasabing dekalogo na ang inspirasyon ay ang Pambansang Dekalogo ng mga
bayani at tanyag ng mga pinuno na nakatuon sa pagmamahal sa lahi, sa bansa,
at sa Diyos. Inaasahan na ang dekalogo ay mahusay pa sa paglakad ng
panahon.

Dekalogo ng Wikang Filipino

(ni Jose Ladera Santos)


I.
Ang wika ay dakilang biyaya ng Maykapal sa
sangkatauhan. Bawat bansa ay binigyan ng Diyos ng
kani-kaniyang wika sa pagkakakilanlan.

II.

Ang Pilipinas ay mayroong 176 na katutubong wika bukod


pa sa panghihiram sa mga banyagang wika.

III.

Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.

8
Si Pangulong Manuel Luis Quezon ang
Ama ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino ay
katuparan ng pangarap na wikang panlahat.

IV
Ang wikang pambansa ay pinayayabong, pinagyayaman
at pinatatag ng lahat ng wikang ginagamit sa Pilipinas.

V.
Ang wika ay puso at kaluluwa ng bansa para sa ganap sa
pagkakakilanlan. Nakapaloob ito sa Pambansang Awit, Panunumpa sa
Watawat at sa lahat ng sagisag ng kalayaan at kasarinlan.

VI.

Tungkulin ng bawat Pilipino na pag-aralan, gamitin,


Pangalagaan, palaganapin, mahalin at igalang ang
Wikang Pambansa kasabay ang gayon ding pagmamalasakit sa
lahat ng katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas.

VII.

Ang pagmamahal at paggalang sa wika ay katapat ng pagmamahal


at paggalang sa sarili. Tumitiyak ito
upang igalang din ang kapwa. Taglay ng lahat ng katutubong
wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas.

VIII.

Malayang gumamit at pagyamanin ang iba pang wikang gustong


matutuhan. Sa pagkatuto ng iba ay lalo pang
dapat pakamahalin ang mga kinagisnang wika. Ano
mang wikang hindi katutubo sa Pilipinas ay wikang
hiram. Hindi matatanggap bilang pagkakakilanlan at
hindi maaangkin ang sariling atin.

IX.

Bawat Pilipino ay nag-iisip, nangangarap at nanaginip Sa


wikang Filipino o wikang kinagisnan.

9
X.

Ang bawat pagsasalita at pagsusulat gamit ng wika ay


pagdiriwang at pasasalamat sa Maykapal sa
pagkakaloob ng wika bilang biyaya sa sangkatauhan.

Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino: Vibal, Inc ,2016 p.14-15

Pagyamanin

GAWAIN 3. Pagsusuri: Isulat sa loob ng talahanayan ang iyong mga sagot.


Sa unang kolum ang maiuugnay na konseptong pangwika, sa ikalawang kolum
ang bilang ng dekalogo, at sa ikatlong kolum ang paliwanag:Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

KONSEPTONG BILANG NG PALIWANAG


PANGWIKA DEKALOGO

10
Wika I,X Sinasabing ang wika ay
dakilang biyaya ng
maykapal para sa
sangkatauhan upang
tayo ay
magpakakilanlan.

Wikang Pambansa III,IV,V,VII Sinasabing ang wika


natin ay Filipino na dapat
nating bigyan ng
pagmamahal at
paggalang katapat ng
paggalang at
pagmamahal natin sa
sarili.

Wikang Panturo VI Sinasabi na tayong mga


Pilipino ay tungkulin
natin na pagaralan,
mahalin, at gawin ito sa
tama upang ating
mapayaman ang sarili
nating wika.

Wikang Opisyal VIII Sinasabi na tayong mga


Pilipino ay Malaya
tayong mag-aral pa ng
iba pang mga wika tulad
ng Ingles at marami
pang iba.

11
GAWAIN 4. Bumuo ng larawan ng iyong puso na naglalarawan ng dapat
mong pahalagahan ang mga konseptong pangwika. Ilahad din kung paano
mo ito mapangalagaan.

Ang Nilalaman ng Aking Puso

-Komunikasyon
-Mga katangian ng filipino bilang isang
wikang Pambansa
-Mahalin ang sariling wika

12
Mga paraan upang mapangalaagaan ito

Mahalin natin ang sarili nating wika,


wag natin hayaang mawala ang
komunikasyon ng isa’t isa,
pagyamanin natin ang ating wika.

Isagawa

GAWAIN 5. Batay sa iyong sagot sa Gawain 4 sumulat ng isang sanaysay na


nagpapaliwanag na dapat pahalagahan at pangalagaan ang mga Konseptong
Pangwika.Isaalang-alang ang mga elemento ng isang sanaysay. Isulat sa
sagutang papel.

Suriin ang isinulat na sanaysay tungkol sa mga konseptong pangwika.


Magkaroon ng sariling pagtataya gamit ang kasunod na kraytirya. Gawin sa
sagutang papel.

Kraytirya Ganap na Bahagyang Hindi


Naisagawa Naisagawa Naisagawa
(5) (4) (3)
1.Organisasyon sa pagkakasulat
ng sanaysay.
2.Kaangkupan ng ginamit na
antas ng wika.
3.Naging malinaw ang batayan ng
pagkasulat.
4.Magkakaugnay ang mga
pagpapaliwanag.
5.Kawastuhang ng mga pahayag
na ginamit sa pagpapaliwanag.
6.Malinaw na masusuri ang uri ng
sanaysay na isinulat.

