Sie sind auf Seite 1von 113

HEOGRAPIYA

NG
DAIGDIG
TOUR AROUND THE WORLD
Thailand Africa Taiwan Washington
Oman Rome Hawaii Orlando
United Oman England Russia
Kingdom UAE London
New York Dallas
Russia
Denmark
GAWAIN 2: GRAFFITI WALL 1
Isulat sa Graffiti Wall 1 ang iyong sariling ideya
tungkol sa tanong sa ibaba. Masasagot ito sa anyo
ng pangungusap o guhit.
Nagmula ang salitang heograpiya sa
wikang Greek na geo o daigdig at
graphia o paglalarawan.

Samakatuwid, ang Heograpiya ay


tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral
ng katangiang pisikal ng daigdig.
GAWAIN 3: TUKOY TEMA - APLIKASYON
ANG KATANGIANG
PISIKAL NG DAIGDIG
Nasaan ang planetang daigdig sa
solar system?
Ano ang iyong masasabi sa posisyon
ng daigdig sa solar system?
Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa isang
malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar
system ang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig
halaman, hayop, at tao ay kumukuha ng enerhiya mula sa
araw.
Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran mula sa
hangin, alon, ulan, klima, at panahon ay naaapektuhan ng
araw.Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman
upang mabuhay at maganap ang photosynthesis.
Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng
oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon
ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na
posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa
sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon.
LONGITUDE AT LATITUDE
Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar
sa globo o mapa, mahalagang mabatid ang
ilang termino at konseptong may malaking
kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng
pagbibigay ng longitude at latitude ng isang
lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito sa
globo o mapa sa paraang absolute,
astronomical, o tiyak.
GAWAIN 4
KKK Geocard
completion
GAWAIN 4: KKK GEOCARD COMPLETION
Panuto: Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na
format. Kumpletuhin ang KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan)
GeoCard na may kaugnayan sa katangiang pisikal ng daigdig. Isulat
sa unang bahagi ng KKK GeoCard ang kataga na nasa loob ng
kahon. Sa ikalawang bahagi, isulat ang kahulugan ng nakatalang
salita. Sa ikatlong bahagi, itala ang kabuluhan ng naturang kataga sa
pamamagitan ng pagsagot sa tanong na:
KLIMA
Ang daigdig ang tanging
planeta sa solar system na
kayang makapagpanatili
ng buhay.

Ang malaking bahagi ng


ating planeta ay may
kaaya-ayang atmospera
at sapat na sinag ng
araw, init at tubig upang
matustusan ang
pangangailangan ng
mga halaman at hayop
sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel
ng klima, ang kalagayan o
kondisyon ng atmospera sa
isang rehiyon o lugar sa
matagal na panahon.
Pangunahing salik sa
pagkakaiba - iba ng mga
klima sa daigdig ang
natatanggap na sinag ng
araw ng isang lugar
depende sa latitude at
gayon din sa panahon,
distansiya mula sa
karagatan, at taas mula sa
sea level.
GAWAIN 5
DITO SA AMIN
GAWAIN 5: DITO SA AMIN
Suriing mabuti ang kasunod na
diyagram. Tukuyin ang lugar na
inilalarawan sa mapa.

Kumpletuhin ang pahayag sa call out.


Magsaliksik ng impormasyon tungkol
sa klima at yamang likas ng lugar na
kinaroroonan ng diyagram.

Buuin ang pangungusap sa ilalim na


bahagi ng diyagram.
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang klima?
2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa ibat ibang panig ng
daigdig?
3. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na
matatagpuan sa lugar?
4. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa
isang lugar?
5. Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at
likas na yaman sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula
noon hanggang ngayon?
ANG MGA
KONTINENTE
Tinatawag na kontinente ang
pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw
ng daigdig.

May mga kontinenteng magkakaugnay


samantalang ang iba ay napapalibutan ng
katubigan.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental
Drift Theory, dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang
super kontinente na Pangaea.

Dahil sa paggalaw ng
continental plate o
malaking bloke ng
bato kung saan
nakapatong ang
kalupaan, nagkahiwa-
hiwalay ang Pangaea
at nabuo ang
kasalukuyang mga
kontinente.
The Seven Continents of the World
Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok
at 75% sa mga ito ay nasa Pacific Ring of Fire.
Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire na pumutok at
nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong nagdulot
ng (92,000 ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36,000 ang
namatay); at Mt. Pelee noong 1902 (30,000 ang namatay).

Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala ng


malalakas na lindol ang China noong 1556 (830,000 ang
namatay) at 1976 (242,000 ang namatay); Japan noong 1923
(143,000 ang namatay); Sumatra noong 2004 (227,898 ang
namatay); at Haiti noong 2010 (222,570 ang namatay).
GAWAIN 6
Three words
in one
GAWAIN 6: THREE WORDS IN ONE

Saang kontinente matatagpuan ang mga


pook/ hayop na tinutukoy sa bawat bilang?
Isulat ang sagot sa kahon.
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan
sa bawat kontinente?

2. Sa anong aspekto nagkakatulad o


nagkakaiba ang mga kontinente?

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga


paglalarawan tungkol sa mga kontinente ng
daigdig?bansa?
The Seven Continents of the World
MGA ANYONG LUPA AT
ANYONG TUBIG
Tinatawag na topograpiya ang
pisikal na katangian ng isang lugar o
rehiyon.Sa pagdaan ng panahon, ang
mga tao ay natutong makiangkop sa
kanilang kapaligiran.
Mga halimbawa ng mga
kilalang Anyong Lupa at
Anyong Tubig
Mt. Everest

Ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na


may taas na 8,838 metro. Ito ay matatagpuan sa
Himalayas sa kanlurang bahagi ng Asya.
Himalayas

Ang pinakamataas at mahabang hanay ng bundok sa


buong mundo na may habang na 2,414 Kilometro . Ito
ay matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng Asya.
Mt. Pinatubo

Ito ay matatagpuan sa Pilipinas. Ang huling malakas na


pagsabog nito ay noong 1991 at naapektuhan nito ang
temperatura ng buong daigdig.
Tibetan Plateau

Ito ang pinakamataas na talampas sa buong mundo. Ito


ay may taas na 4,500 metro at tinaguriang roof of the
world
Sahara Desert

Ito ang pinakamalawak na disyerto sa buong mundo.


Ito ay may lawak na 9,400,000 kilometro kwadrado.
Nile River

Ito ang pinakamahabang ilog sa buong mundo. Ito ay


may haba na 8,653 Kilometro. Ito ay matatagpuan sa
kontinente ng Africa.
Lake Baikal

Ito ang pinakamalalim na lawa sa buong mundo. Ito ay


may lalim na 744 metro. Ito ay matatagpuan sa
bansang Russia.
Pacific Ocean

Ito ang pinakamalawak na karagatan sa buong mundo.


Ito ay may lawak na 165,250,000 kilometro kwadrado.
Gawain
Alamin kung saan matatagpuan ang mga anyong lupa at anyong
tubig sa daigdig.
Isulat sa patlang kung saang kontinente ito matatagpuan.

Madagascar __________ Nile River __________


Mt. Everest __________ Amazon River__________
Mt. Kilamanjaro __________ Yangtze River__________
Himalayas Mountain Range _______ South China Sea_______
Andes Mountain Range __________ Mediterranean Sea__________
Appalachian Mountain Range ______ Caribbean Sea______
Tibetan Plateau __________ Bering Sea__________
Scandinavian Peninsula __________ Arabian Sea__________
Arabian Peninsula __________ Persian Gulf__________
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang
kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog.
Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa
Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay
lamang ng maliit napopulasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas
na bundok sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest
(29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa, pinakamataas ang
Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang Elbrus
sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro).
Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang
kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong
2000 lamang itinakda ng International Hydrographic
Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot
sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60
degree S latitude.

Tingnan ang
Talahanayan 1.5
para sa ang ilang
katangian ng mga
karagatan sa
daigdig.
Matatagpuan sa mga karagatan
ang ilang pinakamalalim na bahagi ng
daigdig, pangunahin sa talaan ang
Challenger Deep sa Mariana Trench na
nasa kanlurang bahagi ng Pacific
Ocean. Iba pang malalim na trench
Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean,
Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia
Basin sa Arctic Ocean.
Marami pang dagat na
matatagpuan sa daigdig na kadalasang
bahagyang napaliligiran ng mga lupain.
Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang
South China Sea, Caribbean Sea, at
Mediterranean Sea.
GAWAIN 7
Illustrated world
map
GAWAIN 8:
ILLUSTRATED WORLD MAP
Punan ang mapa ng mga
natatanging anyong lupa at tubig ng
daigdig na nasa loob ng kahon.
Gamitin ang sumusunod na simbolo:
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang halimbawa ng mga anyong lupa at
tubig na makikita sa mapa?

2. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa


anyong lupa o tubig na kanilang pinaninirahan?

3. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at


tubig sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao?
GAWAIN 9
The map dictates
GAWAIN 8: THE MAP DICTATES

Panuto: Gamit ang kasunod na mapa, kumpletuhin


ang datos tungkol sa heograpiya ng daigdig batay sa
hinihingi ng sumusunod na mga pangungusap.
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa daigdig bilang
isang planeta?
2. May epekto ba ang kalagayang pisikal ng
daigdig sa mga organismo at tao? Bakit mo ito
nasabi?
3. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman
tungkol sa ating kapaligiran at sa heograpiya ng
daigdig sa pangkalahatan?
PAKSA

HEOGRAPIYANG
PANTAO
wika
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay
ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang
pangkat. May 7,105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit
6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na
language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-
ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang
mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga -sanga sa iba pang wikang
ginagamit sa ibat ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan
1.6 ang ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig.
relihiyon
Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang
kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang
pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang
makapangyarihang nilalang o Diyos.

Nagmula ito sa salitang religare na


nangangahulugang buuin ang mga bahagi para
maging magkakaugnay ang kabuuan nito. Dahil sa
mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang
relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao
sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga
paniniwala na nagsisilbing - gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit
hindi ito katulad ng mga relihiyon sa kasalukuyan na may organisado
at sistematikong mga doktrina. Sa kasaysayan ng daigdig, naging
malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao,
bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking salik
ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng
maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga
kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng
buhay ng tao ang relihiyon.
LAHI /
PANGKAT - ETNIKO
Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa
maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga
naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa
pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang pisikal
o bayolohikal na katangian ng pangkat. Maraming eksperto ang
bumuo ng ibat ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit
marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat
maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon..
Sa kabilang banda, ang salitang etniko ay nagmula sa
salitang Greek na ethnos na nangangahulugang mamamayan. Ang
mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad
na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman sinasabing
maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano
ang pagkakaiba nito sa pisikal na heograpiya?
2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao?
Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang
pantao?
4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa
pagkakakilanlan ngindibiduwal o isang pangkat ng
tao?
5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang
pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig?
GAWAIN 10
CROSSWORD PUZZLE
GAWAIN 9: CROSSWORD PUZZLE
Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang
pantao sa pamamagitan ng pagtukoy sa
inilalarawan ng bawat bilang.
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba
nito sa pisikal na heograpiya?

2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat


isa.

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?

4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan


ngindibiduwal o isang pangkat ng tao?

5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa


ng mga tao sa daigdig?
UNAWAIN
GAWAIN 10

MY TRAVEL
REENACTMENT
GAWAIN 10: MY TRAVEL REENACTMENT
Bumuo ng limang pangkat at sundin ang sumusunod na mga hakbang:

1. Makibahagi sa talakayan ng iyong pangkat tungkol sa hindi


malilimutang paglalakbay sa isang lugar.
2. Pumili ng isang katangi-tanging kuwento ng paglalakbay.
3. Bumuo ng isang pangkatang kuwento.
4. Tiyaking nakapaloob sa kuwento ang mahahalagang konsepto o
kaalamang tinalakay tungkol sa pisikal na heograpiya ng daigdig.
5. Pagkatapos, isadula ang kuwento ng paglalakbay habang
isinasalaysay ito
6. Maaaring gumamit ang pangkat ng improvised props at kasuotan.
7. Isaalang-alang sa pagmamarka ng gawaing ito ang sumusunod na
rubric:
PAMPROSESONG TANONG
1. Tungkol saan ang ipinakitang dula ng iyong pangkat?

2. Anong konsepto ang maiuugnay sa binasang kuwento at isinagawang


dula?

3. Paano pinatunayan sa dula ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya at


pamumuhay ng tao?

4. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na


katangian ng daigdig?

5. Anong linya o pahayag sa kuwento ang nakapukaw sa iyong interes?


Bakit naging interesante ito para sa iyo?
GAWAIN 11
MY TRAVEL
REENACTMENT
GAWAIN 10: MY TRAVEL REENACTMENT
Bumuo ng anim na pangkat at talakayin ang heograpiyang
pantao ng bansang inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto
para sa gawaing ito.
1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan.
2. Sulatan ang kasuotan ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga
simbolo at bagay na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng
bansang pinili ng iyong pangkat.
3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang
nabuong kasuotan.
4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show.
5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa
disenyo ng kasuotang suot ng kapangkat.
6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang
gawaing ito batay sa ibinigay na rubric.
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na
makikita sa kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa?
2. Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa
bansang pinili ng iyong kapangkat?
3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa
napiling bansa batay sa gawain?
4. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga
bansa?
5. Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao?
ARALING PANLIPUNAN
http://www.ap4hs.blogspot.com
E-mail: jonathanmhusain@gmail.com

Das könnte Ihnen auch gefallen