Sie sind auf Seite 1von 35

Yunit IV Layunin

Aralin 17 Naisasakilos ang isang


Kabayanihan sa Panahon ng napakinggang awit
Kalamidad Nasasagot ang bakit at paano
Naibibigay ang kahulugan ng
mga salita sa pamamagitan ng pormal
Maria Ruby De Vera Cas na depinisyon
Pasong Buaya II E/S
Imus City, Cavite
Mahahalagang Tanong
Ano-ano ang dapat nating gawin
upang maging bayani sa panahon ng
kalamidad?
Kailan katotohanan ang isang
pahayag? Kailan ito nagiging opinion?
Pagbabaybay

1. tinangay 6. siyudad
2. hupa 7. alulod
3. kapilya 8. nagtampisaw
4. hinehele 9. interesado
5. palasyo 10. namamangha
Tuklasin Mo
A. Maraming-maraming bahay? Sino? Bakit kaya? Alamin sa
pamamagitan ng pakikinig ng isang kuwentong babasahin sa inyo.
Kilalanin muna ang ilan sa mg salitang ginamit dito. Gamitin ang
diksiyonaryo upang maibigay ang hinihingi ng talahanayan. Isagawa ito
sa iyong kuwaderno.

Salita Anong bahagi ito Pantigin ito. Ano ang Iguhit ang
ng pananalita? kahulugan nito? salitang ito.
baha
hupa
tinangay
Tuklasin Mo

Ano ang ibig sabihin ng


baha? Hupa? Tinangay?

Gamitin ang mga salita sa


pangungusap.
Pagganyak

Awit: Ang Ulan ay Pumapatak

Ano ang mangyayari kung


patuloy na uulan sa isang
lugar?
Pagganyak na Tanong

Bakit maraming bahay ang


bida ng ating kuwento?
Gawin Natin
Ano-ano ang gusto mong
malaman sa kuwento?
KAPAG MAGSISIMULA NA akong magkuwento tungkol sa
aming mga bahay, hihinto sa paglalaro sina Lara, Ningning,
Kekek, at Tim-Tim.
Uupo sila sa aking harapan at makikinig sa aking
kuwento. Kapag ipinakikita ko na ang aming mga bahay,
nanlalaki ang kanilang mga mata. Di sila makapaniwala.

Maraming-marami kaming bahay, Kahit pa pagsama-


samahin ang lahat ng bahay ng sinumang mayayaman,
walang tatatlo sa dami ng aming bahay.
Panahon pa ng Kastila itinayo ang aming unang
bahay. Namamangha ang mg taong dumaraan dito. Parang
nababalot ito ng hiwaga.
Buo pa rin ang mga kapis nitong bintana. May
bubong itong sintaas ng kapilya. Gustong kong
maupo sa hagdanan nitong kahoy, para akong
bumabalik sa lumang panahon, una kong
kuwento.

Sana magkaroon kami ng ganyang


bahay, sabi ni Lara.
Nasa gitna ng kagubatan ang pangalawa naming bahay. Kahit
sa malayo, kitang-kita itong parang puting palasyo. Sa loob,
makikita ang malaking hagdanang pabilog, patungo sa ituktok.
Malalaki ang bintana nitong salamin. Gustong-gusto kong
pumunta sa ituktok nito, tanaw ko ang malawak na kagubatan,
sunod kong kuwento.
Yan ang pangarap kong bahay! singit ni Ningning.
Nasa ituktok naman ng bundok ang sunod naming bahay.
Maraming tao ang namamangha kung paanong naitayo ito sa ituktok ng
bundok. Gawa ito sa bato kaya di ito kayang tangayin ng bagyo. Sa
pagtulog, hinehele pa ako ng huni ng mga ibon, sunod kong kuwento.
Naku! Magkakaroon sana kami ng bahay sa ituktok
ng bundok para di na kami bahain, sabat ni Kekek.
Mayroon din kaming bahay na
nakaharap sa dagat. Ito ang bahay naming may
pinakamaraming kuwarto. May sarili akong
kuwarto. May kuwarto para sa aking mga
damit, sapatos, at laruan. May sariling kuwarto
ang aking mga magulang at si Yeye. May
kuwarto para sa aming mga bisita,
ipinagmalaki ko sa kanila.

Gusto ko ring magkaroon ng sariling kuwarto.


Ang sikip kasi ng tulugan namin, sabi naman Tim-Tim.
May bahay rin kaming kasama ng iba
pang bahay ng mayayaman. Kahit nasa siyudad,
tahimik pa rin ito. May pader itong mataas.