13
Isulat ang paliwanag sa kinalabasan ng sariling pagtataya. Gawin sa sagutang
papel.

Bilang isang simpleng mamamayang Pilipino, Malaki ang aking papel sa


aking bansang Pilipinas. Responsibilidad ko na pahalagahan lahat nang mga
bagay naipinaglaban ng aking mga ninuno at mga kayamanan mula pa sa
ating kasaysayan, at isa na rito ang wika. Dapat nating mahalin at pahalagan
ang ating wika dahil ito ay isang dakilang biyaya na binigay ng maykapal. Ang
pagmamahal at paggalang sa wika ay katapat ng pagmamahal at paggalang
sa sarili. Dapat ang ating wika ay ating pinayayabong, pinagyayaman at
pinatatatag.

Sa pamamagitan ng Concept Map, isulat ang mga natutuhan sa araling ito


.Isulat din sa loob ng kahon patalata ang sintesis.Gawin sa sagutang papel.

14
Wika

Mga Natutuhan Konsepto ng Wikang Opisyal


mo
Konseptong Pangwika

Konsepto ng Wikang Panturo

Konsepto ng Wikang Pambansa


S

Natutuhan ko na ang wika ay isang araw-araw bahagi ng


pakikipagtalastasan na ginagamit. Na dapat nating itong pangalagaan,
mahalin, pagyamanin, at patatagin. At ito ring wikang Pambansa ay
isang wika o iba baryedad ng wika na may ilang koneksyon kasama
ang mga tao at ang teritoryo na sakop nila. Na hindi dapat mawala ang
koneksyon natin ng mga tao dito sa mundo. Ang wikang opisyal ay ang
itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wika na maaaring gamitin sa
anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at
sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno. At ang wikang
panturo naman Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa
mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan
sa pagtuturo sa silid-aralan. Dapat nating pagyabungin ang ating wika
lalo na sa ganitong panahon. At habang mga bata pa tayo ay
ipinapagyabong na natin ang wika ng Pilipinas na Pilipino.

12

Isaisip

Ibuod Mo

Ayon sa aklat ni Magdalena O. Jocson sa Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino na ang pagtukoy sa kahulugan ng
mga konseptong pangwika,kailangan ang literal na kahulugan nito na maaring
15
kunin sa diksyunaryo o iba pang babasahing pangwika.Maaari rin ito sa
pamamagitan ng panayam sa mga taong eksperto sa larangang ito.Higit sa
lahat ang karanasan ng mga taong gumagamit ng wika o nagpapahalaga rito
na gamit sa aktuwal na buhay sa araw-araw na pakikisalimuha sa iba’t ibang
tao,ay maaaring batayan din sa pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong
pangwika.Sa araling ito natutunghayan ang kahulugan ng ilang konseptong
pangwika(wika,wikang pambansa,wikang panturo,at wikang opisyal). Mayroon
iba’t ibang kahulugan ng wika mula sa mga dalubwika tulad ng: “Wika
ay binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa
pakikipagkomunikasyon upang magkaunawaan.”
“Wikang Pambansa naman ay pinagtibay ng pambansang pamahalaan at
ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnaya sa mamamayan.”
“Wikang panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng
edukasyon.”

“Tinatawag naman na wikang opisyal ang principal na wikang ginagamit sa


edukasyon, sa pamahalaan at sa politika, sa komersiyo at industriya.”

Tayahin

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat
lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat
bilang.

__A.___ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga


Pilipinong may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay
ginagamit bilang__________.
A. Wikang Pambansa C. Lingua Franca
B. Wikang Opisyal D.Wikang Panturo

___B.___ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o
komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang
__________.
A. Lingua franca C. Wikang Opisyal
B. Wikang Pambansa D. Wikang Panturo

___B.___ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na


isinaayos sa paraang arbitraryo.
A. Paz Hernandez C. Charles Darwin
B. Henry Allan Gleason, Jr. D. Lope K. Santos

___A.____4. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika


ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. A. Filipino C. Bisaya
B. Ilokano D. Waray
16
__C.____5. Ayon kay _________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na
ginagamit ng mga tao sa komunikasyon.
A. Sapiro C. Gleason
B. Hemphill D. Hutch

__C.____6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas


ng 1987 na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, gagamitin din ang Wikang Ingles.
A. XV C XIV
B. XII D.XVI

__D.____7. Ano ang ating wikang Pambansa?


A. Ingles C. Tagalog
B. Ilocano D. Filipino

__B.____8. Ayon kay _________ ang wika ay isang makataong pamamaraan


ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.
A. Gleason C. Quezon
B. Sapiro D. Hemphill

__C.____9. Anong ang wika ginagamit bilang wikang panturo sa mga


paaralang Pang-sekundarya?
A. Tagalog at Bisaya C. Ingles at Filipino
B. Maranao at Bisaya D. Ingles at Kastila

__A.____10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na


edukasyon.
A. Wikang Panturo C. Wikang Pambansa
B. Wikang Opisyal D. Wikang Pandaigdig

Susi ng Pagwawasto

Susi ng Pagwawasto sa Panimulang Pagsusulit

1. A
2. B
3. B
4. A
5. C
6. C

17
7. D
8. B
9. C
10. A

Gawain 1
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 2
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 3
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 4
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 5
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
Susi ng Pagwawasto sa Pangwakas na Pagsusulit

1. A
2. B
3. B
4. A
5. C
6. C
7. D
8. B
9. C
10. A

Mga Sanggunian
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927
Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group,
Inc. 2016

18
19

Das könnte Ihnen auch gefallen