TUNTUNIN SA PAGBABAYBAY GUMAWA NG TIMELINE NG KASAYSAYAN NG ALAPABETONG PILIPINO
Panahon ng 1971 1987 Kastila 1890
Bago 1886 1940 2009
1976 ang Kastila GABAY SA PAGGAWA 1. Basahin ang ph 121 -135 Batayang aklat para sa Komunikasyon. 2. Piliin at sumulat ng buod / mahahalgang pangyayari sa kasaysayan ng alpabetong Filipino. 3. Ipasa ito sa blackboard na naka-MS word format. 4. Iwasan ang “copy-paste” mula sa google para sa inyong sagot dahil nasusuri ng application na ito kung ang isang gawa ay mula sa internet source. BAGO DUMATING ANG KASTILA 1. Ang kasaysayan ng ortograpiya ng wikang Filipino ay mula sa sinaunang panahong gumagamit ang mga Filipino ng katutubong paraan ng pagsulat na tinatawag na baybáyin. 2. Sa ulat ng mga misyonerong Espanyol, nadatnan niláng 100% letrado ang mga Tagalog at marunong sumulat at bumása sa baybáyin ang matanda’t kabataan, laláki man o babae. BAGO DUMATING ANG KASTILA 1. Ito ay binubuo ng labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga titik: 14 katinig at 3 patinig. BAGO DUMATING ANG KASTILA 1. Sila ay sumusulat sa mga kahoy o kawayan, malalaking dahon at sa lupa o bato gamit ang matutulis na bagay bilang panulat at dagta ng mga puno o halaman bilang tinta. 2. Hindi ito lubusang napalaganap dahil sa Kolonisasyon ng Kastila sa ating bansa. BAGO DUMATING ANG KASTILA Alibata o baybayin?
Baybayin ang tawag sa unang sistema ng
pagsulat ayon sa KWF o Komisyon ng Wikang Filipino. Ang alibata ay mula sa salitang alifbata na isang sistema ng pagsulat ng mga Arabo.
Baybayin - Kung ano ang bigkas siyang sulat,
Kung anong sulat siyang baybay Pag-aaral sa Baybayin Noong taong 1972, ang iskultor na si Guillermo Tolentino ay naglimbag ng kaniyang aklat na Baybayin at binigyang linaw niya ang bawat karakter nito. Sinimulan niya ito sa salitang may simbolo ng BATHALA – BA – kasarian ng babae LA – kasarian ng lalaki HA – martilyo gamit sa panghampas o pagdurog ng bato / hangin MA – isang pana na tanging malakas lamang ang nakagagamit
KA – dalawang linya na itinali bilang isa na basehan sa salitang
kasama, kaugnay, kakabit, kabiyak at katipunan
WA – pagtalikod sa kasamaan sa salitang wakas, wala, wasak
at watak
NGA – ingay ng hayop tulad ng baka at kalabaw (unga)
DA – dalawang linyang tuwid o nakaliko na repleksyion ng
dinaanan ng tao o hayop tulad ng salitang doon, dito, diyan at dulo. Gaano man katumpak o kalihis ang pag-aaral na ito sa mga karakter ng Baybayin, hindi maitatatwang may pinagmulan ang bawat titik nito.
Dahil sa pangyayaring ito, nailimbag ang Doctrina
Christiana (1593) – dasal at tuntuning Kristiyano sa paraang Baybayin. PANAHON NG KASTILA 1. Napalitan ang Baybayin ng Alpabetong Romano – ang pinakamahalagang impluwensiya ng mga Kastila. Ito ay tinawag na Abecedario. 1886 1. Ang kaalaman ni Jose Rizal sa maraming wika, kasama ang wikang Pilipino, ginamit niya ang isina-Pilipinong ortograpiya para maisalin sa tagalog ang William Tell ni Schiller at Fairy Tales ni Andersen. 1886 1886 1890 1. Nailathala ang Sobre la Nueva Ortografia dela Lengua Tagala (Bagong Ortograpiya ng Wikang Tagalog). Inilahaad dito ang reporma sa ortograpiyang Tagalog na binubuo ng 5 patinig at 15 katinig. Binigay ni Rizal ang kredit na ito kay Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera. 1940 1. Nailathala ni Lope K. Santos ang Balarila at naging batayan ang abakada ni Jose Rizal. 2. Idinagdag sa orihinal na mga titik ang katinig na R kasama ng 5 patinig at 20 katinig. A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, O, P, R, S, T, U, W, Y 3. Ang bawat katinig nito ay binibigkas nang may kasama ng patinig na A gaya ng /A/ , /Ba/, /Ka/, /Da/ atbp. IMPLUWENSIYANG ESPANYOL 1. Pagkakaiba ng /e/ at /i/, /o/ at /u/. Ito ay dahil sa matagal na panahong pagtuturo kaugnay sa wikang Espanyol. Ang magkaibang tunog ng E - I at ng O - U, naiiba ang kahulugan ng salita dahil sa mga titik na ito: mesa misa rota ruta 2. Hindi isinama sa abakada ang mga letrang C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z. Nanatili ito sa pangngalang panatangi tulad ng Carmen, Pacheco, atbp. Marami sa mga salitang hiram sa Espanyol ay tinapatan ng tunog sa mga titik na abakada. Hiram na titik Titik Tagalog Salitang Baybay Tagalog Espanyol C k- calesa kalesa s- cine sine CH ts- cheque tseke s- chinelas sinelas F p- fiesta pista J h- jusi husi LL ly- billar bilyar y- caballo kabayo Ñ ny- baño banyo Q k- queso keso RR r- barricada barikada V b- ventana bintana X ks- experimento eksperimento s- xilofono silopono Z s- zapatos sapatos 1971 1. Itinatag ang Lupong Sanggunian na magsasagawa sa pag-aaral tungkol sa wika dahil nadama na hindi sapat ang datiing Abakada sa malawakang panghihiram ng mga salita at sa pagbabaybay ng mga pantanging pangngalan. 2. Iminungkahi nilang idagdag ang mga titik: C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z. 1976 1. Nagpalabas ng bagong gabay sa Ortograpiya na pinamagatang “Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino” na nagalaman ng 31 titik, na dagdag na 11 titik na napagkasunduan 1987 1. Naglathala ng 28 ang mga titik sa gabay na Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Tinanggap nila ang mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z. 2. Tinawag itong ”modernisadong alpabeto” at ipinababasa ang mga titik na ito sa paraang Ingles maliban sa Ñ na alpabetong Espanyol. 3. magagamit ang “modernisasyon” o panghihiram ng mga teknikal at siyentipikong salita mula sa mga wikang pandaigdig. 2009 1. Patuloy na ginamit ang pamantayan sa titik ng alpabetong Filipino, 28 titik at binibigkas ng pa-Ingles maliban sa Ñ. 2. Ngayon patuloy ang pag-aaral ng mga alpabetong Filipino. Malabanan, Joel Costa (n.d). KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO. ___________ (2014). Ortograpiyang Pambansa. Komisyon ng Wikang Pambansa