Sie sind auf Seite 1von 42

PAG-UULAT

Relihiyon at Paniniwala ng mga Sinaunang


Egyptians
Ang Ugnayan ng Paniniwalang Panrelihiyon,
Kapaligirang Pisikal at Sistemang Politikal ng
Sinaunang Egypt

IKATLONG
PANGKAT

Relihiyon at
Paniniwala ng
mga Sinaunang
Egyptians

Ang mga sinaunang Egyptian


ay polytheistic gaya ng mga
tao sa Mesopotamia.
Polytheism paniniwala or pagsamba sa
maraming diyos at diyosa.
Higit-kumulang 3,000 na pangalan ng mga
diyos at diyosa ang nakalap sa mga sulating
Egyptian.

Halimbawa ng mga diyos at diyosa ng Egypt


ay sina Bes, ang diyos na nagpoprekta sa
mga buntis, bagong panganak na bata at
pamilya, Hathor , ang diyosa ng kaligayahan
at pagmamahal, Ra, ang diyos ng araw, at
marami pang iba.
Ang kanilang uri ng pagsamba , pagdakila at
pagpaparangal sa kanilang mga diyos at
diyosa ay ang PAGTATAYO NG MGA
TEMPLO.

Kanila ring pinaniniwalaan ang


kabilang buhay o after life
matapos mamatay ang isang
tao.na matapos mamatay
Kanilang pinaniniwalaan
ang isang tao, mapupunta ang kaluluwa nito
sa daigdig ng mga patay at maninirahan at
mamumuhay dito.
kaya naman nakabuo sila ng mabusisi at
detalyadong ritwal ng kamatayan at
paglibing.

Trivia: Kanilang
pinepreserba ang katawan
ng namatay na tao upang
magamit ito sa kabilang
buhay. Ayon sa kanilang
paniniwala, ito lamang ang
tanging paraan para
magkaroon ng afterlife ang
isang namatay na tao.

Ka ito ang kaluluwa o espiritu ng


tao na hindi namamatay kahit sa
kabilang buhay na ayon sa
pinaniniwalaan ng mga Egyptians.
- Ito ang humihiwalay sa
katawang-tao matapos , mawalan
ng buhay ang tao.

Ang ka
Nagsisilbing PERSONALIDAD ng
bawat indibidwal na humihiwalay sa
katawan ng tao
Ito ang magsasagawa sa
paglalakbay patungo sa mundo ng
mga patay.

Pinaniniwalaang matapos mamatay ang


tao at ang ka nito ay napunta na sa
mundo ng mga patay, sumasailalim
ito sa paghuhusga sa paraan ng
pagtimbang ng kanyang puso ni
Osiris, ang hari ng mga patay at hukom
ng mga kaluluwang nais na pumasok sa
kabilang buhay. Kasama naman sa
pagtitimbang ng puso si Anubis, ang
diyos ng mummification o embalming at
ang tagapangalaga ng sementeryo.

Ano nga ba ang Mummification o


Embalming?
Ito ang ginagawa ng mga tao upang
maipresreba ang mga namamatay
na tao upang makapunta ito sa
afterlife.
Trivia: Hindi lahat ng mga Egyptians
noon na namamatay ay naisasalang o
nagagawa ang mummification sa kanila
dahil ang mga mayayaman lang ang
may kayang bayaran ito sapagkat mahal
ang gawaing ito.

Ang PARAAN NG PAGTITIMBANG NG


PUSO NG MGA KA na isinasagawa
ni Osiris ay ang paggamit ng
isang eskala o timbangan
laban sa bigat ng pakpak ng
katotohanan o ang tinatawag na
Feather of Truth.

Feather of Truth ito ang ginagamit sa


kabilang bahagi ng eskala o timbangan dahil
ang puso ng namatay na tao ay nakalagay sa
isang pang bahagi ng escala. Pinaniniwalaan
na kapag ang puso ay mas magaan kaysa sa
Feather of truth, ang kaluluwa nito ay labis na
makakaranas ng lubos na kaligayahan at
mapupunta sa afterlife. Kapag naman mas
mabigat ang puso kaysa sa Feather o Truth,
sumisimbolo na ikaw ay may higit na
maraming kasalanan at dito ay papakain ang
iyong puso sa Devourer of Souls, isang
malupit na hayop na hugis-buwaya.

Devourer of Souls

Kanilang pinaniniwalaan na
ang ka ay walang sawang
naglalakbay sa kabilang
daigdig ng namatay sa langit
kung saan naninirahan ang
mga diyos. At dahil dito,
pinapahalagan ng mga
Egyptians ang isang katawan
ng tao matapos mamatay
sa dahilang hindi
magpapatuloy ang walang

Mummification
- Ang proseso ng pagpapanatiling
buo at hindi naaagnas ang
bangkay ng namatay na tao o
hayop sa pamamagitan ng pageembalsamo. Tinatawag na
mummy ang naipreserbang
katawan na hindi naagnas
matapos ang embalming at
naganap na chemical process o
natural circumstances.

