Beruflich Dokumente
Kultur Dokumente
Impormal na Sektor
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Panimula
Ang pambansang kaunlaran ay makakamit
lamang kung ang lahat ng bumubuo sa sektor
ng ekonomiya at ang pamahalaan ay
magtutulungan. May bahaging ginagampanan
ng mga sektor ng agrikultura, industriya at
paglilingkod upang makamit ang pambansang
kaunlaran. Subalit, hindi masasabing kumpleto
ang pag-aaral ng ekonomiya kung hindi natin
maibibilang ang pagsusuri ng impormal na
sektor sapagkat maraming mga mamamayan
ang kabilang dito.
Impormal na Sektor
Ito ang sektor ng ekonomiya na salat o
walang pormal na dokumentong kailangan
sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-
ekonomiya.
Ang kita ng impormal na sektor ay HINDI
naisasama sa kabuuang Gross Domestic
Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na
ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito
ay nasa 30%.
Katangian ng Impormal na Sektor
Hindi nakarehistro sa pamahalaan;
Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita;
Hindi nakapaloob sa legal at pormal na
balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa
pagnenegosyo.
Impormal na sektor
Ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan
upang magkaroon ng kabuhayan o dagdag na kita sa
tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Ang
kawalan ng sapat na hanapbuhay at ang kahirapan ang
siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng
sitwasyon.
Ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global
phenomenon. Gayumpaman, hindi maikakaila ang
kontribusyon nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa,
partikular na sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa
mga mamamayan.
Ibat ibang Anyo ng Impormal na Sektor
Gawaing maaring
isakatuparan sa loob
lamang ng tahanan