Sie sind auf Seite 1von 23

PAGSULAT NG ULO

NG BALITA
ULO NG BALITA
o HEADLINE

- ay ang pamagat ng balita.


- ito’y nasusulat sa lalong
malaking titik kaysa sa teksto
o katawan nito.
1. Malaking Titik (All Caps) – ginagamit
lamang ito kung lubhang napakahalaga
ang balita.

Hal.
AMA, INA
TODAS SA ANAK
2. Malaki-Maliit na Titik (Caps and Lower
Case or CLC) – kaakit-akit gamitin ang
istilong ito para sa Pamahayagang
pangmababang paaralan dahil sa laki ng
pahina.
Hal.

Seminar sa Pamamahayag,
Ginanap sa ACES
3. Pababang Istilo (Down Style) – ito ang
karaniwang ginagamit sa national dailies
at sa high school at college newspapers.

Hal.
Nagsasama ng ‘di kasal, dumarami
Kailangang umangkop
sa balita.

Kailangang magsaad ng
istorya o salaysay.
 Mailahad ang pinakabuod ng istorya sa
ilang salita lamang;
 Magamit ang ulo sa pagpapaganda ng
pahinang pangmukha, gayundin ang unang
pahina ng iba’t ibang seksyon ng pahayagan;
 Magamit ang ulo sa pagtingin ng
mambabasa sa isang iglap lamang ng mga
tampok na balita sa pahayagan.
1. Gumamit ng mga Mga Tuntunin
pandiwang tahasan at
masigla. sa Pagsulat
Hal.
Surigao, nilindol muna ng Ulo
bago binagyo

2. Maglagay ng
ng Balita
sariwang impormasyon
sa bawat ulo.
Hal.
12 pang partylist, diskwalipikado
3. Gumamit ng kuwit sa halip na pangatnig na at.
Hal.

Elma, Lerma kumubra ng ginto


4. Gumamit ng mga pandiwang panghinaharap sa
mga pangyayaring magaganap pa.
Hal.

Defense, bibili ng P61M combat uniform


5. Gumamit ng isahang panipi sa halip ng
dalawahang panipi.
Hal.

‘Baby Snatching’ sa Ospital, Kakalkalin


6. Gumamit ng maikli ngunit positibong salita sa ulo ng
balita.
Hal.
Makakaliwa, nakiisa
sa welga ng tsuper

7. Gumamit ng mga pandiwang pangkasalukuyan sa mga


pangyayaring nakaraan na.
Hal.
‘Mali’, pinababalik sa Thailand ni Miriam

8. Ang huwarang ulo ng balita ay kinakailangang


makapaglahad ng mensahe sa pinakamadali at magaang
paraan. Dahil dito’y kinakailangang di masira ang kaisipan
sa bawat linya.
1. Huwag paghiwalayin ang pariralang pandiwa.
Hal. 19 pang partylists, Tama: 19 pang partylists,
inalis ng inalis ng COMELEC
COMELEC
2. Huwag paghiwalayin ang pang-ukol at layon nito.
Hal. 2 tinedyer, nalunod sa Tama: 2 tinedyer, nalunod
pagsagip sa babae sa pagsagip sa babae
3. Huwag ihiwalay ang pang-uri sa salitang
inuuri nito.
Hal. Tatlong sundalong Tama: Tatlong sundalong kano,
kano, pinabalik sa Amerika pinabalik sa Amerika
4. Huwag paghiwalayin ang mga pangalang magkasama.
Hal. Nagwagi si Benigno C. Tama: Nagwagi si P-Noy
Aquino sa panguluhan sa panguluhan
5. Huwag paghiwalayin ang iisang salita sa pamamagitan
ng gitling.
Hal. Nananawagan sa sam- Tama: Nananawagan
bayanan sa sambayanan
si P-Noy si P-Noy
1. Iwasan ang pag-uulit ng isang salita sa ulo.
Hal. Isasapribado ang NPC Tama: Isasapribado ang NPC
iniuutos ng Senado iniuutos ng Senado
ang pagsasapribado
2. Iwasan ang pagsisingit ng kuru-kuro o opinion
sa ulo.
Hal. Matagal ang sumaklolong pulis Tama: Nangholdap ng bangko,
sa nangholdap ng bangko hindi inabutan ng pulis
hindi nila naabutan ang salarin
3. Iwasang gumamit ng daglat sa salitang di
gaanong kilala.
Hal. P-Noy , RC Tama: P-Noy, Renato Corona
nagkasabay nagkasabay
sa panonood sa panonood
ng concert ng concert
4. Iwasang magkaroon ng magkasalungat na
panahunan.
Hal. Lilitisin si Gob. Lapid
ng Ombudsman
Binawi ang lagak
ng kasangkot
Tama: Lilitisin si Gob. Lapid
ng Ombudsman
Babawiin ang lagak
ng kasangkot
5. Iwasan ang paglalagay ng ‘patay’ na ulo sa mga
buhay na salaysay.
Hal.
Nagtapos na may karangalan