Mummification
- Pangunahing salik sa kanilang
imbensiyon
-Tanging ang mga nakakaangat sa
buhay o ang mga Egyptian na
mayayaman ang nakapagsasagawa ng
komplikadong proseso ng
mummification.

PROSESO NG
MUMMIFICATION

1. Pag-alis ng ibat ibang lamang loob


(internal organs) tulad ng utak, atay,
at iba pang bahagi ng katawan
maliban sa puso. Pagakatapos ay
ilalagay ito sa bangang yari sa
luwad o clay na tinatawag na
canopic jars.
*Pinaniniwalaan na hindi dapat
tanggalin ang puso sa proseso ng
mummification dahil ito ay gagamitin sa
pagtitimbang na isinasagawa ni Osiris
sa afterlife.

2. Paglalagay ng ibat ibang mga


materyales sa loob ng katawan
upang mapanatili nito ang
kanyang hugis.
3. Pagpapahid ng espesyal na uri
ng asin na tinatawag na natron, na
ginagamit
sa pagpapatuyo ng
katawan.

4. Pagbabalot ng buong
katawan ng telang linen
matapos ang matagal-tagal na
panahong pagpapatuyo ng
bangkay.

5. Pagpipinta ng mahusay na
pintor sa labas ng balot ng mummy
o sa ipinasadyang maskara ng mga
katangian o pagkakakilanlan ng
namatay upang makilala ng ka ang
kanyang katawan.
6. Paglalagay ng bangkay sa
nadekorasyong kabaong o ataul na
yari sa kahoy sa loob ng puntod.

MGA KAGAMITAN
NA GINAMIT SA
PAGLILIBING NG
MGA EGYPTIANS

Canopic jars

Trivia: Ang Apat na banga:


Imsety mayroong ulo ng tao at
nagpoprotekta ng atay o liver.
Qebehsenuf mayroong ulo ng isang ibon
nakilala bilang falcon at nagpoprotekta ng
bituka o intestines.
Hapy mayroong ulo ng baboon, isang uri ng
unggoy, at pinoprotektahan ang baga o ang
lungs.
Duamatefmayroong ulo ng jackal,isang uri ng
aso, at pinoprotektahan ang tiyan o stomach.
Nagkaroon ng espesyal na disenyo ang mga
canopic jars at galling ito sa 4 na anak ni
Horus, ang diyos ng langit o ang God of the
Sky.

Burial Mask

Mga Bahagi ng
Pyramid

Kabaong ng mga
Sinaunang Egyptian

Bagamat ang ka ay espiritu o


kaluluwa lamang at walang buhay na
pisikal ngunit pinaniniwalaan ng mga
Egyptian na ang buhay sa kabilang
daigdig ay tulad din ng buhay sa
mundo.
Kaya naman kapag inililibing ang
bangkay, isinasama ang lahat ng
kanilang pangangailangan para sa
buhay na walang hanggan.

Halimbawa nito ang mga natagpuang mga


ginto, mamahaling bato at shawabtis sa
mga libingan ng pharaoh sa mga Pyramid.

Shawabtisfigurine na kumakatawan
sa mga tagapaglingkod o alila na maaaring
kailanganin ng namatay o ng mga manggagawa
na ipadadala bilang kanyang kapalit kung siya
ay hinihiling magkaloob ng sapilitang paggawa
sa kabilang buhay

Trivia:Tinatawag din
ang Shawabtis na
SHABTIS o
USHEBTIS. Ang
figurine ay gawa sa
bato o kahoy.

Nakasalalay din ang yaman ng


isang tao ayon sa uri ng kanyang
libingan.
Ang mga simpleng hukay o maliit na mudbrick
chamber ang kadalsang libingan ng mga
pangkaraniwan na mamamayan

Ang mga higit na malalaki na libingan na


pinupuno ng mga larawan o inskripsyon sa mga
dinding ay para naman sa mga nakakaangat sa
lipunan.
Ang mga Pyramid naman ang nagsilbing lugar na
libingan ng mga pharaohs.

ANG UGNAYAN NG
PANINIWALANG
PANRELIHIYON,
KAPALIGIRANG PISIKAL,
AT SISTEMANG POLITIKAL
NG SINAUNANG

EGYPT

Karamihan ng mga impormasyon


tungkol sa relihiyon ng sinaunang
Egypt ay nagmula sa mga inskripsiyon
sa mga monument at wall paintings sa
mga libingan o tombs ng mga namatay.
Naniniwala ang mga Egyptian na
kontrolado ng mga diyos ang lahat ng
mga pangyayaring nagaganap sa
kalikasan. At dahil dito, lubos na
kinatatakutan at iginagalang nila
ang mga diyos dahil nakadepende sa
kanila ang pagkain, pamumuhay at
kaligtasan sa natural na siklo ng
pagbaha ng Ilog Nile.

Inilarawan din sa mga inskripsiyon ang


pag-apela ng mga taga-sinaunang
Egypt sa mga divine forces na
kanilang pinaniniwalang naghahari sa
mundo at sa kabilang buhay.
Kapansin-pansin ang pagkakaugnay ng
heograpiyang pisikal, sistemang
politikal, at sistemang panrelihiyon ng
mga sinaunang Egyptian lalo na ang
may kauganayan sa kanilang
sinasambang mga diyos.

