Sie sind auf Seite 1von 5

Department of Education

Region VII, Central Visayas


Division of Carcar City
ST. ELIJAH CHRISTIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY FOUNDATION, INC.
OCANA, CARCAR CITY, CEBU

LEARNING PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 9


GRADE LEVEL & SECTION Grade 9- ARALING PANLIPUNAN
QUARTER FIRST QUARTER
WEEK NO: 1
DATE August 11-18, 2020
UNIT TOPIC ANG KAHULUGAN NG EKONOMIKS
LEARNING RESOURCES DepEd Learing Module HEALTH 9
The learner . . .
CONTENT STANDARDS  demonstrates understanding of lifestyle and weight
management to promote community fitness
The learner . . .
PERFORMANCE  maintains an active lifestyle to influence the physical activity
STANDARD participation of the community
 practices healthy eating habits that support an active lifestyle
The students will be able to:
 To know the community and environmental health problem
LEARNING in the community.
TARGET/OUTCOMES  To identify the different environmental issues and their
effects on people’s health.
 To make an action plan regarding to their community.
LEARNING
COMPETENCES  defines community and environmental health (H9CE-la-8)
CODES
PVMGO VISSIONARY PLANNER, INNOVATIVE AND COLLABORATION,
VALUES INTEGRATION EXCELLENCE, TRANSPARENCY.

DEVELOPMENTAL ACTIVITIES
TEACHING LEARNING PROCESS
I. INTRODUCTION
a. Review

The teacher will ask the students what was the situation in their community as of this year.

b. Communicate Learning Objectives


1. Give the expectation towards the subject
2. Being familiar to the competencies taken.
c. Motivation/ Pre-Activity
Ipasuri ang larawan sa ibaba at bigyan ito ng sariling interpretasyon.
II. DELIVERY INSTRUCTION
a. Presentation and Discussion of Lessons

Ano ang kahulugan ng Ek Ayon kay Viloria (2000), ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan
na nag- aaral kung paano tutugunan ang walang tila katapusang pangangailangan at kagustuhan gamit
pinagkukunang-yaman. nagsimula sa salitang Griyego na ang limitadong Ito ay ng tao oikonomia, ang
oikos na nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala.

Pinag-aaralan sa ekonomiks ang pamamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga mamamayan at ang
bansa ng kanilang limitadong resources. Kaya pinag-aaralan din kung papaano gagamitin ng tao at lipunan
ang limitadong resources upang makagawa at maipamahagi ang iba't ibang produkto at serbisyo sa mga
tao at iba't ibang pangkat ng lipunan.

May dalawang mahalagang bahagi na binibigyang-pansin ang ekonomiks sambahayan at ang pamayanan.
Sa sambahayan, pinaplano kung paano hahatiin sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Sa loob ng
sambahayan, pinagpapasyahan naman kung magkano ang ilalaan sa ang limitadong resources
pangangailangan pagkain, tubig, sa kuryente at iba pang mga bagay na maaaring makapagdulot ng
kasiyahan o pakinabang sa isang pamilya. Sa aklat ni Mankiw (1997), ang ekonomiya at sambahayan ay
magkatulad sapagkat pareho silang gumagawa ng desisyon.

Ang pamayanan ay gumagawa ng iba't ibang desisyon katulad ng sambahayan. Lumalabas dito ang apat
na katanungan para matugunan ang suliranin sa pagkakaroon ng limitadong resources. Ang mga
katanungang ito ay ang mga sumusunod: Anu-anong mga produkto at serbisyo ang gagawin?
Gaano karami ang gagawin? Paano gagawin? At para kanino? Dahil sa may limitasyon ang ating
pinagkukunang-yaman ay umiiral ang suliranin sa kakapusan. May kakapusan sa pinagkukunang-yaman
sapagkat walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang likas na yaman ay maaaring
maubos at mahirap na palitan. Ang yamang kapital din ay may limitasyon kaya limitado ang nagagawang
produkto at serbisyo para sa tao. Kaya ang kakapusan ay kaakibat na ng ating buhay sapagkat may
limitasyon ang lahat ng bagay sa daigdig.

Ang Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks


Sa pag-aaral ng ekonomiks' ay nalalaman natin ang mga mahahalagang konsepto para makatulong sa
pagbuo ng matalinong pagdedesisyon. Sinasabi na sa buhay ng tao ay kalakip na ang pagkakaroon
ng choice o pagpipilian. Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, siya ay napapaligiran ng iba't ibang
pagpipilian kaya mahalaga na pagtuunan ng pansin kung paano makabuo ng matalinong pagpapasya ang
tao.
Trade-off: Ito ay ang pagpili ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ito sa pagbuo ng
matalinong desisyon sapagkat sinusuri muna ng isang tao ang kanyang pagpipilian. Isang halimbawa ay
ang paggamit ng iyong oras sa paggawa ng takdang aralin a paglalaro ng computer games. Kapag sinuri
ng mabuti ang dalawang pagpipilian ay makabubuo ka ng isang pinakamainam na desisyon.