Tama: Nebres, nagtamo


ng summa cum laude
sa pagtatapos
6. Iwasan ang paggamit ng mga pandiwang tulad ng
naging at kauri nito.
Hal. Gloria naging panauhin

Tama: Ispiker si Pangulong Arroyo


sa idinaos na pagtatapos sa UP
1. Bandila (Streamer o Banner) – ito ang ulo ng
pinakamahalagang balita sa pahayagan, karaniwang
ang mga salita nito’y nalilimbag sa pinakamalaki at
pinakamaitim na titik, kaya’t lagi itong
nangingibabaw sa unang pahina ng pahayagan.
2. Payong (Umbrella) – karaniwang ito ang
pangalawa sa kahalagahan ng balita sa pahayagan.
Matatagpuan ito sa itaas ng pahayagan na
sumasaklaw sa lahat ng nakalimbag sa pahinang
pangmukha nito.
3. Kicker – ito ang ulong nagpapakilala ng
pinakaulo ng balita. Karaniwan itong isang linya
lamang na nasa itaas ng pinakaulo ng balita.
Karaniwang maliliit ang titik nito kaysa sa punong
ulo ng balita, minsa’y nakahilig ang titik o kaya’y
may salungguhit.

4. Nakakwadrado o Nakakahong Ulo –


isang uri ng ulo na nakapaloob sa isang
kwadro na karaniwang ginagawa ng
patnugutan upang makatawag ng pansin, o
kaya’y nang makapagpaganda ng ayos ng mga
ulo sa pahina.
5. Crossline – iisahing linyang ulo na nasa
gitna ng kolum na karaniwa’y sumasakop
lamang ng dalawang-katlo (2/3) ng espasyo
ng linya sa kolum.

6. Ulo ng Karugtong (Jump Head) – Ito


ang uri ng ulo na matatagpuan sa ibang
pahina. Karaniwang ang ulong ito ay kahawig
ang dalawa o tatlong salita ng ulo sa unang
pahina.
7. Ulong Full Line – ito ang uri ng ulo sa
nakasukdol sa kaliwa’t kanang gilid ng kolum o
mga kolumnang saklaw; sa madaling salita’y
sakop nito ang buong kolum o mga kolum.
8. Ulong Pantay sa Kaliwa (Flush Left) – ito
ang uri ng ulo na pantay ang lahat ng linya sa
kaliwa. Karaniwan ito sa iisahin o dadalawahing
kolum.
9. Ulong Hagdang-Hagdan (Step Line) – uri
ito ng ulo na may dalawa o tatlong linya na ang
pagkakaayos ay bai-baitang.
 ½ YUNIT - jiltf at lahat ng bantas (maliban
sa em dash, dobleng panipi, at tandang
pananong); bilang 1.
 1 YUNIT - ?, espasyo, lahat ng numero (0-9),
(maliban sa 1, malaking titik na J at I) at lahat
ng maliliit na titik (maliban sa jiltf), m at w.
 1 ½ YUNITS - gatlang (dash), maliit na titik na m
at w, lahat ng malalaking titik maliban sa JIMW.
 2 YUNITS - Malaking titik na M at W.
 *Karaniwang isinusulat sa itaas, bandang kaliwa
ang instruksyon sa tagasulat ng ulo, kung ilang
kolum ang lalagyan, kung gaano kalaki ang tipo,
at kung ilang linya.
Mga Halimbawa:
 2-42-2 Arial - ito ay para sa 2 kolum, ang laki ng
tipong Arial ay 42 points, at 2 linya ang ulo.
 4-60-1 BB Rom m/k - ito ay para sa 4 na kolum,
ang laki ng tipo ay 60 points, isang linya lamang,
Bodoni bold, Roman ang titik at may kicker.
 Bumuo ng ulo ng balita mula sa
pamatnubay na:
Pinaniniwalaang mga buto ng
tao ang nahukay sa construction
site malapit sa Dormitory 13 ng
Manila City jail compound sa Sta.
Cruz, Maynila, kamakalawa ng
gabi.

Das könnte Ihnen auch gefallen