Sie sind auf Seite 1von 8

PALIWANAGIN LAGI ANG

ILAW IRI 77
Paliwanagin lagi ang taglay
mong ilaw,
Tanglawan nasa kadiliman,
Sa aral ni Cristo ay iyong
pasilayan,
Puso at diwang nasinsay.
Paliwanagin ang ilaw,
Paliwanagin sa buhay;
Upang ang karimlan ay
lubos na maparam,
Paliwanagin ang ilaw.
Kung ang ilaw mo ay nais na
mangulimlim,
Kay Jesus ikaw’y manalangin;
Ang malabong sinag ay
paliliwanagin,
Kanyang gagawing
magningning.
Paliwanagin ang ilaw,
Paliwanagin sa buhay;
Upang ang karimlan ay
lubos na maparam,
Paliwanagin ang ilaw.
H’wag mong lilimutin na
ikaw’y isang ilaw
Sa mundong nasa
kasalanan;
Kilos at diwa ay laging
pasubaybayan
Sa Dios na ating patnubay.
Paliwanagin ang ilaw,
Paliwanagin sa buhay;
Upang ang karimlan ay
lubos na maparam,
Paliwanagin ang ilaw.
Ang munti mong dingas ay
h’wag pababayaang
Mainis ng hilig sa layaw;
Sa pamumuhay mo ay
iyong pagsakitang
Paliwanagin ang ilaw
Paliwanagin ang ilaw,
Paliwanagin sa buhay;
Upang ang karimlan ay
lubos na maparam,
Paliwanagin ang ilaw.

Das könnte Ihnen auch gefallen