Opportunity Cost: Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sakali mang ikaw ay nakabuo
na ng desisyon. Sa naunang halimbawa, kapag pinili ang paggawa ng takdang aralin, ang opportunity cost
nito ay ang hindi paglalaro ng computer games.

Incentives: Ito ay mga inaalok ng mga negosyante para maaari pang magbago ang desisyon ng mga
mamimili. May mga pagkakataon na ganap na ang ating desisyon sa pagbili ng iba't ibang produkto at
serbisyo subalit hindi maiiwasan na magbago ang ating isip sa bandang huli. halimbawa ng incentives ay
ang pagbibigay ng discount sa mga bilihin. Ang promo gaya ng buy one take one ay maaari ding
makapagbabago sa ating desisyon. Bilang mag-aaral, maaaring mailalarawan ang incentives sa pagbibigay
ng pabuya kapag ikaw ay nakakuha ng mataas na marka.

Marginal Thinking: Sinusuri muna ng isang tao ang karagdagang halaga maging ito ay gastos o pakinabang
na makukuha sa pagbuo ng desisyon.

III. PRACTICE

Gawain 1: THINK, PAIR, AND SHARE Ipasuri ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan
kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Ipasulat sa ikatlong kolum ang desisyon ng mga mag-aaral at sa
ika-apat na kolum ang dahilan ng kanilang naging pasya.

IV.
APPLICATION

Gawain 2: BAITANG NG PAG-UNLAD Ipasulat sa kahon sa kanan ng larawan ang paunang kaalaman
ng mga mag- aaral kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Makikita at pasasagutan mo rin ang
katanungang ito pagkatapos ng lahat ng gawain at babasahin sa bahaging PAUNLARIN at PAGNILAYAN.
Inaasahang makita sa gawaing ito ang pag-unlad ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga paksang aralin.

Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-
aaral at kasapi sa ng pamilya?
V. GENERALIZATION

Gawain 7: PAGSULAT NG REPLEKSIYON Magpasulat ng maikling repleksiyon tungkol sa mga natutuhan ng mga mag-
aaral at reyalisasyon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks sa kanilang buhay bilang mag-aaral at bilang
kasapi ng pamilya at lipunan.
Mga Sitwasyon Mahahalagang Konsepto
1. Nahaharap sa isang pangangailangan ng pagpili si An el dahil
nawalan ng hanapbuhay ang kanyang mg magulang dulot ng
pandemya. Pinagpipiliahiya ang paghihinto sa pag-aaral para
makap trabaho o ang pagpapatuloy kahit siya ay nahirapan.
2. Si Coco a nais bumili ng bagong sapatos ngunit wala pa siyang
pang pambili. Pinangakuan siya ng kanyang kuya na bibilhin
ang gusto niya kapag tumaas ang kanyang mga nakuhang
marka sa susunod na markahan.
3. Inimbitahan si Kim sa isang pagtitipon at nais niyang magsuot
ng bagong damit. Ngunit iniisip niya ng mabuti kung
magagamit ba ang damit na bibilhin niya sa iba pa niyang
lakad.
4. Si Maris ay mayroon pa ring magandang trabaho sa Manila
kahit sila ay nasa gitna ng pandemya. Ngunit iniwan niya ang
trabaho at umuwi sa probinsiya para makapiling ang pamilya.

VI. ASSESSMENT

Gawain 4: Desisyon Ko, l-journal Ko!

Panuto: Binigyang-pansin natin ang kahulugan ng ekonomiks at ang mga mahahalagang konsepto nito
tungo sa pagkakaroon ng isang matalinong pagdedesisyon. Isa-isahin ang mga sitwasyong naranasan sa
nakalipas na limang araw kung saan ikaw ay nakakagawa ng matalinong pagdedesisyon. Isulat ang mga
ito sa iyong journal. Matapos gawin ang journal ay sagutin ang tanong sa ibaba.

Desisyon ko, I-Journal ko!


Unang Araw:

Ikalawang Araw:

Ikatlong Araw:

Ikaapat na araw:

Ika-limang araw:

Bakit mo nasabi na ang iyong mga nagawa sa nakalipas na limang araw ay isang matalinong pagpapasya?
Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

PREPARED BY: APPLE JANE S. CASICAS CHECKED BY: MARLYN B. CEDENO


SUBJECT TEACHER SCHOOL PRINCIPAL

Das könnte Ihnen auch gefallen