Sie sind auf Seite 1von 3

JEVVY B.

MANGAWANG

FILIPINO 204

1. Ipaliwanag ang hamon ng K-12 kurikulum ng Deped.

Bawat bagong sistema sa isang lipunan ay may positibo at negatibong


dulot dahil ang pagbabago ay karaniwang may kaakibat na sakripisyo. Ang
mga hamon sa pagpapatupad ng K-12 Kurikulum ng Deped ay ang
kakulangan sa mga klasrum, mga upuan, mga libro at higit sa lahat ang
mga guro, bukod pa rito ay marami ang mawawalan ng trabaho. Ang isa pa
ay dagdag gastos sa mga magulang lalo na sa mga mag-aaral na nasa
pribadong paaralan.

Marami ang nagsasabi na malaki ang epekto ng pagpapatupad ng K-


12 Kurikulum hindi lamang sa gastusin ng mga magulang sa pagpapaaral sa
kanilang mga anak, higit ditto ay ang humahabang listahan ng mga
problema sa sektor ng edukasyon na hindi naman nasosolusyunan.

Maganda man ang layunin ng K-12 Kurikulum para sa mga mag-aaral


lalo na ang mga taong may kasanayan sa ibang larangan tulad ng skilled
workers ay hati pa rin ang opinyon ng pang-akademikong sektor sa usapin.
Para sa iba, makakatulong ito lalo na sa mga mag-aaral na ayaw
magkolehiyo dahil maaari na silang makapagtrabaho pagkatapos ng Senior
High School at nasa hustong gulang na rin sila para gawin ito. Ngunit ang
iba naman ay sinasabi na mas mainam pa rin ang nakatapos ng hanggang
sa antas ng kolehiyo bilang patunay ng kasanayan sa isang larangan.

Hindi naging madali para sa ating lahat na mapagtagumpayan ang


hamon ng sistemang K-12 dahil sa laki ng pagbabagong dulot nito sa
sistema ng edukasyon na matagal din nating inakap sa mahabang panahon.
Nagging malaking hamon ditto ang pag-akap at pagtanggap sa bagong
sistema ng higit na nakakarami na kahit sa kasalukuyan ay nagbibigay pa
rin ng kalituhan sa marami.

2. Ipaliwanag ang usapin sa CHED Memorandum Order (CMO) bilang


20 serye 13.

Ang usapin sa CHED Memorandum Order (CMO) bilang 20 serye 13 ay


ang pagtanggal sa mga minor subjects sa kolehiyo o hindi na ituturo sa mga
estudyante sa kolehiyo ang mga minor subjects upang mabigyang daan ang
mga mag-aaral na magpokus sa mga major subjects. Nakapaksa rin ditto na
ang kolehiyo na ang bahala na magdesisyon kung wikang Filipino o Ingles
ang gagamitin bilang daluyan ng komunikasyon sa pagtuturo sa mga mag-
aaral. Ang K-12 kurikulum ang sagot sa usapin ng trabaho, matapos ang
labindalawang basikong edukasyon. Sumusuporta rito na maki-ayon sa
mabilis na pagtakbo ng globalisasyon. Subalit hindi ibig sabihin nito na
unti-unting ibabasura sa sariling wika. Nilinaw ng CHED na hindi tuluyang
aalisin ang asignaturang Filipino sa Edukasyon bagkus ililipat ito sa Senior
High School.
Nagtala ito ng maraming batikos at pagkadismaya lalo na sa mga
guro at mag-aaral sa kolehiyo. Naisasawalang bahala sa kautusan ang
pagyabong ng kultura, wika, at kasaysayan n gating bansa. Higit pa rito,
mahigit 10,000 ang mawawalan ng trabahodahil sa panukalang ito.
Nilalayon ng memorandum na ito na maging globally competitive ang mga
estudyante.

Tila nakaligtaaan ng memorandum na ito na wika ang kailangan ng


mga tao upang lubos na makilala ang kanilang sarili at pagkakakilanlan
nang hindi tuluyang madala sa mabilis na agos ng globalisayon. Paano
natin makikilala at mamahalin ang sariling kultura kung mismong Filipino
hindi natin pinag-aaralan. Ang kultura ay siyang nagpapaandar sa wika, at
wika ang nagpapatakbo sa bayan. Huwag itong tanggalin bagkus ito ay
dapat linangin.

3. Bigyang puna ang usapin tungkol sa kalakalang galyon bilang anyo ng


globalisayon.

Malaki ang naitulong ng kalakalang Galyon sa pag-unlad ng wika


sapagkat ito ay naging daan upang lalong mahasa at madagdagan ang ating
kaalaman tungkol sa ibang wikang ginagamit ng ibang bansa tulad ng
Mehiko at Espanyol. At katuwang ng dagdag kaaalaman ng ibang wika ay
ang pag-unlad ng ekonomiya sa kadahilanang patuloy na dumarami ang
nakikipagkalakalan sa ating bansa.

Jevvy B. Mangawang
FILIPINO 208

Das könnte Ihnen auch gefallen