Sie sind auf Seite 1von 3

Panimula Mayroon ba kayong alam tungkol sa panitikan? Nakabasa na ba kayo ng mga akda ng ibat ibang bansa?

May gusto pa ba kayong malaman tungkol dito? Ang pag-aaral ng panitikan ay mahalaga sapagkat ditto nasasalamin ang mga tradisyon o kaugalian at nababatid ang mga pangyayari sa nakaraan dahil itoy hindi maihihiwalay sa kasaysayan. Katulad ngwika, ito rin ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng mga panahon. Malalaman ito kung babasahin ang mga ibat ibang akda na nasulat sa ibat ibang lugar at kapanahunan. Kadugtong nito, layunin ngayon ng librong ito na ipabatid sa mga mambabasa ang mga tanyag na obra maestro hindi lamang sa Pilipinas bagkus sa iba pang umuunlad na bansa sa Asya. amakatwid, binubuo ng aklat na ito ang mga piling akda na nanggaling sa ibat ibang bansang umuunblad sa Asya. Bukod sa mayamang paglinang sa mga nilalaman, ang librong ito ay naglalaman ng mga sumusunod: - Mga akda ng ibat ibang bansa. Ang sakop nito ay may kalakihan sapagkat ang mga itoy nagmula pa sa ibang bansa. Isa pa, sinasalamin ng bawat akda ang kultura ng bansa; -Salin sa Filipino ang mga akda para madaling maunawaan; -Mga pagsusuri sa piling akdang pampanitikan. Ang pagkakasuri ay malinaw upang madaling maunawaan. Ibaiba ang istilong ginamit ayon sa sistema ng pagkakasulat at uri ng akda. Kalakip dito ang mga teoryang pampanitikan na naging basehan ng pagsusuri; -Mga pagsasanay sa bawat akda. Layunin nito na idevelop ang mga mambabasa sa pagbasa nang komprehensivo, kritikal na pag-iisip at mga valyung nakapaloob sa bawat akda at; -Ang wikang ginamit sa mga pagusuri ay nasa antas-kolehiyo kung saan gumamit ang mga tagasuri ng mga salitang hiram sa Ingles. Inaasahang ang librong ito ay makakatulong at makapagpapayaman sa kaisipan at valyu ng mga mag-aaral.

PAGSUSURI SA MGA PILING AKDA NG MGA UMUUNLAD NA BANSA

Isang Bahaging Kailanagan sa Asignaturang Lit. Fil. 122 (Panitikan ng mga Umuunlad na Bansa)

Iniharap kay Novelyn T. Barcena Ph. D. Propesor

nina Kurt Kenneth C. Aspacio Elsie Joy S. Corpuz Monita Pops R. Fernandez Jerick T. Gonzales Perfecto T. Pablico Jr. Ma. Cristina T. Pagador Marvin F. Ragunjan Jonalyn D. Tamayo

Ikalawang Semestre 2010

Das könnte Ihnen auch gefallen