Nangunguna sa mga sinasambang


diyos ng mga Egyptian ang mga
puwersa ng kalikasan na may
malaking epekto sa kanilang
kapaligirang pisikal at pamumuhay.
Napakalaki ng pagpapahalaga sa
diyos ng araw na si Ra/Re ng
matandang kaharian dahilang Egypt ay
halos buong taon nasisikatan ng araw at
si Amon naman na kinilala naman bilang
diyos ng kalangitan.
Paniniwalang Panrelihiyon

Sila ay pinagugnay noong gitnang


kaharian. Kalaunan, sila ay pinagsama
dahil sa pagkakatulad ng kanilang
kapangyarihan at ginawa bilang
isang diyos na nagngangalang
Amon-Ra
Amon-Ra kinilalang pinakamataas,
pinakamakapangyarihan, at
pinakamahalagang diyos ng mga
sinaunang Egyptian.
Paniniwalang
Panrelihiyon

Naiugnay din ng mga sinaunag


Egyptian ang mga salik
heograpikal sa mga
pinakamahalaga at
pinakamakapangyarihang diyos.
Itinuring nila si Ra diyos ng araw,
bilang tagapaglikha ng lahat ng
buhay o creator of life kasama
ang mga tao at pananim tulad ng
barley, emmer at flax, at ang mga
isda, ibon, at iba pang hayop. Siya
rin ang nag-uutos sa kalangitan,
mundo, at kabilang Kapaligirang
buhay(under
world).
pisikal/heograpikal

Si Amon, diyos ng kalangitan, naman ay


may kapangyarihang humuhubog ng
sa buhay ng mga Egyptian-ang
kakayahang magpabaha sa Ilog Nile
at magpaihip sa hanging nagmumula
sa hilaga.
Nagbigay-daan ang pagsasama ng
katangian at kapangyarihan ng diyos
na si Ra at Amon kay Amon-Ra upang
tuluyan na makontrol nito ang lahat
Kapaligirang
ng mga salik heograpikal
at bagay
pisikal/heograpikal

Kinilala rin si Amon-Ra bilang Ama ng


mga Pharaoh na may control sa mga
puwersa ng kalikasan at kapaligirang pisikal
na mahalaga sa mga sinaunang Egyptian.
Siya ang nagbigay karapatan at
kapangyarihan sa pharaoh na
namumuno bilang diyos at hari.

Sa pagiging god-king o divineking ng pharaoh, ang


kapangyarihan ni Amon-Ra ay
nasa kanya na rin gaya ng mga
pagkontrol sa puwersa ng kalikasan
at kapaligirang tulad ng pagsikat ng
araw, pag-ihip ng hangin, pagbaha
ng
Sistemang
Politikal
Ilog Nile, at pagtubo ng mga pananim

Kinilala din ang pharaoh bilang katawangtao o reincarnation ng falcon god, skygod at unang hari ng Egypt na si Horus.
Kaisa naman ng Hari ng Underworld at
Hukom ng mga Patay na si Osiris kapag
namatay at nupunta ang kaluluwa ng
pharaoh sa kabilang daigdig. * Guyundin sa
reyna na inuugnay sa diyosa na si Isis, ang
asawa ni Osiris, na diyosa ng kalikasan at
tagapagtanggol ng kababaihan.
Isis protector ng kababaihan at
tagapagtuo nito sa mg kababaihan ng ibat
ibang gawain gaya ng pagdurog ng mais,
paghabi ng tela gamit ang flax, pagtatahi
ng mga damit at pag-aalaga ng mga anak.

Gaya ng mga pari, ang mga pharaoh ang


tagapamagitan ng mga tao at mga diyos, at sa
pagitan ng tao at kalikasan.
Ipinagkaloob ang natatanging kapangyarihan ng mga
diyos sa sa pharaoh ang kakayahang mapanatili ang
maat.
Maat ang banal na kaayusan ng sanlibutan na
nilikha at itinakda mismo ng mga diyos
Kinakailangan ang mga pharaoh sapagkat maaring
magdulot ng masama at kahirapan sa mga tao ang
mga puwersa ng kalikasan at umiral ang kaguluhan,
kagutuman at anarkiya sa lipunan.

Ang mga diyos ng mga Egyptians


ay maaring isang ordinaryong tao
o semihuman.
Kapag semihuman, ang anyo ng isang diyos
ay pinaghalong katawan ng tao at hayop o;
Puwersa ng kalikasan tulad ng araw at buwan
na kanilang sinisimbulo.
Kabilang sa mga hayop ang hawk, falcon,
jackal, baka, ahas, bubuyog at buwaya.

Sa kabuoan, kung susuriin


ang mga diyos na kanilang
sinasamba, sumasailalim ito
sa matibay na ugnayan ng
kapaligirang pisikal,
sistemang political, at
paniniwalang panrelihiyon
ng mga sinaunang Egyptian
sa mundo at sanlibutan sa
pangkasalukuyan at sa
kabilang buhay o
underworld.

Das könnte Ihnen auch gefallen