Sie sind auf Seite 1von 23

DULA

RAMEL T. OATE

KAHULUGAN NG DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
2

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
3

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
4

SANGKAP NG DULA
1. 2. 3. 4. 5. 6.

7.
8.

Tagpuan Tauhan Sulyap sa suliranin Saglit na kasiglahan Tunggalian Kasukdulan Kakalasan Kalutasan

Tagpuan panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula Tauhan ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula

Sulyap sa suliranin bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
7

Saglit na kasiglahan saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan Tunggalian ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula

Kasukdulan climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kayay sa pinakakasukdulan ang tunggalian Kakalasan ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian

Kalutasan

sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood
10

ELEMENTO
1. Iskrip

NG

DULA

o nakasulat na

dula 2. Gumaganap o aktor 3. Tanghalan 4. Tagadirehe o direktor 5. Manonood


11

Iskrip o nakasulat na dula ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip Gumaganap o aktor ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng ibat ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
12

Tanghalan anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga magaaral sa kanilang klase
13

Manonood

hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dulay maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood

14

EKSENA

AT

TAGPO

Ang eksena ay ang paglabasmasok sa tanghalan ng mga tauhan Ang tagpo namay ang pagpapalit o ang ibat ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.
15

PAANO NAKATUTULONG ANG


PANTANGHALAN SA

DULANG PAGIGING

MALIKHAIN, MAPANURI AT PAGKAKAROON NG KAMALAYANG PANLIPUNAN NG TAO?

16

Isang sining ang dula. Magiging malikhain at mapanuri ang isang tao kung mabibigyan siya ng pagkakataong makibahagi sa pagtatanghal nito, anoman ang maging papel niya, dahil bawat elemento nito ay dapat mabuo nang may kasiningan upang maging buhay na buhay at makatotohanan ang paksang inila-larawan na karaniway batay sa mga karanasan at pangyayari sa buhay ng mga tao

17

PAANO NAIIBA ANG


DULANG PANTANGHALAN SA MGA DULANG PANRADYO, PAMPELIKULA AT PANTELEBISYON?

18

Naiiba ang dulang pantanghalan sa mga dulang panradyo, pampelikula, at telebisyon sapagkat binubuo ito ng mga yugto na itinatanghal sa entablado at aktuwal na napapanood ng mga tao.
19

PAANO NAKATUTULONG ANG


PAGKAKAROON NG KAALAMAN AT KAKAYAHAN SA PAGGAMIT NG ANGKOP NA GRAMATIKA AT RETORIKA SA PAG-AARAL NG DULANG PANTANGHALAN?
20

Binubuo ng mga pangungusap ang bawat diyalogo sa isang dula na ipinahahayag ng mga tauhan, at sa bawat pangungusap ay dapat isaalang-alang ang wastong gamit ng mga salita, intonasyon at hinto at gamit ng mga bantas upang maipahayag ang mga ito nang may damdamin at maunawaan ng mga manonood.
21

PAANO SUMIBOL ANG IBAT


IBANG URI NG DULANG PANTANGHALAN SA PILIPINAS?

22

Ang dulang pantanghalang Pilipino ay maraming pinagdaanan bago nito narating ang ganap na pagiging makabago at masining na kaanyuan nito sa kasalukuyan. Nagkaroon ito ng ibat ibang transpormasyon ayon sa pagsulong ng panahon at pagtanggap ng ibat ibang impluwensiya mula sa mga dayuhang nakipag-ugnayan sa Pilipinas.
23

Das könnte Ihnen auch gefallen