Sie sind auf Seite 1von 7

WASTONG GAMIT NG

MALAKI AT MALIIT NA
TITIK

Tamang Paggamit ng Malaking Titik


1. SA UNAHAN NG TIYAK NA PANGNGALANG
PANTANGI

A. Pangalan ng Tao/ Dinaglat na pangalan ng Tao


Halimbawa: Maria, Luis, Benito, Alden, Karina/ D.L. Santos, R.S. Lopez
B. Pangalan ng Pook o Lugar
Halimbawa: Caloocan, Valenzuela, Luneta, Brgy. Pinaasa
C. Pangalan ng Araw
Halimbawa: Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes
D. Pangalan ng Buwan
Halimbawa: Enero, Hunyo, Setyembre, Disyembre
E. Pangalan ng Bagay
Halimbawa: lapis- Mongol sapatos- Adidas hayop (aso)- Bantay
F. Pangalan ng Pagdiriwang o Pangyayari
Halimbawa: Pasko, Araw ng Kalayaan, Semana Santa, Araw ng mga Puso

Tamang Paggamit ng Malaking Titik


2. MAGAGALANG NA KATAWAGAN KAPAG ITOY SINUSUNDAN NG PANGNGALANG
PANTANGI

Halimbawa:

Nilagdaan ng bagong Pangulong Duterte ang bagong batas.


Nagmisa ang kagalang- galang na si Obispo Pangan.
Si Ninong Jose Marie ay galante magbigay ng regalo tuwing Pasko.
Si Ingkong Sela ay masarap magluto.

3. PAGSULAT NG UNANG SALITA SA BATING PANIMULA AT BATING PANGWAKAS

Halimbawa:

- Mahal kong Inay,


- Ginoong. Sumalinog/ G. Delicana
- Bb. Parungao

- Laging Nagmamahal,
- Lubos na Sumasainyo,
- Ang Inyong Anak,

Tamang Paggamit ng Malaking Titik


4. SA PANGNGALANG PANTANGI NG MGA LUGAR, SAMAHAN, SIMBAHAN, DAANAN

Halimbawa:

Kamiy kumain sa Grand Hotel.


Ang La Liga Flipina ay malaki ang naitulong sa Pilipinas.
Sa Sto. Cristo Church kami magpupunta.
Sa Sitio Kagandahan kami nakatira.

5. SA PAGSULAT NG ARAW, BUWAN AT MGA PISTA NGUNIT HINDI NGALAN NG


PANAHON

Halimbawa:

- Taglamig ang buwan ng Disyembre.


- Sa Lunes ang kanyang magiging kaarawan.
- Sa Semana Santa kami pupunta sa Nobyembre.

Tamang Paggamit ng Malaking Titik


6. SA SIMULA NG BAWAT PANGUNGUSAP/ O UNANG LETRA SA BAWAT TALUDTOD
NG TULA Halimbawa:

- Sila ay mahuhusay na mag- aaral.


- Ang kaligayahan ay matatagpuan sa mga taong hindi ka iiwan at pababayaan.
Tula:
Sa aking pangarap, samahan mo ako
Maglakbay, tumuklas ng bagong talino:
Bumuo ng tulay sa kabilang ibayo,
Upang makarating sa daan ng pag- asenso.

* Ang pandamdam na O sa mga tula ay


isinusulat din sa malaking titik.

7. UNANG SALITA NG PANGUNGUSAP NA NASA LOOB NG PANIPI (

Halimbawa:

- Mag- aral kang mabuti., ang sabi ng guro.


- Hindi mali ang masaktan, minsan nagkakamali lang tayo ng minahal. ang sinagot ni
Irish kay Sean.

Tamang Paggamit ng Malaking Titik


8. SA MGA ARALING PAMPAARALAN NA HANGO SA PANGALANG PANTANGI.

Halimbawa:

- Akoy nag- aaral ng Filpino at Araling Panlipunan para sa pagsusulit bukas.


- Ang Sipnayan ang pinakapaborito kong asignatura.
9. SA MGA PAMAGAT NG AKDA, LIBRO O PALABAS MALIBAN NA LAMANG SA MGA
PANTUKOY, PANG- UKOL O PANGATNIG.

Halimbawa:

Lalapindigowa-I Kung Bakit Maliit ang Bewang ng Putakti. .


Ang Paglalakbay sa Kaharian ng Berbanya.
Going Bulilit
Eat Bulaga

Tamang Paggamit ng Malaking Titik


10. IBA PANG SALITANG GINAGAMITAN NG MALAKING TITIK

Halimbawa:

- Pilipinas
- Diyos (Panghalip)
- Pilipino/ pagka-Pilipino/ damit- Pilipino
10. GUMAGAMIT DIN NG PAGPAPALAKI NG MGA TITIK KAPAG MAY GUSTONG
BIGYANG- DIIN SA ISANG PANGUNGUSAP.

Halimbawa:

- Ang pakikipagtalastasan ay bahagi nang buhay ng tao. Nagpapahayag tayo ng mga


kaisipan at saloobin sa mga taong nakakasalamuha natin sa bawat araw at nagagawa
natin ito sa pamamagitan ng tinatawag nating WIKA. Ito ay kalipunan ng mga simbolo
o tunog na siang sinasalita ng tao.
11. GUMAGAMIT PA NITO KAPAG DINAGLAT ANG MAAARING PANGALAN NG ISANG
ORGANISASYON O KAGANAPAN.

Halimbawa: SONA, DILG, PAG- ASA, DENR

Das könnte Ihnen auch gefallen