May guwardiyang laging nakabantay. Pero mga


kilalang tao lang ang nakapapasok dito. Kapag mainit ang
panahon, may swimming pool na puwedeng paglanguyan,
painggit ko. May bahay raw palang may swimming pool pa.
Pangarap nilang lahat na makapunta sa aming mga bahay.
Marami pa akong kuwento tungkol sa iba pa naming bahay.
May bahay-kubo kaming napalilibutan ng malawak na lupain, punong-kahoy,
gulayan, at pastulan ng mga hayop. May duyan akong itinali sa punong mangga. May
pahingahan kaming kubo na nasa itaas ng punong akasya. May bahay kaming nasa
mataas na bilding na abot-langit. Kompleto ito ng mga gamit. Kapag nandito ako, parang
bahay-bahayan na lang ang mga bahay sa ibaba. Isang dangkal na lang ang mga gusali,
tulay, at dagat. Parang naglalakad na langgam ang mga tao sa liit. Sa sobrang taas ng
aming bahay, parang palito ng posporo ang mga poste ng koryente.
May bahay rin kami sa lugar na laging malamig. Napalilibutan ito ng mga
bulaklak at matandang puno ng pino. Kapag mainit sa iba naming bahay, dito
kami pumupunta. Gustong-gusto ko itong bahay namin dahil parang laging Pasko.
Lagi akong nakasuot ng pangginaw.
Ako natalaga ang batang may pinakamaraming bahay!
Di nagsagawa sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-tim sa aking mga kuwento.
Sabik na sabik lagi sila sa mga bagong dagdag na bahay sa aking kuwento. Sa bawat
araw, pinipilit kong madagdagan ang aming bahay para may bago akong kuwento sa
kanila.
Sana, maisama ko sila sa aming bahay.
Isang hapon, umulan nang malakas. Tuwang-tuwa ako.
Maya-maya , narinig ko na ang
tawag nina Lara, Ningning, Kekek, at
Tim-tim.
Koko! Koko! Halika na, ligo tayo sa ulan! aya nila sa akin. Naligo kami sa
ulan. Tumapat sa alulod ng mga bahay. Nagtampisaw sa biglang luminis sa kanal.
Masaya kaming magkakaibigan.
Walang tigil ang ulan. Umuulan ng matulog ako, at nang magising ako,
umuulan pa rin.
Nag-alala sina Nanay at Tatay, pati si Yeye na kahapon lang ay tuwang-tuwa sa
maliit na ilog sa loob ng aming bahay.
Biglang tumaas ang tubig sa loob ng bahay. Natakot kaming lahat!
Mang Ruben! Aling Nene! Sumama na kayo sa basketball court! Mas ligtas tayo
roon! aya ng aming kapit-bahay.
Sa pagmamadali nina Tatay at Nanay, wala kaming nadalang gamit. Agad kaming
pumunta sa basketball
court bago pa lumubog sa tubig ang bahay
namin.
Butit walang nangyaring masama sa atin, sabi ni Tatay.
Pano na ang ating bahay?pag-aalala ni Nanay.
Kuya, giniginaw ako, bulong ni Yeye sa akin.
Naawa ako kay Yeye. Niyakap ko siya ng mahigpit.
Maraming pamilya sa basketball court. Buti na lang, may nagpahiram
sa amin ng damit, kumot, at banig. May nagbigay ng mainit na noodles,
tinapay at kape. Ilang araw rin kaming tumira sa basketball court.
Paano na ang aming bahay? Saan na kami titira? sunod-sunod kong
tanong.
Paghupa ng baha, bumalik kami sa aming bahay pero wala na kaming nadatnan.
Puwede pala kaming mawalan ng bahay?
Nag-iiyak si Nanay.
Tinangay ng baha ang aming bahay pati ang mga bahay na ginupit at idinikit ko
sa aking notbuk.
Makakagawa uli tayo ng bago nating
bahay, sabi ni Tatay.
Nakita ko uli ang kasipagan ni Tatay. Wala siyang tigil sa pangangariton. Lahat
ng puwedeng gawing bubong, dingding, sahig, at bintana ng aming bahay, pinupulot
niya-karton, tabla, kahoy, yero, sirang gulong, pako, at alambre.
Nagtulong sina Tatay at Nanay, pati kami ni Yeye sa paggawa ng aming bahay. Si
Nanay ang taga-hawak. Si Tatay ang taga-pukpok. Kami naman ni Yeye ang taga-abot ng
kahoy.
Unti-unti, nagkaroon ng bubong, dingding, sahig, bintana at pinto ang aming
bahay.
Isang araw nang umuwi si Tatay, nakita ko uli ang tambak na diyaryo at
makukulay na magasin sa kanyang kariton.
Gusto ko sanang buklatin uli ang mga ito para gupitin ang magagandang
bahay na aking nakikita. Gusto ko uling magdikit ng mga bahay sa aking bagong
biling notbuk.
Gusto kong magkuwento uli kina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-Tim ng tungkol
sa aming mga bahay. Gusto ko uling maging batang may pinakamaraming bahay.
Pero may mas mahalagang dapat gawin kaysa naiisip ko. Kailangan akong
tumulong kina Tatay at Nanay. Kailangan kong alagaan at pasayahin si Yeye para
mawala na ang takot niya sa baha.
Isa pa, alam kong di na rin interesado sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-Tim
sa aking kuwento. Nawalan din sila ng bahay.
Tiyak na mas gusto nilang marinig ang aking kuwento tungkol sa aming
totoong bahay. Kung paano namin itong nagawa nina Tatay, Nanay, at Yeye.
Tiyak na mas gusto nilang makita ang aming bagong bahay.
Tiyak na may mga kuwento rin sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-Tim tungkol sa
kanilang mga bahay. Gusto kong marinig ang kanilang mga kuwento. Ako naman ang
makikinig sa kanila.
Kahit nawala ang aking mga bahay, nagpapasalamat pa rin ako dahil kasama ko
pa rin sina Tatay, Nanay, Yeye, at ang aking mga kaibigan.
Puwedeng mawala ang lahat na
bagay sa akin pero di ang aking
mahal na pamilya at ang
aking mga kaibigan .
Bakit maraming bahay sina
Koko?

Bakit naiinggit sa kaniya ang


mga kaibigan?

Paano nagbago si Koko?


Pagtatapos

Katulad ka ba ni Koko?
Bakit at paano?

Das könnte Ihnen auch gefallen